;
embed embed2
  • Ito Ang Kailangan Para Magamit Ng Legitimate Child Ang Apelyido Ng Nanay, Ayon Sa Abogado

    Nauna nang sinabi ng Supreme Court na maaaring gamitin ng legitimate child ang alin man sa apelyido ng kanyang mga magulang.
    by Jocelyn Valle .
Ito Ang Kailangan Para Magamit Ng Legitimate Child Ang Apelyido Ng Nanay, Ayon Sa Abogado
PHOTO BY Shutterstock
  • Nabigyan ng pag-asa ang legitimate children na nais gamitin ang apelyido ng kanilang nanay sa pagkadalaga. Dahil ito sa Supreme Court (SC) ruling na nailathala nitong February 24, 2021.

    Pahayag ni Justice Marvic M.V.F. Leonen sa kanyang 15-page decision na ayon sa batas, entitled ang legitimate child na gamitin ang apelyido ng alin man sa kanyang mga magulang. (Basahin dito.)

    Tulad ng petitioner sa “landmark case” na pinag-ugatan ng SC ruling, may mga lehitimong anak na solong pinalaki ng mga nanay nang maghiwalay ang mga magulang ang gustong dalhin ang apelyido ng kanilang single mothers.

    Paano magpapalit ng apelyido

    May legal na proseso ang pagpapalit ng apelyido. Kaya sabi ni Atty. Marjorie de Castro sa interview niya sa SmartParenting.com.ph na kailangang “mag-file ng case for change of surname” sa Regional Trial Court (RTC) kung saan ipinanganak ang bata.

    Sa paghain ng petisyon sa korte, dagdag ng abogada, maaaring banggitin ang landmark case bilang “ground for the change in surname.” 

    Paliwanag pa niya na kung ang petisyon ay “sufficient in form and substance,” maglalabas ang korte ng order para mapadalhan ng kopya ng petisyon ang mga sumusunod:

    • Civil Registrar General
    • Local civil registrar (kung saan pinanganak ang petitioner)
    • Office of the Solicitor General
    • Father of the child (kung kinikilala niya ang petitioner bilang anak)

     

    Binibigyan ng korte ang tatay na magkomento sa petisyon ng anak na pagpapalit ng apelyido. 

    Ang tungkulin naman ng petitioner ay ipalathala ang petition sa isang “newspaper of general circulation” isang beses sa tatlong magkakasunod na linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala ni Atty. de Castro na hindi puwedeng madaliin ang proseso. Patutunayan pa raw  na ang kagustuhan ng petitioner na magpalit ng apelyido ay hindi upang tumakas sa obligasyon o para manloko o manlito.

    Ngunit dahil lamang talaga sa mga pamantayan na nakasaad sa decision ng Supreme Court sa Anacleto Ballaho Alanis III vs. Court of Appeals. 

    Tinataya niyang tatakbo ang kaso sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon, pero depende pa rin daw sa ipiprisintang ebidensya o kung may tututol sa petisyon. Malamang din daw na hindi aabot sa Php100,000 ang gastos para sa kaso.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles