embed embed2
  • Regine Tolentino Nanganak Ng Isang Baby Girl Nitong Marso

    Tatlong babae na ngayon ang anak ng actress-dancer.
    by Jocelyn Valle .
  • Nagsilang ng baby girl via C-section si Regine Tolentino nitong March 17, 2020 na pinangalanan niyang Rosie. Ikatlong anak ng 39-year-old celebrity mom si Rosie, kasunod ng panganay na si Reigne, 20, at Reigen, 19. 

    Ibinahagi ni Regine ang magandang balita sa kanyang Instagram account lampas dalawang linggo makalipas niyang manganak. Kalakip sa kanyang April 5 post ang litrato ni Baby Rosie na kuha sa delivery room at ang mensahe ng pag-asa sa gitna ng panahon ng walang kasiguraduhan at matinding pangamba dulot ng COVID-19 pandemic.

    Aniya sa caption, “At a time of uncertainty and anxiety, everyone is looking for a spark of hope, a miracle that will raise our spirits and make everything better. This blessing can come in any shape or form. Ours came on March 17, 2020 at 9:25 p.m.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Bumuhos ng pagbati sa comments section mula sa kanyang kapwa artista at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Ang ilan sa mga well-wishers ay nagpahayag ng pagkagulat sa pagiging ina muli ni Regine, na isa ring TV-event host, couturier, dancer, at licensed dance fitness instructor.

    Lahad ni Claudine Barretto: “OMG! I didn’t even know you were pregnant. Anyhow, congratulations.”

    Sabi naman ni Giselle Sanchez: “Congratulations @reginetolentino! When I saw you last, I just thought you gained a few pounds. You were pregnant na pala. Wow!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kasalo ni Regine ang older kids na sina Reigne at Reigen sa ligayang hatid ng pagsilang ni Baby Rosie. Ni-repost ni Reigne ang litrato ng sanggol sa delivery roon at naghayag ng paghanga sa kanyang bunsong kapatid. Aniya sa caption, “Isn’t she lovely.”

    Samantala, nag-post naman si Reigen ng litrato ni Baby Rosie nang makauwi na ang sanggol sa kanilang tahanan at kuha ito sa kama. Simpleng pahayag niya sa caption, “Welcome home, Rosie.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sina Reigne at Reigen ay mga anak ni Regine sa dating asawa na si Lander Vera-Perez, isang aktor. Ikinasal sila Regine at Lander noong October 1997. Ayon sa media reports, nagkahiwalay sila noong 2001 ngunit nagkabalikan ng 2013. Muli silang nagkahiwalay noong 2014 at tuluyan nang sumailalim sa proseso ng annulment.

    Bagamat hindi binanggit ni Regine ang ama ni Baby Rosie sa kanyang IG post, ni-repost naman ito ng kanyang karelasyon ngayon na si Dondi Narciso. Ginamit din niya ang caption ni Regine. Ayon sa kanyang IG profile, isang filmmaker, photographer, at biker si Dondi. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles