embed embed2
  • Kumpleto Sa Nutrition Ang Relief Pack Para Sa Mga Bata At Buntis Sa Mabalacat, Pampanga

    Layunin ng siyudad na tugunan ang kakulangan sa nutrisyon sa panahon ng krisis ngayon.
    by Jocelyn Valle .
Kumpleto Sa Nutrition Ang Relief Pack Para Sa Mga Bata At Buntis Sa Mabalacat, Pampanga
PHOTO BY Mabalacat City News CoVid19 Updates / Facebook
  • Sa gitna ng kalamidad na hatid ng COVID-19 pandemic, pinagtuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Mabalacat City sa Pampanga ang mga residenteng bata na kulang sa timbang at buntis na kulang sa nutrisyon.  

    Kaya naman ang City Nutrition Office, sa pamamagitan ng kanilang Dietary Supplementation Programs for Children and Pregnant Women, ay namahagi ng tinatawag nilang Nutripack sa mga nasabing residente ng siyudad na pinamumunuan ni Mayor Crisostomo C. Garbo

    Ang Nutripack, ayon sa April 7, 2020 post ng Mabalacat City News COVID-19 Updates Facebook Page, ay relief pack na nagbibigay ng complete nutrition sa mga beneficiary nito.

    More from Smart Parenting

    Naglalaman ang relief pack ng sariwang gulay, prutas, tinapay, itlog, iodized salt, at ready-to-use supplementary food (RUSF).  May dagdag na multivitamins syrup para sa mga bata, at mayroong sulfate + folic acid tablets para naman sa mga buntis.

    Ang mga gulay — tulad ng sitaw, kamote, pechay, at ampalaya — ay nanggaling sa ani ng mga magsasaka ng Mabalacat City sa pagkikipagtulungan ng City Agriculture Office. Layunin kasi nila na itayugod ang mga produktong lokal ng siyudad at matulungan ang mga magsasaka habang sinisiguro ang kalidad ng mga gulay sa relief pack.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga prutas naman — tulad ng saging, mansanas, apple, pear, at lemon — ay mula sa mga tindera sa lokal na palengke sa pakikipag-ugnayan sa City Public Market Office.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    More from Smart Parenting

    Sa pamamagitan ng pamimigay ng NUTRIPACK, ayon pa sa Facebook post, ay nais ipaalala ni Mayor Garbo sa kanyang kapwa Mabalaquenos ang kahalagahan ng proper nutrition lalo na sa panahon ngayon ng health crisis. Aniya, makakatulong ang pagiging malusog at malakas ng bawat pamilya at indibidwal bilang proteksyon laban sa COVID-19. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Batay sa pinakahuling datos na nakatala sa Mabalacat City News COVID-19 Updates Facebook Page, mayroon isang confirmed case ng coronavirus infection sa siyudad. Mayroon namang anim na Persons Under Investigation (PUI). Isa sa kanila ay severe case at lima ang mild lamang.

    Ang Persons Under Monitoring (PUM) na kasalukuyang sumasailalim ng 14-day quarantine ay 154. Samantalang ang mga PUM na nakakumpleto na ng 14-day quarantine ay 494. 

    Updated din sa Facebook page ang tuloy-tuloy na disinfection efforts sa iba-ibang parte ng siyudad, partikular sa mga ospital at terminal ng bus. Patuloy din ang pamimigay ng relief goods, kabilang ang isang sako ng bigas para sa bawat sambahayan.  

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles