Hindi talaga maikakaila ang katotohanan ng kasabihang ‘It takes a village to raise a child.’ Bagaman araw-araw na namin itong nakikita sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, mas nasaksihan pa namin ito ngayon dahil sa kalamidad na idinulot ng pagputok ng bulkang Taal.
Bukod kasi sa pag-iipon ng mga donasyong tulad ng mga damit, pagkain, at laruan, talaga namang puspos din ang mga ina sa Village para magtulong-tulong sa pangangalap ng breast milk para sa mga baby na nasa evacuation centers.
Ilan sa mga inang nakilala namin na naghahanap ng mga donasyon ay sina mommy Caitlin Ong at si mommy Carla de Austria. Ibinahagi ni mommy Caitlin sa Breastfeeding Pinays ang listahan ng mga Facebook groups na pwedeng pagdalhan ng breast milk donations, habang si mommy Carla naman ang nagbahagi ng post ni mommy Caitlin sa Smart Parenting Village. Narito ang ilan sa mga grupong pwede mong lapitan kung mayroon ka mang breast milk stash na gusto mong i-donate:
National Capital Region (NCR)
Arugaan
Facebook: @Arugaan-1691994124373498
Address: No. 12 Natib Street Brgy Kaunlaran Cubao QC
Bukod pa sa mga grupo at Facebook pages na ito, maaari ka ring makipag-ugnayan sa Philippine Red Cross Cavite Chapter, Provincial Government of Batangas, at Caritas Manila, kung gusto mong mag-donate ng mga sumusunod:
CONTINUE READING BELOW
watch now
Face masks
Towels
Bottled water
Sleeping mats and blankets
Easy-open canned goods
Cup noodles
Biscuits
3-in-1 coffee sachets
Cleaning materials
Hygiene kits (toothbrush and toothpaste, soap, sanitary napkins, and diapers)
Clean and decent clothing
I-click mo lang ang link na ito para sa iba pang ahensya na pwede mong kausapin para tumanggap ng iyong mga donasyon. Pwede mo ring ilagay sa comments section kung may mga alam kang naghahanap ng donasyon.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.