;
embed embed2
  • Sabi Ni Kylie Padilla, ‘Far From Instagrammable’ Ang Kanyang Reality

    May dalawang anak na lalaki si Kylie at kanyang asawang si Aljur Abrenica.
    by Jocelyn Valle .
  • Tinapat ni Kylie Padilla ang kanyang Instagram followers sa pagsasabing malayo sa glamorosong mundo ng showbiz ang pang-araw-araw niyang buhay bilang isang nanay.

    Ang aktres at ang kanyang asawang si Aljur Abrenica, aktor at musikero, ay may dalawang anak na lalaki: Alas, 3, at Axl, 1.

    Nag-post si Kylie ng ilang litrato niyang nakasuot ng maluwag at tila may butas na gray T-shirt. Halata rin ang mga basang parte ng kanyang kamiseta, na tinernohan niya ng itim at maaliwalas na pantalon.

    Saad niya sa caption, "My reality as mum is a lot less glamorous than I choose to lead on. This is it."

    Dagdag niya, "This is how I look after giving my kids a bath because most of the time it becomes play time and well we are all wet by the time they are done showering."

    Diin pa niya, "This is my reality. It’s not picture perfect. Far from Instagramable but it’s just how it is."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Panay positibo naman ang nakuhang tugon ni Kylie sa comments section. May mga kapwa nanay siyang nagsabi na nakaka-relate sila sa "reality of mom's life." Ika nga ng isa sa kanila, 'I’m soaking with all the waters and soap plus sweat."

    Sa iba pang post ni Kylie, makikita ang kanyang no-makeup look at candid moments ng kanyang mga anak, pati na ang ilan niyang mahal sa buhay.

    Kuwento ni Kylie na paborito nilang mag-iina na bonding time ang paliligo sa mga bata tuwing umaga. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles