embed embed2
  • Sarah Geronimo, Naging Masunuring Anak Sa Mga Magulang

    Ipinakita ni Sarah noon pa man ang pagpapakumbaba sa kagustuhan ng magulang
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Ikinasal si Sarah Geronimo, 31, sa kanyang nobyo ng anim na taon na si Matteo Guidicelli, 29, noong February 20, 2020, at naging laman ito ng balita dahil sa kaguluhang nangyari pagkatapos ng reception na diumano'y nagsimula nang dumating ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, na tutol sa kasal.

    Sa social media, marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa pangyayari dahil imbes na maging masaya ang araw na ito para sa bagong mag-asawa ay naging marahas at puno ng luha pa ito. Di maiiwasang mabansagang “kontrabida” si mommy Divine ng mga netizens dahil dito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero hindi ito ang unang beses na ganito ang naging tingin ng mga tao kay Divine dahil daw sa panghihimasok niya sa buhay pag-ibig ng kanyang anak. Naging maingay din ang balita tungkol sa paghadlang nito sa relasyon ni Sarah noon kay Rayver Cruz, at pagkatapos kay Gerald Anderson. Pero nanatiling mapagpakumbaba at masunuring anak si Sarah sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. 

    More from Smart Parenting

    Sa isang interview ng talk show host na si Boy Abunda kay Sarah sa "The Buzz" ng ABS-CBN noong 2013, napag-usapan ng dalawa ang tungkol dito. Ano nga ba ang reaksyon ni Sarah noon kapag sinasabing kontrabida ang mga magulang niya?

    “Noong umpisa po, napakasakit, kasi alam mo naman kung ano ang totoo. May phase pa na nahahati ka. Nahahati ka sa sinasabi ng ibang tao sa sarili mong pamilya.

    “Pero dumating ako sa pagkakataon na buong-buo ako, buong-buo ‘yung paniniwala ko sa pagmamahal ng pamilya ko sa akin, ng mga magulang ko, na the best lang ang gusto nila para sa akin.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inilahad ng singer na naiintindihan niya kung bakit ganun na lang ang pag-iingat ng kanyang mga magulang sa kanya. Tunay na walang magulang ang naghangad ng masama para sa kanyang anak. 

    Gayunpaman, ninanais din daw niya na balang araw ay payagan siyang gumawa ng sarili niyang desisyon, partikular sa pagpili ng taong mamahalin niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    “Para sa akin na lang po siguro, at 25, parte talaga na you have to make your own decisions — lalo na sa pag-ibig. Siguro noong unang panahon. Pero ngayon, hindi ka na madidiktahan kung sino ang gugustuhin mo, kung kanino ka mai-in love, kung sino ang mamahalin mo.” 

    Dagdag niya, magiging mas madali ang pagpili kung makakahanap siya ng taong karapat-dapat mahalin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ang importante na lang, sana mapatunayan mo na tama ‘yung desisyon mo, na tama ‘yung taong minahal mo. At sana ganoon din ‘yung taong magmamahal ‘di ba? Papatunayan din ang sarili niya.”

    At ngayon nga na siya ay pumili na ng taong kanyang mamahalin habang buhay sa katauhan ni Matteo (nag-shopping na sila para sa kanilang bahay), umaasa ang marami sa kanyang mga kaibigan at fans na maayos na ang gulo at tuluyan nang maging masaya ang premyadong singer sa piling ng kanyang asawa.

    Panoorin ang interview dito:

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles