embed embed2
  • Naging Bikitima Ng Scam Si Jolina Magdangal Ng Isang Online Plant Seller

    Hindi nakarating ang order niyang cacti.
    by Jocelyn Valle .
  • Katulad ng marami, naging "halamom" o plantita si Jolina Magdangal nitong nakaraang 2020. Pinakita niya kamakilan ang kanyang munting collection (basahin dito), at makikitang hilig nya ang cacti.

    Ramdam mo rin ang saya na dinudulot nito kay Jolina sa kanyang mga caption. At nabanggit ng aktres na meron siyang cactus na hinahahap, ang tinatawag na "golden barrel cactus."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang makita niya ito sa bentahan sa Facebook, nagpadalus-dalus siya sa pagbili pero sa kasamaang palad, may nagsamantala sa aktress sa kanyang passion ngayon.

    Lahad ng actress at TV host, "scam" pala yun ng isang online plant seller. Mabuti na lang daw ay may iba pang plant seller na nag-grant ng  “isa sa wish ko na mga cactus.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pahayag ni Jolina sa isang Instagram post, kung saan nasa kamay na niya ang potted golden barrel (gb) cactus, “Iba ang appreciation ko ngayon sa pagkakabigay sa ’kin nito dahil last Sunday, na SCAM ako ng isang seller ng mga cactus sa FB Marketplace sa kagustuhan ko makabili.”

    Kuwento pa niya, “May isang seller na nagbebenta ng sobrang mura. Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 gb at 7 pang kakaibang cactus. Ang ayos kausap. English speaking pa. Mode of payment ay Gcash.

    “Hapon, ang huling text n'ya ay pa-deliver na ang mga order ko. At ’yun na ang huling text n’ya. Nagme-message ako nung gabi hanggang Monday after lunch. Wala na…Pinatay na ang tawag sa Gcash number na binigay n’ya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Humingi ng tulong si Jolina sa kanyang asawa na si Mark Escueta para makipag-ugnayan sa plant seller sa pamamagitan ng parehong selling platform. Nagpanggap na mago-order si Mark, at sumagot naman ang plant seller. Pero pag kay Jolina, wala raw sagot.

    Nang magtanong daw si Mark, “Asan na mga order ng asawa ko?” hindi na rin sumagot ang plant seller hanggang hindi na siya matunton ng mag-asawa. 

    Maliwanag na isang scam ang naganap, sabi ng mom of two, at unang beses iyong nangyari sa kanya. Kaya naman napasabi siya ng, “Ganito pala feeling.”

    Nagbigay ng mensahe si Jolina sa plant seller na “Samantha” ang gamit na pangalan sa kanilang business transaction sa pamamagitan ng mobile wallet app.

    Aniya, “Maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi 'yan ang paraan para kumita ka.

    "Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account pero malamang itutuloy mo pa rin 'yang panloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat-lahat. At pinagdasal na kita sa kanya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pinasalamat namn ni Jolina ang kanyang Instagram followers sa pagbabasa ng kanyang post at pinaalalahanan na “ingat tayong lahat.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles