embed embed2
  • 'And It Hurt Me, Syempre, May Unfollow-Unfollow,' Sharon Cuneta On KC Concepcion Instagram Issue

    Sharon says, “I would die for her, for Frankie, for Miel, and Miguel if I have to. Silang apat lang ang papayag akong mamatay…”
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
'And It Hurt Me, Syempre, May Unfollow-Unfollow,' Sharon Cuneta On KC Concepcion Instagram Issue
PHOTO BY Instagram / reallysharoncuneta, kristinaconcepcion
  • Nagsalita na si Sharon Cuneta kaugnay ng isyung pag-unfollow ng panganay niyang anak na si KC Concepcion sa stepfather nitong si Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan.

    Kinumpirma ni KC ang pag-unfollow niya kina Kiko at Frankie sa isang online interview noong August 29, 2023.

    Hindi tinumbok ni KC ang dahilan pero sinabi niyang gusto lang niya ng peace of mind, maging masaya, at ayaw ng madrama.

    Sa presscon ng Dear Heart The Concert, ang upcoming concert ni Sharon at ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion, nitong Biyernes, September 15, 2023, ipinahayag ng Megastar ang kanyang saloobin tungkol sa isyu.

    Naging maingat si Sharon sa mga binitiwan niyang salita, pero malaman ang kanyang pahayag.

    Bungad niya, “Ito na lang sasabihin ko, like I said in my post, uulitin ko na lang, di ba, sabi niya [KC] hindi naman talaga kami perfect? Wala naman, e.”

    What other parents are reading

    Binanggit ni Sharon na lumaki siya nang maayos dahil sa gabay ng kanyang mga magulang at mga taong nagmamahal sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tila nais ipahiwatig ni Sharon na importante ang paggabay sa mga anak.

    “So, siguro nagkaroon lang ng konting, let's just say—okay, first of all, among my children, KC is the one that is the most... let's just say she's the opposite of me,” maingat na paliwanag ng Megastar.

    “Ang lakas ng dugo ng Papa [Gabby] niya. Kaya sila magkasundo. They're the same, for better or for worse, they're the same.

    “Sometimes, pag pinapaalalahanan ang isang tao ng amain, anak, kapatid, mommy, merong mga tao na ayaw nila ng…” natigilan si Sharon.

    “I have to be careful [with my words]…” sabi niya, na halatang ingat na ingat sa mga bibitawang salita.

    Pagpapatuloy niya, “Ganun lang, pagtatampuhan, so ganun lang yun.”

    Pero aminado siyang nasaktan siya sa ginawa ni KC.

    Ani Sharon, “And it hurt me, siyempre, may unfollow-unfollow.

    “Pero pamilya kami, this is a family matter…”

    Kinilala ni Sharon ang pagiging malapit ngayon ni KC sa biological father na si Gabby.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ayon pa kay Sharon, naghiwalay man sila noon ni Gabby ay hindi niya pinigilan ni minsan ang dating asawa na mabisita ang anak nilang si KC.

    Umikot naman daw ang buhay noon ni Sharon sa pagpapalaki kay KC.

    “So, marami na akong natiis, marami na akong puwede nagawa noon, pero hindi ko ginawa because of KC.

    “Lahat ng desisyon ko sa buhay noong araw, because of KC. Because of KC...” diin ni Sharon.

    Dagdag niya, “She was my whole world.”

    Masaya man daw siya sa magandang relasyon nina KC at Gabby, sana raw ay huwag kalimutan ni KC ang mga sakripisyo ni Sharon noon.

    Nananalig naman daw si Sharon na napalaki niya nang tama ang panganay na anak.

    Iginiit ni Sharon na wala siyang paborito sa kanyang mga anak, at handa raw siyang ialay ang kanyang buhay sa mga ito.

    Ani Sharon, “And since I’m a mother first, I love KC very, very much.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “I would die for her, for Frankie, for Miel, and Miguel if I have to. Silang apat lang ang papayag akong mamatay…”

    SHARON APOLOGIZES TO KIKO

    Humingi rin ng paumanhin si Sharon sa kanyang mister na si Kiko.

    Pag-amin ni Sharon, nadawit ang pamilya ni Kiko sa kontrobersiya dahil lumaki ang isyu ng pag-unfollow ni KC sa kanyang stepdad.

    Aniya, “I wanna apologize to Kiko and the Pangilinan clan kasi nadawit dahil dun sa pagka-public noong pag-unfollow. It's really just a small thing that got a bit out of hand.

    “And it's a family matter. So, whatever it is, I will always support my daughter, I will always love her and I will always be her mom, and tell her what she's doing right, and tell her what she's doing wrong until she’s 80 and I’m alive.”

    May hiling din si Sharon kay KC: “And request ko lang kay KC, do not forget lang everything you learned from me, everything you learned from Mita [the late Elaine Cuneta] and Tatay [the late Pablo Cuneta].

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Accountability, word of honor, honesty, loyalty, and we are your family—your daddy [Kiko] and your siblings love you. I hope whatever it is, [it will be] fixed as soon as possible.

    “If you want respect, you have to be respectful. It’s earned. If you want to be trusted, you need to earn it.”

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close