Simula sa Pebrero 2023, aasahan nang ipatupad ang Expanded Solo Parents Welfare Act, partikular ang mga regulation na may kinalaman ang Bureau of Internal Revenue.
Nagsimula nang magpanawagan ang BIR sa mga establishments para bigyan ng discounts at tax privileges ang mga qualified na solo parents, base sa isang revenue regulation noong January 18.
Magkakaroon ng 10 percent discount sa mga basic necessities ang mga solo parents na may anak na 6 na taon pababa at kumikita ng hindi hihigit sa P250,000 kada taon o P20,000 kada buwan.
Ayon sa BIR, ang mga basic necessities na tinutukoy nila ay gatas para sa bata, food supplements, diapers, gamot, vaccines at iba pang medical supplements.
Magiging exempted din ang mga solo parents sa value-added tax o VAT sa mga piling produkto. Ibig sabihin, ang mga VAT-registered stores ay dapat bigyan ang mga solo parents ng net selling price, bukod sa 10 percent discount.
Para makakuha ng mga benepisyong ito, ang solo parent ay dapat mayroong Solo Parent Identification Card (SPIC) bilang patunay. Maaari ding hingin ng mga establishment ang solo parent booklet, na iniisyu kasabay ng SPIC.
Ayon sa BIR issuance, ang regulation na ito ay dapat maipatupad 15 days matapos itong mailathala sa pahayagan. Noong January 23 ay nailathala na ito sa Manila Times, kaya ang mga exemptions na ito ay dapat magsimula na sa Pebrero.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Basahin dito kung sino paano makakuha ng solo parent ID.
Narito pa ang ibang benepisyo kung ikaw ay isang solo parent.
Ayon sa data, mayroon higit kumulang 15 million solo parents sa Pilipinas, kung saan 95 percent ay babae.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.