embed embed2
SSS Advisory: May Delay Sa Pagbibigay Ng Pension, Benefits Na Isinumite Simula August 25
PHOTO BY Shutterstock
  • Nagbigay ng abiso ang Social Security System (SSS) tungkol sa antala ng pagbibigay ng pensyon at mga benepisyo na isinumite simula August 25, 2022.

    Ayon sa ipinadalang media advisory ng SSS, kasalukuyang inaayos ang pagbabalik ng koneksyon, o connectivity, sa pagitan ng SSS servers at disbursement banks, o iyon mga bangko kung saan makukuhha ang pensyon at mga benepisyo.

    Read also: How To Enroll Your Bank Account In SSS Online

    Nagkaroon kasi ng sunog noong August 28, 2022 sa may UPS Room sa ground floor ng SSS Building sa Quezon City.

    Kaya humihingi ng pasenya at pang-unawa ang SSS. Sinisikap daw nilang maayos ang aberya nang bumalik sa normal na operasyon ang pagbibigay ng pensyon at mga benepisyo.

    Samantala, may magandang balita mula sa Development Bank of the Philippines (DBP). Ito ang bangkong naatasan ng SSS sa pagbibigay ng buwanang pensyon.

    Natapos ng DBP ang proseso ng pagbibigay ng pensyon sa unang batch para sa buwan ng September 2022. Sinimulan naman ang ikalawang batch nitong September 16.

    Inanunsyo din ng SSS na full operation nang muli ang online filing sa pamamagitan ng My.SSS portal simula September 1. Maaaring magsumite ng pagkuha ng benepisyo gamit ang nasabing portal.

    Read also: Send Your SSS Maternity Benefits Application Online

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles