embed embed2
  • Pwede Ka Mag-Apply Ng SSS Salary Loan Mo Online (Pinadali Na!)

    Mas madali mong makukuha ang iyong salary loan privileges kung registered ka na online.
    by Ana Gonzales .
Pwede Ka Mag-Apply Ng SSS Salary Loan Mo Online (Pinadali Na!)
  • Kamakailan ay naglabas ng paalala ang Social Security System o SSS tungkol sa kahalagahan ng online registration ng lahat ng miyembro. Ayon sa ahensya, kung gusto mong mas mapadali ang mga transaksyon mo sa kanila, siguraduhing naka-register ka na sa kanilang website na My.SSS.  

    Mas lalo pa nilang pinaigting ang paghikayat sa mga miyembro na mag-register ngayong maaari nang mag-apply ng SSS salary loan online. Sa pahayag ng SSS president at chief executive officer na si Aurora C. Ignacio, sinabi niyang bahagi ito ng kanilang mga hakbang para mas maging madali ang pag-aapply ng mga miyembro.

    More from Smart Parenting

    “In line with our commitment to make our services readily available to our members anytime and anywhere right at their fingertips, we are reminding our members that the salary loan is now available via online application through the My.SSS facility,” sabi niya.

    Ayon sa SSS Circular 2019-014 na inaprubahan ng Social Security Commission (SSC), lahat ng miyembrong gustong mag-apply ng salary loan ay required na mag-register at magpasa ng kanilang applications online. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinaliwanag ni Ignacio na hindi na kailangan ng mga miyembro na bumisita sa mga physical branches ng SSS. Ang kailangan lang nila ay mag-register sa My.SSS at piliin ang salary loan application. Para sa mga self-employed, voluntary, at Overseas Filipino Workers (OFWs), magsisimula ang pagproseso ng salary loan application pagkatapos mag-submit online. Para naman sa mga employed na miyembro, kailangang i-certify ng employer ang loan application sa pamamagitan ng My.SSS bago maproseso ang loan.

    More from Smart Parenting

    Ayon pa kay Ignacio, kapag naaprubahan na ang loan, makakatanggap ang miyembro ng confirmation text o email mula sa SSS. Sa ngayon, cheke ang matatanggap ng mga miyembro pero kapag tuluyan nang naayos ang bagong sistema ng pension fund, lahat ng loan proceeds ay maaari nang makuha sa pamamagitan ng UMID-ATM with EMV capability o ‘di naman kaya ay diretso na sa savings account ng miyembro. 

    “The salary loan is one of our most popular programs in SSS that is why we have decided to enhance its features, allowing our members to maximize their time doing other things while waiting for their loan approval without the hassle of queuing in SSS branches,” pahayag ni Ignacio.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ayon sa mga ulat na mayroon ang SSS, mahigit isang milyong miyembro ang nag-apply ng salary loan mula Enero hanggang Setyembre nitong taon at mahigit Php29,000 bilyong loans ang nirelease sa mga member-borrowers—patunay na talagang ito ang pinakamadalas na loan na inaaplayan ng mga miyembro.

    “Under the program, members may borrow up to twice the average of their 12 latest posted monthly salary credits. It is payable in 24 monthly installments with an interest rate of 10 percent per annum based on its diminishing principal balance,” paliwanag ng ahensya.

    More from Smart Parenting

    Para maging qualified na makakuha ng salary loan, kailangang ang miyembro ay 65 taong gulang pababa, hindi pa nakatanggap ng mga tinatawag na final benefit tulad ng permanent disability at retirement or death. Kailangan ay wala ring record ang miyembro ng ano mang krimen laban sa SSS. Mahalaga ring updated ang contributions at bayad ng miyembro, lalo na pagdating sa loan remittance. 

    Nakapagregister ka na ba sa My.SSS? Kumusta ang experience mo sa pagkuha ng salary loan? Ikwento mo sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles