-
Moms Na Lahat Ang StarStruck Batch 1 Sa Pagkapanganak Ni Sheena Halili
Teen stars noon, gorgeous mamas ngayon.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Nitong Sabado, December 12, 2020, isinilang ni Sheena Halili ang panganay nila ng asawang si Atty. Jeron Manzanero (basahin dito). Ilan sa bumati sa pagdating ng kanilang baby girl na si Martina Candice ang mga kasabayan ng aktres sa GMA-7 reality talent show na StarStruck.
StarStruck 1: Teens stars noon, moms na ngayon
Si Sheena ang kumumpleto sa Starstruck Batch 1 na pawang mommies na. Ang anim pa sa kanilang grupo ay sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Katrina Halili, Cristine Reyes, at Jade Lopez.
Taong 2003 nang ilunsad ng Kapuso network ang StarStruck, at sinalihan ito ng libo-libong teenage auditionees. Sa pag ere ng programa noong October 27 ng taon na iyon rin ay seven girls at seven boys ang napili bilang finalists. Makalipas ang 17 years, lahat ng female finalists ay may kani-kanilang babies na.
Jennylyn Mercado
Si Jennylyn Mercado, katuwang si Mark Herras, ang nagwagi sa kauna-unahang StarStruck season. Tinanghal siyang Ultimate Female Survivor at si Mark ang kanyang male counterpart.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNgayon ay hindi lamang successful actress, singer, at TV host si Jennylyn ngunit isa rin siyang doting mom sa kanyang unico hijo na si Alex Jazz, 12 years old na ngayon.
Tinatawag ni Jennylyn ang bata sa nickname nitong Jazz, na anak niya sa ex-boyfriend at aktor na si Patrick Garcia.
Inamin ng aktres sa panayam niya sa SmartParenting.com.ph noong 2018 na mahirap ang maging single mom sa child with special needs. Kaya naman bukas siya sa pagbibigay inspirasyon sa mga inang katulad niya. (Basahin ang kuwento dito.)
Yasmien Kurdi
Si Yasmien Kurdi ang hinirang na runner-up at binigyan ng titulong First Princess. Nananatili siyang aktibo sa showbiz at huli siyang nagbida sa GMA-7 drama series na Beautiful Justice.
Pero priority niya ang pamilya na kinabibilangan ng kanyang mister na si Rey Soldevilla Jr., isang piloto, at ang kanilang only child na si Ayesha Zara, 8.
Sa kanyang vlog, ibinabahagi si Yasmien ang pang-araw-araw na pamumuhay nilang mag-anak. Kabilang na dito ang ang pagiging hands-on mom niya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMapapanood sa isang video kung paano niya inaasikaso si Ayesha mula sa paggising niya sa bata hanggang sa pag-aayos ng setup para sa homeschooling. Habang nasa virtual classroom ang anak, abala naman siya sa online course tulad ng pag-aaral ng French language.
Nadine Samonte
Pagkatapos ng StarStruck ay nagpatuloy si Nadine Samonte sa kanyang acting career hanggang sa magpakasal siya noong 2013 kay Richard Chua, isang negosyante at anak ng veteran actress na si Isabel Rivas.
Ngayon ay full-time mom si Nadine sa kanilang dalawang anak na sina Heather Sloane, 4, at Austin Titus, 1.
Nang ipatupad ang community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic noong March 2020, napahaba ang pamamalagi si Nadine at kanyang pamilya sa probinsya ng Zambales. Mayroon kasing farm ang kanyang mother-in-law doon.
Makikita sa Instagram posts ni Nadine na enjoy sila sa buhay probinsya at nakapagsimula pa siya ng negosyo sa pagbebenta ng fried fish.
Katrina Halili
Tuloy-tuloy ang acting career ni Katrina Halili at sa kasakuyan ay kabilang siya sa GMA-7 drama series na Prima Donnas. Abala rin siya sa pagiging mommy sa kanyang unica hija na si Katrence Lawrence, na anak niya sa ex-boyfriend na si Kris Lawrence, isang singer.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTinatawag ni Katrina ang kanyang 9-year-old daughter sa nickname nitong Katie. Laman si Katie ng Instagram account ng kanyang mommy. Sa isang post, sinabi ni Katrina sa caption na Mini-Me niya ang anak at sabay biro, “Walang kokontra. Sa barangay kayo magreklamo.”
Nami-miss na raw ng working mom ang kanyang Mini-Me dahil nang mga panahon na iyon ay nasa lock-in taping siya ng Prima Donnas.
Cristine Reyes
Habang abala sa kanyang showbiz career si Cristine Reyes ay ginagampanan niya ang tungkulin bilang single mom sa kanyang only child na si Amarah. Ang ex-husband niyang si Ali Khatibi, dating mixed martial arts fighter, ang daddy ng 5-year-old girl.
Base sa Instagram posts ni Cristine tungkol sa anak, tila namana ni Amarah ang pagiging komportable ng Kagat sa Dilim at Masked Singer Pilipinas mainstay sa harap ng camera. Itinuro ng bata sa isang video kung paano daw mag-alaga ng mommy na may sakit. Iyon ay sa pamamagitan ng pagmamasahe gamit ang topical pain reliever.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWJade Lopez
Naging mommy si Jade Lopez ngayong taon din ng 2020. Ipinanganak niya, sa pamamagitan ng emergency C-section, ang panganay nila ng mister na si Rocky Siccion noong February 26. Pinangalanan nila ang baby girl na Rinoa Sapphire at may nickname na Gohan.
Sinabi ni Jade sa amin kamakailan na “pure magic” ang pagkakaroon ng anak sa unang pagkakataon ngayong Pasko. Para daw nanumbalik ang kanyang pagiging bata at panay ang patugtog niya ng Christmas songs.
What other parents are reading

- Shares
- Comments