embed embed2
  • 'Ikaw, Anong Kwentong Jollibee Mo': Ito Ang Show Of Support Ng Moms Sa Fast-Food Chain

    Ilang miyembro ng Smart Parenting Village ang nagpakita ng suporta sa fast-food chain.
    by Jocelyn Valle .
'Ikaw, Anong Kwentong Jollibee Mo': Ito Ang Show Of Support Ng Moms Sa Fast-Food Chain
PHOTO BY Courtesy of Roselyn Rosales
  • Bumuhos ang suporta ng maraming mommies sa Jollibee pagkatapos maging viral ang reklamo ng isang customer dahil sa nasamang "fried towel" sa nabiling Chickenjoy (basahin dito).

     Nagbigay na rin ng official statement ang kilalang fast-food chain at ipinasara ng tatlong araw ang sangkot na branch para maimbestigahan ang nangyari.

    Sa hanay ng celebrity moms, nariyan ang Jollibee endorsers na sina Regine Velasquez at Charlene Gonzalez. Pareho nilang idinaan sa Instagram ang kanilang pagsuporta.

    Sabi ni Regine sa kanyang caption, "Ang pagsubok lagi na talagang kakabit ng buhay natin. Pero wag ka mag-alala, kakampi mo pa rin kami."

    Sabi naman ni Charlene sa caption din, kung saan naka-tag ang Jollibee: "Always and forever in my heart!!! I love you."

    Sa Smart Parenting Village Facebook community, may ilang mommies ang nag-post ng kanilang suporta sa Jollibee. Sinang-ayunan naman sila ng maraming kapwa nila miyembro.

    Nagpapadede si Velle Joy sa kanyang anak habang nasa Jollibee.
    PHOTO BY Courtesy of Velle Joy Berou
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibinahagi ni Velle Joy Berou (Hope Berou ang gamit niyang handle) ang litrato niya habang pinapadede ang anak na si Hope Angela sa loob ng Jollibee store. Aniya sa caption, "Call of nature or call of duty? Ikaw anong kwentong Jollibee mo?"

    Nagpaliwanag pa si Velle Joy sa mga commenter kung puwede na bang dalhin ang bata sa fast-food joint. Nakabase raw kasi sila sa Bohol, kung saan pinapayagan ang mga bata na makalabas ng bahay tuwing Friday, Saturday, at Sunday.

    Ibinahagi naman ni Camille Kieshja Molina-Felipe ang isang video kung saan nakasakay silang mag-anak sa kotse habang papunta sa isang branch ng Jollibee. Makikita sa video ang excitement ng kasama nilang bata kapag nakikita ang mascot ng fast-food chain.

    Sabi ni Camille sa caption: "Hi Mommies, sharing with you my 2 yr old son’s excitement to see Jollibee. Iba pa rin ang magic ni Jollibee sa mga bata. Still my family’s favorite go-to fastfood, the best pa rin ang Chickenjoy.  Keep your spirits up, Jollibee."

    Nagbalik-tanaw naman si Roselyn Rosales (Nylesor Selasor ang gamit niyang handle) noong maging bahagi ang Jollibee sa mga espesyal na okasyon ng kanyang mga anak na sina Tyara at Applejack.

    Ibinagi ni Roselyn ang ilang litrato ng  birthday celebration ni Tyara sa fast-food chain. Nakasuot pa ang birthday girl ng Jollibee crew outfit. Ibinahagi rin ni mommy ang ilang litrato nang mag-15 months si Applejack, at Jollibee ang napili nilang theme.

    Kuwento pa ni Roselyn sa caption, "Mga mommies, gusto ko lang i-share thoughts ko about Jollibee issue. Sikat na sikat si Jollibee ngayon dahil sa Trending Tuwalya issue n'ya."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag niya, "Nang dahil sa isang pagkakamali, grabeng panghuhusga ang nararanasan ng buong company. Sana naman kahit papaano we still remember kung paano nakatulong at nakapagpasaya si Jollibee sa 'teng lahat thru the years of serving lalo na sa mga kids na 'tin."

    Nag-alala rin daw siya sa mga crew ng kinasangkutang branch at umaasa na "mawawala ang issue na 'to."

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles