embed embed2
  • Supreme Court: Maaaring Gamitin Ng Legitimate Child Ang Apelyido Ng Nanay

    Bagamat first choice ang paggamit ng apelyido ng tatay, ayon sa batas, hindi ito only choice.
    by Jocelyn Valle .
Supreme Court: Maaaring Gamitin Ng Legitimate Child Ang Apelyido Ng Nanay
PHOTO BY Shutterstock/Billion Photos
  • Automatic na sa Pilipinas na ang gamit nating surname o apelyido ay ang sa ama. At kahit na naghiwalay ang magulang at lumaki ang bata sa nanay, mananatiling apelyido ng tatay ang dala ng bata.  

    Pero ngayon maaaring gamitin ng mga batang Pinoy, kahit legitimate, ang apelyido ng kanilang nanay noong pagkadalaga.

    Ito ay ayon sa Supreme Court (SC) bilang pagsiguro sa pantay na tingin (“fundamental equality”) sa lalaki at babae na siya namang nakasaad sa Constitution.

    Entitled ang legitimate child na gamitin ang surname ng tatay o nanay 

    Magandang balita ito lalo na para sa mga anak na solong pinalaki ng mga nanay nang maghiwalay ang mga magulang, at nais nilang dalhin ang apelyido ng kanilang single mothers.

    Pahayag ni Justice Marvic F. Leonen sa kanyang 15-page decision na nailathala nitong February 24, 2021: “A legitimate child is entitled to use the surname of either parent as a last name.”

    Nag-ugat ang SC decision sa petisyon na hinain ni Anacleto Ballaho Alanis III (ang pangalan sa kanyang certificate) sa Regional Trial Court (RTC) ng Zamboanga City, Branch 12. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hiniling ng petitioner sa korte na palitan ang kanyang pangalan sa Abdulhamid Ballaho, na siyang nakalakihan at ginagamit niya sa lahat ng dokumento. “Ballaho” ang apelyido ng kanyang nanay.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa kanyang testimonya sa korte, sinabi ng petitioner na 5 years old siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sinabi naman ng kanyang nanay sa sarili nitong testimonya na solo niyang pinalaki ang kanyang mga anak, kabilang ang petitioner. 

    Noong 2008, nagdesisyon ang RTC na hindi pagbigyan ang petisyon. Umapela ang petitioner, pero bigo pa rin siya. Kaya dinala niya ang kaso sa Court of Appeals hanggang dinggin ito sa Supreme Court.

    Hindi patas ang tingin sa apelyido ng nanay at tatay

    Paliwanag ni Justice Leonen sa kanyang SC decision na nagkamali ang RTC sa pagsabing hindi puwedeng gamitin ng legitimate na anak ang apelyido ng kanyang nanay. Iyon daw ay hindi patas na pagtingin sa apelyido ng nanay at apelyido ng tatay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay paliwanag si Justice Leonen hinggil sa nakasaad sa batas na “legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father.” Diin niya na ang “principally” o pangunahin ay hindi kaparis ng “exclusively” o natatangi.

    Ibig sabihin, bagamat first choice ang apelyido ng tatay, hindi iyon ang only choice. Kasama sa pagpipilian ang apelyido ng nanay, at puwede iyong gamitin kung nanaisin. 

    Dagdag pa ni Justice Leonen na layunin at tungkulin ng Estado na baguhin ang umiiral na “patriarchy,” kung saan ang kalalakihan ang may hawak ng kapangyarihan sa lipunan at naisasantabi ang karapatan ng kababaihan.

    Lahad niya, “If a surname is significant for identifying a person’s ancestry, interpreting the laws to mean that a marital child’s surname must identify only the paternal line renders the mother and her family invisible.”

    Bukod sa apelyido, nakita rin ni Justice Leonen ang punto ng pagbabago sa buong pangalan ng petitioner. Kaya sa huli, pinaboran ng Supreme Court ang petisyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Una namin nakita ang SC ruling sa post ng She Talks Asia

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles