embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Iyak-Tawa Overload Ang Surprise Hit Na Family Drama Movie Ni Aga Muhlach

    Ang "Miracle in Cell No. 7" ay isa sa walong entries sa ongoing 2019 MMFF
    by Jocelyn Valle .
  • Simula nang magbukas sa mga sinehan ang 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 25, Christmas Day, isa na sa mga nangunguna sa takilya ang Miracle in Cell No. 7. 

    Si Aga Muhlach ang bida sa remake na ito ng South Korean movie na unang naging international hit noong 2013 hanggang nakarating dito sa Pilipinas. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinasabing surprise hit ito dahil nakuha ng Viva Films entry na makipagsabayan sa mga kinikilalang top attractions sa taunang film festival ng mga nakaraang taon. Nariyan sina Vice Ganda sa The Mall, The Merrier; Vic Sotto sa Mission Unstapabol: The Don Identity; at Coco Martin sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

    Ang iba pang entries ay Sunod ni Carmina Villarroel, Mindanao ni Judy Ann Santos, Culion ni Iza Calzado, at Write About Love nina Rocco Nacino at Miles Ocampo.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Miracle in Cell No. 7 ay kuwento ni Joselito Gopez (Aga Muhlach), isang mentally challenged ngunit loving at responsible na single parent sa batang si Yesha (Xia Vigor nang maliit pa at Bela Padilla nang lumaki na).

    Wrongfully accused si Joselito sa kasong kidnapping at rape ng anak ng isang powerful politician. Habang nasa kulungan ay nagawa niya at mga kaibigang inmates na ipuslit si Yesha sa loob. Napalambot din niya at ng kanyang anak ang puso ng prison warden, na kumbinsido na wala siyang sala. 

    Ngunit kahit manaig pa ang injustice at maipatupad ang death sentence kay Joselito, makukuha pa rin ni Yesha na maitama ang mali at malinis ang pangalan ng kanyang ama makalipas ang maraming taon.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang rason na surprise ang Miracle in Cell No. 7  

    1. Plakado ang pagka-remake, pero fresh ang dating

    Faithful ang kuwento at salaysay sa original South Korean movie, binigyan lang ng local flavor ng direktor na si Nuel Naval at scriptwriter na si Mel Mendoza-del Rosario. Kaya hindi madidismaya ang mga nakanood na ng naunang pelikula at masusundan naman agad ng mga bagong manonood.

    2. Iyak-tawa overload

    Bagamat mabigat ang pangyayari sa buhay ng bida ay napapagaang ito ng kanyang sunny disposition at positive attitude, na naipamana niya sa kanyang anak at naibahagi sa kanyang mga kaibigan. 

    Kuwela ang mga sayaw at laro nila Aga at Xia. Bentang-benta din ang mga patawa ng mga inmates na ginagampanan nila Joel Torre, JC Santos, Soliman Cruz, at Jojit Lorenzo. Imposible naman na hindi maantig sa kanilang dramatic moments, lalo sa bandang huli nang magbigay ng speech si Bela at makita niyang muli si Aga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

     

    3. Mahusay na acting ng buong cast

    Bukod sa lead stars at supporting cast ay markado din ang special participation nila Tirso Cruz III (bilang powerful politician) at Ronnie Lazaro (bilang corrupt police investigator). Hindi rin pahuhuli si John Arcilla, na secondary lead character ang papel bilang prison warden at nabigyan ng magandang back story na wala sa original movie.

    4. Ang movie ay para sa buong pamilya

    “G,” o General Patronage, ang classification na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification (MTRCB). Ibig sabihin ay angkop ang tema nito sa lahat ng edad ng manonood kaya puwede sa buong pamilya.

    5. Maayos na pagsapelikula 

    Grade “A” naman ang iginawad ng Cinema Evaluation Board (CEB), ang sangay ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na inatasang sumuri ng Filipino films batay sa quality. Ang katumbas ng artistic merits ng gradong ito ay 100 percent rebate sa amusement tax.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles