embed embed2
  • May Free Online Courses Ang TESDA! Take Advantage Habang Quarantine

    May alok ang TESDA na 68 online training courses.
    by Jocelyn Valle .
May Free Online Courses Ang TESDA! Take Advantage Habang Quarantine
ILLUSTRATOR iStock
  • Mula nang ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila nitong March 15, 2020 at lumawig pa makalipas ng dalawang araw bilang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon ay dumadami na ang kumukuha ng online courses sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

    Nakatulong din ang paanyaya ni TESDA Secretary Isidro Lapena sa madla noong March 16 na subukan ang TESDA Online Program (TOP) habang nakapirmi sa bahay bilang pag-iwas sa COVID-19. Sa pamamagitan ng ganitong programa, na inilunsad noon pang 2012, ay libreng makakapag-aral ang sino man nang hindi na pumupunta sa eskwelahan. 

    More from Smart Parenting

    Paano mag-enroll sa TESDA Online Program?

    Ayon sa datos na nailathala sa TESDA website, nakapagtala ng 19,598 enrollees ang TOP sa pagitan ng March 16 at 29. Ang ibinigay na dahilan ng 13,170 sa kanila — o 67 porsiyento ng kabuuang bilang — ay ang COVID-19 ECQ. Kung interesado ka mag-enroll, bisitahin ang TOP website, e-tesda.gov.ph, o kaya ay i-download ang TESDA app sa Google Play at Apple Store. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mag-register sa pamamagitan ng paggawa ng account. Sagutan ang form at hintayin ang confirmation email na ipapadala sa ibinigay ninyong email address. Kung magkaroon ng antala, maaaring kontakin ang site administrator. 

    Sa sandaling matanggap ang confirmation email ay i-click ang link para ma-activate ang inyong account at simulan ang enrollment. Mag-log in sa TOP website gamit ang inyong registered username at password.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

     

    Mayroong 68 online training courses sa ilalim ng iba-ibang kategorya. Ang mga patok na kategorya, ayon sa datos ng TESDA, ay Electrical and Electronics; Tourism; Entrepreneurship; Information and Communications Technology, at 21st Century Skills. 

    Ang ilan pang katergorya: Automotive; Agriculture; Human Health/Health Care; TVET; Lifelong Learning Skills; Heating, Ventilation, and Air Condition; Processed Food and Beverages; Maritime; at Social Community Development.

    Mayroon ding short courses sa Basic Computer Education, Setting Up Computer Networks, Solar Night Light Assemble, Preparing Cakes, Preparing Meat Dishes, Food Processing, at iba pa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-click ang napupusuang module at isunod ang “Enroll me in this course” link. May message box na magtatanong kung ito talaga ang kursong nais kunin. I-click lamang ang “Yes” para masimulan na ang kurso.

    More from Smart Parenting

    Pagkatapos gawin ang online activities at ipasa ang quizzes, maaaring i-download ang Certificate of Completion bilang patunay na nakapagtapos ng online course. Magtungo sa pinakamalapit na TESDA office sa inyong lugar kapag nagbukas na muli ang mga tanggapang publiko para sa assessment at certification. 

    Magagamit ang makukuhang certificate mula sa TOP para sa National Competency Assessment na iginagawad ng TESDA sa mga manggagawang nakapasa sa competency standards.

    Para sa lahat ng aming artikulo paano kumita kapag work at home, mag-click dito.    

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles