embed embed2
  • Buntis Na UK Nurse Pumanaw Mula Sa COVID-19 Pero Naisilang Ang Baby

    Maayos ang lagay ng sanggol na ipinanganak via emergency C-section.
    by Jocelyn Valle .
Buntis Na UK Nurse Pumanaw Mula Sa COVID-19 Pero Naisilang Ang Baby
PHOTO BY Unsplash
  • Pumanaw ang isang nurse na buntis sa United Kingdom na nagpositibo sa COVID-19 at nanganak sa pamamagitan ng emergency cesarean section

    Ang naulilang sanggol ni Mary Agyeiwaa Agyapong, 28, ay maayos ang lagay, ayon sa ulat ng BBC News nitong April 15, 2020. Dagdag pa nito na April 5 nang makumpirma na positibo si Mary sa coronavirus. Makalipas ang dalawang araw, na-admit siya sa Luton and Dunstable University Hospital, kung saan siya nagtrabaho ng limang taon. Binawian siya ng buhay pagsapit ng April 12.

    Hindi daw malinaw kung positibo din sa coronavirus ang sanggol, bagamat kumuha na ito ng test katulad ng kanyang ama. Ang pagkakaligtas ni Baby Mary, saad sa artikulo ng chief executive ng National Health Service Trust na si David Carter, ay isang “beacon of light at this very dark time.”

    What other parents are reading

    Samantala, ang nabyudong mister ni Mary ay kumuha na rin ng COVID-19 test at kasalukuyang nasa self-isolation. May binuong fundraising project para sa kanya at kanilang sanggol sa GoFundMe website. Sa loob ng dalawang araw ay nakalikom na ito ng GPS157,800 (PhP9.98 million), lampas na sa orihinal na target na GBP2,000.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad ng isa sa mga nagsulong ng fundraising project sa website na “blessing” si Mary sa lahat ng mga taong nakasalamuha nito. Hindi daw mapupunan ang naiwan niyang pagmamahal, kalinga, at sinseridad. Ang pondo ay nakalaan para sa pamilya ng yumao, lalo na sa sanggol na pinangalanan ding Mary.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi sa ilang reports, Walong buwan na daw buntis si Mary nang dapuan ng coronavirus. Akala ng mga duktor ay bumubuti ang kanyang lagay ngunit lumalala pa ito kaya napagpasyahan diumano na magkaroon ng emergency C-section upang mailigtas ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

    What other parents are reading

    Sa kabilang banda, nag-iwan ng maraming tanong ang pagpanaw ng nurse sa kanyang mga kababayan. Hindi na daw dapat sumabak pa si Mary sa frontline laban sa coronavirus bago ito nag-maternity leave. Alinsunod sa itinakdang patakaran, ang mga buntis ay kailangan nang tumigil magtrabaho pagtungtong nito sa 28 weeks ng pagbubuntis.

    Kinumpirma kasi ng Luton and Dunstable Hospital na nag-duty si Mary sa Ward 12 ng ospital na ginawang COVID-19 ward bilang tugon sa health crisis. Nagtrabaho daw siya doon hanggang March 12, o posibleng mas matagal pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya ang panawagan ng mga concerned citizens ay huwag nang ilagay sa frontline ang mga nurse na buntis. May mga balita daw kasi na nakarating sa mga organisasyong sumusuporta sa mga buntis na healthcare workers sa U.K. na ilang daan sa mga manggagawang iyon ay nagtatrabaho kahit minsan ay kulang sila sa personal protective equipment (PPE) at natatakot sa kahihinatnan ng kanilang pagbubuntis.

    What other parents are reading

    Ayon naman sa The Guardian, madiin na tinanggihan ng mga awtoridad ng ospital na may shortage ng gowns o rationing ng masks, kahit pa nung panahaon na nagtatrabaho ang nurse. “We have not experienced significant shortages of PPE during the outbreak,” said a spokesperson. 

    Ayon sa datos mula sa website ng U.K. government, mayroong 103,093 confirmed COVID-19 cases ang naitala noong April 16. Sa mga positibong naospital, 13,729 ang namatay na.

    Basahin dito ang latest pagdating sa relasyon ng pagbubuntis at COVID-19. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles