embed embed2
  • Hindi Lang Dumalo Ng Kasal, Namalengke Pa Ang Mga Bisita sa Kasal Ng Anak Ni Ryan Cayabyab

    May palengke corner sa reception venue.
    by Jocelyn Valle .
  • Hindi lang dumalo ng kasal, namalengke pa ang mga bisita sa pagi-isang dibdib nila Krina Cayabyab, singer-musician, at Stephen Vinas, stage actor-choreographer. 

    Pagkatapos kasi ng church wedding ceremony noong December 21, 2020, ayon sa newspaper report, tumuloy ang lahat sa isang subdivision clubhouse para sa reception. May naka-set up sa reception venue na palengke corner, kung saan libreng kumuha ang mga bisita ng vegetables, grains, herbs, seedlings, at potted plants. 

    Nagkuwento ang father of the bride na si Ryan Cayabyab, kilala bilang National Artist for Music, sa kanyang Instagram account gamit ang username na Myran Etorsa. 

    Aniya, “What a clever and most unique idea for a giveaway. Stephen and Krina sourced produce from neighboring provinces, and set up two stalls of farm produce sa exit ng reception. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Guests were given big bayongs to fill as much as they wanted. They also took home a packet of seeds and a potted ornamental plant of their choice. Ang saya!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Umani ng papuri ang wedding giveaway idea na iyon mula sa social media followers ng sumulat ng mga awiting Kay Ganda ng Ating Musika (Hajji  Alejandro), Araw-Gabi (Regine Velasquez), Da Coconut Nut (Smokey Mountain), at marami pang iba.

    Lahad ng isang commenter, “Awesome idea! Very practical, and they were able to help farmers as well.” Dagdag ng isa pa, “Kung ganitong kasal pupuntahan ko…Uuwi akong busog at masaya superrr…Galing ng idea.”

    Sa comments section din, nagbigay ng suhestiyon si Ryan na bukod sa kasal, puwedeng gamitin ang ideya sa birthday, debut, at anniversary. Paliwanag niya, “Very fluid ’yung ideas nila from Filipiniana attire to bayongs and gulay.”

    Ang bride na si Krina ay panganay sa dalawang anak ni Ryan at kanyang asawang si Emmy Punsalan-Cayabyab. Nagdiwang sila ng 35th wedding anniversary sa araw mismo ng kasal nila Krina at Stephen.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles