embed embed2
  • Libreng Sakay At Mobile Kitchen, Tugon Ng Pasig Government Sa Community Quarantine

    Mayor Vico, siniguro ang tuloy-tuloy na sweldo ng mga frontliners at health workers
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Patuloy na makakatanggap ng kanilang buong sahod ang lahat ng mga empleyado ng Pasig City Hall, sila man ay regular, contractual, o nasa "job order" o arawan.

    Ito ang sabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang post sa Facebook niya kahapon, March 17, 2020.

    "Wag kayong mag-alala, tuloy-tuloy kayong makakatanggap ng buong sweldo — kahit yung mga Job Order na 'no work no pay.' Gagawan natin ng paraan. Basta, mag-ingat, at hangga't maaari sa bahay lang muna kayo." 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siniguro din ni Mayor Vico sa mga frontliners na may maasahan silang tulong galing sa gobyerno.

    "Sa mga empleyado namang nasa Frontlines, meron kayong hazard pay, OT, at iba pang benepisyong maaasahan."

    More from Smart Parenting

    Alinsunod sa direktiba na enhanced community quarantine para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19, inilatag ni Mayor Vico ang work setup ng kanilang mga kawani at kung aling mga opisina ang work-from-home, alin ang may skeletal work force, at kung alin ang may full operation. Ang lahat ng ito ay naging epektibo kaagad kahapon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod dito, ano pa nga ba ang ginagawa ng Pasig City, na dahilan kung bakit proud na proud ang mga Pasigueno na taga-doon sila?

    1. Anti-Panic Buying and Anti-Hoarding Ordinance

    Nagpatupad na ang Pasig City ng "Anti-Panic Buying and Anti-Hoarding Ordinance" na naglalagay ng limit sa dami ng maaring bilhin na prime commodities gaya ng bigas, tinapay, kape, at asukal; at disinfecting agents tulad ng hand sanitizer, tissue paper, at alcohol. May naaayong parusa para sa mga lalabag nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Libreng Sakay para sa essential personnel

    At dahil sinuspinde ang byahe ng mga pampublikong sasakyan kasabay ng enhanced community quarantine sa NCR noong Lunes, sinimulan na din ng pamunuan ng Pasig ang proyektong #LibrengSakay kung saan ginagamit ang mga sasakyan ng lungsod gaya ng Pasig Bus Service para makapasok sa trabaho ang essential frontline government personnel at health workers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3. Mayroon pa ding limitadong biyahe ang tricycle

    Gayundin, pinayagan ni Mayor Vico ang pagpasada ng ilang mga tricycle sa loob ng Pasig para magamit ng mga nagtatrabaho sa essential services at ng mga health workers, pati na din bilang paghahanda sa anumang emergency.

    4. Mobile kitchens para sa essential personnel

    Nai-set up na ang dalawang mobile kitchens sa Pasig City para sa pagkain ng mga frontliners at local responders ng siyudad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    5. Checkpoint visits 

    Nag-ikot din si Mayor Vico sa mga checkpoint sa Pasig noong March 15 para makita kung ano pa ang mga kailangang ayusin at pwede pang pagbutihin sa paglaban ng siyudad sa COVID-19.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    6. Sanitation tents

    Para masiguro ang kalusugan ng mga manggagawa sa Pasig na kailangang pumasok, nag-set up din ng sanitation tents sa labas ng City Hall, Pasig City General Hospital, at Pasig Children's Hospital.

    7. Disinfectant drones na gagamitin sa buong siyudad

    Ayon sa report ng Esquire Philippines, bumili ang Pasig City government ng tatlong units ng octocopter drone. Ito ay aerial device na gagamitin para mag-spray ng alcohol-based disinfectant o chlorine solution sa hangin para patayin ang virus. Ganito rin ang ginamit sa China para puksain ang coronavirus. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kasalukuyan, nasa testing phase ang nasabing octocopter drones sa Rizal High School sa Pasig. 

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles