Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Baguio City Itinerary: Mga Paboritong Pasyalan, Kainan, at Tulugan Ng Mga Residente Dito

    Hindi nakakasawang pasyalan ang Baguio kahit hindi summer ang panahon!
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Baguio City Itinerary: Mga Paboritong Pasyalan, Kainan, at Tulugan Ng Mga Residente Dito
PHOTO BY Leah Nemil-San Jose
  • Pagdating pa lang sa bus terminal sa Baguio, na kinilala bilang UNESCO creative city kamakailan lang, sasalubungin ka na ng mga tourist guides at taxi drivers na-nag aalok ng transient houses at "hatid-sundo" services. Kaya kahit biglaan lang ang inyong pagpunta, hindi nakakapangamba na baka walang matulugan o hindi makarating sa inyong mga gustong puntahan.

    Mga dapat pasyalan, kainan at tulugan sa Baguio

    Pagdating sa pasyalan sa Baguio lalo na ang mga first-timers, ang Burnham park ang una sa listahan. Paborito itong pasyalan hindi lang ng mga turista, pati na rin ng mga residente dito dahil maraming attractions at maaring pwedeng gawin: pagsakay sa bangka sa Burnham lake, pagsakay ng bisikleta, at paglalaro ng mga bata sa children's park.

    Maliban sa mga nabanggit, maari ring magpicnic ang buong pamilya sa Rose Garden maghapon at pag sapit ng dilim, binubuksan ang mga dancing fountains and lights bilang karagdagang attractions.

    Pero maliban sa Burnham park, marami pang attractions ang Baguio.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Goodtaste Restaurant

    Mula sa simpleng salo-salo hanggang sa malalaking selebrasyon, dito talaga nagpupunta ang mga residente ng Baguio kaya naman madalas narerekomenda na rin sa mga bisita. Bukod sa masarap at affordable ang mga pagkain, pang maramihan ang servings nila kaya talaga namang binabalik-balikan.

    More from Smart Parenting

    BenCab Museum

    Susunod na destinasyon sa aming Baguio itinerary ay ang BenCab Museum sa Tuba, Benguet. Maaring sumakay sa mga jeep na nakaparada sa public market papuntang Asin road. Nasa Php15 ang pamasahe, o maari din naman sumakay ng taxi, hindi lalagpas sa Php200 ang patak sa metro, at halos 30 minuto din ang byahe at ibaba kayo mismo sa harap ng museum.

    PHOTO BY Leah Nemil-San Jose
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makikita dito ang iba't-ibang art collections ng National artist na si Benedict Cabrera. Ang regular entrance fee sa museum ay Php100 at Php80 naman sa mga studyante at senior citizens. Pinakapaborito namin ang mga Bulol collections ni Bencab dahil bawat isang bulol ay may kwentong ibinabahagi. Naka-display ang kanyang mga collections ito sa ikatlong palapag ng museum.

    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masarap pumunta dito bandang hapon dahil maliban sa mga sculptures, paintings at art exhibits na makikita sa apat na palapag nito, may garden at fish pond sa pinakababang bahagi ng museum na pwedeng pagpahingaan pagkatapos maglibot.

    More from Smart Parenting

    Maari ring subukan ng iyong pamilya ang Eco Trail hike, tatawid kayo sa hanging bridge papunta sa kabilang bundok, at makikita dito ang iba't ibang tanim tulad ng strawberries, at sari-saring bulaklak. Masayang bonding ng pamilya ang activity na ito.

    Cafe Sabel

    Hindi makukumpleto ang pagbisita sa BenCab kung hindi matitikman ng iyong pamilya ang masasarap na pagkain sa Cafe Sabel. Lahat ng pagkaing mabibili dito ay galing sa kanilang organic farm. Pinakapatok sa menu nila ang BenCab Chicken Paprika, masarap na, masustansiya pa.

    Camp Riverside 2600

    Pagkatapos ng maghapong pamamasyal, oras na para magpahinga at isa sa mga paborito naming tuluyan sa Baguio ang Camp Riverside 2600. Ito ay matatagpuan sa Ambayao Road, Barangay Irisan, halos 20 minuto lamang ang layo mula sa central business district. May apat silang cabins na pwedeng mag-accommodate ng hanggang apat na tao. Malapit na rin nilang buksan ang pinto ng kanilang Bontoc Mansion, pang maramihang grupo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mukha mang maliit ang mga cabins sa labas, mapapasin sa loob ang ganda ng pagkakaayos ng mga gamit, hindi mo akalain na maliit lang siya saktong sakto sa apat na tao. Malinis ang paligid at sa bawat cabin, kumpleto rin ng kagamitan, may mabilis na wifi connection at Netflix, may maliit na kusina at sariling palikuran at syempre ang lagi naming hinahanap kapag nasa Baguio: hot and cold shower.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ideal location ang Camp Riverside 2600 para sa mga gustong makapag-relax, at malayo muna sa maingay at magulong siyudad. Perfect din ito para sa pamilya dahil maliban sa homey ambiance, may mga board games para sa kanilang mga guest, at pwede din maglaro sa kanilang mini-golf area. Sa gabi naman ay mag bonfire at camping sa labas habang tinatanaw ang ilog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cafe Orilla

    Katabi lang ng Camp Riverside 2600 ang Cafe Orilla, isa din ito sa mga dinarayong kainan sa Baguio dahil masarap at murang pagkain nila. Maganda din ang tanawin kaya tiyak na maeenjoy ng buong pamilya ang pag sasalo salo dito.

    Pinaka sikat na dish sa kanilang menu ay ang Orilla Bulalo Family Style. Tamang tama ang paghigop ng mainit na sabaw sa malamig na gabi. Paborito din namin ang kanilang kape, saktong tamis at pait. Idagdag mo pa ang tunog ng agos sa ilog, tiyak mapapawi ang pagod.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tam-awan Village

    Ito ay tinaguriang cultural and art center ng Baguio dahil dito ang tahanan ng mga local artist. Makikita sa public market ang mga jeep na papuntang Tam awan, at nasa Php9 ang pamasahe at hindi lalagpas sa 20 minuto ang byahe papunta dito. Sa halagang Php60 makakapasok ka na sa loob ng Tam awan village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bawat bisita ay binibigyan ng mapa para mas maintindihan at makita nila ang ibat ibang art galleries na nagpapakilala sa Cordillera. Dito matatagpuan ang mga orihinal na Kalinga Huts at Ifugao houses. May gazebo at fish pond din sa itaas na bahagi para makapag-bonding, reflect at meditate ang pamilya. Paborito naming dinadaluhan ay ang mga art workshops para madagdagan ang aming kaalaman sa sining at panunuod ng mga cultural shows dito upang mas lalo namin maintindihan ang kultura ng mga cordillerans.

    Farmer's Daughter Restaurant

    Pagkatapos mamasyal sa Tam-awan Village at maisapuso ang kultura ng mga Cordillerans, malapit lang ang Farmer's Daughter restaurant. Tikman ang mga authentic Cordilleran cuisine. Ang restaurant na ito ay gawa sa simpleng native nipa hut na napapalibutan ng mga wood carvings, at napaka gandang view, mapapakain ka ng marami.

    More from Smart Parenting

    Pinakamabenta sa kanilang menu ang chicken pinikpikan, at pork etag. Saktong sakto pang pamilya, bagay na pagsasalusaluhan at pang bawi sa lakas pagkatapos ng pag iikot sa Tam-awan Village. Kung mas mahaba ang araw na ilalagi ng inyong pamilya sa Baguio, maari ninyong idagdag sa inyong itinerary ang Minesview park sa Pacdal, Botanical Garden sa Leonard Wood, Mount Costa sa Pico - Lamtang road, at Strawberry Farm sa La Trinidad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa gabi naman kung hilig ninyo ang ukay-ukay, ang Night Market Encounter ay nagbubukas ng 9 p.m. hanggang midnight sa buong kahabaan ng Harrison street.Subukan din ninyong kumain sa ilan pang kilalang kainan sa Baguio tulad ng Cafe by the Ruins malapit sa Baguio city hall, Canto restaurant sa Kisad road, Foggy Mountain Cookhouse sa San Carlos heigths, at The Barn sa Ambuklao road.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maliban sa Camp Riverside 2600, maari din kayong tumuloy sa mga transient houses na malapit sa city proper tulad ng Yellow House sa upper Cabinet Hill, Valley point campsite sa Santo Tomas road, Cedar Peak condominium sa gitna ng session road, at Peak Point Apartments sa Campo Sioco.

    Sa paglipas ng panahon at pagdami ng mga local artist sa Baguio, nagbukas ang malaking oportunidad para sa turismo, kaya naman mas marami ang nahikayat na magbukas ng kanilang mga negosyo tulad ng kainan at iba pang attractions para sa mga bumibisita dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles