embed embed2
  • Bawal Magtext Habang Naglalakad! At Iba Pang Dapat Tandaan Sa Panagbenga 2020

    Bago ka pumunta at makisaya sa Flower Festival ng City of Pines, narito ang mga dapat mong tandaan.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Bawal Magtext Habang Naglalakad! At Iba Pang Dapat Tandaan Sa Panagbenga 2020
PHOTO BY Miguel Isidro Photography/Flickr Creative Commons
  • Ngayong 2020 ang ikadalawampu't limang taon ng pagdiriwang ng Panagbenga o Flower Festival sa Baguio City. Kaya naman marami ang nalungkot nang mapabalita ang pansamantalagang pagkansela sa mga nakahandang activities dahil sa nakakabahalang sakit na novel coronavirus (COVID-19).

    Sa kabila ng mga pangamba, nag-anunsyo si Benjamin Magalong, kasalukuyang alkalde ng Baguio, na itutuloy ang Panagbenga activities sa buwan ng Marso—mas mainit na panahon. Ayon kasi sa ilang pag-aaral, mas mahihirapan ang COVID-19 virus na mabuhay at kumalat sa mainit na panahon. Bukod pa riyan, patuloy din ang pagpapaalala ng mga pamunuan ng siyudad pati na rin ng mga local medical experts, ng mga mabisang hakbang para iwasang maapektuhan ng virus. Isa na riyan ang tama at madalas na paghuhugas ng kamay

    More from Smart Parenting

    Narito ang bagong schedule ng Panagbenga:

    March 21 - Grand Opening Parada

    March 22 - Cultural Dance Competition

    March 28, morning - Panagbenga Grand Street Parade

    March 28 - Panagbenga Grand Float Parade

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    March 30 hanggang April 5 - Session Road in Bloom

    More from Smart Parenting

    Isa talagang masayang experience para sa buong pamilya ang masaksihan ang iba't-ibang activities na inihahanda kada taon ng mga residente ng Baguio para sa selebrasyon ng Panagbenga o Flower Festival.

    Talaga namang dinarayo ito, hindi lang ng mga local tourists, kundi pati na rin mga taga ibang bansa, dahil magandang panoorin ang mga sumasali sa parada na nakasuot ng matitingkad na damit na napapalamutian ng iba't-ibang uri ng bulaklak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inaabangan din ng lahat ang iba't-ibang floats na dinadaluhan pa ng mga sikat na artista at personalidad. Pinapasyalan din ang iba't-ibang landscaping ng bulaklak at ang paborito ng lahat na Session Road in Bloom kung saan marami kang mabibiling iba't-ibang mga produkto.

    Ngunit bago ka pa man makisaya sa Baguio Flower Festival, kailangan mo munang siguraduhing alam mo kung paano maging isang responsableng turista. Narito ang ilan sa mga dapat mong tandaan:

    More from Smart Parenting

    Pagdating sa transportasyon

    Magbook ng bus online

    May mga online booking systems na ang mga bus companies tulad ng Victory Liner, Joybus, at Solid Nirth. Dito kayo maaaring magpa-reserve ng mga tickets papuntang Baguio at pauwi ng Manila. Sa ganitong paraan, hindi na kayo pipila pa ng matagal para makapunta sa inyong mga destinasyon.

    Alamin ang mga saradong daanan

    Pagdating naman dito sa Baguio, maraming mga kalsada ang siguradong isasarado para bigyang daan ang mga participants ng grand parade. Basahin at intindihing mabuti ang mga traffic advisories bago pa man kayo umakyat sa City of Pines.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Piliing maglakad

    Mas makakabuti rin kung iiwan niyo na lamang ang inyong mga sasakyan kung mag-iikot kayo sa siyudad para hindi na makadagdag sa traffic at hindi na rin maipit sa daan. Mahirap ring makahanap ng parking kaya mas magandang mag-commute na lamang o maglakad. Sariwa at malamig ang hangin sa Baguio, kaya naman hindi kayo magsisisi kung pipiliin ninyong maglakad.

    Pwede rin kayong sumakay ng taxi at jeep. Madali lang hanapin ang mga paradahan nila. Likas ring matulungin ang mga tao sa Baguio, kaya hindi kayo mahihirapang hanapin ang inyong pupuntahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kapag manonood ng parada at mamamasyal sa mga parks

    Lumabas ng maaga

    Kailangang maaga kayong lumabas at humanap ng pwesto kung gusto ninyong maayos na makapanood ng Grand Street Parade at Grand Float Parade.

    Huwag tapakan ang mga halaman

    Ang Panagbenga o Flower Festival ay isang selebrasyon ng mga naggagandahang bulaklak at halaman sa Baguio. Ito rin ay tanda ng matagumpay na pagbangon ng siyudad matapos itong masalanta ng 1990 Earthquake.

    Kung tatapakan mo ang mga bulaklak na araw-araw inaalagaaan ng mga residente, hindi mo naiintindihan ang tunay na kahulugan ng festival.

    Sa mga nakalipas na taon, madaling araw pa lang ay may mga nakaupo na sa sidewalks ng Session Road o Harrison Road para abangan ang parada. Tandaan na hinding-hindi pwedeng pwestuhan ang mga center aisles dahil mayroong mga nakatanim na halaman dito.

    More from Smart Parenting

    Huwag tumambay sa mga tawiran

    Hindi pwedeng manood sa mga overpass dahil kailangan ang mga ito para may madaanan ang mga tao. Hindi rin pwedeng tumambay sa mga tawiran dahil mahaharangan ang mga sasakyang dumaraan. Makinig sa mga pulis at traffic enforcers para hindi maging magulo ang pagdiriwang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magbasa ng signboards

    Magpapakalat ang pamunuan ng Baguio City ng mga signboards na magsisilbing gabay sa mga tao kung saan pwedeng tumawid, umupo, tumambay, lumakad, at iba pa—sundin ang mga ito. 

    Huwag tapakan at hawakan ang mga landscapes

    Buwan ang inabot para maihanda ang buong siyudad sa taunang pagdiriwang ng Panagbenga. Isa ka ba sa mga sisira ng mga ito sa isang iglap lang?

    Kung nagagandahan sa mga makikitang halaman at landscapes, sapat na ang tignan mo sila at kuhanan ng litrato. Huwag nang hawakan, pitasin, tapakan, at kuhanin. Mayroon ding mga partikular na lugar kung saan pwede kang tumayo para kumuha ng mga larawan. 

    Tandaan, may karampatang parusa ang sino mang lalabag sa mga batas na ito—lalo na ang pagpitas sa mga bulaklak.

    More from Smart Parenting

    Ingatan ang inyong mga gamit

    Asahang mas dadagsa ang mga tao sa pagsisimula ng parada. Kaya naman dapat ay siguraduhin mong secured ang iyong mga importanteng gamit tulad ng cellphone at wallet.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bawal ang paggamit ng cellphone habang naglalakad

    Ito ang tinatawag na Anti-Distracted Walking Ordinance ng Bagiuo City. Kung nais mong gumamit ng iyong cellphone, kailangan mong huminto at umalis sa dinaraanan ng mga tao.

    Huwag bitawan ang mga bata

    Sa sobrang dami ng taong lumalabas para manood ng parada, hindi maiiwasang mawala ang mga bata, lalo na kung hindi mo hahawakan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Pagdating sa mga tutuluyan

    Dapat maaga pa lang ay nakapagbook na kayo ng tutuluyan ninyo dahil talaga namang napupuno ang mga hotels at transient houses sa Baguio kapag ganitong peak season. 

    May ilan na mas pinipiling mag tent na lang sa Burnham Park para makatipid. Tiyakin lang na secured ang mga mahahalagang kagamitan tulad ng wallet, mobile phone at camera, dahil tiyak, sa dami ng tao na bibisita sa Baguio, mayroong mga masasamang loob din ang sasabay magsasamantala.

    Siguraduhin din na ang pagpwepwestuhan ng inyong tent ay hindi makakasira sa mga halamang nakatanim o makakasagabal sa daanan. Higit sa lahat ay hindi makakaabala sa ibang tao na nais ding mag enjoy sa park. Mas magiging masaya ang inyong bakasyon at panonood ng inihandang mga activities sa Baguio kung wala kayong makakaalitan o mapeperwisyo.

    More from Smart Parenting

    Ilan ang mga paalala

    Huwag magkalat

    Isa pang dapat tandaan, bawal ang pagkakalat ng basura kung saan-saan sa Baguio, sino man ang mahuli na gumagawa nito ay maaring magmulta at mag-community service. May mga basurahan naman na matatagpuan sa lahat ng park—hanapin ang mga ito at doon maglagay ng basura.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hinihikayat ng mga residente ng Baguio ang kooperasyon ng mga bisita sa pagpapanatili ng kalinisan ng siyudad.

    Magdala ng mga kasuotang panlamig

    Kilala ang Baguio sa malamig na klima nito na kahit summer ay ramdam na ramdam pa rin. Higit na malamig sa hapon hanggang gabi. Mainam kung magdadala ng mga jackets at iba pang panangga sa lamig para na rin makaiwas sa sakit. Sa panahon ngayon ng mga karamdamang tulad ng COVID-19, kailangang may sapat kang proteksyon para hindi ka magkaroon ng ubo at sipon. 

    Magdala ng tubig

    Dahil masarap maglakad-lakad sa siyudad, importanteng lagi kayong may dalang tubig para hindi ma-dehydrate.

    More from Smart Parenting

    Ilan lamang 'yan sa mga dapat mong tandaan kung makikisaya ka sa Baguio Panagbenga 2020. Tandaan din ang mga bilin ng World Health Organization at Department of Health pagdating sa paglaban sa COVID-19. Ilan na riyan ang malimit at tamang paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng ilong at bibig kapag uubo at babahing, at pagpapalakas ng immune system.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pupunta ba kayo sa Baguio City ngayong taon? Anu-ano ang mga inaasahan ninyong makita? I-share niyo lang 'yan sa comments section. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles