-
Punta Tayo Sa Cebu! 3 Family-Friendly Resorts Na Pwedeng Tuluyan
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kilala ang Cebu bilang isa sa mga pinakamatatandang siyudad sa ating bansa. Isa rin ito sa mga pinakapopular na tourist destinations sa Visayas. Mayaman kasi ito sa naggagandahang white sand beaches at diving spots.
Bukod pa riyan, kilala rin ang Cebu sa kanyang makukulay na pista katulad ng Sinulog Festival. Hitik na hitik rin ang siyudad sa masasarap na pagkaing tulad ng Tuslob Buwa, siomai sa Tisa, at ang kanilang sikat na sikat na lechong Cebu.
Kaya naman ipila niyo na ang Cebu sa listahan ng mga pupuntahan ninyo ngayong malapit na ang summer vacation ng mga bata. Narito ang ilan sa mga family-friendly resorts na pwedeng-pwede ninyong puntahan. Highly recommended ang mga ito ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Bluewater Maribago Beach Resort
Kung gusto mong malayo sandali sa ingay ng siyudad at sa halip ay mas mapalapit sa kalikasan, magugustuhan mo at ng iyong pamilya sa Bluewater.
Mayroon silang day tour na nagkakahalaga ng Php2,000 per person kapag Lunes hanggang Huwebes at Php2,500 kapag Biyernes hanggang Linggo. Kasama na rito ang lunch buffet sa kanilang Allegro Restaurant, access sa Allegro pool at beach, pati na rin sa kanilang game facilities na may foosball, billiards, badminton, at volleyball.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKalahati lang ang babayaran mo para sa mga batang edad anim hanggang labingisa habang libre naman ang entrance ng mga batang edad lima pababa.
Kung adventurous naman ang inyong pamilya, pwede ninyong subukan ang kanilang Aquamania. Mayroon silang sports facilities tulad ng jet-ski, scuba, at snorkel. Pwede rin kayong mag-island hopping.
Para naman sa mga gusto lang magrelax sa resort, pwede kayong maglaro sa kanilang life-sized chess board. Magugustuhan din ng mga anak mo ang Children's Playground at the Grove maging ang kanilang Kiddie Playroom sa Dolpo Kids Club.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPaglabas ninyo ng resort, pwede ninyong puntahan ang Mactan Shrine at iba pang mga historic sites tulad ng Magellan Shrine. Pwede niyo ring panoorin kung paano ginagawa ang mga sikat na Cebu guitars o 'di naman kaya at mag-travel pabalik sa nakaraan sa Fort San Pedro, Magellan's Cross at marami pang iba.
Matatagpuan ang Bluewater Maribago sa Buyong Road, Maribago, Lapu-lapu City. Para sa reservations, pwede kang tumawag sa mga numerong ito: +6332 402 4100, +63998 843 7688 o magpadala ng email sa maribago@bluewater.com.ph. Pwede mo ring puntahan ang kanilang Facebook page (@bluewater.maribago).
Jpark Island Resort & Waterpark, Mactan, Cebu
Sa dami ng mga swimming pools sa Jpark Island, siguradong mangungulubot ang balat ng mga anak mo dahil hindi na nila gugustuhin pang umahon. Mayroon silang isang main pool, limang themed pools, at tatlong matataas na slides.
Kabilang sa kanilang themed pools ang Amazon River, Wave Pool, Toddler's Pool, at Captain Hook's Pool. Saan man ninyo mapiling mag-swimming ng iyong mga anak, siguradong mag-eenjoy sila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKumpleto rin ang mga amenities nila sa kanilang mga kwarto. Pwede kang mamili sa kanilang deluxe rooms, suites, at villas.
Bahagi rin ng resort ang kanilang private beach kung saan pwede kayong mag-swimming at snorkeling. Kung gusto ninyong magdive, mayroon ding dive shop sa resort.
Mayroon din silang activity zone at game room kung saan kayo pwedeng tumambay ng mga anak mo. Mayroon silang mini gym, playhouses at mga slides. May miniature golf course din sila, go kart at giant chess board.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag tulog na ang mga bata, pwede naman kayong pumunta ni daddy sa casino na mayroon din sa resort o 'di kaya ay mag-exercise sa ganilang fitness center.
Matatagpuan ang Jpark Island Resort sa M.L. Quezon Highway, Brgy. Maribago, Lapu-Lapu City. Pwede mong sundan ang kanilang Facebook page (@jparkislandresort) para sa karagdagang impormasyon.
What other parents are reading
Happy Beach Cebu
Naghahanap ba kayo ng cute, Instagrammable, at masayang summer vacation? Pwedeng-pwede 'yan sa Happy Beach Cebu. Nakilala sila dahil sa kanilang Pink Bali Lounge at Happy Jungle Lounge na bukod sa sobrang cute tignan at relaxing pa. Idinesenyo ito ng iba't-ibang artists at designers para mas maging kakaiba pa ang beach experience ng bawat bisita.
Ang mga daybed na may kasamang meryenda at dalawa hanggang apat na tuwalya ay nagkakahalaga ng Php1,500. Hindi pa kasama riyan ang Happy Ticket na nagkakahalaga namang ng Php699 kapag weekdays at Php849 kapag weekends.
Kapag bumili ka kanilang Happy Ticket, mayroon ka nang whole day access sa Mactan Beach, Pink Pool, Pink Bali Lounge, Floating Zoo & Animal Cabanas, Water Babies Show, at Dancing Fire Show.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaganda ang reviews ng mga nanay sa mga accommodations sa Happy Beach. Ayon sa kanila, inviting, cosy, at relaxing ang mga ito—kumpleto na rin ng mga amenities. Kwento pa ng mga mommies na nakapunta na rito, maganda ang Happy Beach kung mayroon kang dalang mga bata dahil hindi ito malayo sa town proper.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng kanilang online promo rate ay nagsisimula sa Php5,999 para sa dalawang adults at isang bata edad 12 pababa. Php1,800 naman ang dagdag per person. May kasama na itong breakfast. Kasyang-kasya ang hanggang anim na tao sa kanilang mga kwarto.
What other parents are reading
Ilan lamang ang mga ito sa mga beach resorts na pwede ninyong i-book ngayon summer vacation. Pwedeng-pwede rin kayong pumunta sa Bantayan Island kung saan naman pwede ninyong i-explore ang 'Camp Sawi' o 'di naman kaya ay mag-motor at mag-bike sa buong isla. Sariwa rin ang kanilang mga pagkain, lalong-lalo na ang mga lamang dagat.
What other parents are reading
Nakapunta na ba kayo ng family mo sa Cebu? Saan kayo nag-stay? Kumusta ang inyong experience? I-share na 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments