embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Botolan, Zambales Lakwatsa! Narito Ang Ilang Best Pasyalan At Tulugan

    Nagbabalak ba kayong maglibot sa Zambales sa bakasyon?
    by Ana Gonzales .
Botolan, Zambales Lakwatsa! Narito Ang Ilang Best Pasyalan At Tulugan
PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel
  • Madalas kapag nababanggit ang Zambales, ang mga beaches sa Subic ang unang pumapasok sa isip natin. Ngunit marami pang ibang mga magagandang lugar na maaaring puntahan sa Zambales katulad ng Botolan.

    Anong magandang gawin sa Botolan, Zambales?

    Dito mo makikita ang ilan sa mga pinaka magagandang mountain rivers, waterfalls, at crater lakes. Magandang puntahan ang Botolan kung gusto mo ng tamang halo ng katahimikan at adventure.

    Kapag weekends, halimbawa, maraming nagpupunta sa Camp Kainomayan, kahit pa alas singko pa lang ng umaga. Marami kasi ang gustong umikot sa Pinatubo. May mga Mt. Pinatubo tours na nagkakahalaga ng mula sa Php1,600 hanggang Php2,050. Kasama na rito ang sakay sa 4x4 na jeep, local trail guide, at lahat ng tourism fees.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nariyan din ang Tukal-Tukal Falls na matatagpuan sa Baranggay Malomboy. Mararating mo ito sa pamamagitan ng pagsakay ng 4x4 at aabutin ang biyahe ng hanggang isang oras. Isang oras din ang trek pero sulit naman ito dahil dadaan ka sa magagandang tanawin.

    Pwede rin kayong maglibot sa Botolan Wildlife Farm o di naman kaya ay pumunta at magswimming sa mga beaches sa barangay Binoclutan, ang tinaguriang “Beach Capital” ng Botolan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saan magandang magbook ng matutuluyan?

    Isa sa mga maaasahan namin pagdating sa family travels ay si mommy Vikki Dianne Masaquel mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Madalas siyang magshare ng kaniyang travel tips and experiences kasama ang kanyang pamilya. 

    Kamakailan nga ay sa Botolan, Zambales sila nagkaroon ng isang simpleng family getaway at sa Sundowners Beach Villas (Facebook: @sundownerszambales) sila nagbook ng stay. Ang kinuha nila ay ang 2-bedroom pool villa, isa sa sampung accommodations na mayroon sa Sundowners.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang unit ay nagkakahalaga ng Php14,000 para sa pitong tao at Php1,200 para sa mga additional guests. Mayroon itong isang master bedroom na may Moroccan Sofa, isang twin bedroom na may dalawang two queen-size beds at tatlong toilet and bath.

    Maluwang ito at maaliwalas, lalo na ang sala at ang dining room. Inviting din ang balcony na may seating at lounging areas. Mayroon rin itong private garden at pool area, barbecue and grill area, at outside shower.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa sa mga pinaka nagustuhan ni mommy Vikki sa accommodation na binook nila sa Sundowners ay ang kusina nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Pwedeng magluto at kumpleto ang villas nila ng maaayos na gamit sa kusina,” kwento niya. “Mayroons refrigerator, rice cooker, stove, water dispenser, plato, kutsara, kutsarita, mangkok, tasa, baso, kaldero, at kawali,” dagdag pa niya. Masaya niyang ibinahagi sa Village na lahat ng kailangan ng isang pamilya para makapagluto (o mabuhay) ay naroon na. May extra ring tubig para sa water dispenser kaya hindi mo na kailangang magdala.

    May restaurant din sa loob ng vicinity ng resort kaya kung hindi man kayo magluluto ay pwede na kayong doon kumain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa kay mommy Vikki, child-friendly ang mga rooms at facilities. “Lahat ng pool ay may pang kids area,” sabi niya. Minimalist din daw ang mga villas. Walang masyadong nakaharang at sagabal kaya maganda lalo na kung tulad niya ay may toddler kang mahilig mag explore o tumakbo-takbo. May mga swings din kung saan nakakapaglaro si mommy Vikki at ang kanyang toddler. 

    “Syempre always keep an eye pa rin sa mga bagets, make sure na laging may kasamang adult habang nag si-swim,” payo pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag offer din siya ng extra tip: “May Php2,000 deposit na makukuha ng buo kung walang magiging damages kaya ingat-ingat sa mga gamit.” Kaya kung mayroon kayong maliliit na bata na kasama, siguraduhin niyo lang na babantayan niyo silang mabuti.

     

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel

     

     

    Ilan lamang ‘yan sa mga pwedeng ninyong puntahan at gawin kapag naglibot kayo sa Botolan. Kung naghahanap ka ng panandaliang kapayapaan, malayo sa ingay ng siyudad, isa ito sa mga pinakamagandang puntahan. Anim na oras lang ito mula Metro Manila, hindi kayo maiinip sa biyahe. At kahit overnight lang ang inyong stay, sulit pa rin dahil sa ganda ng tanawin dito.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    Mayroon ka bang highly recommended pasyalan na gusto mong i-share? Sumali na sa aming Facebook group na Smart Parenting Village o di kaya ay ipadala mo ito sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com

     

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles