Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Jade Lopez: Useful Ang Unan Sa Pag-Travel Kung Ikaw Ay Buntis

    Four months na buntis si Jade noong nag-byahe siya sa Japan kasama ang asawa.
    by Jocelyn Valle .
  • Ilang linggo pagkatapos ianunsiyo ni Jade Lopez nitong September 2019 sa social media na buntis siya sa panganay nila ng kanyang mister na si Rocky Siccion ay bumiyahe silang dalawa sa Japan upang dumalo sa kasal ng kanilang kaibigan.

    Travel tips kung ikaw ay buntis

    Four months na ang dinadala niya noon at marami siyang natutunan sa pagbibiyahe bilang buntis. Ibinahagi ng aktres, na unang sumabak sa showbiz noong 2003 bilang kalahok sa GMA-7 talent search na StarStruck, ang ilan sa kanyang mga natutunan sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel. Nagbigay siya ng pitong travel tips sa November 10, 2019 video post.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Siguraduhin na kayang magbiyahe kahit buntis

    Mapalad si Jade na hindi siya high risk pregnancy at kayang-kaya niyang magbiyahe. Pero hindi lahat ng buntis ay katulad niya kaya ang kanyang payo ay magpatingin muna sa ob-gyn bago magbalak na umalis. Tanungin si doc kung ligtas ka bang magbiyahe, lalo na kung sa ibang bansa ang destinasyon.

    More from Smart Parenting

    2. Magdala ng sariling gamot at vitamins.

    Paalala ni Jade na baka hindi maging madali ang pagbili ng gamot sa pupuntahang bansa. Sa naunang biyahe niya sa Japan, halimbawa, ay naging problema ang language barrier kaya nahirapan siyang kausapin ang counter attendant tungkol sa medical terms. Aniya, sa pagkonsulta sa ob-gyn ay humingi na rin ng reseta para sa mga gamot na dadalhin sa biyahe.

    3. Huwag kalimutang dalhin ang certificate to travel.

    Requirement ng airline companies ang certificate to travel bilang patunay na may pahintulot ng doktor ang pagbiyahe ng buntis. Para maiwasan ang aberya sa pag-alis pa lang ay unahin ito sa listahan ng mga gagawin sa pagbisita sa ob-gyn.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Mag-empake ng comfy clothes at shoes.

    Masaya si Jade na naging kumportable siya mula sa four-hour flight patungong Japan hanggang sa pagliwaliw sa siyudad nitong Tokyo. Ang dahilan ay ang mga suot niyang damit at sapatos. Ani Jade ay parang pangtulog ang materyal ng mga damit niya kaya presko ito sa katawan.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Dalhin ang favorite snack.

    Kuwento ng Kapuso actress, na huling napanood sa drama series na Bihag, ay mabilis siyang mangasim sa panlasa kaya lagi siyang naghahanap ng maaasim na pagkain. Ang kanyang solusyon ay ang pagbabaon ng paboritong snack, lalo na’t kung sa Pilipinas lang ito nabibili.

    6. Ugaliing uminom ng tubig.

    Mainam ang tubig para laging hydrated. Ang problema lang, pansin ni Jade, ay ang hatid nitong madalas na pag-ihi. Kuwento niya noong paglapag nila sa airport ay uminom siya ng isang malaking bottled water at agad na nagbanyo. Ngunit ang nasakyan nilang train ay dumidiretso mula airport hanggang sa hotel na kanilang tutuluyan. Kaya sa kalagitnaan pa lang ng kanilang biyahe ay nagsabi na siya sa kanyang mister na kailangan nilang bumaba sa pinakamalapit na train station para magkabanyo siya.

    Komento niya, “I’m sure nakaka-relate kayong mga buntis diyan na kapag na-weewee tayo, talagang ’yon na ’yon. Hindi natin kayang i-control.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7. Useful ang unan.

    Kung noong di pa siya buntis ay sapat na sa kanya ang travel pillow, mas malaking unan na ang hanap ni Jade ngayong malaki na ang tiyan niya. Pansin niya kasing sumasakit ang kanyang lower back kaya kailangan niya ng unan para dito.

    May bonus tip pa si Jade: “Mas gagaan ang buhay kapag isasama mo ang napaka-sweet mong mister, aka ang iyong PA, cameraman, taga-navigate, tagabuhat ng gamit…”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles