-
Love & Relationships 5 Ways To Survive Annoying Family Members During The Holidays
-
Family Fun Satisfy Your Milk Tea, Coffee, and Yogurt Cravings At These 3 New Spots In The Metro
-
Beauty Best Of 2019: Pinakamagagandang Pampaganda Ayon Kay Anne Clutz
-
News Here's How Much Your PhilHealth Contribution Will Be With The New Premium Schedule
-
Alice Dixson Nag-Tour Sa Iyong Next Weekend Road Trip: New Clark City
Hindi rin pinalampas ni Dyesebel na mag-swimming sa Olympic pool sa Aquatic Center.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Alice Dixson/YouTube
Bagaman hindi naiwasan ang kontrobersya sa 30th Southeast Asian Games ngayong taon, mas marami pa ring kwento ng tagumpay at pagpupursigi ang nangibabaw. Sa kasalukuyan, mayroon nang tatlumpu’t walong gold medals, dalawampu’t isang silver medals, at labing-apat na bronze medals ang Pilipinas—pitumpu’t tatlo sa kabuuan at kasalukuyang nangunguna.
Bukod sa galing ng atletang Pinoy, nangibabaw at hinangaan din ang venues na nauna nang binatikos sa pagsisimula pa lang ng SEA Games. Isa na rito ang New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.
Ipinakit ng aktres na si Alice Dixson sa kanyang vlog kung ano nga bang itsura nito sa loob, sa kabila ng naunang issues patungkol sa pagkain at logistics sa stadium bago pa man magsimula ang opening ceremonies ng palaro.
Nagsimula ang pag-iikot niya sa Athlete’s Village kasama sina Arrey Perez, deputy director general ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee at si Juanito Martin Abaquin, director ng Athlete’s Village.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNaunang ipinakita ng aktres ang athlete’s dorm. Lahat ng kwarto dito ay maaaring paghatian ng hanggang tatlong tao. PWD-friendly ang lahat ng facilities, dahil sa susunod na taon naman ay gaganapin ang 2020 ASEAN Para Games. Mayroon ding badminton, volleyball, at basketball court sa Athlete’s Village.
Ayon kay Abaquin, mayroong legacy project ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) o ang manager ng property, para magamit pa rin ang New Clark City Sports Complex pagkatapos ng palaro. Maaari itong gamitin para sa mga events o sa mga short-term rentals.
Lahat ng facilities sa loob ng New Clark City ay Olympic-certified, pati na rin ang sporting facilities dito.
Syempre, hindi pinalampas ni Dyesebel na subukang lumangoy sa Aquatic Center ng New Clark City. Dito ang venue ng swimming, diving at water polo events. Mayroon itong diving pool training pool, at Olympic-sized pool.
Umikot din ang aktres sa National River Park at Athletics Stadium, na parehong hindi maikakaila ang world class quality.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnong sporting event ang pinaka inaabanagan mo sa SEA Games? May pangarap ka bang maging atleta ang iyong anak? Ibahagi mo sa amin sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Recommended Videos