Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Gusto Mo Bang Makaranas Ng Enchanted Christmas? Tara Na Sa Baguio

    Narito ang mga Christmas attractions na magandang puntahan sa City of Pines ngayong holiday season.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Gusto Mo Bang Makaranas Ng Enchanted Christmas? Tara Na Sa Baguio
PHOTO BY Ray Gonzales
  • Ang Baguio City ay paboritong pasyalan ng maraming tao tuwing sumasapit ang holiday season. Isa kasi ito sa mga lugar dito sa Pilipinas kung saan talagang madarama mo ang lamig ng simoy ng pasko. Bukod pa riyan, taon-taon ay maraming hinahandang iba't-ibang activities at attractions ang local government para sa mga residente at turista.

    Kung nais ng iyong pamilya maranasan ang isang Enchanted Christmas, ayusin na ang pagpunta sa Baguio dahil sa loob ng 40 na araw bago mag-Pasko, maraming pwedeng pasyalan dito na tiyak kagigiliwan ng buong pamilya.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga holiday attractions na mayroon ngayong taon sa Baguio?

    Baguio Country Club Christmas Village

    Simula noong 2011, naging tradisyon na sa Baguio Country Club ang pagkakaroon ng Christmas Village na may iba’t ibang tema. Patok sa mga bata ang kanilang artificial snow, at kinagigiliwan naman ng mga matatanda ang iba’t ibang mga Christmas display dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngayon para sa kanilang ika-siyam na taon, binuksan nila sa publiko ang kanilang Christmas Village na may temang: “A Christmas Fantasy.” Binase nila ang mga display sa sikat na pelikula ng Avengers at Game of Thrones.

    Ang entrance fee ay Php120 para sa mga matatanda, Php50 para sa mga batang edad 4 hanggang 12 taon, Php85 naman para sa mga senior citizen at libre naman ang mga PWD at mga batang edad 3 pababa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsimulang magbukas sa publiko ang Baguio Country Club Christmas Village noong Oktubre 23, at magtatagal ito ng hanggang January 5, 2020. Bukas ito ng 2:00pm hanggang 10:00pm (Lunes hanggang Huwebes) at 10:00am hanggang 11:00pm naman (Biyernes hanggang Linggo).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil mas maraming tao ang pumupunta dito tuwing Sabado at Linggo, mas magandang pumunta dito ng weekdays. Kung gusto mong mapanood ang kanilang Nativitiy Pageant at live musical performance, mas magandang pumunta dito ng bandang alas-sais ng gabi.

    Tuwang-tuwa sa mga pa-ilaw at mga super heroes na tampok ng gabing iyon ang aking anak, at namangha naman kami sa malaking dragon na gawa sa bulaklak na isa sa mga attraction nila ngayong taon. Aliw na aliw pa rin kami sa artificial snow, mas maluwang ang lugar kung saan sila nagpapaulan ng artificial snow kumpara sa mga nakaraang taon. Sa kabuuan, nag enjoy ang aking mga magulang sa pamamasyal at panonood ng live musical performance dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang paalala lamang, ipinagbabawal sa loob ng Baguio Country Club Christmas Village ang pa suot ng anumang klase ng tsinelas. Madulas kasi sa loob kaya mas mainam na magsuot ng rubber shoes.

    More from Smart Parenting

    Manor, Camp John Hay Christmas Light Show

    Tulad ng sa Baguio Country Club, taon-taon ay mayroon ding Christmas display at light show sa open garden ng Manor hotel sa loob ng Camp John Hay. Kabubukas lang nito sa publiko noong November 9 at magtatagal ito hanggang January 3, 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang entrance fee dito ay Php150 para sa kahit sinong walk-in na bisita, Php120 para sa mga senior citizen, at libre naman ang mga batang edad tatlo pababa at mga PWD. Bukas ito araw-araw mula 10 ng umaga hanggang 9 ng gabi. Kung nais ninyong mapanood ang kanilang Symphony of Lights show, tuwing Biyernes hanggang Linggo ang schedule ng light show ay 6pm, 7pm, 8pm at 9pm at nagtatagal ito ng 20minutes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kinagandahan ng bagong attraction na ito ay, maliban sa nag enjoy na ang buong pamilya sa pamamasyal at paglalaro sa iba’t-ibang activities, ang lahat ng kikitain mula sa mga bibisita dito ay gagamitin para makalikom ng pondo para sa art activities para mga batang may autism.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang hardin sa harap ng Manor hotel ay nagmukhang isang Winter Wonderland, mga malalaking penguin display, at mga naglalakihang white Christmas tree at Christmas balls. May lifesize belen din na makikita sa harapan ng man-made pond at napapalibutan ng mga ilaw ang buong paligid ng hotel. Makikita din sa loob sila Ana at Elsa ng pelikulang Frozen at sina Santa at Norman the Bear. Maaring makipag picture taking sa mga ito at makipaglaro ang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga activities na pwedeng ma-enjoy ng mga kabataan habang nasa loob ng kanilang garden ay paglalaro sa Giant Snow Globe, palaruan nila gaya ng Giant Jenga, Target Shooting, Hook The Ducks, Smash The Can, Ropes and Ladders, Buzzwire Maze, Trampoline.

    Sabado noong magpunta kami dito, alas kwatro pa lng ng hapon madami ng tao at mga batang naglalaro sa mga nakahanda nilang activities. Marami ding kumakain sa kanilang cafe habang hinihintay mag alas sais ng hapon para mapanuod ang kanilang Symphony of Lights show.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdilim, mas maappreciate mo ang kanilang Christmas display lalo na ang pailaw na nilagay nila sa palibot ng hotel. Masayang masaya ang mga bata ng simulan nilang buksan ang artificial snow. Nang magsimula ang kanilang Light show, kasabay ng pag awit ni Elsa mula sa pelikulang Frozen, talaga namang nakaka aliw panuorin ang sabay sabay na pag kislap ng mga ilaw. Pati ang kanilang Giant Snow Globe na pinaka sentro ng attraction.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Rose Garden, Burnham Park

    Ngayong taon, handog ng lokal na pamahalan ng Baguio sa mga residente at bisita ng siyudad na ito ang isang Christmas Fair event sa Rose Garden, Burnham park. European design ang kanilang ginamit at ang tema ngayon taon ay “An Enchanting Baguio Christmas.” Nagbukas ito noong November 24 at magtatagal hanggang January 6, 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kinagandahan nito, walang bayad ang pamamasyal dito at talaga namang pinaghandaan nila ang dekorasyon sa buong park. Sa entrance pa lang pakiramdam mo na ay nasa ibang bansa ka na. Paglibot mo naman sa bung parke, madaming mga panindang pagkain at mga produktong lokal ang iyong pagpipilian.

    Tuwang tuwa ang aking anak sa isang human statue na nagpapatawa sa isang parte ng parke.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga fountain naman ang kinagigiliwan ng mga bata. Lalo na nang pag-dilim at may pailaw ito, mas lalong nagustuhan ng aking anak ang panunuod sa pag sayaw ng tubig.

    Maliban sa magandang dekorasyon, may inihanda rin silang iba’t ibang event kada linggo sa parkeng ito, katulad na lang noong nakaraang linggo sa opening nito, marami ang natuwa sa pagbisita at pagharana ng Philippine Philharmonic Orchestra.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang iba pang activity na masasaksihan sa mga susunod pang araw sa rose garden ay ang lights and sounds show, pagsindi ng Christmas tree, mga sports infusions tulad ng Saka Rocker Music and Football Festival, at iba pang community-centered events at arts programs.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman kung naghahanap pa lang kayo ng magandang pasyalan para sa buong pamilya, ang Baguio ay isa sa mga magandang pupuntahan, lalo na ngayon dahil tapos na ang ikatlo at huling section ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), tatlong oras na lang ang magiging byahe mula Manila papuntang Baguio.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles