embed embed2
  • 6 Paraan Para Ihanda Si Baby Para Sa Kanyang Unang Flight

    Anu-anong dokumento at gamit nga ba ang dapat ihanda?
    by Ana Gonzales .
6 Paraan Para Ihanda Si Baby Para Sa Kanyang Unang Flight
PHOTO BY iStock
  • Makailang ulit na ngang napatunayan ng mga eksperto na maraming magagandang naidudulot sa mga bata ang pagtatravel. Ayon sa kanila, nakakatulong ito sa brain development ng mga bata, dahil pinapagana nito ang mga bahagi ng utak na may kinalaman sa memory, learning, emotion, at motivation.

    Sa kabila ng mga benepisyong ito, hindi pa rin maikakaila na mahirap magtravel kasama ang mga bata—lalong-lalo na kung unang beses nilang sasakay sa eroplano at iba pang uri ng transportasyon tulad ng bangka, tricycle at iba pa.

    More from Smart Parenting

    Kaya naman laging nagbabahagi ng mga tips at hacks ang mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Isa na riyan si mommy Mia Locsin-Santos. Sampung buwan pa lang ang kanyang anak nang una nila itong isamang magtravel. Nakapunta na si baby sa Korea at sa Boracay. Nakasakay na rin siya sa bangka.

    Kitang-kita namang mukhang sobra ang saya ni baby dahil sa snow!
    PHOTO BY courtesy of Mia Locsin-Santos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento ni mommy, hindi fussy ang anak niya kapag nagtatravel sila, basta't makakakuha ito ng sapat na tulog. "My baby kasi [is] super observant niya sa [mga tao] around him and sa sceneries," sabi ni mommy.

    More from Smart Parenting

    Bukod sa paninugurong makakatulog ng sapat si baby, narito pa ang ilang tips ni mommy para maging smooth sailing ang kanyang unang flight:

    Piliin ang tamang flight schedule

    Kung kalimitang nakabase ang flight schedule ninyo sa presyo ng pamasahe, kapag may baby na kayo, kailangang maging maparaan kayo sa pagpili ng oras ng flight.

    Payo ni mommy, piliin ang inyong fligth schedule base sa body clock ni baby. "Babies usually have a routine as to when they eat or sleep," pagsisimula niya. " If it's possible to pick the right schedule based on your baby's body clock, that will be much better so that no adjustments will be made especially during his sleeping time."

    Narealize niya ito nang magtravel sila at hindi sila nakapili ng tamang flight schedule. "We arrived [at] our destination at [three in the morning], so there are interruptions during Cairo's sleep, which made him a little cranky."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Siguraduhing kumpleto ang mga dokumento ng anak mo

    Kailangang dala mo ang passport ni baby, pati na rin ang kanyang birth certificate kung international ang biyahe ninyo. Kung dito lang sa atin, sapat nang dokumento ang kanyang birth certificate.

    "We also requested a fit to travel certificate from our pediatrician just to be sure that Cairo is fully ready to travel via plane," sabi ni mommy. "You may also do this as an additional document for you to carry as well as to also be sure that it is really safe for your baby to travel," payo pa niya.

    More from Smart Parenting

    Mamili ng magandang pwesto o upuan

    "For us, we chose to sit at the back so that we could stand up easily in case Cairo became fussy or may cry a lot," pagbabahagi ni mommy. Sa ganitong paraan, umiyak man ang bata, hindi maiistorbo ang ibang mga pasahero.

    Hindi fussy si baby basta't kumpleto ang kanyang tulog.
    PHOTO BY courtesy of Mia Locsin-Santos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinaalala rin ni mommy na hindi libreng lumipad ang mga bata. "It is less expensive than the regular flight rate, [but] we still need to pay either a seat or a lap fee for our baby. You may check your preferred airlines regarding their fees."

    Mag-invest sa tamang stroller

    Kung hindi pa nakakalakad ang anak ninyo, mas magiging madali ang buhay ninyong mag-asawa kung magdadala kayo ng stroller na magaan at mabilis itiklop. "What we have is the Aprica Nano Smart which is very convenient for traveling because it's lightweight and you can hand carry it," sabi ni mommy. Dagdag pa niya, "If you will buy a different brand of stroller, make sure that it's travel approved."

    Comfy si baby, hindi pa hirap si mommy at daddy!
    PHOTO BY courtesy of Mia Locsin-Santos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguraduhin mong itatanong mo muna sa inyong preffered airline kung iba ba ang bayad sa baggage allowance at sa stroller para hindi madagdagan ang iyong gastos.

    More from Smart Parenting

    Pakainin o painumin si baby kapag takeoff at landing

    Ganito rin ang tip Mariel Padilla. Ayon sa celebrity mommy, para hindi sumakit ang tenga ni baby kapag takeoff na at landing, siguraduhing mayroon siyang iniinom o nilulunok. Payo ni Mia, "You may nurse / bottle feed your baby or let them drink water and eat their favorite snacks."

    Magdala ng toys, books at iba pa

    "I packed his favorite toy and favorite book and even have a new toy for him to get busy with," kwento ni mommy. "I [have] also downloaded his favorite nursery rhymes in case he gets bored with all his toys and books," dagdag pa niya.

    Narito pa ang ilang mga gamit na ihinanda ni mommy:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • formula milk or pumped milk
    • distilled water
    • diaper and wipes
    • alcohol / sanitizers
    • favorite toy and a new toy (This worked for us!)
    • favorite book
    • favorite snacks
    • medicines (if needed)
    • extra clothes
    More from Smart Parenting

    Ilan lamang ito sa mga ginawang paraan ni Mia para masigurong magiging maayos ang unang flight ng kanyang baby. "Cairo enjoyed his first flight as well as his first travel out of the country," pagbabahagi niya.

    Kailan ang unang flight ninyo kasama si baby? Saan ang punta ninyo? May mga tried and tested hacks ka na ba para ihanda si baby sa kanyang unang flight? I-share mo lang sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles