-
Pili Paninap Farm: Perfect Para Sa Mga Naghahanap Ng Sariwang Hangin!
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Bagaman nakakatakot magtravel ngayon dahil sa mga kumakalat na karamdaman tulad ng COVID-19, malaki pa rin ang maitutulong ng pag-iwan sa gulo ng Metro Manila para sa sariwang hangin ng probinsiya. Ang isa rin kasi sa mga pinakamabisang paraan para labanan ang kung anu-anong mga nagsusulputang viruses ay ang pagkakaroon ng malakas na immune system.
Kaya naman kung naghahanap kayo ng magandang puntahan ngayong weekend o sa mga paparating pang bakasyon, pwede ninyong bisitahin ang Pili Paninap Farms Resort and Campground (Facebook: @paninapfarms).
Sino ba namang hindi marerelax sa ganitong tanawin?PHOTO BY courtesy of Vikki MasaquelKwento sa amin ni mommy Vikki Masaquel, isa sa mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, nagbook siya rito ng family room para sa anim na tao at talaga naman hindi sila na-disappoint.
Binisita namin ang website ng Pili Paninap para makita ang mga rooms at amenities na mayroon sila. Ayon sa kanilang website, mayroon silang apat na lodging options na pagpipilian.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHeart to heart kwentuhan na lang kaysa magbabad sa gadgets at social media!PHOTO BY courtesy of Vikki MasaquelNariyan ang kanilang Inop Room na nagkakahalaga ng Php3,500 a night. Pwede ito sa anim na tao. Mayroon na itong dalawang double beds at dalawang single beds. Mayroon na rin itong sariling toilet at shower na may mainit na tubig.
Ang kinuha nina mommy Vikki ay ang Handurawan Room na nagkakahalaga rin ng Php2,500 a night. Tulad ng Inop, pwede rin ito sa anim na katao, pero anim na single beds ang mayroon dito. Common toilets and showers ang gagamitin. Kwento ni mommy, "Walang aircon, pero nadaig ng lamig ng hangin sa labas ang Condura!"
Enjoy na enjoy hindi lang ang mga kids kundi pati na rin ang mga adults!PHOTO BY courtesy of Vikki MasaquelCONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Sa Paninap Logde naman nila, pwedeng matulog ang hanggang siyam na katao. Mayroon itong siyam na single beds. Mayroon din itong attic at ground floor dining area. Nagkakahalaga ito ng Php4,500 kada gabi. Kung kailangan ninyo ng karagdagang higaan, Php400 lang ang renta sa mattress.
Kung masyado namang malalaki ang mga ito para sa inyo, nariyan ang kanilang Tagitnep Room na para sa limang tao. Mayroon itong dalawang double beds at isang single bed. Mayroon na rin kayong sarili ninyong toilet and bathroom.
Importante sa mga bata ang mga ganitong intimate moments kasama ang buong pamilya.PHOTO BY courtesy of Vikki MasaquelPagdating naman sa pagkain, mayroon silang all-day breakfast plates na nagkakahalaga lang ng Php275. Lahat ng mga ito ay ihinahain na may kasamang fried rice, buko juice, at choice mo ng salted egg at kamatis, kape o hot chocolate, at maruya o minatamis na saging. Talagang buhay probinsya muna kayo ng iyong mag-anak—walang softdrinks at fast food para ramdam talaga ang healthy na pamumuhay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa sobrang luwang ng laruan, siguradong hindi mauubusan ng gagawin ang mga bagets!PHOTO BY courtesy of Viki MasaquelPara naman sa mga budget-conscious na katulad nina mommy Vikki, ni-rent nila ang kitchen sa halagang Php1,000. Kasama na rito ang stove, utensils, pots, at pans. Nagdala na lang sila ng mga pagkaing lulutuin.
Pagkatapos ng masarap na kain, pwedeng umidlip sa preskong kwarto o 'di naman kaya ay magtampisaw sa malapit na ilog. Sabi ni mommy, "Ang lawak ng takbuhan ng bagets. So magbaon ng extra lakas kung may dalang chikiting." Mayroon ding mga bikes na nakaparada na pwedeng-pwedeng hiramin. "May mga swings at hammocks din na pwedeng tambayan. May alaga silang horses at deers. Mahina ang signal so walang makapag Mobile Legends!" dagdag pa niya.
Goodbye Mobile Legends dahil mas masarap magtampisaw sa ilog!PHOTO BY courtesy of Vikki MasaquelADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"'Yung daan papunta eh medyo rough pero ongoing na ang constructions for our future convenience," kwento ni mommy. "This place is literally a breath of fresh air."
Mauuna kang mapapagod sa anak mo dahil sa dami ng gagawin kaya magbaon ng extra lakas!PHOTO BY courtesy of Vikki MasaquelWhat other parents are reading
Kayo? Nakapunta na ba kayo sa Pili Paninap Farm? Saan kayo madalas mag-outing ng inyong pamilya? I-share mo na sa comments section. Gusto mo bang makakita ng maraming inspirasyon para sa mga susunod ninyong trips? Sumali ka na sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Kung gusto mong mag-inquire sa availability ng mga kwarto sa Pili Paninap Farms, pwede kang pumunta sa kanilang website: https://paninapfarms.com/ o tumawag sa 09157877429.

- Shares
- Comments