embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 7 Bansa Sa Isang Taon! Travel Ang Madalas Regalo Kay Scarlet Snow Ng Kanyang Magulang

    Pitong bansa ang nakitang napuntahan ni Scarlet Snow base sa Instagram. Meron pa kayang iba?
    by Jocelyn Valle .
7 Bansa Sa Isang Taon! Travel Ang Madalas Regalo Kay Scarlet Snow Ng Kanyang Magulang
PHOTO BY @scarletsnowbelo/Instagram
  • Dahil jetsetter ang mga magulang ni Scarlet Snow Belo Kho na sina Vicki Belo at Hayden Kho, na pawang beauty doctors, ay madalas ding magbiyahe ang 4-year-old product endorser at social media influencer. Base sa kanyang Instagram feed, nakabisita siya at ang kanyang pamilya sa pitong bansa nito lamang nakaraang taon, mula January 2019 hanggang January 2020. 

    Cuba, January 2020

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinalubong ni Scarlet ang bagong taon sa Havana, ang kapitolyo ng bansang Cuba na isang island-nation sa Caribbean Sea. Matatagpuan ang Cuba sa south part ng U.S. state na Florida at sa east part naman ng bansang Mexico.

    Kasama niyang nagbiyahe ang mga magulang na sina Vicki at Hayden, ang ex-husband ni Vicki na si Atom Henares, at ang mga anak nila Vicki at Atom na sina Cristalle Henares-Pitt at Quark Henares.

    Sa isang IG post ay ipinakita pa ni Scarlet sa kanyang adult companions kung paano mag-pose sa harap ng camera.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    U.S., December 2019 

    Nagdiwang ng Pasko si Scarlet at kanyang pamilya sa siyudad ng Los Angeles sa California, United States. 

    Ang caption sa post sa Instagram account na nasa kanyang pangalan, “It's Christmas. I have to look my best because today we celebrate King Jesus' birth. I am imagining that I am visiting him to welcome him to earth. And because I don't have myrrh, frankincense, or gold (except my gold shoes), I'll give him my heart. I think he wants our hearts more than our things so that should be our gift to Him.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad ng isa pang IG post kung tungkol sa pinakagusto niya kapag Kapaskuhan, “My favorite thing about Christmas is that Daddy is just home and not working. We're just playing and telling stories all day. My heart is so happy.”

    Japan, November 2019

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masyado daw nagtatrabaho ang kanyang Mommy Vicki kaya nagyaya siyang magbakasyon sa Japan, ayon sa post sa account na nakapangalan kay Scarlet. 

    Pahayag niya, “Mommy's working so hard so I asked her to take a break with me in Japan. I'm glad she said ‘yes.’ I want my Mommy to be healthy so we can have more time to be with each other and play. I love my Mommy.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Monaco, October 2019

    Itong buwan na ito nagpunta si Scarlet sa Monaco, isang sovereign city-state at monarchy na matatagpuan sa French Riviera sa Western Europe, para sa isang influencer event. Kilala ang lugar na ito bilang playground of the rich and famous dahil sa gambling at luxury industry na buhay na buhay dito, lalo na sa administrative area ng Monte Carlo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Namangha ang batang Pinay sa mga magagarang sasakyan sa Monte Carlo. Saad niya, “We just arrived in Monaco and wow the cars here are so beautiful! Even their bump car is beautiful! I'll take this one out for a test drive now. Wish (them) luck!”

    France, June 2019

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang French capital na Paris ang madalas puntahan ng pamilya ni Scarlet, tulad noong June. Kuwento ng kanyang Instagram, “We just arrived in Paris so my Father’s Day greeting is a little late. Happy Father’s Day, Daddy! Thank you for making me feel so safe and loved. 

    “Thank you for working so hard so that Mommy and I can have more time together! Thank you for playing with me and teaching me stuff even if you’re very tired from work. You are my super hero Daddy and I love you so so much.”

    Ayon pa sa Instagram account, paborito ni Scarlet ang siyudad ng Paris, pangalawa lamang sa hometown niya na Metro Manila. Sa Paris nagkaroon ng grand wedding ang mga magulang niya noong September 2017, at nagsilbi pa siyang flower girl.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Indonesia, May 2019

    Nagtungo ang pamilya ni Scarlet sa Indonesian island na Bali para sa kasal ng kanyang Kuya Quark sa nobya nitong si Bianca Yuzon noong May 2019. Ang caption sa IG post, “This is officially my 10th flower girl role. Do you think I should give workshops already?”

    Nagbiro pa kanyang Instagram post, kung saan kasama niya sa larawan ang kanyang pamangkin na si Hunter Belo Pitt, na bigyan na sila ng kalaro ng kanilang Kuya Quark at Ate Bianca.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    South Africa, January 2019

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinagdiwang ni Scarlet at kanyang pamilya ang pagsapit ng taong 2019 sa South Africa, kung saan sila sumama sa safari sa Tswalu Kalahari Reserve.

    Tanong niya sa isang IG post, “So if I jump on New Year's eve I will really become taller? How high do I have to jump?”

    Ninais niyang makita ang animals na nakilala niya sa panonood ng Disney movie at musical play na Lion King, kaya matiyaga siyang nagmatyag gamit ang binoculars ng kanyang Papa Atom. Ang binili daw kasi ng kanyang Daddy Hayden ay toy binoculars.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Natutunan ni Scarlet mula sa isang tagaroon na si Mr. Kyle kung bakit mas konti na ang animals sa mundo. Paliwanag daw sa kanya, “Because there are many greedy and cruel people who hunt and kill them. Bad, bad people. I will pray to Jesus to make them go away.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles