embed embed2
  • Buena Manong Summer Getaway! Bagay Sa Buong Pamilya Ang Glamping Kubo Na Ito Sa Baguio

    by Alelly Hernane .
Buena Manong Summer Getaway! Bagay Sa Buong Pamilya Ang Glamping Kubo Na Ito Sa Baguio
PHOTO BY Alelly Hernane
  • Ilang araw na lang, magtatapos na naman ang eskwela ng mga bata. Mayroon na ba kayong mga plano para sa summer vacation nila? Kung wala pa, ipila mo na sa inyong listahan ang Baguio City.

    Naengganyo kaming umakyat sa City of Pines nitong nakaraang weekend dahil na rin sa madalas naming makita sa balita na sobrang lamig ng panahon sa siyudad—perfect panlaban sa mainit na panahon. Sa katunayan, umabot pa nga ang temperatura sa siyudad sa nine degrees celcius kamakailan.

    Ilan sa mga madalas puntahan sa siyudad ng Baguio ay ang mga sikat na tourist destinations tulad ng Mines View Park, Burhnam Park, The Mansion, at The Botanical Garden.

    Para makaiwas sa dami ng tao, lalo na ngayong malapit na ang Flower Festival ng siyudad, humanap kami ng alternatibong mapapasyalan na magugustuhan ng mga bata. Dito namin nakita ang Valleypoint Campsite (Facebook: @valleypointcampsite).

    Kakaibang experience ba ang hanap ninyo para sa summer vacation ng mga anak ninyo?
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Matatagpuan ang Valleypoint Campsite sa Green Valley, malapit sa Santo Tomas Checkpoint sa Tuba, Benguet. Kakaiba ang mga naisip nilang pakulo na talaga namang kinakaaliwan ng mga bakasyonista. Dalawampung minuto ang biyahe mula sa Session Road paakyat sa Valleypoint Campsite pero sulit na sulit naman ang view dito.

    Marami ka ring iba't-ibang kwarto na pwedeng pagpilian. Mayroon silang premium rooms na may sariling sala, TV, at banyo—pwedeng-pwede sa mga malalaking pamilya.

    Php950 per head ang bayad para sa kanilang Premium Rooms.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    What other parents are reading

    Kung unique na experience naman ang hanap ninyo, pwede ninyong subukan ang kanilang "Glamping Kubo".  Mayroon itong foam beds, TV, at stargazing glass kung saan pwedeng mag-enjoy ang mga anak mo sa pagtingin ng night sky at mga bituin.

    Php3,500 naman para sa dalawang tao ang kanilang Kubo Glamping
    PHOTO BY Alelly Hernane
    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    Sa labas pa lang, sobrang ganda na.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    What other parents are reading

    Kung mommy friends mo naman ang kasama mo para sa isang masayang JUNK trip, pwede kayong mag-stay sa Tent Glamping nila.

    Php1,350 per head kung gusto ninyong mag tent.
    PHOTO BY Alelly Hernane

    Hindi rin kayo mauubusan ng gagawin sa Valleypoint Campsite dahil mayroon silang 'chill area' kung saan pwede kayong humiram ng board games at maglaro maghapon habang nakatingin sa napakagandang view sa labas. May mga libro at mga laruan din kaya siguradong mag-eenjoy ang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Bawas gadgets ang mga kids and adults dahil maraming board games na pwedeng hiramin.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    Seryosong mag Scrabble kahit hindi pa masyadong bihasang magbasa.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    May mga libro ring pwedeng basahin kung magsawa na ang iyong mga anak sa games.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Narito pa ang ibang mga games na pwedeng pagpilian.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    What other parents are reading

    Marami ring activities sa campsite na para naman sa ating mga mommies at daddies. Mayroon silang archery at airsoft. Libre mo itong masusubukan dahil kasama na ito sa package kapag nag check-in kayo. 

    Gusto mo bang masubukang mag-archery? Libre 'yan sa campsite.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pwede ring mag relax lang sa kanilang 'chill space' habang ineenjoy ang magandang view sa labas.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    Parang mas enjoy si daddy sa teddy bears ah!
    PHOTO BY Alelly Hernane
    What other parents are reading

    Isa pa sa mga pinakanagustuhan ko sa campsite ay ang kanilang unlimited brewed coffee. Bukod sa masarap kasi, bagay na bagay pa ito sa malamig na panahon ng Baguio. Mayroon din silang libreng breakfast tuwing Linggo at Lunes at buffet breakfast naman kapag Sabado (additional Php150).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nakikisinghot lang sa amoy ng kape.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    Isang simple pero filling na breakfast.
    PHOTO BY Alelly Hernane
    Marami rin silang healthy choices!
    PHOTO BY Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Mahirap at challenging mang mag-travel kasama ang mga bata, iba talaga sa pakiramdam kapag nakikita mo silang nag-eenjoy sa mga lugar na pinagdadalhan mo sa kanila. Kaya naman bakit hindi muna kayo umakyat ng Baguio para iwan muna ang stress at pagod?

    Kung naghahanap kayo ng kakaibang mapupuntahan at magagawa sa Baguio, huwag palampasin ang pagkakataong mag-stay sa Valleyvpoint Campsite. Hindi ka lang makakapagrelax at unwind, makakapagbonding pa kayo ng iyong pamilya.

    Nakapunta ka na ba sa Valleypoint Campsite? Kumusta ang inyong experience? I-share na ninyo 'yan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close