Parent Chat

Welcome, Guest

News:

watch now

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - zmple_mom

Pages: [1] 2 3
1
Hobbies and Special Interests / Re: All about Baby/Child Modelling
« on: July 20, 2010, 07:34:35 pm »
@MrsDowney - usually mommies talaga ang mas masipag pagdating sa mga ganyan. Kasi naman bilang ina kung may talent at mukhang artistahan anak Y not di ba! proud lang naman tayo sa anak natin eh. Explain mo na lang kay hubby for sure maintindihan ka din niya. Ako nga makita ko lang picture ng anak ko sa magazine kahit simpleng contest lang eh tuwang-tuwa na ako what more kung mas malaking project di ba :)
For now kahit simple constest sali mo kid mo at kapag nakita ni hubby mo yan naku maenjoy na din niya  ;)

@ mommy jvcav08 - ay! ang tarush! hehe. pero ok lang mommy, naiintindihan ko kung bakit ka na-offend. medyo out of line yung ibang comments. hinga ng malalim sis...  :)

parang walang gustong mag-reply sa tanong ko hehe  :P

2
for me go for NIDO ako  ;D

3
ako na try ko na rin ang bioneem kasi yun ang pinagamit ng pedia ko pero nung nirecommend ng frend ko na okey daw yung GIGA insect repellent tinry ko din. For me mas OK sa akin ang GIGA kasi affordable, effective at mabango ang scents nila na bagay na bagay sa kids like citronella at eucalyptus. Yung 100ml na spray tumagal ata ng 1 month eh nasa 160 lang ata per bottle. O di ba sulit na!  ;)

4
Sexuality / Re: motel with hubby..
« on: December 17, 2009, 12:31:37 am »
uy masayang usapan to  ;D kapag nandito si hubby kasama sa calendar ang magcheck-in kahit once or twice a month syempre dun kami sa affordable pero sulit  ;) minimum of 6 hrs dapat at max of 24 hrs kasi pag 3 hours bitin naman yun tapos kapag nakatulog ka pa eh magmamadali ka na! usually manila and pasay area kami syempre dun kami malapit. na-try na rin namin mag hotel sa tagaytay last year pero yung mura lang. Sa MIJO hotel 1,800/24 hrs nila. Nakagawian na rin namin lumabas ni hubby para ibang place naman. Buti na lang pareho kami ng trip kaya go kami  kapag napagtripan ng isa  ;D  exciting in a way at may kilig factor pa rin kasi consider as super bonding moment un  ;)

5
Members' Kumustahan board / Re: MUST READ THIS-- FACEBOOK!
« on: November 17, 2009, 02:21:51 am »
galing! gumana rin sa akin  ;D


6
Sleep Training / Re: What time does your child/ren sleep?
« on: November 09, 2009, 03:08:03 am »
For my 2 kids magkaiba ang sleeping time nila.
Si kuya jave (5yrs old) matutulog ng 10pm then gigising siya ng 7am kasi may pasok siya sa school ng 8am.
Si gavin (1 and 2 mos) tulog na before 8pm then gigising ng 4:30 am.

7
Real Parenting / Re: MY 5 year old boy has a CRUSH???
« on: November 07, 2009, 04:48:15 pm »
mga mommies,

share ko lang latest chika sa panganay ko na 5yrs old. katatapos lang ng United Nation nila at syempre ang anakis ko super saya nung itinabi ko yung "girlfriend" niya daw sa sidecar niya. Paano ba namang hindi ko itatabi...nung solo lang ciang nakasakay pilit ang smile pero nung katabi niya na eh mega smile na.
eto oh tignan niyo

8
hayyyy wala nga yata atang baby na hindi nahulog/nalaglag/nagfell/nabagsak at kahit anong term pa yun  ;D Yung bunso ko nga until now di ko pa rin maisip pano siya nalaglag sa wooden crib niya eh ng walang bukol o kahit anong gasgas. Buti na lang talaga sabi nila kapag baby pa may angel daw na sumasalo (buti na lang!)

Nangyari din sa akin yung nanaginip ako na malalaglag ang anak ko kaya inaayos ko siya ng higa. Ayun nalaglag pa rin kasi sa panaginip ko rin pala cia inayos ng puwesto. hahahhaha  ;D

Don't worry part of growing up yata ng mga anak natin yan. Mas nakakahiya ata kung tayong mommies ang malaglag  ;)

9
Birth Control / Re: Depotrust
« on: November 07, 2009, 01:07:31 am »
sakit ng pigi ko. huhuhuhu! i want to give it a try din. sabi naman ng doctor namin iba iba daw ang effect. Sana maging okey naman sa case. Balitaan ko kayo after a month  ;)

10
Birth Control / Re: Depotrust
« on: November 05, 2009, 11:12:37 pm »
kakabili ko lang ng depotrust as in bago lang ako umuwi. Nagiisip tuloy ako kung tutuloy ko nalang althea ko or magpapa-inject pa ako. Natakot ako sa side effects eh. Nakabili ako 107.00 lang sa mercury kaya sabi ko okey to good for 3 months na pero kung mararanasan ko yung effects na nangyari sa inyo mukang kailngan kong magisip ng mabuti. Ang pinakanatakot ako eh yung may spotting ng everyday. haaaayyyy...mag consult muna ako ulit sa OB ko tomorrow bago ako magpaturok.
Thanks sa thread na to at least nawarningan ako ng mga effects ng depotrust.

11
Weaning, Formula and Solids transition / Re: All About Nestogen
« on: November 03, 2009, 09:23:19 am »
ginamit din ng pamankin ko ang nestogen hiyang naman cia. Siguro depende pa rin sa baby kung magiging hiyang siya sa gatas.

12
Getting Pregnant / Re: How many kids do you prefer?
« on: October 30, 2009, 02:41:16 am »
now i have 2 boys na  ;D pero ang gusto ko more than 3 talaga para masaya  ;D kaya lang sa panahon ngayon, na enough lang ang money tama na sa akin ang 2  ;D

13
ang POINTS ay may POINT!!!
...kasi kung wala walang maghahanap ng kanilang points  ;D

...sa aking palagay nilagay ang posts count kasi ito ay may silbi, may value at may meaning ;D kasi kung wala e di sana eh hindi na nageffort pa ang programmer nito na isama sa pagprogram ng forum na ito! di naman basta basta ang pagtrack ng points noh!

Bakit may points  ??? ano ang value nito  ??? bakit kailngan bilangin pa ang posts  ???

Simpleng sagot mga sisses! kasi dito nakikita ang status ng isang member. kaya nga sa member tab makikita niyo na isinama ang posts counts kasi ito ang nagdedetermine ng iyong status maliban sa details ng isang member

based sa pagkakaanalyze ko ito ganito ang logic ng system

posts count - member status
500+ - hero member
250+ - sr.member
50+ - jr.member
0-49 - newbie

bakit mahalagang malaman ang status ng member  ???
hindi kaila sa atin na kapag may nagpost ng hindi kagandahan at newbie ang status niya, naiisip natin na wala lang to magawa or nagtrip lang. Kung ang isang post naman ay nanggalling sa isang senior member, kahit papaano ay binibigyan natin ito ng value dahil iisipin natin na matagal na cia sa forum at marami na siyang alam.

Iba-iba man ang ating pananaw sa posts count or member status aminin natin na kahit papaano ay nagiging proud tayo kapag umaangat ang status natin. di  ba nga may thread na full member na ako!... senior member na ako!....Wag tayong magkaplastik! aminin sa sarili...na kahit 1% ay may pintig ng kasiyahan tayong nararamdaman  ;D kasi kung wala eh matakot ka na kasi unti-unti ng nagiging manhid ang puso mo (hala ka!)

eto ang aking maliit na pabor sa mga MODS at sa nagprogram ng site na ito...SIMPLE lang naman ito na sana ay mapagbigyan niyo...

Sana po isama niyo na ring bilangin ang posts sa welcome aboard kasi di ba kahit sa school kapag nagtanong ang teacher at sumagot ang students maganda man o panget, may meaning o wala, may sense o wala...consider as comment pa rin ito na dapat bigyan ng halaga.  ;D

mas madaling magbilang ng count kung puro Addition lang kesa addition with subtration  ;)

yun lamang po. I THANK YOU... VOW ;D








       

14
Pregnancy Health and Nutrition / Re: girdle or binder
« on: October 28, 2009, 08:09:10 pm »
ako naman normal ako sa 2 kids ko. sabi nila mas magandang mag binder or girdle kahit hindi CS para lumiit daw tummy. Kaya lang ang hirap kumilos at kumain eh parang hindi ako makahinga kaya di ko masyado sinunod  ;D kaya eto ang tummy ko parang preggy pa rin  :(

15
okey. well explained  ;D thanks MOD  ;)

Pages: [1] 2 3
Close