Parent Chat

Welcome, Guest

News:

watch now

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - sukibeef

Pages: [1] 2
1
Baby Development and Milestones / Re: best less-colic feeding bottle
« on: January 07, 2011, 02:24:45 pm »
Okay na okay sa baby ko yung effect ng Avent. before nung hindi ko pa siya ginagamitan ng anti-colic bottles parati siyang fussy and pagkagising iyak agad. madalas sumuka and hindi gaano mahimbing tulog niya. nung nag switch kami sa Avent kitang kita agad namin yung effect niya sa baby namin. hindi na siya iyakin and pagkatapos dumede direcho tulog na agad siya and sobrang himbing. nabawasan na din pagsusuka niya kahit na dami niya nainom na milk.  ang sarap sarap niya panuorin matulog kasi grabeng  himbing ng tulog niya and alam mo na siya mismo satisfied sa performance ng Avent. :) :)

2
Hello mga sis!

share ko lang din yung akin, dati grabeng depression din pinagdaanan ko lalo na yung 1st and 2nd trimester ko (teka--tama ba? nablanko ako bigla.sorry.) nasisira ulo ko pag wala si hubby and pag wala ako kausap. di ako mahilig manuod ng TV so ang last resort ko is kumain and matulog. I gained 15 pounds and lalo yun nakakadagdag sa depression ko. Nung lumipat ako ng OB sa CGH, my new OB gave me fish oil capsules take ko daw as a regular vitamins. nung una okay okay ako, andyan parin yung depression ko nung kalaunan, napapansin ko kakainom ko ng fish oil, nawawala yung galit ko sa mundo and yung ga mundong depression ko. nag research ako and I found out na maganda itong fish oil for pregnant moms na may depression and nakakatulong na mabalanse yung hormones kaya ayun, naging okay ako and balik normal na naman kahit buntis. ;)

3
@ sis purple_maine- kuha mo sis! ganyang ganyan din tong baby ko.  ;D

@ sis mp_ilagan- buti ka pa nga sis may doppler ka diyan. ako nga nasanay na ko gamit yung steto dito sa bahay kasi yun din gamit ni OB. di siya gumagamit ng doppler.

@ sis smurf- kumain ako ng mga sweets sis kaya ayan, hyper na naman si baby and may napansin din ako. pag kumakain ako ng white rice sobrang konti lang galaw ni baby and pag brown rice naman grabe naman galaw niya. sa tingin ko mas nagagaanan siya sa brown rice kesa sa white rice na purong puro. nag white rice kasi ako nung nakaraan pero mas sanay kami sa brown dito sa bahay. siguro nanibago si baby.  :D

@ sis j3ssie- ang ginagawa ko ngayon,parati ko siya pinapakinig ng twinkle twinkle little star and yung Pachelbel Canon D sa youtube. classical yung isa and grabe ang ganda ng effect kay baby, kalmado siya and gumagalaw galaw.

4
@ sis yummie mummie- na-try ko na yan sis pero parang kakaiba tong baby ko,kung kelan naman ako magalaw tsaka din siya nagpapaikot ikot. minsan nakatayo ako sa sala saka naman siya nagcicircus sa loob ng tummy ko.

@ sis tineniltoy- parati ko po kinakausap si baby. minsan kunwari papagalitan ko pag ayaw gumalaw tapos pag di talaga effective,tatawagin ko daddy niya and siya yung ipapakausap ko kay baby. everytime na tinatawag and kinakausap naman siya ng daddy niya sige naman siya sa galaw. mukhang maka daddy na agad.  ;D

@ sis pinoytamil- kahapon grabeng worried na ako sis kasi di talaga siya magalaw. ngayon naman grabeng likot na niya. sumisipa sipa sa rib part ko and sa may tagiliran ko.  :)

@ sis girl_pretty1212- yan talaga madalas kong gawin sis. dumirecho ng higa then tinitignan ko kung kikilos siya. minsan may time na gagalaw tapos sisipa ng sisipa tapos minsan ayaw talaga. napaka unpredictable talaga ng baby na to. hehe ;D


5
Mommy, around this time of your pregnancy, mas mahaba na yung times na tulog ang baby sa tyan. So parang may hours of sleep and wakefulness na sya. I-observe mo what time of day sya magalaw... Un yung awake sya, then pag tahimik asleep sya. Usually same times ito. Usually naman after kakain ang mommy ng meal or something sweet talagang active ang baby dahil sa sugar rush. You can read more about this at babycenter.com.

Hello sis yummie mummie!

ngayon sis,napansin ko parang lumilikot likot tapos biglang titigil. kasi last week,pag gising ako ng umaga gising na din siya kaya naninibago ako kasi biglang kumonti yung galaw niya. Pag katapos ko naman kumain dati talagang magalaw siya ngayon naman konti nalang galaw niya. ang gulo gulo ng sched ng time na gising siya at tulog kaya napaparanoid ako kasi kung pwede ko lang siya gisingin aytime para lang gumalaw siya. kaninang umaga natakot ako kasi kahit kausapin ko siya and galaw galawin di talaga siya gumagalaw,kung di ko pa siya pinakinig ng music di talaga siya gagalaw. kahapon and kanina puros pitik na maliliit tapos tumitigas yung tyan ko. natatakot na talaga ako.  :'(

6
Hello mga SP mommies!

help me naman po. Lately kasi nagiging paranoid ako sa movement ng baby ko sa loob ng tummy ko. I'm on y 34th week and nung mga nakaraang araw malakas naman siya sumipa and gumalaw nagtataka ako kasi kahapon and ngayon buong araw mahina na yung pagsipa sipa niya. dati rati pag gising ko sumisiksik siya sa tagiliran ko and nararamdaman ko yung galaw niya tapos biglang kaninang umaga halos wala ako halos maramdaman. parang pitik pitik lang na maliliit. Kinakain na ako ng paranoia ko kasi baka mamaya may problem na pala. uminom na ako ng malamig na tubig and pinakinig ko na din siya ng sounds---gumalaw pero kakaunti lang tapos titigil na naman.  :'( pero kanina naman kumain ako ng ice cream after ilang minutes sobrang galaw na siya,umaalon alon tiyan ko and sobrang tinutulak niya yung sikmura ko and dun sa part ng ribs ko. ngayon, tumigil na naman ang movements.  :'( :(

Mga mommies,ano ano po ba mga ways na ginagawa niyo para ma monitor galaw ni baby sa loob ng tummy? Kasi ako kakain ako ng ice cream (para malamigan daw) tapos gagalaw siya pero hindi naman lahat ng oras pwede ako kumain ng ice cream. help me please. natatakot ako kasi last week nagpa check up ako sa OB ko tapos may kasabay ako na isang mommy---1 week nalang manganganak na siya namatay pa yung baby niya sa loob.walang heartbeat sila na nakita sa US kaya simula nun grabeng takot na takot na takot na ako. help po! :'( :(

hindi ko na magather ng tama mga thoughts ko sa sobrang takot and nerbyos ko.  :'( :(

7
just want to share lang!

i gave birth via NSD last june 3 at CGH, my OB is dra ocampo. i was so disappointed kasi the package that my OB told me, hindi totoo. I spent almost 40K, NSD epidural, 4 hours labor ako.

I was very much surprised that my OB's pf is 15K!!.

Anyway, my hospital and baby's bill reach almost 15K lang, anes 7K, pedia 2.5K and yun nga, dr's fee 15K. Nasa semi private room ako. 2.5K lang yung nabawas sa philhealth ko kaso yung nga nadismaya talaga ako sa pf ng OB ko. kasi she told me, bawas daw yun ng philhealth and all, hayz!!!

Sana pala, nag-ward na lang ako. Pero andun na eh, I delivered a healthy and handsome baby boy. Sulit na yun kahit na mahal.

hanubayan! kaloka! :o yung isang OB na napuntahan ko dati dito sa Fairview,ganun din ang sabi niya. Ang OB daw nagbabase yan sa klase ng room na kinukuha ng patient. Kung private ka talagang to the high heavens ang PF niya at kung ward naman medyp pasweet lang siya. Ang sabi niya sakin dapat daw gawin namin ni hubby,kuha daw muna kami ng ward accomodation tapos pag natapos na ako manganak tsaka lang ako magpalipat sa private. Okay din yung OB na yun at nireveal niya sakin ang secret/s behind our OB's PF.  ;D

8
Since my OB is also associated with CGH, I am also considering na dito manganak. She told me na around 32k daw ang package nila dito pero hindi pa thorough yung details na diniscuss niya since medyo matagal pa naman daw ang due date ko. I just worry na baka malayo yung travel from QC pa kasi ako. Sayang naman kasi sa panahon ngayon kailangan talaga maging practical.  :)

Hello sis! Saan ka sa QC? kasi ako sa Fairview ako and ang problem ko naman is yung layo ng Chinese Gen sakin lalo na siguro pag naglabor na ako. Baka mamaya di ko makayanan yung layo and manganak ako bigla sa sasakyan!  :o

Sino OB mo sis? Kasi ako, I'm planning to change my OB na. Lipat ako kay Dra. Zamora of CGH,yun nga lang pahirapan talaga sa byahe and dami niya daw patients kaya effort talaga ako sa pag gising ng maaga pag check up.

9
Yaya Solutions / Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« on: July 02, 2010, 03:48:21 am »
All our maid's salary started with 1500 plus food. plus may sarili silang room, TV and radio. We started with that rate dahil ang katwiran namin mag asawa trial muna since mga bata pa sila and walang alam gawin,AS IN! baka mamaya biglang umalis nalang at magloko then ang balak sana namin is may raise after ng 1 month. ang gawain lang niya naman nila is:

- magsaing (di kasi sila marunong magluto. graaaabbbeee!)
- maglaba ng damit naming mag asawa. 2 lang naman kami and puros pambahay.
- magwalis walis and mag mop sa loob ng bahay and sa labas pag may mga dahon na nahuhulog.
- maghugas ng pinagkainan.

after gawin lahat yang mga bagay na yan,pwede na sila magpahinga, manuod ng TV and lumabas at magpunta sa park kung gusto nila. Talaga lang abusado ang mga maids ngayong panahon na to. Akalain mo ba namang walang kusa kundi pa magagalit si hubby sa kanya di pa nila gagawin ang mga dapat gawin and mapagsamantala. I always tell them pag nag aapply sila dito kung magkano sahod and ano mga freebies/perks from us. Kung tutuusin,napakagaan na work. I don't tell them na ang toiletries ay sa amin,I tell them na pag kailangan nila magsabi sila hindi yung ako pa magtatanong sa kanila. Kung sabon sabon lang naman and shampoo wala kaso sa amin BASTA MAGSASABI. hindi yung in the end maririnig ko na nagpromise daw ako na ako magbigay ng toiletries. tan** lang talaga ng mga maid na nakukuha ko! >:(

10
Labor and Child Birth / Re: Chinese Gen OB and rates
« on: June 25, 2010, 07:03:04 pm »
sis! ask ko lang...mon to sat diba clinic ni dr.zamora? tapos 9-12? mahaba din pila?

Hi sis Goddess_Dione!

eepal na ko. ;D yep, tama yang sched ni Dra. Zamora na binigay ni cherryred. yan na yan din. ilang months ka na ba sis? ako mga July ako pupunta kay Dra.Zamora hanggang manganak na ako. :D


11
Labor and Child Birth / Re: Chinese Gen OB and rates
« on: June 24, 2010, 05:18:34 pm »
hi sis cherryred and sis mommychiq!

ask ko lang kung gumamit ba kayo ng kahit anong HMO cards like Maxicare, Philhealth etc. nung nanganak kayo? problem kasi is,kahit ano sa mga yan wala ako. meron akong Philhealth before pero hindi inasikaso ng employer ko kaya ayun,nagsawa na ako kaka follow-up kaya tinigilan ko na. Baka kasi maloka ako sa rate pag walang Philhealth or kahit anong HMO card/s.

help! :'(

TIA!

and bukod pa diyan,kailangan ko talaga magpapainless (epid ba yun?) dahil sobrang mababa ang tolerance ko sa pain. AS IN MABABANG MABABA. bloodtest nga lang umiiyak na ako.ano pa kaya yung purong normal delivery. :'( sabi din ni hubby na di siya payag na di ako mapainless kasi kia din niya na masyado ako takot sa pain. :(

12
Labor and Child Birth / Re: Chinese Gen OB and rates
« on: June 24, 2010, 05:12:45 pm »
hi sis cherryred and sis mommychiq!

ask ko lang kung gumamit ba kayo ng kahit anong HMO cards like Maxicare, Philhealth etc. nung nanganak kayo? problem kasi is,kahit ano sa mga yan wala ako. meron akong Philhealth before pero hindi inasikaso ng employer ko kaya ayun,nagsawa na ako kaka follow-up kaya tinigilan ko na. Baka kasi maloka ako sa rate pag walang Philhealth or kahit anong HMO card/s.

help! :'(

TIA!

13
mommy superchuboink...pwede niyo po ba send sa akin contact details ni dr. betty co-yap? tyaka one more thing..kasi binasa ko ng isang upuan yung thread na to di ko alam kung nababggit na...mahaba ba pila sa kanya? super thank you!  :)

Hi sis!

kelan ang due date mo? ako kasi sa Nov.22 kaya todo tanong ako dito. ang nirecommend sakin ni sis cherryred and mommychiq is si DRA.SOCORRO ZAMORA ng CGH.  :D

14
Labor and Child Birth / Re: Chinese Gen OB and rates
« on: June 23, 2010, 11:00:21 pm »
Hi, mommy! Have you found yourself a new OB GYNE? I gave birth thru normal delivery(without anesthesia/epidural) last Aug sa CGH, si Dra. Socorro Zamora ang OB ko. Aside from the fact that she'd take care of you like she's your mom, hindi siya mataas maningil sa PF at sa pre-natal checkups. The total PF that I paid when i gave birth was around 4k lang, tapos i was confined for two nights at the old building, private room. yung bill ko was around 23k.


Hi sis mommychiq and sis cherryred!

good thing at pareho kayo ng OB. I already told my hubby about it and sure na kami na lilipat kay Dra.Zamora. kahit malayo samin tyagaan lang talaga and agahan namin ang pagpunta (as in maagang maaga)  ;D.

bukod kay Dra. Zamora na hulog ng langit,mga heaven sent din kayo na nagbigay sakin ng info na ito.  :D

Thank you so much! :)

15
Labor and Child Birth / Re: Chinese Gen OB and rates
« on: June 21, 2010, 01:28:20 am »
hi sis!

thank you at malaki kang hulog ng langit.   pwede ko ba makuha contact info,sched and name ng OB mo? kasi sobrang naloka talaga ako sa rate/s nung OB ko sa Medical City parang may kakaiba and yang rate na binigay niya is sa Chinese Gen "DAW" at ang sabi niya may posibilidad daw na ma CS ako.  eh ang alam ko mas mababa sa Chinese Gen lalo na pag resident OB dun. Ang OB ng mom ko before sa CGH is si Dra. Valen Co,wow magpaanak pero wow din ang rate.

Thank you talaga sis cherryred. Can you also give me your real name para sabihin ko na ikaw nagrefer sakin. kahit malayo tiyagain ko nalang. I'm from Fairview pa pero kaya yan! 

Thanks a loooootttt!!!

Pages: [1] 2
Close