Parent Chat

Welcome, Guest

News:

watch now
Pages: [1] 2 3 ... 11

Author Topic: All about "BINAT"  (Read 556872 times)

MommyPhie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 193
    • View Profile
All about "BINAT"
« on: September 21, 2007, 10:24:21 pm »

Basahin sa Smart Parenting. Click any of these topics to read full article.
Doctor Explains What Binat Is
Fact Or Myth? Mga Bawal Daw Gawin
'Pausok' or 'Suob'


Hi mommies!,

Just gave birth via c/s exactly 2 weeks ago. My mother believe in Binat thats why she did some "rituals" on me, like...
1. 10 days no bath ( imagine that?! 2x a day ako kung maligo everyday kaya 1 day lang na di maligo i feel so irritated talaga)
2. after 10 days i bathed with sari-saring boiled dahon
3. always naka medyas, pajamas and no sleeveless shirt (buti na lang medyo maulan ngayon kaya ok lang but still naiirita ko)
4. No drinking of cold water.

Sabi ng mom ko there are some who get Loka-loka or even nakakamatay daw ang binat. Ewan ko but I dont believe in binat... Gusto ko my medical proof para maniwala ako.

Mommies out there pls help...
Do you know any website that talks about binat?
As a mommy of the 20th century...What is your opinion on this?

Anyway I did follow na lang my mother para di lang masabi na matigas ulo ko hehe ;D


Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.


« Last Edit: September 14, 2020, 02:35:18 pm by Parentchat Admin »
Logged

~~she~~

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
  • i am happy and content because i think i am..
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #1 on: September 21, 2007, 10:56:03 pm »

my grandmas and some of my titas (yung iba doctors pa&nurses), naniniwala sa binat.. yeah, sabi nila, 10days ka di maliligo (ibig sabihin di mo paliliguan mo, saka yung water, yung mainit na kaya mo i-contain).. bawal daw mahanginan (kasi daw pag naging old ka na, lamigin ka daw. tama ba yung term?)  heheh, lahat ng pinost mo sis, ginawa sa akin ng lola ko yan. pero i could say, matigas ang ulo ko. i followed some, pero yung iba, ayaw ko talaga... totoo yan, nakakirita nga naman kung ang init tapos babalutin ka pa saka bawal na  bawal ang mahanginan.
pero ang summary lang lahat nun: para daw pagtanda natin, di tayo madaling kapitan ng sakit, ska yung tipong di natin "inabuso" yung katawan natin. minsan, gusto ko din paniwalaan yung mga sinasabi nila lola ko. kasi kung mapapansin natin, yung mga lola natin na nakakasama pa natin (kahit nasa 80s na sila) hanggang ngayon, talagang ganun yung ginawa nila pagkapanganak. and one thing, after giving birth, naghahire pa sila ng manghihilot para imassage ka buong katawan, para daw yung mga ugat natin na napwersa nung nanganak tayo, marelieve..
i was grateful sa mga lola ko nung pagkapanganak ko 4 years ago kasi talagang pinaparamdam nila na concern sila sa mga bagong panganak, feeling pampered talaga.. at first talaga, nakikidebate pa ako sa lola ko eh, hinahanapan ko sila ng scientific/medical explanation, pero ok lang naman sumunod, wala naman mawawala sa atin.  ;)
Logged
i am happy and content because i think i am..

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: All about "BINAT"
« Reply #2 on: September 22, 2007, 08:29:30 am »

Nakakatawa naman yan. I follow my OB's advice more than anybody else's. Why not take your Mother with you to you visits to the OB para siya mismo ma prove niya na hindi totoo yun.
Logged

jen

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
  • my cuttyyyy sons
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #3 on: September 22, 2007, 09:55:06 am »

Your right mommy Phie, actuallly i also follw that kind of routine after kong manganak, twice ko ng ginwa dahil 2 n rin yung baby ko. Pero ako 1 week lang hndi nligo (as my parents advice) tipong yung hair mo eh nagdidikit dikit n and sobrang oily (grabe!!). Sabagay wala nmang mwawala, i just follw them pra wala ng ingay.  Although i dont believe also kc naman yung friend ko nga after manganank... two days lang naligo n.
Anyways life has to go on.. ganun tlaga we cant change their beliefs. Sabi nga ng matatanda.... :P
Logged

MommyPhie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 193
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #4 on: September 22, 2007, 11:59:31 pm »

thanks mommies sa mga reply  :D actually naghahanap lang talaga ko ng kakampi kasi even my husband says he believe in Binat.

Mommyjazz your right naniniwala rin lang ako sa advice ng OB ko, she said i can take a bath after going home from the hospital basta wag ko lang muna basain yung CS wounds. My husband and my mother even heard that advice kaya lang better pa rin daw sundin ang mga "rituals" (as i called it) ng mga oldies.

My point ka rin She, your right siguro nga mga bata pa tayo kaya di natin alam ang effect sa atin ngayon baka nga pagtanda natin nararamdaman na natin ang epekto. Then pag tayo naman ngabigay ng advice sa mga anak at apo natin di rin tayo paniniwalaan  ;D

As Jen says follow them na lang para wala ng ingay.

God bless you all!

mayums

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #5 on: September 24, 2007, 09:50:16 am »

hi! i've seen moms na bagong pangank na medyo naloka after giving birth. :o sabi ng mga matatanda dahil daw sa binat. mostly cases na gumagawa ng gawaing bahay after makapanganak (e.g. naglalaba, etc). i don't really know what's the cause. i'm actually thinking they might be cases of improperly handled post partum depression kaya sila nagkaganun. kasi, sino ba naman ang hindi masisraan ng bait kapag bored ka na at walang nakakaintindi sa pinagdaraanan mo di ba? kahit nakapanganak na, madalas pa rin ang mood swings ng mga babae kagaya nung buntis sila.

CS kasi ako so walang hilot-hilot, pero hindi ako pinaligo ng OB ko hanggat di magaling CS scar ko (it took me 20+ days :o) but allowed punas-punas. nagpapa-shampoo din ako ng buhok sa hubby ko! ;D kaya hindi naman icky feeling. but, madalas pa rin ako mahilo kahit nakauwi na ko sa bahay kaya alalay lang ako sa pagkilos. pag hindi ko na kaya, rest na. wag din naman pupuwersahin yung sarili di ba? lahat ng sobra, masama. ;)
Logged

rolyn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #6 on: October 03, 2007, 09:54:41 am »

Hello Moms:

For me its better to follow yung mga kasabihan ng mga matatanda. Tutal wala naman mawawala sa atin kung susundin natin yun eh! and besides sa panahon natin ngayon puro artificial na kinakain natin, ang air natin polluted na! kung tutuusin tayong mga babae konting sacrifice lang naman yung hindi pag ligo ng 10 days after giving birth, pag papahilot, paglalangas (alam nyo na yun), pag suot ng medyas para hindi lamigin and etc. kung tutuusin yun din naman ang ginawa ng mga lola natin pero karamihan sa kanila namatay na lang sa katandaan di tulad ngayon bata pa madami ng dinadaing sakit sa katawan. Ano ba naman yung 10 days na walang ligo compare mo sa pang matagalan maayos na pangangatawan mo?
I myself guilty din ako minsan sa sinasabi ng nanay ko na pag uwi ko ng bahay after office wag muna ako magbabasa ng paa. pero iba ang panganganak buong katawan ang pwesado diyan. kaya dapat mas maging maingat tayo after giving birth. This is only my opinion! Ayaw ko ng habaan baka walang magbasa!  :D

Mommy Rolyn
Logged

leela

  • Guest
Re: All about "BINAT"
« Reply #7 on: October 03, 2007, 11:24:41 am »

I think "binat" is an old wives' tale. In ordinary sickness, "binat" is what we call relapse.

I am no doctor but 10 days of no bath would just allow bacteria to grow and multiply. Washing with boiled leaves depend on the leaves you're using. There are specific leaves like guava leaves, which have healing properties.

I have a feeling that what your mom was saying about women going crazy is post-partum depression. The one where "bawal mahanginan," may similar principle when having sex. Believe it or not, may mga taong may fetish sa ganun. The area kasi can literally blow up, which can be fatal. I think in giving birth, it just follows the same principle. Here's what I researched.

"If you were to blow air very strongly into the vagina, with your lips pressed tightly against the vulva (thus preventing escape of the air), it is theoretically possible that you could create what is known as an air embolus. This is a form of embolism, where an air bubble blocks the passage of blood in an artery or vein. In severe cases, if blood flow is completely obstructed, the tissue in that area would die. If the embolus were to travel up to the heart or lungs, it would indeed be possible to die. You should know that when a woman is pregnant, and her cervix begins to dilate, she is more likely to suffer an embolism. In extremely rare cases, this has even been reported to occur from intercourse."

Ang rule of thumb ko diyan. Analyze which advice makes sense and always ask the doctor.  :)
« Last Edit: October 03, 2007, 11:26:44 am by leela »
Logged

judith

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
  • i love my son, julian
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #8 on: October 15, 2007, 04:33:25 pm »

I delivered by CS kasi sinunod ko lang yung sabi ng mom ko na maligo after 7 days...Well actually for me it depends eh for CS kasi parang inoperahan ka lang eh, walang effort sa pagire unlike sa normal...siguro kung normal ako nanganak I will follow the elders kasi wala naman mawawala di ba...
Logged

Mina

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #9 on: November 09, 2007, 10:23:29 am »

Sorry mommys ha. With my case kasi, my OB called me pa nga at 4am (I delivered at 9pm) sa hospital bed ko, she called to tell me to move my ass and take a bath, it's my chance na raw bago pa ako abutan ng mommy and lola ko since very early pa. Although, she insisted on a warm bath, and betadine feminine wash, yun lang. Buti na lang may heater yung bathroom namin sa chinese gen. My husband helped me. Ok naman ako (kung naloka ba ako? Hmm.. tricky tricky question..  ;D). Naglaba pa nga ako pagkauwi namin kasi may kulang pa pala kami sa mga stuff ni baby (i forgot na kung ano).
Yung first 3mos. ni baby, maximum of 3hrs lang ang straight sleep ko pero never ako nagkasakit. This is not to include pa na I came back to work 2weeks after giving birth (I'm a dentist, may private room sa clinic ko ang baby ko, I bring her everyday with me til now). I can't remember getting sick actually, 10 mos na po ang baby ko.
Logged

myla217

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
  • my julian
    • View Profile
    • MY Corner
Re: All about "BINAT"
« Reply #10 on: November 09, 2007, 10:48:44 pm »

looking back when i gave birth last june 2006, my ob also advised me to take a bath as soon as na-dress na yung CS wound ko.  plastic made yung bandage na water-proof...parang cling wrap for the food.  ;D

my ob said that infection due to walang ligo may be worse than binat... kaya i did as soon as all the swero were off my body and dressed na yung sugat ko on the 2nd day after giving birth. 

hindi na naka-imik ang mom ko.   ;)

Logged
check out MY Corner at: http://myla217.multiply.com/

sarahbabes

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #11 on: November 11, 2007, 08:49:33 pm »

Hi mga mommies! Well in my case, after giving birth via cs, syempre pinunasan ako para maalis ang ibang mga bakas ng blood and nakakaganda ng pakiramdam yung feeling fresh. When I got home, pwede na daw akong mag take a bath just be sure na linisin mabuti ang tahi and prevent it na mabasa.Syempre ako din gusto ko na agad maligo kc dami ko lagi visitors and i was assured by my ob na ok naman daw. Syempre I trust her kc if not e di sana hindi ako nag consult ng doctors and instead sa hilot na lang nag trust magpaanak. Just be sure na itanong mo lahat sa doctor mo ang mga queastions na nagbobother sayo para maexplain niya mabuti. Its good din nga na sana sa mga doctor visits mo e maisama mo din ang parents mo para maenlighten sila.
Although wala din naman masama sumunod sa advise ng mga parents. Kc we all know na concern din sila sa health natin. Siguro its a matter of choice lang. timbangin mo ang mga pros and cons and decide for yourself.
Like din sa pagbibigkis buti dito sa parents ko okey sa kanila na walang bigkis ang baby ko hanggat di gumagaling ang navel niya. Pero tuwing dadalin namin sya sa inlaws ko, I put his bigkis on. Wala naman masama kc ilang hours lang kami dumadalaw kc di sila favor ng di nakabigkis. When we get home, tinatanggal ko na uli.hehe! ;)
Logged

joshe

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • my sons
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #12 on: November 13, 2007, 08:48:17 pm »

un din ang belief ng mami ko. marunong kc siya maghilot alam niya yung mga lamig s katawan. sympre nakikinig lang me sbi nga ng iba la naman masama kung susunod k nga lalo na at normal delivery ako s panganay ko. well i thinks its up to you nalang talaga if u want to belive it or not
Logged

jayeshael

  • Guest
Re: All about "BINAT"
« Reply #13 on: November 14, 2007, 11:17:27 am »

tsk tsk tsk i jst want to share my experience on that.. mdyo mtgas din kc ulo ko eh my mom always tell me to wear pajama and socks at night kc mpapasukan daw ng lamig..d ko kc ngagawa kasi tnatamad lang ako dat's why but totoo nabinat ako the result eh yung tuhod ko down to my feet sbrang sakit every morning un.. hindi talaga ko makatayo.. and i regret for not listening well.. yung bathing after giving birth pguwi sa house its okei na bsta lukewarm and mabilis na mabilis lang...  :)
Logged

~~she~~

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
  • i am happy and content because i think i am..
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #14 on: November 14, 2007, 02:10:52 pm »

oo nga, mahirap din mapagalitan lalo pag kakapanganak lang natin noh. follow up lang din sa earlier post ko re: binat, we take shower everyday naman,as in wlang palya,malinis pa rin naman yung feeling nun. pero yung buhok lang di pedeng basain sa ilang araw.tapos gat maari, bed rest lang, ska carefully selected yung mga pagkain..
sarap din kasi ng feeling pag yung mga lola, sobrang concern sila sa mga bagong panganak.. ska isa pa, minsan-minsan lang naman tayo give birth.. ;) next baby ko, gusto ko ulit maalagaan ng lola ko.. i'd be forever grateful for her thoughtfulness and loving care.
« Last Edit: November 14, 2007, 02:14:53 pm by ~~she~~ »
Logged
i am happy and content because i think i am..
Pages: [1] 2 3 ... 11
 

Close