Parent Chat

Welcome, Guest

News:

watch now
Pages: [1] 2

Author Topic: light sleeper / madaling magising sa ingay  (Read 43373 times)

einie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 137
    • View Profile
light sleeper / madaling magising sa ingay
« on: April 25, 2012, 03:27:42 pm »

Basahin sa Smart Parenting:
Your Baby Sleeps All Night. Then He Suddenly Keeps Waking Up Again. What Do You Do?

Click HERE.

photo by  ISTOCK

hi mga mommies! i have a baby who easily gets awakened even by the slightest noise like the click of a mouse or while i'm typing this.  ang worry ko, lagi siyang nagigising kasi soobrang sensitive ata sense of hearing niya.  is this normal? thanks..

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

« Last Edit: July 21, 2020, 05:30:41 pm by Parentchat Admin »
Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #1 on: April 26, 2012, 11:53:41 am »

hi sis! iba-iba talaga mga babies. in you baby's case, immature pa yung stimulus barrier niya so hindi niya mablock-out yung mga disturbing noises para makatulog sya ng mahimbing. this is normal lang po. you can read more about this, just click here.
Logged

mom_ni_jhelxea

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #2 on: May 23, 2012, 02:17:29 pm »

hi mommy einie, we had the same problem. 2yrs old na yung baby ko, but until now she's still "TULOG MANOK". As in my lumagutok lang gising agad sya. kaya super hirap din ako gumawa dito sa bahay kasi lagi ako worry na baka magising sya..kami lang kasi mag-ina lagi dito sa bahay, sa hapon lang andito si hubby.  kahit sa gabi ganun din sya eh. Sabi naman nung iba magpatugtog daw ako bago sya matulog hanggang sa magising sya, ginawa ko na yun several times kaso no effect pa din eh..may magtakbuhan lang jan sa harap namin gising pa din sya..hay!!!
Logged

Angela Zhane

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 117
  • I love you a bunch!
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #3 on: May 23, 2012, 03:07:06 pm »

My baby is also a light sleeper. Mas matagal pa siyang patulugin kesa sa actual na tulog. Sasayad pa lang likod niya sa kama magigising na. So what i do kahit mahirap, i let her sleep habang kalong ko. Literal na human bed niya ako. Kahit namamanhid na legs ko tinitiis ko na lang basta humaba ang tulog sa tanghali or hapon. Ayaw niya na rin kasi sa duyan, maigsi rin ang tulog niya dun. :(

Pero pag sa tingin ko nakuha na tulog niya tsaka ko na lang ililipat sa higaan. Tiyagaan na lang siguro. May mga times din kasi na kahit maingay 'di pa rin siya nagigising. :)

Logged

einie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 137
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #4 on: May 24, 2012, 06:47:33 pm »

sana nga ma-outgrow din yun ng baby ko. kasi kahit saan naman, maingay talaga.. ;D
Logged

sheehan

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #5 on: June 01, 2012, 09:36:05 am »

kala ko mga mommies ako lang may ganitong case ang baby. lapit ng mag 6months baby ko pero ganun pa rin sya, ang ginagawa ko na lang tinatabihan ko na lang sya pag nagising sya sa onting ingay ibreast feed ko na lang. tapos tulog ulit sya, 45 mins lang mostly ang tulog niya na mahaba sa maghapon. yung mga susunod 15 mins na lang. napakadalang lang nung 3 hours or 1 hr sleep. pag nangyri yun, happy na kami. pero sa gabi naman, sleep sya ng 6 or 7pm pero mbabaw pa yun, ingit pa sya ng ingit nun pag na sa duyan, exactly 9pm mahimbing na tulog niya. hindi na sya mabilis magising. pero ang gising naman niya 3am or 4am. pipilitin ko na syang matulog ng mga 6am, pero after 15 mins gising na naman. kaya masakit din sa ulo kasi gusto ko rin matulog ulit, kasi madalas 4hours lang naitutulog ko sa gabi. mahirap talaga mommy noh?.. kaya ansabi ng mom ko itanong ko daw yung pedia ni baby kung ano daw pwedeng gawin para humaba ang tulog niya..
Logged

ynaffitluane

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
  • Wife to a Civil Engineer and Hands-On mom to Nate♥
    • View Profile
    • Pampaganda Atbp
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #6 on: June 01, 2012, 10:05:37 am »

Same problem pala tayo mga mommy :) yung baby ko din light sleeper tapos ayaw niya ng maingay like malakas na tawa, bosina ng truck ng basura, pati nga kulog at kidlat sama mo na yung tulo ng malakas na ulan. Medyo sensitive ang baby ko, pero what I did nagdownload ako ng lullaby sa torrent site tapos nilagay ko sa phone ko so kapag tulog sya tuloy tuloy lang yung music effective naman sya minsan 3hrs straight matulog si baby lalo na kapag napagod sa kakalaro :D
Logged
 

mom_ni_jhelxea

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #7 on: July 07, 2012, 08:28:20 am »

baby ko naman 2 1/2 yrs old na pero light sleeper pa din sya, pero pag katabi niya ako pag natutulog sya after lunch napansin ko na mahaba ang tulog niya..tutulog sya ng 1pm tapos mga 4pm na gising niya basta katabi niya ako...pero pag hindi ko sya tinabihan the whole time na tulog sya mga after 1hr gising na agad sya..so ang ginagawa ko tinatabihan ko na lang din sya para mhaba ang tulog niya.super effective mga mommies..try nyo!
Logged

Dada08

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 147
  • ♥ I love my family ♥
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #8 on: July 07, 2012, 10:47:03 am »

ganito din baby ko "tulog manok"... nakakapagod mag hele lalo na if you still have pending chores to do.
pansin lang namin ni hubby from 6am - 12nn tulog siya. night time gising talaga ng gising.
Logged

danel_em

  • Guest
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #9 on: July 09, 2012, 06:37:20 pm »

baby ko naman 2 1/2 yrs old na pero light sleeper pa din sya, pero pag katabi niya ako pag natutulog sya after lunch napansin ko na mahaba ang tulog niya..tutulog sya ng 1pm tapos mga 4pm na gising niya basta katabi niya ako...pero pag hindi ko sya tinabihan the whole time na tulog sya mga after 1hr gising na agad sya..so ang ginagawa ko tinatabihan ko na lang din sya para mhaba ang tulog niya.super effective mga mommies..try nyo!

it varies talaga.. ganyan ako sis noong bata pa ako... kelangan katabi mama ko or ate ko. feeling ko magiging ganun dn sa baby girl ko :)
Logged

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #10 on: October 18, 2012, 06:45:16 pm »

Si baby light sleeper din. Hirap patulugin.  Mabilis magising.
Logged

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #11 on: October 18, 2012, 11:01:17 pm »

Kung kaya niyong wag patulugin sa hapon siguradong mahaba ang tulog niyan sa gabi.
Kung matutulog naman sa hapon make sure gising na siya ng 3pm else late na yan matutulog.
Try niyo lagyan ng music baka dito ma relax si baby.
Try niyo rin patulugin ng padapa para hindi nagugulat.

The best e pagurin si baby sa kalalaro para mapagod at makatulog ng mahaba haba.
Also make sure busog din si baby (eat before 7pm).
Logged

dhates

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 277
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #12 on: October 19, 2012, 10:40:03 am »

ganyan din baby ko kaya sobrang careful ako pag nagbibihis sa umaga. para syang nagugulat pero nakakatulog naman ulit unlike nung upto 2 months ata yun na umiiyak pa sya pag nagugulat ngayon hindi na and tulog din ulit sya agad. napansin ko na pag yung ingay e naririnig na niya habang gising sya tapos nakatulog sya ok na yun makakatulog na sya nun (wag lang may bago syang maririnig bigla hehe), minsan nga mas nagigising pa sya pag bigla nawala yung ingay, like sa tv minsan nakakatulog na sya na bukas ang tv kahit malakas pa pero pag pinatay mo bigla magigising..hehe, good thing sa gabi e mahaba talaga sleep niya around 8-9pm tulog na sya then mga 8-10 am na ang gising niya di na din sya umiiyak sa gabi para humingi ng dede kaya tyaga na lang kami ni hubby na magkusa talaga gumising timing na lang para padedehin sya, dinedede naman niya pero tulog pa din sya pag busog na talaga sya at ayaw na niya tatabigin na niya yung kamay namin o di kaya yung bote sabay dapa o di kaya cover yung mouth niya pero tulog pa din sya hehe, minsan nagigising kami ni hubby kasi naririnig namin may sumusupsop na, un naka thumbsuck na sya and para talagang tsupon yung thumb niya kung masipsip niya kaya timpla agad ng dede hehe..
Logged

two_angels'_mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 413
    • View Profile
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #13 on: October 20, 2012, 04:20:52 am »

@yslim, thanks for that article sis..si baby ko swak na swak dun sa high need baby..lahat ata ng nakaenumerate dun syang sya yun..hay..kaya nga ako 2 years old na si baby hindi pa din ako nakakatulog ng direcho sa gabi..at pati sa day time kailangan pa tatapikin mo yun para lang makatulog ng kahit 1 hour lang or else 30 mins lang tulog niya..tulog manok nga :(
Logged

WildChildManila

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
  • Fashion Chamelion
    • View Profile
    • WILD CHILD MANILA
Re: light sleeper / madaling magising sa ingay
« Reply #14 on: July 14, 2013, 10:54:49 am »

During the time na he's about to sleep pa lang, I play classical music na or nursery rhymes para hindi siya magulat. :) Any sudden noises after he falls asleep doesn't bother his sleep.
Logged
WILD CHILD MANILA
facebook|ebay|twitter|instagram
Pages: [1] 2
 

Close