Parent Chat

Welcome, Guest

News:

watch now
Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 31

Author Topic: sa lahat na mga asawa ng seaman  (Read 281190 times)

mommy♥cheng

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 198
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #120 on: May 10, 2011, 06:10:07 pm »

@mommy jenggai wow talaga po? hopefully sana maging ok anong nationality daw po ng consul ang naginterview sknya sis? pag pray po natin sis na sana maging ok din po. anong company niya sis? si hubby din yung temporary contract niya is 10 months lang din 
Logged
xilac..

Jenggai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
  • Andoy's mom
    • View Profile
    • Life's simple pleasures
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #121 on: May 10, 2011, 10:23:05 pm »

mommy cheng sa magsaysay si hubby.  sa princess cruise. american ang nag interview sa kanya. sabi niya dati, ang mga questions naman ay na-discuss sa mga trainings na pinakuha sa kanya. tell your hubby mag-review ng mga lessons niya sa training.
Logged

Nuna

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #122 on: May 12, 2011, 10:06:50 am »

mommy jenggai - sa princess pala si hubby mo. my husband worked with them ng 7 contracts. pero umalis na sya don just last feb. hindi naman resign, change of brand lang. kase may pagka unfair sila sa sweldo. hehe pero maganda naman naging experience ng husband ko din all those years with them. right now he's waiting for a lineup sa same agency pa din but ibang company na.
Logged
Life's not perfect but I AM HAPPY.

Jenggai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
  • Andoy's mom
    • View Profile
    • Life's simple pleasures
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #123 on: May 12, 2011, 12:24:49 pm »

ay talaga sis? Dun dpt si hubby dn eh, star cruise dpt kaya lang ms mgnda dun offr s compny.. thanks sis s reply ha pag pray po ntn n ok sana, my wifi po b dun sis? Ano means of communcation nyo po?

may wifi sis pero may charge. ang ginagawa nila ng mga kasama niya dun, they take turns in buying yung parang internet card. tapos sabay-sabay sila lahat gumagamit para tipid. medyo mahal daw kasi.

Logged

Jenggai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
  • Andoy's mom
    • View Profile
    • Life's simple pleasures
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #124 on: May 12, 2011, 12:33:54 pm »

mommy jenggai - sa princess pala si hubby mo. my husband worked with them ng 7 contracts. pero umalis na sya don just last feb. hindi naman resign, change of brand lang. kase may pagka unfair sila sa sweldo. hehe pero maganda naman naging experience ng husband ko din all those years with them. right now he's waiting for a lineup sa same agency pa din but ibang company na.

actually sis, dapat sa offshore nga sya mapupunta kaso nauna sya ma-process sa princess. sayang nga kasi yung sa offshore, mas maikli yung number of months pero mas malaki offer na sweldo. nahiya na sya mag-back out dun sa princess kasi tapos na medical niya nung tinawagan sya for offshore. pero sa magsaysay din naman. he's actually thinking of transferring din sa ibang company dahil nga din sa sweldo. sabi ko pag-usapan na lang namin pag-uwi niya.
Logged

Nuna

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #125 on: May 12, 2011, 01:12:57 pm »

nakakainis kase minsan ang princess e. madaya din. sayang din naman kasi yung nawawala diba lalo na't pamilyadong tao ang karamihan sa crew. medyo nalungkot ako kasi ang dami namin kaibigan sa princess.. sayang kase di na sila magkakasama ulit. although may mga kilala/relatives din naman si hub sa plano nyang lipatan na company. siguro dahil mas sanay lang din ako kaya affected din ako masyado. hehe! kung di ba naman unfair ang princess sa salary edi masarap sana mag-stay sa knila.

Hello po sa mga bagong sampa! :)
naku oo nga mga sis. mahal ang internet card, swerte ko lang at free ang pag gamit ng asawa ko ng internet sa ship. kung hindi, baka wala kami naipon sa araw araw namin pag s-skype.
Logged
Life's not perfect but I AM HAPPY.

rheign

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 180
  • Finally, another baby, another blessing... :)
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #126 on: May 12, 2011, 01:46:32 pm »

Hi mga sis... ngaun lang ako uli makakapagpost dito... lague lang ako nagbabasa... seaman din hubby ko, 4th contract na niya...


Jenggai-sayang sis, maganda ang offshore, malaki ang sweldo compared sa ibang type ng barko, and di din ganun kahirap ang trabaho...hubby ko kasi nasa offshore sya, sa UK sya base, and I can say na maganda ang bigayan sa kanila, 6 months ang contract niya dun...

Nuna-laking savings talaga and bawas homesick pag may sariling internet sila sa barko and free pa... parang nasa malapit lang din sya...
Logged
a WOMAN who is so blessed with a family whom i call my OWN... They are my inspiration and my life... Without them i will be lost...

mommy♥cheng

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 198
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #127 on: May 12, 2011, 03:04:20 pm »

@mommy jenggai super thank u po sa reply ha.. kasi wala din naman ako iba masabihan or makwentuhan 'bout dun.. sa text sis anong telecom. compny ang use nyo? sana talaga makaals din si hubby ko :(
Logged
xilac..

Jenggai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
  • Andoy's mom
    • View Profile
    • Life's simple pleasures
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #128 on: May 15, 2011, 01:20:55 pm »

mommy cheng, prepaid globe ang gamit namin ni hubby. regular sim ang gamit ni hubby kasi nakalimutan niya bumili ng ofw sim. mas mura kasi text ko kay hubby pag ofw sim ang gamit niya. sayang nga kasi medyo nagahol na kami sa oras kaya nakalimutan na bili ng sim. piso lang text ko dati kay hubby pag ofw sim ang gamit niya. ngayon 25 pesos per text :(
Logged

mommy♥cheng

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 198
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #129 on: May 15, 2011, 01:47:09 pm »

thanks mommy jenggai.. mas ok po ba ang globe.. i mean yung signal po? ang hirap pala talaga pag seaman ang hubby noh.. ako din plan ko din mag barko pag ka graduate ko..
Logged
xilac..

rheign

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 180
  • Finally, another baby, another blessing... :)
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #130 on: May 16, 2011, 11:26:10 am »

Jenggai-yes sis... okei lang yan... si hubby din nag passenger muna bago sya nakasakay ng offshore... almost triple ng sweldo niya noon sa passenger ang sweldo niya ngaun sa offshore kaya swerte lang din kahit messman pa lang sya eh malaki laki na kita niya... tska okei din ang perks nila sa barko la kami problem sa communication... goodluck sis sa hubby mo...   :D


mommy♥cheng-goodluck sis sa hubby mo...  :)
Logged
a WOMAN who is so blessed with a family whom i call my OWN... They are my inspiration and my life... Without them i will be lost...

Jenggai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
  • Andoy's mom
    • View Profile
    • Life's simple pleasures
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #131 on: May 16, 2011, 02:54:39 pm »

mommy cheng - di pa kami nakapag-try ng ibang network provider sis. di kasi kami nagpapalit ng number ever since.

mommy reighn - saan company si hubby mo? sa magsaysay din ba?
Logged

Nuna

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #132 on: May 21, 2011, 09:26:54 pm »

Good news! Di na lipat ng agency si hubby ko. Sa magsaysay pa din sya and matutuloy na daw sya dun sa lilipatan na company na talagang plano niya lipatan. yey! nasilip na daw ng kuya ko yung rotation ni hubby so i think sure na. thank God di na masyado maninibago kasi same agency pa din :) God is good talaga.
Logged
Life's not perfect but I AM HAPPY.

rheign

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 180
  • Finally, another baby, another blessing... :)
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #133 on: May 22, 2011, 06:57:02 am »

mommy♥cheng-usually ang offshore connected isla sa mga oil rig sa dagat... madame ang klase ng offshore vessel... yung hubby ko sa DSV (Dive Support Vessel) sya, sakay nila mga divers na nagaayos ng pipes ng mga oil rig sa dagat... sa Scotland, UK sya base sa North Sea...  :D

sharks-hi sis... yep... welcome dito sa SP...  :)

Nuna-good news nga yan...  :)
Logged
a WOMAN who is so blessed with a family whom i call my OWN... They are my inspiration and my life... Without them i will be lost...

mamajackie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« Reply #134 on: May 22, 2011, 09:43:29 pm »

hello mga sis!

seaman din magiging hubby ko.im 8 monhs pregnant now and plan namin mgpakasal pgdating niya ngayong ocotber. kaso may problema sa mama niya sobrang selosa sa akin. dami ng problems ko sa family niya.

1. yung bfgf pa lang kami naghihinala siya na pinapadalhan ako ng pera ng bf ko which is not true kasi i can stand on my own dahil may work ako at salary ko ginagamit pangtustus ng mga needs ko. ang hindi ko nagustuhan is she confronted me about that like i was getting money from her son.
2. Ngayong nabuntis na ako, ngask ng permission yung bf ko if he can get alteast 10% of her monthly allotment to give it to me for prenatal needs ko at ng baby ko. Sinabi niya hindi daw pwede so ok lang din naman sa akin. After that incident hindi na niya ako kinakausap.hindi nga ngask ano ang plan namin ng bf ko.wala talaga.
3. yung nalaman niya na baby boy yung baby namin sabi niya ok na daw sya sa akin dahil boy yung baby namin.paano kung girl yung baby ko? mggalit pa din ba sya sa akin? naawa lang ako sa bf ko ngayon dahil parang torn sya between me and his mother. i really don't know what's her problem towards me.hindi naman only son yung bf ko.6 kaya sila and 3 of them ay married na and 1 nalang yung nasa college.3rd sakay na pala niya ngayon..

Minsan naiiyak na lang ako sa sama ng loob.Hindi ko alam kung paan ko mpplease yung magiging mother in law ko.ang hirap mga sis kasi naawa din ako kay hubby dahil alam ko nahihirapan na sya maipaintindi sa mama niya na happy sya sa amin at sa magiging baby namin.
Logged
Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 31
 

Close