Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: AKA on October 15, 2009, 11:29:11 am

Title: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: AKA on October 15, 2009, 11:29:11 am
Basahin sa Smart Parenting:
You'll Have To Go Through 4 Stages Of Labor Before You Get To Hold Your Baby
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/02/28/20200228-1050am-mainimage-kate.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/stages-of-labor-a00286-20200228?ref=parentchat)

hello mga mommies!

sorry medyo paranoid lang ako.. kasi kanina when I took a bath, nawiwi ako tapos after parang may lumabas bigla na water na hindi ko maintindihan.. parang dirediretso lang.. hindi ko madistinguish if pee ba yun or something else..  ??? ???

pag pumutok ba water bag mo,dapat may sumunod na blood? or not necessarily ganun? dapat ba dire-diretso yun.. kasi ngayon wala naman lumalabas sakin?

wala naman akong masakit na nararamdaman.. pero hindi na nagalaw si baby.. inuuga ko nga tiyan ko..

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=10577).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)


Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: okfine on October 15, 2009, 11:48:56 am
hi sis!
sa kwento mo waterbag na nga yun!
kasi ganon yun eh..hindi mo mapipigilan,derederecho yun lalabas..
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: style on October 15, 2009, 11:53:01 am
tama sis..madulas dulas yun.later na lalabas yung konting dugo.
magprepare ka na sis..manganganak ka na...congrats and goodluck....
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: fairytink on October 15, 2009, 11:53:21 am
naku mukhang pumutok na nga ang water bag mo sis  ;)

sa'kin kasi nung pumutok siya wala namang kasunod na blood..

naku baka manganganak ka na! congrats in advance!  :-*
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: momy weng on October 15, 2009, 11:54:41 am
same case din for me ...go to the hospital na at manganganak ka na sis,
congrats!
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on October 15, 2009, 12:02:11 pm
ganun ba yun mga mommies..

hala.. kakapunta ko lang kasi sa ob ko last monday.. sabi closed na closed pa daw cervix ko..

so baka pag pumunta ako masuplak na naman ako.. ;D ;D nkakafrustrate.. twice na siguro kasi ako pumunta sa kanya na puro false labor lang...

magpa-ultrasound muna kaya ako.. tapos check ko yung ammiotic fluid ko and compare ko sa last ultasound ko..

nasa office pa naman ako.. wala kasi akong maramdamang pain talaga.. no blood... no mucuos plug..
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: fairytink on October 15, 2009, 12:11:46 pm
kung talagang maraming water ang lumabas at dire diretso sis tapos di mo mapigilan,.. yan na yun!  ;)

ako kasi wala rin naramdamang pain after pumutok nung water bag ko, after a few hours pa, wala ring blood..

ok lang ma false alarm, ako din dati di ko know kung water bag nga yung unang pumutok, punta na ko MMC tapos nirequire ako for ultrasound to check amniotic fluid hehe false alarm nga  ;D

pero base sa kwento mo, feel ko water bag nga yung pumutok  ;)

Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: style on October 15, 2009, 12:12:41 pm
oo sis,,manganganak ka na.ganun talaga wala pang pain.pero mamaya...humanda ka...pain pala ha?hhhehe joke,,,kaya mo yan!!!
baka kasi na stress ka o may contact kayo kagabi ng hubby mo hehhehe ganun daw yun e..na stimulated. ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on October 15, 2009, 12:16:09 pm
^momy jermah..

hehe ;D sige.. labas muna ako office maya2 tapos pa-ultasound muna ako.. check ammiotic fluid ko.. kasi baka false na naman.. pero dirediretso kasi siya tapos parang clear siya and hindi yellow which is usually color ng pee di ba..  ???

check ko na muna.. layo ng hospital ko eh..CGH pa..
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on October 15, 2009, 12:18:18 pm
oo sis,,manganganak ka na.ganun talaga wala pang pain.pero mamaya...humanda ka...pain pala ha?hhhehe joke,,,kaya mo yan!!!
baka kasi na stress ka o may contact kayo kagabi ng hubby mo hehhehe ganun daw yun e..na stimulated. ;D

haha! ;D natawa naman ako..

wala nga sis.. bka stress pwede pa.. kasi for the last two days para akong mgkakasakit na ewan..

punta muna ako lab, papa ultrasound.. :)
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: style on October 15, 2009, 12:24:12 pm
at nag dedeny ka pa ha??
humabol pa kayo kagabi ha...hehehhee
manganganak ka na sis...takbo na sa ospital mo..
masarap kaya manganak..walang pain..as in sis.. :o
usap tayo pag ok ka na hehee kumustahan ng experienced mo mamaya hehe
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: SEAMANSWIFEY on October 15, 2009, 01:29:57 pm
girl, saan ka na? nasa hospital ka na siguro ano?  yeheeeyyy! madadagdagan na naman ang babies sa batch natin!  ;D ;D sorry OT: mga sis, classmates kami ni mom_ni_kenji sa college.. ;D ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on October 16, 2009, 10:25:23 am
^hello mommies..

im back.. hay.. na-stress ako kahapon kala ko manganganak na ako.. ;D hindi pa pala..

was admitted sa labor room for a while tapos may kinabit na kung ano-ano kasi yung ultasound ko wala movement si baby.. kaya pinapunta ako ng labor room to monitor..

sabi mid-steep palang daw ??? ??? hindi ako sure sa spelling.. basta yun ang dinig ko.. ano ba ibig sabihin nun mga mommies?

medyo ninerbyos kasi ako kahapon, sabi naku baka ma-CS ako.. ngkamali pa ako sa spelling ng panagalan ko.. hahaha ;D ;D

sabi ko kay baby, "di ba usapan natin hindi CS, normal lang.. kasi mahal ang CS baby, baka di tayo matubos ng daddy hehe ;D ;D ;D
ayun natawa siguro sya kaya gumalaw sya ng unti.. pinauwi kami nung OB ko kasi ok pa naman daw.. balik kami tomorrow for check up ulit..

Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: SEAMANSWIFEY on October 16, 2009, 11:40:19 am
ngeeekk.. kala ko pa naman nanganak ka na..  ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on October 16, 2009, 11:45:38 am
^ wish ko din sana..

super inip na.. patience lang.. hehe ;D ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: fairytink on October 16, 2009, 11:51:06 am
nyay! di pa rin natuloy  :D

it's ok, wag ka mainip sis, lalabas at lalabas din yan si bebe sa ayaw at sa gusto mo  ;D

keep us posted sis! goodluck, muah!  :-*
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on October 16, 2009, 06:12:17 pm
^ excited na nga ako eh..

pero gusto ko naman yung normal way.. baka kasi himatayin/duguin ako sa bill pag CS.. hehe.. ;D ;D

oo nga.. lalabas at lalabas din si baby..

mid-steep palang daw?? ano ba ibig sabihin nun..hehe ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: style on October 16, 2009, 07:07:16 pm
6sis pagbasa ko kala ko duduguin at hihimatayin ka sa panganganak...iba hehe..kaya mo yan...lakad ka lang ng lakad..saka sayaw hehhe.punta ka kay eb bukas para mas maganda anoo? ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on October 17, 2009, 06:50:34 pm
^ naku hindi ko na to nabasa.. sayang nkijoin sana ako sa eb..

galing kami OB eh.. at 1cm na daw ako..

lakad2 galore lang.. :)

balik daw ako monday..:)
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: SEAMANSWIFEY on October 23, 2009, 05:19:11 pm
uy, ano na balita? nakita ko picture ng baby mo.. ang pogi! super!!balitaan mo kami huh? normal o CS? how was the experience? congrats!!mommy ka na..
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: hales on October 25, 2009, 02:38:18 pm
sis mom ni kenji! when ka nggive birth? me nung oct20... hehe... galing indi inabot ng nov1! hahaha! congrats sten!
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: babylove on October 29, 2009, 11:12:51 am
Mommies, kita ko lang tong thread na to. Yesterday kasi may lumabas din sa kin na watery discharge. Milky white siya na malabnaw. Mdyo mdami siya though hindi tuloy2 may intervals siya na mga ilan minutes. Nagpunta us sa DR wala kasi clinic OB ko. IE me ng resident OB ok naman daw hindi mukhang leak then ultrasound everything normal. Im just wondering kung ano yung lumabas sa kin. 
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: Jennifer Arenajo on October 29, 2009, 02:23:06 pm
ngayon ko lang din nabasa ang thread na ito..

based on my experience, kapag humilab ang tyan ko tapos parang nawewe na ako at talagang hindi mo mapigilan mawewee kasi sabay sa hilab  - yun na yun water bag na pala...

sa eldest ko, nauna ang blood kesa sa water bag, sa bunso ko, nauna ang waterbag kaya ang akala ko lang that time napa weeeweeee lang ako... yun pala malapit na ako manganak  :)
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: MuDrA® on October 29, 2009, 03:28:55 pm
Momy minsan instinct din eh, rapture water din ako ng dalhin ako sa hospital.. i feel na parang naiihi ako tapos nagulat ako baket tuloy tuloy ang ihi ko, kahit hindi naman ako umiiri kahit tumayo na ako natulo pa so un nag lagay ako ng pads walang 2 mins puno na kaya nag padala na ako sa doctor, true wala kang mararamdamang pain pag water ang lumabas sayo imbes na blood...

Good Bless and Safe Delivery
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on November 02, 2009, 03:30:03 pm
mga mommies :) already gave birth last October 20 at around 11:24 pm. Normal Delivery.. can't believe na kinaya ko yung labor.. ganun pala yun.. para akong na-possess.hehe

ang sakit pala ng labor.. hahaha.. pero after ko manganak parang walang nangyari.. kwento pa ako ng kwento.. hehe..

sa room ko sa hospital ako nglabor.. buti nga.. kasi nkkapressure sa loob ng labor room..

kwento ko buong story dun sa isang (labor and childbirth experience) thread..:) :)

two weeks na si baby ko ngaun..
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: AKA on November 02, 2009, 03:32:23 pm
sis mom ni kenji! when ka nggive birth? me nung oct20... hehe... galing indi inabot ng nov1! hahaha! congrats sten!

mommy hales.. parehas tayo! October 20 din ako  ;D :D mgka birthday baby natin..:)
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: Ara on November 02, 2009, 07:38:34 pm
^congrats sis! nag back read ako false alarm ka pala nung una... ano naman naramdaman mo nung totoong pumutok na yung water bag mo? ;D
before false alarm din ako sobrang kabado ako nung akala ko pumutok na yung waterbag ku pero hindi pa pala pero yung totoong pumutok na  yung water bag ko parang andaming lumabas na fluid tas hindi ko mapigilan. ;D wala naman ako naramdamang pain nung pumutok water bag ko pero mayat maya siguro soooobraaang sakit na yung naramdaman ko! ;D labor na pala yun! ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: myanabanana on November 09, 2009, 05:42:37 am
Hi sis! congrats nanganak ka na at ka bday ko pa..sorry ot to ha..heheehe
Anyway, nakarinig ako ng malakas na putok yung pala yun na pala yung waterbag ko sobrang dami non sis basang basa ako non then after 3 hours lumabas na si baby
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: hales on November 15, 2009, 03:02:44 pm


mommy hales.. parehas tayo! October 20 din ako  ;D :D mgka birthday baby natin..:)

wow sis!!! ako din sa hospital nglabor! hahaha! ang galeng naman! 3 cm n kc ako tpos un tuloy2 na!  ;D
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: momi gly on November 21, 2009, 02:25:57 pm
hi mommies.. same situation. kninang umaga pag gising ko sobrang sakit ng puson ko.. pero wala cyang interval.. then maya-maya may tubig na lumabas sa akin. Hindi naman siya pee dahil tuloy tuloy siya.. tumulo pa nga sa mga hita ko eh. manganganak na poh kaya ako.? kaso wala na akong pain na nararamdaman ngyn eh. hindi ko tuloy alam if papasugod na ako hospital o hindi pa. Thanks
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: SEAMANSWIFEY on November 24, 2009, 11:29:27 am
^ sis, ano nasa hospital ka na siguro noh? nov 21 pa pala 'to..
Title: Epic Failure for my Labor and Delivery
Post by: mixx on August 20, 2010, 10:55:39 pm
Hi everyone, im 37 , almost 38 weeks pregnant with my first child. Since im on the last month of my pregnancy, i'm probably almost done reading labor and delivery facts, signs that you are in labor and etc. so this is what happened:

I went to my ob today (because instead of once a week, i go every 3 days), and found that i was 1cm dilated. It was good news to me after having to undergo such a painful IE. She gave me a go-sign that i can do my walking and make "lakwatsa" because its safe to labor anytime. Like any typical doctor, she'd always say, watch out for a gush of water or blood in your underwear.

I went out with my "raw" inlaws (because my bf and i arent married yet) for a birthday celebration and walked around glorietta and greenbelt for the rest of the afternoon. the first time i peed, there was minimal discharge (like the normal discharge we always see). After a while i had to pee again, then the discharge added more. It was watery too. Then when i got home, the discharge was plenty enough to soak my undies. Of course if you were a woman in my situation, you'd definitely go to the L&D or the pre-labor room.

When i got there, all the results where okay for the non-stress test, though i had mild to moderate contractions. The resident doctor there told me i had no leaking after giving me an IE.

I was pretty much devasted because i was worried. What if this was really the water bag? Why would it soak that much? Since im a teen mom it was also a stress to me because my family had to pay the medical services just for nothing. The resident even told me that if my plenty discharge continues on, the water must have broken somewhere on my upper uterus which causes the water to trinkle down slowly instead of normal membranes breaking at the low end of the uterus.

Right now i dont know how to feel, if i'd be happy because im home and i can rest. I'm also being restless because if something happens to my baby i swear i will bury that woman's name under the ground. I am stressed out because what is this WATER that everybody is talking about but if it was only humane to place a picture of my underwear soaked, all of you would definitely tell me its my water that broke.

Im sure it is not urine too because ive been practicing kegels and i dont have urinary incontinence. I also wipe front to back and leave my private part dry before using back my underwear because i have kidney stones and i am preventing the occurence of UTI.

anyway, im just sharing my sad story on how it all went through for me today. :| im really really worried.
Title: Re: help: How would I know na pumutok na waterbag ko
Post by: Mariel Arun on August 23, 2010, 09:29:35 pm
^Hi sis, you're stressed alright. After three kids, I believe familiar na sa akin itsura ng 'water ' na yan and the feeling it goes with it when  water bag breaks.

Ok, its like sudden gush of water or wiwi na di mo napigilan. Slightly thick and malagkit compared sa urine, accompanied by slight traces of blood. Well, ibaba rin kasi sis but its the way I can describe it. After that, more contractions na.

I'm wishing you a safe delivery sis.  :)
Title: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: raine12 on August 07, 2011, 11:07:41 pm
im 39 wks pregnant lagi ako naiiihi ngayon.. as in super dalas kaya medyo ngwoworry ako na bka amniotic fluid ko na yung nilalabas ko.. di ko pa kc nranasan n pmutok panubigan ko then mgstart labor agad lging blood ang una sa akin eh.. help naman po mga
mommies thanks po in advance.. :)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: iamkiara on August 09, 2011, 12:30:39 pm
^ hi sis welcome sa SP  ;)
 pagpumutok yung waterbag mo, mababasa buong legs mo kahit nakaundies ka. tas yung floor makikita mo na basang basa.. ganito kasi yung nangyari sa akin nung nanganak ako.  naunang pumutok yung water bag 2x syang nang yari in less than one hour.. kaya un dinala na agad ako sa hospital kahit di pa ako naglalabor.
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: charmed0304 on August 19, 2011, 01:12:40 pm

clear fluid sya sis so malalaman mu naman na hindi ihi yun.. saka mararamdaman mu naman kung may lumalabas sayo na fluid kahit di ka naman naiihi.. Sa akin kasi, naramdaman kong may lumalabas sakin pero konti lang so hiniga ko,tumigil naman.. but then nung naligo na ako,hala sumasabay sa shower yung tubig ko.. i even used napkin after bath tapos agad din napuno napkin, that's the time na pumunta na ako sa ob.. dapat wag mu hintaying maubos fluid mu kasi delikado kay baby yun.. same kami ni sis iamkiara, di pa naglalabor pero iconfine na ako sa hosp nun..
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: mommy_mia on August 19, 2011, 02:12:21 pm
hi sis! yan ang sign ko nung manganganak na ako... It's different from wee wee kasi hindi mo mapipigilan once na pumutok na ang water bag mo. Manonotice mo na sobrang daming water ang lalabas sayo.

Thank God kasi nasa bahay lang ako nun watching tv sa sala around 7pm, so what I did is punta agad ako sa cr then inobserve ko yung umaagos sa in between ko. unstoppable siya sis so I decided na pumunta na ng hospital, nagwash muna to freshen up kasi feeling ko na "time ko na" iba naramdaman ko nun, mixed emotion but i still remain calm.

same with sis charmed0304 and sis iamkiara, 8am kinabukasan pa ako nanganak emergency cs (sad to say), nag 3cm lang kasi ako then yung cord ko nasa feet niya.
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: MommyAstrid on August 19, 2011, 02:16:28 pm
In my case naman sis, i was watching TV that time, then naramdaman ko na lang may lumabas na water saken, i thought urine lang kasi madalas din ako maihi, pero yun kasi, abrupt tapos marami..Tiningnan ko sa C.R, may konting blood na..brownish, aside from that, clear fluid na...basta marami fluid siya sis compared dun sa urine lang..:)..after that, nag start na ang contraction..pero mild pa lang..then we decided to go to the hospital na..:)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: sunshineventura on August 19, 2011, 03:08:01 pm
same with what the other mommies said.  ;D That was my top concern din dati being a first-time mom. Lagi ko tinatanong mom ko how I'll know if it's really time to rush to the hospital. My mom just kept on telling me "Basta, you'll know" Hehe nainis nga ako nun coz I wanted, of course, a clearer answer.

And when it happened - My mom was right. Iba talaga siya kasi WATER will GUSH out talaga, and no matter how hard you try (kahit Kegels expert ka pa  ;D ), you CAN'T do anything to stop it. Nasa office ang guys namin nun (my hubby, my dad, and my dad-in-law) so we had to take a cab to the hospital. Mind you sis, di na ata mabilang ang apologies ko sa driver for making a mess sa seat and floor ng cab. Useless din pagsuot ko ng pad.  :P
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: mworx on August 19, 2011, 03:15:49 pm
Iba ang signs na experiene ko sa dalawang anak ko..........sa panganay ko.....I was feeling kinda restless....parang LBM....kumukulo sa loob ng tiyan ko na parang gusto ko mag bawas tapos on my way to the C.R. bilang pumutok water bag ko......was so scared kasi hindi ko alam bakit ganun.......as in hindi mo mapipigilan, talagang lalabas na lang ang tubig....ayun 17 hours bago lumabas si baby.

As for my second child, sumasakit tiyan ko parang mabigat at hindi ko alam nag labor na pala ako.  Nag simula yun umaga tapos sa gabi medyo hindi pa rin ako mapakali kasi may masakit tapos ng mag C.R. ako, may blood stain panty ko.....another sign that the child is ready to come out......after 4 hours ako nanganak.

Mas masakit pag blood ang lumabas kaysa water.....fyi

Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: neondust on August 19, 2011, 03:16:26 pm
yup, tama sila lahat.. hindi mo sha mapipigil na parang ihi... :)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: Tiger Lily on August 19, 2011, 04:02:18 pm
Same topics merged.
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: toughmom moderator on May 19, 2012, 02:14:46 pm
Water Bag Breakage
We’ve seen it happen a lot in movies, where the woman suddenly feels a gush of water down her legs and screams that her water bag has broken, or, in medical terms, the membrane ruptures. While this may be the common portrayal of a baby well on the way, this is hardly the case among most pregnant women when they’re about to go into labor.
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/5-things-to-expect-when-giving-birth#

(http://www.smartparenting.com.ph//images/site-alpha/articles/2011/05/10/5-things-to-expect-when-giving-birth/5-things-to-expect-when-giving-birth/3-preggy.jpg)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: miel31 on August 14, 2012, 05:44:39 am
pag nagburst na po ba yung water bag, pwede pa ba akong mag-ayos nun like maligo kunwari or kailangan agad i-rush sa hospital?
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: sweetpumpkin on August 14, 2012, 08:20:19 am
sa first pregnancy ko kasi bago pumutok ang water bag ko e sakto naman na kaliligo ko lang. nagbibihis na ako kasi aalis sana kami ng brother ko papunta sa mall. kaya ayun sa hospital kami napaderetso. my things were prepared na din kaya mas kalmado ako.we live in marikina and our hospital is in pasig. walang pagmamadali on my part,basta kalmado lang.wala kasi ako nararamdaman nun na any pain. pero if it happens sis miel31, deretso ka na sa hospital.kasi atleast sa hospital alam nila ang gagawin if may naramdaman ka or anything. be prepared lang lagi.ang pinakaayoko pa naman eh yung aalis ng bahay na hindi pa nakakaligo.kaya i feel so lucky na nakapaligo ako nun time na yun hehe... :)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 24, 2012, 10:05:33 pm
^to answer this question, ako kasi sa first ko naiihi ako tas nun pabalik na ko sa higaan (since 3am yun) naiiihi na naman ako at paulit ulit yun tas the last time i went to pee at maghuhugas na ko eh may sticky mucus and may blood na so ginising ko mama ko hehe tas inde agad ako nagpunta hospital kasi nawawala yun saket ,. sa 2nd ko naman eh ganun din parang naiihi ka tas tuloy tuloy lang ang labas ng water ,. yun naalala ko yun first time ko na pumutok panubigan ko  ;D
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: tsukino4 on August 24, 2012, 10:17:58 pm
sis ano bang feeling ng lumalabas ant water? bukod sa di mo siya mapipigilan? may feeling ba na something na parang may aagos then umagos nga water mo? this week kasi may parang gustong lumabas sakin habang naglalakad ako todo pigil ko naman.. kaya nawala yung feeling na yun pero maya maya ulit parang ganun na naman kaya tinry ko pigilan.. pero wala namang lumabas.. natatakot kasi ako baka mapaaga akp manganak eh mag 34 weeks pa lang ako sa monday..
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: two_angels'_mom on August 25, 2012, 07:10:04 am
hi sis! pag water bag na talaga hindi mo na mapipigilan ang paglabas..as in yun feeling na mapapawiwi ka talaga sa undies mo..para din kasi syang mens na tuloy ang gush pag lumabas pero hindi naman diredirecho pero madalas yun at medyo marami pag water bag na talaga at tama si mommy caramel me streak of blood nga..i remember before meron pa nga ako co-staff  naka-preggy dress kasi sya nung pumutok yung water bag niya as in tumulo sa me hita pababa sa me paa niya at yun nga me streak of blood na..better na padala ka na din agad sa hosp or kung maaga pa at me clinic pa OB mo pacheckup ka kung ayaw mo pa magpaconfine..ako kasi nun wala din kaalam alam 6am pumutok water bag ko pero since hindi pa naman masakit masyado tyan ko di ako agad nagpadala sa hosp..nagpadala ako nung sunod sunod na contractions kaso that was 12 hrs na after my water bag broke e kaso hindi pa din ako agad nakapanganak kasi di agad nagdescend si baby after more than 12 hrs pa ko bago nanganak kaya ayun 24hrs after ng water bag ko naiwan tuloy si baby sa hosp kasi pag daw pala 24 hours na nagbroke yung water bag mo bago ka pa nakapanganak nagkakainfection na yung baby..kaya as soon as ur water bag broke punta ka na agad sa OB mo she will know better how to handle the situation ;)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: Mommy Jazz on November 15, 2013, 12:18:51 pm
" When I thought I had finished, I stood up, walked a few steps, and I dripped. I thought, maybe I’m not done yet, so I go back. I stand up, and I’m still dripping. That’s when it dawned on me that my water already broke."
-Maggie Wilson-Consunji
(http://www.smartparenting.com.ph/images/maggiewilson-web.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/my-birthing-story-maggie-wilson-consunji
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: MommyniAddie on November 15, 2013, 02:22:16 pm
Ayun nga para ka daw nagwiwi na di natatapos...actually di ko naman to naranasan..Induces labor na ako kahit pa 8 cm na ako di pa nabbreak ang waterbag ko so sinadya na siya i break ng OB ko :)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: imeego on November 15, 2013, 02:36:54 pm
sa case ko di ko alam kung ano nangyari, but when i went to the hospital dahil manganaganak na ako, they found out na wala na BOW ko...they did an IE tapos wala sila makapa, so they inserted speculum pa just to see kung meron pa ba or wala na talaga...nagulat talaga ako kasi ni wala akong na-feel na nag-leak or gush of water na lumabas...sobrang takot ko nun sa possible effect kay baby
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: Chenelyn007 on February 11, 2014, 08:43:22 am
hi po mga sis ..Im 38 weeks na po .. ask ko lang sana kasi kaninang mga 6 am parang may lumabas saken na water yung parang may mens ka di mo mapigilan yung labas .. pero konti lang naman tapos nung hinawakan ko yung shorts ko sa bandang undies basa sya  .. please reply po kayo huh.. di ko kasi alam if water bag na po ba yun o some discharge lang .. kasi konti lang naman po . eh diba pag water bag dapat tuloy tuloy yung labas ng water tapos madami..
Title: Hi po
Post by: ZarLene FerzeiA on March 27, 2014, 03:18:40 pm
Good afternoon po mga mommie's
Im 38 weeks and 1 day pregnant now.
Ask ko lang po, ano po kaya yung yellow discharge na lumalabas sa panty ko?pag umuupo ako at pag tumayo basa, then mlagkit yun discharge, tapos po kasabay noon biglang maninigas na may kasamang pain sa bandang puson.Sign na po ba yun na naglalabor nako? Kaya ko pa naman kase yung pain kaya hndi ko tinatawagan ob ko. Tsaka paano po ba malalaman kung pumutok na yung water bag? Salamat sa magiging reply nyo mga mommies.
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: Errych on March 31, 2014, 05:06:25 am
Merged with existing topic.
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: ilovekendra on April 11, 2014, 10:16:09 am
Mommy Zarlene, probably nakaraos ka na po by the time na mababasa mo ito. Hehe. Sa case ko kasi noon sa first pregnancy ko, may kasamang pananakit din po ng puson yun at contractions na po tawag dun. Hindi rin ako agad nagpadala sa hospital kasi medyo mahaba pa ang pagitan. Pero by 12am ng Sunday hindi na ako makatulog ng maayos until 3am nagpadala na ako sa ER. Sa DR na rin kasi pumutok water bag ko eh kaya halos iba po karanasan ko sa ibang mommies dito. Nauna ako nag "show" kesa sa pagputok ng panubigan ko. :)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: michaella alyssa cama on August 03, 2016, 01:11:54 am
Hi mga sis, worry po kasi ako. May nakita po kasi akong basa sa panty ko. Nung una, kunti lang sya. Tas kahapon nagulat ako medyo dumami, nagwoworry baka panubigan ko na yun. Pero paunti unti sya, eh lagi akong naiihi. So, pag naghuhugas ako ng pwerta ko. Syempre aangat ko na panty ko, ang naiisip ko baaka yung tubig lang yun kasii naghugas ako. Kasi wala naman akong pain na nararamdaman.Sana may makapansin. Salamat.
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: misspringy on August 03, 2016, 04:10:34 pm
Hi sis ^, if magbackread ka, you'll know na waterbag na yon kapag di mu macontrol yung flow ng tubig :) as in mababasa undies mu. Yung iba may blood pa kasama after. But better to have it checked ke OB mu para macheck din yung discharge :)
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: Shen Mercado on August 03, 2016, 11:41:07 pm
Hi mga sis. newbie here 😊 Sino po dito taga cavite? Alam niyo po ba Magkano manganak sa EAC dasma? ☺
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: Bianca Lyka Marie David on February 10, 2019, 07:59:41 pm
2days na pong limited galaw ni baby sa Tiyan ko 26 weeks palang po tapos palagi pong parang naiihi ako kahit hindi naman tas may lumalabas po sa Kepyas ko na amoy malansa na malagkit. Sa bandang puson lang po siya gumagalaw
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: Chuchay Banana on February 11, 2019, 10:37:51 am
Saakin naman based on my own exp. July 21,2018 yung duedate ko .. 20 palang ng 8am paggising ko basa yung higaan at sout ko pambaba..  then i found out na may tumutulo akala ko ihi pero iba yung amoy. That time wala pa akung contractions na nramdaman kaya akala ko normal lang first time mom kasi.. Kaya sinabi ko sa hubby ko na may tumutulo then sinabi niya sa mama niya kung ano un kung manganganak na ba daw ako ii sabi kasi hindi pa kung wala pang dugo lumalabas hindi pa ako manganganak so aun lakad lakad muna ako .. naglaba ..
To make a story short 2am ng madaling araw nagpadala na ako sa hospital subrang sakit na ng  nararamdaman ko tpos pagdating namin dun they asked me about kung ano nararamdaman ko snabi ko na may nagleak na saakin nung 20 . Pinagalitan pa ako kasi maiinfection yung bata.. Hanggang sa inakyat na ako 4am para manganak na pero sad to say d ako marunung umire finorceps na yung baby ko 8am ng july 21 .. 2 days pa sya nabuhay kaso namatay din sya 😧😢😢
Title: Re: pano malalaman kung pmutok na ang bag of water mo?
Post by: misspringy on July 17, 2019, 12:48:10 pm
So sorry to hear about your loss mommy :(