Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: babylovealthea on December 11, 2009, 11:20:54 am

Title: signs na malapit na manganak
Post by: babylovealthea on December 11, 2009, 11:20:54 am
Topics on Smart Parenting about "Signs na malapit na manganak". Click any topic below for full information.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/04/13/labor-birth-hospital.jpg)
Rush to the ER if You Feel Any of These Symptoms (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/pregnancy-symptoms-week-35-a00041-20190429-lfrm?ref=parentchat)
When Should You Rush to The Hospital to Give Birth (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/when-to-go-to-the-hospital-to-give-birth-a00041-20190414?reg=feed_1?ref=parentchat)
Paano Ba Umire? (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/paano-umire-labor-a1810-20200223?ref=parentchat)
The 4 Stages of Labor (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/4-stages-of-labor-a00286-20190420-lfrm?reg=feed_1?ref=parentchat)
Pinay Moms Describe What Labor Pain Feels Like Apart From 'Masakit' (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/moms-describe-labor-pain-a00041-20181024?ref=parentchat)

Hi guys, im on my currently 37 weeks and 3 days. Di ko alam if signs ba to na malapit na lumabas si baby.. kasi lately parang ang bigat bigat ng ilalim ng tyan ko plus medyo masakit na rin yung private part ko. Lalo na if I sit for like 3 hrs straight pag tayo ko parang ang bigat ng private parts ko. Then madalas na rin ako magwiwi. Di ko naman alam paano ko masasabi na water bag ko na yung sumabog. Madami nagsasabi mababa na tyan ko, i am trying to walk sana kaso talagang parang ang bigat bigat na ng ibabang part ng tummy ko.. sabi nga ng hubby ng sis ko, patagilid na ako magwalk kasi sa totoo lang ang bigat na... pls mommies help me po.. di ko alam if im just waiting for days na lang.. sa first ultrasound ko edd ko is dec 29 pero nung nagpacongenital anomaly scan kame about a month ago, lumabas na bigla na naging dec 22 na edd ko... :( thanks po

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=12609).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: yhamslove« on December 11, 2009, 12:00:58 pm
hi sis!

nung kabuwanan ko na ganyang-ganyan din comments sa akin ng mga kakilala at mga nakakakita sa akin...

my due date then was July 29. are you working? ako kase I took my maternity leave 15 days before my edd.  Pasalamat lang ako kase nung due date ko ako nanganak.

malamang malapit na yan pero we can never tell when... pero i suggest, if you have time, magpasama ka pumunta sa OB mo (ako nga midwife lang eh... sa maternity clinic lang ako nanganak... 1st pregnancy pa) para macheck ka niya..

i hope okay ka lang sis.. i know how you feel, mabigat talaga sis at mahirap maglakad... masakit sa likod.. basta lagi kang mag-iingat sa paglalakad mo.

i'll pray for you sis! God bless!
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 11, 2009, 12:05:52 pm
Yeah tomorrow I'll go back sa OB ko to have a check up. My hubby advised me to rest na lang.. Although I'm lucky di ako minamanas. Natatakot lang ako kasi baka di ko alam na sumabog na pala water bag ko :(
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 11, 2009, 12:41:50 pm
sobrang kinakabahan na ako... natatakot kasi ako dun sa tatahiin and gugupitin.. :(
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: yhamslove« on December 11, 2009, 12:58:46 pm
first baby mo ba mommy?

if yes, we're on the same page!

about the stitch and cutting... they will inject anesthesia naman so you won't feel anything when your OB does it.

what's painful is the labor pain.  Konting tiis lang sis about dun sa pain na yun.  In my case, unang sign na nakita ko is the blood... tapos masakit yung puson ko... the pain was more like that of dysmenorrhea raised to the 10th power... pero ewan ko lang din, kase kaya daw sobrang sakit nung sa akin kase blood yung unang lumabas...

my waterbag was not broken yet by then, nakasalang na ako sa harap ng midwife, di pa pumuputok.. ira-rupture na sana.. pero ayun, binutas din ni baby...

hindi ko naramdaman non yung pagslit ng side ng vagina kase natuon yung attention ko at pagkashock ko nung diniinan ng asst. midwife yung tiyan ko to help push my baby...

just pray sis... isipin mo lang sa oras na yun, para ka lang magpu-poo-poo ng matigas (as may midwife told me  :D)
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 11, 2009, 01:05:48 pm
Painless ka ba? Kasi yun ang binigay sa akin ng dra ko mukha daw kasi akong iyakin haha...
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: yhamslove« on December 11, 2009, 01:26:19 pm
^oo nagpapainlessa ko..

pero yung painless kase dun sa maternity clinic na pinagpanganakan ko, it will just lessen the pain while crowning... kaya feeling ko daw na parang mapoo-poopoo lang...

pero naramdaman ko pa rin yung hilab ng tiyan and everthing...

basta sis, pagfeeling mo may malaking poopoo na lalabas, iire mo lang, baby mo na yun... kahit may pain kang maramdaman labanan mo, kase it's sad to say, there's no easier way to give birth lalo na at normal delivery.. kaya no choice... lalabanan mo talaga yung sakit..

oo nga pala.. iaadvice ka rin siguro ng OB mo na "magbawas" para walang kalaban habang nilalabas mo si baby..
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: ♥maarte♥ on December 11, 2009, 01:29:32 pm
hi sis, buti ka pa nasa 37 weeks na.. anytime pwede ka na manganak.. ako kasi 34 weeks pa lang pero parang bukas lalabas na si baby... he he he.. ambigat! sobra.. mukha na kong pilay pag naglalakad pero pumapasok pa ko kasi ang due ko eh jan.20 pa daw.. pero, lam mo yun, parang eto na sya...

second baby ko na to at talagang masasabi ko na each pregnancy is unique... though excited na ko makita si baby, yoko naman ilabas sya agad dahil lang nabibigatan na ko sa kanya...

you know what i do, nag uusap kami ng masinsinan.. hehe... sabi ko sa kanya, if hindi niya pa time lumabas, wag syado malikot kasi hindi maka concentrate si mommy sa work en sa mga raket.. he he he.. :)

just hoping na ok lang si baby.. kahit nahirapan pa ko ng karga sa kanya habang nasa tummy ko sya...
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: yhamslove« on December 11, 2009, 01:30:47 pm
ask ko lang sis, tingin mo ba okay lang sa hospital na pagpapanganakan mo na isama si hubby or mother mo sa loob ng delivery room? makakatulong yun.

dun kase sa maternity clinic namin, kasama ko si Nanay at ang mister ko when i gave birth... my hubby saw how our son come out! and you know what... a day after i gave birth, i noticed a little scar on my hubby's hand. i asked him bakit siya may sugat don... sabi niya "diyan ka kumapit nung lalabas na si Geno, nadiinan mo ng kuko mo"

Hindi ko na kase namalyan na napakapit ako sa asawa ko ng mahigpit eh... :D
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: ♥maarte♥ on December 11, 2009, 01:32:37 pm
^oo nagpapainlessa ko..

oo nga pala.. iaadvice ka rin siguro ng OB mo na "magbawas" para walang kalaban habang nilalabas mo si baby..

hehe.. cute.. inadvise din ako ng OB ko about this... ayaw niya daw kasi na may kasabay si baby na kumpare... :)
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: yhamslove« on December 11, 2009, 01:32:53 pm
hi sis, buti ka pa nasa 37 weeks na.. anytime pwede ka na manganak.. ako kasi 34 weeks pa lang pero parang bukas lalabas na si baby... he he he.. ambigat! sobra.. mukha na kong pilay pag naglalakad pero pumapasok pa ko kasi ang due ko eh jan.20 pa daw.. pero, lam mo yun, parang eto na sya...

second baby ko na to at talagang masasabi ko na each pregnancy is unique... though excited na ko makita si baby, yoko naman ilabas sya agad dahil lang nabibigatan na ko sa kanya...

you know what i do, nag uusap kami ng masinsinan.. hehe... sabi ko sa kanya, if hindi niya pa time lumabas, wag syado malikot kasi hindi maka concentrate si mommy sa work en sa mga raket.. he he he.. :)

just hoping na ok lang si baby.. kahit nahirapan pa ko ng karga sa kanya habang nasa tummy ko sya...

i definitely agree mommy! it's good to talk to your baby... and you'll see.. it will seem like a miracle kase makikinig siya sa iyo... di ba mommy P?
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 11, 2009, 02:09:31 pm
Sa UPHR Las Pinas ako manganganak. Yeah lagi ko sya kinakausap nga eh. I always tells him "Baby pag lalabas ka, labas ka na ha. Wag mo na pahirapan si Mama.. Kasi gusto ka na namin makita ni papa eh"... Pero lam mo yun sis, till now I am expecting na baby girl pa rin ang baby ko.. I believe yung nakita sa ultrasound is the umbilical cord lang not his private part...
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: ♥maarte♥ on December 11, 2009, 02:17:56 pm
you want baby girl sis? :) katuwa naman... so meron pa pala konting surprise effect pag nanganak ka.. he he he..

pero if boy naman si baby, masaya rin naman kayo, im sure... my eldest is a girl.. tas boy na tong dinadala ko...

 ;)
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 11, 2009, 04:02:45 pm
well even my hubby wants a girl... kasi sa dalawang ultrasound sabi nila boy na daw but i doubt kasi parang umbilical cord talaga. plus 4 kame na nagdream na girl talaga. ako last week lang. tanggap ko na boy sya then i was surprised nung ibigay sa akin girl then sabi ko pa sa dra ko, "dra baby boy po inaantay ko not a girl. di ko anak yan". then she replied na " mrs. 2 lang po kayo nanganak dito and lahat babae"..

i kept on looking sa ultrasound ko, para talagang umbilical cord eh. haiz, i really dont know na.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 12, 2009, 06:40:08 pm
Pwede ba if ever na di ako sa labor room mag labor? kasi i know lalo ako kakabahan dun instead na marelax ako.. pwede kaya sa room ko lang ako maglabor?
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 15, 2009, 01:09:18 pm
I had my IE yesterday and my OB said I am already 1 cm dilated.. does that mean malapit na ako manganak? nagbibilang na lang ba ako ng araw.. pls mommies help!!
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: ♥maarte♥ on December 15, 2009, 01:34:26 pm
depende kasi sis kung tagtag ka pa sa work by these days.. if you're bed rest na, medyo matagal pa yan.. pero kung you're still working, days na lang.. :)

nung nag labor ako sa first baby ko, nasa room lang ako.. medyo awkward lang kasi wa poise talaga yung facial expressions ko.. kasi nga masakit.. pero, keber, hehe.. eh sa masakit mag labor eh... after ko sa room, deretso na ko sa delivery... kasi konting time na lang, lumabas na si baby nun...

Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on December 15, 2009, 01:41:16 pm
I always walk around but most of the time naka rest na lang ako sa bed kasi super bigat na ng pakiramdan ko and medyo sumasakit na rin balakang ko. madalas na rin ako nagwiwi.. wala pang 10 minutes naiihi na ako.. :(
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on January 04, 2010, 03:14:08 pm
kumusta sis babylovealthea? nanganak ka na ba? how was it?

sis MomNiPia, halos pareho pala tayo ng edd. january 21 naman ako, boy din, pero first baby. Kinakabahan na ko, sobra!!! :D
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on January 04, 2010, 06:26:29 pm
kumusta sis babylovealthea? nanganak ka na ba? how was it?

sis MomNiPia, halos pareho pala tayo ng edd. january 21 naman ako, boy din, pero first baby. Kinakabahan na ko, sobra!!! :D

I gave birth na last Dec 29. Unfortunately got this Bell's Palsy after two days. Trying to cope up with my condition right now. I am not going to lose hope.. Kawawa naman baby ko if nawalan ako ng chance. Although I must admit, at first I wanted to kill myself. Bad ko no. But i remember there's God. He will never leave me nor forsake me..
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on January 04, 2010, 06:58:11 pm
sorry to hear that sis. pero kaya mo yan. kinaya mo nga yung panganganak eh, kinaya mo din yung hirap habang pinagbubuntis mo si baby. I will pray for your speedy recovery. Tama ka, kawawa si baby if susuko ka.  di ko napansin na ikaw pala yung nagpost about bell's palsy, thanks for posting kasi first time mom ako and ngayon ko lang nalaman na may ganon pala and that it can happen to anyone.

God bless sis. Keep on smiling and don't lose hope.

Congrats on your new angel.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on January 05, 2010, 02:36:17 am
sorry to hear that sis. pero kaya mo yan. kinaya mo nga yung panganganak eh, kinaya mo din yung hirap habang pinagbubuntis mo si baby. I will pray for your speedy recovery. Tama ka, kawawa si baby if susuko ka.  di ko napansin na ikaw pala yung nagpost about bell's palsy, thanks for posting kasi first time mom ako and ngayon ko lang nalaman na may ganon pala and that it can happen to anyone.

God bless sis. Keep on smiling and don't lose hope.

Congrats on your new angel.

Thanks sis.. Yes high risk ang mga pregnant women with Bell's Palsy. Usually due to trauma but I am glad sabi ni hubby kanina my face isnt that bad as last Saturday so I am happy may improvement na and all. :)
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: britneyjen on January 08, 2010, 10:37:24 pm
hello mga mommies!!!its my first time na magpost here..pero mga 3 months na ko nagbabasa ng forum dito as recommended by my friend.
i'm currently 36 weeks pregnant...waaah!!super kinakabahan na ko...weekly na din ang OB viist ko..tuturuan na daw niya ako about sa paglalabor...its my first baby pala and baby girl cia..yey!!!due date ko feb.12.

ano ba mga dapat gawin kapag malapit na manganak?dapat ba lakad talaga ng lakad?how about swimming?
thank you mga mommies and goodluck!!!
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: yhamslove« on January 08, 2010, 10:44:23 pm
hello mga mommies!!!its my first time na magpost here..pero mga 3 months na ko nagbabasa ng forum dito as recommended by my friend.
i'm currently 36 weeks pregnant...waaah!!super kinakabahan na ko...weekly na din ang OB viist ko..tuturuan na daw niya ako about sa paglalabor...its my first baby pala and baby girl cia..yey!!!due date ko feb.12.

ano ba mga dapat gawin kapag malapit na manganak?dapat ba lakad talaga ng lakad?how about swimming?
thank you mga mommies and goodluck!!!

hi mommy britneyjen! (hmm...hulaan ko... yan ba ipapangalan mo sa baby girl mo?  ;D welcome to SP sis!)

i gave birth on July 29, 2009.. when i was at the same stage as you are.. wala naman akong ginawa masyado... yun din.. weekly check up with the OB (actually yung sa akin midwife nga lang eh..) IE.. regarding walking.. ginagawa ko na yun kahit di pa ako preggy.. I'm working kase and walking is already part of my day until now..

ang gawin mo ngayon i-prepare mo na yung bag na dadalhin mo pag nanganak ka...

try mo i-search yung things to bring on your delivery day dito sa forum (thru the SEARCH function)... i also raised the same question and so many replied to my post.

good luck mommy ha! hope to hear from you soon!
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on January 19, 2010, 08:20:49 am
waaaaaaaaah!  :'(  nanganak na lahat ng mga kasabayan ko, ako hindi pa... 39 weeks and 4 days na ko....mataas pa rin chan ko, halos araw-araw na ko naglalakad, as in hanggang sa sumakit paa ko... ang tagal naman ni baby...
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: Mommy Lyn on January 19, 2010, 09:20:53 am
Wag ka mainip basta lakad ka lang ng lakad hehe!! actually dapat ang due date January19, 2010 napaaga me nangnanak nung December 29, 2009 kasi tagtag me bedrest pa ako nun hehe tigas ng ulo umiinom pa ako ng duvadilan para di lumabas agad si baby na hospital pa ako nung 25 weeks pa lang dahil bukas na kaya yung cervix ko na 1.2 cm, ayun nanganak ng 37 weeks walang hirap sa labor 6cm agad, kaya mo yan Sis. ang ginawa ko lang lakad ka lang ng lakad :)
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: babylovealthea on January 19, 2010, 11:44:56 am
Okay lang yan. ako nga nanganak sakto ika 40th week ko eh.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on January 19, 2010, 04:13:45 pm
kadarating ko lang... nasa labas ako from 9:30 to 4:00, lakad lakad, akyat baba, walang escalator or elevator, lakad sa mall, lakad sa kalye, sakay sa jeep, sakay sa trike, bawal ang cab, tagtagan talaga to! mamaya pag nakapahinga, magsasayaw ako... gagayahin ko yung babaeng nakita ko sa you tube...

labor induction dance daw
http://www.youtube.com/watch?v=Hgzy1o44VRY

watch nyo mga sis, nakakawala ng stress...

sana manganak na ko... handa na lahat, mommy bag, baby bag, at syempre daddy bag  :D yes pati si daddy nagprepare ng bag niya.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: PeggyJen on January 20, 2010, 09:13:07 am
@sis xhingpie

haha, nageenjoy ata si baby sa tummy mo, ayaw niya muna ng stress ng outside world. pero sana lumabas na sha para di naman maprolong mashado anticipation mo. good lucK!
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on January 20, 2010, 11:48:18 am
@sis xhingpie

haha, nageenjoy ata si baby sa tummy mo, ayaw niya muna ng stress ng outside world. pero sana lumabas na sha para di naman maprolong mashado anticipation mo. good lucK!

mukhang enjoy nga sya sis. halos araw-araw tumatawag ang tatay ko na nasa abroad just to ask if nanganak na ba daw ako, pati mother in law ko, lagi tawag sa husband ko. tapos kwento ni hubby, lagi din daw sya tinatanong ng mga officemates niya, kahit di niya kasama sa department, tapos yung mga friends niya tinitxt sya just to ask kung naglabor day na ko. natutuwa kami mag-asawa kasi ang dami naming kashare dun sa happiness and excitement sa paglabas ni baby. nakakapressure pala, gusto ng lahat manganak na ko.  :D ang status ko madalas sa facebook, di pa po ako nanganganak, para wala na magtanong, pero ang effect, ang dami naman ng comments, expressing they excitement, pati nga possible date ng paglabas ni baby, naging game. nyahaha.  :D
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: PeggyJen on January 20, 2010, 11:56:48 am
1 day na lang kasi 40 weeks ka na. sis, sabihin mo ke baby wag sha mag-over stay mashado, hehe. :) sobrang loved ni baby nyo, maraming nag-aanticipate sa pagdating niya.

ako naman sa feb 28 due date ko. kung pwede lang sa 37th week e lumabas na sha, cant wait.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on January 20, 2010, 12:19:45 pm
alam mo ba sis, yung final month parang sobrang tagal, parang mas matagal pa dun sa nakaraang 8 months. promise. congrats sis, 7 weeks to go! :)
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: PeggyJen on January 20, 2010, 12:33:02 pm
alam mo ba sis, yung final month parang sobrang tagal, parang mas matagal pa dun sa nakaraang 8 months. promise. congrats sis, 7 weeks to go! :)

thanks sis, wag naman sana magoverstay si baby, hehe...
sayang ang leave ko kung ganon. haha
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on January 25, 2010, 10:20:47 am
mga sis, malapit na ba ko? this morning while chatting online  with my aunt, na feel ko na parang may lumbas na siguro 1/4 cup na wiwi tapos when i went sa CR , umihi na ko ng direcho, parang nawalan ako ng control. so change ako ng panty and pantiliners tapos after mga 45 minutes siguro, ganun na naman. tapos parang CR ako ng CR, gusto ko lagi umihi ng pakonti-konti pero wala ako nararamdaman na kahit anong sakit kahit pag umiihi... ayun. sabi ni OB pabiophysical exam ako now na to make sure na ok ang level ng amnioitic fluid, baka kasi nagleleak na ko... naku.... malapit na ba?
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: PeggyJen on January 25, 2010, 11:30:56 am
ako din, malapit na kaya ako?

last saturday kasi i had contractions, masakit though tolerable sha, and it lasted for about 7 hours, overnight sha di talaga ko nakatulog.

then, nakatulog din ako for an hour when i woke up wala ng pain. then nagkaron ako ng mucus discharge, pero konti lang. i texted my OB, sabi niya rest na daw muna ako.

nakakapraning kala ko magle-labor nako that night.

possible kayang malapit nadin ako manganak. going 35 weeks nako. sana naman umabot ng 37 weeks.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: britneyjen on January 27, 2010, 07:00:48 pm
hello mga mommies!!!its my first time na magpost here..pero mga 3 months na ko nagbabasa ng forum dito as recommended by my friend.
i'm currently 36 weeks pregnant...waaah!!super kinakabahan na ko...weekly na din ang OB viist ko..tuturuan na daw textspeak! ako about sa paglalabor...its my first baby pala and baby girl cia..yey!!!due date ko feb.12.

ano ba mga dapat gawin kapag malapit na manganak?dapat ba lakad talaga ng lakad?how about swimming?
thank you mga mommies and goodluck!!!

hi mommy britneyjen! (hmm...hulaan ko... yan ba ipapangalan mo sa baby girl mo?  ;textspeak! welcome to SP sis!)

i gave birth on July 29, 2009.. when i was at the same stage as you are.. wala naman akong ginawa masyado... yun din.. weekly check up with the OB (actually yung sa akin midwife nga lang eh..) IE.. regarding walking.. ginagawa ko na yun kahit di pa ako preggy.. I'm working kase and walking is already part of my day until now..

ang gawin mo ngayon i-prepare mo na yung bag na dadalhin mo pag nanganak ka...

try mo i-search yung things to bring on your delivery day dito sa forum (thru the SEARCH function)... i also raised the same question and so many replied to my post.

good luck mommy ha! hope to hear from you soon!

Hi Mommy yhamslove!!

gusto ko nga sana may britney name ni baby ko e.. kaso nagagalit si husband!!super idol ko kc si britney spears..lol

i'm on my 38 weeks na... ready na din mga gamit ni baby ko.. grabe!!naiinip na ko!!super lakad to the max na nga ako.. napansin ko bumaba na tyan ko..sana bumuka na cervix ko..sa friday pa check up ko sa OB ko e..pero may nafefeel na kong sakit minsan sa may puson pababa tapos sa likod pero tolerable pa naman..

tapos kapag naglalakad ako, napapastop ako minsan kc parang may tumutusok na ang sakit sakit sa may puson ko pababa..

i'll go for natural delivery..sana makayanan ko..natatakot kc ako sa painless, sa epidural at twilight sleep delivery..may side effect yata un sakin at sa baby e..

kwento ako pag nakapanganak na ko.. wish me luck!!kakayanin ko to!!:D
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: britneyjen on January 27, 2010, 07:01:31 pm
waaaaaaaaah!  :'(  nanganak na lahat ng mga kasabayan ko, ako hindi pa... 39 weeks and 4 days na ko....mataas pa rin chan ko, halos araw-araw na ko naglalakad, as in hanggang sa sumakit paa ko... ang tagal naman ni baby...

naku parehas tau inip na inip na da paglabas ni baby!!!
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: xhingpie on February 02, 2010, 02:00:57 pm
sa wakas mga sis nanganak na ko. gave birth last jan 26, CS.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: PeggyJen on February 03, 2010, 06:29:02 am
sa wakas mga sis nanganak na ko. gave birth last jan 26, CS.

yihee! congrats sis.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: ♥maarte♥ on February 08, 2010, 01:13:24 pm
sensya na mga sis.. nawala ako sa mundo ng SP for so long... miss ko na yung pagbabasa ng mga post nyo.. miss ko na rin mag post... hehe

nga pala, just gave birth nung january 6... an layo sa edd ko--jan.17 dapat.  yun.. pero ok naman kasi 38th weeks ko na rin.. just in time... thanks God kasi the process was so smooth and so good... ramdam ko ever yung hands ni God... :) kasi naman, not so much pain ang binigay sa kin ng baby boy ko... very cooperative ang i guess he's excited to see me... :)

im also back to work.. so iwan muna mga babies sa bahay... :)

congrats din sa mga mommies na nag gave birth.. hehe.. late na yung greetings ko sa inyo...

it's really fun to me a mom! ;D
Title: Paano ko po malalaman na may contractions na pala ako???
Post by: Sweetie_Keilah on July 25, 2010, 01:14:10 pm
hi po, good pm...

i'm on my 38th week, first time mom. ask ko lang po sana if paano ko maiidentify na nagcocontract na ba ako... kelangan po ba masakit na masakit sya??? naninigas po kc ang tyan ko pero tolerable naman so di ko yun na ba yun sinasabi nila na contractions... medyo confused din po kc ako kung nagstretch lang ba si baby or naninigas talaga yun tyan ko...

galing po ko sa check up kahapon, then sabi ni doc 2cm daw ako sa outside pa lang, di pa daw po niya nakakapa yun ulo ni baby... pero sabi po niya observe ko daw kc meron blood after niya ko IE... then aun po, since kahapon after niya ko i-IE up to now may spotting pa din ako, pero di po ako sure if dapat ba ko maalarm kc wala naman akong nararamdamang sakit like yun sinasabi nila na sa likod or sa balakang...

pashare naman po ng mga experience nyo, medyo confused po talaga ako kung ano ba yun mga dapat kong iexpect... salamat po ng marami...
Title: Re: Paano ko po malalaman na may contractions na pala ako???
Post by: Nunal on July 26, 2010, 12:10:27 pm
hi po, good pm...

i'm on my 38th week, first time mom. ask ko lang po sana if paano ko maiidentify na nagcocontract na ba ako... kelangan po ba masakit na masakit sya??? naninigas po kc ang tyan ko pero tolerable naman so di ko yun na ba yun sinasabi nila na contractions... medyo confused din po kc ako kung nagstretch lang ba si baby or naninigas talaga yun tyan ko...

galing po ko sa check up kahapon, then sabi ni doc 2cm daw ako sa outside pa lang, di pa daw po niya nakakapa yun ulo ni baby... pero sabi po niya observe ko daw kc meron blood after niya ko IE... then aun po, since kahapon after niya ko i-IE up to now may spotting pa din ako, pero di po ako sure if dapat ba ko maalarm kc wala naman akong nararamdamang sakit like yun sinasabi nila na sa likod or sa balakang...

pashare naman po ng mga experience nyo, medyo confused po talaga ako kung ano ba yun mga dapat kong iexpect... salamat po ng marami...

Hi Sis, I'm on my 35th week na din and I've read similar post.. check this out this might help :)

http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=3110.0
Title: Were there any signs telling you that you're going to be in labor soon?
Post by: mixx on August 02, 2010, 09:27:19 pm
Hi mommies. kabuwanan ko na ngayon. i can give birth anytime. can you describe to me what type of pain does labor feel like? i dont want to scare myself but sometimes kasi im afraid na baka di ko masabi kung labor na ba yun or false na. we all have different pregnancies and i just want to know your experience regarding this because im a first time mom. :) thank you.
Title: Were there any signs telling you that you're going to be in labor soon?
Post by: mixx on August 02, 2010, 09:32:34 pm
hi everyone. im on my 9th month by next week and i was wondering if having this really strong and uncomfortable pressure is an indication of labor soon? Kasi mine is getting painful. It's like she's gonna pop anytime. May i know any signs you've had before undergoing labor with your children? Thanks everyone. :( I'm super nervous now.
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: tiny_little_mom on August 02, 2010, 09:36:18 pm
I dunno if I share the same feeling with other moms when it comes to labor pain but mine felt like a severe case of dysmenorrhea with a pain scale of 10. Let's say it started with pain scale of 6, that's when I said to myself that it was it.
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: mgrace1198 on August 02, 2010, 09:44:29 pm
sis ganyan po sign ng labor... punta ka na hospital....pag naninigas ang tiyan mo at madalas ang contractions signs na po yan ng labor... may kasama ka ba bahay....
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: Mariel Arun on August 02, 2010, 09:44:30 pm
Yes, that's how I would describe it too,  the pain of a severe case of dysmenorrhea.  :'(
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: mixx on August 02, 2010, 09:51:01 pm
sis ganyan po sign ng labor... punta ka na hospital....pag naninigas ang tiyan mo at madalas ang contractions signs na po yan ng labor... may kasama ka ba bahay....

yes po meron. pero kasi nawawala panaman siya di naman siya constant. pero habang nagkakaron ako ng ganito as each week progresses, sumasakit na talaga. parang tinutulak niya yung ulo niya palabas.

hindi ko kasi masabi kasi im a pain frenzy person. super mahilig ako sa masasakit na bagay. i love needles and pain. natatakot ako baka false alarm kasi nawalala naman sya. pero pag nagkakaron, ayun, bongga yung pressure talaga. :(
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: mgrace1198 on August 02, 2010, 10:12:40 pm
sis, check mu kung may blood spot kahit kaunti, ako kasi gatuldok lang nakita ko tapos ala na other signs, wait ako 3 hours saka pa lang nagcontract and then hanngang sa sumakit na sya ng sumakit, o kaya wiwi ka ba ng wiwi, actually yung labor patagal patagal pasakit ng pasakit if mag continous ang contraction at hindi nawawala labor na po un.
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: mgrace1198 on August 02, 2010, 10:22:49 pm
hi sis, balitaan mo na lang ako antok na me God bless u and ur baby.....!
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: yhamslove« on August 02, 2010, 10:28:13 pm
Ganon din sa akin. Tapos may interval yung pagsakit. Mawawala, tapos unti-unti ulit sasakit. Aabot sa peak yung sakit.

Sa sobrang sakit nung labor pains ko, kung pwede lang ipasok ko yung ulo ko sa dibdib ng asawa ko, ginawa ko na.  ;D

Maswerte lang, my labor pains started to strike passed 10pm, i gave birth to Geno 12:37 am.

Kelan ba due date mo sis mix? Usually, for first pregnancies, it's either 2 weeks prior to or 2 weeks after your due date and delivery mo.

Pero ako sakto lang sa due date, July 29. Pero kung inayos ko lang ang pag-ire, before the clock strikes 12am, dapat nanganak na ako ng July 28.

Good luck sis!!
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: mommy_of_2 on August 02, 2010, 10:36:45 pm
I had the same feeling, parang dysmennorhea lang to the 10th level, we didn't mean to scare you ha.. Sa akin din at first mawawala yung pain and then ayun na naman siya, may intervals din. With me alam ko na agad na its time, kasi I had bloody show on the onset of labor with my 2 pregnancies and I always gave birth earlier than my due date..
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: twelvth_goddess on August 03, 2010, 03:00:44 am
I'm on my 30th week now and I'm experiencing braxton hicks contractions. usually kapag i sleep on my right chaka pag nawi-wiwi ako saka ko sya nararamdaman.
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: ♥maarte♥ on August 03, 2010, 08:19:35 am
hi everyone. im on my 9th month by next week and i was wondering if having this really strong and uncomfortable pressure is an indication of labor soon? Kasi mine is getting painful. It's like she's gonna pop anytime. May i know any signs you've had before undergoing labor with your children? Thanks everyone. :( I'm super nervous now.

sis, i have the feeling na nagla-labor ka na... i-monitor mo yung pain.. every when mo ba sya nararamdaman? kasi kapag may pattern na, that could be na! and very very very soon, manganganak ka na... it would be less hassle kung meron kang kasama kasi anytime pwede ka na punta ng hospital...

check your things na sis... yours and your baby's. also, don't forget to pray... goodluck sis... :D
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: momsielala on August 03, 2010, 11:16:56 am
Same feeling to the 10th power ang sakit ng dysmennorhea yung tipong sakit na hindi mo na kaya magsalita. Lagi akong induced labor kaya mas matagal almost 12hours ako in pain for my 2 pregnancies. Alam ng asawa ko yung sakit kasi sa 2nd baby kasama ko siya sa room magdamag walang tulog. Kaya ngayung 3rd pregnancy ko we're thinking for CS na naawa sya sken sa pain na naman.

I suggest if mahina talaga pain tolerance mo mag pa Epidural ka may labor pains but not to the 10th power siguro at least 50% mawawala at least yun bearable na ang pain.

Good luck sis...have a safe delivery
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: Mommy Iris on August 03, 2010, 11:28:08 am
I don't mean to scare you sis pero eto yung naramdaman ko when I gave birth: (to the highest of the ff pains)

- dysmennorhea
- stomach pains
- ulcer
- balisawsaw

pagsamasamahin lahat yan  ;)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: -mm- on August 03, 2010, 11:41:19 am
ako din, I will describe it as a 10x dysmenorrhea... the interval gets closer and closer hanggang maya maya lalabas na pala sya.. ang feeling para kang napu-poops... bata na pala yun.. once lumabas na wow heaven talaga...emotionally and physically :D
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: insensitive on August 03, 2010, 01:01:06 pm
oO sis..matinding dysmenorrhea nga ang sakit..sken, 36hours ako naglabor walang tulugan kasi interval ang sakit at grabe talaga ang experience na yun. na CS pa ako.,hayz.
kaya mu yan sis,yan din ang takot ko last year kaya nga ako napadpad sa SP hehe.
isipin mu na lang lahat ng nanay dumadaan sa ganyan.nakaya nila,namin,.ikaw din kaya mu yan.. :)
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: xena on August 03, 2010, 01:50:32 pm
sis sa tingin ko nga nagla-labor ka na, pro obserbahan mo pa din... sa ken nga kala ko sakit sa puson lang eh, d ko pa pansin hanggang sa nilabasan n ko ng blood naku halos nataranta ako at hindi ko alam ggwin ko palibhasa kasi first time mom.. tpos hndi pa ko nagpunta ng OB kinabukasan kasi wala OB ko the other day pa ko nakapunta... bsta sis, wag kang kabahan at dapat relaks k lang pra hndi ka ma-stress..
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: shadraniaj on August 03, 2010, 01:57:04 pm
sis, naninigas na ba tyan mo? pag walang patid na yang sakit sa puson mo e pumunta ka na sa hospital. God bless!
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: Lunggay Mercado on August 03, 2010, 02:27:37 pm
ask ko lang sis 34 weeks na ako ngayon, tas napraning ako kanina una naramdaman ko parang maiihi ako ng bglaan, tas nglead sa parang magdedysmenorrhea the humilad ng bonggang bongga ngayon ko lang naramdaman tas bgla me napopo, natakot ako kasi sobrang tagal ng hilab feeling ko manganganak ako eh wala naman akong kinain na kakaiba para humilad at magpopoo ako ng ganun. sign na ba iyon? or sign lang na masama tiyan ko?lol
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: wendystar on August 03, 2010, 02:37:48 pm
it's indescribable sis.
hindi ko alam kung san yung masakit - balakang ba, puson, tyan,  :o, nakakaloka.  :o
hindi mapipigilan yung sigaw at iyak sa sobrang sakit  :-\

pero after that, ok na, lalo na when you see the baby.  ;)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: leilatoto on August 03, 2010, 02:41:36 pm
mommy mixx, labor pains is masakit sa tyan mo hanggang sa likod, tipong di mo alam kung ano pwesto gagawin mo dahil kahit ano gawin mo masakit talaga..and with short interval of around mga 10-7-5-3 minutes lang. pero dont worry, kaya mo yan!go girl..good luck..have a safe delivery
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: geej on August 03, 2010, 06:32:50 pm
yup its like dysmenorhea in a super sakit feeling. hehe.  :(

mawawala tapos in 5mins andyan naman. parang hindi mo alam kung paano ka uupo, or hihiga.
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: mich_tatsdwayne on August 03, 2010, 06:56:26 pm
OMG! To the highest level pala talaga pain during labor. Di ko kasi naranasan 'yan nung nanganak ako.

Due date ko dapat April 6, 2008. Wala akong naramdaman na kahit anong pain a week before that. Then April 2 last check-up ko sa OB. I had an ultrasound & dun nalaman na naka-transverse lie baby ko. I was scheduled for CS the following day, April 3, kasi pag hinintay pa daw na mag-labor ako delikado na. 
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: Nuna on August 03, 2010, 11:01:28 pm
ay sis, pag yun na talaga, you'll know. kasi wala syang kasing sakit! and yes, para syang severe case of dysmenorrhea.. to the nth power! meron sya interval na habang tumatagal, habang mas sumasakit mas umiikli yung interval nung hilab.

Super sakit na halos balian ko asawa ko sa kakapilipit at kakakurot sa kanya. Pero kayang kaya mo yan sis!  :)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: mumchelle on August 03, 2010, 11:17:50 pm
sa akin mga sis, yung naramdaman ko when I was in labor.. ay parang na poopoo- poo. hehe ;D at parang umiikot na paningin ko sa sakit. mas naramdaman ko yung labor sa youngest ko. sa bahay kasi pumutok na kaagad water bag ko. kaya ayun halos derederecho na ang sakit. kaya nanganak ako in less than one hour.  ;)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: mama_kate on August 04, 2010, 01:27:55 pm
feels like the worst case of severe diarrhea: the need to go to the cr immediately pero wala available n cr and it's so painful na.
Title: Were there any signs telling you that you're going to be in labor soon?
Post by: mixx on August 05, 2010, 08:38:07 pm
May mga signs ba na nangyare sainyo na nagindicate na naglalabor na kayo? Right now kasi super sumasakit na yung likod ko, i'm 35 weeks going 36 and im starting to worry kasi baka nagppremature labor na ako. i can't really tell. Are nesting instincts true also pala?
Title: Re: help. Is labor around the corner?
Post by: yhamslove« on August 05, 2010, 09:01:11 pm
Siguro "lightening" palang yan sis mix. Part of labor pero that doesn't mean na mamaya eh manganganak ka na. This stage merely prepares your body for baby's delivery. Lightening usually occurs several weeks prior to your first delivery.

In my case, hindi ko sure kung "lightening" nga yung nararamdaman ko at that time kase 2 weeks before i gave birth pumapasok pa ako sa office, laging malayo nilalakad ko so akala ko dala lang yun ng pagod.

Ang totoong indication na manganganak ka na eh yung bloody show or yung sa iba breaking of the water bag... yung akala mo nawiwi ka ng di ka naman talaga nawiwiwi. Ako kase madaling araw may dugo na (parang mahigit 1 teaspoon lang naman) kaya alam ko either that day or the following day, manganganak na ako.

Check this link sis, baka makatulong. ito yung isa sa mga websites (aside from babycenter of course) na chine-check ko rin dati.

eMedinceHealth
http://www.emedicinehealth.com/labor_signs/page3_em.htm

Title: Re: help. Is labor around the corner?
Post by: mommy_of_2 on August 06, 2010, 07:28:52 am
Yup, I agree with mommy yhamslove. Ako din kasi bloody show ang lumabas (konti lang din), sabi nila mas masakit daw ang labor kapag ka dugo ang nauna, in my case I didn't know how to compare it kasi with my 2 pregnancies parehong blood ang nauna sa akin. Malapit lapit na rin siguro yun sis, hintay hintay ka lang, mkhang excited kana talaga eh.. :) Anyway, goodluck and have a safe delivery! balitaan mo kami ha..
Title: Re: help. Is labor around the corner?
Post by: Mommy France on August 06, 2010, 07:42:28 am
Swerte pa pala ako nun. Check up ko sa OB ko nung nag-start yung contractions ko. Kaya sure ako na manganganak na ako.

Tama si yhamslove. Pag bumaba na yung tyan mo, that's the start na maging vigilant ka na sa bloody show. MInsan nga brown lang yan hindi talaga red blood tint.
Title: Re: help. Is labor around the corner?
Post by: xena on August 06, 2010, 12:27:08 pm
hi sis mixxotrophic, tama si yhamslove, normal lang yan sa malapit na manganak.. In my case din bloody show din yung unang lumabas sa ken at talaga palang totoo n masakit kpag blood ang naunang lumabas... hindi pa nga ko agad nagpunta ng OB kasi that time wala OB ko, kaya the following day pa ako nkapunta sa kanya pro that time tubig n yung lumalabas sa ken... kaya hindi na ko pinalabas ng OB ko nun diretso labor room na.. wag k msyadong magworry sis, hintay hintay k lang ska wag kang kakabahan ha, relaks ka lang ..  :)
Title: Re: Strong pressure sa puson?
Post by: dizon on August 06, 2010, 10:50:20 pm
hi everyone. im on my 9th month by next week and i was wondering if having this really strong and uncomfortable pressure is an indication of labor soon? Kasi mine is getting painful. It's like she's gonna pop anytime. May i know any signs you've had before undergoing labor with your children? Thanks everyone. :( I'm super nervous now.

akuh naman sis 35 wks na...and sumasakit nrin yung chan kuh..panay constract nrin niya...un bang maya-maya naninigas chan mo...minsan masakit mnsan naman alang sakit..mnsan parang naiihi k lang ng hindi mo mawari....sign nrin puh ba to ng labor...?salamat poh
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: danna04 on August 11, 2010, 02:32:33 pm
wow ganun pala feeling.. i think kaya ko yan.. (i hope) since every month ako ngkaka dysmenorrhea since i had my period :) i cannot wait!! wanna see baby na! :) good luck mommies!:)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: yhamslove« on August 11, 2010, 03:11:03 pm
^sis danna04:

kaya mo yan! that's the spirit! tumingin ka sa paligig mo, daming Nanay di ba? Yung iba ang dami pang anak... pero yun at yun din ang sasabihin nila sa iyo: KAYA MO YAN!

God bless you sis and may you have a safe delivery!  ;) :D
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: sohset on August 11, 2010, 03:25:56 pm
sis mixx and sis danna04

kaya niyo nga yan! tama.. be positive.. its for your own sake and for your baby's sake... hehe..

uhmmm.. masakit nga.. kaso nung una, di ko alam kung masakit dahil gusto ko magrelease o masakit kasi lapit na ko manganak..
i tried pa nga na magrelease eh.. hawak ko paglalabasan ni baby habang nagrerelease ng bowel.. haha.. mahirap na, baka sumama kakairi ko.. hahaha...

pero hindi pa din tigil contractions.. kaya naman the next day ( o diba natiis ko pa yung pain non stop pain) nagdecide na kami to go to the hospital..

smile a lot.. kahit masakit na.. ngumungiti pa din ako..
kinakausap ko mga taong nakikita ko.. si hubby panay joke.. may intervals naman ang sakit kaya kahit pano nakakapahinga ka..
yun nga lang, habang tumatagal talaga naman... ang sakit di mo na maintindihan... lalo na pag hinihintay mong ma FULLY dilated ka.. pababa na si baby.. naku.... ewan na feeling iyun.. nakalimutan ko na ngumiti.. hahaha..

basta masakit.. pero pag nakita mo na si baby at narinig mo na iyak niya.. lahat ng pagod tanggal.... super happy!

Goodluck mga soon to be mom!!!
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: tineped on August 11, 2010, 03:31:14 pm
Labor pain starts at the lower back then iikot and concentrate sa tightening and then relaxing ng uterine muscle. Correct, it's like a feeling of wanting to get rid of a bowel but to the nth power ang extent. Bonggang bonggang ganun na feeling! Mapapahawak ka na lang sa kung saan man ang maaabot mo na kaya mo pigain. I will never forget that feeling. Masakit pero masarap. Swerte ko naranasan ko yun. :)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: Mlabable on August 11, 2010, 10:15:20 pm
Nako mga mommies ganyan din ang fear ko.. I'm on my way to 38th week na, worried ako kung pano ko malalaman na nag-lalabor na ko.. Kayo po ba a week before kayo manganak may nararamdaman na kayong kakaiba? Nararamdaman niyo ba nako malapit na ata ako manganak.. Kasi ako ngayon parang di ko pa masyado ramdam, madalas lang manigas yung tummy ko at parang may pumipitik sa fem area ko.. Sa palagay niyo mga mommies malapit na? August 26 kasi due ko, sabi ng OB ko dapat daw before due date ko manganak na ko kasi premature yung placenta ko.. Binigyan niya ko ng Eveprim para daw magsoften yung cervix ko, para madali ako maglabor then this Saturday niya ko IE.. Kung kailan malapit na ko manganak ang dami kong worries.. Sana manganak na ko, medyo naiinip na kasi ako and at the same time gusto ko na talaga makita baby ko..
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: AKA on August 11, 2010, 10:52:37 pm
feels like the worst case of severe diarrhea: the need to go to the cr immediately pero wala available n cr and it's so painful na.

this is true! naalala ko tuloy yung labor ko.. para daw akong si emily rose,sinasapian.. hehe
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: soleil_ilove on August 11, 2010, 11:36:55 pm
Yup its like having dysmennorhea at first then habang tumatagal parang ini-squeeze ng bongga yung tummy mo,hehe.True,hindi mo alam kung san ang masakit.Talagang mapapakapit ka,sa first birth medyo longer hours ang labor pero nung second baby ko na shorter pain na and nagpapa-epidural na ako para ma-lessen yung pain kase super sakit talaga.
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: momi_chesca kikay on August 12, 2010, 12:55:30 am
Sbi nga rin ng mom ko sobrang hirap/sakit daw pag nalalabor na. medyo scared na tuloy ako kasi mhina tolerance ko sa pain. Dysmennorhea palang umiiyak na ako. I`m a first time mom kaya kabado talaga ako. At the same time excited na rin to see my dear little angel.  :) mnsan nga iniicp ko mgp CS nalang at least unconscious ako while giving birth pero sbi nga nila mas ok daw pag normal delivery. Anyways, basta mging maging healthy c baby, titiisin ko lhat... :) Can`t wait for my 4d ds weekend!  :D
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: kidsrepublik on August 12, 2010, 09:11:51 am
ako naman, super sakit at first sa likod ng balakang, then imiikot sa puson pababa ng hita. grabe... natiis ko siya hanggang 6cm ako bago malagyan ng pampahilab. naaalala ko pa, ako lang ang sigaw ng sigaw sa labor room. yun pla ako ang pinakamabilis na nagllabor, after 6 hrs lumabas na ren si baby. Thank God! :)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: sohset on August 12, 2010, 10:22:20 am
momi_chesca kikay

naku sis, kaya mo yan! tama yun.. tiisin mo for your baby..
lagi mo isipin si baby...
ako kasi kabado din (first time mom) inisip ko na lang na pag natakot ako, baka mapano pa si baby..
onting sacrifice lang naman yan sis.. after nung labor, sarap buhay na kasi nandyan na si baby..

goodluck sis.. kaya mo yan!
daming first time mom dito sa sp na nakayanan, so dapat kaw din kaya mo yan! hehe..
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: justine2007 on August 12, 2010, 10:57:08 am
sa first baby ko naranasan ko yang pagle labor masakit pero tolerable naman naiinis nga sa akin yung OB kc hindi raw ako marunong umire sbi ko nga s sarili ko first time ai hehe induce ako kc nag dry labor ako after 9 to 10 hours ska lang ako nanganak... dun s 2nd baby ko CS ako dahil overdue na wala akong nararamdamang kahit ano kaya yung OB ko pina ultrasound ako saka may ginawa sa tummy ko na parang ginigising nila yung baby may nilagay na parang binder tas parang mina massage ang tummy ko pero still ala pa ring pre labor kaya un CS tamad daw baby ko kaya ganun hehe...
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: rain0508 on August 12, 2010, 12:43:45 pm
Sbi nga rin ng mom ko sobrang hirap/sakit daw pag nalalabor na. medyo scared na tuloy ako kasi mhina tolerance ko sa pain. Dysmennorhea palang umiiyak na ako. I`m a first time mom kaya kabado talaga ako. At the same time excited na rin to see my dear little angel.  :) mnsan nga iniicp ko mgp CS nalang at least unconscious ako while giving birth pero sbi nga nila mas ok daw pag normal delivery. Anyways, basta mging maging healthy c baby, titiisin ko lhat... :) Can`t wait for my 4d ds weekend!  :D


pareho pala tayo sis... mababa din pain tolerance ko... pero sineset ko na mind ko as early as now na kaya ko yon... mas excited ako sa paglabas ni baby kaya di ko masyado iniisip ang sakit which i know na masakit talaga...

let just keep our spirits high....
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: iyatedi on August 12, 2010, 01:42:11 pm
parang napu-pu-pu ka na wala ka namang mailabas..ilang beses nga akong nagCR e..hindi mo alam kung aling part ng tiyan ang masakit..paibaiba ka ng position to make yourself comfortable..i didn't know na naglalabor na pala ako that time..so when nagspotting na ako..takbo na kami sa hospital..9cm na ako that time..after an hour..lumabas na si baby..fortunately, i have high tolerance for pain..i can still smile while in labor :)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: rain0508 on August 12, 2010, 02:36:23 pm
fortunately, i have high tolerance for pain..i can still smile while in labor :)

ang swerte mo naman mommy.....  ;D
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: momi_chesca kikay on August 12, 2010, 04:40:47 pm
i agree momcee zette! :D Thanks.... lumalakas loob ko. I`m sure mkkkya ntin yung dday ntin.  :) Kahit mskit kkyanin ko. Priceless naman kc pag nkita mo n yung baby na nasa tummy. I can`t wait na nga eh.... Sana boy...hehe :)

@mom rain0508: Thanks din! kaya natin to, go! go! go! ;D saglit na pain lang naman to 4 sure. Ang important is makaraos n and mapalaki c baby ng healthy at maayos.  :)

mom iyatedi: ang swerte naman, sana pag naglabor din ako ganyan ako kcool, nkksmile p for the video shoot para s baby documentary  s 1st born q.. :)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: sohset on August 12, 2010, 06:16:37 pm
sana pag naglabor din ako ganyan ako kcool, nkksmile p for the video shoot para s baby documentary  s 1st born q.. :)

ai naku sis.. madali lang magsmile...
specially pag tinutulungan ka ni hubby.. dapat lagi siya magjowk.. kahit korni.. hahaha...
ganyan din kasi kami..
nung kausap ko nga sa fone yung mother-in-law ko, nagtataka siya bat pa daw ako nakakatawa eh masakit na contractions ko..
saka nung una pa lang na nafeel ko na yung contractions... i keep on smiling... pampawala kasi ng nerbyos.. lakad pa ko ng lakad.. tas pag titingin kay hubby iismile ako.. o kaya pag may kumakausap sakin sa labas ng delivery room, smile habang kausap sila.. i enjoy every moment.. every hour.. every second.. kahit na masakit.. kasi excited ako to see my baby.. gusto ko kasi safe siya pag naglalabor.. pero yun nga,.. gaya ng sabi ko, pag hinihintay na mafully dilated ka.. aruy.. nakalimutan ko na ngumiti.. pero atleast relaxed ako.. di ako kabado, normal bp ko.. hehe.. kaya mo yan mommy... saka syempre.. pray lagi.. goodluck ulit.. :)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: mixx on August 12, 2010, 11:16:45 pm
grabe as time goes on for me, super nagiging curious ako sa feeling. babalitaan ko kayo if the same thing goes with my delivery. i do hope like the moms here, makangiti pa ako sa labor ko. I'm soon going to be facing this, im entering my 37th week narin. I wish all the expecting mommies strength din to overcome the labor pains :) i hope more moms would post more kasi malaking tulong to sa mga moms na hindi pa nagkakababy and are just about expecting. :)
Title: Were there any signs telling you that you're going to be in labor soon?
Post by: mixx on August 16, 2010, 10:16:05 pm
Hi mommies. I think this is an interesting topic. So may i ask you ladies, uhm kasi alam kong big help to sa mga First-time-moms like me.. Were there any signs sa sarili niyo that you were going into labor soon? Any physical or emotional changes before going into labor or was it an ordinary day for you that labor was just a surprise? :D

I hope moms na nagkababy na would share their experiences kasi ako, im 37 weeks already and im feeling crampy and masakit na katawan ko. i would like to know sana kung ano yung mga signs (or pwedeng kahit pamahiin lang na pinaniwalaan niyo) and stuff.
Title: Re: Were there any signs telling you that you're going to be in labor soon?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 16, 2010, 10:24:27 pm
sabe nila pag minamanas na katawan esp. mga paa mo sign na daw yun na malapit ka na manganak ,. pero in my case di naman totoo ,. hehe ,. di ako minanas  ,. i didn't any emotional changes naman ang pinakasign ko lang eh yung pumutok panubigan ko ayun lang ,. tapos yung pain maya't maya ,. it was jsut a normal day ( dawn pala) hehe i woke up kala ko nawiwiwi lang ako yun pala yun na sumabog na panubigan ko  ;D
Title: Re: Were there any signs telling you that you're going to be in labor soon?
Post by: liams mom on August 17, 2010, 12:06:16 am
Sis mixxotrophic, lapit na dumating si baby mo! I'm so excited for you! :)

For me naman, pumutok din water bag ko Thursday ng 2am. Pero Monday ng pm, feeling ko start na yung labor ko kasi ang sakit sakit na ng balakang ko, yung parang ngalay na ngalay ka. Nag grocery pa kami nun, ginawa ko, si hubby and mama ko na lang pinag grocery ko, naupo na lang ako sa labas ng cashier kasi hirap na ko maglakad. Tues and Wednesday, lagi ng masakit balakang ko. Kaya I knew na malapit na ko manganak kasi sobrang discomfort na nung nararamdaman ko.

:)
Title: Re: Were there any signs telling you that you're going to be in labor soon?
Post by: Tiger Lily on August 17, 2010, 02:29:29 pm
Same topics merged.
Title: Re: Malapit na ba ako?
Post by: twelvth_goddess on August 22, 2010, 08:09:41 am
I'm on my 33rd week and super sakit lage ng katawan ko particularly my lower back. Sana mag-full term baby ko.
Title: signs na malapit na manganak
Post by: camzy_25 on September 02, 2010, 03:31:57 pm
Hi mga sis.. 38 weeks nako, super inip nako, want to see my baby na.. ano2 ba ang signs na malapit na si baby lumabas? my time na masalkit yung puson ko, yung parang pain ng dysmenorrhea.. pag naglalakad ako, ang bigat ng tyan ko,. lagi din ako nkakafeel ng pain sa right side ng vagina ko, parang naiipit na ugat sa muscles ng vagina ko..  sabi nung iba mataas padaw tummy ko.. ano ano po ba mga signs na malapit na ako manganak.. mas gusto ko sana lumabas si baby before ng due ko, mahirap daw kasi pag over due na.. thnks mga mommies..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: MomiStar on September 02, 2010, 04:39:11 pm
Every week po ba nagpapacheck up ka?

Sabi nila pag di na daw halos magalaw baby mo ganun daw yun.
Sa 1st baby ko kasi kumikirot yung tummy ko pero pasumpong sumpong.
Yung friend ko 38 weeks na rin niya ngayon ayaw pa din bumaba ng tyan niya so lagi syang naglalakad.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: camzy_25 on September 02, 2010, 04:59:46 pm
lagi npo ako nglalakad now.. sa mon p nex chek up ko.. pro super likot parin ni baby e, hehe..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: maiaurmatam on September 02, 2010, 05:02:00 pm
The night before I gave birth, every hour ako nagigising due to momentary pain (I suppose that's contraction) and pumupunta ako ng washroom to pee. I was both worried and excited kaya I'm monitoring the intervals. Pero hourly pa nga lang yung contraction, matagal pa masyado yung interval. That morning I was due for checkup, when my OB performed IE on me, manganganak na raw ako that day! I was admitted 10am and gave birth 4:45pm. Hindi naman masakit ang labor. The day before I had a few spotting, I texted OB if I needed to go to ER na, sabi niya tom na lang since I have check up na rin. I was over 39 weeks when I gave birth.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: kyutipie on September 04, 2010, 01:44:18 am
sabi saken ng OB ko nun 3 things you need to look out for:

1. spotting
2. cramps / contractions
3. water bag breaking

saken nag spotting ako tapos the next day nanganak na ko, via CS nga lang kasi pumulupot 3x yun cord ni baby eh
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mommy_of_2 on September 06, 2010, 05:06:37 am
I had bloody show before I gave birth, yun palagi ang nauuna sa akin, as in no pain whatsoever pero the stain was the first one to appear, ganun din nangyari sa 2nd ko after the bloodstain on my undies dun na nagsimula akong makaramdam ng labor pains. I guess depends din sa every person yan kasi yung iba naman they're water bag broke first so just be on the lookout for signs na lang na pwede mong maramdaman, and siyempre if you're near your EDD naman you would be aware na anytime pwede kana din mag give birth.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raxstar on September 06, 2010, 10:41:58 am
mga mommies,

help naman po, pagkagising ko my discharge ako, pang 39th week ko na po, sabi mama ko baka water bag ko daw, tapos may tumutulo na white medyo onte lang po.pero wala akong nararamdaman na sakit.ano po kaya ito
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mummienina on September 06, 2010, 11:05:49 am
mga mommies,

help naman po, pagkagising ko my discharge ako, pang 39th week ko na po, sabi mama ko baka water bag ko daw, tapos may tumutulo na white medyo onte lang po.pero wala akong nararamdaman na sakit.ano po kaya ito

may dugo ba yung discharge mo? Paglapit na maglabor, magkakaroon ng discharge na bloody but hindi dapat kasing lakas ng period. This means lumalambot na cervix mo. Minsan me mapapansin ka rin na parang white blood discharge.. Sticky na creamy. Ito yung mucus plug that's covering the cervix. Minsan me kasama streaks of blood. This means your cervix is opening. But both these signs di pa urgent signs of labor. Just observe and wait for labor pains.

Pag water bag breaking parang wiwi sya na di tumitigil ng labas kahit ganu mo pigil. Pag nangyari to, go to hospital na para macheck agad si baby and ikaw.

yung labor pains feel like period cramps either sa lower back or sa lower abs then spreading throughout the tummy. From mahina na aching to malakas then hihina,mawawala. Paulit-ulit to. Tapos palapit ng palapit yung intervals.

Itime mo yung sakit. Kung magkakalayo pa and less than 1 min yung tagal ng sakit, no need to panic.pwede ka pa magmall or stay home, ilakad-lakad muna para bababa si baby. Pag magkalapit na about 5min apart and 1 min long yung sakit for 1 hour, punta ka na hospital. Or observe mo yung sakit  ay 10 or more in 1 hour, punta ka na hospital.

God bless mommy! Have a safe delivery!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: twelvth_goddess on September 09, 2010, 09:59:59 pm
I'm on my 36th week na and napansin ko na lageng magalaw baby girl ko lately. Parang medyo bumaba na din sya kase hinde na kasing hirap huminga kagay nung mga nakaraang weeks at the same time hinde na niya masyadong natatamaan yung ribs ko except pag nakaupo ako or naka-hunch.

May mga movements sya na nafi-feel ko below the pusod area na before naman wala ko nafi-feel. Eto ba yung part na sinasabe nila na naghahanap na ng pwesto si baby?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: honey-ecclaire on September 09, 2010, 10:30:31 pm
oo sis,it's the feeling na parang nasa puson mo lang si baby...naghahawan na daw sya ng madadaanan...

my baby was two to three days na tahimik,konting movement lang sya before I gave birth..pero nung previous week super likot niya...

signs they are different from others naman talaga eh..kaya don't compare or expect things mush base sa experience ng iba may mga signs kase na mararanasan mo like the other mommies meron namang wala..better to observe yourself and movement ni baby.....

Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: twelvth_goddess on September 10, 2010, 02:21:24 am
^grabe nakaka excite to know and feel na malapit ko na makita baby ko :)
Title: Re: Can you describe how a LABOR feels like?
Post by: Majierel on September 24, 2010, 06:36:54 pm
ask ko lang sis 34 weeks na ako ngayon, tas napraning ako kanina una naramdaman ko parang maiihi ako ng bglaan, tas nglead sa parang magdedysmenorrhea the humilad ng bonggang bongga ngayon ko lang naramdaman tas bgla me napopo, natakot ako kasi sobrang tagal ng hilab feeling ko manganganak ako eh wala naman akong kinain na kakaiba para humilad at magpopoo ako ng ganun. sign na ba iyon? or sign lang na masama tiyan ko?lol

tingin ko sis masama lang yung tyan mo , i mean baka may nakain ka na hindi mo gusto kaya humilab sya, ngyari sa akin yan nung kumain ako ng chicken curry grabe talaga tapos nagpahid ako ng nutmeg oil buti nawala super suka pa nga ako nun eh, pero hindi pala labor yun .
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Majierel on September 24, 2010, 06:56:11 pm
hay salamat at natapos ko na mabasa ang thread na ito, super nakatulong sa akin kasi medyo nagworry ako kanina, di gumagalaw si baby after ko kumain , medyo tahimik lang sya, so yun pala yun medyo naghahawan sya ng madadaan.39 weeks na ako ngayon eh, due date ko is Sept 29, nagsms ako sa Ob ko sabi niya pag pumasok daw sa pelvic ang baby ganun talaga onting movement na lang,uminom ako ng onting pepsi kahit bawal para lang macheck ko if magreac si baby, ngayon gumagalaw na sya ng bongga pero feel ko malapit na sya eto yung nararamadaman ko now. please let me know if malapit na ba kasi medyo inip na ako pero patiently waiting naman hehhee

after ko maie last wed spotting na ako until now.... onti onti lang naman
since tuesday sakit sakit na ng lower tummy ko nangangalay na rin ako , hirap bumangon pag nakahiga
ngayon parang may puimipitik pitik sa fem area ko right side at yung singit ko din masakit
Medyo malakas ata tolerance ko sa pain, so worried ako baka naglalabor na ako
pero wala namang water break or major contractions kaya waiting pa rin ako....
Ilang minuto ba dapat maglakad dauily ? ako kasi mga 30-40 minutes gawin ko bang 1 hr? last wed 2cm na ako, malambot daw yung cervix ko at nakapuweso na si baby, so sana manormal ako
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on October 12, 2010, 08:45:00 pm

@majierel: sis how was it? When ka nanganak? Balitaan mu kami sis ha..

Sana di ako magpanic pag start na ng labor ko.. Wala din ako ideas eh, dito lang ako nakakakuha ng ideas about labor.. :) @31wks 4days ako now,madalas na sya tumigas and masakit din minsan so kinakabahan din ako,takot ako na magpremature labor.. Praning na ata ako kakaisip.. :))
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pinoytamil on October 12, 2010, 10:31:41 pm
salamat sa topic na to' 39 weeks 2 days na ko as of today ito 
ang nararamdaman ko naman si baby ko lagi sumisipa sa kanang tagiliran ko...., tsaka sa may sikmura tapos ang pagsipa niya parang feeling ko holen na umiikot sa loob ng tyan ko ang sakit huh'
tsaka medyo parang alimango na ko maglakad medyo patagilid kasi masakit sa singit tapos yung feeling na pagnaglakad ako ng konti parang naiihi na ko or parang may mahuhulog mula sa pwerta ko normal ba to mga sis?
ganito din ba kayo?
yung discharge ko parang medyo yellowish naman :'(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chiena19 on October 12, 2010, 10:35:22 pm
Hello mga sis!

Usually ba gano kabilis ang progress ng dilation (tama ba yung term ko :)) ng cervix, example nung IE sabi 1cm na daw. pano magprogress yun?
I'm not feeling any labor pains pa kasi pero sabi ni ob 1cm na daw open ang cervix ko.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on October 14, 2010, 07:40:11 am

@pinoytamil: sis! When due mu? Malapit ka na pala manganak! Anytime pwede ka na maglabor ano? Wow,malapit mu na makita si baby! Goodluck sis and God Bless you and your baby! :) Kwento ka ha,kung anong feeling.. Hehe..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mummienina on October 14, 2010, 08:55:12 am
mommy chiena19, once na naglalabor ka na, the rule of thumb is 1cm per hour. dun madedetermine ng hospital or doctor kung slow labor ba or fast labor. pag lilipas yung ilang hours (i think 24 hours or 20 hours ba or less if the baby is showing signs of distress) na hindi nagpoprogress yung dilation and labor mo, your doctor might talk you into CS. this is the case pag naglalabor ka na ha.

pero now na hindi ka pa naglalabor, matagal pa. no one can say. minsan bigla nalang malaman mo na 4cm na or something.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pinoytamil on October 14, 2010, 10:18:51 am
@pinoytamil: sis! When due mu? Malapit ka na pala manganak! Anytime pwede ka na maglabor ano? Wow,malapit mu na makita si baby! Goodluck sis and God Bless you and your baby!  Kwento ka ha,kung anong feeling.. Hehe

hi sis oo lapit na ko...
pero galing ako sa ob ko kahapon tapos iniinsert niya yung finger niya to check daw if malapit na ko manganak sabi niya mga 1 week pa daw kasi malayo pa daw si baby ni hindi pa daw niya nakakapa ang ulo....medyo kabado ako manganak pagnaiisip ko sis kinakapos ako ng hininga dios mio ginoo!!!!!!!!!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: missoni on October 14, 2010, 01:12:50 pm
@pinoytamil

nung tuesday yan din sabi ng OB sakin, malayo pa daw si baby. mataas pa daw yung ulo. pero kaninang madaling araw nagising ako kasi super tigas ng tummy ko, parang puro pwet ni baby. hehe. hanggang ngayon tumitigas pa rin then after a minute lalambot na. hindi naman masyado masakit. napansin ko lang mas masakit yung likod ko kapag tumitigas yung tyan ko.nakakapraning. baka magpacheck up ulit ako sa OB later.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pinoytamil on October 14, 2010, 06:33:36 pm
@ acvs sis kamusta ka na?
nagpunta ka ba sa ob mo kanina? ako kasi pinapabalik ako ni ob ko bukas...
sis kinikilabutan talaga ako isipin ko pa lang na manganganak ako ooh gosh!!!! sana nandito ka na lang to wer i am para  sabay na lang tayo manganak para hindi ako matakot hehe naghanap ng kadamay eeh noh!

si baby ko masyado malikot kanina nasa kanang bahagi sya ng tummy ko as in yung galaw niya parang bumahing sya twice na nangyari and da rest ng paggalaw niya ang sakit sakit na....
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: missoni on October 14, 2010, 10:47:52 pm
^wala yung Ob, sis, may pinapaanak. sana next time ako na yung reason ng pagcancel niya ng check ups! ;D

ayun, sis, parang bato pa rin si baby sa tummy ko. galaw ng galaw. tsaka feeling ko may LBM ako. :( tomorrow morning magpapacheck up na talaga ako. hahanapin ko si OB kahit san sya mag rounds! :P
Yung hubby ko parang mahihimatay lagi yung itsura pag nakikita niya kong lakad ng lakad around the house.

actually naghahanap din ako ng kadamay!haha. sana nga sabay tayo! pero gusto ko soon na!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pinoytamil on October 15, 2010, 09:56:07 am
Yung hubby ko parang mahihimatay lagi yung itsura pag nakikita niya kong lakad ng lakad around the house.

hahaha ako din si partner eeh ganyan naiisp ko tuloy ang mga lalaki pala kahit medyo mga parang ang titigas when it comes sa pain tsaka kapag parang ang partner nila eeh hirap na hirap na lumalambot sila to da highest level hahaha

sis may check up din ako ulit today pero tumawag na ko sa ob ko at sabi nung sec niya nagcCS na naman daw doc. q haayst kasi daw 8 pa daw yung due nung cNe CS today eeh gang today daw eeh talagang ala pa ding development kaya ayun cS na sya...
tapos sis may lumabas sakin na maputi na parang discharge naman sya ano kaya yun? may ganun kana din ba?

sana next time ako na yung reason ng pagcancel niya ng check ups!
ito din wish ko hahaha
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mummienina on October 15, 2010, 10:27:14 am
you'll get there mommies. nasa point na kayo na tired of being pregnant hehe.. nung ako nasa point na un, i agreed na to induction. buti si baby nagdecide na rin lumabas. i had labor before i was able to call my OB to sched induction.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: missoni on October 15, 2010, 12:32:28 pm
sis may lumabas sakin na maputi na parang discharge naman sya ano kaya yun? may ganun kana din ba?

meron sis, pero baka yung normal nadischarge lang sya. lagi ko na nga chnecheck yung undies ko eh, baka sakaling mag iba ng color yung discharge.

super atat na tayong manganak! ;D kaya siguro ayaw lumabas ni baby.  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: momdynz on October 20, 2010, 12:07:03 am
hello mga sis  :)

Going 37 weeks na ako and aiming sana ako for normal delivery since according to my OB ok yung size ng sipitsipitan (cervix) ko and kaya sya ng normal. ask ko lang if totoo ba na pag normal delivery at umire dapat walang sounds? para mas mabilis paglabas ni baby? TIA  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pinoytamil on October 20, 2010, 07:55:55 am
haaayst!
41weeks na ako today :-\
mukhang mauunahan pa ko nila mommy ness at  acvs
wala pa ding kasign sign na malapit na ko manganak
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mummienina on October 20, 2010, 08:11:59 am
hello mga sis  :)

Going 37 weeks na ako and aiming sana ako for normal delivery since according to my OB ok yung size ng sipitsipitan (cervix) ko and kaya sya ng normal. ask ko lang if totoo ba na pag normal delivery at umire dapat walang sounds? para mas mabilis paglabas ni baby? TIA  ;)

mommy, yung midwife ko nung nanganak ako, pinatikum yung bibig ko and wag sisigaw daw. Kasi pag sisigaw or iiyak, yung lakas mo or energy mo, napupunta sa pagsigaw or pag-iyak.dapat focus sa pag-ire.dapat hinga malalim, Tingin sa tyan, tuck your chin to your chest, tikum bibig then push while holding breath for 8-10counts.then pahinga, then push again. yung mga midwife or doctor will tell you panu yung timing, dapat sabay sa contractions kasi this will help push the baby out.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: momdynz on October 20, 2010, 10:07:02 am
thanks sis yummie mummie  ;)

very helpful sinabi mo! sabi nga daw dapat walang sounds yung pag ire at concentrate dapat.

@sis pinoytamil - naku pag inabot ka ng 42 weeks which is the maximum and wala pa signs of labor ibig sabihin baka ma CS ka nyan. mukhang napasarap si baby sa tiyan mo at ayaw pa lumabas  :D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pinoytamil on October 20, 2010, 02:34:54 pm
signs na malapit na manganak

ang masasabi ko lang kapag binabaak na ako ayun na yun huhuhu


mga sis for CS na ako tom morning kaya buh bye na muna for admission na ako ngayung 4 pm

naku pag inabot ka ng 42 weeks which is the maximum and wala pa signs of labor ibig sabihin baka ma CS ka nyan. mukhang napasarap si baby sa tiyan mo at ayaw pa lumabas
sis nagkatotoo na CS ako waaaa huhuhuhuhuhu
gusto ko maglupagi na parang bata as in yung nagwawala,pagulong-gulong habang umiiyak ayoko ma CS huhuhuhuhuhuhuhuhuhu sira ang byuti ng tyan ko ang saklap saklap na pangyayari nito huhuhuhu
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mummienina on October 20, 2010, 02:41:01 pm
^walang option for induction mommy?



Mod's Note:

When replying to the post above yours, you can use caret "^" . It's okay if you don't quote everything. More about quoting here (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=19944.0). (Please read)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: MommyJammy on October 20, 2010, 03:05:48 pm
hello mga sis  :)

Going 37 weeks na ako and aiming sana ako for normal delivery since according to my OB ok yung size ng sipitsipitan (cervix) ko and kaya sya ng normal. ask ko lang if totoo ba na pag normal delivery at umire dapat walang sounds? para mas mabilis paglabas ni baby? TIA  ;)

mommy, yung midwife ko nung nanganak ako, pinatikum yung bibig ko and wag sisigaw daw. Kasi pag sisigaw or iiyak, yung lakas mo or energy mo, napupunta sa pagsigaw or pag-iyak.dapat focus sa pag-ire.dapat hinga malalim, Tingin sa tyan, tuck your chin to your chest, tikum bibig then push while holding breath for 8-10counts.then pahinga, then push again. yung mga midwife or doctor will tell you panu yung timing, dapat sabay sa contractions kasi this will help push the baby out.

Thank you yummy mummie for this tip.  ;D baka kasi kapag nanganganak nako bonggang bonggang sigawan at pag iinarte hahaha. baka lalong di lumabas si baby. dapat pala isasabay sa contractions.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: nanaylovesbaby on October 20, 2010, 03:20:08 pm

mommy, yung midwife ko nung nanganak ako, pinatikum yung bibig ko and wag sisigaw daw. Kasi pag sisigaw or iiyak, yung lakas mo or energy mo, napupunta sa pagsigaw or pag-iyak.dapat focus sa pag-ire.dapat hinga malalim, Tingin sa tyan, tuck your chin to your chest, tikum bibig then push while holding breath for 8-10counts.then pahinga, then push again. yung mga midwife or doctor will tell you panu yung timing, dapat sabay sa contractions kasi this will help push the baby out.

Hi mommy!
Thanks po sa tip. Lapit na rin ako manganak eh. Aiming high for normal delivery kasi sobrang tight ng budget namin ni hubby. Maganda yun tip mo since you already experienced giving birth firsthand kaya may tiwala ako sa yo. Good luck sa pregnancy mo mommy at God bless po lagi! :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: momdynz on October 20, 2010, 03:54:28 pm
sis yummie mummie ganyan kasi nangyari sa friend ko nun di rin lumabas si baby niya till 42 weeks kaya ayun na CS sya  :D
kaya kahit ayaw niya ng CS eh no choice na sya. goodluck sayo have a safe delivery!  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on October 20, 2010, 07:12:21 pm

@pinoytamil: sis goodluck ha! God bless sa inyo ni baby! :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: missoni on October 27, 2010, 11:45:52 pm
gave birth last oct 20, NSD at marikina valley hospital. ang motivation ng pedia/coach: "pag di ka umire ng maayos mahal sisingilin namin sayo!"  :P
ayun nailabas naman kahit 8.3 lbs si baby. knocked out nga lang ng sobra.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: momdynz on October 27, 2010, 11:58:45 pm
wow galing mo naman sis acvs  :) kahit laki ng baby mo nakaya mo NSD! congrats! sana ako rin NSD waiting na rin ako na manganak pero according sa check up ko kanina eh close pa cervix ko. sana by next week eh manganak na ako!  :D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on October 28, 2010, 08:20:47 am

@acvs: wow! Congrats sis! Laki ng baby mu! :)

@momdynz: buti ka pa sis malapit ka na din,medyo tagal pa wait ko,dec pa. Hay. Nakakainip din pala magbuntis. :) goodluck sis! God bless sa inyo ni baby! :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on October 28, 2010, 08:25:24 am

@acvs: wow! Congrats sis! Laki ng baby mu! :)

@momdynz: buti ka pa sis malapit ka na din,medyo tagal pa wait ko,dec pa. Hay. Nakakainip din pala magbuntis. :) goodluck sis! God bless sa inyo ni baby! :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: momdynz on October 28, 2010, 12:09:52 pm
thanks sis abbejay  ;)
sa dec. ka pa pala di bale sis enjoy mo muna time habang nasa loob pa si baby kasi sabi ng mga sis na nanganak na eh ma miss din daw natin pagalaw ni baby sa loob ng tiyan natin. ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: rhys' mom on October 28, 2010, 01:00:41 pm
gave birth last oct 20, NSD at marikina valley hospital. ang motivation ng pedia/coach: "pag di ka umire ng maayos mahal sisingilin namin sayo!"  :P
ayun nailabas naman kahit 8.3 lbs si baby. knocked out nga lang ng sobra.

hi sis acvs, congrats! may i ask how much nagastos mo? sa marikina valley din ako manganganak this nov. pashare naman po ng experience mo sa hospital. TIA!  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: hayne22 on October 28, 2010, 02:08:59 pm
thanks sa mga tips nyo mga mommies ha!

1cm na ako..nakapa na din ni ob yung ulo ni baby..ika 36w4d ko na ngayon..balik ako sa kanya next week to check kung may progress na si baby..ayoko pa talaga manganak..hindi pa tapos yung mga dapat gawin dito sa house e..kaya sabe ko kay baby wag muna hehe
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: j_anmom on October 28, 2010, 03:39:51 pm
Hello...

Ako din pwede na ako manganak anytime... im on my 39th week na sa sat.. last sat 1 cm na daw ako sabi ni dra.. may mild at isang strong contractions daw ako at that time based sa NSCT results ko... pero di ko naramdaman un.. this week hoping ako na ngprogress na... atat na ako manganak...
pano ko ba malalamn na mangangak na ako? ng woworry ako pano kung di ko maramdaman? kelan ba ako pupunta sa hospital if ever di pumutok ang water bag ko, or if ever di msakit contractions ko? Thanks!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Mlabable on October 28, 2010, 11:25:43 pm
@mommy j_anmom:
 
With me kasi ang naramdaman ko a week before ako manganak parang may dysmenorrhea. Medyo masakit na yung lower back ko saka puson..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ingrid on October 29, 2010, 09:57:05 pm
hi mga mommies im on my 37th week na and 1 cm na daw ako sabi ng OB q,ask ko lang mga mommies kadalasan ba gano katagal ang pag dilate? last week kasi ng open na yung outer palang ng cervix q tapos kahapon pg IE saken 1cm na daw and nakakapa na ang ulo ni baby,. super inip na kasi ako manganak at hirap na akong kumilos.  :( sana lumabas na si baby, sat and sunday lang kasi off n hubby
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mixx on October 31, 2010, 06:46:58 am
hi mga mommies im on my 37th week na and 1 cm na daw ako sabi ng OB q,ask ko lang mga mommies kadalasan ba gano katagal ang pag dilate? last week kasi ng open na yung outer palang ng cervix q tapos kahapon pg IE saken 1cm na daw and nakakapa na ang ulo ni baby,. super inip na kasi ako manganak at hirap na akong kumilos.  :( sana lumabas na si baby, sat and sunday lang kasi off n hubby
super bagal ko magdilate no. umabot ng 2 weeks. so ang nangyare pinainom ako ng buscopan para lumambot pa cervix ko.
ganyan din sinabi sakin, nakakapa yung ulo ng baby pero hindi pa dilated. keep walking para makatulong. mula nung nag 1 cm ako, hindi na siya tumuloy ng 2cm kasi matigas cervix ko. nung uminom ako ng buscopan (reseta ni ob to ha) , nag dilate ako to 2 cm pero super tigas talaga. nagbreak yung water ko, tapos i did not go to labor on my own kasi super tigas parin. nilagyan ako through IV ng buscopan, it took 21 hours for me to go fully dilated. --- oh diba. gamot na gumagawa matagal parin.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raiza0022 on October 31, 2010, 09:22:45 am
^ ah ganun pla yun sis mixxotrophic buti nbasa ko to.. 37 weeks and 4 days na ko ngayon last check up ko nung exactly 37 weeks ako 1cm na daw pero may sinabi c OB na makunat pa.. d ko alam kung ano yung makunat na yun  :) kala ko naman super lapit na ko manganak as in this week na d pa pla  :( pero halos everyday masakit na puson ko aside from that wala ng ibang signs puro braxton hicks lang  :(.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ingrid on November 01, 2010, 06:21:59 pm
ako naman malambot daw ang cervix ko sabi ng ob ko,cmula nung saturday ng madaling araw sumasakit na ang puson ko at balakang,ngalay na ngalay na nga ako. ganun ka din ba mommy raiza? yung smasakit n yung balakang tapos ngalay na ngalay na?? 37 weeks and 4 days ako ngayon :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raiza0022 on November 02, 2010, 06:33:32 am
ako naman malambot daw ang cervix ko sabi ng ob ko,cmula nung saturday ng madaling araw sumasakit na ang puson ko at balakang,ngalay na ngalay na nga ako. ganun ka din ba mommy raiza? yung smasakit n yung balakang tapos ngalay na ngalay na?? 37 weeks and 4 days ako ngayon :)

oo ganyan na ganyan dn pkiramdam ko... kaya nga parang everyday umaasa ko na manganganak na ko kc last week pa ganyan yung pkiramdam ko.. masakit yung puson, ngalay yung likod ska white discharge... kelan ba EDD mo?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ingrid on November 03, 2010, 11:32:13 am
ako naman malambot daw ang cervix ko sabi ng ob ko,cmula nung saturday ng madaling araw sumasakit na ang puson ko at balakang,ngalay na ngalay na nga ako. ganun ka din ba mommy raiza? yung smasakit n yung balakang tapos ngalay na ngalay na?? 37 weeks and 4 days ako ngayon :)

oo ganyan na ganyan dn pkiramdam ko... kaya nga parang everyday umaasa ko na manganganak na ko kc last week pa ganyan yung pkiramdam ko.. masakit yung puson, ngalay yung likod ska white discharge... kelan ba EDD mo?

Hahaha ako din parang everyday umaasang manganganak nko!  ;D pareho tayo. inip na kasi ako gusto ko na makita si baby. saka ang hirap e,di na ako masyado makakilos ang sakit sa balakang,.

Nov 18 EDD ko. ikaw?  :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raiza0022 on November 04, 2010, 06:49:12 am
@ingrid wala pa dn pnagabago sa mga nararamdman ko.. nkakakilos pa ko ng maayos, knumusta nga ako ng inlaws ko kung hirap na ba ko gumalaw eh sabi ko hindi pa sa totoo lang pag hinabol ako ng aso makakatakbo pa ko  :) kc talagang wala naman super masakit na kakaiba puro normal pains lang gaya last week.. haaayz kelan kaya lalbas baby ntn...

Nov. 16 EDD ko

balitaan mko if nanganak kina, mukang mauuna kpa kc skn eh.

goodluck to us!!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on November 04, 2010, 08:51:54 pm

@raiza0022 and ingrid:
Mga sis! Kakatuwa naman kayo.. :) want nio na talaga makita babies nio ano.. Paunahan kayo manganak.. Hehe! Sana may makausap din ako ganyan pag malapit na due ko.. Compare ng notes.. :) Pampaalis ng stress and parang may company ka na din di ba? Can't wait too, edd's dec.10.. God bless mga sis! :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raiza0022 on November 05, 2010, 06:32:40 am

@raiza0022 and ingrid:
Mga sis! Kakatuwa naman kayo.. :) want nio na talaga makita babies nio ano.. Paunahan kayo manganak.. Hehe! Sana may makausap din ako ganyan pag malapit na due ko.. Compare ng notes.. :) Pampaalis ng stress and parang may company ka na din di ba? Can't wait too, edd's dec.10.. God bless mga sis! :)

kc naman po sobrang nkakainip maghintay lalo na alam mong anytime na puwede na lumabas c baby parang nkaka sabik everyday... hehe  :)

mlapit na dn due mo congrats...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ingrid on November 05, 2010, 10:10:04 pm
kagagaling ko lang sa check up kahapon 1cm pa din ako  :( haaay inip na talaga ko. ang hirap ng maglakad kasi parang may dala dala kong bolang matigas hehe  ;D kinakausap ko na nga si baby na lumabas na hehe,sana maging OK ang delivery natin!! :) balitaan mo din ako mommy raiza kung nanganak ka na ha?! hehe  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: j3ssie on November 06, 2010, 06:38:49 pm
hi mommies 37wks/2d na ko preggy. had my check up kanina sa 2nd OB ko and has some tests. nag IE kami malambot na daw yung cervix ko.

i'll walk talaga more often.cant wait to see my baby.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: hayne22 on November 06, 2010, 09:22:15 pm
good for you sis j3ssie! araw araw walk lang ng walk..heheh
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ~_magic_~ on November 07, 2010, 04:45:11 pm
hi mommies 37wks/2d na ko preggy. had my check up kanina sa 2nd OB ko and has some tests. nag IE kami malambot na daw yung cervix ko.

i'll walk talaga more often.cant wait to see my baby.

Hi sis j3ssie!  malapit na tayong manganak!  Parehas tayo ng EDD diba? Nov. 25  ka din?  Ano ng mga nararamdaman mo ngayon?  Last week kasi nung buong gabi may nararamdaman akong mild contractions na medyo sumasakit yung lower abdomen.  Tapos the next day may contractions pa din pero hindi naman masakit.  Just uncomfortable feeling lang.  Past 2-3 days madalas manigas na yung tiyan ko and may onting dysmenorrhea na nararamdaman.  Sumasakit na din yung likod ko on some movements.  Ganun ka na din ba sis J3ssie?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: j3ssie on November 08, 2010, 11:34:17 am
hi sis magic Ř ganun din pakiramdam ko. Ang bigat na. According to my ob bumaba na at naka position na si baby. Pag ie sakin malambot na daw cervix so anytime soon i can give birth. Kakayanin ko daw ng NSD kasi so far from my last test, adequate ang AFI at sakto ang laki ni baby. Im trying to walk and m0ve all the time.and dumadami na din ang white discharge.Ř
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ~_magic_~ on November 08, 2010, 02:20:00 pm
hi sis magic Ř ganun din pakiramdam ko. Ang bigat na. According to my ob bumaba na at naka position na si baby. Pag ie sakin malambot na daw cervix so anytime soon i can give birth. Kakayanin ko daw ng NSD kasi so far from my last test, adequate ang AFI at sakto ang laki ni baby. Im trying to walk and m0ve all the time.and dumadami na din ang white discharge.Ř

talaga?  parehas pala tayo?  Pero may nararamdaman ka na ba minsan na pain sa lower abdomen mo and lower back?  Atat na akong manganak!  Let me know kung nanganak ka na ha.  Sino kayang mauuna sa atin? hehe!  Handa ka na din ba sa mga hospital bags mo?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aish_teru on November 08, 2010, 02:46:22 pm
im 37 weeks /2 days EDD ko is on Nov.25 d nung pumunta ako sa ob sabi niya closed pa rin cervix ko saka mataas pa si baby pero sbi niya observe ko daw kasi anytime pwede ako manganak pag yung waterbag pumutok or may bloody show. hay! kainip na talaga kc feeling ko bigat ng tummy ko...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ~_magic_~ on November 08, 2010, 06:30:41 pm
im 37 weeks /2 days EDD ko is on Nov.25 d nung pumunta ako sa ob sabi niya closed pa rin cervix ko saka mataas pa si baby pero sbi niya observe ko daw kasi anytime pwede ako manganak pag yung waterbag pumutok or may bloody show. hay! kainip na talaga kc feeling ko bigat ng tummy ko...

Hi sis aish_teru!  Sa November 25 din pala EDD mo. kakatuwa naman, dami nating Nov. 25 ang EDD dito.  May mga nakikita ka na bang signs na malapit ka na?  Naiinip na din ako e.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: yangmei on November 08, 2010, 07:32:59 pm
3 days akong piling ko binabalisawsaw ako.. yan yung signs na manganganak na pla ako... bili ako ng bili ng buko kz feel ko talga binabalisawsaw ako at gabi bago ako manganak super init ng pakiramdam ko at iritable sa pwesto ng pagtulog ko.. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ingrid on November 08, 2010, 10:04:44 pm
Hi mga mommies,38 weeks and 4 days nko today!!
Madami dami pala tayong Due ng Nov! hehe balitaan nyo ko pag nanganak na kayo :) ako this week naghihintay kung lalabas na si baby. super lakad lakad na talaga ako everyday kc madalas ko na maramdaman yung contractions. sabi ni ob malapit na daw to,naexcite nko makita si baby!!  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raiza0022 on November 09, 2010, 06:30:14 am
^ naku, 2 weeks ago ganyan dn cnbi skn ni OB anytime manganganak na... super umasa naman ako, pero until now wala pa dn,, exactly 39 weeks na ko ngayon... ang problema pa, lumalaki na baby ko ayoko na sana dmating yung time na d na kayang i-normal yung delivery ko.. kahit diet na ko talagang lumalaki sya. yung timbang ko d ndadagdagan pero yung tummy ko lumalaki.. ntatakot ako ma-cs pag d pa sya lumabas.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: bev_arch_20 on November 09, 2010, 01:10:09 pm
Hi mommies! bihira ako magpost dito sa SP, but i have been a lurker since i get preggy. Reading post which is actually very helpful sa mga tulad kung 1st time mom. 35W&2D n ako, and my due date is Dec. 12 pa, pero feeling ko malapit na ako manganak...d naman masyado mabigat si baby, but since last week, ive been feeling braxton hicks saka madalas n rin sumakit vagina ko. Kgabi super sakit ng puson ko and madalas mag wiwi, kakaiba n rin yung pain sa lower back ko...malapit n nga ba ako manganak? d pa ako IE ni OB, bka sa next check up pa on my 36 weeks siguro. Excited n rin ako mkita baby ko....: )
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: hayne22 on November 09, 2010, 03:57:49 pm
^ naku, 2 weeks ago ganyan dn cnbi skn ni OB anytime manganganak na... super umasa naman ako, pero until now wala pa dn,, exactly 39 weeks na ko ngayon... ang problema pa, lumalaki na baby ko ayoko na sana dmating yung time na d na kayang i-normal yung delivery ko.. kahit diet na ko talagang lumalaki sya. yung timbang ko d ndadagdagan pero yung tummy ko lumalaki.. ntatakot ako ma-cs pag d pa sya lumabas.


nako sis parehas tayo..kala ko naman anytime pwede na ako manganak..38weeks na ako lage lang akong may contractions pero hindi nag tutuloy sa hehe atat masyado?..sabe ni OB malapit na ako pero gang ngayon waley pa rin si baby! lage lang akong gutom at nag sstart na ako mag manas..sabe ng mom ko mag diet na ako..bute na lang hindi ako tumataba..heheh yung tyan ko hehe.goodluck sa mga nag aantay!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raiza0022 on November 10, 2010, 06:51:49 am
naku buti wala akong manas pero yung tummy ko talagang lumalaki.. kaya nga diet na ko eh kc kahit d ako tumataba, c baby naman yung palaki ng palaki, sbi ng mama ko 3x hirap daw pag d pa ko nanganak until friday kc nga laki na ni baby..

balitaan na lang tayo kung sino mauna manganak :)
today umaasa nanaman ako na lalabas na c baby nkakainip na talaga 39weeks na huhu :(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ~_magic_~ on November 10, 2010, 01:01:06 pm
naku buti wala akong manas pero yung tummy ko talagang lumalaki.. kaya nga diet na ko eh kc kahit d ako tumataba, c baby naman yung palaki ng palaki, sbi ng mama ko 3x hirap daw pag d pa ko nanganak until friday kc nga laki na ni baby..

balitaan na lang tayo kung sino mauna manganak :)
today umaasa nanaman ako na lalabas na c baby nkakainip na talaga 39weeks na huhu :(

Ako din sis raiza.  Natatakot ako baka sobrang lumaki yung baby ko.  37 weeks and 6 days ako as of today.  Gusto ko na syang lumabas kasi parang ang laki na niya based dun sa ultrasound ko last week.  Nasa 6.7lbs estimated weight niya.  Pano pa kaya yung weight niya ngayon?  Kaya I'm still hoping na lumabas na sya within this week.  Good luck satin!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on November 10, 2010, 03:07:11 pm
Hi mommies! bihira ako magpost dito sa SP, but i have been a lurker since i get preggy. Reading post which is actually very helpful sa mga tulad kung 1st time mom. 35W&2D n ako, and my due date is Dec. 12 pa, pero feeling ko malapit na ako manganak...d naman masyado mabigat si baby, but since last week, ive been feeling braxton hicks saka madalas n rin sumakit vagina ko. Kgabi super sakit ng puson ko and madalas mag wiwi, kakaiba n rin yung pain sa lower back ko...malapit n nga ba ako manganak? d pa ako IE ni OB, bka sa next check up pa on my 36 weeks siguro. Excited n rin ako mkita baby ko....: )

Ako din sis,madalas sumakit puson kaya nga ayaw ko maglakad lakad. Yoko pa kasi manganak,gusto ko umabot dec! :) EDD's dec10 naman. Pati yung ulo ng V ko sumasakit sakit nadin. Sobrang likot pa ni bebe,super sa sakit na. :( Palagi din tumitigas..
Anyways,yung friend ko naman,EDD niya is dec.8 pa.. But guess what,nanganak na siya this morning thru normal delivery @35w4d! Ang aga di ba? Fortunately di na need incubator si baby and she even weighs 5.6lbs. Oh di ba? Parang fullterm na! Ah basta,dec padin like ko manganak.. :))
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: bev_arch_20 on November 12, 2010, 09:23:34 am
@abbejay, congrats sa friend mo...ang aga nga niya nanganak...ako naman ayoko umabot ng exact 40W, sana mga 38W manganak n ko...excited n kami makita si baby eh....A safe delivery sa atin lahat...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: j3ssie on November 12, 2010, 01:07:01 pm
38wks and 1day preggy na ko. Pero hindi pa din ako nanganganak huhu. Bukas pa ulet check up. Naka positi0n na c baby at malambot na daw cervix nung last check up ko. Mamaya maglalakad ako ng todo para mapabilis na.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: hayne22 on November 12, 2010, 03:11:52 pm
^ ayy nako sis j3ssie..parehas tayo naiinip na din ako..check up ko din bukas kay ob sabihin ko gusto ko ng manganak..heheh atatera masyado..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: j3ssie on November 12, 2010, 06:43:34 pm
^ ayy nako sis j3ssie..parehas tayo naiinip na din ako..check up ko din bukas kay ob sabihin ko gusto ko ng manganak..heheh atatera masyado..

sis hayne ngayong gabi mgkakaroon kami ng closed door family meeting haha gusto na kasi namin ipa-induce si baby bukas. 38wks and 2days na kasi ako. inip na kami hehe
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: hayne22 on November 12, 2010, 07:01:05 pm
^ hahah sis talagang closed door family meeting?heheh ako din mag sasabe na kay dra.zamora na baka puwede na ako mag take buscopan or induce na rin niya ako..heheh.balitaan mo pa rin ako kung anong mangyayare sayo ha..heheh
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: j3ssie on November 12, 2010, 07:08:13 pm
haha ;) cgeh bukas kasi may check up ako with dra.sangalang..she's down naman with anything. sana bumuka na cervix ko kahit 2cm para induce na. cant wait.yoko maoverdue
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: hayne22 on November 12, 2010, 07:11:58 pm
pag 2cm ba puwede na mag pa induce?kase nga ako 2cm na diba..sabe lang niya nung last check up namen hindi na ako aabot sa due date ko..kaso naman gang ngayon wala pa din si baby..bukas ang hatol nateng dalawa..heheh.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: foxyroxy03 on November 13, 2010, 07:35:14 am
hi im a newbie here and 40 weeks pregnant. due date ko is nov 20 pero feeling ko wala pa din contractions. hayy, i still have one week before my due date pero super worried na talaga ko ayoko na lumampas ng due date ko. check up ko sa nov 15 at sana bukas na cervix ko pra konting inom na lang ng buscopan at ready to pop na ko.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ~_magic_~ on November 13, 2010, 11:50:31 am
Hi mga mommies!  Kakagaling ko lang O.B. ko kanina.  Pelvic exam na niya ako.  Sabi niya ang baba na daw ng ulo ng baby ko and nakapa na niya agad.  Also, 1-2cm dilated na din ako.  Pwede na nga daw niya ako admit this afternoon tapos induce siguro ako, kasi wala pa akong pain.  And weird lang is lumiit daw yung baby ko.  Last week na check-up ko 6.7lbs si baby.  Tapos kanina biglang naging 5.9 nalang?!  nakakagulat nga e!  O baka mali lang yung pagkacheck last time. hehe!  So ayun, hindi muna ako magpapa-admit.  Ayaw ko kasing magpainduce.  Gusto ko natural lahat.  Hintayin ko nalang magbreak yung water bag ko and kung may pattern contractions na.  Nako, sana malapit na talaga ako!  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: foxyroxy03 on November 13, 2010, 05:30:44 pm
Hi mga mommies!  Kakagaling ko lang O.B. ko kanina.  Pelvic exam na niya ako.  Sabi niya ang baba na daw ng ulo ng baby ko and nakapa na niya agad.  Also, 1-2cm dilated na din ako.  Pwede na nga daw niya ako admit this afternoon tapos induce siguro ako, kasi wala pa akong pain.  And weird lang is lumiit daw yung baby ko.  Last week na check-up ko 6.7lbs si baby.  Tapos kanina biglang naging 5.9 nalang?!  nakakagulat nga e!  O baka mali lang yung pagkacheck last time. hehe!  So ayun, hindi muna ako magpapa-admit.  Ayaw ko kasing magpainduce.  Gusto ko natural lahat.  Hintayin ko nalang magbreak yung water bag ko and kung may pattern contractions na.  Nako, sana malapit na talaga ako!  ;)

sis magic mauuna ka pa yta sakin manganak, makikita mo na bebi mo. excited na din tuloy ako mag pacheck up and hopefully kahit 1cm dilated na. gudluck and more power sa pag-ire.  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ~_magic_~ on November 13, 2010, 10:22:53 pm
Quote
sis magic mauuna ka pa yta sakin manganak, makikita mo na bebi mo. excited na din tuloy ako mag pacheck up and hopefully kahit 1cm dilated na. gudluck and more power sa pag-ire.  ;D

I'm sure malapit ka na din sis foxyroxy!  Balitaan mo ako kung nanganak ka na ha! : ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: cherryblossom on November 14, 2010, 07:58:16 pm
mommy!

share ko yung aking experience..

 37 weeks and 3 days ako nanganak nung nov. 10 palang hehe, ako kasi naglalabor na ako pero d pa ako dilated masakit pero bearable naman yung sakit may time siya kaya lang irregular kaya napagkamalan kong false labor, the next day. ayun sumasakit parin, naging regular na siya, every 5 minutes ang interval, as in habang tumatagal sumasakit nagpoprogress ang sakit, tapos ayun nagpaadmitt na ako sa hospital, 1-2 cm dilated na ako, as in 1 day and a half ako nag 1-2 cm, with labor yan ha, nasa latent phase palang pero masakit, inadvice ako ng doctor na maglakad nang maglakad, tapos cnabihan pa ako ng doktor ko na di niya pa daw feel na lalabas na baby ko, wednesday night, mga around 6pm ayun kabit ng dextrose 3 cm dilated na ko, sobnrang sakit na ng puson ko nasa latent phase parin ako hanggang sa tinurukan na ako ng pitocin thru iv, pampa dilate daw, hanggang sa tuloy tuloy na yung pagdilate ayun nakaraos din... sobrang sakit ng pinagdaanan ko pero sulit naman ng lumabas na c baby... kaya mo yan sis have patience lang and always pray to god..

gudluck mommy.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: louiss on November 14, 2010, 08:16:14 pm
excited na ko lumabas si babay. kasi 32 weeks pa lang ako.  matagal tagal pa. ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ingrid on November 14, 2010, 09:08:59 pm
hi mga mommies!! 39 weeks and 3 days nko today! Due ko na sa 18. Tom last check up ko, baka ipa admit nko ng OB ko. kinakabahan ako na naeexcite. sana maging ok kame ni baby  :D gudluck satin mga Due ng Nov!!  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: plumngold on November 22, 2010, 08:33:09 am
hello! my hands are already numb and feet are really swelling now. Are these signs na malapit na ako managanak?Overall, mabigat na rin feeling ko.

Thanks.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: nixmusic on November 22, 2010, 04:28:27 pm
I gave birth on my 37th week last Thursday. Wednesday pa lang ng madaling araw nakakaramdam na ko ng contractions pero nawawala at bumabalik every 15 minutes. I was told na 1cm dilated na ko pero hindi muna ko nagpa-admit. Bumalik kami ng hospital ng Thursday around 4am when the contractions became more frequent, mga every 5 minutes na sya bumabalik, I'm 3cm dilated na daw and they allowed me to walk around the hospital and have a light breakfast as well. Bumalik ako sa delivery room ng 7am, they put the IV na and pumutok na waterbag ko at around 9:30am. Baby came out at 10:57am, NSD.  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: JMatt on November 22, 2010, 07:49:56 pm
I gave birth on my 37th week last Thursday. Wednesday pa lang ng madaling araw nakakaramdam na ko ng contractions pero nawawala at bumabalik every 15 minutes. I was told na 1cm dilated na ko pero hindi muna ko nagpa-admit. Bumalik kami ng hospital ng Thursday around 4am when the contractions became more frequent, mga every 5 minutes na sya bumabalik, I'm 3cm dilated na daw and they allowed me to walk around the hospital and have a light breakfast as well. Bumalik ako sa delivery room ng 7am, they put the IV na and pumutok na waterbag ko at around 9:30am. Baby came out at 10:57am, NSD.  ;)

hi mommy! when u had contractions, masakit ba or may nararamdaman kabang pain? i had frequent contractions kc but i dont feel anythin yet. i just feel na sumisikip yung tummy ko. 1 cm dilated nadin ako per OB's last IE. im wondering kung yung contractions na nararamdaman ko is un na un kahit walang pain.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: louiss on November 22, 2010, 08:07:20 pm
hi mommy acie, ilang weeks ka na ba? ako kasi 33 weeks na, and im also having contactions. hindi naman sya masakit, medyo mabigat lang tapos yung feeling ng parang napupupu ka. i told my OB about this, she prescribed duvadilan, inumin ko daw pag may contractions ulit ako, medyo mababa na din daw kasi si baby, baka daw magpreterm labor ako. ask mo lang din sa OB mo kung normal  ba yung contractions mo.  ;)

mommy princess_jasmine, sana ganyan lang din ako kabilis manganak. 1st baby ko to so i doubt na mabilis lang sya lalabas. but still im hoping. gusto ko kasi minimal yung anesthesia nagagamitin sakin kaya mas ok sana kung mas mabilis sya lalabas.  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: JMatt on November 23, 2010, 02:47:48 pm
hi mommy ricapawhay! im on my 37th week and 5days na. so fullterm nako. im having frequent painless contractions na kc. and 1 cm dilated nako. though i already sought my OB's opinion about this, medyo worried padin ako. hindi ko kc alam if im having kabor na.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: momshell on November 27, 2010, 09:59:24 pm
mommies! Im also on my 37th week na.. and 1cm DILATED! Pero OB told me mataas pa yung baby. I've been having these painless contractions na pero at night medyo masakit na sya.. pero i dont think labor na yun kasi hindi naman tuloy tuloy. Saglit lang sumasakit and naninigas..  OB prescribed me BUSCOPAN 3x a day for a week to ripen my cervix..  How far along before ako manganak?? has anyone been prescribed buscopan too? gano katagal before kayo nanganak?

@acie: mommy, i think we're in the same situation now. What has your OB told you? tagal pa daw ba kahit na 1cm na? sabi nila kasi you can never tell... pero super taas na anxiety ko huhu. madalas na din painless contractions ko..

Sorry dami questions.. It's just that this is my first pregnancy and SUPER KADUPER taas na ng anxiety ko knowing that it'll only be weeks before my due..  :'(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: agatha_stephanie on November 28, 2010, 12:05:11 am
^ ayy nako sis j3ssie..parehas tayo naiinip na din ako..check up ko din bukas kay ob sabihin ko gusto ko ng manganak..heheh atatera masyado..

sis hayne ngayong gabi mgkakaroon kami ng closed door family meeting haha gusto na kasi namin ipa-induce si baby bukas. 38wks and 2days na kasi ako. inip na kami hehe

sis, mas mahirap maglabor pag induced.. ganon ang nangyari sakin nung february.. pamatay!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ingrid on November 28, 2010, 06:33:43 am
I gave birth na :)

10 Hours of Labor - "It was all worth the Pain"

November 18,2010 (Exact 40 weeks Pregnant)

7:00 AM
i was in the Hospital VRPMC (former Polymedic) Scheduled for Induce Labor
Pumasok na ko sa delivery room palit ng Hospital gown tapos pinapasok ako sa isang room and monitored my babys heartbeat. After an hour 8 AM ininterview na ko ng Resident OB.

9:00 AM
Enema Time,grabe ang hirap pala nun ang sakit sa tyan inabot siguro ng 30 min??

10:00 AM Pinapasok na ko sa Labor Room Nilagyan na ko ng Dextrose.

11:00 AM
Buscopan!! nag inject na yung nurse ng buscopan through IV. 10 drops/Min Start na ng Labor.

11:30 AM they asked me kung humihilab na ba yung tyan ko meron na pero matagal ang interval.

12:00 PM wala pa din masyado pain so they decided na 15 drops/Min yung tumutulo from IV

1:00 PM
I.E 4cm - kinausap ako ng Anes ko ask niya kung ano na nararamdaman ko sabi ko ok pa naman doc. So nagpaalam muna siya na aalis muna siya saglit at babalik nalang after ng nilakad niya.

2:00 PM
I.E ulit 4-5cm may pain na pero tolerable pa naman so kaya pa.

3:30 PM
IE ulit saken 5 cm palang,nakikipag kwentuhan pa ko sa katabi kong naglalabor din  ;D May dumating pang Nurse na kinuhaan ako ng Dugo for CBC daw.

4:00-4:30 PM 5-6 cm na then i asked the resident OB kung pwede tawagin na anes ko kasi medyo tumitindi na yung pain,pero nawawala wala sa isip ko yung pain dahil nakakatuwa yung mga kwentuhan ng Resident OB na nagbabantay samin. so naaaliw kame at the same time haha :D

4:30 PM hindi pa dumadating Anes ko,so they Sedated me (pinatulog muna ko,nag inject sila sa butt ng kung ano at masakit ah!!  >:( ) PERO! hindi pa din ako makatulog dahil nararamdaman ko na yung pain.

5:00 PM Relieved! dumating na ang aking SAVIOR! nilagyan na ako ng Catheter for Epidural. Nung nilalagyan ako ng Catheter medyo naiiyak na ko at hawak hawak ko yung rosary na nasa leeg ko,sa isip ko "ang hirap palang manganak :( "

5:30-6:00 PM 6 cm. Medyo Numb na yung pakiramdam pero my pag hilab parin

7:00 PM I.E ulit ako ng resident OB 7 cm na.Nagpalagay ulit ako ng Anesthesia dahil masakit na talaga..

7:30 PM
parang walang talab yung Anesthesia saken every 2 Min na yata yung pain kaya kinausap ko yung katabi kong resident OB in-I.E niya ulit ako then PRESTO!! 9 CM na agad!!! kaya Nilipat na ko ng Delivery Room.

7:57 PM 9 CM wala pa OB ko - Trying to Smile 
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0007copy.jpg)

8:04 PM Halatang napilitan nalang akong ngumiti!  ;D
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0009copy.jpg)

9:00 PM
dmating na OB ko then IE,tapos pinutok na yung water bag ko. hindi ko nararamdaman yung Pain ng ginagawa niya pero yung paghilab ramdam ko pa din.

9:10 PM
i start Pushing,Pinabababa lang si baby. patawa tawa pa kami dahil ganito sinasabi ko "wait lang hinga lang ako" then malalim na hinga then push!

9:22 PM Start na ng totoong PUSH! at tutulungan ako ng anes ko,help niya ko ilabas si baby by pushing my tummy down.
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0010copy.jpg)

9:28 PM after 3 Pushes Lumabas na si baby ko,i was relieved nung narinig ko yung iyak niya at lahat ng pain nawala. :)
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0011copy.jpg)
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0015copy.jpg)
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0022copy.jpg)

(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0023copy.jpg)
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0024copy.jpg)

After nito ramdam ko na tinatahi ako ng OB ko pero walang pain then KO! nko pag gising ko it was already 11:00 PM nasa recovery room nako. kinausap ko yung nagbabantay doon na gusto ko ng makita si baby ko at hubby ko,sabi niya 2 hrs p daw ako doon  so i tried to sleep ulit dahil super hilo pa ko sa gamot.
Sa kakaisip ko siguro nagising ulit ako 11:28 PM ask ko ulit kung pwede na,hindi pa daw.. so nakipagkwentuhan muna ko ng hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ko sa kanya,dahil nga super hilo pa ko,then may pumasok na Resident OB Itransfer na daw ako,ayon laking tuwa ko naman.

Paglabas ng Delivery room Naiiyak ako i Saw my Hubby first na 16 hrs naghintay sa labas ng DR. then nandun yung dad at tita ko. Pag pasok sa Room naman i saw my mom and my 2 younger Bro. i was relieved parang natanggal yung hilo ko. hehe. umuwi na din sila after that ang naiwan lang eh si hubby ko.

2:00 AM
pinapunta ko si Hubby sa Nursery Room to check our baby since hindi ko pa kaya tumayo
and eto na siya our Little "Miguel Caleb Danvers"
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0031copy.jpg)
(http://i992.photobucket.com/albums/af42/fashioneyecon/DSC_0038copy.jpg)

and that was my story :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: abbejay on November 28, 2010, 04:05:27 pm

Congrats mommy ingrid!!
Long but nakakawili read post mu.. Hehe! Complete details kasi.. Just hope kaya ko din.. Esp na hindi prefer ng ob ko epidural, twilight lang..  God bless you and your baby!!! :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: louiss on December 15, 2010, 12:56:56 am
im on my 37th week na and super na talaga yung anxiety ko. hindi na ko makatulog sa gabi. sabikasi ni OB mas ok daw kung ilabas ko na si babay by 37th week kasi based on my ultrasound 3 weeks ago, medyo malaki na si baby,, tapos almost 3 lbs ang nage-gain ko every week, eh suppose to be 1 lb per week lang. medyo mababa na din yung position ni baby. im having painless contractions since last week. my OB prescribed me Eveprim to ripen my cervix, nung check-up ko kanina closed pa daw yung cervix ko, pero the med she prescribed will help daw. kung next tuesday hindi pa din bumukas ang cervix ko, baka induce na yung labor. pero so far ok pa naman si baby, ang worry lang is baka maxado na sya lumaki at hindi ko na kayanin ng normal.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: JMatt on December 15, 2010, 11:19:59 am
@ sis ricapawhay: hi sis! my Ob prescribed me eveprim din. medyo lumambot yung cervix ko pero 2 cm pa din ako. dont worry. just wait lang daw. yung OB ko naman, kahit na hindi masyado nagtake effect sa contractions yung eveprim, she doesnt want me to undergo induction kasi wala naman daw dapat ikaworry pa and theres no reason pa para gawin niya yung iinduce ako. mataas kc ang risk ng CS kapag ininduce ka e.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: badudets on December 17, 2010, 01:31:21 pm
Check up ko yesterday. 2 weeks na akong nagte-take ng Eveprim pero 1 cm dilated pa lang ako. I'm on 37th week na. Kaya yesterday, aside from Eveprim, nagdagdag si OB ng Duphaston.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mum esiel on December 17, 2010, 01:43:16 pm
 :) mga sis i've been to my ob last wed at 1cm dilated n daw ako...pinagtake n din niya me eveprim...kgabi may lumbas na parang blood strip pero konti lang,,,d n ko nkatulog kasi akala ko manganganak na ko, pero til now konti hilab lang ng tyan ko at di p ganun kasakit  pero i know different xia s movement lang ni baby...masasakit n din mga balakang ko at dedes...epekto kaya eto ng eveprim? help naman po...thanx
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: neondust on December 17, 2010, 01:58:33 pm
i think pag may blood na malapit lapit na yun.. ganun din kase sakin although wala naman ako ni-take na meds..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: saibonz on December 20, 2010, 04:10:56 pm
hello! im new here..naiinip na din kasi ako manganak..im on my 2nd baby na pero feels like nanganganay coz its totally different 5yrs ago sa una ko..from 5mos til my 8mos i was taking a lot medicines to keep my baby na mailabas on time. and ngayon eh pwede na, parang an tagal naman..edd ko is dec.26 pa naman but sbi ng ob ku usually 2wks before edd lalabas na..so 12th of dec palang eh ready na kami kaya heto naiinip na..as much as possible ayoko sana magpasko sa hospital. but i keep on praying na God knows better, kaya sbi ko daddy God let thy will be done.. but as long as di pa nanganganak diba andaming maglalaro sa isip. now im taking eveprim and buscopan both 3x a day and been taking them for 3days na..i had brown discharge for 2days and minimal pains lang but today wala akong nararamdaman kakaiba aside sa konting pakiramdam na parang gusto kong magpupu pro nwawala din agad..ive been reading all the effect of eveprim some had good results some naman ala naman effect. i guess kung ano tlaga nakatakda un ang mangyayari no..we just need to be ready..pro for us expecting moms parang andami lang tlagang naiisip lagi :) andami kong tanong ngayon..but most especially is KELAN? ayoko ma cs gosh! :D anyone here na nagtake ng eveprim and buscopan at the same time? 

btw, mommy ingrid congrats sa new baby and for overcoming the process of delivering a baby..true after everything ITS ALL WORTH IT!:)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: soontobemommy on December 22, 2010, 10:53:41 pm
mommies,
im 38 weeks na,,,and 1 cm nadin..tanong ko lang kung isa sa mga sign yung para bang napupupoo pero hindi naman..tapos hirap nako lumakad kasi masakit na yung sa may bandang singit ko..yung sa buto ba?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: 1sttimemom on December 23, 2010, 10:46:02 am
@ soontobemommy

hi sis! halos magkasabay pala tayo ng due date ako kasi jan 3..last saturday nung IE ako ni OB sabi niya 2-3 cm dilated na daw ako anytime daw na sumakit yung tiyan ko direcho na ko sa hospital dala yung admission slip..mabigat na din tiyan ko lalo na pag naglalakad ako feeling ko mahuhulog na yung baby ko...minsan naman parang nakukuryente yung loob ng vajayjay ko...sana nga sis di na tayo abutin ng EDD natin noh gusto ko na nga din manganak inip na kong makita ang bebe ko...labor dust to all of us momsies!!!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: soontobemommy on December 23, 2010, 11:12:14 pm
sis naramdaman ko nadin minsan yung kuryente na sinasabi mo..nagulat pako nun tapos naupo ako bigla..hehe...hirap nako lumakad ngayo ang sakit sa balakang..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: 1sttimemom on December 24, 2010, 11:02:58 am
mahirap na talagang lumakad sis ang bigat bigat ng puson area tapos parang yung ulo ni baby nasa taas ng bladder ko ang tendency tuloy naiihi ako...hay kaya nakakatamad maglakad eh pero kelangan na talaga ang sabi naman dito sa min bumababa na daw yung tummy ko so effective pala talaga ang walking kaya kina career ko na..next checkup ko is monday..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: soontobemommy on December 25, 2010, 01:33:47 pm
ako din check up ko na sa monday..gusto ko na nga lumabas si baby kasi hirap na..ang bigat..nagyayari din sakin yun yung nawiwiwi..parang makirot pa,.hehe
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on December 26, 2010, 12:22:56 am
Hello ang due date ko naman po based on LMP is February 6 pa, pero sa ultrasound ng OB ko January 25.. pero simula last 2 weeks hirap na hirap na ako maglakad. (Nagabsent na nga po ako at LOA ng 3 weeks from work balik na ko on Monday ulit :( )

34 weeks palang ako now based on LMP, sabi tuloy ng mom ko OA ako maglakad (para kasing penguin) pero masakit talaga, sa singit at puson parang kumikirot or may naiipit. Posterior ang position ng baby ko po, normal lang po ba yung pain na nararamdaman ko? Matiisin naman po ako pero di kasi biro yung hirap ng paglalakad ko and yun hingal ko. 80 kilos na din ako from 64 kilos pre-pregnancy.

Minsan nga di na ako makatayo sa bed... lalo na yumuko or umakyat hagdan kaya ang hirap sumakay sa jeep eh commute pa naman ako papasok sa work.  :-[

Last check-up ko naman po sarado pa naman cervix ko.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: neondust on December 26, 2010, 02:12:47 pm
pag malapit na po, medyo masakit na yun sa pipi...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on December 26, 2010, 02:41:37 pm
lagi po masakit sakin parang always maga or feeling ko nakaopen.  :'( ganun ba yun? di ko kasi alam ang contractions eh. sumasakit likod ko pero di naman yung natitiming na sinasabi nila 10-15 minutes...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: neondust on December 28, 2010, 01:21:39 pm
^ yep, ganun nga po yun.. don't worry hindi pa contractions yun.. you will surely know pag nagcocontract na...masakit sa tiyan.. at naninigas siya.. kung every 5 minutes malapit na talaga yun.. kung 10-15 minutes pa konting hintay pa..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on December 31, 2010, 08:19:06 am
Hello ang due date ko naman po based on LMP is February 6 pa, pero sa ultrasound ng OB ko January 25.. pero simula last 2 weeks hirap na hirap na ako maglakad. (Nagabsent na nga po ako at LOA ng 3 weeks from work balik na ko on Monday ulit :( )

34 weeks palang ako now based on LMP, sabi tuloy ng mom ko OA ako maglakad (para kasing penguin) pero masakit talaga, sa singit at puson parang kumikirot or may naiipit. Posterior ang position ng baby ko po, normal lang po ba yung pain na nararamdaman ko? Matiisin naman po ako pero di kasi biro yung hirap ng paglalakad ko and yun hingal ko. 80 kilos na din ako from 64 kilos pre-pregnancy.

Minsan nga di na ako makatayo sa bed... lalo na yumuko or umakyat hagdan kaya ang hirap sumakay sa jeep eh commute pa naman ako papasok sa work.  :-[

Last check-up ko naman po sarado pa naman cervix ko.

sis, pareho pla tayo ng nararamdaman...hirap tumayo sa kama lalo at yumuko...funny, kasi si erpat nagsusuot ng sandals ko and yung kuya ko naman nagta-tie ng shoelace ko... ;D sila kasi kasama ko sa apartment since wala si hubby...

edd ko on feb6 sabi ng ob ko sa makati med pero base sa u/s feb3...'yung ob ko naman dito sa province, suggestion niya after 37 weeks since considered full term na'ko, pwede na niya ko induce...

i wonder if magalaw pa din baby mo sa tummy since hindi tayo nagkakalayo ng buwan, lapit na ko 35th wks...sa'kin kasi sobrang likot pa din...masakit sa likod at singit pag naglalakad, idagdag pa na sa 4th floor ako nakatira at hirap umakyat ng hagdanan...sa byahe naman, mas lalo ang likot kaya lagi ko tinatapat sa chan ko yung mga nadownload na music kaya ayun behave cia kahit pano...

Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: MommyJammy on December 31, 2010, 10:42:42 am
due date ko is january 28. nanakit na din tyan ko mabigat na talaga. hirap na ko aglakd, yumuko, tumayo sa kama haaayyyy. tapos parang may kuryente nga din sa vajayjay minsan feeling ko yng parang ulcer ano ba yun? medyo matagal pa ko waa excited na ko!!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on December 31, 2010, 11:20:18 am
@aram724
malikot pa din baby ko lalo na kapag 3am ng madaling araw and kapag gutom ako... ikaw?

di nga ko makabili ng slippers/sandals sa malls nahihirapan ako magsukat kasi yumuyuko eh. tapos medyo manas na lower legs ko sana hindi na tumaas. ano ginagawa ba kapag manas na?

yung sakit daw sa pelvic area is normal. it means nagsosoften na daw bones natin dun to prepare sa labor, kala ko sign ng UTI kaya nappraning ako eh!

@mommyjammy
ganun din feeling ko sa down ko, minsan parang may tumutusok naman sakin natitigilan ako... grabe 2 weeks nalang im scared pero excited din!

sana effective yung paginduce sakin, check up ulit ako sa wednesday.  :) goodluck satin mga mommies!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raxstar on December 31, 2010, 04:52:32 pm
mga moms ganyan lang talaga, i know the feelings. i remember nung malapit na ako, feeling ko tagal tagal, nag eveprime ron ako, pero na cs rin, basta pray lang kayo, it will come out in due time.. God bless sa mga manganganak, happy new year.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: sarge on December 31, 2010, 06:28:56 pm
^yiiiikes, ilang lbs si baby sis? what week ka nagtake ng eveprim?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raxstar on December 31, 2010, 07:31:33 pm
39th week ko nagtake ako, emergency cs ako kasi 12 hrs na d pa bumababa si baby 10 cm na rin, cord coil kasi at ang laki niya 8.8 sya
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on December 31, 2010, 08:45:09 pm
paano dosage ng eveprim ninyo? 2x or 3x a day?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Mlabable on January 01, 2011, 05:30:52 am
3x a day  :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: soontobemommy on January 03, 2011, 10:02:29 pm
due date ko january 8..pero nanganak nako ng december 29...=)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: BabywantsIceCream on January 04, 2011, 05:14:51 am
Due date ko is Jan 15 but nagpacheck kami kay OB last night 3cm dilated na daw I asked kelan ako manganganak mga 2-3 days pa daw, gusto ko na sana now hahaha parang ang sakit kasi kumilos sayang rin maternity leave ko :(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: purple_maine on January 05, 2011, 04:44:05 pm
hi mommies!
@BabywantsIceCream: musta ka na sis? nung mabasa ko post mo naalala ko yung experience ko.. nung nagpacheck up ako dati nasa 4cm na ako pero wala pa talaga akong nararamdaman na kahit anong signs o sakit na manganganak na ako.. pero sabi ng OB malapit na raw ako.. then kinagabihan nagpa admit na ako.. kinabukasan nanganak na rin ako pero dahil sa hindi naman talaga ako tagtag, inabot ako ng 14hrs bago manganak.. may nararamdaman ka na bang kahit anong sakit sis?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: sarge on January 06, 2011, 02:06:31 pm
ako mga sis di ko lam kung contractions ba yung paninigas ng tiyan ko o nakabukol lang si baby. pero nakabukol both sides ng tiyan ko.. tapos sa gitnang part lang. :| ang labo nga eh. tuwing tumitigas siya ng ganun, sumasakit yung puson ko tsaka yung daanan sa down part ko sumasakit di naman sobrang sakit, tama lang. sign ba yun na nagcocontract?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 06, 2011, 06:35:50 pm
ako mga sis di ko lam kung contractions ba yung paninigas ng tiyan ko o nakabukol lang si baby. pero nakabukol both sides ng tiyan ko.. tapos sa gitnang part lang. :| ang labo nga eh. tuwing tumitigas siya ng ganun, sumasakit yung puson ko tsaka yung daanan sa down part ko sumasakit di naman sobrang sakit, tama lang. sign ba yun na nagcocontract?

hello!
hindi ko din alam kung contractions na ba 'yan...madalas kasi ganyan din nagyayari sa chan ko, feeling ko nag-iinat lang si baby lalo at wala pa naman kaming 37th weeks db? at madalas pa din ang paglikot niya..taz yung pag sakit ng puson pababa, nararamdaman ko na din 'yan lalo at tagtag yung byahe ko nitong mga nakaraang araw...

try ko ulit hanapin yung table na nabasa ko kung contractions nga ba o hindi pa yang nararamdaman mo, yung notes ko kasi dati sa umattend ako seminar sa makati med eh nandun kay erpat dahil naghakot ako gamit...

don't wori, pagpi-pray ko kayo ni baby derek...
God bless!!![/b][/font][/size][/color]
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: soontobemommy on January 06, 2011, 09:13:04 pm
(http://www.facebook.com/photo.php?fbid=1794997277928&set=a.1598043434205.2078593.1329580436)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: purple_maine on January 08, 2011, 08:03:01 pm
@sarjin: hi sis! naalala ko ang nararamdaman ko dati yung paninigas ng tyan ko pati yun likod at balakang ko masakit.. tapos yung sakit ng puson ko e parang dini dysmenorrhea ako.. pag inilakad mo yan at masakit pa rin pati likod mo at balakang tas pakiramdam mo na napupupu ka na, signs of labor na yan.. basta wag ka basta basta magpupupu baka iba ang lumabas hindi pupu.. ingat2 din sis..  :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 08, 2011, 10:38:35 pm
kamusta naman at IE ko kanina sarado pa rin cervix ko.  :o hahaha mukhang madedelay si baby!  ;D sabi ko sakanya lumabas na sya kasi gusto ko kasama sya ng mahabang time dahil pababalikin na ko sa office within 2 months.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: nikgel on January 09, 2011, 08:31:21 am
nagpaadmit na ako nung time na parang 5mins lang yung interval sa contractions ng tyan ko.pero nasa 5cm palang ako non.pinatulog lang ako ng doc after mga 5 hrs siguro yun start na akong maglabor.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: purple_maine on January 09, 2011, 05:37:49 pm
@sis buuurp: naku sis kelangan mo patagtag para bumuka na ang cervix mo.. pero ako nun 38thweek nun nanganak ako.. hindi naman ako tagtag pero nung nagpa check up kami nagulat ako 4cm na agd.. kaya kinagabihan nagpa admit na ako tas ayun kinabukasan nanganak na ako.. kaya lang hindi kasi ako tagtag kaya tagal lumabas ni bebe.. buti na lang naka 3 ire lang ako labas agad. hehe.. wag ka mainip sis lapit na rin yan.  :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 09, 2011, 10:49:55 pm
paano ako patagtag sis? medyo manas ako now so medyo hirap lakad and sumasakit down ko parang may tumutusok sa loob minsan na itchy.  :o walking marathon ginagawa ko window shop kaya lang syempre kapag nagmamall.. dami ko nakikita pagkain... kain din ako.. nagbasa ako sa internet ng ways to dilate my cervix naturally sabi eat pineapples and mangoes? tapos making love din and stimulating the nipples help? totoo kaya ito?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 10, 2011, 02:13:00 pm
@aram724
malikot pa din baby ko lalo na kapag 3am ng madaling araw and kapag gutom ako... ikaw?

di nga ko makabili ng slippers/sandals sa malls nahihirapan ako magsukat kasi yumuyuko eh. tapos medyo manas na lower legs ko sana hindi na tumaas. ano ginagawa ba kapag manas na?

yung sakit daw sa pelvic area is normal. it means nagsosoften na daw bones natin dun to prepare sa labor, kala ko sign ng UTI kaya nappraning ako eh!


hello mommy buuurp!

sobrang likot pa din ni baby Kimu sa chan ko, halos ganyang time din ako nagigising pag madaling araw pag mag-banyo at kumain...

Good Lord! hindi kasi ako minamanas pero nararamdaman ko na yung bigat ng tummy ko pag naglalakad...madalas kasi ko naglalakad sa umaga pag pumapasok sa ofis, nitong nag-stay na lang ako sa house tska hindi nakakalakad ng umaga, madalas lang may gala kami ng kapatid ko pag hapon...

yung pagkain ng pineapple hindi ko alam kung uubra sayo para madilate cervix mo, kasi sa'kin hindi eh dahil yan ang pinaglihian ko...pero yung making love, true daw yan kaya gudlak sa'yo ;D wala kasi hubby ko kaya hindi ko mapaparaktis 'yan...actually, sa kanya ko una nalaman tungkol jan...

good luck sa'tin moms!
god bless...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: knycka29 on January 12, 2011, 12:27:24 am
nako mg mommies kaya nio yan.... ^_^
ako nun malapit n manganak hindi ko alam n ng lalabor n pla ko
pero sbe ng mga tao dito smen iba n daw itsura ko..
naniningas lang tiyan ko nun pero hindi naman cia msket un pla nglalabor n ko nun...
april 8 last year mga around 9 pm pumutok n panubigan ko pero wala p rin ako nararamdaman n sket sbe nila mataas n daw pain tolerance ko, kaya un dinala n ko sa rum sa lying in kung san sinaksakan n ko ng pampahilab by then after mga 30 mins tsaka ko lang nramdman yung pain pero kaya ko p rin, 11pm that night ramdam ko n talaga yung pain until dumating n yung time n maigsi n lang yung interval niya. so dinala n ko sa delivery rum ng mga 4am tapos 4:20am i gave birth with my 7.9lbs baby girl ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 12, 2011, 12:41:04 am
^mommy knycka29
paanong naninigas? sakin kasi ganun pero parang feeling ko si baby lang na gumagalaw, parang magkakaron ako yung feeling pero di naman ako nasasaktan, yun lang di ako makatulog kasi uncomfortable. pero minsan nakakakiliti pa. contractions ba yun? yung iba kasi ang description sobrang masakit mula balakang papuntang tyan pababa sa puson nagraradiate. sa akin naman di ako nasasaktan. pero parang may sticky discharge ako lately.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 14, 2011, 12:48:17 am
hello mommies...
first time ko mag post dito...
everyday binabasa ko mga post nyo para may alam ako pag ka na nganak ako...

2nd baby ko na toh kaso different sila ng way pano ko pinanganak yung eldest ko...
yung eldest ko kasi pinanganak ko un ng 7th months...
di ko kasi alam na water bag ko na pala yung pumutok...
wala naman kasi akong naramdaman na pain kaya kampante pa ako...
nung andun na ako sa 3rd hospital na pinagdalhan saken ng mama ko nag labor na ako ng todo..
as in super duper saket na na halos sumigaw na ako...
pero ng makita ko si SAMANTHA my eldest ay parang wala lang yung sakit...
pero masakit na makita ko sya na sobra liit... almost ka size niya lang kasi bote ng sakto coke...
na incubator sya for almost a month...

and now...
e2ng 2nd baby ko thank GOD at full term na sya.. im in my 36 weeks...
di ko lang alam mga mommies if same yung process ng eldest ko dito sa bunso ko...

masyado akong excited na kinakabahan e... :-X
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 14, 2011, 06:47:23 pm
congrats sis zhetsu!

mabuti naman at lapit na 37wks mo para mag-fullterm ka na talaga...hindi rin nagkakalayo yung weeks natin, bukas ng umaga may sked na'ko para sa IE excited at kinakabahan na'ko  ;D :o
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 14, 2011, 11:12:28 pm
^ako naman bukas ng hapon! inip na ko!!! sana open na cervix ko!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 15, 2011, 12:07:42 pm
congrats sis zhetsu!

mabuti naman at lapit na 37wks mo para mag-fullterm ka na talaga...hindi rin nagkakalayo yung weeks natin, bukas ng umaga may sked na'ko para sa IE excited at kinakabahan na'ko  ;D :o


sis aram724
3 more days full term na daw sabi ni OB si baby...
kaya ito excited at nag papack na kame ng mga gamit ng hubby ko para in case na dumating ang araw ng pagkikita namen prepared na ako...

yun nga lang wala pa akong nararamdaman na contraction...
masakit lang ang balakang ko at sobrang galaw ng baby ko as in sobrang galaw...

haisst....
patiently waiting for the moment to come to see my baby boy!!! ^_^
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 16, 2011, 12:21:33 am
ako din lage may movement na medyo paninigas parang kabag feeling ko pero di ako nafafart. dati pa naman masakit balakang or likod ko so no idea ako. hehe,nakakatuwa lang sa ie ko kanina, 1cm na ko and free from infection na. yehey! i was advised na makipagmakelove kay husband kasi sperm will help induce labor??
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 17, 2011, 10:19:21 am
gudday mga sis!
cencia na late reply...musta na kayo?

@ sis buuurp - ramdam ko  nga yang sinasabi mong paninigas, contractions nb yun?hehe..one moment kasi maninigas chan ko tapos maya si baby naman ang maglilikot...hay!  :D pareho tayong 1cm pa lang pero mababa na daw si baby...making love nga ang isa sa mga paraan para ma-induce gaya ng sabi ng ob mo...hehe, nga lang ako pwede na daw muna ang maglakad since wala si hubby...gudlak sayo! may sked ulit ako ob tom tapos sa jan19 naka-sked ako para sa 2nd round ng vaccination ng TT...

@ sis zhetsu - after ko pacheck up nung sabado, nag-pack na din kami ng sis ko mga gamit ni baby at gamit ko kasi any moment nga naman pwede na labas si baby..ingat ka din sis, kasi db yung kwento nila dito hindi lahat nakakaranas nung contractions tapos yun pla manganganak na sila...

gudlak sa'tin! God bless din!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 17, 2011, 01:02:37 pm
sis nagmakelove kami ni hubby kanina after sooooo many months.. eto parang binabanat tummy ko waaa! and i feel sore. sana bumaba na si baby. mamaya gabi magwalking kami ng dog ko sa village para matagtag. hehe. kain din daw tayo pinya.. ewan ko kung true ito.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: moonriver on January 17, 2011, 04:12:39 pm
Joining!!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 17, 2011, 06:34:30 pm
sis nagmakelove kami ni hubby kanina after sooooo many months.. eto parang binabanat tummy ko waaa! and i feel sore. sana bumaba na si baby. mamaya gabi magwalking kami ng dog ko sa village para matagtag. hehe. kain din daw tayo pinya.. ewan ko kung true ito.


 :D kinarir niong mag-asawa, keri na siguro yung sakit para sa paglabas ni baby! kumakain pa rin ako pinya, dyan kasi ko naglihi kaya hindi ubra sa'kin pang-induce..pero try mo din, wala namang masama eh, prutas pa din yan...try ko din nga na kahit hapon eh maglakad-lakad, hindi lang maganda panahon dito sa'min ngayon...ingat palagi at God bless!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 18, 2011, 09:43:51 pm

mga mommies....
full term na si baby kaya anytime puwede na ako manganak...

excited ako na at kinakabahan...
may pinagtataka lang ako...

every madaling araw nagcacramp ako...
ay grabe sakit...
left and right na binti ko ang nagcacramp..
ngayun lang buntis ako nagkakaganito...

gus2 ko ngang magpatagtag kaso sabi ng mama ko dapat di na ako nagkikilos dapat daw nagpapahinga ako...
si hubby naman ayaw din ako pakilusin...

excited na talaga ako makita baby JOAB ko...
sana magkita na kame at wag niya ko pahirapan ^_^
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 19, 2011, 02:29:20 am
@aram724
mommy nung nagmakelove kami ni husband parang buong araw masakit tyan at puson ko, pero eto balik nanaman sa normal, wah! nagccramps pero tolerable at hindi stable. huhu. ang tagal inip na kami hehe. di naman nagsasarado ang cervix once bukas na sya diba? lagi kasi ako antukin ngayon kaya laging tulog hehe.

@zhetsu
wow mommy! malapit ka na... ok naman walking walking para di ka mahirapan. ako nga laki ng gained weight ko 25 kilos halos. goodluck nalang sakin sa pagire, kung paglakad palang eh hingal na ako!!! lahat ng tao na nakikita ko pinaglalakad ako para matagtag, except si hubby. gusto niya pahinga lang ako lagi! kausapin natin babies natin na wag tayo pahirapan.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 19, 2011, 12:38:20 pm
@ mommy buuurp - tiis na lang muna , sis...para naman makatulong sa paglabas ni baby ang ginawa nio ni hubby eh..sa'kin nga yun din sabi ni ob nga lang dahil alam niang wala dito sa hubby kaya bonggang lakaran ang pinapagawa niya...afterall, mababa na daw si baby at nakapwesto na ulo niya... ;D ewan ko ba kung bakit madami din akong antok nitong nkaraan, after naming maglakad ni mudra eh mag-aalmusal lang ako tapos balik na ulit sa higaan, gising ko na eh lunch break kasi naninipa na baby ko, gutumin!  :P

@ mommy zhetsu - yung pag-ka-cramp ko naulit na lang kagabi pero saglit lang, 3-5 sec lang yun..di gaya ng dati na palitan talga tapos paggising ko ng umaga masakit ilakad...bago ko matulog nag-a-apply ako ng efficacent oil o kaya ng vicks, hinihilot ko binti ko...may nabasa kasi ko paraan ng pagmamasahe sa paa kaya yun gingawa ko bago matulog...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: whitesumm3r on January 19, 2011, 08:32:56 pm
hi mommies, this is my first post.  :)

i've been reading this thread for days na, kasi i was due yesterday and reached full term nung december pa, and i wanted to set my expectations na. occassionally sasakit yung "down there" ko, parang pinupunit, pero saglit lang. like everyone else lakad ako ng lakad. i had my last IE nung monday lang, sabi ng OB ko sarado pa daw cervix ko and nagffloat pa daw c baby. sana this week na ko manganak, i wanna meet my baby girl na.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 19, 2011, 10:27:42 pm
mga mommies grabe na kabado ko kanina...

i supposed to be on a check up lang kasi may discharge na lumalabas saken na puti...
but then sabi ng mga OB sa OPD derecho na daw ako sa delivery room baka daw kasi nagleak na yung water bag ko..

nung andun na ako IE ako ng isang doc tas sabi niya ang taas pa ni baby mga 2cm pa daw...
e di sya nasatisfied kaya check niya yung contraction...
nilagyan niya ako ng aparato sa tyan ko tas 2mutunog..
ang ingay sabi ni doc ang galaw daw ng baby ko...
pero mas kinabahan ako sa nakita ko kasi sa isang bed 2 kame nag share...
sa public hospital lang naman kasi ako dito sa pasig nagpapcheck up...
pero grabe iba to sa naexperience ko b4 sa hospital narin nato..
di ko matake sa isang bed 2 kayo...
e nung time nayun nakikita ko in deep pain na yung manganganak dun...
di sya makakilos ng maayus kasi 2 sila sa bed e db pagka malapit na lumabas baby sobrang sakit di sila makagalaw kasi pagumalaw sila mahuhulog sila....

hay grabe...
namutla ako sa nakita ko...
sa labor room un huh...
e ang dame pang manganganak naka pila sa IE room...
aysus imagine pano kung nakapanganak na sa ward tabi-tabi din...

narinig ko nga sabi ng isang nurse wala na daw vacant sa ward so sabi ng doc pag tatluhin sa isang bed....
imagine??????

sana naman pagbigyan pansin yung mga hospital na kulang sa mga beds...
kasi dapat maayus yung paghihigaan ng mga preggy mommies kasi di basta basta manganak...

natrauma 2loy ako parang ayaw ko na manganak dun kaso kapus sa budget kaya pipilitin ko...
ito pinauwe kame ng OB kasi 2cm palang daw di naman niya daw ako puwede admit agad at wala daw talaga pwesto...

senxa haba na...
wait nlang kame ni hubby na dumating yung true time na lalabas na talaga sii baby,,,,
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: purple_maine on January 20, 2011, 11:14:21 pm
@sis Buuurp: musta sis, nanganak ka na po ba? sensha na tagal ko hindi nakapag online kasi busy sa bebe..  :) hope ok ka. ingat lagi. God bless!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 21, 2011, 02:15:06 am
@zhetsu
sis why dont u try sa lying in? kung di ka high risk yun din gusto ko talaga kasi sabi nila maalaga naman mga midwife na andun and affordable, kaya lang ayaw ng husband ko talagang nagipon sya pang hospital namin, sa maliit na private lang.

@aram724 & purple_maine
di pa din ako nanganganak... although 2cm na ako! ilang araw nakalipas from saturday 2 cm palang akooo!!! next saturday may check up ako ulit, ang problem ko kasi ngayon kahit anong lakad at patagtag ko di bumababa si baby. sana di ako maoverdue kasi ayoko maabutan na magpoop sya.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 21, 2011, 10:15:37 am
@ mom zhetsu - tama si sis buuurp, try mo na lang sa lying in kasi maayos naman sila, mahirap yung ganyang sitwasyon..pero check mo din kung may sasakyan sila if ever may emergency mangyari na need kang i-cs...

@ sis buuurp - pray lang tayo na hindi ka ma-overdue...hindi ko alam kung nakikita yan sa u/s kasi yung isang fren ko ganyan din nagyari sa kanya, hindi bumbaba si baby yun pla maikli daw cord...muntik na cia ma-cs nun malakas lang din loob ng ob kasi nakapaikot na daw sa leeg ni baby yung cord, pero normal naman niya nadeliver yung baby niya...

sa 24th may sked ako ng IE..good Lord may sariling u/s yung ob ko kaya nache-check niya din status ni baby...

gudlak sa'tin mga mommies!
god bless us!

Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 21, 2011, 11:18:50 am
sis aram724 @ sis buuurp - gus2 ko nga din sa lying-in nalang talaga kaso high risk ako kasi prema si eldest ko e, chaka mas prefered ni hubby sa hospital para kung may emergency man asa hospital kame...
un nga lang sa dami talaga ng manganganak this jan and feb kaya double sa isang bed...

sabi ko nalang kay hubby after mailabas si baby kuha sya ng private room...

sis aram724- same tayo 2cm pa din..
ang taas padin ni baby,,,
nabasa ko sa isang website na yung lovemaking kay hubby sobrang nakakatulong para mapabilis panganganak...
and kagabe we do it...
and after akala ko manganganak na ako kasi bumaba talaga si baby pero paggising ko ngayungn umaga ang taas niya ule...

pray nalang tayo sis na dumating na yung araw na makita na natin sila..
natatakot din kasi ako ma over due si baby...
yung panganay ko premature sana si bunso normal naman...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 21, 2011, 05:01:14 pm
^ganyan din naexperience ko nung nagmake love kami, buong araw ako sore! tapos ang bigat ng tummy ko! pero the next day wahhh taas nanaman ni baby  ??? ??? naisip ko huwag nalang pilitin si baby  baka sabi niya mommy di pa time nagpapapogi pa ako dito sa loob? hehe!!

hay sis parang ang hirap naman kapag may kasama  sa isang bed sa hospital... wala na bang ibang hospitals na affordable na malapit sainyo? hope u have a safe delivery at healthy sana si baby mo. dont worry too much para relax relax lang din panganganak. (haha parang ako di ako praning eh :p )

sis aram724 pinapagalitan ako ng mom at husband ko kasi nagwoworry nga ko bakit ayaw baba ni baby, gusto ko magpa-utz ulit kasi di ako mapalagay gusto ko maconfirm na okay cord niya, sabi ng mama ko one in a million daw yun pero di pa din ako mapalagay, likot kasi ni baby pa din huhuu.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 21, 2011, 06:30:10 pm

talaga mahirap sis may ka share sa isang bed..
imagine maglalabor ka di ka makakakilos ng maayos sa bed kasi pagka gumalaw ka hulog ka!!!

nasakit na tyan ko...
kaso saglit lang....
mga 3 hours ang pagitan...
siguro malapit na sa momentum...

hay...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Jean_31 on January 22, 2011, 02:13:34 pm
Hi everyone, ask ko lang is there anyone who experienced nausea and diarrhea a week or days before manganak?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 23, 2011, 12:47:37 am
ako now grabe morning sickness nagstart to ulit around 32weeks ko, now binigyan ako 1week ng ob ko dahil 40wks na ako. kundi induction na kami. strip niya ko 3cm na ako knina. huhuhu! kakaloka ang sakit. eto ngayon humihilab tyan ko. problem ko lang floating pa din si baby kanina.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: purple_maine on January 23, 2011, 04:08:52 pm
@Sis buuurp- how are u sis? ano na balita sa baby? malapit na yan siguro lumabas na.. balitaan mo kami ha. have a safe delivery! God bless!  :D

Share ko lang po, dati nag iisip kami mabuti kung sa private hospital na lang or sa lying in, kasi halos mga friends ko sa lying in nanganak.. nag aalala rin ako baka kasi biglang cs e.. nung nagtry ako mag pacheck up sa lying in na malapit sa amin, nagulat ako 4cm na ako e hindi naman ako tagtag at wala akong kahit na anong sakit na nararamdaman.. ayun kinagabihan nagpa admit na ako agad.. buti na lang din dun sa lying in na pinuntahan namin may sariling ambulance at mga kwarto.. salamat talaga kay Lord dahil nakayanan ko mag normal delivery at nakamura pa kami.. 8Thou lang binayaran namin for 3days stay.. lakasan lang ng loob.. hehe.. ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Jean_31 on January 23, 2011, 08:56:12 pm
@ purple_maine 4cm kaagad and walang sakit na nararamdaman? galing naman.

Yung cervix ko close pa daw sabi ng OB ko kasi nung in IE niya ako wala daw dugo sa gloves niya...? ganun ba talaga yun?? ? ??? ???
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 23, 2011, 09:24:12 pm

mga mommies...
ayun nag decide na kame ni hubby na ipacheck up ako sa lying in clinic kasi sa hospital na where i usually nagpapacheck up di ako masyado inaasikaso kasi sa dame din ng nagpapacheck up dun e...
naguguluhan din ako kasi pagka tinatanong ko yung OB na nagcheck up saken bout kung kelan ang due date ko e sinasabi lang niya "theres no exact day kung kelan ka mangangananak" yun ang sabi niya kasi anytime puwede na daw ako manganak kasi nung jan.17 full term na daw si baby...
kaya ito kame ni hubby puro kame search sa internet about pregnancy tas nagbabasa kame ng mga article kung pano malalaman yung due date...
haisstt...
kaya nagdecide na si hubby na sa lying in clinic nalang ako ipacheck up kasi sabi nila over due na ako kasi nung jan.17 db full term na si baby...
tommorow dun kame sa nirecommend ng brother in law ko na lying in clinic...
hais mga mommies sobrang nakaka stress pagka ganito d mo alam san ba talaga manganganak..
we pray nalang kay GOD!!!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 25, 2011, 12:45:07 am
nanganak na ko purple maine! buti di ako naglying in kundi doble gastos kasi nauwi sa cs eh. laki laki ni baby at ayaw pa bumaba. atmost 4cm lang inabot ko pilitan pa un! nauubos na kasi water ko eh. may nakasabay din ako from lying in sya tinakbo ng ambulance kasi di nakayanan.. buti yun mayari ng lying in eh doctor niya din dito sa st. therese kaya nung na-cs sya one bill nalang sabi nung doc.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lovelymommy_♥zhetsu♥ on January 25, 2011, 11:06:59 am
congrats mommy buurp...

ako naman 4cm na but still no contraction parin...
taas parin ni baby...
ayaw ko maCS...
ito nag at mag memega walk kame ni hubby...
taning kasi saken mag 2 days manganganak na ako...
pero willing parin naman akong mag wait kasi 38 wiks palang naman tyan ko...
pinaka delikado pagka lagpas na ng 40 wiks sabi ni OB...

yaw ko talaga ma CS kaya todo pray ako kay GOD sana normal kame ni baby...
lage ko din sya kausap sa tummy ko na normal sya labas...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: buuurp on January 26, 2011, 05:56:39 am
pray talaga sis and talk to your baby. goodluck kayang kaya mo yan. i was able to hold my baby na kanina pwede ko pala dalawin anytime sa nursery,i must say kahit kumikirot tahi ko ang weird kapag andyan sya nawawala or nalilimot ko yun sakit. kayang kaya mu yan zhetsu. walk lang ng walk and pray. =)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: aram724 on January 26, 2011, 03:11:20 pm
@ sis zhetsu - musta na kayo ni baby? tama si mom buuurp, kausapin mo lang si baby.ganun kasi ginawa ko before kaya hindi niya talaga ko pinahirapan, naka-tatlong ire lang ako sa kanya...sedated na'ko pero tanda ko pa yun pati pag lagay sa kanya sakin at pagpapasuso...

actually, hindi ko alam na manganganak na ko that day kasi nung 1st IE na tinanong ko yung OB kung ano ba pwede sign na dapat na'ko punta sa kanya, sabi niya mas matindi daw sa dysmenorrhea... around 4am dumumi ako kasi constipated na'ko ng almost 2 days..akala ko simpleng contraction lang dahil tolerable naman yung sakit kaya ayaw ko pa magpahatid..comedy nga dahil nung nagdecide ako magpacheck-up around 10am eh grabe yung trapik sa daan dahil sa banggaan..kung hindi lang daskol yung drayber namin na singit to d max ang ginawa, baka sa daan ako abutin ng panganganak..pagcheck kasi sa'kin eh 7-8cm na'ko, di na'ko pinauwi kaya pinasunod na lang gamit ni baby dahil within 2-3hrs daw manganganak na'ko...sabi nga ng kapatid ko halos 30mins lang tinagal nung panganganak ko, mas matagal pa daw ako mag-banyo.. ;D

12:35 nung nailabas ko si baby Kimu, 7lbs at ang haba niya... :D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: yaninay on February 08, 2011, 08:31:02 am
hi mga sis. I'm on my 37th week. pano ba malalaman pag nagcocontract na? Ano ba talaga na feel nyo? 2nd pregnancy ko na pero hindi ko pa rin sure kung ano ang difference ng false labor at yung totohanan na.  Sa 1st baby ko kasi 37 weeks din sya lumabas check-up ko lang nun. Nung pag IE sakin ng OB ko hindi na niya ko pinauwi kasi 2cm na ko. pero ang tagal ko talaga sa labor room na wala akong nararamdaman nung 6cm na lang yata ako saka ko na na-feel yung pain.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: zach26 on February 09, 2011, 05:33:57 pm
first post ko dito :)  naguguluhan na ako kung anong week ko na ngayon..hindi ko kasi alam yung excat date ng LMP ko kaya sa ultrasound lang nakabased yung EDD ko pero paiba iba naman though 1week lang naman usually ang difference.

im on my 37th week na and so far eto yung nararamdaman/napapansin ko--hindi ko alam if sign na ba to na malapit na ako manganak before my EDD ( end of this month)

- may pain sa lower right puson ko and singit area
- medyo namamanas na yung paa
- madalas manigas yung tyan
- minsan masakit si vajayjay ko
- ang hirap na lumakad pag matagal nakaupo / mahirap na din bumangon


sa Sunday pa ang next appointment ko sa OB. Kelan ba dapat i-IE ni Doc?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: yaninay on February 11, 2011, 08:45:44 am
^ 37th week ko na din sis. Yesterday nag IE na si doc, close pa cervix ko. I was hoping nga na sasabihin na niya pwede na ako manganak. Since last week eto naman yung napansin ko:
- may white discharge na ako (mucus plug) pero hindi pa yung pinkish.
- may contractions na din ako nararamdaman

Good luck satin sis. Magkasabay pa tayo. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: zach26 on February 11, 2011, 08:18:50 pm
^ same tayo EDD :) sana lang lumabas na si baby before end of this month kasi plano ko na magleave from work starting 20th Feb eh. nakakatamad na kasi magwork pag mabigat na yung pakiramdam, problem lang baka manasin ako sa bahay kung wala ako hehe. sana sa check up ni doc eh may positive news ako makuha... last week kasi sabi niya mataas pa daw si baby so this weekend eh maglalakad lakad ako para medyo matagtag :)

goodluck sa atin sis... ano pala baby mo? I'll be having a girl.

masakit yung pag IE syo? yung OB ko kasi eh Indiana (Im here in Dubai), and sad to say, hindi talaga sila kasing alaga ng mga OB na pinoy.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: yaninay on February 11, 2011, 08:35:10 pm
^masakit din. Hindi naman talaga comfortable pag nag-IE. Pero maalaga naman talaga si doc. I'll be having a girl also. 2nd baby ko na and girl ulit. Have a safe delivery din sis. Good luck to us. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: eaglesoar28 on February 16, 2011, 10:52:36 am
Ako medyo mabigat na din ang tyan ko at feeling ko nangangalay yung balakang at singkit ko kapag naglalakad. Hirap din ako kapag nakahiga, di ko malaman kung ano position kasi nag-aalala ako baka maipit si baby sa loob ng tummy ko. I'm on my 36th week na, mamaya may check-up ako
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: flippertail on February 17, 2011, 09:43:40 am
Hi mommies. I'm also in my 37th week. 2 days ago my OB already said na 1cm na ko but until now wala pa ako sa active labor. But she said I can give birth na daw anytime kaya binigyan na niya ko ng admitting orders for the hospital. This is my 3rd baby but my last one kasi was 8 yrs ago na so I'm scared na hindi ko malalaman pag active labor na.

Also, since my 7th month kasi madalas na naninigas tummy ko (braxton hicks) so parang normal na sa akin kaya if manigas ulit sya as part of labor baka hindi ko pa malaman na labor na nga. But like mommy zach26, ganun na din mga signs na nararamdaman ko, so I guess medyo malapit na nga. Pero naiinip na din ako coz sobrang uncomfortable na yung feeling. I plan on doing some walking this afternoon baka sakaling ma-induce na yung labor at manganak na ko tomorrow (hopefully!). Good luck to all of you!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: demure_del on February 17, 2011, 03:37:15 pm
hi mga sis,


2days ago ngpa-check ako, exactly 39weeks nko. sabi ng OB ko 1cm palang me.

then the same night ngkaroon ako ng bloody show, hangang kahapon. akala ko talaga manganganak nko..

pero so far wala pa naman strong contractions. advise ni OB imonitor at i-timing ko yung mga contractions

kapag close interval na at medyo strong na punta nko agad sa hosp.  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: charm21 on March 02, 2011, 11:11:04 pm
thanks sa mga tips nyo mga mommies ha!

1cm na ako..nakapa na din ni ob yung ulo ni baby..ika 36w4d ko na ngayon..balik ako sa kanya next week to check kung may progress na si baby..ayoko pa talaga manganak..hindi pa tapos yung mga dapat gawin dito sa house e..kaya sabe ko kay baby wag muna hehe
ok lang ba kahit 36weeks p lang ang tummy moh pero manganganak kina?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: charm21 on March 03, 2011, 12:25:08 pm
ok lang ba manganak ng 36weeks....pra kc mapapaaga ako ei plls help me naman kung ok lang c baby pag nilabas ko sya ng 36weeks
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: jhoicee_01 on March 03, 2011, 01:59:18 pm
hi  mommy 21charm,

when i gave birth, 35weeks lang ako. going 36weeks lang ako nun. nag PPROM kc ako, nag rupture bow ko unexpectedly. Pagdating namin hosp, 5cm na ako. Good thing sufficient pa yung bow ko (di pa siya totally ruptured, may leak lang) Good thing, paglabas ni baby ok naman siya. No incubator, no antibiotic, shes perfectly ok. Pang 38weeks na yung laki niya kaya eventhough 35 weeks lang siya, she fell under Termed baby. Wag kang matakot, baka mastress ka nyan. Stress free ka na dapat ngayon. Goodluck to u and may u hav a safe delivery =)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: charm21 on March 04, 2011, 08:18:07 pm
thank you po sa advice....sana nga manganak nko nexweek kc bday ko na sana mgka bday kami....
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: toughmom moderator on May 10, 2011, 04:19:12 pm
Please read new SP article:
5 Things to Expect When Giving Birth (http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/5-things-to-expect-when-giving-birth)
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/5-things-to-expect-when-giving-birth (http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/5-things-to-expect-when-giving-birth)[/b][/font]
Title: What were some symptoms that you felt before you went into labor?
Post by: mamajackie on June 02, 2011, 07:14:40 pm
hello mga mommies!

Ask ko lang po kung ano yung mga symptoms na nfeel nyo bago kayo nglabor or nung nglabor na po kayo? malapit na kasi due ko and first time mother kasi so i'm gathering as much information as i can para hindi ako mtaranta when the time comes. Hope you can share your experiences.. :D
Title: Re: What were some symptoms that you felt before you went into labor?
Post by: ianthe on June 02, 2011, 08:20:16 pm
hi momzy, ako grabe... nilalabasan ako ng tubig pero unti unti lang sabi kasi nagbabawas daw tapos nung dugo naman nung kinabukasan ... nung kinagabihan na sumasakit na yun private part ko then... nkatulog pa ako nun.. tapos madaling araw... yun balakang na hehe then yun tiyan na... hirap e-explain ang sakit... pero kayang kaya mo yan...... goodluck sa panganganak mo...
Title: Re: What were some symptoms that you felt before you went into labor?
Post by: mamajackie on June 02, 2011, 09:16:06 pm
@syra_chloe: Sana nga kaya ko..masakit daw pgdugo yung lumalabas after ng tubig.tama ba yun? sabi nila masakit daw ang labor pero pglalabas na daw yung baby hindi na sya masakit. ngbabasa na ako ng mga books and online kung ano yung stages of labor para handa ako. :)
Title: Re: What were some symptoms that you felt before you went into labor?
Post by: lalabs28 on June 02, 2011, 11:01:23 pm
hi mommy, 14 hours akong naglabor
sumakit tyan ko nun parang may dysmenorrhea and sabay tigas then habang tumatgal nagiging intense yung pagsakit to the point na hindi ka na makagalaw and you wanna scream. As in masakit talaga, lahat na ng santo tinawag ko na noon nung naglabor ako kaya be ready na talaga. maglakad2 ka na po kasi it really helps para hindi ka po matagal maglabor.
goodluck on your delivery!
Title: Re: What were some symptoms that you felt before you went into labor?
Post by: mamajackie on June 02, 2011, 11:37:32 pm
@lalabs28 : thanks po! :) nglalakad lakad ako ngayon pero hindi masyado kasi sumasakit puson ko pgnsobrahan sa pglalakad. Sabi nga nila wala daw maganda na dumadaan sa hehe masakit daw talaga siya.Pray ko lang na hindi masyado matagal yung labor ko. :D
Title: Re: What were some symptoms that you felt before you went into labor?
Post by: Lelen on June 03, 2011, 08:40:16 am
^ Good luck on your delivery mamajackie! You should be getting enough sleep, bakit 11.30pm na gising ka? ;D

As for me, wala ako masyadong na feel, Sat morning ako nag deliver, Friday morning, nag-drive pa ako! ;D Di talaga ako nahirapan during my pregnancy. On saturday around 4am, my water bag broke, pero wala pang pain. Nung 6am na, I asked the oldies to bring me to the hosp, nung nasa e.r na ako, they said bakit nun lang ako nagpadala, 7cm na daw ang cervix ko, anytime lalabas na si baby, kaso because coiled cord si baby, na cs ako! :(

Masakit pag nagla-labor, as in! Pero depende din sa tolerance mo for pain. Always remember na lang na it's all worth it! Good luck again!
Title: Re: What were some symptoms that you felt before you went into labor?
Post by: just_memom on June 03, 2011, 08:50:54 am
sis 24 hours ako naglabor not because nasira water bag ko or may dugu. I was induced kasi due date na ni baby, my OB does not want to risk na meron makain na poo si baby.
tama mga mommies dito the pain is really unbearable as in hinde mo alam saan ka kakapit sa sobrang sakit. After 12 hours of induced labor nagmamakaawa na ako na i-cs na nila ako kasi hinde talaga umoopen un cervix ko as in 2-3 cm. Finally after 24 hours, OB advised na i-cs na ako kasi hinde talaga kaya.
Sa totoo lang different scenarios eh diffferent experience pero parehong masakit. Sis kaya mo yan and its all worth it naman after all :)
Even if my experience (first time mom kasi ako) is not that favorable, i'm still planning to have another baby :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Tiger Lily on June 03, 2011, 09:46:34 am
Same topics merged.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: princess080910 on June 05, 2011, 11:44:59 pm
bloody show..  diluted na pala ako nun nadala ako sa hospital. 2 days na ako may bloody show pero wlang contraction. dry labor pala ako kaya ganun.  pagdating sa hospital 5cm na ako =)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chellebunao on June 09, 2011, 08:45:57 pm
mga sis i'm on my 36thweeks and 1st IE ko kanina and learned that 5cm na pala ako, walang contractions other than paminsan minsang sumasakit lower back. My OB said na ipapaadmit na niya ako... pero I asked if pwede ko pang antayin kase wala akong bloody show, or water bag bursting, no contractions other than pa minsan minsang pagtigas ni baby--- (which is normal na nararamdaman ko...) kelangan ko na bang magpa admit?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mamajackie on June 09, 2011, 11:18:43 pm
@chellebunao: yes sis! dapat kana mgpaadmit..5cm na yan so i think your experiencing yung tinatawag nilang dry labor na wala ka talagang masyado mfeel na symptoms. malapit na yang 5cm sis. might as well be ready nalang..Goddluck sayo sis!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chellebunao on June 10, 2011, 07:46:52 am
thanks mamajackie umuwi muna ako kase floating pa si baby pero 5cm na ako as of 2am kaninang madaling araw. Sabi ni doc choice ko daw if magpapaadmit na ako... so sabi ko uwi muna ako
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mamajackie on June 10, 2011, 11:56:21 am
@chellebunao: balitaan mo kami sis kung nanganak ka na ha? im so excited for you. :)

 Sana ako din manganak na ako kasi full term na this week.Eh sa monday pa ako IE ng OB.Hopefully ngstart na dilatation ko.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chellebunao on June 10, 2011, 04:26:47 pm
Update: my brownish/reddish sticky discharge na akong nakita sa underwear ko. pero wala paren yung contractions na malapit ang interval. inoobserbahan ko muna.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: on June 10, 2011, 04:55:21 pm
chellebunao : sis, punta ka na sa OB mo, yung sister ko kase nagkaron ng bloody show at nung pagpunta niya sa OB, 2 hrs lang e lumabas na si baby
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mamajackie on June 10, 2011, 10:54:12 pm
@chellebunao: Yan na talaga sis! you're gonna see your baby in a few hours. Congratulations to you! Goodluck sa panganganak.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chellebunao on June 11, 2011, 02:27:26 am
mga sis update ko lang kayo... no signs of contraction so umuwi ulet ako.... my doc advised for me to take duvadillan for 1 week.... check up ako sa kanya ng SUnday. Grabe pabalik balik kame sa ER....
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mamajackie on June 11, 2011, 03:32:43 pm
@chellebunao: ai oo nga pntake ka ng duvadilan kasi 36th week nyo pa ni baby dapat pala mgfull term ka muna ano? God Bless sis..kaya mo yan..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Mishaann on June 25, 2011, 09:26:33 pm
Hi mga sis ano ba dapat gawin pag malapit na manganak..
Lalo pag naglalabor  :) im 28 weeks palang at medyo mahaba mahaba
Pa ang bibilangin ko araw at matagal pako mkakapgstay stay dito  :)
Natatakot kasi ako 1st baby ko toh.. And 1st time ko palang
Din mararanas mahospital hehe...kasi takot ako kaya maingat ako sasarili hehe
Kaya lang no choice manganganak talga ko at mararanasan ko ang mga
Hindi ko pa nararanasan kakaloka hehe..kinakabahn talga ko pag naiisip ko may injection
Hehe.. Kakangiwi.. ;D kaya always ako ngbabasa ng mga post dito nkakatuwa..
Minsan pag my nababasa ko nhihirapan mglabor parang naiisip ko
Grbe sana makaya ko hehe.. Tapos minsan pag my nabasa ko madli sila nglabor
Na eexcite naman ako katulad now haha para lang sira...  :D ;D
Sana mga sis matulungan nyo ko dapat ko gawin hehe
Lalo n pag labor na hehe para mapagaralan kona hehe salamat po.....  :) ;) :D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: charm21 on June 26, 2011, 11:07:26 pm
Hi mga sis ano ba dapat gawin pag malapit na manganak..
Lalo pag naglalabor  :) im 28 weeks palang at medyo mahaba mahaba
Pa ang bibilangin ko araw at matagal pako mkakapgstay stay dito  :)
Natatakot kasi ako 1st baby ko toh.. And 1st time ko palang
Din mararanas mahospital hehe...kasi takot ako kaya maingat ako sasarili hehe
Kaya lang no choice manganganak talga ko at mararanasan ko ang mga
Hindi ko pa nararanasan kakaloka hehe..kinakabahn talga ko pag naiisip ko may injection
Hehe.. Kakangiwi.. ;D kaya always ako ngbabasa ng mga post dito nkakatuwa..
Minsan pag my nababasa ko nhihirapan mglabor parang naiisip ko
Grbe sana makaya ko hehe.. Tapos minsan pag my nabasa ko madli sila nglabor
Na eexcite naman ako katulad now haha para lang sira...  :D ;D
Sana mga sis matulungan nyo ko dapat ko gawin hehe
Lalo n pag labor na hehe para mapagaralan kona hehe salamat po.....  :) ;) :D

    @mishaann..ako nng nanganak ako ky babyvhriana di ko inaasahan kc wala akong sign talaga..di masakit
yung balakang ko as in wlang sumasakit sken ayoko pa nga pumunta sa OB ko ei kaya lang tumawag xia kaya
napilitan ako pumunta.nung check niya ako manganganak n daw ako di na nga ako pinauwi..deretso DR nko
walang sakit ako naramdaman yung hilab di masakit kc epidural ako.hanggang lumabas si baby ko then after
2hour sa RR dun ko na nararamdaman ang sakit yung tahi ko sa ano ko as in sobrang sakit hehe mga 2days
ako di makagalaw nun..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chester on June 27, 2011, 05:37:17 pm
hi mga moms. 37 weeks na ako this coming saturday.  first time mom ako.  i know iba iba nararamdaman ng maglabor based din dito sa mga nababasa kong thread.  kabado ako kasi baka mamaya niyan nglalabor na ako hindi ko pa alam. madali na aong mapagod. 2-3 mins walking pagod na ako. feeling ko pababa ng pababa na rin tummy ko. hirap huminga at nasa mga 5-8 times na rin nararamdaman kong paninigas sa tummy ko. signs na ba eto na malapit nang lumabas baby?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: neondust on June 27, 2011, 05:42:40 pm
pwedeng sign na pero hindi ibig sabihin nagle-labor ka na... yun contraction, depende kung gaano katagal ang pagitan.. usually, mga 5 minutes, malapit-lapit na yun. basta lakad pa rin...para makatulong sayo when the big day comes.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mamajackie on August 05, 2011, 01:17:49 pm
hello mga mommies!
ako pinakasign ko nung manganganak na ako is pumutok bag of water ko tapos kahit mgchange ako ng undies nababasa pa rin siya kasi tagas lang tagas yung water. napansin ko din yung mucus plug na lumabas after the water.yung lang kasi after nun hindi ngdilate ang cervix ko at na CS ako.after 2 days of labor and 2 inductions done..wala pa rin kaya ayun nhiwa tyan ko  pero worth it din lahat ng sakit pgnakita mo na precious angel mo ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: on August 06, 2011, 10:13:09 pm
^when ka nanganak sis? cs ka pala
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ernasel123 on August 11, 2011, 02:14:55 pm
elow mga moms... 38 weeks and 3 days na ako pero ano ba talaga dapat maramdaman pag malapit ng manganak kase ako di ko talaga alam. help naman please.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: jaihzame@yahoo.com on August 11, 2011, 02:56:29 pm
hi sis!!! ma fefeel mo naman yan na malapit ka na manganak. dahil sa contraction then observe mo if every 15 minutes and contraction mo. make sure na malikot si baby. congrats!!! san ka pala manganganakl?

Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chester on August 11, 2011, 03:01:05 pm
@ernasel123:  last July lang ako ng give birth.  na experience ko yung every 30 minutes contraction na may kasabay na pagsakit sa puson sa akin.  Yun din sinabi ng ob ko. kaya ng maramdaman ko yun ay pumunta na ako sa hospital para macheck nila.  and naglakad lakad ako para mabilis  pag open.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ernasel123 on August 12, 2011, 11:10:24 am
now yung check up ko... mamaya punta ako dun sana ma ie ako para alam ko kung anong cm na siya kase may nararamdaman ako pero parang wala lang naninigas tapos pag naglilikot yung baby ko kumikirot bandang baba. now 38 week and 4 days na ako sana naman may magandang sabihin sa akin yung ob ko kase yung kasabayan ko dito nanganak na 37weeks hay naku..  :-[ :-[ :-[
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ernasel123 on August 14, 2011, 09:41:25 am
sign na kaya to na malapit na ku manganak kz kumikirot yung bandang baba ku..tapos gusto ku mag popo wala na man lumalabas ano kaya un sign na kaya un na malapit na yung baby ku na lumabas hirap na nga aku lumakad HINGAL NA RIN AKU PAG lumalakad ...taz panay ang paninigas ng tyan ku may pina iinum na man sakin yung ob ku yung evening primrose oil aT sorbisine sabi ng ob ku para daw lumambot yung cervix ba yun? help na man payu lang plssssssss ;) ;) ;) ;) ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: jAzMyNe18 on August 14, 2011, 05:07:16 pm
^hi! magkasunod pala tayo ng edd. im 38wks 5days naman ngayon. sobrang inip na kami sa paghihintay kay baby pero walang kahit na anong sign akong nararamdaman. wala ring pinapainom sakin si ob, i asked her yesterday kung may way ba para mapabilis pagdilate ng cervix ko kasi 1cm lang ako, sabi niya, 'wala. just relax, hintayin mo lang na sumakit. si baby ang magdedecide kung gusto na niya lumabas.' pero kung di raw lalabas si baby before ang due ko, induce na raw ako. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Tiger Lily on August 18, 2011, 11:01:44 am
^sis ernasel123:

Please modify your post. All caps and posting in textspeak (such as ku, un, kz, uu, ngaun, etc.) are not allowed in our forum.

Posts like those will be deleted if proper action from the concerned member is not taken.

You can modify your post with the help of this link.

Steps in Modifying Previous Posts (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,20917.0.html)

Please take time to read our Rules which I have already sent to you via PM on August 12, 2011.

Thank you.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Shey♥Bry on September 11, 2011, 03:00:16 am
Hello mga Mommies :)


Mukhang malapit lapit na din ako manganak :) Meron din akong Bloody Show, mag 3 days na, pero wala contractions. Feeling ko Dry Labor ito. Never ko kasi na experience sa Eldest ko yung ganito na nagkaroon ng Bloody Show before labor starts. That was 5 years ago pa. As in yung Bag of Water ko eh pumutok muna bago ako nag labor talaga.. Pero ngayon iba iba ang nararamdaman ko.

I'm 36 Weeks pregnant na po and this coming Sept 13,2011 full term na si baby. Yung time na nalaman namin ni hubby na Preggy ako sa 2nd baby namin, hindi ko naging hilig maglakad lakad. I hate going out talaga, kahit minsan na gusto ni hubby na lumabas naman kami just to spend time together, ayoko talaga... Lately may nabasa ako dito sa SP Forums na katulad kong mommy na hindi hilig maglakad lakad, ang ginagawa niya instead na maglakad lakad sa labas, eh iniikot niya nlang yung buong house nila for 30 minutes, aakyat baba ng stairs pero may pahinga daw..

Ginaya ko yung ginawa ng isang mommy, umakyat baba din ako ng stairs from Attic to 1st floor vice versa for 15 minutes lang with pahinga.. Kasi nga tamad akong maglakad :) .. Kinagabihan, sobrang sakit ng mga legs ko, likod at private part ko. sabi ni hubby baka daw dahil sa ginawa ko kaninang akyat baba. sabi ko siguro nga. Pag gising namin ng umaga at ng maihatid na namin sa school yung daughter namin, deretso ako ng cr, nakita ko nalang na merong parang blood sa undies ko. to make sure na blood yung nakikita ko tinawag ko si hubby, sabi niya oo daw blood yun.tinanong pa niya ko kung pumutok na daw yung BOW, sabi ko hindi pa.

3 days na din akong merong bloody show, without contractions, and sobrang active din ni baby sa loob ng tyan ko which is good, kasi kung gano siya ka active before, ganun pa din siya ka active ngayong malapit  na siya lumabas :)

This Sept. 13 sched ko sa OB ko for check up. e-i-IE na din daw niya ako, sana ngayong week manganak na ako hehe... Para makita na namin si baby, and para hindi na din ganun kabigat sa katawan. hehe..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Shey♥Bry on September 22, 2011, 06:32:18 pm
Kagagaling lang namin ni hubby ngayon sa OB ko, IE nanaman, nasa 2-3cm na daw ako  ;D ;D Weee... Excited na kami, kahapon sumakit ng sumakit yung tyan ko na parang na pu-poop ako :) Pero tumigil din.. Kala ko manganganak na ako yesterday.hheehe. Sabi ng OB ko na kung gusto ko daw magpa Induced nalang, kaso ayoko and parang ayaw niya din, kasi mas masakit daw pag ini -induced.. Kaya advised niya sakin na pag mga 5-10 minutes interval nalang yung contractions for 2 hrs, drive na agad si hubby papuntang hospital :) Weeee. Nanaginip pa naman ako na Sept.24 daw ako nanganak. hehe
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chyk on September 23, 2011, 10:44:22 pm
i'm worried about the same thing din. 1st time ko din and i'm on my 36th week na, sa thursday 37 weeks na. pero nung monday sabi ni doc dapat daw by next check up ko (which is on monday) dapat nakababa na si baby kasi last time floating pa rin sya. kaya walking ako pag umaga tapos sa hapon, yun nga akyat baba sa stairs.. mga 10-15 minutes na akyat baba saka minsan pagkatapos kumain lakad lakad muna dito sa bahay kasi ambigat na talaga ng tyan ko. tapos ang sakit pa ng singit ko, sabi ni doc nagsstretch na daw kasi kaya ganun... minsan pati yung likod ko masakit na din... malapit na nga daw lumabas pag ganun... praying for a safe and normal delivery and sana healthy si baby boy =)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Shey♥Bry on September 24, 2011, 02:56:24 pm
@ Mommy chyk Goodluck  and have a safe Delivery :) , Kaya mo yan Mommy :)

-----------------------

Just gave birth yesterday Sept.23 around 9:42am :) sa aking baby girl :D ,38 Weeks and 4 days

eto ang story ko nung malapit na ako manganak.. Actually, wala talaga akong pain na naramdaman, nagli-labor na pala ako:

++++++++++++
12:00 am (Sept 23)- "Bloody Show" again
12:45am (Sept.23)- Pumunta na ng Hospital
1:00am (Sept 23)- IE-3cm (without contractions)
5:00am (Sept 23)- IE- 5cm (without contractions)
5:00am-7:00 (Sept)- Hintay Mode >_< Walang masakit sakin kahit ano, walang contractions (Dry Labor)
7:30am- (Sept 23)-My OB arrived , Hintay Mode nanaman
8:30am: (Sept 23)-Pasok sa Delivery Room - IE- 6cm (Still no contractions)
9:00am (Sept 23)- Ininduced na ako ni Doc :( , She manually broke my Water Bag, may konting hilab, but tolerable. and naglagay ng Oxytocin 15 drops per minute.
9:30 am (Sept.23) tumalab ang Oxytocin, May Contractions na. Nag inject na si Doc. ng Twilight Anesthesia.
9:42am (Sept.23) - 2 Hard Pushes, Lumabas na si Aera :)

Total Labor Pains: 15 Minutes

Born: September 23,2011
Time: 9:42am
Length: 47 cm
Weight: 2.8 kg/ 6.16 Lbs.
Head: 32 cm
Chest: 30 cm
Type of Delivery: NSD with Twilight Anesthesia
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chyk on September 25, 2011, 07:32:42 am
good luck naman sa akin, 34cm na ang measurement ng head ng baby ko, sana makaya ko syang inormal. with God's help, kakayanin ko talaga. hehe... walking, squats, and akyat baba sa hagdan ang bago kong hobby ngayon. =))

Congrats on your baby girl! malapit ko na din makita ang baby boy ko...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Shey♥Bry on September 25, 2011, 07:58:47 am
@ Sis chyk , kayang kaya yan sis... pray lang :) God is there to guide you :) hindi niya pababayaan yan si baby mo and you  ;) .. Worth it lahat ng sakit at hirap talga once na mkita mo na si baby..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chyk on September 25, 2011, 07:32:43 pm
thank you po! check up ko nga ulit bukas, baka ma ie na ako ni doc.. pinagppray ko talaga na mag-normal kami =) heheh
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: sweetprincess on September 25, 2011, 07:52:08 pm
sis chyk, mukhang close ang due date natin ah, pero ngaun medyo nasakit yun sa ilalim ng tiyan ko bandang puson, parang bigat na bigat na, ninenerbyos naman ako kc 36 weeks pa lang and sa wed pa un next check up ko.
@ mrs. sheila tan, naku, uso yta yun medyo advance ng 2 weeks nanganganak, pang 3rd child ko na po eto and expecting a baby boy, un nauna ko 2 girls, hindi kc ganito un feeling ko sa 2 girls ko, wala ako ganito na na feel na nasakit yun bandang puson and parang me nasiksik sa pepet, kaya parang di ko na alam. wala naman ako sign na mucus or contraction pero medyo worry ako kc biglang bumigat yun bandang baba tpos hirapan ako maglakad, isa na din po kaya eto sa sign of labor? ty mga sis!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Shey♥Bry on September 25, 2011, 08:19:51 pm
@ Sis sweetprincess, ilang weeks kana Sis? Kasi kung nasa 36-37 weeks kana, ganyan na mafi-feel mo sis, medyo mabigat na talaga, and sabi ng OB ko, yung mga 2nd time or 3rd time pregnancy na, hindi na siya katulad ng 1st pregnancy, medyo nakabukas na daw talga ang cervix ng mga 2nd and 3rd time preggy.. Pag nagpa check up ka sa OB mo sis malamang IE kana niya, baka nasa 1cm kana or 2cm.

Ako, talagang walang contractions na naramdaman.. Feeling ko nga hindi ko pa time tlaga manganak.. Kaso nagka Bloody Show na talaga ako na parang 2nd day ng Menstruation, pero hindi pumutok ang panubigan ko, kaya nagpunta na kami ng hospital ni hubby. Ayaw pa nga ako i-admit ng mga staff kasi feeling nila hindi pa din ako manganganak.. Pero my OB decided na i-induced ako, kasi nasa 6cm nako pero wala pa ding contractions.

Godluck sayo Sis and have a safe delivery :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chyk on September 25, 2011, 10:37:53 pm
sabi  kasi ni doc nagsstretch na daw ang mga muscles and ligaments kaya daw sumasakit sa may bandang singit.. pero feeling ko hindi pa naman labor pains kasi diba pag labor pains buong tyan talaga? nilalakad lakad ko lang, pero ganun nga din ang feeling ko medyo mabigat na nga saka pag nakaupo ako, hindi na pwede yung pang demure, dapat naka open arms na kasi parang naiipit sya pag hindi nakabukaka. hehe
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: sweetprincess on September 25, 2011, 11:12:22 pm
@ sis chyk and sis shiela, thanks po sa mga replies at medyo na lessen yun nervous feeling ko kahit sabihin pa na pang 3rd child ko na eto, kc naman ang labor pain ay dalang dala talaga ako, kaya i'm praying na this time eh mas madali na talaga siya lalabas pag time na niya.  :) God bless everyone  :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: chyk on September 26, 2011, 05:36:43 pm
36w4d ako today, check up ko kanina pero sabi ni doc mataas pa daw si baby kaya continue ko lang daw ang walking ko. e kaso maulan ngayon kaya akyat baba sa hagdan na lang muna, so far 3rd time ko na mag akyat baba sa stair ng paulit ulit, tapos squatting din every hour... kelangan ko talaga idisplina ang sarili ko na gawin to para bumaba na si baby... kaso baka hinihintay pa niya si papa niya kasi oct7 pa ang uwi ng papa niya dito. hehe... kausapin daw lagi si baby kasi nakikinig naman daw sila pag kinakausap =)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: nicodemuskc on September 30, 2011, 10:18:49 pm
hi mga mommies, I'm on my 31st week pero nabibigatan n ko sa tyan ko parang laging masakit yung likod ko last check up sbi ni dra bed rest daw muna ako kasi parang pabuka n daw yung cervix ko, sobrang likot p ni baby ska masakit minsan pag gumagalaw sya sana lang d ako ma pre term nov 30 p kasi edd ko...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: carrieso99 on October 10, 2011, 02:12:45 pm
hello!

There are three main signs to watch out for when you're about to give birth:
1) bloody show - blood sa undies mo
2) contractions - yung contractions pag manganganak ka na get more intense (more masakit) as time passes. Tapos parang nanggagaling sa likod mo yung sakit, hindi sa tyan mo.
Yung paninigas ng tyan mo ngayon is called Braxton Hicks, parang fake contractions yan. That's your body preparing for the real contractions.
3) breaking of water bag - warm, sticky, clear liquid 'to. When this happens, magpaadmit ka na sa hospital because your contractions are likely to start na after your water bag breaks. And i think (although I'm not sure) you have to be at the hospital within the hour your bag breaks kasi pag nag leak na lahat ng water mo and yung baby di pa lumalabas, delikado yun, baka mamatay baby mo sa loob...

Hope this helps
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: -joanamber- on November 03, 2011, 05:58:38 pm
Nafeel ko kasi nung manganganak na ko is masakit yung puson ko na gusto kong magpoop ng magpoop. Ayun pala contractions na. Nung may blood na dun ko lang narealize na labor pain pala yung nararamdaman ko.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: working_girl88 on November 04, 2011, 02:50:54 pm
hi mommies!
i went to my OB yesterday, nag IE  sya saken. nung pag uwi ko, may hint of blood sa underwear ko. dahil ba to sa IE? kase this morning i checked again, may konting blood pa din. wala naman sumasakit saken. Braxton Hicks lang. malapit na ba ko manganak?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: peppergurl971 on November 04, 2011, 03:07:49 pm
hi mommies!
i went to my OB yesterday, nag IE  sya saken. nung pag uwi ko, may hint of blood sa underwear ko. dahil ba to sa IE? kase this morning i checked again, may konting blood pa din. wala naman sumasakit saken. Braxton Hicks lang. malapit na ba ko manganak?
-sis, as per my OB din, spotting after IE could last up to 10days. Yung question mo po if the blood is because of IE, i think, yes, its because of IE nga.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: kissablesam on November 04, 2011, 03:49:51 pm
joining :)

ako naman, it was may 19. umaga palang panay na ang wiwi ko. tapos nakakita nako ng maliit na blood sa undies ko, my cousin's wifey told me once that when the red marks shows, kahit maliit lang. you'll soon to give birth.
so we rush the lying-in where i gave birth pero sadly at 39weeks 1cm palang din ako. pumutok na din ang waterbag ko. ayun ininduce ako ni doc, hais.. ang length of labor ko mga sis? it took me 10 hours bago lumabas si baby.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: working_girl88 on November 05, 2011, 11:25:06 am
thanks sis peppergurl. now wala ng blood. kinakabahan kase ako, hindi ko pa due eh. last week of nov pa ko.
Title: Re:mas mahirap ba ang panganganak sa ibang bansa kesa sa pilipinas?
Post by: mommylynn26 on April 03, 2012, 09:05:45 pm
Hello mga mommies..matagal na akong nagbabasa ng forum na to pero now lang ako nag register..tulad niyo buntis dn ako 36weeks na at dito ako sa Austria manganganak ..dati sabi ko mag papainless ako kaya hindi ako kinakabahan pero pagdating ko dito wala daw sila non meron sila epidurals pareho po ba un?sabi ng mga pinay dto iba daw yung panganganak dito..mdyo kinakabahan na din last check up ko 2.7 kls na c baby tapos sabi dadagdag pa daw ng 1kilo ..magalaw na rin c baby mnsan nga pag gumagalaw sumasakit yung puson ko tapos parang nafefeel ko siya don sa private part ko..natatawa nga ako kasi kala andon na siya.. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: weddingsingermom on April 11, 2012, 12:20:43 am
Hello! Ask ko lang kung normal bang manasin sa 34th week? This is my third pregnancy, gusto ko lang malaman pano mawala pamamanas ng paa kasi first time ko naranasan to, never kasi ako nakaranas na manasin dun sa unang dalawang anak ko. Sabi kasi nila masama daw pag minanas e, dedma ko lang nga yung sabi nila wag daw tulog ng tulog kasi mamanasin ngadahil palagay ko nga hindi naman ako mamanasin pero eto, naexperience ko. Ilqng days nalang 35 weeks na ko, only 3 weeks to go before my scheduled repeat cesarean (third time na kasi). Regarding tulog ng tulog, hindi naman masyado, madalas lang nakaupo ako kasi nabibigatan ako kay baby ang laki niya kasi compared sa mga ate niya. Thanks!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Maya Ranario on April 19, 2012, 10:36:10 am
paulit ulit ang sakit ng tiyan, kakaibang sakit at may blood..
Title: onwards 40 weeks wala pa ring contractions, stress na ako
Post by: missheizy on April 26, 2012, 11:49:54 am
Mga moms, nakapag-linis, mop, walk ng walk, tagtag just to have my dilation, stress na ako, halos lahat nagtatanong kelan ako manganganak, alam niyo yun, 39 weeks and 3 days na ako, still wala po, just masakit lang yung around my femfem. :-[
Title: Re: onwards 40 weeks wala pa ring contractions, stress na ako
Post by: kurdapya101 on April 26, 2012, 01:06:02 pm
ganyan din ako nun wag ka alala lalabas din yan mami...
Title: Re: onwards 40 weeks wala pa ring contractions, stress na ako
Post by: mylittlegabriel on April 26, 2012, 02:58:42 pm
i gave birth on my baby on exactly my 41st weeks...nako ganyan ganyan din ako, nakkapressure kc lahat nagtatanong, and on your part gingawa mo naman lahat ng exercise and ng advice ng OB, eh ano magagawa naten kung hindi nagkocontract diba, hehe!! just patiently wait..pero probably iinduce kana  nyan kapag 41st week mo wala pa din contractions kc ang fallback nun if makapupu si baby sa tyan..ako in-sched na for induce kc nga 41st weeks na, pero nung araw n un bago pa ako induce eh nagcontract na.. :)

what is important is mailabas mo sya ng healthy and safe kaung mag-ina after the delivery..goodluck and godbless sis and your baby! :)
Title: Re: onwards 40 weeks wala pa ring contractions, stress na ako
Post by: mommycynthia on April 26, 2012, 04:56:42 pm
same here, i am on my 39th weeks already. due date ko on May 2, still ala pa dn signs of labor. naglalakad lakd ako every morming..pero ala pa dn.. nagcocontract tian ko, pero di naman consistent. sabi ng OB ko if ngkita pa kami this SAT, request sha ulit ng UTZ then bka induce na ko. nakakainp n nga dn, panu lahat dto samin naiino dn.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Mrs. Anderson on April 26, 2012, 08:03:51 pm
Topics merged.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: cold_heart on May 14, 2012, 08:24:10 am
hi po! 29 weeks palang ako.. kailangan ko na po ba maglakad lakad? or delikado pa po? ako din po natatakot na nae-excite. hindi kasi ako yun marunong mag tolerate ng pain.  ;D natatakot ako baka umiyak ako sa loob ng DR.  ;D

buti pa yun isang mom active si baby. sa akin kc mild lang yun kilos niya. yun parang nipopoke lang yun tyan ko ng mahina. nakakabahala kasi minsan ang active ng baby boy ko sa loob halos nagwewave na yun tyan ko minsan naman super tahimik niya.

totoo po ba na delikado manganak ng 8mos kesa sa 7mos??  :(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ysLim on May 14, 2012, 02:01:56 pm
^ walking exercise is safe throughout pregnancy naman puera na lang kung high-risk ka o you were advised against it by your OB.

pero kung ang aim mo ay maglakad-lakad to induce labor, eh masyado pang maaga. ask your OB when you should start walking to induce labor. maybe 2weeks before your expected due date. 

read more here: How to Walk to Induce Labor (http://www.ehow.com/how_5332433_walk-induce-labor.html)

totoo po ba na delikado manganak ng 8mos kesa sa 7mos??  :(

i heard this sa MIL ko. i think pamahiin lang to. mas maganda parin full term si baby.

think positive sis. because of your question, naiisip ko tuloy na gusto mo ng mag-induce ng labor now that your 7mos pa lang kasi takot ka for your baby. if pakiramdam mo you're undergoing preterm labor, call your OB right away.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: cold_heart on May 14, 2012, 09:55:45 pm
thanks po sa reply.

i see too early pa pala.  ;D

actually gusto ko talaga na full term na saka sya lalabas. pero kasi sabi ng tita at MIL ko mas malaki daw chances ng 7mos pinanganak kesa 8mos. nakakatakot naman kung ganon. 7mos pa naman ako ngayon sa first baby ko. sana ay ma complete namin ni baby without having any problems.

Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ysLim on May 17, 2012, 06:26:32 am
^ganyan din ako dati, natatakot na baka di maging full term tapos hihirit pa si MIL na delikado daw manganak ng 8mos.. etc. wag mo na sila i-mind sis. they're only stressing you out at binibigyan ka nila ng rason para matakot which is not good. just enjoy your pregnancy. i-enjoy mo yung panahon na nasa tummy mo pa si baby at kasama mo sya lage kahit saan ka pumunta, kahit sa banyo.  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: cold_heart on May 18, 2012, 08:34:27 am
just enjoy your pregnancy. i-enjoy mo yung panahon na nasa tummy mo pa si baby

thanks sis! kinakausap ko nga si baby na wag muna lumabas pag nag full term na cia at time na saka siya lumabas.  ;D oo nga enjoy ko na at bka mamiss ko yung pag galaw galaw niya sa loob ng tyan ko  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: miel31 on July 24, 2012, 05:27:32 am
I'm now on the 33rd week of my first pregnancy... last week nagstart akong nahirapan maglakad, at parang bumubuka yung cervix ko... malapit na kaya to? wala naman akong discharge na mucous so tingin ko safe pa ang panubigan ko... iika-ika ako maglakad lalo na pagkagaling sa matagal na pagkakaupo at pagkakahiga...
nagwowork pa din ako at sana hanggang aug. 24 kaya pa... sana wag muna lumabas si baby... kahit 4weeks pa nalang. :) gusto ko pa kasi magwork para mas madami yung budget... mahirap sumakto lalo na ang kapusin sa Big Day.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: graciemie on July 24, 2012, 09:34:43 am
Hi Sis miel31 ako din I worked until my 38th week na 3cm na pala ako and mega lrt at lakad talaga ako, ganyan na din nafefeel ko nun sobrang sakit maglakad at mabigat parang lalabas na, pero weekly naman ang visit ko sa OB ko kaya nasasabi niya if open na cervix ko, be careful lang. NSD ako kasi sobra daw ako tagtag at di ako masyado nag-gain ng weight. Saka bilin ng OB ko lagi pakiramdaman if iba yung sakit sa morning, kapag ganun wag na umalis ng bahay. Sayang din kasi yung ML db? Goodluck!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: miel31 on July 28, 2012, 02:37:15 am
^ako din, mega LRT at MRT to and from work. kaya tadtad din siguro kakalakad, akyat-baba pa sa hagdan...
tama, sayang ang ML, syempre gusto natin na masulit yung bakasyon with our babies. sobrang bagal ko na maglakad, at iika-ika, masakit na kasi sa singit. para akong nagjogging ng walang warmup. checkup ko mamaya... i will let my OB know para mawala yung mga tanong ko...  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mommylovesarmil on July 28, 2012, 03:02:58 am
sharing..

I remember nung malapit na ko mag give birth 2 days before it may discharge na ko na clear na jelly then a day before it naging brown na sya. never felt any contraction back then pero super nangangalay na back ko. then nung pumunta kame ng hospital just after I discovered na brown na yung parang jelly na discharge I found out na 4cm na ko. medyo natagalan ako mag labor kasi it was 3pm nung 4cm then kinaumagahan pa ko ng 7:38am nag give birth.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: tsukino4 on July 28, 2012, 10:47:46 pm
I'm now on the 33rd week of my first pregnancy... last week nagstart akong nahirapan maglakad, at parang bumubuka yung cervix ko... malapit na kaya to? wala naman akong discharge na mucous so tingin ko safe pa ang panubigan ko..

wahhhh natakot naman ako 30 weeks na ko baka masakit yung feeling na parang bumubuka ang cervix awww.. pero excited na ko lumabas si baby.. 7 weeks na lang or 10.. maaga pa ba para mag ayos ako ng nursery bag?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: miel31 on July 31, 2012, 03:40:33 am
^haha, first baby mo din sis? andaming discoveries sa katawan naten pag nagbubuntis no? nakakatuwa. :)
sobrang hirap na maglakad.. para akong penguin. iniisip ko nalang hinahanda na ko ng body ko para sa labor at paglabas ni baby. kung masakit to, siguradong mas masakit yun. yikes!

sabi ni OB, kaya daw parang namamaga yung feeling ko dun sa private area at mahirap at masakit maglakad e dahil sumisiksik na daw dun si baby, at naghahanap na sya ng lalabasan...  ;)

regarding sa pagre-ready ng nursery bag, tingin ko, ok lang na magprepare ka na. based kasi sa mga nabasa ko dito sa forum, hindi mo masasabi kung kelan sya lalabas... ako 32 weeks nung nagprepare ako ng gamit... :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: tsukino4 on July 31, 2012, 09:29:54 am
oo sis para na kong penguin haha natatawa nga ako eh sana mag september or october na para malabas ko na si baby excited na talaga ko.. saka ang inet kasi talaga sa katawan pag buntis saka inaasar na ko ni hubby na pangdalawang tao na daw ang hita ko grabeti!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: miel31 on August 01, 2012, 03:08:11 am
^ako din!!! napansin ko lang na lumaki yung hita ko. :( pareho pa din naman yung activities ko ngayon tsaka yung bago ako magbuntis kaya nagtataka talaga ako kung pano sya lumaki...
naku i-enjoy na natin yung time bago lumabas si baby. hehe. di ko na masosolo si hubby, at mapupuyat tayo ng bonggels. nakakaloka magbuntis... ako minsan gusto ko na sya ilabas, minsan ayoko syang ilabas dahil mamimiss ko yung galaw niya.  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: celica on August 06, 2012, 11:07:03 am
i had swollen hands, feet, legs and even my face  :D
i had a clear discharge just like when we're fertile and more regular contractions.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mommy irene on August 06, 2012, 12:03:09 pm
^ sis celica, pakiramdaman mo yung contractions, if medyo madalas na, go ka na ng hospital baka kasi Big day mo na.. mahirap kasi mag speculate.. ilang weeks ka na ba?.. if may mga discharge ka, tell your OB para masabi niya kung ano na yung sign na yun..

swollen face, hand, feet & legs?.. sis, wala ka bang complications during your entire pregnancy?.. kasi baka ma-eclampsia or pre-eclampsia ka niyan kasi dapat kung mamanasin ka, at least during the last tri na ng pregnancy mo pero not until umabot sa face, usually kasi sa paa kasi nga dala ng bigat ni baby.. better ask your OB noiw..

take care & god bless!!!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: zandmari on August 10, 2012, 11:20:07 am
hello mga mommies... :) :) :) :)

share ko  lang din..ako din hihi na maglakad. im on my 32nd week..akala ko akolang yung nakakaexperience nito.pakiramdam ko malapit nako lumabasa si baby.. eh may almost 8 weeks pa sya dapat sa tyan ko.. regarding dun sa namamanas...ang manas ko nasa kamay.. naeexperience nyo rin ba yung pagkagising sa umaga na ang hirap close ng hands.. yun kasi naeexperience ko ngayun...ang hirap din mag grip...

ingat po sa ating lahat mga mommies
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: honeyazzan on August 11, 2012, 05:26:59 pm
HI mga sis!!

I'm just on my 29th week. Pero I can feel na mabigat na si baby sa may private part. Is it normal? Parang naiisip ko sobrang aga. Hindi naman talaga ako tagtag because I don't work. Pero marami akong lakad eversince. I'm afraid baka maaga lumabas si baby. Is there something I can do now? Thanks
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: honeyazzan on August 11, 2012, 05:30:34 pm
hello mga mommies... :) :) :) :)

share ko  lang din..ako din hihi na maglakad. im on my 32nd week..akala ko akolang yung nakakaexperience nito.pakiramdam ko malapit nako lumabasa si baby.. eh may almost 8 weeks pa sya dapat sa tyan ko.. regarding dun sa namamanas...ang manas ko nasa kamay.. naeexperience nyo rin ba yung pagkagising sa umaga na ang hirap close ng hands.. yun kasi naeexperience ko ngayun...ang hirap din mag grip...

ingat po sa ating lahat mga mommies


 yes. I can feel that as well. wala akong manas. but my fingers are painful kapag icclose ko.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: wandergirl_turn_mom on August 13, 2012, 05:45:54 pm
I'm on my 35th week. Natatakot ako manganak before my 39th week. Kasi sa 1st baby ko, 40th week talaga siya lumabas.

Kaya lang may mga friends ako na nanganak pero nasa 37th week pa lang.

On my first baby, akala ko April 24 ako manganganak pero 3am ng April 16 sumasakit na yung balakang at likod ko. Tapos 9pm pumutok yung waterbag ko. April 17 2:44am lumabas yung baby.

Ngayon naman, bumibigat na yung tyan ko pero hitik naman ako sa exercise sa mga overpass ng Alabang. At sumasakit na rin yung likod ko. Nahihirapan na rin ako kumilos o magpalit ng pwesto pag natutulog. Sana talaga umabot naman ako ng Sept 15. Sayang din kasi yung cut-off na yun gusto ko pang sumahod dun. Pampadagdag din yun sa gastusin habang naka ML ako.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: miel31 on August 14, 2012, 04:57:38 am
base sa mga officemates ko at sa mga nababasa ko, usually talaga namamanas pag malapit na manganak...
luckily hindi maga yung kamay at paa ko. medyo tumaba ng konti lang kasi if i'm not mistaken, mas nagreretain ng fluid yung katawan naten... kung manas talaga, i-elevate daw yung paa at uminom ng madaming water at bawas sa maalat, :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: honeyazzan on August 14, 2012, 10:09:28 am
sabi ng OB ko. ang water retention at possible na manas ay sa kamay. Usually, you will feel the pain in your fingers morning when you wake up kasi nakahiga ka, so ang tendency sa kamay talaga water retention. kung marami ka namang lakad, bumababa ang water sa tubig. she advised me na lang to exercise my fingers pag gising para bumalik sa normal sa buong araw. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: tsukino4 on August 24, 2012, 10:34:34 am
excited na talaga ko manganak para makita ang first baby ko aweeee.. sana 37 weeks manganak na ko im so excited kahit masakit bahala na makita ko lang ang baby ko.. mag 34 weeks na ko sa monday yehey!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: tsukino4 on August 25, 2012, 12:47:26 pm
october 8 ako mag 34 weeks sa monday..
nafefeel ko mga mommies na parang may lalabas sa pwerta ko.. ano ba yun? di naman si baby pero parang mawiwiwi tapos biglang mangangalay isa kong hita.. pero wala pa naman nagleleak.. ilang days ko na kasi siya nafefeel baka manganak ako ng maaga.. panay tigas na rin ng tummy ko pero di naman masakit sa palagay nyo ano yung nafefeel ko?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: -joanamber- on August 26, 2012, 09:42:29 am
Ako naramadaman ko nung malapit na ko manganak sumasakit yung puson ko, kala ko napupoopoo lang ako kaya punta ko ng punta ng CR. Tapos after ng ilang balik ko sa CR nakita ko may dugo na sa panty ko. Labor pain pala nararamdaman ko, kaya tinakbo na agad ako sa Lying-in dun na pinutok yung panubigan ko.

Buti nalang di lumabas si baby nung umiiri ako sa CR. hehe. :) Yung labor pain kasi sa simula parang sakit lang sa tiyan, patagal ng patagal pasakit ng pasakit.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: prettyhazel on August 29, 2012, 04:01:28 pm
mga mommy , bago kayo maglabor anong mga gamot po pinapainom sa inyo ng OB nyo?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: almirafe on September 14, 2012, 08:26:09 am
hi mga mommies! Sino po dito nka-try ng eveprim ba yun? Pwede ba syang bilhin over the counter? Im due na kasi next weeks and advise lang ng ob ko is to walk more which is what im doing. Gusto ko na kasi manganak dahil sayang ML ko....... Any other advice para mapadali ang labas ni baby?thanks mga mommies!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ANNE888 on September 17, 2012, 04:34:04 pm
hello! im 37 weeks n 3 days na pero wala padin akong nafifeel na contraction.. normal lang b yun?location ng placenta ko posterior grade2, malayo pa b yun?  excited na kasi ako eh...  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: miel31 on September 19, 2012, 09:52:42 am
alam kong manganganak na ko nung lumabas yung mucous plug ko nung nagwiwi ako. true enough, kinagabihan, lumabas na din si baby. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on September 25, 2012, 01:45:14 pm
sis miel31 ano ba ang itsura ng mucus plug? I'm on my 35th week now and napansin ko sa pagihi ko may somthing na lumilitaw na color yellowish white. Ang pagkakaalam ko blood tinge ang musuc plug db? Medyo worried lang kasi 2weeks pa before ako mag full term  :(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: andrealexis on September 25, 2012, 02:33:50 pm
On my 37th week na and 1 cm na ako today. Malapit na kaya un? Sabi doc ko I still have a week or two pa daw pero binigyan na niya ako pampalambot ng cervix. I'm scared na kase alam ko na pain and hirap ng labor since this is my 2nd pregnancy na. help me Lord.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: on September 25, 2012, 09:46:47 pm
sis buti ikaw binigyan nun pampalambot ng cervix? ako kasi hndi kahit 1cm nako at 37th weeks why kaya
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: andrealexis on September 26, 2012, 02:10:00 pm
^In preparation daw of labor. Para daw malambot na agad yung cervix and mapadali ang labor. I clarified nga if pampahilab ba to, hehe hindi daw. Pampalambot lang talaga. May idea ka gano ka pa aabutin niyan? Mdalas na sumasakit tummy ko though irregular naman. Feeling ko talagang pabuka na ng pabuka. I'm currently working eh kaya tadtad paren ako.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on October 16, 2012, 01:02:11 pm
i'm on my 38th week na, las week check up ko 37th week closed pa cervix ko and floating pa si baby :( So far ang nararamdaman ko lang is paninigas ng tummy na may kasamang pag kirot ng puson na parang pinupunit ang femfem. Paminsan minsan din ang pngangalay ng lower back ko, pero depending lang naman sa postion ko. Sana naman nag start na ako mag dilate, tomorrow pa ang nxt check up ko. I hope may progress. I want to see my Yuna na din kasi :D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 17, 2012, 10:37:00 am
i'm on my 38th week na, las week check up ko 37th week closed pa cervix ko and floating pa si baby :( So far ang nararamdaman ko lang is paninigas ng tummy na may kasamang pag kirot ng puson na parang pinupunit ang femfem.

Sis 38 weeks na din ako bukas. sabi ni OB last checkup ko close pa daw cervix ko and masikip daw so there's a possibility na ma-CS pero try pa din namin normal.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on October 17, 2012, 02:13:49 pm
^ sis babyrhye sa akin naman sabi ni OB borderline daw meaning hindi siya kalakihan pero dahil daw maliit lang si baby baka makaya pa ng normal. Sana sis makaya pa natin ang normal. Gusto ko maalagaan na kaagad si baby pag naiuwi na sa bahay. Mas matagal ang recovery sa CS kaya todo pray talaga ako kay God na normal mailabas si baby ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 17, 2012, 06:06:35 pm
^ sana nga sis, kakatuwa andami ng nanganak na kabatch natin, hehe.  Kakauwi ko lang nga ngayon , naglakad pa talaga ko kahit hapon na.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on October 19, 2012, 08:23:41 am
^ ako din sis todo sa walking, pumapasok pa nga ako sa work hehe. next week na ako mag start ng leave ko. Last chechk up ko nung Wednesday, 1-2cm na open ang cervix ko ;D binigyan ako ni OB ng evening primrose oil capsule pangpalambot daw ng cervix. 2x a day siya i-take. Sana nga lumabas na mga babies natin.

After ko nga ma IE may blood na nakita si OB so expect daw ng spotting. Ayun nag spotting nga ako hanggang kahapon. Tapos the night after IE nakaramdam ako contractions, from puson papunta sa tiyan at sa lower back :o Pabalik balik yung contractions, kala ko nga mnganganak na ako kaso nawala din kinaumagahan ::)

Nakakaramdam na din ako ng contractions kung matagal naglalakad, sana malapit na nga lumabas si baby Yuna ko ;D Take care mga sis na tulad ko nasa waiting game ngayon :D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 19, 2012, 08:59:18 am
Nakakaramdam na din ako ng contractions kung matagal naglalakad, sana malapit na nga lumabas si baby Yuna ko ;D Take care mga sis na tulad ko nasa waiting game ngayon :D

Ako sis yan pa lang nararamdaman ko yung may sumasakit kapag tumatagal maglakad, parang may nai-stretch sa bandang pelvic area tapos mabigat, discharge na nga lang hinihintay ko para go na ko sa hospital pero wala pa din saka hindi pa naman continous ang contractions ko.Sana lumabas si baby before Nov.1. hehe
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on October 19, 2012, 09:03:59 am
^ oo nga sis yun din inaalala ko yung Nov 1 ;D Sana nga next week manganak na tayo. Kelan next check up mo sis? Baka open na din cervix mo. Ako after IE kasama sa spotting yung mucus plug ko, blood tinge na siya.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 19, 2012, 09:09:29 am
^ hindi na ko binigyan ng schedule para sa next checkup ko, last checkup ko nong tuesday at sabi ni OB basta daw may maramdaman ako na kakaiba punta na daw ako sa hospital kasi anytime pwede na nga daw talaga although last checkup ko closed pa cervix ko. Ang due date ko pa naman based sa earliest U/S ko Nov. 2, wag naman sana :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mamits24 on October 19, 2012, 09:45:10 am
hi mga sis ako din waiting nalang..actually base sa u/s ko ngayon ang due date ko pero as of now walang hilab or kung ano man except kagahapon parang maghapon siyang naninigas nabwisit kasi ako hehe..pero walang bleeding or kung ano man... kaya bukas itry ko magpacheck up syempre ayoko din maover due si baby at ayaw ko umabot ng november mahirap na at prone sa infection at syempre undas hehe
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 19, 2012, 09:49:31 am
^ due date mo na sis? ilang weeks ka na?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on October 19, 2012, 10:54:42 am
Ang due date ko pa naman based sa earliest U/S ko Nov. 2, wag naman sana :)

naku sis babyrhye may nabasa ako thread dito sa SP na if holiday double ang expense sa private hospitals :o dapat talaga lumabas na si baby at wag sana mapatarget sa holiday. Oct.26 declared holiday panaman, at nandyan pa ang undas na Nov.1&2 :'( baby Yuna labas ka na ha, wag lang sa mga dates na yun  ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 19, 2012, 11:05:29 am
if holiday double ang expense sa private hospitals :o  Oct.26 declared holiday panaman, at nandyan pa ang undas na Nov.1&2 :'( baby Yuna labas ka na ha, wag lang sa mga dates na yun  ;D

wow hindi ako aware don ah, so dapat pala talaga lumabas na si baby. Ano meron ng Oct 26 sis?? hindi ako updated sa mga holidays, hehe since nagstop ako from work.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on October 19, 2012, 01:44:34 pm
^ Eid'l Adha, yung cinecelabrate ng mga Muslims. Dapat talaga labas na si baby natin. I hope next week ;D
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 22, 2012, 09:15:10 am
^ sis may progress ka na ba???
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: yangmei on October 22, 2012, 03:20:40 pm
hayss grabe ang sakit ng down there ko pag gumigising ako at naiihi... kung pwede lang wag uminom ng tubig lalo na sa gabi konting tiis pa.. sign na rin ba toh ng labor? Nung first pregnancy ko kase ang sign ko naman nun para akong binabalisawsaw 3 days after kong mag give birth,..yung iihi ka tas ang konti ng iniihi ko..  ngayon naman pag naiihi naman ako tsk naman sumasakit  :(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: babyrhye on October 22, 2012, 03:26:52 pm
^ sis ilang weeks ka na. Same din sakin masakit na down there saka mabigat na yung pressure.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: yangmei on October 22, 2012, 03:44:41 pm
37weeks na ako kaya pwede na talagang manganak...  kaya lang nung nagpa check-up ako last thursday wala pa sa canal yung baby pero nka pwesto na daw cephalic position na...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: miel31 on November 07, 2012, 05:19:48 am
^sis baby rose li, slimy yung mucous plug e na colorless.. medyo may tinge of blood. kamukha sya nung hymen na natatanggal pag first sexual intercourse mo.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: baby rose li on November 08, 2012, 07:21:52 pm
From Smart Parenting:
free parenting seminar for parents with kids 3 years old and above. Presented by Smart Parenting and Nido happening on September 28, 2019 (Saturday). To join:
1) Click HERE to register for free (https://www.smartparenting.com.ph/events).
2) Check your email and bulk mail for confirmation letter from Smart Parenting.
3) Reply to the email confirmation to reserve your slot.
(https://i.ibb.co/XzhnGMG/IMG-34742d0a3f892ac3e701f73997f155f5-V.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/events)


Gave birth last October 24 via CS. Oct. 23 morning nakaramdam na ako ng mens like cramps sa puson and may regular intervals. Oct. 23 ng gabi may scheduled chech up ako and after check up di nako pinauwi ni doc. Inadmit na ako and for trial labor magdamag kasi nga regular na contractions ko pero hindi pa bumaba si baby. Sabi ni doc check hanggang umaga at kung hindi bumaba si baby CS na daw dahil maliit daw ang pelvic bone ko.

Magdamag ako naglabor, masakit talaga ouch :o by morning 4cm na ako pero hindi padin bumababa si baby kaya ayun CS ang kinalabasan hehe.


(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=12609).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: IanAndDina on December 08, 2012, 06:32:58 pm
Mga sis help naman, masakit na parang nangangalay yung balakang ko, tapos naninigas din yung tyan ko and para akong natatae, pero wala naman, tsaka wala pa kong spotting o kahit pagputok ng BOW, 38 wks and 4 days ako ngay0n, medyo msakit na yung nraramdaman ko, kelangan ko pa b i.wait na may lumabas sken?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: zee18 on December 16, 2012, 12:09:17 am
Mga sis how can u tell na nsa birth canal na c baby? Tska nranasan nio na ba na parang may tumutusok sa singit at parang may pumipitik pitik sa bndang lower abdomen? Dq nransan to sa pnganay q cs kc ako non ngaun sana mag try ako vbac. Di pa ako nkkpunta sa ob q eh. :(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: jinne23 on January 08, 2013, 03:45:30 pm
hello mga mommies...i"m new here. :) 37 weeks na ako ngayon sa thursday nanext check up ko..last check up ko sabi ng OB ko 2-3 cm na daw ako kaya pinatake niya ako ng Eveprim isang beses lang sa isang araw..excited na ako makita si baby..may mga nararamdam ako like paninigas ng tyan,sumasakit bandang taas ng tyan ko tapos minsan parang may kuryente sa pempem ko..sign na ba un na manganganak na ako....?Fist baby  ko kasi to kaya medyo kinakabahan ako help naman.... :) :)
namamanas din yung paa ko..natural lang ba un?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Aerielle on January 23, 2013, 12:11:10 pm
37weeks dn ako nun nanganak... edd ko ay jan 23 pero dhil d ako pwede mg lbor nk sched me for cs ng jan16... kasi nun ngpceck up ako ng jan 3 inadmit n ko... at cs nun gbi... before that... jan 2 ng gbi d ako mktulog then weeks before that prng mbigat n mxdo un tummy ko taz feeling n nangangalay un ilalim ng tyan... :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Jhanna Dane on February 24, 2013, 12:51:51 am
elow mga mommies  ;) im 8months preggy na po ds march 27 due ko na.. woried lang ako kce auko ma CS.. base sa mga nbbsa ko po sa mga post ng iba kht anong gwing lakad marathon nauuwi pa din sa CS  :( ako po kce every mornin sumsbay ako ng gcng sa asawa ko pra mag brekfast, after bfast lkad konte, taz take ng vitamins.. sa folic asid en yung vit C ko.. after nun hhga na po ako pra mag rest then mag slip ako 2-3hrs ok lang ba un mga mommies? kce pag sa gabi de talaga ko mka slip eh.. parang nsanay na nga po ko na de mktulog sa gabi.. :( kaya sa mornin ako bumabawe ng tulog.. tpos ds past few days po ang bgat na talaga ng tyan ko,tpos db side ways po tau mtulog grbe hirap talaga ko tumagilid sa kbilang side naman kce ang bgat bgat niya pati pag bngon ang hirap na din..tpos ang likot likot na po niya sobra mnsan nga po ngugulat nalang ako bgla cia sisipa ng mlkas tpos papunta sa my pepe parang maiihi na ko :( normal lang po ba un? first time mommie po kce ako en de talaga ko ngkaron ng tintwag nila na paglilihi 6months ko na nga po nlman na preggy ako kce wlang symptoms.. sana nga po de mkaapekto sa baby ko un bisyo ko before.. sana healthy siya pag lbas niya :(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Nanay ni Liam on February 24, 2013, 01:41:40 am
Nakaka-kaba na nakaka-excite na nakaka-takot ang pag-anticipate kung kelan lalabas si baby noh?
Im on my 37th weeks and 2 days. First time mom-to-be. Any moment from now hindi pa ganun kalinaw kung ano ieexpect ko to determine if nala-labor na ako   :(

Eldest sis ko kasi via scheduled cs, 2nd sis ko nauna pumutok panubigan  at hindi nag-contractions kaya induced labor sya, 3rd sis ko naman cramp-like pain daw and kahit patawanin ka, di ka na matatawa kasi sobrang sakit. Now, my turn na... Hindi kasi ako nagkaka-dysmenorrhea kaya dko lam yung pain na yun tapos im alone sa house kaya dko din alam yung sabi ng sis ko na dika matatawa kasi wala naman magpapatawa sakin.

Sabi ni MIL pag daw may sudden gush of fluid na parang wiwi na wala kang control + blood sa underwear at sumakit ang tyan signs na yun na manganganak na. Pero ang tanda ko na itinuro sa school nun, kapag lower back pain na ang masakit at regular contractions na sa una every 10mins then pakonti ng pakonti yung interval ng onset ng contractions, ayun mangangaanak ka na. Ang dilemma ko lang, baka mataranta ako at dko na maisip yung ganun kapag sumakit na tyan ko. Waaaaah! Nawawala kasi ako sa disposisyon when in pain kaya i instruct hubby to do stuff na baka dko na maisip. Kaya lang ang sabi ng nakararami mas natataranta daw ang mga daddies kapag manganganak na. Waaaah! Pray pray tayo mga mommies  ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mommy.melai on March 21, 2013, 08:01:22 am
sa 1st pregnancy ko na-experienced ko yung mucus plug then contraction.. sakto check-up ko rin that day na may lumabas na mucus plug... pero pinauwi pa ako ni ob kasi 1cm palang daw pero sabi niya nasa akin daw kung gusto ko ng magpabiyak (kasi scheduled cs ako) or wait ko na lang yung gusto kong date.. mga 4 days na lang yun na yung pref date ko..sabi ko sa ob wait na lang pref date.. pero nung gabing yun after kong mag midnight snack biglang ikot ng ikot si baby sa tummy ko.. tuloy tuloy yung ikot niya... una hindi siya masakit pero habang tumatagal ayun na nakakaramdam na ako ng sakit... tiniis ko siya from 12 to 4 ng madaling araw.. pero past 4 di ko na matiis sakit kaya nagpadala na ako hospi.. pagdating hospi 6 cm na pla... so agad agad na ako biniyak kasi di kakayanin lumabas ni baby maliit kasi sipit-siptan ko. before 6am nailabas na si baby...

sa 2nd pregnancy ko naman, may blood sobrang dami para akong merong mens pero wala akong pain na nararamdaman.. tas pinapakiramdaman ko si baby hinihintay kong gumalaw kinakausap ko tas tinapatan ko na ng music wala pa ring galaw kaya punta na agad kami hospi.. pagdating sa hospi kala ni ob spotting lang, pero nung nakita niya underwear ko daming blood.. kaya agad agad na ako biniyak. ayun ok naman si baby nung lumabas..

ngayon sa 3rd pregnancy ko, 33 weeks na ako.. pero ok naman wala pa namang sign...

iba-iba rin talaga mga signs ng mga mommies na malapit na manganak.. pakiramdaman na lang yung sarili.. always pray lang.. goodluck sa atin...  :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Aerielle on March 24, 2013, 11:00:24 am
@jhanna dane
yung mga na eexperience mo ay signs na malapit ka n nga mnganak few days or week nalang. goodluck sis
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pink_mommy0427 on April 18, 2013, 08:25:14 pm
Hi everyone! second pregnancy ko na ito at I'm on my 39th week na pero wala pa akong nararamdamang contractions o maski anong signs man lang na malapit na akong manganak except lang sa masakit ang pempem ko lalo na pag nakahiga ako at mag-iiba ng pwesto. naiinip na kasi ako, gusto ko nang lumabas ang baby, gusto na namin xang makita  :-\.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pink_mommy0427 on April 20, 2013, 10:08:54 am
nung first pregnancy ko kasi, 3 days bago ako manganak lumabas na mucus plug ko at may lower back pain na. pero ngaung second pregnancy ko, 39th week ko na pero wala pa talaga akong nafi-feel na contraction, edd ko sa april 23. manas na rin mga paa ko pati kamay  :-\
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: yuki08 on September 07, 2013, 09:18:41 pm
hi mga mommies first time ko po mg post dto.. im 37 wks knina kgagaling ko lang po sa ob q IE niya q 1cm n daw me natural lang po ba na hanggang ngyun my dugong lumalabas sa vajayjay ko? 1st time ko po kc..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: charlottecate on October 07, 2013, 08:26:16 am
good day po mga mommies! due date ku n po this oct.14,ilang days nalang po edd ku n,mnsan nkakarmdam n ku ng sign n mlpit naku mnganak, png 4th ku n po ito yung 3kids ko po nauna lahat un induce.. iniicp ku lang po ngaun pregnancy ku halos aabot n s due date,my mga sign naku n mlpit n ku mnganak pero yung pains wala p ee,ok lang po b un? dp ko bumablik s ob ku for check up,gusto ku kc kusa nalang sumakit pero wala png pains..
mas more po ang nerbyos ku ngaun kc alm ko n kung gano kasi mnganak..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Carley Ayesha on November 07, 2013, 10:30:58 am
Hi mga sis! 36 weeks and 3 days ako now. Super inip na ko  :( Gusto ko na makita baby girl ko. Actually 2nd baby ko na to. My 1st is 3 years old. I'm turning 24 now (sa Nov. 21) Mukhang inaantay pa ata ni baby birthday ko.


Experience ko sa 1st ko, madaling araw around 4am nagising ako, basang basa yung kama ko. Ako lang mag isa kasi nagwowork husband ko and kailangan niya mag stay sa house nila para tipid sa pamasahe. Tapos mayat maya gising ko kasi para akong naiihi na hindi ko naman gusto. Dedma lang kasi wala pa ko idea nun so tulog muna ko ulit.


Nagising ako around 7am, same parin. Mayat maya ako sa Cr, then sinabi ko na sa mom ko. Tatawa tawa pa ko kasi di masakit. So sabi ko mga after lunch samahan niya ko pacheck up.


Mga 2pm nag ready na ko, bigla ko naisipan mag shave at mag poop, trip ko lang (buti nalang ginawa ko)  wala pa kong kagamit gamit kasi di ko alam yun na pala yung big day. As in sarili ko lang dala ko and my mom kasi nga check up lang talaga nasa isip ko. From our house, naglakad lang kami papunta sa Lying In (Well-Family) so mga 30-45 mins of walk. Wala ko nararamdaman habang naglalakad kundi basa lang talaga panty ko.


Pagdating dun check up na, gulat yung OB and ask niya "hindi ba masakit?" I said "hindi po." Sabi niya "ang galing naman, manganganak ka na ngayon" Forgot ko na how many cm ako that time kasi nga 1st time mom ako then di pa ako mahilig magbasa that time.


Since nag leak na yung waterbag ko e dineretso na ko agad sa delivery room. Pinahiga na ko at bumukaka don. Nag picture picture pa kami at nakangiti pa ko with matching peace sign, haha!  ;D Wala parin masakit. Dumating husband ko, tumawag pala sya sa bahay. Ang sabi ng dad ko manganganak na daw ako kaya nag undertime.


Then they found out na di pa totally break panubigan ko. So pinutok na nila. at AGUY ! Dun na nagsimula ang sakit. Sobrang sakit pala nun, mataas ang pain tolerance ko pero after nun all i could remember e tawag ako ng tawag sa mommy ko. "Mommy! Ayoko na! Papainless mo na ko! Di ko na kaya! Arayyy!" yan mga nasasabi ko, imbes na husband ko tawagin ko e dun ako nakakapit sa mommy ko.  :P Too bad late na for painless kasi lalabas na sya.


Kakaiba yung sakit grabe talaga, di ko maipaliwanag. Yung hilab e daig pa nag LLBM ng 10x. Maliit daw sipit sipitan ko kaya ginupit which is di ko naramdaman. Habang in pain ako, yung nagpapa anak sakin pati mga aid niya e nagchichismisan pa! Langya, pinag uusapan yung kukunin nilang cp plan sa sun cellular, hehe!  ;D Natagalan ako sa pag ire kasi di ako marunong, so dinaganan tyan ko nung isang midwife. Hindi naman ako makahinga. After last push, mga 7pm na yun ayun lumabas din si baby Carley Ayesha. Nilagay sa dibdib ko, nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Totoo pala yun  :)


Nilinisan na sya, habang nililinisan sya e tinatahian naman ako. Ramdam ko yung bawat pagbaon ng sinulid at pag hila kahit may anesthesia na. Sakit! Tapos ng tahi pahinga konti then nilipat na ko sa room. Sinunod agad si baby sakin para mapadede, we stayed 2 days. Bago umuwi nag IE pa, tinignan kung maayos pagkakatahi. Grabe! Parang gusto kong tadyakan yung sumundot ng pepechu ko!  >:( After that umuwi na kami,


Now sa 2nd baby ko di ko pa alam mangyayari, i think mas mahihirapan ako kasi ang laki ng tyan ko now compare sa dati. Few days/weeks nalang lalabas na sya  ;)
Title: Signs ng panganganak?
Post by: arniianei on June 06, 2014, 09:42:00 pm
Hi po mga MOMMIES :)

first time ko po'ng nagpost dito :) #NEWBIE
marami na po kasi akong nabasang threads dito na super helpfull kaya naisipan ko its my turn naman humingi ng advice :D

Im on 35 weeks and 4 days pregnant. July 7 EDD ko but this past few days madalas na sumasakit yung lower belly ko or PUSON :( minsan saglit lang but there are times na ang tagal nyang mawala, hirap akong tumayo at maglakad bukod pa sa weight ng baby ko. Madalas na din ako umihi, kaht kakaihi ko lang maya maya naiihi na naman ako, nafefeel ko na rin yung backpain, balakang.. Pagka kasi sumasakit feeling ko nagsstart na ko maglabor.  :D
 Im super kinakabahan at super excited :D yung family namin at lalo na kami ni HUBBY gusto na namin mahug si baby :) naiinggit nga ako sa mga friends ko na nakapanganak na :) when they visit me aliw na aliw ako laruin at alagaan baby nila :D PRACTICE na rin :D
 My baby is GIRL pala :) and first baby ko po sya :)

 Thankyou sa mga magreresponse :) godbless :*.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: toughmom moderator on June 08, 2014, 12:51:01 am
Same topic merged.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: sherryyeah1 on June 18, 2014, 11:37:44 pm
hello mga mommies! first time ko lang magpost dito, so sana po may makasagot ng tanong ko.  :'( 40 weeks nako today June 18. pero di parin lumalabas si baby. masakit na yung bandang ibaba sa likuran ko. tapos sobrang naninigas yung tyan ko. sumasakit na din sya pero sa cr lagi bagsak ko para magbawas. sobrang hirap narin ako humiga lalo na pag mag iiba ng pwesto. ok lang ba na lumagpas yung due date ko and still di parin lumalabas si baby? worried na kasi talaga ako.  :'(
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: julia_18 on June 19, 2014, 08:49:07 pm
@sis sherryyeah1 nanganak ka na?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Nhazkie04 on July 14, 2014, 04:15:01 pm
Tanong ko lang po pag white discharge po ba ang lumalabas sign naren po ba yun nalapit na manganak ? 37 weeks and 2 days pregnant na po kc ako ngayun sumasaket naren po kc yung vajayjay ko at hirap naren minsan tumayo lalo na pag matagal nakaupo o nakahiga tapos madalas na din po tumitigas yung tyan ko ..FIRST TIME ko po kc to thanks ;)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: regie_abad on July 17, 2014, 01:09:24 pm
hellow po,, im 37 week npo sabi ng OB ko 1cm npo open yung cervix ko,, ask ko lang mga ilang days o weeks possible na manganak ako,, im very xcited na kc sa 1st baby ko.,
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: raiza0022 on July 18, 2014, 08:51:05 am
regie_abad - depende pa yun.. we can't exactly tell, pwedeng after 2 weeks pa bago ka manganak.. pero you can walk if you want na medyo mapabilis.. walking helps a lot kasi talaga.
or next week baka magreseta si OB mo ng something na pangpa efface and pang dilate. :)
good luck and have a safe delivery.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Nhazkie04 on July 19, 2014, 05:15:53 pm
38 weeks na po ako ngaun pero 3 days na po sumasaket at naninigas yung tyan ko madalas si baby sa right side ko tapos yung discharge ko medyo very light green po .. infection na po kaya yun ? o next time na makikita ko magiging red o brown naren po ba yun  at magiging sign na mlapit na ko manganak ??
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: pilyangsweet69 on November 04, 2014, 07:02:39 pm
hi! im a first time/teenage/single mom na napadaan sa topic na ito hehe. and as u guys all have been talking about mas lalo akong kinabahan sa ggwin kong normal delivery. :D im at my 34 now and feeling ko din maya maya na lalabas na ang baby ko.. it moves alot, pain is more eager and theres a lot of times of mild hilab.. can u tell me more about sa early signs of labour?  baka d ko alam mapapaaga pala ako wala pa akong preparation hehe. thanks mommies!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: lakan on November 09, 2014, 07:25:23 pm
hi mommies.. im on 40 weeks na pero no signs pa rin na malapit na ako manganak.. ayaw ako ics ng ob ko kc ok naman daw lahat ng results ko.. 1st baby namin to.. any suggestions? thank you :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: mommy_babe09 on November 26, 2014, 08:39:44 am
Hello guys i'm 37 weeks preggy and 34 weeks palang nag early labor na ko dahil sa u.t.i infection ko pero naagapan but untill now madalas pa ring sumasakit yung lower back, hanggang sa tummy ko, always akong nasa cr wiwi ako ng wiwi then parang may tumutusok na karayom sa puson ko naging normal na nga sakin ee kaya medyo worry ako baka pumutok na un BOW ko hindi ko pa alam.. last tuesday yung last check up ko 1.5 cm na daw ako at lagi akong my discharge..pano ko malalaman kung naglalabor na ko??
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Chichi0802 on December 28, 2014, 02:57:46 am
hi mga mommies.! bago lang pO ako ditO.. im 36weeks palang po.. and 2days na naninigas tiyan ko without pain.. pero pag gumagalaw c baby medyo masakit kc bumubukol sya.. nagigising nalang ako kapag naninigas sya kasi hindi ako makahinga..

normaL lang po ba yUn?? worried na kc akO ee..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Jhonalyn on January 21, 2015, 09:47:36 am
Hi po sa lahat...bago lang po ako sa site na eto, pero matagal ko na lagi binabasa lahat ng post nyo...due ko na bukas pero wala pa rin ako nafefeel na contraction until now...naninigas lang yung tiyan ko kasi magalaw c baby..tas yung private part ko din masakit parang may uti...gusto ko na talaga manganak..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: shea on July 04, 2015, 06:06:34 pm
Hi mommies, end of Sue date q July 17.help naman para sa paglabor 2nd baby q na..una grl,hindi ako pinutukan panubigan but,paglabor ako.ngaun naman baby boy,panay sakit tyan q my mga lumalabas n skin prng yellow or white minsan sadly nakaraan I was detect mataas u.t.I q..water therapy lang gsto q...paano ba kapag manganak baby boy ?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Eloisa Semillano on October 01, 2015, 04:39:18 pm
Hi mga mommies. Sana po may pumansin. i'm a newbie here. first time ko lang din magpost. i'm 31weeks pregnant. Ask ko lang sana, sino naka experience sa inyo na parang may pressure sa vaginal area, lalo pag mag change ng position pag nakahiga, pagtayo naman di maihakbang isang feet dahil parang may something na naiipit sa vaginal area. minsan kailangan ko umupo muna kasi nga masakit. Then just now, pag umiihi ako, parang may nagbububbles sa bandang puson. Signs of labor na po ba yun?
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Ivy Villamor on October 23, 2015, 02:29:29 am
Hi everyone. I'm a newbie here. 37 weeks na po ako ngayon and this is my first time of being pregnant. Ask ko lang po kung yung mga nangyayari sakin ngayon ay sign na ng malapit na panganganak. Hirap na po akong makatulog sa gabi, sumasakit balakang ko kapag tatayo ako mula sa pagkaupo, madalas akong maihi sa madaling araw, parang sumisiksik yung baby ko sa right side ko, hirap akong huminga pag nakahiga, at may white thick discharge po ako.
 Di po kasi ako sure sa due date ko kasi sa early utz ko po, december 22, sa lmp ko naman po, november 10. Kaya di ko po alam kung malapit na ba ako manganak o feeling ko lang to. Thank you so much in advance po sa magrereply :) really need your advice.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: JOVERLYN VILLANUEVA on October 28, 2015, 01:42:30 am
Hi soon to be mommy Ivy. Yes you're definitely there... signs na yan na malapit kana manganak. Pero don't anticipate anything ha? iba-iba kasi yan.. so wag masyadong isipin kasi it will eventually happen. Sign yan na malapit kana manganak, yes pero iba iba ang nangyayari kapag moment na ng panganganak mo. LIke for me sa panganay ko nag post term ako inabot kami ng 41 weeks. tapos wala akong any signs na manganganak. one day nagising ako medyo sumasakit ang tiyan ko then mawawala pero tolerable, mga 6am yun nakapag bukas pa ako ng shop namin then gradually nag increase yung pain and mas frequent kaya nagpunta kami ng hospital ng 11am, nag IE it turns out 1cm palang. Pero ng I bp ako ang taas ng BP ko so possible pre eclampsia kaya inadmit na ako then pinahilab tyan ko. 5pm lumabas si panganay. but with my bunso which is 1 month old now is a totally diff thing. labas pasok ako sa hospital kasi for the whole duration ng pregnancy ko e high blood ako unlike sa panganay ko. so eclampsia ako at na CS pa ako. my BP nung nag induce ng labor was 180/120.. tnry namin mag normal kaso inabot ng 8 hrs ang labor and sobrang in pain na ako tapos 3cm pa din si baby kaya we decided na Caesarian na ako.  nasa boundary ako ng pre term, kasi 2 more days nalang before ang 37th week ko, pinaabot lang namin ni doc kasi at risk kami ni baby dahil sa BP ko. ang dami kong iniinom na gamot nun tsaka vitamins kaya sobrang hirap. pero I'm hoping for the best para sayo mommy. God Bless
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: switestme on November 19, 2015, 09:22:08 am
Hello mommies... 1st time mom here.. Im on my 30 weeks na.. Pro ngkkaspotting ako ng bright red pero agd naman nawawala... Den the other day or week ganun ult.. Kakalabas ko lang from hospital tinurukan na ko ng steroids for lungs devt ni baby...

Manganganak na ba ako?Nttakot ako bka mpre mature c baby... Pero other than spotting wala na ako iba png signs of labor like cramps or yung contractions..

Nakakapraning na minsan, taz lgi cnsabi ng nanay ko relax lang daw ako.. Bka nsstress ako s kkaiisip nun...

Sana mkaabot kami ng full term ni baby😇
 
Anyone here na same situations like mine?!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: ediwowkendrick on February 18, 2016, 04:02:53 am
Hello po. 39 weeks and 1 day pregnant na po ako, 1/2 cm dilated na. Pero pinapainom po ako ng eveprim! 2 days ko ng iniinom, first baby ko po eto. Hindi ko alam kung malapit na ba ako? Pero laging nasakit likod ko at hirap na rin ako maglakad minsan, madalas natigas tiyan ko! Sana replayan niyo ako mga mommies.😪
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Kaydi Aala on March 14, 2016, 04:31:57 pm
Hello po! Newbie here! Hehe kabuwanan ko na sa March 31 un yung lumabas sa Congenital Anomaly Scan ko.. Pero un unang check up ko April 4 un due date ko kahit sa pregnancy apps ko hehe. Anyway last Sat po March 12 nagpacheck up ako bale 36 weeks and 5 days ko na un. iE ako ng Ob ko ang tingin niya po ay 7cm na ako. So after nun agad agad niya ako pinapa admit pero wala naman ako nararamdmang masakit sakin. Ang weird! Bat po ganun? Ngayon di po kami nagpa admit ayaw din ng parents ko kasi wala naman daw po sumSakit skin!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Jessica Atienza on April 15, 2016, 12:52:24 am
Hi mga mommies sana may makapansin pa nito. I'm 27 weeks pregnant and madalas na pong sumasakit tyan ko tapos hirap na rin ako matulog sa gabi tas gabi gabi pa kong puyat gawa nga ng mainit na panahon, nung nagpahilot ako sabi ng nanghihilot masyado na daw mababa si baby kaya baka mapaanak daw ako ng maaga. Advice naman po if this is still braxton hicks or signs of labor? 😭 Thanks! God bless!
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Janica Magtalas on November 08, 2016, 03:53:28 pm
Pagtigas po ba ng tiyan signs na malapit na manganak ? 38 wks and 1 day na po ako , madalas lang sya manakit tsaka pati puson ko kumikirot .
Title: mangaganak naba ako?
Post by: cristine mae ancajas on May 19, 2017, 09:19:49 pm
hi po im 37 weeks  and 5 days pregnant.. sa june 4 EDD ko.. kaso i have this feeling na tumitigas ang tyan ko madalad tas masakit ang balakang ko sa likod papunta sa singit ko.. and minsan parang tinutusok ang V ko,minsan nga napaigtad ako sa sakit.. pag tinusok bigla.. ano kaya ibig sabihin nito.
Title: Re: mangaganak naba ako?
Post by: gracey gracia on June 17, 2017, 06:34:48 pm
37 weeks narin ako sis...halos ganyan dn nararamdaman ko ..lagi pa gumagalaw si baby..minasan naninigas tyan ko
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Lehz Oredroc on March 01, 2018, 05:24:01 pm
good eve mommies im 39th weeks. and due q sa march 5 pro until now wala pa qm nrrmdam na signs na llabs na  baby normal pa dn pkrmdam q.any advice na puwede q gwin or exercise.thanks
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Catherine Mae Linan on May 08, 2018, 10:26:02 am
Hi mga momshies. I'm turning 37weeks tomorrow. Contraction ba ang tawag sa pananakit ng balakang at sa ilalim ng tiyan ko, na parang sa puson banda. Yung feeling na magkakaroon ka. Hehe Firstime mom here.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Iza Benito on May 13, 2018, 03:29:34 pm
Hello good pm mommies out there 😊
Ako lang ata makakapgpost ngayong 2018 hihi newbie lang po kc active pa kaya to?☺ Anyway, curious lang kc ako first time preggy ako ngayon... nakakaramdam po kc ako ng parang lagi akong tired ne kunting pgwawalis ko lang mapapagod nako then parang nakukuryente sa may pwerta ko then everynight di nako makatulog ng maayos eh, kapag naman change posisyon ako s paghiga (left/right) may masakit talaga sa pwerta ko at kapag bumabangon ako. Tumitigas narin tiyan ko i duno if baka napa stretch c baby pero kc parang nag e stay yung tigas... how about u guys ganito naba ang sign na manganganak na? Expected ko kc sa june27 pa mag9months tiyan ko 😊
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Rosenelle Tajanlangit on May 13, 2018, 07:30:44 pm
Hi mommy @Iza, welcome to Smartparenting Parent Chat! :)

Congrats for your first baby and soon makikita mo na sya. Don't worry natural lang na parang mabigat na sa pakiramdam yung tummy mo. Tingin ko nakaposition na yung ulo niya kaya parang mabigat pakiramdam sa may pwerta mo. And kung mapansin mo, mababa na yung tummy mo. You have more than six weeks pa, wag muna sa mabibigat na gawain. Regarding sa paninigas ng tyan, lagi mo ba hinihimas yung tummy mo? Iwas muna kasi nakaka-stimulate yun ng paninigas. Side lying sa left ang pinakabest position. At kung tatayo ka galing sa pagkakahiga, mag side lying ka muna (depends kung sa left o right ng kama ka tatayo), ibaba ang paa then bago tumayo. Pero I advise na check ka agad sa OB mo para sure na macheck din si baby. Hopefully, all goes well. :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Iza Benito on May 16, 2018, 09:28:31 pm
Thank you po sa response... Oo lagi kong hinihimas himas tiyan ko... tsaka ano tong nafefeel ko din na pumipitik-pitik sa tiyan ko kasi iba naman yung kick ng baby diba hehe... Tsaka yung feeling na parang hinihila niya pusod mo haha! Sa 24 pa ako pupunta sa ob ko... Gusto ko na tuloy makita si baby 😊
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Angelica Reyes on May 16, 2018, 09:43:00 pm
Ganyan din ako sis, ang hirap na dalhin nung tyan ko ang bigat bigat na kasi tas feel mo sasabog na yung panubigan mo. Kada maglalakad ako feel ko yung panubigan ko sasabog na kaya napapahinto ako ng paglalakad pero mya maya mawawala. Sign na nga iyan na malapit kana mnganak kasi ako 2weeks na nanganak nako :) first baby
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Iza Benito on May 17, 2018, 02:13:42 pm
Worried din ako kc dami ko natake n gamot... nong 3months pa tiyan ko naadmit kc ako dahil sa cyst sa may pwerta ko pero di ako naniniwala na cyst un baka lang kc sa init ng panahon but now ok naman ako then last April naadmit ulit ako kc may sumasakit sa may gilid ko sa baba ng breast ko sabi ng doctor may gallstone daw ako namaliliit kaya ito dami nang bawal minsan saging or mangga nalang inuulam ko 😂 kc nakakasawa na yung gulay na tubig lang ang sabaw at walang lasa 😂😂😂 pero ngayon wala nakong mafeel na sakit sa may gilid ko pero as usual bawal parin kumain ng masasarap haha! Dami kong natake na medicine minsan inaalternate ko nalang kc worried ako baka maapektuhan baby ko... I hope healthy c baby sa paglabas niya hanggan sa paglaki 😊
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Rosenelle Tajanlangit on May 19, 2018, 10:32:40 am
Mommy @Iza, don't worry sa mga medicines na na-take mo kasi prescribed naman yung ng OB mo diba and for sure it is safe for preggy moms like you. Regarding sa mga bawal kainin, konting tiis pa na huwag muna kainin yun. Yung about sa parang nahihila yung pusod mo, natural na pakiramdam yun kasi nagstretch yung tummy mo.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: sarah duquez on June 05, 2018, 01:32:52 am
hi po im 36 weeks and 3 days pregnant. sumasakit na din palagi balakang ko. konti kilos bilis mapagod .palagi na din naninigas tyan ko .saka palagi na din naiihi sa madaling araw. isa pa problema sa pagtulog di ako makakilos maayos. tas palagi nalng ang muscle cramps ko tuwing maalimpungatan ako is sobrang sakit. sobrang magalaw padin si baby. signs na po ba yan na malapit na din ako manganak. expected date ko is june 29 via calendar method ayun din sabi ng ob ko. plss response sana po may mkapansin. ty. god bless us all.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Iza Benito on June 07, 2018, 08:55:15 pm
Hi sis sarah, magkalapit pala tau ng due date June28 ako... same din tau ng nafefeel pero mas hinihintay ko talaga pg may lumabas n red blood or pumutok panubigan ko para sure talaga na oras nalang hihintayin hehe... 
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Queen Adeline Berja on June 11, 2018, 01:37:16 pm
Hello po😊 First time mommy po ako. I'm 38 weeks and 1 day. Ask ko lang po ano po mararamdaman if manganganak na. May times po kasi na sumasakit ang balakang at likod ko pati po puson. Last pre-natal check up ko sabi ng ob ko need pa maglakad lakad kasi mataas pa si bebe. Ano po ba alternative na pwedeng gawin para bumababa si bebe? Di po kasi ako makapaglakad lakad dahil maulan po. Thank you po in advance sa mga advice and comments nyo😊
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Mommy Jazz on June 11, 2018, 02:33:47 pm
Hello mommy Queen! Welcome to Parent Chat! This article from Smart Parenting might help you.

Due Date Arrived and Passed? 6 Ways to Naturally 'Induce' Labor
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/04/06/04062018-BBump-Banner.jpg)
Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/6-things-you-can-do-to-naturally-induce-labor-a00041-20180409?ref=parentchat (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/6-things-you-can-do-to-naturally-induce-labor-a00041-20180409?ref=parentchat)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Maria Charissa Pacis on June 18, 2018, 06:42:08 pm
Hi mga sis, ako 38weeks na pero wala pa dn ako nraramdaman na kahit ano signs na mnganganak nko, gzto q na nga ipa induce kc bka mkapoop pa c baby s loob ng tyan q..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Iza Benito on June 21, 2018, 12:02:54 pm
Normal lang kaya to? Di n kc ako makalakad ng maayos lalo n pg galing ako s pg upo at paghiga kahit saglit lang. Hirap nadin magchange position ang sakit na. yung mga nakakasabay ko mgpacheck up n manganganak n hindi naman sila ganito nakakalakad p sila ng maayos.
Title: Labor
Post by: kath rane on July 11, 2018, 04:24:51 am
Mga mommies 39 weeks 3 days nako... Last last week nakakaramdam nako ng mga paninigas ng tiyan, pagsakit sa likod, diarrhea, and may lumalabas sa parang konting tubig tubig sa private part ko, sabi nila after 2 weeks manganganak nako pero ika 2 weeks na now hindi pako nanganganak and wala ng signs masyado. Pero sumasakit sakit yung sa gilid ng private part ko, Ganun din ba kayo? What to do? :(
Title: Re: Labor
Post by: zhel1605 on July 13, 2018, 01:41:21 pm
Hi sis, anong sabi ng ob mo? Kasi yung lumalabas na parang tubig tubig is yung amniotic fluid na talaga..
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Lexy Tri├▒osa on August 15, 2018, 02:58:03 am
I'm 37weeks na ramdam ko na ang pagsakit ng ilang minuto ng right rib cage ko..tapos lagi na akong ihi ng ihi at may white means na rin na lumalabas sa undis ko..Nararamdama ko na rin na may tumutusok sa loob ng ari ko na parang karayom..Due date ko sept 1..ganito ba talaga yun? magpapacheck up din kami bukas ng husband ko..and never pa akong naIE kasi sa center lang muna kami nagpacheck up.
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Beverly Ann Yu on September 05, 2018, 09:04:10 am
Hi. Sa sept 14 npo duedate ko. Medjo kinkabahan npo ako. ano po dapat ko isipin para nd ako mpraning sa nalalapit n araw ko ng panganganak. Payo aman po mga momshies out there....ano po mga ginawa nyong pmmaraan...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: preciouslara on September 05, 2018, 09:05:39 pm
read books,listen to songs that you like, watch your fave show, or better yet prepare everything that you need in advance para less hassle pag biglang sumakit tummy mo...and just think of the happiness ba mabibigay ng baby mo pag labas niya para hindi ka na mstress...just fill ur mind with positive things 😊
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Beverly Ann Yu on September 26, 2018, 08:35:34 pm
Hello po. Kelan po ikaw umanak???
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Haydee Cabrera on October 20, 2018, 12:17:09 am
Hello po bago lang po ako dito. Ask ko lang po kung normal lang po yung  kapag nagalaw si baby nararamdaman ko din sya sa baba ko. Minsan masakit parang nac-cut na yung muscles or anything down there. Minsan parang yung feeling ko naman, may parang nabulabula effect sa pwerta ko ganun. Nararamdaman ko sya pag naglalakad pero madalas kapag gagalaw sya. 29 weeks na po ako ngayon. Worried po kasi ako baka ano na to. Salamat po in advance sa makakatulong sakin! :)
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: preciouslara on October 21, 2018, 08:28:12 pm
observe nyo na lang po, if madalas kayo makaramdam ng kakaiba better na magpacheck up na agad sa ob para makasigurado.usually kc around 7 months nag sstart na talaga maglikot ang baby sa tummy pero not to the point na dapat eh makaramdam na ng sakit...
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Loriene Nebiar on June 16, 2019, 10:41:44 am
Hello po newbie lang po ako first time mom din po.  38 weeks napo ako now last friday po nag pa check up ako and then ini i.e napo ako 2-3cm na daw po ako ano po kayang dapat kong gawin para mas mapadali yung pag labor ko.  Thanks sa makapansin. 😊😊
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Louella Bustarde on October 23, 2019, 10:56:17 pm
Hello po mga mommies , palagi po ako nagbabasa ng mga forum nyo dito sa smart parenting . I'm 39weeks and 3 days pregnant now nagwoworry po ako kasi hindi pa rin sumasakit tiyan ko . nung last check up ko po 4-5cm daw ako pero yung cervix ko halos sarado pa daw naguguluhan tuloy  ako , binigyan ako ng gamot na pampanipis yung Primarose oil 3x a day ko daw itatake , pang 4days ko na umiinom nun pero bakit parang walang progress .. huhu .. tinanong ako ni ob kung nagoverdue daw ba ako sa first baby ko , kasi daw pag ganun may tendency na maoverdue din si 2nd baby .. pero ayoko na maulit yun kasi yung first baby ko nun nakakain na ng dumi buti nalang marunong yung mga nagpaanak sakin noon at nasave nila yung baby ko , hindi kasi umiiyak si baby nun tas hindi rin humihinga kaya nagaalala ako na maoverdue si 2nd baby ko ngayon .. hayys pray nyo po ako mga mommies sana lumabas na si baby bago ako magdue date .
Title: Re: signs na malapit na manganak
Post by: Angelu Bileta on February 27, 2020, 10:51:29 am
Sumasakit na po yung puson ko ngayon, as in puson lang. Feb 18 pa po due date ko kaso until now di pako nakakaramdam ng pagcconstract or pagllabor pero may lumalabas na pong dugo sakin. Ang sabi ng OB ko kapag sumakit na daw tyan ko din na daw ako pumunta sakanila. 1cm padin po kasi nung nagpa IE ulit ako. Ano po ba ang siggest nyo mga sis?