Parent Chat

Parenting => Baby Development and Milestones => Weaning, Formula and Solids transition => Topic started by: kaydet on January 20, 2010, 12:36:48 pm

Title: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: kaydet on January 20, 2010, 12:36:48 pm
hindi ko mahanap ang topic na related dito kaya nag open ako ng new topic.

si baby ayaw dumede pag gising. pag tulog lang.
ano kaya problema?
please help

Mod's note:
Here are 3 Ways to Prevent Bottle Refusal
(http://images2.smartparenting.com.ph/site-alpha/articles/child-care/breastfeeding_bottle_refusal/baby-bottle-feeding-ci.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/3-ways-to-prevent-bottle-refusal

Post a question about this topic or share your experience.
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie (http://www.smartparenting.com.ph/registration) upon registration or membership update.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: alias on January 20, 2010, 02:28:52 pm
hello! ganyan dinbaby ko im inda worried kaya lang na obserbahan ko wala lang gana yung anak ko kc after 1 to 2 hrs ayun back to noraml feeding sya.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: murphy on January 21, 2010, 03:21:26 pm
Ganyan din baby ko.  So i read to him while feeding.  Kailangan ma distract siya to feed.  KOnti din lang mag milk siya.  May babies talaga yata na ganun.  Maybe he's ready for solid food.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mama_jo on January 21, 2010, 03:53:32 pm
sis kaydet, ganyan ang jana viv ko (naikwento ko na to sa ibang thread)...kaya before, 2x a day lang ang milk niya kasi twice lang sya sleep pag day time at babawi sya sa gabi, nakaka-5 na bote while sleeping...sa gabi naman, ang sign na she wants milk na is "finger sucking"...

nag-worry din kami before pero sabi nga ng pedia niya, talagang yon ang feeding habit niya..she never asks milk talaga pag gising.

now she's 2, till now, nagmi-milk pa rin sa gabi kaya puyat pa rin kami dahil nakasanayan na nyang mag-milk while sleeping.  nahirapan kaming i-wean sa bote kasi mahina syang kumain at di rin nagmi-milk pag gising. chubby chubby pa rin naman ang bebe namin kahit ganon ang feeding habit niya.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: GL and KL on January 22, 2010, 01:30:23 am
ilan taon na sis baby mo?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mama_jo on January 22, 2010, 08:06:24 am
ilan taon na sis baby mo?

nag-2 sya last january.18 ;)...
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: GL and KL on January 22, 2010, 12:39:20 pm
Okay siguro yung advice nf pedia, yun talaga yung habit or feeding pattern niya. .I think as long as healthy si baby, nothing to worry. . Vitamins and balance meal :) also, try mo ifigure out sis if ano fave food niya. .usually gusto nila finger foods :) and don't forget, kahit konting water lang pag nakatulugan niya yung pag milk niya, padedehin mo sya kht 1oz lang ng water,para mawash yung milk to prevent (tooth) cavities :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: dhangcabuang on January 22, 2010, 12:47:01 pm
mag 2yrs old na pala. more on solid food na talaga sya sis..kahit nga 1 bottle a day na lang yun.para iwas na din sa mabilis na pagkasira ng teeth niya.  I think normal lang yun sis.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: milkfish on January 22, 2010, 12:52:14 pm
Yes, since two na sya more on solid food na sya. But yung milk supplement pa rin talaga, at least twice a day. Have you tried changing milk, baka naghahanap ng bagong lasa.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: kaydet on January 27, 2010, 08:51:09 am
Thank you mommies!
This week even if he is awake dumedede na siya.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tizhiana on June 17, 2010, 09:14:19 am
hello mga sis..my baby is turning 6 months next week. i wanna go back to work na and lately dede ng dede si baby,wala ng laman dede ko. nagpa prescribed ako ng formula milk sa pedia,nirecomend niya promil. so i bought yung nakakarton lang muna na promil pink. last night triny ko sya kahit di pa sya six months kaso sinusuka niya yung milk. gusto ko na talaga i-mix feed sya...help me mga sis! :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: theyah on June 17, 2010, 04:22:12 pm
Hi sis! I've been there. Maraming feeding bottles and formula nasubukan ko bago ko na mix feeding baby ko. Maraming bottles na available ngayon na designed for breastfeeding babies like Thinkbaby, Adiri, Breastflow, Tommee Tippee Closer-to-Nature, etc. Na-try ko yung Breastflow pero di ko masyadong nagustuhan, naglileak kasi. Yung Avent na man medyo matigas yung nipple kaya confusing talaga kay baby. Thinkbaby gamit ng baby ko ngayon, malambot yung nipple at hindi naglileak. Basta choose the bottle lang na may malambot na nipple para di maconfuse si baby. I heard lots of good reviews rin regarding Adiri and Tommee Tippee. I've decided nga na I will use Tommee Tippee for my next baby, binili ko kasi online yung Thinkbaby kasi hirap hanapin sa stores kaya di convenient.

Sa milk na man, Enfagrow A+ gamit ni baby. We've tried Promil din pero after a while ayaw na niya. Napansin ko kasi sweeter yung Promil kaysa sa breastmilk kaya siguro ayaw niya at constipated pa sya pag yun gamit niya. Ang Enfa na man though sweeter pa rin kaysa breastmilk hindi na man sya msyadong sweet tulad ng Promil (in my opinion lang ha).

Transition from breastfeeding to bottle feeding is a process kaya tiyagaan lang talaga. Siguro makakatulong din kung iba yung magpapabottle feed sa baby mo at stay away pag nagbobottlefeed sya  para hindi niya hanapin yung milk mo.

Good luck!  ;)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tizhiana on June 17, 2010, 09:22:06 pm
Thank you mommy Theya...mostly,brands that are available in the deps stores ay ainon, pegions, avent and some local brands..pigeon yung ginagamit ng baby ko dati. she was exclusively bottle fed during her first weeks kc na-CS ako and i didn't have enough milk that time.one thing more my nipples were too small compared to the bottle's nipple,so confused sya that time and she didn't want to be breastfeed pero later on ginusto din niya and when she turned 1month ayaw na niya sa bote niya..s26 gold milk niya before. i tried to bottle fed her again nung 3mos sya,pero unsuccesful ako,nasayang lang yung milk na binili ko. itry ko bumili ng trainer's cup na lang kung gusto niya inumin milk niya. san mo pala nabibili yung mga brands nabanggit mo? never heard of them yet ngayon lang. :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: theyah on June 19, 2010, 10:16:03 pm
Good idea yung naisip mo mommy  ;D buti yun para masanay na rin baby mo sa cup. Yung mga brands na nabanggit ko meron po nun sa SM, Rustan's and online stores.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: joshbuban on June 21, 2010, 07:13:57 am
my pedia told me na mas magandang masanay si babby sa cup kc pag sa bote masyadong mabagal ang speech development ng bata,
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tizhiana on June 21, 2010, 11:11:54 am
Good idea yung naisip mo mommy  ;D buti yun para masanay na rin baby mo sa cup. Yung mga brands na nabanggit ko meron po nun sa SM, Rustan's and online stores.

Thank's! I bought na nga Tommee Tippee last saturday sa moa pero yung pinakamaliit lang muna. triny ko agad sa kanya,nagpump ako,sad to say wala pa rin nangyari dahil ayaw niya pa rin dedehin. I bought trainer's cup kahapon pang 6mos,ok sya iniinom niya kaso dami natatapon sa gilid ng bibig niya..hay pano kaya ako mkapagwork nito ulit? :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tizhiana on June 21, 2010, 11:31:50 am
my pedia told me na mas magandang masanay si babby sa cup kc pag sa bote masyadong mabagal ang speech development ng bata,

Actually nun pa sinabi ng pedia ko icup sya,pero parang awkward sa feeling kasi feeling naten di pa sila pwede diba? pero actually even newborns tinitrain na nila icup pag d possible breastfeeding,ang cute nga daw nila tingnan parang mga kuting maliliit na pusa pag dumede sa cup. nice info yan mommy..i thought kasi di maganda icup agad si baby,but since nakakatulong din pla sa speech development pagtyagaan ko na magcup si baby. :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: theyah on June 26, 2010, 10:27:45 am
mas mabuti nga yun mommy kung mas maaga sya matuto mgcup less na gagawin mo kasi pag bottle ang dami pang seremonyas (wash, sterilize, air dry). dun nga sa hospital kung saan ko pinanganak baby ko medicine cup gnagamit nila magpainom ng milk sa newborn babies habang hindi pa binibigay sa mommy. bawal talaga dun ang bottles kasi kinoconfiscate talaga nila, its either breastfeed o cup.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: justine2007 on June 26, 2010, 10:49:54 am
my pedia told me na mas magandang masanay si babby sa cup kc pag sa bote masyadong mabagal ang speech development ng bata,
naku sis kaya sguro delay speech ng anak ko kc til now bote pa rin gamit niya buti n lang sa school ayaw ng teacher na magdala siya ng bottle i cup ko na lang baby ko less hassle pa problem lang pag sa gabi kasi sa gabi nakaka 2 bote pa sya....
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tizhiana on June 27, 2010, 10:16:44 am
mas mabuti nga yun mommy kung mas maaga sya matuto mgcup less na gagawin mo kasi pag bottle ang dami pang seremonyas (wash, sterilize, air dry). dun nga sa hospital kung saan ko pinanganak baby ko medicine cup gnagamit nila magpainom ng milk sa newborn babies habang hindi pa binibigay sa mommy. bawal talaga dun ang bottles kasi kinoconfiscate talaga nila, its either breastfeed o cup.

Bili nalang ako pangcup na tommee tippee kc nakabili nako bottle nun kaso ayaw niya pa rin, good thing pwede replace yung nipple ng pang cup. thank's mommy, siguro nga i need more time to spend with my baby. :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: anonymous226 on June 29, 2010, 02:07:34 pm
hi..yan din po ang problema ko ngaun...i want to bottlefeed may baby kc hindi na po enough ang milk na nakukuha niya sakin kaya siguro hindi na sya ganu tumataba.. hirap na hirap ako pdedehin sya sa bote kahit tulog alam niya pag sakin o bote....sometimes i feel desperate kc ayaw talaga niya magdede..ititimpla ko and then masasayang kc ayaw magdede...

mommy thea yung thinkbaby na feeding bottle wala ba dito satin...??gusto ko sanang itry e..ang nipple kc na gamit ko yung sa pigeon na ycut...kc kainis din pag yung may leak db?e kaso matigas ang nipple and sa ngaun my baby is teething kaya siguro ayaw din at hirap dedehin dahil matigas..can u help me para makabili din ako ng thinkbaby na feeding bottle?thank u so much :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tizhiana on June 29, 2010, 05:40:44 pm

ilang mos na baby mo mommy?hay pareho talaga tau. sumuko na nga ako.nasayang yung milk n bnili ko pati mga bote ang mahal pa naman.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: theyah on June 30, 2010, 03:55:48 pm
@anonymous226

Meron sis. May nabili kasi si hubby sa Rustan's Shangri-la. Di ko pa natry yung Pigeon pero for me mas malambot nipple ng Thinkbaby kaysa Avent and Tommee Tippee but not as soft as TFY Breastflow. Stage 1 crosscut nipple ng Thinkbaby gamit ng baby ko ngayon, yun yung nipple na kasama ng bottle.

OT: I recently bought Tommee Tippee bottles, try ko lang sa baby ko kasi balak ko yun pagamit sa next baby ko. Naobserve ko lang kahit slow flow yung nipple parang ang lakas ng flow ng milk sa nipple, naglileak sa mouth ng baby everytime dumedede sya. Try ko rin yung variflow nipple nila baka mas ok yun, sabi kasi sa package nag-aadjust yung flow ng milk sa lakas ng pagsuck ni baby.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: artsymomma on June 30, 2010, 04:08:35 pm
Hi! just wanna share my experience. My daughter was exclusively breastfed for 10months. I had to train her sa bottle kasi I was diagnosed with hyperthyroidism. It was so frustrating kasi she won't take milk from the bottle. What we did was make her directly drink from a cup, not a sippy cup ha. Yung parang adult na umiinom na talag sa glass. Mas ok sa kanya. Nung unang madami din tumatapon na milk, but eventually natutunan na niya. Kylangan lang alalay sa ngpapainom, dapat dahan dahan. PAtience lang din ang kaylangan kasi bka malunod naman sa milk. Naging maganda outcome kasi very nice ang teeth niya and sa speech naman ok din, english na slang pa. hehe
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: hel on July 28, 2010, 04:19:49 pm
mommies i've read that if you are going to offer bottle to your babies na may pumped breastmilk or infant formula if you're going to mixed feed is that it should be when the baby is 4-6wks old para masanay na poh siya even though you're exclusively breastfeeding and you're planning on going back to work after ilang months pa naman,maganda na siguro yung medyo masanay siya na naoffer na skanya yung bottle earlier kasi pag late na aayawan niya na talaga yan.

don't offer the bottle to baby too early kasi bka mas prefer niya na yung bottle kaysa sa breast. maganda na once breastfeeding is fully established like 4-6wks ska na ioffer yung bottle if you're planning to go back to work and give baby pumped breastmilk and also while you're training baby to drink pumped breastmilk let other people like your mom or daddy to feed baby para masanay siya na pag bottle iba ngpapakain tas pag ikaw breastfeed talga.

hope this helps mommies.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: gabbiemhay on August 11, 2010, 06:04:49 pm
hi naging problema ko din to pero thanks god marunong na sya ngayon...
ginawa namen ginutom namen c baby tiniis ko talaga nangayayat na kase sya e ayun buti effective yung MIL ko din nagpapadede sa kanya pag karga ko kase sya dinedede niya dede ko hehehhe...
tinry ko muna bonna para mas mura dati kase s26 naku tinapon lang namen sayang ayun ok na sya although hindi pa ganun kalakas dumede kase naninibago pa siguro pero atleast dumede na sya sana makabawi na sya ulet :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tizhiana on August 12, 2010, 05:55:34 pm
hi naging problema ko din to pero thanks god marunong na sya ngayon...
ginawa namen ginutom namen c baby tiniis ko talaga nangayayat na kase sya e ayun buti effective yung MIL ko din nagpapadede sa kanya pag karga ko kase sya dinedede niya dede ko hehehhe...
tinry ko muna bonna para mas mura dati kase s26 naku tinapon lang namen sayang ayun ok na sya although hindi pa ganun kalakas dumede kase naninibago pa siguro pero atleast dumede na sya sana makabawi na sya ulet :)

ilang months n baby mo mommy?buti k pa. try mo p rin mgpump pra my milk k p rin. bili k ng electric breastpump mgnda daw un.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: gabbiemhay on August 13, 2010, 10:32:24 pm
ilang months n baby mo mommy?buti k pa. try mo p rin mgpump pra my milk k p rin. bili k ng electric breastpump mgnda daw un.

3mos. pa lang po nagtry na din ako magpump halos hindi man lang nkaka1oz nakukuha ko.3x a day din natalac ko minsan 4x na wa epek pa din...sa totoo lang gusto ko sya iBF ang mahal mahal ng gatas ngaun e pero i have no choice nangayayat na kase si baby e kaya ayun...:)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: hel on August 13, 2010, 11:34:28 pm
@mommy gabbiemhay -i've read in an article that you need to pump every 2 hours para continuous ang milk supply and also mas maganda talaga ang electric breastpump if you plan to pump regularly pero kung occasionally lang a manual breastpump would be ok.

mas maganda talaga mommy na breastfeed si baby kasi super makakatipid ka talaga on water and infant formula. there's no problem naman po ata sa milk supply mo. kung nangangayayat po si baby have you tried to check kung ok naman yung weight niya? i've read kasi in a baby book na bumababa din minsan ang appetite ng babies tapos bumabalik din sa dati.

you also don't have to worry rin mommy when it comes to the nutrients the baby receive when you breastfeed him/her. i suggest that if you really want to breastfeed your baby,continue mo lang po. don't be discourage in feeding your baby with breastmilk. patience and support din from your hubby and relatives is really needed.

but if you really decided to just feed baby with infant formula.ok lang po there's no problem naman with that. kasi it also has nutrients that baby needs for his growth and development.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: gabbiemhay on August 14, 2010, 03:49:53 pm
@mommy hel:balak ko nga sis imixed sya kaso bka na naman makalimutan niya kung panu dumede sa bote kaya ayun formula na talaga....
4days pa nga lang ata na nagfoformula sya naiinis na ako ang daming seremonyas kase tpos minsan akala ko gutom sya yun pla hindi naman ayun nasasayang lang milk unlike pagBF naku direcho lang yun na yun hehe
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: annmar on August 18, 2010, 01:24:43 am
mga moomies
     grabe yan din problem ko, my daughter is already 1 yr and 4mos pero ayaw pa din ng gatas kahit nasa baso na sya.. until now bi ne breast feed ko pa din sya everytime na gusto niya saka matutulog na sya kc no choice which is hard for my part kc madami na syang ipen at patubo pa yung iba kaya my mga times na nakakagat niya ko.. gusto ko na din syang patigilin sa pag dede sakin kc tulad niyo d din sya tumataba ni recommend ng pedia niya na i introduce ko na sakanya ang mga energy drink pero gusto ko pa din kahit papano umiinom sya ng milk alone.. any suggestion??

sobrang picky na din sa food bilis nyang mag sawa d ko na nga alam ipapakain ko.. :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: BuhayMommy Blogger on August 18, 2010, 06:54:39 am
Mga sis may nabasa ako article tungkol jan baka makatulong sa inyo to.. http://www.askdrsears.com/html/2/T025000.asp

Ako naman can't wait lumabas narin si baby para mapa-breastfeed ko sya, sana this time maging ok na yung milk ko para mabigyan ko din si Andres. Never pa kasi na-try ni Andres mag-milk sakin kasi nagka infection sya before because of this. :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: momi chichi on November 10, 2010, 10:27:49 am
hello po! ask q lang sana kung meron po ba sa mga babies nio na di dumede yung baby nila sa magdamag?baby q kc since 9mos siya nasanay na siya di nagmimilk pag natutulog sa gabi..direcho siya kung matulog,medyo worried lang ako bka masama sa kanya yun.pag tinitimpla q kc siya napapanis lang kc ayaw talaga?14 mos na c baby zyan ngaun...what will I do mga mommies?thanks po :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: TineNiItoy on November 10, 2010, 10:50:39 am
my baby is only 6 months sis, usually twice siya kung dumede sa magdamag...yung sa iyo naman malaki na, in my observation sa baby ko, he could last 6 hours na ngayon na walang milk sa gabi...

siguro sis try mo orasan yung continuous sleep niya at ilang oras siya before magutom every night...kung ganito na ang practice niya matagal na, wala naman sigurong problem, kung ok naman ang timbang at health ng baby mo, no need to worry...
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: angelicabo on November 10, 2010, 11:39:12 am
ganyan din yung baby ko sis. simula nung 1 month pa lang siya tuloy tuloy sleep niya sa gabi. nung una nag woworry ako kaya may time na pinipilit ko siya mag dede. pero nakasanayan ko na rin basta bago siya matulog, isang bote ng milk nauubos niya. at bago yun, nag rarice na rin siya.

next milk niya mga 8am na after niya mag almusal. ang sleep pala niya ay 8 or 9Pm din kaya parang 12 hours siyang tulog at walang milk. pero parang three times siya nag rarice. sa umaga champorado, tanghali at gabi, rice na may sabaw. in between eh mga biscuit at milk. 15 months old pala baby ko. natural lang yan. nasasanay na kasi silang mag slip na kagaya satin. basta continues lang sa vitamins.  :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: jazzmatthew on November 10, 2010, 02:11:25 pm
same yan ng niece ko sleep lang talaga siya pag night..
ang mga babies iiyak yan pag gutom di pwede indi ..
ganun lang talaga ang ibang babies..

bait nga eh.. di sila napupuyat heheh

not me til now 17months na baby ko naku iiyak sasabihin pa niya nana? nana...
wala na daw laman yun dede niya hheheeh... ;D ;D

Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: sweetest_thing on November 10, 2010, 03:16:55 pm
baby ko sis ganyan din, she's now 11 months old. pag tulog niya sa gabi, tuloy-tuloy na hanggang umaga. what i do is pinapadede ko na lang siya pagkagising niya kahit di siya umiiyak and nauubos niya milk niya, bottoms up siya  :D
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: momchelle on March 08, 2011, 10:11:00 pm
helo po mga mommies..
my baby turned 8 mos today, pero biglang hina niya sa milk..
mas gusto pa niya ang solid..
ayaw nyang ibuka ang bibig niya pagsinusubo ko yung gatas niya..
anong gagawin ko?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: honey-ecclaire on March 08, 2011, 10:14:44 pm
mommy,giving milk is may time po.you have to consider the time interval,Don't give soild food kay baby if it's her time to milk na...Then you have to balance the solid foods na your giving her para hindi sya sobrang busog if you will give her milk na...and at 8 mos some babies can't digest properly the solid food yet...So you really have to balance giving her soild foods and her milk....
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: ahyzeyuh on March 08, 2011, 10:30:53 pm
hi  momchelle, my baby ganon din mahina ang milk intake. when she reach 4mos old, naging 4oz na yung milk niya and actually now that  2yrs. & 5mons old 4oz pa rin naiinum, walang nagbago.

in 1day 12oz to 16 oz lang.dont worry mommy, as long as shes taking solid food okay lang yun
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: amiellejian on March 11, 2011, 10:59:34 am
helo po mga mommies..
my baby turned 8 mos today, pero biglang hina niya sa milk..
mas gusto pa niya ang solid..
ayaw nyang ibuka ang bibig niya pagsinusubo ko yung gatas niya..
anong gagawin ko?

sis tama si sis honey-ecclaire.. pero kung talagang ala gana, try mo bigyan ng zinbee syrup.. yan kc binigay ng pedia ng baby ko kc nga super hina mag milk at mag solid.. may nakalagay naman dun sa box kung ilang ml para sa age ng baby.. as in gaganahan talaga sya mag milk at mag solid.. kc yung panlasa niya puro msarap, kaya go lang sya plgi.. nagpalit kc ako ng pedia, kc nga underweight lgi baby ko, ala naman effect yung heraclene n binigay ng dating pedia sa st.lukes.. yung new pedia ko is sa capitol n, maedad n kaya bihasa n talaga..
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: nicole03 on March 11, 2011, 12:06:37 pm
baby ko din when she turned 7 months biglang hina ng magmilk, dati kasi nakakaubos siya ng 6oz every 3-4 hours saka buong mgdamag nakaka 4 botlles siya tig 5 oz, but nung nag 7 months na hirap na paubusin yung 5 oz and buong magdamag nakaka 2 bottles lang siya minsan may tira pa
i changed her milk from enfapro a+ to gain ayun lumakas ulit magmilk kaya na ulit umubos ng 6 oz if may tira man 1 oz lang saka magana din naman siya sa solids
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: girl_pretty1212 on March 17, 2011, 11:37:15 am
mga mommies... help!! i have the same problem... nahihirapan na loob ko... tulad ngayon, kanina pa around 5 am siya last dumede nung tulog sya, tapos until now, ayaw niya dumede... huhuh.. masyado na ko worried..
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on March 17, 2011, 09:40:52 pm
sis ilang months na baby mo?
baby ko ayaw rin magmilk kapag gising, kailangan half awake. sabi normal daw sa mga 3-4mos un ayaw dumede.
Average milk intake ni baby is 20-22oz a day considering 4 mos na sya ah, 4 oz each feeding - minsan 2 oz lang kaya tapos after an hour or 2 hours another 2 oz
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: imeego on March 17, 2011, 10:13:12 pm
omg medyo narelieve ako nung mabasa ko thread na to may kapareho pala baby ko...baby just turned 5 mos, average consumption is 20-24 oz lang din, ayaw din dumede pag gising sya parang di nagugutom or kung humingi man sobrang tagal ng interval so ang ginagawa ko hele muna then pag antok na bigay ang milk, mas nauubos niya pag ganito..another problem kaya nahihirapan akong padedehin pag gising kasi pilit nyang hinahawakan ang bottle at nilalaro lang, sobrang likot, nag-start sya hawakan bottle niya nung 3 mos old ata..worried na talaga ako sa feeding pattern niya :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: I love_dadilove7503 on March 17, 2011, 11:00:44 pm
Araw araw yan tsinecheck ko kay yaya niya pagdating ko sa umaga from work, kasi ganun din baby RED ko, tulog lang dumedede, tas ang hirap pakainin unless ang ulam niya ay pritong baboy, yung part na may taba na malambot yung gusto niya saka toyo at kalamansi, pro pag di ganun ulam sapilitan.. Tas gusto niya sabay kami kain, pro pagdating sa dede, nakaklungkot kasi ayaw talaga pag gising, tinatabig niya, e 1 year and 2 months pa lang sya kaya nagworry ako. Sabi naman nanay ko kumakain naman ng solid foods so okay lang, pro iba pa rin kasi ang milk pag baby. Nagpalit na rin ako from gain to promil to progress kasi baka kako sawa na nga sa lasa pro ganun pa rin. kakaloka minsan feeling ko kawawa naman sya.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: imeego on March 18, 2011, 05:58:09 pm
^naku sis same na same baby natin, same technique din ginagawa ko ;D kala ko talaga baby ko lang ganito, naprapraning na nga ako eh buti nakita ko tong thread na to lol naka-heraclene na din sya ngaun, papalit-palit din ng vitamins para lang ganahan mag-milk
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: ryuu on March 18, 2011, 07:13:53 pm
baliktad naman situation ng baby ko.. ayaw niya na dumede pag tulog.. dati naman hindi ganun.. kaya ngayon, sapilitan ang nangyayari.. he'll sleep at around 5:30 to 6:00pm tapos gising niya na is 4:00 to 5:00am.. e nabasa ko rito masama pa na hindi makadede si baby ng mahabang oras.. baka magkulang yung nutrients na kelnagan niya.. pero pag gising sha halos oras-oras dumedede ng 4oz.. super active at likot kasi..

ano kaya pwede kong gawin para makadede kahit tulog? hmm..  :-\
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on March 22, 2011, 05:03:14 pm
same pala tayo techniques mga sis! hinehele muna bago painom milk, i hope lilipas rin yun panahon na ayaw nila mag dede. Mga sis ask ko lang how many oz do you managed to give your baby since ayaw dumede kung gising?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: imeego on March 22, 2011, 05:11:15 pm
baby ko at 5 mos, 20-24 oz lang, mahina magmilk :(pero tinatyaga ko talaga padedehin sya..wish ko lang lumipas na kung phase man ito, di kasi tlaga humihingi ng milk pag gising eh, though healthy and active naman sya, di lang kasintaba ng ibang babies :-\
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on March 22, 2011, 05:57:35 pm
agree d rin humihingi baby ng milk, pero malalaman mo nalang na she wants milk na kung binigay mo na kasi it's been 5 hours na pala tsk tsk
Same naman nakakatulog naman si baby and active and healthy rin mommy imeego:)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: 3in1 on March 31, 2011, 09:58:04 am
c Twin A ko humina milk intake niya since Sunday. Ang milk namin is Isomil Advance prescribed by pedia nung March 15.

Di ko alam pero worried talaga ko kasi talagang 1oz lang iniinom niya tapoz tinatabig na niya yung milk. Kahit pilitin ko ayaw pa din niya dede, Tapos kahit i breastfeed ko sya, saglit lang sya mag suck tapos alisin na niya, pag pinilit ko todo iyak na sya.

Gusto ko sana magpalit ng milk niya baka ayaw na niya ng lasa kaso kailangan ata Soy based pa din dahil sa colic nila?

Advise na man po kung sino dyan may ganitong experience

TIA!

Thanks sa SP
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mom_maan on March 31, 2011, 12:27:13 pm
hi! how old is your baby? usually ang tinitingnan ay weewee and poop niya. kung nakailang diapers siyang na-wet during the day at kung regular pa rin ang bowel movement niya. pero given na you're worried and you observed na may significant drop sa appetite ni baby, i think you should go to your pediatrician and have your baby checked. mabuti na 'yung matingnan siya... para hindi ka na rin magworry. stressful din for a mommy 'yung iniisip if something is wrong with her baby. consult your pedia na siguro, sis.
keep us posted!  :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: 3in1 on March 31, 2011, 12:52:11 pm
mom maan 11 weeks na po sya.. weewee and poops normal pa din naman, talaga lnag ayaw niya dumede kahit breastfeed ayaw niya... sana nga madala ko sa pedia ASAP para kung papalitan ng milk eh mapalitan agad. baka kasi pumayat si kuya kawawa naman
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: juliecon23 on April 09, 2011, 09:35:33 pm
madami pala kapareho baby ko..nung 2-3 mos niya..pampatulog niya pagdede pero nung 4-5 mos na ayaw na dumede ng gising kailangan patulugin muma tapos nauubos niya 5 oz. mataba pa din naman si baby kahit tamad magdede pag gising at never nhingi ng milk since birth kaya inoorasn ang pagdede kasi di umiiyak. minsan pag oras ng dede automatic mag suck na siya at matutulog tapos tska magdede after dumede magigising ulit..kakatawa..kailangan matulog pagdedede..super worried din ko before kasi humina pagdede niya 24-28oz na lang compare sa 28-30oz before. now,she's turning 6mos. medyo excited ako to introduce solid food.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 11, 2011, 04:25:01 pm
hi mommies, narelief naman ako when i saw this thread. same experiences din with my baby RVA. before naman malakas siyang magdede every 2hours or minsan every 1hour lang, dede na siya. pero napansin ko when he's near 5months na, mahina na siya magdede. minsan 3 to 4 bottles lang (4onz each) from morning til afternoon (around 5pm). then starting around 6pm na siguro til pagkagising niya ng 5am nakaka 3 to 4bottles lang din (4onz each). sobrang nagwowory nga ako, kaya nung mabasa ko itong thread na to, medyo nabawasan ang pagwowori ko. every hour nga tntwagan ko yung mag-aalaga ko just to check kung naka-ilang dede na siya. kase sobrang active siya sobrang malikot tapos konti lang dumede. eh baka magkulang siya sa nutrients pag ganun di ba? mga mommies, i need your opinion and advise na din para mbwasan pag-aalala ko. Thanks po sa pagsagot.

Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: I love_dadilove7503 on April 14, 2011, 05:24:02 pm
baliktad naman situation ng baby ko.. ayaw niya na dumede pag tulog.. dati naman hindi ganun.. kaya ngayon, sapilitan ang nangyayari.. he'll sleep at around 5:30 to 6:00pm tapos gising niya na is 4:00 to 5:00am.. e nabasa ko rito masama pa na hindi makadede si baby ng mahabang oras.. baka magkulang yung nutrients na kelnagan niya.. pero pag gising sha halos oras-oras dumedede ng 4oz.. super active at likot kasi..

ano kaya pwede kong gawin para makadede kahit tulog? hmm..  :-\

Mommy okay lang sya di dumede pag tulog as long as ngdede naman pala sya pag gising, kasi pag tulog at di naman umiingit o umiiyak ibig sabihin mahimbing ang tulog, at di naman daw nagugutom ang bata kung ganun.. Mas mainam nga yun kasi diretcho ang tulog ni baby. :D
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: minty on April 15, 2011, 09:06:18 am
present ang baby ko dito..ganyan nga din siya pag gising ayaw dumede ang hirap talaga ang likot. hahabulin mo ang bibig niya na nakasubo ang bottle niya. pag naman tulog ayun dumedede minsan mai-istraight niya ang 3oz at 1oz lang ang ititira..pero usually 2 oz tas after an hour or 2 dede ulit tas ubusin n niya yun. ililipat ko n nga sa enfa a+ ulit kasi una yan ang milk niya tas ayaw n after 4 days..kaya nilipat ko sa enfa plain. e ngayon ililipat ko n ulit sana maging okay na s kanya at magustuhan na..pero natural lang pala talaga sa baby na pag tulog gusto dumedede..
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 15, 2011, 02:45:30 pm
sis minty: ilang months na baby mo?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: minty on April 15, 2011, 03:17:57 pm
sis minty: ilang months na baby mo?

3 months and mag 2 weeks po. y po sis?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 15, 2011, 04:02:49 pm
baby ko kase 5months na. before naman hindi malakas siya magdede, nitong near 5months na lang siya bigla humina sa pagdede kase na introduce na sa kaniya solid food,
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: minty on April 15, 2011, 04:44:16 pm
depende kasi talaga sa mga babies, meron naman n kahit na introduce na ang solid food lakas pa rin mag milk..as long as malakas naman kumain ng solid food at dumedede pa rin sure yon complete nutrients pa rin. =)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: ryuu on April 15, 2011, 06:28:54 pm
Quote
Mommy okay lang sya di dumede pag tulog as long as ngdede naman pala sya pag gising, kasi pag tulog at di naman umiingit o umiiyak ibig sabihin mahimbing ang tulog, at di naman daw nagugutom ang bata kung ganun.. Mas mainam nga yun kasi diretcho ang tulog ni baby. :D

ganun ba, mommy? thanks ah.. napanatag naman ako.. :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 20, 2011, 03:35:58 pm
hi mga sis, im soliciting advice to you mga mommies, my baby is 5month old and he only weighs 6.5kgs. he's average milk intake a day is about 20-24oz per day. 2x a day namin siya binibigyan ng cerelac. im sure hindi enough ang nutrients na pumapasok sa katawan niya kc mahina siya sa pagdede.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 20, 2011, 04:06:42 pm
^hello sis Lala :) formula ba si baby sis? Ano milk niya?

Pareho tayo ng problema noong ganyang stage din si Marco ko. Ayaw dumede pag gising, pag tulog naman di nauubos. I tried variety of pampagana vitamins, even heraclene pero di umobra. Siguro stage talaga yan ng mga babies. Pero sabi ng pedia niya, okay lang yun basta wala namang sakit ang bata. Ngayon 6months+ na, medyo malakas na siya mag milk, at nag so solids na din. Kaya lampante na ako. BTW si Marco pala noong 5 months siya 7:2kls lang. Si baby mo?

oo nga sis. pag antok na siya o tulog lang siya dumedede. 20-24oz formula milk a day lang nadedede niya. Enfalac A+ milk niya. 6.6kgs. siya ngayon. Nagso-solid na din siya kaya nga sbi ng pedia maaga daw kc na pakaen kaya tinabangan. 4months lang mahigit siya pinakaen na kc nagka-ipen na kaya yun. Pero very active pa din naman siya. super likot nga gusto lagi talon ng talon. Normal lang ba yung pinagdadaanan niyang ito sis?

Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 20, 2011, 04:43:51 pm
^Sabi ng pedia ko sis, normal lang daw yan, basta hindi nagkakasakit. Ganyang ganyan din baby ko sis 20-24oz lang din. Pero okay na siya ngayon. Baka dahil nag-iipin na din sis. Si baby ko din yung stage na yun, nag iipin din siya non eh. Pero ngayong nag 6 months na namin siya pinag solids. Tingin ko din sis, normal lang yang stage na yan sa mga babies natin.

Thanks Mommychi. Sana nga po. Update na lang ako dito sa development ni baby ko. thanks ulit
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommy jd on April 21, 2011, 09:00:32 am
hi SP Mommies and Daddies can you please give me suggestion... Liah is 1 year and 4months at 2 days na siyang ayaw mgmilk...progress gold ang milk brand niya 2 days ago inisip namin na palitan un brand niya to nido jr. nung nalasahan niya un nido ayaw niya then for the whole day di siya ngmilk so bumili kami ulit ng progress nka 4OZ lang siya at night til now ayaw parin niya mgmilk... please give me any suggestions... ang gaan na ng baby ko
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: emmrie on April 21, 2011, 09:07:57 am
alam ko ganun talaga mga baby pag biglang nag-iba yung milk niya kasi nga iba lasa. pero since binalik mo ulit sa progress gold and ayaw pa rin. better call your pedia na. mahirap hindi nag mimilk si baby. for the meantime, tyagain mo muna padedehin kahit ayaw niya kasi walang laman tummy niya eh, Kawawa naman.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommy jd on April 21, 2011, 09:11:37 am
hi sis emmrie.. thanks... oo nga eh ngtataka din ako bakit ayaw niya parin mgmilk eh... may isa pang problema walang clinic un pedia niya ngyon kasi its holy week pero tatawgin ko siya ngwoworry na kasi kami ni hubby para sa kanya thanks alot
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on April 25, 2011, 04:28:56 pm
sis un baby ko naman worried ako kasi last milk niya yesterday is 3pm tapos next niya is 1030pm.. so almost 7 hours. Siste kasi is hehelehin namin sya so if she's sleepy na she will drink milk... pero last night was different.. ayaw niya talaga. pero masigla naman and after watching cartoons ayun inantok na and uminom na rin ng milk.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: imeego on April 25, 2011, 04:55:04 pm
super stressed na ako sa milk intake ng baby ko....yesterday we tried na gawing per demand ang feeding (dati kasi need namin hele sya then feed pag tulog na, since ayaw nga dumede pag gising), problem is naka-consume lang sya ng 18 oz in 24 hours, sobrang baba for a 6 month old boy, then kanina more than 7 hours na di pa din humihingi,  tried giving him the bottle pero ayaw niya, so hinele ko na uli pero ayaw pa din...hay grabe naiyak na ako sa kunsumisyon, si hubby tinawagan ko while crying ayun napauwi ng wala sa oras....tanong ba naman sakin pagdating... "ano, i-NGT na natin? :o haissst feeling ko walang kwenta pagiging sahm ko, isip ko tuloy mag-back to work na lang
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on April 25, 2011, 04:58:08 pm
sis imeego, same tayo ng dilema! baby ko rin is 20-24oz rin ang intake niya daily. I consulted her pedia, sabi ng pedia ok lang daw as long as hinde naman nagkakasakit si baby, active, and nakakatulog sa gabi.
I know the feeling na nakaka frustrate and yun milk intake nila is for 2 months !
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: imeego on April 25, 2011, 05:48:21 pm
yun na nga lang pampalubag-loob ko sis na active naman at walang sakit, but still gusto ko sana mag-gain naman sya weight. inggit ako sa mga chubby babies :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on April 26, 2011, 10:18:29 am
sis imeego, ako naman ok lang sa akin un current body weight niya kasi naggagain naman sya every checkup. Pero parang nakakaawa lang kapag ang tagal na walang laman tiyan nila no? Ayaw ko rin sis un sobrang taba na baby, what's important sa akin is healthy sya =)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on April 26, 2011, 11:35:49 am
mga sis! pareho tayo, ganun rin si baby ko (5 mos and 3 weeks now) ayaw magmilk. Baby Girl po sya, average niya daily is 20-24oz rin, active and healthy naman si baby. Feel ko nga rin nagiipin na sya.
will keep you posted rin if meron development si baby when she reaches 6 mos., sana lumakas konte milk intake niya, wala pa kasi syang solids eh, probably next month pa sya bibigyan
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 26, 2011, 01:28:09 pm
sige sis, mag update din ako dito. hayyz super worried na nga ako. sa May 11 siya mag 6months sis pero parang mabagal ang paggagain niya ng weight. hopefully lumakas na siya sa pagdede. Nagsosolid na siya, kumakaen siya ng mashed rice, mashed potato, cerelac (rice&Soya flavor). Nagkaipen na kase siya when he was only 4months old, kaya yun na excite pakainin. Sis yung baby mo ba sobrang likot din?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 26, 2011, 01:59:00 pm
hay naku mga sisses, pare parehas tayo ng experiences with our baby. sa ngayon since mahina siya sa pagdede, ang pinapagawa ko sa yaya niya is libangin while nadede. like niya kc hawakan ang mukha ng nagpapadede sa kaniya, in that way, hindi niya namamalayan nauubos na niya. inalis ko na din yung strategy na per demand lang namin pinapadede kase ayaw niya talaga kung hindi mo siya oofferan. hayyss sana lumipas na itong phase na ito. hoping pag reach niya ng 6months magbago bago na. ???
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on April 26, 2011, 02:45:18 pm
sis mommylala - yea sobrang likot. Ok naman un 20-24oz since nagsosolid na si baby. Si baby ko kasi d pa solid eh tapos 20-24oz lang milk intake. Kami rin d kami on demand magbigay ng milk kasi never sya magdedemand hehe
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on April 26, 2011, 03:09:51 pm
@just_memom: grabe ang experience sis noh. Sana nga lumipas na itong phase na ito. excited na ko dumating siya ng 6months para mapalitan ng formula milk niya. i-shift namin siya sa Gain. Nung last na pina-check up ko siya, ask ko sa pedia niya baka meron siya mairerecommend na pampatakaw na vitamins, eh sbi niya yun na lang daw munang ceelin and ferlin. nagpaplano na ko ilipat siya ng pedia niya baka sakali mahiyangan siya sa iba.  :-\
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on May 11, 2011, 03:21:42 pm
mommies.. :'(

help sp moms, ang baby ko sobrang hina mag milk intake. :'( sa office ako ngayon pero habang nagtatype ako umiiyak ako promise. nag-aalala na ko para sa kaniya..

Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Tiger Lily on May 11, 2011, 03:25:06 pm
Same topics merged.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: imeego on May 11, 2011, 03:45:56 pm
naexperience ko din yan sis nagstart nung 4 mos ata na sobrang humina talaga, and literally umiyak ako nung milk intake niya was 18 oz in 24 hours, at ang weight ay 6.6 kg at 6 mos...what i did was changed the nipple to a faster flow rate, pansin ko kasi tamad sya mag-suck parang antay niya lang tumulo, kahit di humihingi try mo bigyan, tyaga lang...nakakapagod lang kasi need ko pa ihele bago ko mapadede, sobrang kalbaryo talaga..pag nagising naman paulit-ulit  ko pa din offer yung bottle niya minsan every 15 to 30 mins ang interval until maubos niya, tapos bigyan ko sya ng toy na hahawakan niya para lang continuous yung pag-suck niya, pag hindi kasi bigla sya bumabalikwas at maglalaro na....one more thing pala, napansin ko din nung binigyan ko ng cherifer and pedzinc nag-increase na milk intake niya saka humaba sleeping time niya,  2 weeks ng ok kami, ave niya na is 26-30 oz a day :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on May 11, 2011, 04:01:02 pm
mommy imeego,

hi sis thanks for the reply. i really appreciate talaga. he's 6months old today, last check up kc niya he weighs 6.5kgs only i think that was April18 pa ata. hes next check up would be on friday sana. mahihimatay ata ako pag ganun pa din weight niya  :'(

stage 2milk na siya promil gold since monday so bale pa 3days niya ngayon ang kaso matigas poop niya. so mamaya bili ako Gain (i-mix ko na lang yung dalawa)  :'(

ceelin, ferlin and tiki tiki prescribed vitamins sa kaniya ng pedia.
OT: kainis nga kc parang hindi siya nagwowori eh ang payat ng baby ko) ayaw man lang resetahan ng pamapagana. kainis talaga

sa tingin mo sis, palitan ko na lang kaya ng vitamins c baby kahit hindi pinescribed ng pedia?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: imeego on May 11, 2011, 04:12:00 pm
i also asked my baby's pedia re his weight, sabi niya ok pa naman (siguro kasi nasa normal range pa din tho nasa lower end nga lang) and wala din sya resetang pampagana, own discretion ko lang na bigyan si baby nun ;D nung nag-try ako ng different vitamins isip ko di naman siguro harmful kay baby yun since vitamins din naman sya, the only difference is yung brand name and slightly different lang siguro sa contents/formulation ;) (pero alam ko  yung heraclene di sya multivitamins (?) and may limit sa length of time na ibibigay mo ata hehe)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: plumngold on June 07, 2011, 09:37:46 am
baby ko rin mahina intake. Minsan tinatapon ng milk niya. she takes 5 oz, 5-6 bottles a day lang. Nakakaworry kasi payat siya tingnan.Pero buti na lang di naman sakitin. Im just bit bothered. Pero hindi rin naman concern ng pedia her weight. She said within range naman weight niya (5months, 6.3kg). Pahaba lang siguro ang growth niya instead na pabilog. She is 69cm now at 5months.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: tina@85 on June 08, 2011, 03:24:43 pm
hello mga mommies, im new here and new mom also sa 6 months old n baby ko...regards s topic n ito, gusto ko rin n matulungan nyo ako..actually ganyan din nngyayari s baby ko now, napansin ko last week lang na ngdecreased pagdede niya, siguro tama si murphy n baka shes ready to solid foods na..sana matulungan nyo rin ako...thnx!
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommylala on June 08, 2011, 03:40:18 pm
Hi mga mommies!

Ganyan na ganyan din ang baby ko when he's 4 to 5months. Super hina ng milk intake niya. Until he reach 6months thats the time na nagchange na kami ng milk to Gain. Also his pedia prescribed heraclene. Super hiyang sa baby ko. Ang lakas na ng milk intake niya ngaun. Try niyo din.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: toughmom on June 09, 2011, 12:41:29 am
3 Ways to Prevent Bottle Refusal
Here are a few tips to ease baby into bottle feeding.

http://www.smartparenting.com.ph/baby/development-child-care/3-ways-to-prevent-bottle-refusal
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommyshey... on September 03, 2011, 12:26:47 pm
hi mga mommies, paadvice naman.
my 6months old son doesn't want to drink milk and the only way na nakakadede sya is when he is sleeping. he only had 16-24oz of milk for the 24hr period. more on solids naman sya kaya average pa din weight niya. But it bothers me kasi yung pagdede niya. Unlike other infants,when they are being fed they will calm and fall into sleep, but my baby is opposite of that, he will cry.We shifted his milk from S26 to NAN pro2, we are also giving him heraclene, but i guess thats not the solution.
I hope some mommies out there, could give some pieces of advice.im first time mom kasi. thanks!
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: ♫jam.with.me♪ on September 03, 2011, 04:17:41 pm
Heraclene nga sana ang isasuggest ko. ano po vitamins ni baby? I think since 6months na si baby, naghahanap na sya ng something to eat. Try giving him steamed veggies like brocolli, carrots, sweet potatoes.. Just like what was advised to me by an SP mom, ipuree mo sya, then pack them into portions na kasing laki ng fist ni baby, and put them in the fridge.. Tatagal sya ng two to three days..

But it is still best to consult your pedia sis. They would know ano need ni baby para gumana sa pagdede.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommyshey... on September 03, 2011, 04:42:39 pm
hi sis, thanks for the reply,
i gave him cherifer and pedzinc before,sometimes tiki tiki.. then when i noticed di sya masyado sa milk i switched to nutrilin, ceelin and e-zinc, as per advised by his pedia .actually sis nagstart na sya ng solids like puree fruits and veggies nung 4months sya.until now magana sya sa solids.nagbeef na nga din sya. yung sa milk intake lang niya talaga nakakapgtaka,most infants ang gana sa pagdede nakakainggit.I don't blame naman yung pagstop ng milk production ko kasi mixed feeding naman sya..
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mariann on September 27, 2011, 07:14:17 pm
milk intake of babies usually lessen when they started with solid foods.  just balance the nutrients they get on their every meal because milk can give the complete nutrients.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mandyislove on September 28, 2011, 01:45:47 pm
 ganyan din daughter ko when she's around that age, I was so worried that I even changed her pedia, her new pedia prescribed Heraclene for one month when she was 7 months old. But I noticed that she got more matakaw with solids(she's really more on solids even before that), but with her milk consumption, it's still the same. Who wouldn't be worried, the recommended serving of Promil Gold is I think 4 or 5 bottles in a day, she'll just consume 3 or 2 or sometimes even worst, 1 bottle in a day! But at 7 months, she already eats everything. Then back to her old pedia(my own pedia when I was a kid :) ), she told me not to worry much cos my baby’s weight is above normal. Then she turned a year old and we’ve decided to change her milk to Gain Plus Advance instead of Progress Gold which is the follow-up milk after Promil Gold after reading positive comments on GPA here. During the first few days on GPA my baby’s milk consumption was ok, then after a week she’s back to her low milk consumption. Then during another pedia visit, I again addressed my worry on her low milk consumption, the pedia asked me if my baby already eats anything, I told the pedia that she eats anything and a lot! She then assumed me that I have nothing to worry since my daughter is still getting the lost nutrients from milk supplement by eating lots of solid food. Her pediatrician also explained to us that baby’s tummy is like a hallow, we are already filling it with lots of solid food so there is just little space for her milk. Amazingly, after that visit my daughter already became matakaw with milk(her solid intake’s still the same), she consumes 2-3 bottles of 240ml in a day, mostly 3 and she feeds by demand by the way, she’ll just shout dede. Maybe it also helped that I changed her multivitamins from polyviflor to Clusivol Kids with Lysine. So sis don’t lose hope, kasi mukha namang magana si baby mo sa solids :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mommyshey... on October 05, 2011, 04:49:55 pm
@mandyislove,  hay sis ur reply is really appreciated! we have exactly the same story. i was really worried,i thought im the only one suffering from the same situation..my parents also told me na dahil sa solids intake thats why he consumes less milk na..by the way ano weight ng baby mo when she was 7months old?my baby is just 7.2kgs and his birth-weight is 2.5kgs only..he is also taking wyeth gold series..promil gold now. and more on solids pa din sya,as in sobrang takaw..kaya lang i'm worried kasi complete nutrients pa din and formula milk diba?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: dasha0326 on October 12, 2011, 05:37:58 pm
mga sis, pwede na ba kumain ng fruits and veggies ang 6 months old? kasi baby ko sobrang hina din ng milk intake niya 16-20 oz din lang per day..thanks
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: ♫jam.with.me♪ on October 13, 2011, 06:58:35 pm
mga sis, pwede na ba kumain ng fruits and veggies ang 6 months old? kasi baby ko sobrang hina din ng milk intake niya 16-20 oz din lang per day..thanks

yes, sis, basta pureed. pero gradual lang.. yung kaya lang matake ng tyan ni baby :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mandyislove on October 17, 2011, 05:10:20 pm
@mommyshey: nasa 7.5kg si baby when she was 7 months old, 2.8kg naman ang birth weight niya. Milk supplement nalang sis kapag 6 months onward. Nasa label diba sis na kapag 6 months onward dapat binibigyan nadin si baby ng solids? Ok lang yan sis kung magana naman baby mo sa solids, kasi narereplenish naman ng solid intake niya yung lost nutrients from milk.

Much better mga sis if natural food ang ipapakain natin kay baby, yung baby ko at 7 months lahat na kinakain, hindi na pureed or mashed, kung ano nasa table, yun na. Wala naman say si pedia, at ok naman basta kaya ni baby na ganun.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: sky_butterfly17 on October 30, 2011, 08:49:34 pm
baby ko 9 months hinA din mag milk. 40z every 3 hours. last check up niya binigyan kami ng appetason syrup for 1 month. he is taking promil gold. day 1 of appetason naubos na niya yung 5 oz of milk sana mag tuloy tuloy na ang pag gain ng weightg ni baby..malapit na kasi sya sa below normal eh
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: just_memom on October 31, 2011, 05:20:24 pm
i think its normal around 6-9 or 10 mos mahina si baby and parang ayaw dumede... maybe their body is adjusting and maybe nga looking for alternative aside from milk. My baby was also given heraclene for 45 days and nothing happened but after that i noticed that slowly she can finish 5 tablespoon of food that i prepare that before she can barely finish 1 tablespoon... tiyaga lang mga mommies lilipas rin :) my baby consumes around 24oz of milk a day (4 servings a day) plus 2 solid feeding.. ok naman and i'm happy naman na she can eat whatever i prepare, it takes time nga lang...
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: sky_butterfly17 on November 01, 2011, 08:06:32 pm
napansin lang namin kanina during nung solid feeding niya ayaw na niya na ginagamitan ng spoon. like nung sa taha ayaw..pero nung tinry ko using a finger sinubo niya. tsaka yung rice with adobo sauce sinubuan sya ng MIL not using spoon..naka kamay lang.. ang dami daw nakain..
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: olapizza88 on November 01, 2011, 08:09:14 pm
Hi sis 6 months na gamit ng son ko yung appetason pwede bang pangmatagalan yon?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: sky_butterfly17 on November 02, 2011, 10:29:12 am
@ sis olapizza88, hindi ko lang sure kung pangmatagalan yun. ilang months na ba baby mo? sa min kasi 1  month lang to check if ok na weight gain niya. Ano sabi ng pedia nyo nung nag prescribe ng appetason?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: on November 14, 2011, 10:35:23 am
Mommies, may naka-experience na ba nito?
Exclusively breastfed si baby until 6 mos. Since my work sched is really hectic (also as advised by his pedia), I started mix-feeding him. Ok naman but for two days now he won't drink formula. Pag juice ang laman ng bottle, umiinom naman so I'm ruling out teething. When we give the bottle he will taste what's inside and if its milk, he'll clam up. I tried sneaking in the bottle when he's really sleepy pero nase-sense pa rin niya e. I don't trust na the amount of milk I produce to be enough to sustain him. 11 months na si baby so 5 months na syang nagfo-formula so why did he suddenly stop?  :'(

Mod's note: topics merged.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: momaye on November 14, 2011, 03:55:22 pm
wish i could really help. first what is his milk now?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: on November 14, 2011, 10:24:30 pm
Promil Gold, sis. I asked his pedia and ang advice niya is to switch na to sippy cup. Parang hindi naman yung bottle yung issue ni baby kasi he drinks juice nga from the bottle din.  :'(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: rianne_mallows on November 14, 2011, 11:01:02 pm
sis .. i think the problem started when you gave your baby juice.. it was worsen by the fact that you gave it to your baby through a feeding bottle :(

your baby might have confused juice as a replacement for milk.. since juices taste better.. of course baby would favor it against milk..  the fact that you give baby juice every time give refuses milk made the problem even worse... because you are giving your baby the idea that she can easily have juice  if she refuse milk...

how to stop this? IMO.. stop giving juice completely... wait untill she turns a year old before you re-introduce it again... and NOT through a feeding bottle..

giving sweeter tasting milk fo]rmula might help to.. pediasure and enfa series tastes sweeter than promil gold... but still, its better ask your pedia first

just to add.. baby's pedia strongly advised against giving juices before the age of 1..  specifically because of the situation you're facing now
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: abijhi on November 24, 2011, 08:26:41 pm
hi moms naku same sentiments tau, 5mos baby ko ngaun pero playful sya esp pag milk time na
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: MoMeekai on December 05, 2011, 03:17:40 pm
hello mga mommies! pag inintroduce nyo na ba solid foods kay baby dapat tuloy-tuloy na yun even if humina ang milk intake niya? kasi humina ang milk intake ni baby now. i'm thinking na baka kasi nakakakain na sya ng solid foods kaya parang nawalan na sya ng gana kumain. inintroduce ko na rin sa kanya ang marie biscuit and heinz rusks mga 1 week na. my baby is already 7months and 2 weeks. e since parang humina na sya magmilk, pinastop ko muna kay yaya ang pagpakain kay baby ng mashed veggies (although once a day lang naman namin sya feed and yung marie mga 2x a day). may tumubo na rin sa kanya 2 front teeth just now. could it be the teething o yung pag introduce talaga ng solid foods? tama ba yung ginawa ko na stop muna sa solids? ayoko kasi mabawasan milk intake niya kasi sabi ng pedia niya, he should still get his nutrition mainly from milk.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: MoMeekai on December 05, 2011, 05:08:10 pm
hello mga sis! kakatext ko lang sa pedia ni baby. ang bait niya talaga kasi she answers my questions kahit sa text ko lang tinatanong. hindi nakukulitan sakin.  ;D niwei, sabi niya baka nabubusog na daw si baby sa solids kaya nabawasan intake niya (surprisingly, she didn't blame teething for baby's decrease in milk intake). kaya sabi niya once a day lang daw solids and once a day lang marie.

and i asked her also if pwede na si baby ng table foods like dinurog na rice with bits of veggies, sabi niya pwede na daw. sorry off-topic pero baka makatulong sa may babies na 7 months onwards.  ;)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: toughmom on May 20, 2012, 05:41:52 pm
Q. How can I prevent my 9 month old baby girl from being underweight? She really doesn't have a good appetite (even for her formula). Please help!
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/q/thin_baby/thin-baby-ci.jpg)

A: http://www.smartparenting.com.ph/baby/q-a/How-can-I-prevent-my-9-month-old-baby-from-being-underweight-
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Chicxlette on June 04, 2012, 03:18:29 pm
My son ever since ayaw ng formula milk.. nasanay ata sa lasa ng breast milk. when tasting formula ayaw talaga.. so pinapanood namin ng mga baby tv, baby einstein, baby newton at iba iba pa.. when watching kasi na didistract sya and he opens his mouth to drink.. de buhos ang milk.. ayaw din niya kasi sa tsupon! he is 1.6 mos old na now and still ganon pa rin.. pero pag water naman he gamely drinks his water sa straw and solids no prob basta wag lang oats haha! sapilitan din..
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Adaline on June 05, 2012, 01:54:35 pm
hi mommies, my baby is turning 2 this september, hindi sya nag mi-milk maghapon, she eats cereals and cookies pero ang  milk niya ayaw.. nilagay ko na sa sippy cup, ayaw din.. water lang ang iniinom.. before promil kid sya.. pero nilipat na namin ng gain.. ganun pa ren.. sa gabi lang niya mauubos yung milk niya pag tulog na sya.. ano kaya pwede vitamins?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: toughmom on February 16, 2013, 01:51:46 am
3 Ways to Prevent Bottle Refusal
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/child-care/breastfeeding_bottle_refusal/baby-bottle-feeding-ci.jpg)
Here are a few tips to ease baby into bottle feeding.
http://www.smartparenting.com.ph/kids/baby/3-ways-to-prevent-bottle-refusal
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mrs,lorenzo on April 30, 2013, 11:40:23 pm
Hi moms,

bago lang po ako dito and may baby girl po ako 6months old.. may problem lang po ako ngayon sa pagpapadede sa kanya.. breastfeed and formula po ako sa kanya, nag foformula lang siya pag iinom ng vita at pagnaalis ako.. sa ngayon po kasi ayaw niya dumede formula man o sa akin.. gusto niya inaantok siya bago dumede which is mahirap kasi minsan parang nalilipasan na siya ng gutom.. ayaw talaga niya dumede kahit gutom na siya..
sa gabi wala naman problem na dede siya sakin kasi nga tulog siya and inaantok siya pero sa umaga hanggang hapon yung ang problem namin ngayon.. may naka experience na po ba sa inyo ng ganito? may ipekto po kaya yung vita na tinatake niya baka nawawalan siya gana baka need ko na magpalit ng vitamins.. ano po kaya pwede ko gawin,, sobrang na de-depress na po kami ng mister ko araw araw pag nakita namin siya naiyak and parang namamayat na baby namin.. Thanks in advance..

-Mrs.lorenzo
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: xianne on May 02, 2013, 09:34:56 am
Hi sis..hindi pa ba nakain ng solid c baby? like cerelac? banana, sweet potato or potato?baka gusto na niya kumain sis? C baby kasi ganyan din before.. ayaw niya dumede pag gising..gusto niya pag tutulog lang siya.. kaya pag gising siya pinapakain ko siya ng cerelac or kahit ano foods na pwede sa kanya.. then pag time to sleep na siya ngdede.. Nung 6 months siya 6 oz ang gatas niya, natutulog sia sa ng 10am,3pm at sa gabi from 8pm-6am nakaka 4 na dede siya.. anim na dede siya sa isang araw...
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mrs,lorenzo on May 03, 2013, 04:53:57 pm
Hi xianne,

Thanks for your reply. ngayon palang namin siya pinapakain ng cerelac. ayaw niya ng mga patatas at papaya.. so far ganun pa din naman siya pag matutulog lang or antok nadede. pero mas okay na pakiramdam namin ngayon kasi alam namin na nakain siya gawa ng cerelac. observe pa din namin siya.. baka din gawa nung antibiotic kaya sobra magtoyo kaya mas lalong ayaw dumede.. ngayon medyo bumabalik na sa dati pero lamang pa din yung gusto niya nadede pag antok lang hehe

salamat ulit!
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: chardonnay on May 03, 2013, 07:16:25 pm
talk to your pedia mommy, baka me nararamdaman sa lalamunan or something.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: xianne on May 06, 2013, 09:50:24 am
antibiotic sis?
may sakit ba si baby?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: irenek on May 07, 2013, 03:58:47 am
I understand. At 6 months ang primary food niya ay milk pa din. Yung solids na binibigay natin ay para lang masanay yung taste buds niya. Yung baby ko halos lahat ayaw niya ang lasa ng food exept yung cereals nung 6 months siya. pinaka ayaw niya yung patatas. nagsuka pa nga nung pinakain namin ng patatas. pero 11 months na siya ngayon, at lahat kinakain na niya. hindi pa din kumakain ng madami ang 6 months. usually 1-2tsp lang ang bigay ng food. Better go to the doctor as soon as possible for a check up dahil baka bumaba ang timbang ni baby.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: ann.villanueva on May 29, 2013, 02:59:41 pm
7 months old na baby ko bukas.until now d pa din sya nadede pag di siya tulog.kung gising sya tapos padededehin mo isusubo lang niya pero d mababawasan kahit ilang oras na nung huli syang dumede. malakas sya dumede nung al110 gnamit ko pwede ba yung gamitin ng matagal? un lang kasi ang matabang na gatas na alam ko.yung nestogen low lactose medyo type din niya.help naman po on what to do. ayaw dn niya ng lugaw at apple. ang gusto niya mango at rice
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mybabyboy on September 18, 2013, 08:48:08 pm
Im worried na sa baby ko. his 6 month old na. Kumakain na siya ng cerelac since 5 months siya, and mix feeding din siya. breastmilk pag nasa bahay ako and formula milk pag may lakad ako. anyway, ang hina hina na niya talagang uminom ng milk. napansin ko kasi pag nag bebreastfeed ako sakanya ang bilis bilis niyang matapos, kinakagat kagat niya lang nipples ko pag ayaw niya na. so i decided na e formula muna siya para ma tantsa ko gano ka dami naiinum niya. he would drink 3oz per feeding lang max na yung 4oz every 3-4 hrs siguro.  sapilitan pa talaga ang pagpapainum sa kanya, minsan i would distract him by playing nursery rhymes na video para mag drink siya ng milk, he would suck while watching, kasi pag hindi kinakagat niya lang din nipples ng bottle. madami naman siyang naiinum from my breast pag half asleep siya. doon nalang talaga ako bumabawi. he eats cerelac 2x a day, morning ang evening. 1 month na siyang ganito, hindi ko pa siya na papatimbang ulit. napansin ko din kasi nangayayat na siya and magaan din. mi vitamins naman siya, tiki-tiki and ceelin.

any advice from mommies? ano ba magandang technique para mapadede ko siya ng marami? and vitamins kaya? thanks mga mommies.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: MommyniAddie on September 20, 2013, 10:11:34 am
Hi Sis, pina check mo na ba sa pedia?...Consult mo muna pedia niya regarding this. Madaming factors kung bakit mahina siya mag milk..parang yung case ng baby ko nung newborn siya..Pwdng ayaw niya ng formula, try mo mag ask ng kapalit, yung nipples mismo na gamit pwd ring factor kasi baka natitigasan siya..Try mo po gumamit ng pigeon na "Y" ang type...it cost 175 2 pcs na un...malambot kasi un...Pero ang pinaka maganda ipa check mo siya sis..yung age nyang ganyan dapat kalakasan pa rin yan sa milk eh.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: _knightwind_ on September 20, 2013, 05:46:31 pm

sis, better pa check mo muna sa pedia niya para sure kasi dapat at his age malaks na sya dumede..at 5months 6oz na dapat ang dinedede niya...
MommyniAddie is right, baka yung nipples or yung milk niya mismo ang ayaw niya..

Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: twinksdinefave on October 20, 2013, 05:54:40 pm
mga sis help naman po my 1 year and 1 month old baby ayaw po dumedede ng milk niya.. simula pa po kagabi ayaw niya talaga ng milk. every-time na susubukan niya pra syang nasasamid samantalang di naman po malaki butas ng nipple.. kumakain po sya pero konti lang po.. nag aalala nga po ako sa kanya tapos nag popo sya kanina konting konti lang po talaga sobra.. ano po kaya nangyayari sa kanya..... 
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Aerielle on October 20, 2013, 08:24:56 pm
Better bring your baby sa pedia niya bka may singaw or sugat sya sa bibig niya.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Mommy Jazz on October 21, 2013, 10:32:52 pm
Topic : "help! ayaw dumedede ni baby!" merged with this topic
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: JheanBondoc on April 01, 2014, 04:42:43 pm
Hello mommies . Young baby ko is now 5months old . Mixed breastfeeding ako.  Kaso kapag Sa bote name siya dedede parang ayaw na niya . Young 2oz name titimplahin ko may 1oz pa syang ititira , nakaka frustrate kapag ganun diba and sang hirap niyang padedehin even sakin kapag hiding sya . Pedro kapag patulog Lang sya dumedede. Please help me naman po. Bonna po young milk niya ngyn . And ano vitamins po Kaya sang magandang ipainum Sa Kaya para mabilis po syang mag gain ng weight? Thanks in advance
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mhiles16 on June 02, 2014, 12:47:17 pm
Hi mga mommies..pa help naman po. yun baby ko po kasi ayaw niya dumede last week pa. he is turning 1 this month. ngaun lang sya humina magmilk before every 2 hrs ang milk niya na 7 oz ngayon un 4 oz hindi pa niya maubos. nagkagayan sya after naming magswimming last week. then two days after sinusuka niya un mya milk niya. then water un poops niya. pinacheck up naming sya then binigyan lang sya ng ezinc. ok na sya hindi na nagsusuka pati poops niya ok na din. Worried ako kasi halos hindi niya nauubos un milk niya. hindi ko alam kung dahil sa masakit din un gums niya at may papalabas na new teeth sya. Any suggestion po kung ano gagawin ko at talagang bumagsak un katawan niya dahil sa hina ng pagdede niya.Thanks
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: preciouslara on June 02, 2014, 01:18:30 pm
may time talaga sis na humihina sa pag inom ng milk ang mga kids,since he's turning 1 naman na, siguro kumakain na rin siya ng rice diba, mga dinurog na fruits and veggies, baka mas gusto na bi baby yun kesa sa milk...need pa rin niya magdrink ng milk pero as long na kumakain naman siya, i think its ok...and ask  his pedia na din kun anon pedeng vitamins para mas ganahan sa pagmilk or kumain yung anak mo kung talagang pumayat siya diba
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mhiles16 on June 04, 2014, 09:39:53 am
thanks mommy preciouslara..turning 1 na sya bukas try ko na din palitan un milk niya baka sakaling bumalik un gana niya.malakas naman sya kumain ng rice..sabi ng pedia niya ok lang naman daw un as long as kumakain at umiinom ng water.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Nanay ni Liam on June 05, 2014, 11:23:00 pm
Sis try offering milk sa sippy cup. Ganyan kasi nangyari sa baby ko. My baby is 1yr  2 months now and he drinks milk 3-4x na lang lalo kumakain na sya ng solids. When he was confined sa hosp nung april ayaw na mag milk sa bote. We noticed kahit he's better na ayaw pa rin dumede so we tried offering sa sippy cup, ayun nag milk sya!
May mga bata daw kasi talagang sila umaawat sa sarili nila sa bote. Medyo magastos lang kc buy ka ng new milk containers (sippy cup) pero sabi ng pedia ni baby mataas daw IQ ng mga ganun. Hehe! Tsaka maganda naman daw un para hindi masira ang teeth :)
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mhiles16 on June 06, 2014, 01:04:15 pm
We change his milk from NAN to Nestogen..so far nagustuhan naman niya at bumalik na un gana niya..nag gain na din sya ng weight..sana tuloy tuloy na..matakas din sya sa solid foods.. ;D
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: toughmom on June 07, 2014, 10:33:49 pm
Same topic merged. Please use search feature to see if topic is already in discussion before starting a new topic.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mhiles16 on February 09, 2015, 01:48:51 pm
Hi mga mommies! Ask ko lang kung na experience nyo din sa mga baby nyo un bigla na lang syang mawalan ng gana. Yun 19 months old baby ko kasi bigla na lang ayaw dumede since sunday. Pag solid food naman ayaw niya ng rice lugaw lang gusto niya. Before super takaw niya eh..5 bottles sya every day, Tapos ngaun biglang ganun. Iniisip ko baka dahil sa mga teeth niya sa bagang. Sabay sabay kasing lumabas. Please help naman po. Thanks :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: MomiAnn on March 02, 2015, 05:34:34 pm
Nag resume na ba siya ng normal feeding? possible nga na may pain sya nararamdaman kaya naapektuhan appetite, if condition didn't improve, better have your baby checked by pedia para sigurado.
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mhiles16 on March 04, 2015, 03:00:52 pm
Hi MomiAnn. Yes back to normal na ulit appetite ng baby ko..Thanks
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Kenlyn on March 20, 2015, 06:21:12 pm
Hello po mga mommies. Mix feeding po ako sa 3months old baby ko. Pero ngayon back to work nako napapabreastfeed ko nalang si baby kapag gabi. Before okay naman siya sa formula milk niya, dinedede naman niya pero ngayon 3months na siya ayaw na niya dumede sa bottle niya, I don't know kung yung gatas o nipples lang ng bottle niya yung prob kasi isusuck naman niya for few seconds then kapag nagstop na ayaw na niya. Same thing kapag pinapabreastfeed ko siya pero ang pagkaiba isusuck niya ulit breast ko yun lang parang hindi na sapat yung supply ng milk ko kaya umiiyak. Tapos bigla nalang siya nagconstipated, hindi siya nagpopoop ng isang araw. Ano kayang milk yung maganda para sakanya? Any suggestion? Thanks mommies
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: LeAnne02 on May 04, 2015, 03:43:48 pm
Mga sis help naman. My son is 1 year old na. Pero ayaw niya dumede sa bottle as in. Hindi siya galing sa breast feeding kasi wala ako milk reason bkt nag hypoglycaemia siya during neonatal days. Pero ayun, before naman okay siya nagssuck siya sa bottles but now as in ayaw niya kahit gutom siya. What we do is we use the medicine droppers para makapag milk siya kasi natatakot kami na baka magutom siya ulit. He won't eat any solids din. As in no solids talaga. I force feed him sometimes, I tried Cerelac, mashed potatoes, mashed squash, mashed avocado. Nothing, He will finish the bowl kasi nga I force him which breaks my heart kasi nakakaawa siya. But we are really scared kasi hindi siya kumakain..We tried to change his milk to Pediasure kasi someone told us ito yung nirerecommend sa mga babies na picky eater. After that, he was rushed to the hospital kasi nanigas talaga tummy niya sobrang iyak niya nun and nag fever siya..Never nangyari to with Nan HW and Promil. Now we changed his mik to Promil again..hayyy. Can someone suggest anything mga sis..

Ta
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: iamLhen on May 21, 2015, 02:12:52 pm
hi mommies! Suggestion naman Kung pano mae encourage si baby sa pag Dede sa feeding bottle, she 11 months old. And suggestion narin sa milk and vitamin, thanks!
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: mhayeng on June 11, 2015, 09:13:00 am
Hi sis Mhiles...

We change his milk from NAN to Nestogen..so far nagustuhan naman niya at bumalik na un gana niya..nag gain na din sya ng weight..sana tuloy tuloy na..matakas din sya sa solid foods.. ;D

---- nakakailang bottle/oz of milk si baby mo ngayon? sana magustuhan din ng baby ko yung Nestogen.. ayaw niya din kasi dumede now a days eh..kahit gutom na gutom na talga sya.. :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: svcg on July 06, 2015, 06:53:02 am
Hi  monmies! My son is at 8mos naka promil gold sya pero we're planning to switch to another formula kasi 3weeks na syang ayaw dumede! June 20 nagstart sya magteething lateral incisors lumabas 2 tpos 2 front teeth niya palabas pa lang pero til now dipa dumedede ng maayos sapilitan pag tulog sya nakakadede pero pansin namin nagrerefuse na rin sya kapag tulog. Accdg to pedia last week teething issue pa rin daw most likely bigyan namin time 3 days more e lagpas na 5 days na kaya nawoworry na ako baka milk din issue. Sobrang bilis ata niya masawa kase before mix feeding kame pero switch ng switch ng formula kase pansin ko ayaw formula nan - nan pro - enfamil and until nag s26 kame humiyang sya then 6mos nag promil kami ngayon lang sya nagrefuse uli. Pahirapan mameet ang 18oz. Ok kaya gain sa 8mos or nido jr pwede na ba? 
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Faith Mallari on January 08, 2016, 04:58:18 pm
hi mga mommies, newbie ako dito, gusto ko lang i-share yung experience ko sa baby ko, bigla kasi syang huminang dumede nung naging 3 months sya, napasin ko na mas gugustuhin pa niya matulog kesa dumede. may times pa na halos 8 hours na walang dede sya, pero normal naman yung pooh pooh niya, everyday, tapos yung wee wee niya okay din naman, pero mahina talaga sya dumede, kaya natatakot ako para sa kaniya.. baka may ma ipapayo kayo sa akin kung ano dapat ko gawin,  thanks
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Diana Duran on December 22, 2016, 10:24:09 pm
Hello

 My prob din ako kaka 2yrs old lang ng ank ko na babae ngayon ang milk niya nido jr 1-3 matagl n nyang dinedede un ngayon ang prob ko ayaw n niya mag gatas kc pinalitan. Ng new formulation ang gatas ng nido.sinubukan ko ibang brand ayaw na ewn ko ba bakit kasi pinapalitan pa nila ng ibang formula ang gatas kaya tuloy nag iiba ang panlasa ng bata
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: NanayAnj on June 20, 2017, 02:58:16 pm
Good morning, mommies! Newbie here :) mas gusto matulog ni baby kaysa dumede. worried ako kasi usually  nakakaubos sya ng up to 28oz per day, pero lately subo lang niya ang bottle at parang naglalaro lang, hindi dumedede talaga. ano kayang dahilan? active naman sya pag gising, smile ng smile pag kinakausap pero medyo humina magfeed. :(
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: NanayAnj on June 20, 2017, 02:58:47 pm
Possible po kaya yun na ayaw na niya ang lasa ng milk niya? NAN HW 1 po kasi ang milk niya dahil nung una pinainom namin ng Enfamil kaso nagrashes at nasugod sa ER. Plus baby has VSD (ventricular septal defect) or maliit na butas sa puso. kaya takot din kami basta basta magpalit ng milk niya. :( nagtanong na ako nito sa pedia niya kaso sabi daw dalhin daw sa ER si baby and iadmit kasi less ang feeding so baka may problem, e ayaw naman po namin na ER na naman and admit agad agad. :( please advise po...
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Mommy Jazz on June 21, 2017, 11:42:50 am
Always follow the advice of your pediatrician po. If in doubt, get an advice of another Pediatrician or a doctor.  For ordinary cases, you can ask the advice of fellow mommies pero iba po kasi ang case ng baby niyo. Since meron nga siyang VSD, expect that you will be visiting the hospital talaga more often than usual. For now, pa check up muna si baby. Yung nagtanong po kayo sa Pedia, was that a physical check up o tanong lang sa phone?Sabi niyo masayahin naman ang bata. Kung nabawasan ng timbang o may iba pang symptoms na makita ang doctor na nakakabahala, then tsaka na pag usapan ang pag admit.

@NanayAnj, you might like to join this thread po
Moms of Children with Congenital Heart Disease (CHD)
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=4550.0

Goodluck po!

Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Rochelle Anit-Dela Vega on March 22, 2019, 12:44:47 pm
Hello po, question lang, medyo nag aalala kasi ako, since na introduce ko kay Baby ang solid food (5months sya,8.3kilos) ,. bigla humina yung pagdede niya, formula po sa, dati kasi 4bottles po nauubos niya in 24 hours (180ml) at may dalawang 120ml 😑 ngayon ay 3(180ml) at isang 120ml nalang nauubos niya . 😑
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Mae Nilo on April 29, 2019, 04:54:14 am
Hi mommies..
Need ko lang help.. C baby ko po kasi mahina n intake ng milk pero malakas sya sa solid.. 1 yr old na din po sya.. Pero hanggang mag 1 sya 4 ounce lang talaga ang pinakamadami nyang milk na iniintake.. Tapos ngaun yung 4 ounce minsan di n niya kayang ubusin.. Tska sa gabi diretso n sleep niya..halos 8 hrs  syang natutulog kahit pagtimpla ko sya ng milk ayaw niya.. Hay... Pinalitan ko n din sya ng milk from. Enfamil to enfagrow to promil to nido.. wala pa din.. Hay what shall i do? Sabi pedia basta magsosolid.. Pero syang as his age 1 yr and 1 month plng need talaga niya ng milk db?
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Jho Lopez on May 19, 2019, 12:22:00 am
Hello po ask ko lang po kung yung baby nyo maingay ang tiyan pag nglag bottle pero sa pg breastfeeding hindi naman. Ska OK lang b na wala po b n ifeed ulit ng bottle kht wala pang 3hours
Title: Re: baby's sudden decrease on formula milk intake / ayaw dumede
Post by: Jho Lopez on May 19, 2019, 12:25:20 am
Mas marami sya tulog kaysa sa pag feed ok lang b n gisingin para ifeed. Npapansin ko kc mabgal tumaas ang tibang niya