Parent Chat

Celebrations => Special Occassions => Topic started by: yshaleigh on February 12, 2010, 11:32:44 am

Title: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: yshaleigh on February 12, 2010, 11:32:44 am
hi mga mommies..

ask ko lang po kasi confused ako sa magiging wedding ko.. our church wedding will be held this coming december 2010 but then my mom and my dad will renew their vows 40th anniv on jan 2011. sukob ba yon o hindi?

need feedback asap. thanks in advance
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: Lucy on April 09, 2010, 08:50:15 pm
hmm.. i don't think so.. From what I know, sukob is sukob sa taon.. since 2011 magrenew ng vows parents mo and you'll get married ng 2010, hindi sila on the same year..
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: prism on November 02, 2010, 06:16:54 am
Totoo ba ang sukob?

My fiance and I are planning to get married, civil muna on jan. 17th then eventually church wedding  jan 2012. Kaso, my mom reminded me about my lola who passed away last june lang. Magiging sukob daw sa patay pag nagpapakasal kami until after mag 1st year death anniv lola ko.

We started planning na and we even contacted some suppliers though pencil booked pa lang naman.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: mamacyd on November 02, 2010, 08:08:12 am
ok lang sis siguro yun kasi kung this year naman nagpass away si lola mo.. next year pwede na kayo pakasal. as long as hindi of same year.. by the way.. condolence sis..
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: insensitive on November 02, 2010, 04:59:08 pm
Yung pinsan ko sabay sila ngpakasal ng brother niya civil wedding, 6years ago and they are both happy..
sabagay wala namang masama kung susundin ang pamahiin  ;)
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: prism on November 04, 2010, 04:06:29 pm
wew! thanks for you response!

@prettynpink - thanks sis. i personally dont believe in sukob. parents ko kasi medyo superstitious.
@ kassandradenise - we wanted to have a baby na kasi. we were thinking tuloy na unahin na lang yun baby while sukob pa. wag ng magpa-civil wedding this coming january, church n lang sa 2012! hehe!
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: honey-ecclaire on November 04, 2010, 05:38:26 pm
mahirap talaga kumbinsihin ang mga matatanda about sukob sis,....kung okay lang sayo na si baby muna eh..GO!well if you are to conceive now,after June and I yr na ni lola mo pwede ka ng magpa-civil
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: anerba :) on November 04, 2010, 05:51:28 pm
Hi Sis,

ang alam ko sis it applies pag same year nangyari ang events kaya ituloy nyo na lang plans nyo. siguro to convince your mom try mo na maghanap ng material like print out sa internet or magazines na ang sukob applies sa same year baka magbago isip ng mom mo.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: joluessi on November 05, 2010, 11:08:16 am
Sinabi din sa amin to ni hubby ng mama ko & ng lola ko nung nagpa-plan kami magpakasal. Dec. 28, 2008 wedding namin. Tapos, that year din, March 2008 naman kinasal yung sister ko. Also, that same year din, my lolo (April) and tito (around September ata) died. Pero tinuloy namin ang wedding. Because it has already been planned even before those events happened. Wala namang something unusual that happened..
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: mamagwyn on November 20, 2010, 09:23:29 am
before nun civil wedding namin, mga ilang days lang ata before nun, sinabi ng mama ng asawa ko sa kanya na namatay raw ang lola nila sa pampanga.. eh since nakaset na yun date eh, wala naman daw yun kasi 1 month namin pinaghandaan at inasikaso ang mga papers.

ano ba mangyayari pag sukob sa patay??
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: thersie_marie on January 03, 2011, 10:33:33 pm
as for me theres no certain thing na "sukob"nasa tao po lahat..do the right thing and be fair to your fellow- equals good karma. naalala ko yung movie na "sukob", as movie review it was not about "sukob sa kasal" but its about "sumpa at karma" (curse and bad karma) sa pagkakamali ng nakaraan na dapat itama sa kasalukuyan.  nasa bible din po na what ever unpaid sin will pay by your next generation.  thats why we have to always pray for protection.. soon i will post the prayer of protection i mother always pray.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: marimar on January 04, 2011, 05:46:02 pm
this pamahiin is really a big issue in our place in Batangas :(
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: eytellene on January 05, 2011, 09:01:15 am
depende na siguro po yan sa maniniwala.. pero if your parents insist na next year na lang sundin nyo na lang if nd pa naman pala kayo nakakapag hard book kase ala naman mawawala sa sususnod :)
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: sweet&spice on January 05, 2011, 03:52:09 pm
sabi ng mga oldies, there are two kinds of sukob:
1. one is sukob with the death of an immediate relative;
2. sukob sa wedding with another immediate relative.

sabi nung elder and other soothsayers, there is only sukob in the first kind, not on the second. It's more of dun sa first sukob, parang may death na susunod. sa second, it's more of pagtitipid lang or practicality on the part of the family, kasi two weddings in one year di ba? (sabi nila to...which makes sense to me).

personally, we don't believe in the second type. my aunts and uncles got married in the same year. ok naman sila ngayon, pareho. kung nahirapan yung isang tito ko, its because they started really from scratch and they had lots of kids compared to the other one, who's married to an expat, and only has one child.
 
we may believe more of the first kind siguro, kasi dapat talagang galangin ang ala-ala ng mga patay, lalo na at matanda na. it's a big deal in the province.

i don't know if you have to wait the whole 12 months thereafter thing....or the changing of year, eliminates waiting. sana yung latter part, para you could marry na agad.

if it's really necessary the elders told us, that you can have your marriage solemnized outside the philippines, parang may territorial boundaries ata yung prohibition eh. well, sabi niya lang. we had to consult kasi, we had the second type of sukob.  and, malas or swerte --- di na rin natuloy yung wedding.  ;)


Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: thersie_marie on January 09, 2011, 12:44:55 am
as for me with that two kinds of sukob..eto po ang aking explinasyon basi sa aking pag-aaral at mga natutunan bilang dating member ng Singles for Christ

1. yung una ay respeto  ang pinag-ugatan nyan, kung sino ang dapat mag-give way sa dalawa..kasi nga concern naman dun ay halos iisa din ang mga aattend yung sakaling sabay nga magpakasal yung dalawang mag-kamag-anak.. kung sakaling mag-sabay ng kasal saan aatend o dadalo?problema diba?tampo pa ang aabutin.

2.yung dahil sa may namatayan ay "respeto" din sa mga nagdadalamhati pa kung saan walang masama para skin... yung interpretasyon lang talaga na may susunod pero mas dapat isipin or concern dun ay yung respeto nga sa mga nagdadalamhati pa na dapat bigyang pansin at ipagliban muna.

Serious sin po ang maniwala sa pamahaiin or superstitious.  based dn po yan sa catholic belief . If your are really christian and you already learned that its bad you shouldn't do it.  In my heart I discern that it has nothing  to do with my life.  Thanks to all my mentor and the teaching i learned.

Sana po yung salita o paniniwala na "wala namang masama kung susunod ka" ay alisin na po natin kung alam natin sa puso natin na against to sa ating paniniwala.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: donna joy on January 18, 2011, 10:23:36 am
mam kinasal yung kapatid ng bf ko last january 2,2011 sa simbahan, kami were planning sa may pero po sa huwes lang po.. bawal ba ito? sukob din ba?
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: sweet&spice on January 20, 2011, 11:19:45 am
^sukob daw yan sis. although if you were to believe sukob, then, do you honestly believe na your God is a "stingy" God that blesses his children per family alone? hindi ba ang blessings ni God for prosperity, per child/per person. I believe my God is generous enough and understanding enough to give us blessings, regardless kung naunang ikasal yung isang kapatid.  Kung humirap ang buhay, that's just how it starts, pero it's up to you, how it ends..

Even if its sukob sis, I say, go....

ps. I don't believe that sukob sa wedding, will make one the parties die also.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: Lelen on March 01, 2011, 10:42:40 pm
You're so right funnyarfte. God is so generous with His blessings, so why waste on pamahiin? My SIL and I had our weddings on the same year. Sabi ni Hubby, kaya masama ang sukod sa iba kc sukod sa gastos, since we paid each for everything, di pinagastos ang parents and we understood each other, alang naging problem samin.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: purple10 on June 12, 2011, 11:26:57 am
hello mga mommies at daddies!

naniniwala ba kayo sa sukob sa kasal?.. ganito kasi yun, i had an American fiance at plan naming  mgpakasal this year dito kaso ngpakasal yung lil sis niya sa US last may. hindi kasi sila naniniwala sa sukob eh..

share naman kaayo ng mga nalalaman nyo...

Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: chester on June 13, 2011, 04:48:41 pm
hmmmm... hindi ko alam kung maniniwala ako or hindi. pero hindi ba may mga kinakasal na double wedding? same date and same year.  at karamihan ay magkakapatid pa.  and sabi nila ay masaya din yun. ;D
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: nylecoj on January 09, 2012, 01:26:10 am
totoo po ba tlaga ang sukob.. kc plan po namin magbf n magpaksal ngaun april 2012,, kaso po yung kptid po ng bf q ikksal naman po s january 2012,, yung magiging asawa po ng kaptid ng bf q.. pinapopostpone yung kasal namin.. kasi daw po sukob.. dapat ba namin sundin un.. at paniwalaan yung cnsbi niya...

thank u po ngmarami..
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: carlsant on January 09, 2012, 04:02:01 pm
HINDI!!!!eh bakit dito meron akong pinsan nagpakasal naman ng magkasunod na year hindi naman namatay..asa sa inyo yan kung maniniwala ka..basta ang alam ko there is only one God and i have faith in him kaya hindi ko kelangan mngamba.Wala naman kase yan scientific basis pero depende pa rin sa inyo un lalo na sa mga oldies madalas yan yung mga barrier kase they believe in sukob.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: chubbycheeks on January 10, 2012, 01:08:49 pm
yung sa amin ganito ang nangyari.

We were civilly married February 2011. Hindi kami tumuloy sa simbahan kasi ang mother ng asawa ko (byenan ko pala, hehe) ay OFW sa ibang bansa and 10 years ng hindi umuuwi, at nakaschedule na siya umuwi ng December 2011. E kami, hindi na makapag antay kasi that plan was supposedly Dec 2010, hindi nga matuloy tuloy kasi lagi nappostpone ang uwi ng mom niya. So nagpakasal na kami sa huwes, and by Dec 2011, sa church.

A month after our civil wedding, nalaman ng buong pamilya na si bunso nila e nakbuntis. At siyempre parents ng girl gustong ipakasal sila. 19 years old pa lang sila, and parehong nagaaral. Although ako, at the back of my mind, maiisip ko na tong sukob na to, sabi ko sa asawa ko, sana wag muna sila pakasal. Mas maganda na sumunod na lang sa pamahiin. Pero, naisip ko, sige na nga, hayaan na lang natin si Lord and magdecide kung ano ang mas nararapat. So in short, July 2011, kinasal din sila sa huwes at ang byenan ko ay biglang umuwi ng June 2011 para sa kasal na yun.  :o

Kesyo civil lang naman daw kami pareho, sa church lang daw yun applicable etc etc. Pero wag ka, pinapapostpone ulit nila ang church wedding namin. My gosh, hindi ako pumayag! Haha. Ibang usapan na kasi yun eh. And besides, ayoko na magadjust.

So far, ok naman kami. We also have our baby girl, and maayos naman ang pagsasama namin. Naniniwala ako na walang ginawa na masama ang Diyos. Tao na lang ang gumagawa ng mga bagay na ikasasama niya. :)

Inaamin ko, nastress din ako before sa sukob na yan. Pero ngaun, tinatawanan ko na lang. Basta put God at the center of your lives and marriage and you can never go wrong. :) Good Luck sa marriage!!!

Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: Anne Mercado on January 13, 2012, 05:32:08 pm
This may be late already but I do not believe in sukob. It doesn't make sense to me to move a wedding just cos someone else in your family recently got married.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: lmlocsin on January 16, 2012, 10:55:36 pm
sukob ba ito?

We got married October 2008, then my hubby's father died on Dec 2008... palagay nyo?

diba ang sukob sa patay eh yung nauna yung patay bago yung kasal? What I am saying is, hindi naman namin kagustuhan mamatay yung dad niya with that same year db?

sabi kasi ng iba sukob daw un.. input please.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: purple10 on March 19, 2012, 01:08:49 pm
hello mga sis!..

hindi po ba puwede mgpakasal at magpa binyag same year?.. kasi balak namin mgpaksal ng lovie ko pag ka uwi niya, tas magpa binyag na din.., natatakot kasi ako baka sukob..heheh!.. MAGpapa binyag din kasi sister ko thi year also.. advice naman mga sis.. salmat!
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: missmy on March 19, 2012, 02:48:41 pm
sis okay lang naman magpabinyag at magpakasal ng same year.. yung cahz ko ganon din.  ;)
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: proudmamma ;) on March 19, 2012, 03:06:28 pm
h sis,

so far, wala naman ako narinig na bawal yan. in our case, nagpakasal kami ng january tpos nabuntis rin ako agad kaya december nagpabinyag na kami kasi iibabyahe namin ang baby namin papunta sa province. so, ang bawal ay itravel ang baby ng walang binyag (ayon sa pamahiin).
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: Anne Mercado on April 26, 2012, 11:25:10 pm
Okay lang, me kasi I don't believe in that eh :) Go :)
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: tashasabs on May 03, 2012, 09:28:41 pm
Pwede yan. You're asking naman for blessings sa parehong okasyon kaya I don't see bakit magiging masama.  :)
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: Angela Zhane on July 06, 2012, 02:05:59 pm
Kasabihan ng mga matatanda, pag ikaw ay isang dalaga at kumakanta ka habang nagluluto makakapag-asawa ka ng matandang lalake. ???
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: daniela antonia on January 12, 2013, 03:50:04 pm
hi mga mommies,

i was just wondering if you believe in sukob? i got pregnant kasi last year so i wanted na makasal na kami ni bf bago pa mahalata tiyan ko. but unfortunately, naka-plano na din kasal ng kuya ko sa gf niya (di buntis) kaya ng.give way nalang ako kasi wala sa plano yung akin.

is sukob true po ba?

ngayon 4months na si baby and we're planning ni partner na this coming feb nalang yung wedding sabay sa binyag ehhhe. para isahang gastos.

salamat!
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: kiz_me1109 on January 16, 2013, 05:09:55 am
It's not considered as SUKOB kasi hindi naman same year. And kahit na same year pa or same date mismo, hindi din kasi renewal of vows lang naman yun.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: jhetmara on January 31, 2013, 02:13:00 pm
hi goodmorning to all

just want to ask if sukob din po ba pag ang twins eh nagpakasal same year but in different place..nsa saudi po kasi ako at yung twin sis ko eh nsa pinas..church wed po sila while kami po eh civil..sukob po ba un? thanks
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: jinkikay on May 15, 2013, 11:43:55 pm
Ask ko lang kung matatawag bang sukob kung yung brother ko nagcivil wedding this year at ako church wedding? Same year din. Or sukob lang ba pag same church wedding. I have no idea kasi. Thank you.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: rozeerein on August 29, 2013, 04:34:06 pm
hi, ang ate ko magpapakasal sila sa huwes this nov. 2013, gusto namin magpakasal next year kaso magpapakasal sila sa church sa march 2013. kung sabay na lang kami magpakasal, sukob ba yun? kasi nauna ang magpapakasal nila sa texas, usa eh tapos dito sa phils ang churh wedding. pls reply. thanks
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: MommyniAddie on August 29, 2013, 05:14:38 pm
^
Hi sis ang alam ko sukob kung 2013 din kayo pakasal other than sa date nung pagpapakasal ng ate mo which is March...March after ng kasal nila up to Dec 2013...double wedding na lang para masaya :)
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: rozeerein on August 29, 2013, 05:42:03 pm
sorry march 2014 pala ang date. hindi march 2013. thanks
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: isa_balones on September 19, 2013, 10:09:35 am
Hi to all the memeber! I need some advice about this sukob thing. Im getting married on December 30,2014 and yung yung brother ng fiance ko nagbabalak magpacivil wedding ng january 10,2015. Considered pa rin ba to ng sukob kasi ala pang 1year yung pagitin, day lang? Please help me worried lang ako. Thank you
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: MommyniAddie on September 20, 2013, 10:07:29 am
Hi to all the memeber! I need some advice about this sukob thing. Im getting married on December 30,2014 and yung yung brother ng fiance ko nagbabalak magpacivil wedding ng january 10,2015. Considered pa rin ba to ng sukob kasi ala pang 1year yung pagitin, day lang? Please help me worried lang ako. Thank you

Sis the sukob thing na sinasabi is Same Year, Different Date...so technically di na kayo sukob :) ang alam ko ang sinusunod nila na maka isang taon before magpakasal is kung may namatay sa family..they call it babang luksa  ;)
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: tsukino4 on May 12, 2014, 09:27:52 am
namatay dad ko nitong march 2014 balak namin magpakasal nu hubby this june or july 2014 din masama po ba? church wedding po ang plan namin..
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: gharz412 on May 12, 2014, 04:13:12 pm
I don't know kung totoo or hindi kase sa case ng bayaw ko. Sabay silang kinasal magkptid on the same year then sabay nbuntis kaso mas panganay yung baby nila kuya ko unfortunately namatay yung baby ng kptid ng bayaw ko na kasi niya ikasal. In my case naman sabi bawal isukat yung wedding dress.. Eh hello!? as if diba? pnu ko mlalaman kung fit sken kaya tnry ko ng mga tatlong beses and okay naman lhat samen... so baka nagkataon lang yung sa byaw ko... :P
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: julia_18 on May 13, 2014, 02:10:09 pm
Me and my husband don't believe in pamahiin. My sil and us got married same month of the same year, different dates lang although we we're the first ones to set the date of the wedding. I suffered a miscarriage the following year pero I don't believe it's due to sukob kasi I didn't know na pregnant ako eh nagsa-sauna pa ako sa bahay.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: thersie_marie on August 07, 2014, 06:26:45 pm
Kasabihan ng mga matatanda, pag ikaw ay isang dalaga at kumakanta ka habang nagluluto makakapag-asawa ka ng matandang lalake. ???

just reviewing my sp account and read ds one..  i just realize that theres lot of superstitious nating mga pilipino na kung pagaaralan ay walang scientific explanation hindi katulad sa fungsui my scientific explanation talaga.  re sa ang dalagang kumakanta hehe i doubt.  para sa kin di ka talaga dapat kumanta habang ngluluto kasi posibleng matalsikan ng laway ang niluluto mo at macontaminate.  madaming pamahiin ang matatanda na kung titingnan ang pinaugatan ay malayo sa dapat na kakahahantungan ng mga sinasabing pamahiin.  tulad na lang ng pagwawalis sa gabi lalabas ang swerte.  dati kasi wala namang kuryente puro gasera... mawawala kasi ang swerte talaga at mamalisin ka kapag nasagi mo ang gasera sa pagwawalis mo at masusunog buong bahay dahil ngwalis ka sa gabi. e ngayun konti na lang ang naggagasera.. konting brown out nga lang puro reklamo na. kaya pwede ng magwalis sa gabi.  alalahanin ntin na 300+years tayong sinakop ng mga kastila at daang taon din tayong naging indio..isa yan sa mga dahilan...baket ang dami nating pamahiin na iba ang kahulugan sa totooong dahilan nito scientifically, ethically at ano pang may cally..
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: thersie_marie on August 07, 2014, 06:31:47 pm
namatay dad ko nitong march 2014 balak namin magpakasal nu hubby this june or july 2014 din masama po ba? church wedding po ang plan namin..

sis depende kasi kung naka move on na sa pagdadalamhati ok naman na magpakasal pero kung sa tingin mo sila yung tipong tumadaan talaga sa pagdadalamhati at hindi para makipagsocialize muna better irespeto ang napagdadaanan nila.  but its nothing to do with sukob... di kasi talaga dapat tayo maniwala sa mga ganyan... its a serious sin (im a catholic)  please read my previous response on page 2
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: marix26 on January 03, 2017, 05:29:26 am
hello mga sis.. gusto ko lang sana itanong tungkol sa sukob sa patay.. Ganito po kasi yun, Me and my live in partner (for 13 years) is planning to have our wedding this  year, kaso August 2016 namatay yung lola ko, so cancelled po wedding namin, nagplan kami ulit na antayin nalang namin mag 1 year c lola, and August 2017 yung wedding namin. Pero may hindi inaasahan pangyayari, last decemeber 2016 naman namatay yung father ni hubby😞 thru fire accident. i feel very disppointed  kasi again cancelled na naman wedding namin. sabi nla sukob daw sa patay kpag tinuloy namin wedding namin sa August 2017. Wait na naman kami ng another year January 2018 pa.. Totoo ba talaga to sis?
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: mommybabe on March 04, 2017, 09:17:01 am
if we are practicing catholic faith walang ganyang belief.. pero syempre bilang respect na rin sa buhay na nawala kasi any celebration na ginagawa natin syempre masaya parang nairerelate nila yung na nagsasaya tayo pero hindi pa tapos ang "babang-luksa". its ok siguro to wait until jan 2018 nagawa nyo nga magstay together for 13 yrs e. months na lang naman ang aantayin gamitin nyo na lang din na preparation time yung mar-dec.
Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: irene de asis on September 19, 2017, 12:25:31 am
Hi! Question lang,we're planning to get married this year. First plan is this october na sana sa civil lang (okay na sana lahat,kasi naka pencil book na), pero may nakapag sabi na sukob daw kasi our first baby died last year dec.. So we decided to move na ng dec, 6 days after ng isang taong pagkamatay. Pero may nakapag sabi na naman na sukob pa dn kasi same month naman daw.. Please give us some advice..

Title: Re: Sukob at iba pang mga pamahiin tungkol sa Kasal
Post by: Aaron Luna on March 25, 2019, 02:41:01 pm
Hi po sa lahat!


Mag seek lang po sana ako ng advice niyo.


Kami po ng girlfriend ko ay nag babalak na po sana na magpakasal this year, October po sana ang gusto naming buwan na mag pakasal.
kaso nag wo-worry yung GF ko na baka sukob daw kasal namin kasi this namatay ang tatya ko january 2019 po.


Sukob po ba yun?


Salamat po sa mga sasagot.