Parent Chat

Life => Love and Relationships => Romantic Relationships => Topic started by: chillaxmom on March 03, 2010, 08:30:24 pm

Title: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: chillaxmom on March 03, 2010, 08:30:24 pm
Hi mga mommies,
   just wanna share you my story, hopefully, you could give me a sound advice. THANKS IN ADVANCE!!!!

    During my college days, I had a bf of 4 years, but it was  a long distance relationship. Im from NCR and he's from Region 4. The reason was para makaiwas sa tukso. It was a healthy relationship but when Im in my last year sa college, my mother talked to me if im really sure that he's the one.kasi 3 years older sya sakin and that time di pa sya nakakagraduate ng course niya... tapos papalit palit pa. Since Im the only girl, super protective talaga sya. When I landed a job after graduation, he's still studying. during summer that year, ngbakasyon ako sa hometown ng parents ko for a month. Part na rin ng cooling off stage kasi ilang bses na kami nag usap about future plans pero wala pa rin syang plans kahit sa sarili niya. He knew I will be in the province for a week, so nung 2 weeks na ko, may mga threats na sya sa fon. hanggang 3 weeks, di na umuuwi sa kanila, dun na sa kapitbahay namin tumatambay kasi naging barkada na niya to the point na nablackmail ako kasi kung di pa ko uuwi ng manila, magpapakamatay na sya...
     In short, umuwi ako ng manila after a month. The point is, if he trusts me, he will not do those stupid things. I got hurt sa ginawa niya. para akong naeskandalo sa lugar namin. Nung bumalik na ko sa work, cool off na kami but he's really trying to win me back thru blackmail... like grave threats, pagiging stalker,to the point of telling different stories which should have damaged my morality.  My employer did not believe him. One of my friends reported the case to the NBI.
        In short, NBI already planned to catch him because of those misconduct. Eventually, on that day, na dapat magkikita kami, he texted me na di na niya ako guguluhin... end of story.
     after 6 years, he saw me in FB. he gave his number, he sent my husband a message (better not cheat). Na paranoid naman ako as usual, so I called him and asked him kung ano na talaga ang problema kasi nananahimik na ko. He told me na for the past 6 years, he's thinking about me everyday. kasi napakabigat daw ng dindala niya. yung mga ginawa niya saking issues and everything, di daw sya matahimik. I told him na we have to move on, ok na ko, ok na sya, pareho na kming may family. I WAS RELIEVED after that talk.  As to my husband, ok lang sa kanya na nagcommunicate kami kasi nakikita niya naman ako na everytime makarinig ng name ni X di na ako agad mapakali, I m too afraid sa mga next moves niya before, pero after namin mag usap that time, parang nabunutan ako ng napakalaking tinik.
       The next day, eto na ang wife... nagtxt na mhal pa daw ako ng husband niya at ang daming mga bstos na words na sinasabi sakin, pretending he's my X. I never believed her kasi ang ganda ganda ng usapan namin ni X at nafeel ko ang repentance and sincerity ni EX.
      Question: Should we still communicate?

It was the day
when we said goodbye for the last time
with all the heartaches, anger, fear, regret
and curse of what had happened
for six long years, I bore the dilemma within myself

as I tried to pretend to be okay
and everybody believed me
behind the strong character is a weakling ---
 so fragile, so helpless, and so vulnerable

and when something’s reminding me of the past
I easily get distracted
very much afraid to sense even your shadow
or hear the echo of your name

despite those pretences, I long for this time
where we can release the pain,
talk freely and pick up the pieces
though reality’s barking that we can’t mend it perfectly

we agreed to give it a try
to let go of the past and start anew
another kind of friendship
that’s so comforting and true

And in just a blink of an eye
Everything was shattered!
Truly, destiny will not permit it.
So better keep it locked...........


na inspire pa ko gumawa ng poem haaaay!
        pasensya na, ang haba.


THANKS SO MUCH mga sisses!!!

Title: Re: EXes..........
Post by: yhamslove® on March 03, 2010, 09:08:38 pm
      Question: Should we still communicate?

If I were in your shoes... no nalang.. even if he has good intentions or only has friendly purposes why he communicated with you again after that span of time. Ayan na nga eh.. nagulo na yung nananahimik mong buhay.

Okay lang sana kung wala nang mauungkat about sa past... kung meron.. it will always lead to topics associated with your past relationship with him... which i think is not healthy because you are both married already and awkward din ang feeling di ba?

Opinion ko lang yun sis... kung ako, wag na lang...
Title: Re: EXes..........
Post by: mimi27 on March 03, 2010, 10:16:06 pm
dapat sa FB pa lang dmo na sya inentertain.Better delete all his contact #s.Delete mo sa FB kung friend mo sya.Pag ngtext or tumawag ignore mo lang.POV ko po. 8)
Title: Re: EXes..........
Post by: luisa_ria on March 03, 2010, 10:27:21 pm
Dont live with the shadow of the past. Your ex has black plans at the back of his mind unconsiously. He's taking risk with your spouses at stake. He's too dangerous to get along with in any way. Do you still have feelings for him? It shows from the way you reacted to the issue. Tell everything to your hubby. Honesty will set you free from worries. With hubby on your side, you can get through it! :)
Title: Re: EXes..........
Post by: mommy_geli on March 03, 2010, 11:39:55 pm
sis in someway we have are in same situation... its hubby's ex that is nanggugulo sa amin. and his ex's friend.

ang ginawa ko ni-report ko yung ex niya. di ba sa fb meron yung report... so ayun ni silip ng profile ng hubby ko hindi niya pwedeng gawin. yung friend naman ng ex ng hubby ko sa ym naman ako inaway... edi inalam ko yung lahat lahat about dun sa girl. eh nung one time sinabihan ba naman akong duwag.. edi nilagay ko sa shout out ko sa ym eh batanguenyang matrona. edi napahiya sya. since then nanahimik na sila. tapos delete na rin sila sa contacts ng hubby ko. at hubby ko na rin  yung umiwas.

kaya sis ganun na lang din ang gawin mu. as much as possible iwasan mu siya. at i-block mu siya sa fb mo.
Title: Re: EXes..........
Post by: chillaxmom on March 04, 2010, 06:27:20 am
THANKS SO MUCH mga sis!
 sis luisa_ria and mommy yham's love,
       actually wala namang feeling, i somehow felt guilty kaya gusto ko rin alamin life niya. di sya nktapos ng school after that happened. nothing's intense bout the past more on friendship talaga. sa 4 years na we're together once a month lang kami mgkita nun. my husband knows EVERYTHING that's why he did not feel any insecurity.
   mommy_geli and lianna's mommy
      matagal ko ng na block sda FB yung account nila ng wife niya.

    thanks sa advices, I sure am willing to move forward now.
Title: Your hubby's EX-GFs
Post by: MissPychi on March 04, 2010, 10:31:39 am
Hi mommies!

Although past is the past, hubby likes to bring up stories or remember one of his ex's.

Kasi yung "ex" daw niya na yun ang naka "una" kanya plus, mas older sa kanya at that time (school age pa siya nun) and maganda.  Si hubby yung third party sa relationship nila. For him, parang "trophy" daw yung ex niya.

Hindi ko siya masyadong pinapansin kapag napupunta na sa topic na ito, sometimes nire-reverse psychology ko na nga, but there are times na nakaka-irita na.  I don't even know if kino-compare niya ako sa kanya.

If I were to bring up my past naman, nagagalit siya.  Bihira ko lang naman gawin ito, kapag na-asar na ako sa kanya under the same topic.

I'm confident na mahal naman ako ni hubby, but if you were in my shoes how would you react? Kakainis diba?
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: thirdysmom on March 04, 2010, 10:45:48 am
sis Pychi,

Ako, oo. maiirita ko. E kung ang magaling lang sa kanya eh yung ex niya e sumiksik siya dun!  >:( ;D

although si hubby naman baligtad, ayaw niya nabobrought up yung past niya. pero before, meron din siya lagi kinukuwento na "best friend" daw niya at lagi niya din ibinibida yung mga accomplishment sa buhay. then I found out (thru my extensive research hehe) na ex pala niya yun. sabi ko sa kanya: "oh yung ex mong magaling na manager ng bangko nagtetext na para magreport ng accomplishments niya at ikumpara sa akin!"

simula nun, wala ng ganung usapan.  ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Mommy France on March 04, 2010, 11:03:29 am
Ay naku, nakakaasar nga yung mga topic na ganyan lalo na pag-inuungkat. Si hubby kasi seloso at alam ko naman na maraming girls yung patay na patay sa kanya nung binata pa cia. Minsan biglang hihirit ng mga escapades nilang barkada. Hindi naman cia nagsasabe ng traits ng exes niya pero parang nakakaasar lang pag parang namimiss niya yung mga panahon dati na iba pa ang ka-relasyon niya.

Tumatahimik lang ako nung una pero nung nakaka-ilang ulit na nagsalita na talaga ako. Sabe ko "Gusto mo ba makarinig saken ng mga ganyang bagay?" Tapos sabay talikod.

Nag-sorry naman cia. Minsan bumabanat pa rin pero winawarning-an ko na.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: yhamslove® on March 04, 2010, 03:45:11 pm
Baliktad naman ako... sa aming mag-asawa ako ang nag-oopen up ng topics about our exes...

sasagot si hubby "Ha? Sino yun? Nakalimutan ko na eh.."

Hindi kase naging maganda ang buhay/experience niya with his 2 exes kaya siguro ayaw niya i-bring up yung ganung topic. The first one made him cry a river. The second one did the same too... pero hindi river... bucket of tears nalang  ;D... at laging sinasabi ng asawa ko, ayaw rin daw niyang pag-usapan kase it reminds him of that once (or twice) in his lifetime he became that stupid.

Actually, everytime our topic is about our exes, nagtatawanan lang kami, nang-ookray!  ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mama_kat on March 04, 2010, 04:17:41 pm
sana nagkaron din ako ng EX  ;) kaso takot ako non siguro dahil na rin sa family background ko....hindi naman kasi ako kagandahan pero may mga nagpapansin din  ::) tsaka hindi ko nakikita yong mga signs sa kanila na hiningi ko kay Mama Mary...so ayun po nong mamet ko si hubby ay bf na eto at alam ko eto na nagiging kasama ko habangbuhay although minsan may problema pero nafifix din naman :P

husband ko nagkaron ng gf during his highschool days maganda kung sa maganda yong girl kaso nagkaron sila ng problema (family nong girl parang matapobre) kaya ayun nauwi sa break...si husband ko naman gustong gusto ko magkukuwento sya sa past nila nong hindi pa alam ng family nong girl na sila yong mga takas... ;D wala ako ang kinikilig hahaha...ngayon ka prendster ko yong ex ni hubby mayaman din ang naging asawa nasa america na sila ngayon...


sis MissPychi baka hindi naman po intention ni hubby i-compare ka dun sa EX niya tapos pag kayo po nagkukuwento about naman sa EX nyu nagagalit ay eenjoy mo na lang po mga kuwento niya tungkol sa EX niya  ;) para hindi magalit sya lang pagkwentohin nyu 

Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: MissPychi on March 04, 2010, 04:46:46 pm
Hi mama_kat!

Actually hindi naman makitid utak ko and I don't mind mag kwento ka ng past, but the problem is, it's the same person and same situations lagi.  Napaka-unforgettable talaga yung EX niya na yun sa kanya.  Siguro paminsan ginagamit na niyang pang-asar sa akin yun... effective kasi.  >:(

It''s like... kunwari, magkasama kayo, pero ang attention at ang mata niya nasa ibang girl... parang ganun ang feeling ko. Well... nakaka-asar diba?
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mama_kat on March 04, 2010, 05:08:58 pm
sorry po napakwento lang...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: thirdysmom on March 04, 2010, 05:14:46 pm

Actually hindi naman makitid utak ko and I don't mind mag kwento ka ng past, but the problem is, it's the same person and same situations lagi.  Napaka-unforgettable talaga yung EX niya na yun sa kanya.  Siguro paminsan ginagamit na niyang pang-asar sa akin yun... effective kasi.  >:(


nakakaasar talaga yang ganyan sis Pychi. Nung minsan ako naman yung gumulat kay hubby. sabi ko : "yung ex mong paborito mo, may anak na!". nganga siya. di niya alam sasabihin tapos bigla na lang niya nai-comment: "may pumatol pala dun". sagot ko "oo, isa ka di ba?"

may halong bitterness!  ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: MissPychi on March 04, 2010, 05:38:09 pm
sis thirdysmom, natawa nama ako sa sagutan niyo ng hubby mo!  ;D

Haay... napatawa mo talaga ako. hahaha!
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: thirdysmom on March 04, 2010, 05:41:56 pm
 ;D hehe i'm happy naaliw ka sa kwento ko. normal na din kasi naming sagutan yung ganyan eh.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: strawberrykisses on March 04, 2010, 07:24:33 pm
hello mga sis, while i was cleaning my husband's room, i found a loveletter in his old college book,syempre curious binasa ko agad,i was shocked to find out that it came from a common friend, may poem at i love you talaga sa letter.eh i can still remember pa nung college kami, very friendly sa kin yung girl,un pla trying to sulot my boyfriend that time,  i was so angry,although it happened a long time ago,kasi hindi cnbi ni hubby yung tungkol dun,but at d same time proud kc love talaga ako ni hubby, imagine yung girl gumgawa pla  ng paraan para mghiwalay kami, pero dnedma niya.hay pgnakikita ko nga yung girl sa friendslist niya naiinis ako,ask niya why? sabi ko lang basta i dont trust her...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: chococream on March 04, 2010, 08:06:08 pm
sus sis...sa amin naman kay hubby 1x lang  na brought up ang mga exes...pero na uwi yon sa away kasi na jeli jeli ang asawa kong wlang ka selos selos sa buhay...exes ko lang na wala na sa history. hehe thankful lang din naman ako kasi hindi pinag.uusapan sa kanila ang mga exes at kung ano ano pang mga past... hehe...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: chococream on March 04, 2010, 08:13:36 pm
minsan sa house nila sa probinsya nakita ko ang album niya with all the exes hehe well proud ang beauty ko kasi ang mga babaeng yon is hindi naka half sa ganda ko.hahhaha

well ako naman ang love ni hubby na serioso sabi pa niya na naging gf lang niya ang mga girls na yon kasi sinasabi bakla sya pag.hindi niya pinatolan...mga malalandi...well sabi pa  nga ng mom and family niya ako lang naman ang pinaka una at huli na pinakilala na gf niya na ngayon is asawa...hahah kaya hindi ako nag.seselos sa mga exes niya.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: yhamslove® on March 04, 2010, 10:06:51 pm
hmm... ano bang meron ang mga exes ni hubby na wala ako?...

well, each of them is gifted with a pair of plump tits... magaganda sila... (actually, hubby's 1st gf is our barkada..) at dun ako insecure!  :'(

pero okay lang... may cleavage din naman ako eh...

sa butt!! he he he!!  ;D

Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: alexismom on March 06, 2010, 09:58:27 pm
may agreement kami ng husband ko that we won't talk about our exes. we opened up about this topic when we were still dating. masyado kasi ako nagiging affected dati to the point na nag-iiba mood ko so sabi niya kalimutan na. basta happy ako na totally out his life na sila.  ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mamiof2 on March 08, 2010, 10:20:54 am
yung x namin ni hubby di namin napag-uusapan.

its just that I think last april 2008 yata yun when we go to his province with our kids. tinuro niya lang sa kin na x niya raw yung girl....asus! walang panama sa kin yung girl eh..(hahaha)..

tapos nginitian ko lang si hubby...feeling proud ako..haha..proud din sya kasi Manilenya (Manila) daw ako eh...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: MissPychi on March 08, 2010, 11:03:47 am
Hay naku, ni-brought up na naman ni hubby yung EX niya!  >:(

Listening to the song "all gone", sabi niya maganda daw ang lyrics, remembering the movie we just watched (miss you like crazy, take note, siya ang may gustong manuod nito, not me!).  Then binangit niya, si EX daw naaalala niya sa song na yun!  Bad Mood tuloy ako this morning...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mamiof2 on March 08, 2010, 12:20:49 pm
ganun!..hay sis..better settle that with your hubby.
For me, it is not healthy na palaging naaalala niya X niya then will tell you.
if in case kamo na ganun, better left unsaid na lang sana.
kasi ang mahalaga na nga yon is kayo..hay...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: MissPychi on March 08, 2010, 01:23:20 pm
Hi sis mamiof2, I can try and tell him to stop talking about his EX, he may shut up, but sometimes actions speaks louder than words... what will you do kung bigla na lang ngigniti siya while listening to a song or just quiet lang pero dun sa expression ng mukha, you know something's going on sa mind niya... pwede ko rin naman i-dead ma, but syempre deep inside, maiipon pa rin yun.

Meron lang sigurong mga guys na ganun? tsaka alam ko naman na mas maganda ang EX niya kesa sa akin kung sa physical aspects titignan, wala naman ako masabi dyan, but my insecurities will start building up na, when before hindi naman... kasi nga he won't stop. :(
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mamiof2 on March 08, 2010, 01:39:03 pm
correct...action speaks louder than words..
sige sis kaya mo yan...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: thirdysmom on March 08, 2010, 10:33:43 pm
Meron lang sigurong mga guys na ganun? tsaka alam ko naman na mas maganda ang EX niya kesa sa akin kung sa physical aspects titignan, wala naman ako masabi dyan, but my insecurities will start building up na, when before hindi naman... kasi nga he won't stop. :(

sis, ibigay mo nga sa akin ang pangalan at address ng EX na yan at ipapatumba ko na! Grrrrrrrr! sorry affected talaga ako sa ganitong mga kwento eh!

eto lang sis ha? cheer up at wag mo ng i-down ang sarili mo sa ex na yan ni hubby. sabihin na nating "hot" siya at head turner, pero lagi mo iisipin na kahit anung ganda at sexy ng ex na yan, ang Diyos hindi nagbibigay ng full blessing, for sure, may flaws pa din yang si ex ni hubby mo! so smile, dont let the memories of his ex ruin your day. Tell yourself that you are a strong, smart woman and nobody can let you down
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: yhamslove® on March 08, 2010, 10:47:37 pm
@sis peach:

ano bang meron yung x na yun at aliw na aliw hubby mo sa kanya?

ano naman ang meron ka na wala yung x niya?

kung kino-compare ka niya... ok, fine! pagbigyan...

ipa-enumerate mo sa kanya kung ano meron yung x at kung ano meron ka... and in the end, ask him:

bakit ako ang pinakasalan mo? anong meron ako at hindi si x ang pinakasalan mo?

sana mapangiti ka ni hubby sa mga sagot niya  ;)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: MissPychi on March 09, 2010, 10:24:56 am
Hi sis, thank you sa mga support niyo.

I had a talk with hubby yesterday (when he started "it" again).  I said although I don't mind na magkwento siya, but there is always a limit to it.  It's like him being with me pero utak/puso niya is with someone else.

Nag-sorry siya, di na raw mauulit.  I do hope so...

@sis yhamslove, I did ask him about it too, kung bakit ako ang pinakasalan niya, he said gusto daw niya yun "talino" ko.  I'm not sure kung matututwa ako sa sagot niya or hindi. By the way, kasal na sa ibang yung EX niya, siya ang "3rd party" sa relationship nila.

@sis thirdysmom, di na alam ni hubby kung nasaan na si EX ngayon, but naiintriga siya kung ano na ang hitsura niya ngayon at kung ano ang magiging reaction nila kapag accidentally nag kita sila.  ???
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Nuna on March 12, 2010, 05:02:31 am
mga sis, ang hubby ko super dami ng babae dati nung mag bf-gf pa lang kami. as in. simula nung magbait na sya, ayaw na ayaw na niya na mapapagusapan yun mga ginawa niya. sabi niya kasi, pinagsisihan na niya yon at ayaw na niya balikan kasi mabigat sa kanya un ginawa niya sakin. pero sa dami ng naging babae niya, parang lagi nalang may something na nagreremind sakin sa kanila. at inis na inis ako. like yun isa, classmate niya sa college, un 2 barkada ng sis niya, yun isa taga dun sa malapit sa village nila.. so feeling ko forever nalang sila pahara2 sa buhay namin. hay! lagi kami nag-aaway ni hubby. one time nasabi ko sa kanya "kung hindi ka kasi nagloko noon, tahimik sana buhay natin ngayon" and si hubby napatahimik nalang. yung iba naman niya naging babae, ok na sakin hindi na ako naiinis. un isa nga hinayaan ko na sa FB niya. pero merong isa na gusto ko tirisin pag naiisip ko. hihi

nagusap naman kami ni hubby. at ako, pinipilit ko talaga na kalimutan na yon. kasi mabait na asawa ko ngayon. i know din na ako naman ang mahal ni hubby kahit noon. pero alam mo yun, with all that 'pambababae' niya before parang nagkaron ako ng panliliit sa sarili ko. i dont know why. di ko maexplain. but im still trying, and praying hard na matuto ako kalimutan na yun nakaraan. gulo ba?
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: thirdysmom on March 12, 2010, 10:23:25 am
@ sis Nuna, ka-liga pala kita  ;D

sis Pychi, nag-heart to heart talk na ba kayo ni hubby tungkol diyan? yung tipong walang nagtataas ng boses, yung parang magkaibigan lang na nagcoconfide sa isa't isa? kasi I really think na yang mga issue na ganyan with our hubby ay dapat pinag-uusapan at inilalatag ng maayos sa mesa para magkaalaman na. alam mo sis, kung ako nasa lugar mo, binugbog ko na asawa ko. seryoso ::)

Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: MissPychi on March 12, 2010, 11:13:35 am
... alam mo sis, kung ako nasa lugar mo, bunigbog ko na asawa ko. seryoso ::)
Hi sis!  You really do make me laugh!  ;D

Yes, heart to heart talk kami.  Walang taasan ng boses.  Actually, hindi ko ugali yung manigaw, pero maririnig mo na firm ang boses ko.  So far, 4 days has passed... wala pa akong naririnig kay hubby about his EX!  ;)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: thirdysmom on March 12, 2010, 11:27:19 am
^ good to hear that! :) ako din mga 3-4 days ng nagpapaka-stepford wives, kaya hindi kami masyado nagtatalo ni mister.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Nuna on March 12, 2010, 01:46:54 pm
@ thirdysmom - yup sis! magka-liga tayo. hehe natatawa ko sa mga hiritan nyo ni hubby mo. ngayon medyo nahihiritan ko na din si hubby ng hindi na nauuwi sa away. basta pag sinabi niya na enough na, dapat stop nako. minsan out of the blue, sabi ko sa kanya "hindi mo ba nakakain yun chinchansu ni ex mo pag nagkikiss kayo?" napatawa ng malakas ang hubby ko! un isang babae niya kasi dati grabe puti ng muka as in fake.

ang sabi ko lang talaga kay hubby, wag na sana magkrus ang landas namin ng mga babae na yon. kasi baka pagsasampalin ko yun knowing na super habol sila kay hubby. ang dami pa naman nila. one time, may nagemail kay hubby, sinagot ko nga sabi ko "may asawa na yun ninanasa mo, pag dika tumigil ipapapatay kita" haha natakot ata yung bruha.

masakit lang talaga isipin yun mga ex ex na yan. pero tama, kailangan pagusapan lang ng maayos with hubby.. pansin ko din pag tahimik naman ako, walang away e. hihi
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: thirdysmom on March 12, 2010, 02:22:20 pm
^sis Nuna, kung tayo'y magkaliga, tingin ko mga mister natin magclub mates! >:(

hindi naman ako sa nasasaktan pag naaalala ko mga ex niya, naiinis lang ako kasi I cant help but compare myself.

iniisip ko na lang, naghiwalay sila because there was something wrong with THEM at kami ni hubby magkasama dahil kahit madaming mali sa aming buhay, we can still live it up.
Title: Re: EXes..........
Post by: shy (sharlyn) on March 15, 2010, 04:39:23 pm
korak ang mga sinabi ng mga sisses... we shall leave the past behind.  ;)

On the lighter side, eto share ko lang....
Kanina nag-F-FB ako, and I stumbled on the profile of one of my ex's.  Out of curiosity, I also searched the profiles nila (tatlo lang naman sila na naging BFs ko way back nung high school before kami naging kami ni hubby).. anyway, when I saw their profiles..(although, hindi ko sila ina-add as friend, ha)... pero yun nga, halos hindi ko na sila makilala.. grabe, ang laking pasalamat ko na si hubby nakatuluyan ko.. bwahahaha!  ;D  (hehe, ang sama ko).  Pero, naranasan nyo na ba na magulat because yung mga super cutee noon na tipong crush ng bayan or star sa school, iba na ang itsura ngayon.. and then yung mga hindi mo pinapansin dati, sila yung mga debonair ngayon??  Well... wala lang.. nakakatuwa lang i-share.  Hahaha.. salbahe ako.   ;D
Title: Re: EXes..........
Post by: chubyswife on March 15, 2010, 04:50:01 pm
chillaxmom...........
          just ignore them......
Title: Re: EXes..........
Post by: mariann on March 15, 2010, 09:43:57 pm
sis, bongga!  you were still able to compose a poem, even under pressure!  if that had happened to me, i'd probably report him to the authorities. 

with regards to your queston on communicating with him, i believe you should stop.  he'd done it once, he can threaten you again.  so for the sake of having peace between you and your hubby, better cut off all the communications between you, though your hubby understands and supports you. 
Title: Re: EXes..........
Post by: jenevans on March 15, 2010, 11:36:32 pm
korak ang mga sinabi ng mga sisses... we shall leave the past behind.  ;)

On the lighter side, eto share ko lang....
Kanina nag-F-FB ako, and I stumbled on the profile of one of my ex's.  Out of curiosity, I also searched the profiles nila (tatlo lang naman sila na naging BFs ko way back nung high school before kami naging kami ni hubby).. anyway, when I saw their profiles..(although, hindi ko sila ina-add as friend, ha)... pero yun nga, halos hindi ko na sila makilala.. grabe, ang laking pasalamat ko na si hubby nakatuluyan ko.. bwahahaha!  ;D  (hehe, ang sama ko).  Pero, naranasan nyo na ba na magulat because yung mga super cutee noon na tipong crush ng bayan or star sa school, iba na ang itsura ngayon.. and then yung mga hindi mo pinapansin dati, sila yung mga debonair ngayon??  Well... wala lang.. nakakatuwa lang i-share.  Hahaha.. salbahe ako.   ;D


hahaha, korek ka jan sis, tapos na yung mga time na nagshi shine sila at hinahabol ng girls, eto rin, nasalubong nung friend ko na ex ng ex ko yung ex naming dalawa at nawindang siya kasi playboy nga naman yung ex namin na yun tapos makita niya na andaming pimples, tumanda in short siya ang nalosyang kasi may familiy na rin, haynakuh, buhay nga naman, depende rin siguro sa status yun noh, nakikita sa aura mo kung ano ka ngaun..Peace ;)
Title: Re: EXes..........
Post by: ♥_caramel_♥ on March 26, 2010, 03:04:31 pm
stop communicating na lang po kasi pag lalu mong in-entertain eh lalong magkakalaks loob na guluhin ka thinking na interesado ka pa rin sa kanya ,. kaya wag na lang para tigilan ka na rin niya ,.
Title: Re: EXes..........
Post by: gdsombise on March 26, 2010, 03:38:44 pm
dapat sa FB pa lang dmo na sya inentertain.Better delete all his contact #s.Delete mo sa FB kung friend mo sya.Pag ngtext or tumawag ignore mo lang.POV ko po. 8)

agree to this...kaysa ito pa maging reason ng away niyo nii hubbby mo...
Title: Re: EXes..........
Post by: chillaxmom on March 29, 2010, 11:49:58 am
TAPOS NA PO..............
THANKS
[/color][/b]
Title: Re: EXes..........
Post by: mumchelle on March 30, 2010, 10:16:59 pm
hi sis, for me "DON'T COMMUNICATE". kasi hindi maganda sa may asawa ang nakikipag usap pa sa EX. lalo na long term ang relationship dati. syempre hindi naman biro biro ang pinag daanan niyo. actually, napag aawayan namin ng hubby ko ang ex niya.5 yrs din ang relationship nila ng ex niya. ang kinaiinisan ko, kahit nasa US na yung girl nag ttext pa rin sa hubby ko. although may family na din yung girl i dont know why she still communicates with him. may guilt feeling yata kasi siya ang nagloko dati.sabi naman ng hubby ko, friends lang naman na daw sila. but still, i insisted for him to tell the girl to stop na. kung baga MOVE ON! sabi ko nga, pano kung kausapin ko husband niya, anong gagawin niya?im sure hindi alam ng husband niya sa pag ttext niya or email. basta long story pa.
basta sis, ang sagot ko sa question mo "NO". i know from experience kasi, it doesnt feel good.  :-\
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: yhamslove® on August 22, 2011, 02:30:47 pm
For the first time, nakita ko in person yung isa pang ex ng asawa ko sa birthday ng kabarkada namin kahapon. Ganon pala yung feeling... (hindi ko maintindihan).

Barkada 1(male) and Barkada 2 (female) have been together since our college days at nagkatuluyan sila. They are now living in Barkada 2's place. Bago kami naging mag on ng asawa ko nung college, yung pinsan muna ni Barkada 2 ang naging GF niya.

Kausap ko yung Nanay ni Barkada 2 kahapon when I saw a chubby lady. She looks familiar. Maya-maya narinig ko, somebody called the attention of chubby lady... Ayun... siya pala yung ex ng asawa ko.

I excused myself for a moment nung kausap ko yung Nanay ni Barkada 2 and went to my husband na nakikipag inuman. Sabi ko "Siya ba yun?", "Oo" sabi ng asawa ko.

Biglang nag pop-up yung kung ano-ano sa isip ko:
1) Ano kaya nararamdaman ngayon ng asawa ko?
2) "Friends" dati sa FB ang asawa ko at ex niya, I can still remember his ex commented on one of our family pictures. Maganda naman yung comment.. nagcomment din ako.. nagpasalamat. A few months after, wala na siya sa friends' list ng asawa ko. Bakit kaya? (Hindi naman daw siya dinelete ng asawa ko)
3) Hindi sila nagpansinan eh, parang hindi magkakakilala - nakakatuwa ba yun on my end?
4) Dapat ba nagpansinan din kami? My son was playing with her daughter eh..
5) Sexy siya dati nung sila pa ng asawa ko... ngayon...  :-X
6) etc.

I felt like I was acting like a kid yesterday... kase pag uwi ng bahay, niloko ko asawa ko (pero may konting laman), "Ba't di ka lumalapit sa akin kahapon... bakit hindi ka sweet?"

"Eh amoy Red Horse ako eh.. wag mo na isipin yon.. .hindi ko na love yun... " sabay tawa.

Siguro nga.. ganon lang talaga...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mamachristal on August 22, 2011, 02:39:58 pm
hayss salamat kay lord at hindi niya ako  binigyan ng ganyang problema..oo nung bago kame if nakikita ko x niya hindi ko malaman ang dapat kong maramdamam kung magseselos ba ako pero bakit? ehh wala namanng ginagawa masama si hubby?  hangang sa tumagal nasanay na ako at taas noo na ako pag nagkikita kame kasi i trust my hubby kaya wala ako dapat ipag alala..at yun naman ang dapat wag nyang masira dahil kilala niya naman ako pag wala na tiwala ko as in wala na hindi na bumabalik...kapit bahay lang namin x niya..as in kak katabi lang house hehe ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: _knightwind_ on August 23, 2011, 09:29:26 am
 ;D ;D ;Dkakalokang mga ex topic yan...

actually hindi naman talaga dapat pinag uusapan ng mag-asawa bout the past relationships eh...
admit it or not tinatamaan din talaga tayo kahit pa sabihin na ex na niya yun.

@sis MissPychi-better siguro na tell your hubby bout how you feel kapag binabanggit niya bout his ex.

tapos kapag medyo feeling mo eh tagilid ang relationship nyo due to tampuhan and misunderstandings plus other issues affecting your relationship..go back to square one..

why did you choose me instead of her?
how did you start your relationship?
how much love you can offer me?am I holding your heart or i share it with a ghost from your past?
what are the qualities you posses that made him chose you and love you?
do you have regrets?
am i not enough?
how long have we been together and how many storms have we passed together?
etc...

those are the possible questions you could ask your hubby when things are getting cloudy...
kasi hindi kayo magtatagal ng ganyan kung walang element na bumuo sainyo right?
so stick to it and forget the past..
he could always look back to his past but he should live his life with his present and future w/c is you..

napansin ko sa mga guys ok lang sakanila na ikwento yung past nila sa babae pero pag tayo na nagkwento napi-piss off sila...that's true.. ;D
si hubby friend niya parin yung ex niya sa FB at yung picture nila together nakasave parin sa laptop niya at sa wallet niya andun parin yung pic nung girl..gusto parin niyang kausap until now ...
nag kakachat pa sila minsan at nagkakatext...
pinagsabihan ko na siya bout it..and so far hindi na niya ineentertain...
kasi kung susukatin namin yung pinagdaanan namin sa pinag daanan nila..
those were just the days..eh kami from the day na nagkakilala kami up to this time..andami na namin na accomplish together..
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mamachristal on August 23, 2011, 12:07:58 pm
alam nyo mga momys ang masarap pag usapan kesa sa mga x? yung mga past nyo na kung pano kayo naging kayo at yung mga dati nyong ginagawa na wala pa kayong baby at hindi pa kayo kasal..super sarap kagabi lang pinag usapan namin andyan yung nalasaing kami na nag batuhan kami ng ladero hahaha dami namin naalala na pangit non pero nakakatawa naman nga un...hayaan nyo na mga x nila..x nga diba? tyo ang check!!1 ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: _knightwind_ on August 23, 2011, 12:47:14 pm
 ;Dmamachristal agree ako sa sinabi mo..

oo naman masarap isipin yun..
kami ni hubby pag medyo nagkakalabuan kami minsan we talk bout our past,.
pano nagkakilala,pano nagsimula,nagligawan,first dates at first away  ;D ;D ;D

correct ka dyan masarap i reminisce..kasi check hindi X ;D ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mamachristal on August 23, 2011, 12:51:24 pm
 ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: kuliglig^^ on August 26, 2011, 06:05:37 pm
Actually, hindi ako windang sa mga ex niya, kasi di hamak mas maganda ako kesa sa kanilang lahat!   :o ;D  :o

Joke lang.

Sa totoo lang, pag tinatanong (or for a want of a better word, kinukulit) ko siya, hindi na rin siya masyado nagkkwento kesyo raw nalimutan na raw niya, o saglit lang naman raw naging sila. Baka ginagawa rin lang niya yun para di mahurt feelings ko.  ;) Okay lang naman. Past naman na yun. Pero subukan lang nila maghabol kay hubby.....
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: on August 26, 2011, 11:26:50 pm
ako naman dati nagkukwento sya tungkol sa ex niya nung 1 month palang kami kase nagkukwento din ako sa ex ko. para bang nakikipag kumpetensya ang mokong. pero ngayon kapag nabo brought up yung mga ex ko, pissed of sya masyado kaya ayoko na mababanggit kahit na hint lang. seloso kase yun e. isa lang kilala ko na ex ni bf, yung iba nyang ex, di ko na tinanong kase feel ko di naman sya gnaun talaga interested sa mga girls e.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mariann on August 28, 2011, 01:33:45 pm
there's nothing wrong with talking about the past.  but if it's being discussed over and over again (same topic/girl), i'd say, "do you want to go back?"  once is enough, or if you're asking about it again, then he can retell it. it's not bad to say frankly that talking about his ex repeatedly is already getting to your nerves.
 
i know all of my hubby's ex-GF and flings.  i even became friends with some of them.  and the first person to befriend him in facebook is his ex-GF whom he had a relationship for two years.  it didn't bother me at all.  i am the present, and i make sure that i'll still be his future.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: yesha ann on August 28, 2011, 01:57:16 pm
sis mariann sana gnyan din yung view q noh!!it seems that ur confident enough na secure ka s hubby mo.. ako hindi kac 1st yr plng ng relasp namin as bf-gf eh pinmukha na skin n talagang mas love niya yung ex ewan ko ba bkit nging kami na (i mean husband and hehe.. until now kahit may aswa n yung ex niya bothered padin ako lalo na nung nlaman q ng eemail sila ng ex niya pati husband nito ..haist. kilala ko n yung girl i have most of her information like san sia work,nkpgaral,bday etc kaya d talaga ako maka move on minsan  brought out q issues s kanya na talaga naman gus2 rin ng husband ko un kasi pinkamtgal at serious relsp niya before ako. :'(
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: iAmMa___net on August 28, 2011, 02:07:47 pm
@yesha ann: sis, try to ignore it na lang. para di ka ma stress. pero pag naman c hubby mo ang talagang nag bbrought up e ibang usapan na yon. at isa pa. kung di ka naman komportable na nakikipag communicate pa din sya sa ex niya , e di sabihin mo sa kanya. para malaman niya din yung feelings mo. kaya mo yan sis. :)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: kawaiimaridel on August 28, 2011, 02:15:07 pm
i hate this topic...hehheh bitter..
nagkaroon ng gf ang asawa ko nung buntis ako,wala kasi siya dito sa manila nun.nasa cebu siya,alam na niyang buntis ako pero nagpabuyo siya sa mga letch*** tauhan niya (civil engr. si hubby) at nalaman ko lang ng nakapanganak na ako nakita ko yung picture nila sa bag at sobrang tago pa.naku hindi niya ako matataguan,sabi niya pamangkin daw yun nung family friend nila.sobrang close naman kasi nakaakbay siya pero inunahan niya ako ng galit niya at nahihiya akong awayin siya at bungangaan kasi nandun kami sa in-laws ko nakatira.di hindi ko na inopen,nung lumipat na kami at si friendster pa ang bida,nakita ko na may comment sa family picture namin at sinabi nung girl na "alam ko naman kung sino ang mahal mo eh,balikan mo na siya" nagduda na ako at check ko profile niya at nakita ko dun na may quote pa siya na sobrang mahal daw niya si hubby ko at tanggap daw niya sitwasyon.tinawagan ko kaagad si hubby kahit nasa work pa at pinauwi ko siya ng bonggang galit na voice..uwi agad siya at nakita niyang nakabaligtad na ang bahay namin sa mga tinapon kong gamit at binugbog ko siya...nagagalit ako kasi alam niyang buntis ako tapos nagsyota pa siya ng iba,so malinaw na ginagago niya ako habang nahihirapan ako sa pagbubuntis ko...

yan ang hindi maioopen na ex kasi alam na niya mangyayari sa kanya,pag naiisip ko yan talagang kumukulo ang dugo ko,at ilang beses ko na ding napasaan ang asawa ko,hindi siya lumalaban kasi guilty siya...pero ngayon di ko na inoopen at ayoko ng iopen kasi baka kawawa na naman siya sa akin...

pasensiya may pagkawar freak ako minsan...pero sa pagkakataon lang na yan...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: yesha ann on August 28, 2011, 02:17:58 pm
tanx sa advice sis iAmMa___net!nsv qn s kanya kaya lang dedma lang sia..kaya convince q nalang s sarili q talaga gnn focus nalang ako s son q..:(
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: iAmMa___net on August 28, 2011, 03:41:59 pm
@kawaiimaridel: hahaha grabe sis. natatawa ko sa ginawa mo.at naiintindihan ko yung napi-feel mo. kahit naman siguro kanino gawin yon diba. :)

@yesha ann: tama yan sis. libangin mo na lang din dito sa SP yung sarili mo. hehe. :)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mamacharis on August 28, 2011, 04:37:21 pm
tinawagan ko kaagad si hubby kahit nasa work pa at pinauwi ko siya ng bonggang galit na voice..uwi agad siya at nakita niyang nakabaligtad na ang bahay namin sa mga tinapon kong gamit at binugbog ko siya

winner ka talaga sis! lakas ng tawa ko dito sa "binugbog ko siya" tama yan minsan kasi pag kinausap lang o kung anong diplomasya  hindi nagtatanda eh. basta lang ginagawa mo yan ng may rason ok lang yan.

gusto ko yang mga topic ng ex na yan . actually lagi ko tinatanong yan sa kanya pag kwnetuhan mode kami pero ayaw na ayaw niya sabihin sakin. kaya ako lagi akong curious .. siya naman galit na galit na sa kakakulit ko. gusto ko lang naman malaman  :( pero ako hindi ako nag oopen ng mga naging ex ko sa kanya wag na lang kasi di naman true love un. naks!
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: simplengmisis on August 28, 2011, 05:03:28 pm
Nagpapasalamat naman aku sa dyos kasi hindi babaero asawa ku. Yong mga dati niyang gf, ayuko nang malaman kung sang lupalop na sila. Baka mas maganda, seksi at mayaman pa sila saken.

Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mariann on August 28, 2011, 09:54:58 pm
hubby has all the capabilities to have an affair (he's a practicing lawyer and he has clients even out of town, aside from playing basketball with his fellow lawyers all over the phils whenever they have conventions).  hindi naman kagwapohan si hubby pero alam nyo naman ang mga malalanding babae, pag pera na ang kaharap walang paki kahit married na ang pinapatulan nila.
 
i just keep my self-confidence because i know succombing to insecurities would make me look haggard (losyang).   i do to him what an other woman could possibly do.  i can be his wife and his whore at the same time.  so ano pa ang hahanapin niya? 
 
but if ever he'd look for another one, problema niya na yon!  i have my job, i have my kids.  and i'm keeping myself fit.  bakit sya lang ba ang may karapatan ng bagong lovelife?!  joke!
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: kawaiimaridel on August 28, 2011, 10:10:55 pm
tama mommy mariann basta pera pinag-uusapan nawiwindang yang mga babae na yan,kahit hindi kagwapuhan basta malalim bulsa..kaya nga di na ako naghanap ng gwapo kasi im sure madaming kaagaw,naku mas marami pa palang lalapit pag mukang peso sign ang lalaki...alam ng asawa ko na i can live without him,pero di niya ako maiwanan dahil sabi ko endangered species na ako,at wala na siyang makikitang katulad ko,takot na lang niya ngayon...kung kaya ng mga lalaki na yan kaya din nating mga girls...hehe
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: sweetest_thing on September 01, 2011, 01:14:46 pm
@sis mariann: tama! it's his loss, not yours di ba?

@sis kawaiimaridel: i can relate, i was also preggy when my hubby cheated on me with who else, his ex!

nakakainis kasi i gave that b*tch the benefit of the doubt when he befriended hubby in one of the social networking sites (di ko na babanggitin ano), i thought maybe she's just offering friendship, little did i know na me maitim pala siyang balak ke hubby, e nung time na yun, medyo routine na kami ni hubby, nabawasan na sweetness and na-shift pa attention ko sa pregnancy ko so nung tinukso nung girl, nagpatukso naman! at ang masakit pa nito, hindi ako nagduda, hindi ko sila nabuking e to think daig ko pa si jawo magbantay ke hubby. ewan ko ba, naiinis ako pag naaalala ko na nalusutan nila ako! anyway, to make the long story short, i gave hubby a second chance on one condition na pag naulit pa uli, goodbye forever na kami ng mga anak niya, last chance na niya to!

kaya super duper mega to the max hate ko ang ex niya! 

Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: kweykerz on September 01, 2011, 01:48:09 pm
..pasalamat talaga ako at kahit na napakaraming EXES ng asawa ko...hindi niya na nakukwento.. minsan lang.. nung nagtanong ako na sapilitan pa.. pag nagtanong pa naman ako, gusto ko detalyado.. like "etong si ganito, may nangyari ba sa inyo?" "baka naman may anak kayo nitong si ganito?" "matagal ba kayo nitong si ganito.." yung mga exes niya.. nalalaman ko nalang sa mga kapatid niya tapos tinatanong ko sya kung sino si ganito.. sino si ganyan..  ;D
..hindi rin naman kasi ako selosa.. siya lang palagi ang gumagawa ng pagseselosan niya.. hahaha..lalo na nung mag BF/GF palang kami.. to think na alam niya na sya lang naging boyfriend ko since birth..
Natutuwa lang tlaga ako at mabait hubby ko.. pero oras talaga na mambabae sya.. di niya na kami makikita ng anak niya..  >:(   hehe ;D
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Bry♥Shey on September 13, 2011, 12:33:07 am
wala namang problem sakin if she's telling me stories about her previous relationships. past narin naman iyon =) and may advantage din naman ito dahil malalaman mo yung mga ayaw niya na nangyare sakanila before. kung ano yung pinag-awayan nila. ano ang reason for breakup. at least you would know yung mga things to avoid =)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: ackelboc on September 27, 2011, 01:06:54 am
pa join..

kapag asaran times namin ang lagi ko dialog kay hubby..hay naku, mabuti na lang ako ang naging asawa mo..kung nagkataon nakatuluyan mo si EX naku malamang utal ang mga anak hahaha! or blessed ka ako naging asawa mo kung si EX mo, naku yung mga anak niyo BOOBS bigger than the brain!...

ang hirit niya naman...kung si EX ko ang nakatuluyan ko, ang ginagawa ko daw ngayon nagtitikim ng gasolina at diesel at nag inventory ng langis sa gas station..hahaha

nakakatawa lang kase kapag asaran times namin at ganyan ang topic in a way naipapakita pa rin namin na we are blessed to have each other
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Nanay Iza on September 27, 2011, 04:24:06 am
nakakatuwa naman :) antagal ko tuloy mareplyan yung isang email ng client..hahaha winner talaga yung "binugbog"!

samin naman ni hubby ako yung nagtatanong about sa mga ex niya..pero pag knkwento niya nagseselos ako..hehe (crush ko kasi sya nung high school pa lang, nilandi landi ko lang sya kaya naging kami hahaha pero hindi naman ako nanira ng relasyon hinintay ko naman hanggang magbreak sila) alam ko naman na love niya ako, pero minsan naiisip ko pa din "siguro kung sila nagkatuluyan mas ok buhay nila ngayon.." may mga ganun akong naiisip, tsaka yung isang ex naaawa ako nung nkwento ni hubby yung about sa kanila...angtagal nila nung girl eh kaya kilala sya nung family ni jowa, classmates pa sila nung high school at madami silang common friends...pag nag aaway kami parati ko tinatanong kay hubby "kung kayo ba ni *** nagkatuluyan, hindi kayo mag aaway?" nakaka insecure lang, kaya si hubby umiiwas nalang sya kasi iiyak iyak na naman ako..parati niya sinasabi na ang problem ko daw kasi hindi ako naniniwala na love niya hehe
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Mommy_Aubs on September 28, 2011, 12:26:34 am

natawa naman talaga ako sa binugbog ko siya.  ;D

ako naman. alam ko lahat tungkol sa mga ex GF ni hubby. kinuwento niya lahat sa akin. pero hanggang dun lang. minsan pang asaran namin pero hanggang dun lang din. walang bitter bitteran about his past as well as mine. ang mahalaga eh kami yung nagkatuluyan  ;D hehe... at siyempre alam namin na super love namin ang isa't isa.  ;)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: kawaiimaridel on September 28, 2011, 01:18:12 pm
naku sis eto na naman ako....
this time di ko naman siya binugbog,kasi naawa naman ako sa kanya,nung magsama na kasi kami mega kalkal ako ng mga gamit niya para iorganized at itapon na ang mga basura.dun ko nakita ang mga love letters niya,curious lang naman ako binasa ko yung iba,since ayaw naman niyang magkwento sa akin about his exes nung highschool siya...nabasa ko dun kung paano siya ipagtabuyan ng girl na sobrang mahal na mahal niya,naiyak nga ako sa mga nabasa ko.kasi sobrang awa ko sa kanya.tapos 1 time naiopen ko sa kanya,ayun nagkwento siya sa akin about that girl.as in sobrang mahal na mahal daw niya yun.den nagpunta yung girl sa baguio kasi dun ang province niya,ang ginawa daw niya sinundan daw niya sa baguio from cubao siya ha.at sa bundok pa daw yun,alam mo yung effort sa pagpunta sa layo ng lugar na yun,tapos pagkadating niya dun ni hindi man lang daw siya pinapasok sa bahay dahil baka daw magalit ang tatay niya.kahit daw paupuin or mag-alok ng tubig sa kanya eh wala.mga 20 minutes lang daw siya hinarap ng girl.dun na daw siya naggive up,after 5 years of being broken hearted at ninakaw niya ang # ko sa totoong textmate ko,naging kami after 4months ng lokohan sa celfone..ahahhah(hindi ko sinasabi sa kanya real name ko)until pinuntahan na niya ako sa bahay namin sa laguna...hala haba na ng kwento ko..

ok ganito nung sunday biglang may nagtext sa kanya at name nung girl ang nakalagay,sabi ko sa kanya parang kilala ko to...ang nakalagay lang naman eh "fren sa cp muna ako kasi may topak internet" .sabi ko sa kanya bakit nagtext sayo tong babae na to,alam ba niya kung gaano kasakit yung ginawa niya sayo.ang kapal naman ng mukha niya,nakita kong nalungkot siya..sabi ko bakit binigay mo ang # mo sa kanya,eh kasi daw nagbigay ng # yung girl so automatic na yun,nainis ako...what a lame excuse,kung di ka na interesado diyan sana di mo na lang binigay # mo.hayzzz sobrang asar ko talaga,sabi ko pa sa kanya na buburahin ko siya sa facebook mo,nagalit siya kasi parang di na daw professional ang dating niya.sabi ko di ako makakampante pag patuloy mong makikita ang babae na yan.
pero ang ginawa niya niyakap niya ako at sinabihan na "ikaw lang at ang anak natin ang gugustuhin kong makasama sa buong buhay ko"naiiyak pa siya...naiiyak na naman ako,kaya lang nag-aalaal pa din ako :'(...
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: ea_brea on September 28, 2011, 02:53:27 pm
ako din hindi ako komportable na pagusapan ang mga ex ng asawa ko. kasi tapos na sila, bakit kelangan pa balikan? basta nagiiba itsura ko at mga reaction pag bigla nagkekwento ang hubby tungkol dun. tipong pinapakita ko talaga na "wala akong paki sa kwento dahil tungkol sa ex mo!". nagtanong nga sya minsan kung ayaw ko ba daw na nagkekwento siya about dun, sinabi ko talaga na oo, no more explanations. ako naman wala akong maiganti sa kanya kasi 1st bf ko sya (grrr!). pero after niya magtanong hindi na sya nagkwento ulit.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: gripfast on September 28, 2011, 04:40:37 pm
Yung ex nga ng bf ko, nagso-show sa webcam para lang ihatid sya sa bank na pinagta-trabauhan niya. Nagpapakita ng private parts yung girl. To think may asawa at anak na sya, babae pa! I hate sluts talaga and whores. yung ex ng bf ko, she is a whore and a slut. nanggigigil ako sa kalandian niya.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Nanay Iza on September 28, 2011, 11:37:09 pm
@ sis kawaiimaridel: sis nakakaiyak naman yung kwento mo..be strong sis..kausapin mo asawa mo mag usap kayo ng masinsinan..kasi parang hindi naman tama na magbiruan sila ng ganun..tsaka yung girl alam ba niya na may anak na kayo ng asawa mo? baka nga hindi pa naka move on si hubby mo dun sa girl..pray lang sis na malagpasan nyong mag asawa ang pagsubok na yan..
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: sassy_lexy on October 15, 2011, 11:29:29 am
i hate my hubby's gf! she's a psycho. may asawa't anak na at buntis pa ngayon. hindi makamove on, brineak kase ng asawa ko after 4yrs na nagtiis ang hubby ko sa kanya. she's really something! pati posing namin sa profile pic ng fb ginagaya niya. grabe talaga. nung may friendster pa since pwede makita ang views, ginagamit niya ang account ng bestfriend niya to view me. and take note, every minute ata niya ako iview. sayang lang sa fb hindi ma track e.  >:(
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Aicha on October 15, 2011, 01:04:12 pm
nung 1year na kami saka na namin napag usapan yung mga ex's niya, ako ang nag open up nagkwento naman sya pero wala daw seryoso sa mga past na, at puro short rel. ako daw naka una sakanya ganun din sya sakin... nung nakwento niya na sakin lahat ng ex niya ganun din ako sabi niya ayaw niya na daw magtatanong ako about dun kasi nonsense, kaya di na namin pinag uusapan.. sobrang loyal naman sya sakin for almost 5yrs. never kami nagka problem sa girl. kaya i think im lucky sa lovelife baliktad sa career. hehe
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: -joanamber- on October 21, 2011, 01:12:54 pm
Ayoko napaguusapan yung mga ex niya kasi naiinsecure ako kahit di naman dapat. Ayaw niya inoopen ko yun pero minsan di ko maiwasan. Affter kong iopen ako naman tong naiinis. Weird no.? Sa tingin ko never magiging okay yung EX ng mga hubbies natin for us.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: annamariemomof3 on October 25, 2011, 11:38:26 am
kakainis talaga ang ganyan. dati nga rin si hubby pati sexcapades nila ng mga ex niya kinukwento tapos ikakasal na lang kami sabihin ba naman na that day rin ang anniv nila ng ex niya. siyempre kakainis di ba lalo na nung nalaman ko na sa bedroom namin now niya dati pinatutulog ex niya. siyempre can't help but think na baka even when we are intimate iniisip pa rin niya yung mga dati gawa nila ng ex niya. kuwentuhan ko nga rin nangyari sa amin ng ex ko makaganti lang ayun nagselos di tumahimik siya.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: -joanamber- on October 26, 2011, 06:32:14 pm
kakainis talaga ang ganyan. dati nga rin si hubby pati sexcapades nila ng mga ex niya kinukwento tapos ikakasal na lang kami sabihin ba naman na that day rin ang anniv nila ng ex niya. siyempre kakainis di ba lalo na nung nalaman ko na sa bedroom namin now niya dati pinatutulog ex niya. siyempre can't help but think na baka even when we are intimate iniisip pa rin niya yung mga dati gawa nila ng ex niya. kuwentuhan ko nga rin nangyari sa amin ng ex ko makaganti lang ayun nagselos di tumahimik siya.

kakainis naman hubby mo sis. Nakakaselos kaya yun, tska di mawawala sa isip mo yun. Sana di nalang sinabi ng hubby mo..
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: Princess Dizon on October 26, 2011, 08:53:41 pm
Everytime na china-chat ng Ex niya yung hubby ko naiinis ako d ko lang pinapahalata kay hubby at ang malala sinasama pa sa mga inuman tskk buti nlang sumusunod skin si hubby . . 
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: -joanamber- on October 27, 2011, 09:11:56 am
Can you be friends with your husbands EX.?
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: mommyJQ on November 01, 2011, 09:02:10 pm
My sister-in-law told me na madami daw ex-girlfriends yung kuya niya way back in High School. I meet one of her ex-girlfriends and okay naman. We're friends, actually. May family na din kasi siya. Past is past na para sa kanila yung naging relationship nila. :)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: clytie_27 on November 02, 2011, 12:13:58 pm
kawaiimaridel

sorry pero ang shufal ni ate naman.. ang sakit niyan.. dapat bago kayo ikasal mapag-usapan nyo maigi at makapag set siguro ng bounderies... pero kaya mo yan be strong..

Joana Amber

i don't really think so.. sometimes kasi magkakaroon at magkakaroon ng hinala e... at selos..

mga mommies.. para sakin the less u know the less it will hurt.. kami ng tatay ng anak ko.. di kami friends sa FB hehe.. nabwisit kasi ako dun sa EX niya na patuloy padin ang pagcocomment sa kanya e sinabihan na siya na wag na sila mag-usap.. kea para mwalan ako ng pagseselosan at kakainisan.. unfriend na hehe..

works for me pero i dunno sa iba.. hihi
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: ysLim on November 03, 2011, 10:01:55 am
hindi naman sa makitid ang utak pero what they had was between them and hindi ko na kailangan balikan yun. my partner doesn't like me talking about my ex. i don't like him talking about his ex. agreement na namin yun. kasi before i would talk about my ex hehe. then tinanong ko sya if bothered ba sya, sabi niya lang, what if he would talk about his ex, ok lang ba daw sakin, sabi ko agad hindi! minsan nagtatanong ako, pero iniisip ko muna if i can answer those questions myself if sya ang nagtanong sakin nun. i knew he had a lot of exes. alam niya rin past ko. what's important is now.  8)
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: -joanamber- on November 03, 2011, 12:09:06 pm
 Basta ako kahit anong gawin ko di ko mapilit yung sarili ko na maging friends sa Ex ng hubby ko. Ewan ko ba.
Title: Re: EXes..........
Post by: nixmusic on November 28, 2011, 08:31:48 am
My ex just called at around 3am and he was so drunk. I'm just being nice so I answered the call and told him I'm at work (graveyard shift :-[ ) but he's insisting that he wants to go to my office and talk to me. Medyo hindi ko na maintindihan yung ibang mga sinasabi niya so I'm pretty sure he's drunk. I put the phone down and texted him saying that he can call me pag di na sya lasing and we can talk. It's been more than 6 years since we broke up, a mutual decision since we're both studying at that time and can't find time to prioritize such relationship. I know nagkaron din sya ng ibang mga girlfriends after me and my cousin just told me na kakapanganak lang two months ago ng latest girlfriend niya. I want to stay friends with him but I'm afraid hubby will not want that.
Title: Re: EXes..........
Post by: chester on November 28, 2011, 12:35:10 pm
@princess_jasmine: sis for me lang ha, para saan pa communication kung manggugulo din naman sa buhay mo? even though gusto mong maging friends kayo eh kunng guguluhin ka rin naman niya eh bakit pa.  may katwiran naman siguro hubby mo kung bakit ayaw niya.  unless, may feeling ka pa sa kanya sis.
Title: Re: EXes..........
Post by: nixmusic on November 28, 2011, 09:06:19 pm
@chester
Point taken. What I had with my ex was young love, we were both very young then. Almost 7 years na ang lumipas and we both have different relationships and own kids na rin so on my end, I honestly just don't want na masabihang iniiwasan ko sya or something. Meron din kasi kaming common friends and some of my relatives sa province are friends with him. Although considering hubby's feelings which is more important, I guess I can try to ignore it na lang.
Title: Re: EXes..........
Post by: YSSA™ on November 29, 2011, 08:03:01 am
There comes a point na habang naghaharutan kayo o naglalambingan kayo ng hubby/bf/partner mo, biglang kukurot sa utak/isip mo yung ex mo.

Naranasan niyo na?  :-X
Title: Re: EXes..........
Post by: working_girl88 on November 29, 2011, 12:30:30 pm
There comes a point na habang naghaharutan kayo o naglalambingan kayo ng hubby/bf/partner mo, biglang kukurot sa utak/isip mo yung ex mo.

Naranasan niyo na?  :-X

yes, but on our first 2-3months of relationship with my bf/hubby now.. ngayon, pag naiisip ko sya, naiinis na ko kase nagsisisi pa din ako na naging bf ko sya.  ::) i think he still wants to have me back kahit malapit na kami magkababy ni hubby.. haha! :P  :P maglaway sya..
Title: Re: EXes..........
Post by: nixmusic on November 30, 2011, 09:28:52 am
:P maglaway sya..

^^^I love it! true yan sis!  :P
Title: Ex's
Post by: 2gud4u on January 26, 2012, 07:14:50 pm
naiisip nyo pa ba si ex until now?

na isip nyo ba kung ano ang buhay nyo ngayon kung kayo nagkatuluyan?

wala lang po, bigla ko lang naisip.
Title: Re: Ex's
Post by: nixmusic on January 29, 2012, 07:43:35 am
Ako sis oo. Naiisip ko sobrang good thing that I ended up with hubby kasi kung yung ex ko ang nakatuluyan ko baka sobrang hirap ng buhay ko ngayon. Last time I heard, ex is working as a salesperson sa isang mall ngayon, his girlfriend just gave birth in the province and mahilig pa rin sya makipag inuman with friends. Super glad na walang bisyo si hubby (except for buying gadgets and gears for his guitars, hehe) ;D
Title: Re: Ex's
Post by: CIB on January 29, 2012, 04:13:07 pm
Well, hindi ko masasabing ex pero parang The One that got away.

I always think na kung nagkatuluyan kami more probably hiwalay na rin kami ngayon and we wouldn't even probably made it to our first year anniv.

But I would always and always remember the thing he told me when both of us wanted it so badly but couldn't have the courage to take the next step. For me having a reason simply "I'm the lady, for pete's sake!"

"Nicolette there is somebody out there. Who will come far more better than I am. Somebody who will be better of what I wanted to be the best man with you, for you. Trust me dahil pag dumating sya sa buhay mo. Magiging masaya ako."

So hubby came a year later. And I told him Im getting married (I really thought so that time) wala syang sinabi kundi masaya sya for me. And half of me died instantly. But in return, siguro for my piece of mind he told me " I Love you so much and I couldn't have the courage to hurt you asking you something like that." And I knew that instantly I Got Away also. Then added na nag-aasar "I always thought of you so perfectly."

And I knew I swear, that he may be the best love I could find in this world but I have the greatest love with hubby for the sole reason that he's braver than he is. I always think of him still and couldnt find any guilt naman because I knew I'm done with whatever I have with him. It's one of the fuel also that set fires to what I have with hubby. As what that guy said "I have that perfect world with you. Somewhere I could always go home to. And I don't wanna let go of that. Ever. Hanggang mamatay ako." So whenever I think of hubby and me in this not so perfect world I could always go there and think of him. To my home and come back to hubby and thankful always to him na kung hindi dahil sa kanya. Hindi rin ako maglalakas loob na maranasan kung anong buhay yung nararanasan ko kasama si hubby at si lila. Na masaya. Na may buhay. Na for him, to him I live the dream.

Kasi papatayin niya raw ako pag namatay ako eh. So I Live  :)  ;D
Title: Re: Ex's
Post by: syndyela on January 29, 2012, 09:54:18 pm
Hmm...ako naiisip ko din ang mga ex ko at times...siguro normal lang yun kasi naging part of our lives naman natin sila.  Minsan nga bigla din silang pumapasok sa panaginip ko, hindi ko alam kung bakit pero andun sila.  Pero yung pumasok sa isip ko na what if kami yung nagkatuluyan, hindi pa nangyayari yun kasi alam ko na being with my hubby now is much more better than my life with them noon (sobra kasi ako pinaiyak nung mga ex ko noon to the point na naging depressed talaga ako).  Instead, I'm so very thankful na dumaan sila sa buhay ko kasi dahil sa kanila kaya nag-mature ako sa love, na naging stronger person ako ngayon.  At kung hindi dahil sa last na naging ex ko, hindi ko makikilala yung husband ko ngayon (friends kasi sila nun e, hehe).


Sige nga, try ko sagutin yung tanong na yun ngayon.... If nagkatuluyan kami ng kahit sino sa mga ex ko, I'm sure na I would live a stressful marriage kasi malamang mambababae mga yun...kasi nung gf/bf pa lang kami, may mga # 2 and # 3 na, what more kapag mag-asawa na kami.  I won't live a peaceful marriage life.

Friends ko sa FB yung mga ex ko, pero we're not in speaking terms for years na, siguro kasi wala naman dapat ipagkumustahan or pag-usapan.
Title: Re: Ex's
Post by: kurdapya101 on January 30, 2012, 08:05:49 am
at times of course naiisip pa din pero hay naku for sure sangkaterbang problema sa mga kababaihan niya ang ibibigay sakin ng ex ko na yun hehe im glad im over him
Title: Re: Ex's
Post by: mybhie06 on January 30, 2012, 10:01:07 am
Like you mga sisses, naisip ko din before na what if kami nagkatuluyan? Malamang iba yung priorities namin..like siguro since wala syang sariling house, yun ang pinaka goal namin before having a baby..yung makakuha ng sariling house. Saka siguro if we're still together, hindi niya matututunan how to lessen his pride. Dati kase pag nag aaway kami, madalas mga one week di niya ko tinatawagan then after nun ok na kami. Ni hindi namin pinaguusapan yung naging problema kaya naiiwan  yung sama ng loob ko na di ko nasasabi sa kanya. The last time that we've chatted, yan yung isa sa sinabing nyang natutunan niya..kase mas mainam na daw to lose his pride kesa naman mawala yung mahal niya. Well, too late to realize that though..good thing for him na narealize niya lahat ng kulang kaya ako nakaipaghiwalay sa kanya and naitama niya yung mga mistakes niya. I was hoping nga na makahanap na sya ng mapapangasawa niya kase parang now, he's afraid of loving someone again tapos mawawala lang. I keep on reminding him na hindi lahat ng love story katulad nung sa amin kaya dapat wag syang matatakot magmahal. It would be really nice to know that he already found the right one, just like I did when I've met my husband :)
Title: Re: Ex's
Post by: Mommy France on January 30, 2012, 10:11:27 am
Minsan naiisip ko lalo na pag happy ako. Mabuti na lang naka-let go ako sa kanila and nakilala ko yung asawa ko.
Siyempre thankful na rin ako dahil kung hindi sa mga pinagdaanan ko sa kanila, hindi ko rin siguro ma-appreciate lahat ng efforts ng asawa ko.

Mahilig ako sa mga "bad boy" image before and my husband was one of the good boys that I dated.
 
Title: Re: Ex's
Post by: 2gud4u on January 30, 2012, 01:48:35 pm
hehe hindi pala ako nag iisa.

lately kasi lagi ko naiisip si ex kasi naman lagi sya nasa panaginip ko na binabalikan niya daw ako na napaka ironic in reality dahil alam kong sinusumpa niya ako. bigla ko kasi sya iniwan ng walang pasabi man lang basta hindi na ako nakipag communicate sa kanya.

kung kami siguro nagkatuluyan maayos siguro ang buhay namin financially pero  hindi ko alam kung magtatagal kami. napakahigpit niya kasi, bf/gf time palang kasi kinocontrol niya na ang buhay ko even my career, tapos lagi din sya nakikinig sa mga sulsol ng friends and relatives niya. and isa pa wala akong social life, hindi ako allowed makihalubilo sa mga friends ko.

hindi naman ako nagsisisi ngayon pag naiisip ko sya, masaya na ako ngayon sa bago kong buhay with hubby lalo na nagbago na talaga sya.
Title: Re: Ex's
Post by: yhamslove® on January 30, 2012, 03:00:18 pm
Ako din minsan.  Pero hindi ko pa na-try ma-imagine kung ano ang naging buhay ko kung siya (sila ===> madami?!!! he he!!  ;D) ang nakatuluyan ko.

Nung birthday ko, tinawagan ako ng ex ko to greet me. Thankful naman ako at naalala niya ako. Dati kapag may mga instances na nakikita niya akong online sa messenger, hindi nawawala yung linya niya na "Kung tayo siguro nagkatuluyan mayaman tayo...."

My ex knows that I'm a wise money spender (or mas fit siguro yung KURIPOT  ;D). Maybe he said so kase nagtatrabaho siya abroad at siguro medyo malaki ang sahod niya, na kung ako siguro ang nakatuluyan niya, hindi puro palabas ang pera niya (na inamin niya naman na ganon ang nangyayari ngayon sa kanya).

Sabi ko lang sa kanya "Kahit na sino ang mapangasawa mo, basta alam ang kahalagahan ng pera at kung alam kung saan dapat ilagay, yayaman ka..."

Hindi ko rin alam kung ano talaga ibig niyang sabihin dun, pwede rin kase na gusto niyang maramdaman ko na I would be better off kung kami nagkatuluyan.

Excuse me naman 'no!! Mahirap magsalita pero... Excuse me naman talaga 'no!!!

Kahit na siya pa ang may-ari ng Earth hinding-hindi ko siya babalikan... ever!!  :P
Title: Re: Ex's
Post by: addicted2jakey on January 30, 2012, 09:21:24 pm
Me too. Minsan naiisip ko din yan... My last relationship before my hubby now lasted for 5 years, the whole College life ko was all about him (i still have time naman for my friends).. so, I thought he was the one.. I even consider him he's my true love and my hubby now is my greatest..
We had right love at the wrong time .. Maybe if he came into my life the time my husband did, we would end up being together.. :) Im not hoping but still a fact people close to me how we were together.. But i'm happy we ended the relationship coz now, I'm having the best time of my life.. He's so supportive, and loves me unconditionally..
w/ my ex, i know he could also do the same thing but conflicts really changes everything.. it just started na i'm studyiing and he's working na (career move)..
Financially, i dont think it would be a problem.. un lang talaga conflicts and minor issues na hindi naresolve and napagusapan parang lumaki and patung-paton ghehe..
haba noh.. Pero ending nto happy ako ng sobra hehe..
Title: Re: Ex's
Post by: working_girl88 on February 01, 2012, 03:59:33 pm
oo, minsan pag may nagpapaalala sa kanya, like last week. my friend invited me for her son's christening, tapos she told me that one of the ninongs is my ex. hindi sana ako pupunta nung sunday kasi ayoko syang makita, baka magtext na naman ng magtext, magselos pa si hubby. pero pumunta pa din ako  ;D pinilit kasi ako, buti na lang wala sya, on duty daw kasi. whheeew!

future namin ng ex ko? hindi ako yung nag isip, si hubby ko. hehe! sabi niya "ano kayang life mo ngayon if you and your ex ended up together? siguro hindi ka mahihirapan sa expenses." doctor kasi ang ex ko kaya medyo insecure si hubby. kaya i always make him feel that he is a good provider and a better person than my ex, which is true naman. pati mas gwapo si hubby kay ex, and talented pa, kaya mas feel kong jackpot ako kay hubby. ;D
Title: Re: Ex's
Post by: mothadearest on February 01, 2012, 05:37:00 pm
Yes, when I see something that reminds me of him. Sometimes friends bring him up also when we have dinners together. But, I remember him more for the bad times more than the good times now. He didn't take care of me and I'm with someone who loves me and makes me happy. But, even then, the memory of my ex lingers now and then.
Title: Re: Ex's
Post by: khaki_e on February 01, 2012, 11:24:19 pm
hindi pala ako nag iisa hehe =)


Lately, when I am alone. may mga what If's ako sa mind ko...
Pero nung makita ko yung account ni Ex sa FB and nagkamustahan kami ...
sabi ko sa sarili ko "Buti nalang hindi kita nakatuluyan!" hehe....
All this time, I thought he is successful  in terms of his career, family.. hindi pala..
easy go lucky, immature pa rin, malayong malayo... lalo ko na appreciate si hubby...

totoo nga that there's always a reason for everything...  :D
 
Title: Re: Ex's
Post by: mommy_tl on February 02, 2012, 11:00:29 am
joining mga sis..

yung ex nasa canada na and lagi ko siyang nakikitang online sa facebook..dati nung hindi pa ako nag-aasawa eh nagchachat naman kame pero lately wala ng replies sa mga chat ko..namimiss ko yung friendship namin pero I never regretted naman on letting him go..pag hindi sya nagrereply, I feel bad but i dont think nahuhurt ako..pride ko lang siguro yung naaapakan. :)
Title: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: Princess Dizon on February 12, 2012, 09:30:25 pm
Mga Sis normal lang ba na magalit si Hubby sa akin kapag nagpapakwento sya tungkol sa Ex ko?

Here's my situation:
Everytime na nagpapakwento or my tinatanung si hubby about sa ex ko nagagalit sya saakin ? I don't know what's the reason behind , Hindi ko rin maintindihan, Although naiintindihan ko sya na nagseselos sya sa ex ko pero bakit kelangan nyang magalit sakin?  :-[

I hope you can give me some advices mga sis
TIA :)
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: Mommy France on February 13, 2012, 09:55:58 am
You have to understand the reason why he asks about your ex.

Siguro next time, pag nagpakwento siya, wag ka na lang magkwento.
Possible kasi na namimis-interpret niya yung kwento mo. Instead, talk about how he's better than your ex,

I'd rather na magalit yung asawa ko dahil hindi ako nagkwe-kwento about my ex than ma-insecure siya sa mga bagay na hindi naman dapat.
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: Princess Dizon on February 13, 2012, 10:05:39 am
@Mommy France : Thanks sa reply sis

 Kasi everytime din na nagpapakwento sya d niya talaga maiwasan na i-compare yung sarili niya sa ex ko , sinasabi ko naman sknya na he's better than my ex ,parang hindi prin sya kuntento , and sobra syang mag-selos . .  pero kung nasa part niya ako mag-seselos din ako . Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit tanung sya ng tanung about my ex tapus nag-seselos sya everytime na ganun .parang pinag-seselos niya yung sarili niya  :o
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: Mommy France on February 13, 2012, 10:10:54 am
Possible na insecure siya and he probably wants to give you more love than your ex ever gave.
Continue to boost his confidence para mawala yung insecurities niya.

Wag mo na lang talagang sagutin.
Appreciate his little efforts and always remind him na siya lang ang love mo.
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: Mommy Jazz on February 13, 2012, 10:49:26 pm
May I ask, bakit siya nagpapakwento?
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: Mlabable on February 14, 2012, 02:52:53 am
During our BF/GF days ganyan din ang ugali ko magpapakwento ako sa BF (now husband) ko about sa mga EXs niya. He had four previous relationships pero puro short-term lang, ako naman 1 MU (pupply love lang siguro). Parang siya talaga first boyfriend ko, so parang gusto ko malaman lahat ng tungkol sa mga EXs niya.
 
Kasama na siguro doon yung selos saka insecurities sa past relationships niya. Umpisa magtatanong ako kung pano sila mag-date, pano naging sila then doon na mapupunta sa comparison. Kung bakit ganon siya sa mga ex niya, sa akin hindi. Sabi niya naghahanap lang ako ng ikakagalit ko. I was jealous talaga.
 
Siguro kailangan mo iparamdam na yung past relationships mo e tapos na, ang importante kayong dalawa. Walang maidudulot na mabuti kung pag-uusapan pa. Mommy France is correct, wag ka na lang magkwento kasi at the end of your conversation mauuwi lang talaga sa away. Ganyan na ganyan ako. Naghahanap lang ako ng ikakaselos at ikakagalit ko sa mga bagay na kung tutuusin e tapos na.
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: ea_brea on February 15, 2012, 10:51:01 am
ako naman baliktad, never ako nagtanong about his ex, pero minsan namemention o may nakkwento ang husband ko. dun ako naiinis kasi hindi naman ako nagtatanong pero magkkwento sya. wala na akong pakialam sa ex niya kaya hindi ko na gusto marinig ang mga kwento about sa kanya kasi alam ko din naman na magagalit ako. pero pag nangyayari yun inaassure naman ako ng husband ko na wala na yun at ako na lang mahal niya.
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: Princess Dizon on February 15, 2012, 01:00:48 pm
Thanks sa advices Mommy France ,Mlabable ,Ea_brea
 siguro nga kapag nag tnung sya d q nlang sasagutin , kasi ang kulit kulit niya tanung ng tanung wala na rin kasi sa kin yung past relationship ko kasi mas mahalaga yung relationship ni hubby , Feeling ko talaga insecure sya lagi ko namang sinasabi sknya na mas better yung hubby ko kesa sa ex ko and sinabi niya din skin ng seselos sya everytime na ganun . Hayss d ko talaga sya maintindihan . Basta d na lang ako mag kkwento about sa ex ko limot ko na rin kasi :)

@Mommy Jazz
 D ko alam ang reason niya kung bakit sya nag papakwento , Pero kadalasan nyang sinasabi gusto niya daw malaman at nacucurious lang sya . Pero minsan paulit ulit na rin tinatanung niya skin halos na ata lahat na kwento ko na.
Title: Re: Si Hubby nagagalit pag nagpakwento sya tungkol kay Ex.
Post by: rianne_mallows on February 27, 2012, 09:42:13 pm
pano ka ba magkwento sis? baka he sees your eyes sparkle eke ek pa while making kwento ;D  magseselos talaga yun! haha... just kidding

pwedeng your kwento is different from what he is expecting... pwedeng hirap siya maachieve or medjo lamang si ex mo sa kwento mo.. 

example, hubby mo bachelor's degree, syempre proud siya dun... eh si ex pala, doctor/lawyer ganun, nabokya yung pride niya kaya nagalit to hide his insecurity
Title: Naiisip niyo ba kung anong relationship meron si hubby s ex nila?
Post by: mommycesz03 on March 02, 2012, 12:59:55 pm
Pag naiicip ko ito sumasama talaga mood ko :'( nahuhurt ako kasi yung ginagawa namin now as husband and wife for sure ganun din sila nuon.
Title: Re: Naiicip nyo ba kung anong relationship meron c hubby s ex nla dati?
Post by: ea_brea on March 02, 2012, 05:27:13 pm
minsan curious ako, pero i never asked him how they were o kung ano ginagawa nila. medyo nagseselos lang ako sa fact na halos palagi silang magkasama noon. pero ang tagal na nun. i'm very different daw from his ex (hindi ko alam kung mabuti na yun or masama, bahala na) and inaassure naman ako ng husband ko na wala na yung sa kanila.
Title: Re: Naiicip nyo ba kung anong relationship meron c hubby s ex nla dati?
Post by: mommy ni kent on March 02, 2012, 08:37:45 pm
oo dati ;D pero now hindi na,wala na rin namang mangyayari. besides past  is past,ako pinakasalan kase ako mahal niya ;)
Title: Re: Naiicip nyo ba kung anong relationship meron c hubby s ex nla dati?
Post by: xoxjanexox on March 02, 2012, 09:13:06 pm
oo at nakakaasar kung iisipin mo.. pero minsan nakakatawa na lang..
Title: Re: Naiicip nyo ba kung anong relationship meron c hubby s ex nla dati?
Post by: kara on March 02, 2012, 09:18:20 pm
hindi... nakwento naman niya saken lahat nung magbf/gf pa lang kami, pero ngayon hindi, nakaraan na niya yun e,(pero minsan napagkwekwentuhan namen)  wala ng kong paki dun, ako ang present at future niya yun ang mahalaga. tsaka alam kong ako ang pinakamamahal niya sa lahat :)
Title: Re: Naiicip nyo ba kung anong relationship meron c hubby s ex nla dati?
Post by: mommycesz03 on March 03, 2012, 08:23:41 am
:) hindi pala ako ngiisa :) nkakaselos lang diba?lalo kung nkalive in nla dati yung ex nila,hubby ko kasi nakalive in niya yun,kaya naiiyak nalang din ako kahit wala n yun  :'(
Title: Re: EXes..........
Post by: Mrs. Anderson on March 03, 2012, 07:59:09 pm
Same topics merged.
This thread may be used for experiences on how a relationship is affected by past relationships.

We strongly advise searching of existing topics before creating new threads.
Title: Re: Ex's
Post by: lalabs28 on March 14, 2012, 12:59:36 pm
ano ba tong topic na to? haha . kapalaran nga naman :)

Do I think of him? YES
Why? He was my friend, gayfriend, sister as In lahat kasi We were great together yung parang lalaki sa movies yung perfect. kaso may catch sa relationship namin, He was 10 years older than me, I met him 15 years old lang ako he was visiting yung common friend namin "kaisan" then after a few months ayun naging kami I would stay at their province for  2 days, punta sa birthdays, anniversaries,kasal, patay ng kamag-anak niya take note sa province yun ha, ako naman si punta.
Okay kami until I found out na meron siyang ibang GF na mas nauna kesa sa'kin. Ang ending eh ako pala yung "kabit", I broke it off, he called and even went to my school para mag-usap pero ayoko. Then He called my bestfriend tas sabi niya hiwalay na daw sila and nag-sorry siya eto naman si bestfriend sinet-up ako . gumimik kame then pag punta namin dun sa bar andun siya He explained everything then ayun naging kame ulit "first love" ko kasi . then nalaman ko ulit na hindi pala totoo sila pa rin nung girl kaya I broke it off again. I blocked him sa lahat pati sa CP ko.
Ito yung pinaka-masakit eh, tumawag siya iba number gamit, he said  He loved me so much kaso bata pa ako marami pa mangyayari sa buhay ko at kung hindi lang daw naging complicated kami pa din.

few months later (college na ako) I found out he got maried kasi buntis yung girl. he tried to contact me though our common friend "kaisan" pero pinigilan ko sarili ko na kausapin siya.

Don't get me wrong maha na mahal ko hubby ko kaso syempre di ba first love never dies, it just fades away and naging part siya ng buhay ko . :)
Title: Re: Ex's
Post by: mami shae on March 14, 2012, 01:34:31 pm
I do think of them sometimes...
Them talga kase medyo madame din hehe
but my ex before hubby was the "most serious" like everyone thought we'd end up with each other...
He cheated me for several times and I was like "I forgive you" all the time... Then here comes the nth time, I decided to quit and broke up with him.. told him straight to his face that I believe in karma and that you will never find someone like me anymore.. he kinda thought its a curse coz until now, I mean after me he never had a girlfriend anymore....
We are in good terms, we cannot be enemies I guess kase our family has a deep connection as in from his lola to mine are really friends so they are really a family friend.

Recently he had an accident as in 50/50.. I coudln't understand what I felt that time not because I still love him but maybe it's because may pinagsamahan talaga kame.. And Im so lucky to have a very understanding husband (btw they became friends too) I told my hubby why am I feeling that way? and is there something wrong? but he opened my mind and said no it's because you have shared a somewhat good relationship before and he even accompanied me to the ICU of the hospital to visit him.... luckily he survived but I guess medyo affected parin brain niya coz he would call me up and say he misses me and that why did I leave him and why I married my husband..from then I cut my connection with him, I tried to understand at first kaya lang parang di ko ma-take na ganon ang mga sinasabi niya...

But I'm thankful because if he didn't cheated on me hindi ko maybe makikilala c hubby ko...and I learned a lot from him... maybe kung kame ang nagkatuluyan ewan ko lang. But definitely I wont be happy as I am now

Title: Re: Ex's
Post by: kweykerz on March 14, 2012, 02:35:34 pm
naisip ko lang yung someone in my past nung nabasa ko to.. hehe
malamang kapag kami pa ng Ex kong yon.. eh nd pa ko nag aasawa hanggang ngayon...
siguro nd ako nagmature.. masaya ako at napangasawa ko si hubby.. d man sya perpekto.. masaya ako.. masaya kami.. :D
Title: Re: Ex's
Post by: mommy_tl on March 14, 2012, 09:31:48 pm
wala naman talaga akong pakialam (my head says that) pero whenever i see him in facebook esp when i knew he was getting married, parang may hurt or a feeling of sadness or discomfort, i really dont know..or baka pride ko lang yun?
Title: EX - GF
Post by: gandangmorena on April 06, 2012, 10:26:00 am
My hubby & I are 24months married now, may 1year old daughter na kami.
But still yung family ng hubby ko is still so attached sa ex-gf niya for almost 5years (9months pa lang yung relationship namin ni hubby when we get married) So, pakiramdam ko mas gusto pa rin nila yung ex-gf ng hubby ko...
Nasa abroad yung ex-gf pero thru facebook & other social network nakakapag-communicate pa sila specially yung mga sister in law ko.
Sabi ng hubby ko, "do not be so affected kc hindi naman daw siya apektado"
But sometimes syempre there is some jealousness na lumalabas sa akin...
Alam ninyo yung bang.... I give all the patient para pakisamahan sila ng maayos & then ganyan pa sila...
Nakakabwiset minsan talaga lumalampas sa limitations.

Naisip ko minsn "am I so mabait lang talaga?"
hindi naman sa ayaw nila sa akin kasi paminsan-minsan naman I feel that they care...
pero minsan nakakairita ng ulo...
samantalang si hubby super embraced ng family ko...

minsan tuloy kami ni hubby yung nagaaway because of that matter...

ano ba magandang gawin dito? do i need to talk to them?
or just follow my husband na "kami naman ang nagsasama at hindi sila"
   
Title: Re: EX - GF
Post by: mika-madz on April 06, 2012, 11:52:27 am
san ba kayo nakatira sis? sa in-laws mo ba? if yes, mahirap nga yan.. nakakairita talaga pg ganyan. pero kung nakabukod naman kayo, e madali ng umiwas, like punta ka lang dun pag may okasyon.. tapos kay hubby ka lang mag didikit..importante naman e nararamdaman mo na mahal k ni hubby at "ikaw" talaga ang pinili at pinaglaban niya sa pamilya niya. para sken ok din naman n paminsan e maramdaman nila na nakakaoffend sila.
Title: Re: EXes..........
Post by: Mrs. Anderson on April 06, 2012, 12:17:42 pm
Same topics merged.
Title: Re: Ex's
Post by: gandangmorena on April 08, 2012, 03:06:46 pm
hi sis...

syempre hindi naman maiwasan na maalala si ex diba?
kc kahit papaano naging part ng life natin pero
buti na lang at hindi siya yung nakatuluyan ko
i know him baka nga hindi kami umabot ng years sa sobrang babaero niya...
buti na lang kahit simpleng life lang ang naibibigay sa akin ni hubby, masaya ako... un ang mahalaga...
Title: Re: EX - GF
Post by: gandangmorena on April 20, 2012, 09:47:07 am
@mika-madz

may sarili kaming house... pero yung house ng mga SIL ko within the area rin...
pero ngayon okey na ako... medyo nabawasan yung pagseselos ko...
kasi inassure sa akin ni hubby na past is past nga naman... pwedeng lingunin pero hindi na pwedeng balikan... :)
Title: Re: EXes..........
Post by: rozzy on April 20, 2012, 11:11:51 am
Nakakalungkot talaga pag may mga unclosed relationship status. Pero nabagabag ako with sis chillaxmom situation. :( Threaten kasi sya with her Ex BF. But then, I agree with other moms na nag-advice na huwag na lang kausapin pa yung Ex niya since magmula nag-reach out ulit yung Ex niya to say sorry for everything still nagulo ang tahimik nyang family life. Buti na lang talaga at understanding ang hubby ni sis chillaxmom pero syempre maari na hindi lang niya sinasabi na uncomfortable na sya lalo na at nag-start yung wife ng Ex ni sis chillaxmom na manggulo.

Sis chillaxmom better to stop talking and communication with your Ex. Huwag mo na isipin yung past nyo. Better to pray for it and raise your burden to God. Makakahanap ka ng peace of mind and heart pag ni-raise mo yan kay God. At isa pa kung napatawad mo na sya with those things na nagawa sayo, you don't have to think anything na at ikaw na umiwas with his calls. Isipin mo na lang din ang family mo ngayon. Hope everything will be fine soon... :)
Title: Re: Ex's
Post by: ysLim on April 21, 2012, 08:41:31 am
Minsan. And I thank God I met my hubby.
Title: Re: EXes..........
Post by: Errych on April 21, 2012, 09:51:23 am
Same topics merged. Please use Search function first before starting new thread.
Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: tashasabs on April 29, 2012, 11:57:56 pm
Exes are a taboo topic in our relationship. Di naman sa insecure pero why bring them up when it's been us for a decade na rin halos in just a few years?  :) Hubby won't dare bring them up dahil alam niya paano ako magalit kapag ayaw ko ang topic.  ;D
Title: Re: EX - GF
Post by: gandangmorena on May 23, 2012, 10:45:45 pm
san ba kayo nakatira sis? sa in-laws mo ba? if yes, mahirap nga yan.

may sarili po kaming house ni hubby kaso yung house ng 2 SIL ko ay sa gilid namin at likod ng house. Na.relieve na ako kasi hubby is planning to get a house na far from them..hay salamat naman!
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: jem.sexy@yahoo.com on May 23, 2012, 11:14:19 pm
wag na sis, it's not worth it.
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: kiko18 on June 14, 2012, 10:38:39 am
im okay sa mga exes ko. pagdating sa ex hub ko ..since 1st gf niya ako eh ang problem ko un mga na link sa kanya .ganun din ang scenario ..welcome sa family niya un girl so ako sinabi ko talaga sa ex hub ko na ayokong makasama yun dahil nagseselos ako at pinaalam ko din sa family niya yun. hindi ko na kinakausap yung mga exes ko so ganun din dapat gawin niya para walang gulo sa relationship namin.

open lang dapat communication niyo and be vigilant sa gusto mong mangyari.  :)
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: Zheii on July 17, 2012, 10:49:58 pm
When it comes to MY EX:
    Wala naman, deadma lang. 3years kame nang first BF ko and now were friends. Pati nga wife niya minsan katext ko and lagi ko namang sinasabi kay Hubby. Open naman kase kami. But sometimes he got jealous kase kala niya nami.miss ko pag na.oopen ko yung topic about them. And recently sabi ko ayoko na nang pinag-uusapan yang mga PAST na yan sa buhay namin.

WITH HIS EX:
    As long as hindi niya kami kinukumpara walang problema. Pero ayoko nang nakikipag-usap sya sa mga EX niya kahit sa FB Chat man lang. May pagka.PLAYBOY kase dati si Hubby. Pero mostly, nagtatagal naman mga nakarelasyon niya, nagkakaroon nga lang siya nang other woman. Pero ngayon good boy na siya, and i'm 100% sure of that.

    On my opinion, mas maganda talaga if mas mahal tayo ni Hubby kesa sa mas mahal natin sila. Kase dika niya hahayaang masaktan intentionally/unintentionally man, hindi papasok sa isip niya na lokohin ka man lang, he will not going to take advantage of your Love and Trust. Yan kase nakikita ko kay Hubby ngayon ee. I'm so lucky to have him. <3

-ZHEii <3
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: andrej on July 18, 2012, 03:29:20 am
stop communicating with him na...mashado n niya pnahirap buhay mo...
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: EmPao on September 15, 2012, 02:29:28 am
Civil lang kami, one time kasi nakipag flirt pa sya sa akin Na alam ko naman and alam niya Na Pareho na king committed sa iba.
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: imiyeeyesiam on February 03, 2013, 11:29:24 pm
Mga mommies/sissies e pano kung single pa ex ni hubby and mukang gusto prin ni ex c hubby kaya wala pa siya ka relasyon (nagiimbestiga kz ako sa fb ni hubby lagi e) e until now mg friend prin sila and same place sa work..inaask q naman c hubby about ky ex ayaw niya pagusapan Kz..i smell something fishy tuloi..pero i trust naman c hubby..
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: preciouslara on February 03, 2013, 11:46:27 pm
tama sis, trust mo lang si hubby, baka kaya ayaw na pag usapan ni hubby kasi ayaw niya na pag awayan niyo pa yun,minsan kasi tayong mga girls hilig magtanong about sa past tapos pag sinagot tayo magagalit tayo, we'll say na tandang tanda pa niya or updated pa siya about his ex,pag hindi naman tayo sinagot magagalit pa din tayo kasi we'll think of other reason na makakasakit satin, so better not open this topic na lang unless you see signs and changes kay hubby...mahahalata naman sa lalaki kung nagloloko eh, laging may katxt, napapadalas yung pag uwi ng late sasabihin ot pero pagdating ng sweldo wala naman nadagdag,basta watch out for other signs if you really smell something fishy  ;) and kung may friend ka na girl na officemate ni hubby, try to ask ng mga simpleng tanong na hindi mahahalata na ineembestigahan mo si hubby like kamusta si hubby sa work,etc etc hanggang sa matanong mo kung close pa ba sila nung ex niya  ;D
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: imiyeeyesiam on February 04, 2013, 12:25:55 am
 ;D Salamat po sa reply..wala lang akong tiwala sa ex ni hubby talaga.. :onag ask narin ako sa mga kasama nila sa work napapansin daw na madalas naguusap..pinipilit kong dedmahin at iwasan na mabigyan ng malisya..

Title: Re: Your hubby's EX-GFs
Post by: jen_anne on February 10, 2013, 11:53:48 am
Hi mommies!

Although past is the past, hubby likes to bring up stories or remember one of his ex's.

Kasi yung "ex" daw niya na yun ang naka "una" kanya plus, mas older sa kanya at that time (school age pa siya nun) and maganda.  Si hubby yung third party sa relationship nila. For him, parang "trophy" daw yung ex niya.

Hindi ko siya masyadong pinapansin kapag napupunta na sa topic na ito, sometimes nire-reverse psychology ko na nga, but there are times na nakaka-irita na.  I don't even know if kino-compare niya ako sa kanya.

If I were to bring up my past naman, nagagalit siya.  Bihira ko lang naman gawin ito, kapag na-asar na ako sa kanya under the same topic.

I'm confident na mahal naman ako ni hubby, but if you were in my shoes how would you react? Kakainis diba?

sabihin mo.."trophy pala e..bakit ex mo na ngayon?" lols..ako kasi maldita.. lalo na pag naaasar na ako.pag yung tipong yung kwento niya parang yung unlimited na load na walang katapusan tapos cocompare kapa..mababara ko talaga.lols..pero infairness naman sa asawaq,d naman niya ginagawa yung ganyan sakin..ako pa nga minsan na ngungulit..kaya nung inaway ako ng MGA EX  niya,,lahat sila barado sakin kasi alam ko lahat ng kwento nila at kalokohan nila sa asawaq nung sila pa..ngayon naman,tahimik na mga ex niya  ;D
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: riaaaaaaaa88 on July 13, 2013, 05:10:38 pm
My husband's ex cheated on him and I guess she feels guilty pero I'm super pissed off at her because parang napakadesperada niyang ipagsiksikan sarili niya sa buhay ni hubby, eh may bf naman siya. They kept communicating kasi even after the breakup and si girl eh kalandi landi na sinasabi "kung may ililihim man ako sa bf ko eh ikaw yun" (kapal..ganda mo teh...) and even nung naging magbf-gf na kami ni hubby, feeling niya mas may karapatan siyang maginarte na parang pagaari niya yung asawa ko. Nakakabwiset talaga. When I confronted her about it, mega deny siya at mega sumbong sa asawa ko na parang siya yung kinawawa, so ang sinabi ni hubby eh i-block nalang daw si girl sa fb. So I did. We blocked her sa account ni hubby, eh nung kinasal na kami sabi ko wala naman na dapat problema siguro naman marunong rumespeto ng marital vows tong si babae. I unblocked her sa fb ng asawa ko, aba wala pang 1hour may friend invite na si girl! Grabe stalker much? Dont tell me minamaya't-maya niya tingnan yung fb ng asawa ko kung hind na siya blockedS!? Then she messaged my husband na parang sana daw he's sure about what he did na pagpapakasal sa akin kasi daw worried sila ng friends niya... Blah blah ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA. Swear I really wanted to have that girl murdered, So what me and my husband did was, we rejected her friend request eh diba sa fb may itatanong na "do you know this person outside of facebook?" We clicked no and then fb alerted na "this person will no longer be able to send you friend invites" then we customized my husband's fb na only his friends will be able to send him messages, ayun natahimik ang aming buhay. Sana manahimik na yung babae ang kapal ng mukha niya
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: Mommy Jazz on July 15, 2013, 03:23:46 pm
I mentioned it before,
Hindi naiintindihan ng mga single ladies ang respeto na dapat i-extend sa mga lalaking kaibigan nila na married na, primarily kasi hindi pa sila married and they don't get the reason why they need to keep distance .


Question, pag nag reject ba ng friend request sa FB, makikita ba yun nung nag request?


In dealing our exes (my husband's and mine), since matagal na yung mga pangyayari and I don't want to bear any hatred anymore (otherwise hindi magiging acceptable ang prayers and offerings ko), I pray for them nalang. I pray that God grant them the good wishes of their hearts, I pray they find the right partner and be happy like us, I pray for their health and happiness and for the Lord to bring into their lives the right people or person who should fill their needs. Mahirap to pray for blessing for the person you hate that's why you have to do it everyday. This is essential for it to work on your sincerity. It worked for me. Nawawala ang mga nega sa buhay ko.
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: julia_18 on July 16, 2013, 01:18:54 pm
we just ignored my hubby's ex. di maganda yung break up nila tapos kung ano-ano ang tinext sa'kin. ginawa ko mega-forward kay boyfie ng mga messages para alam niya mga sinasabi sa'kin. di ko rin sya sinagot thru text. after two years, lo and behold, nagparamdam sa akin thru friendster (yn pa uso nun!)! ignore na naman. altho forgiven na, di ko ata kaya maging friends with her. then ngayon naman, may friend request sa fb. i saked hubby kung sino yun kasi iba ang pangalan na (married na kasi), yun daw yung bff ko! hehe i asked him kung i-approve ko request, ako daw bahala. until now deadma lang. hehe di ko lang ma-gets kung bakit biglang may invite from her. di naman kami close noh! pero friends sya with my mil and sil's.
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: anousheh on July 16, 2013, 02:56:26 pm
Sa amin naman ni hubby, at present we've no problem with our respective exes, although pinagdaanan din namin stage na yan, well, on his part lang and before we got married. Naranasan ko makareceive ng foul words and even threats from his exes, which I merely shrugged off, but demanded from him to deal with them accordingly (yes, them, kc naging makulay din past ni hubby before we met and even nung kami na but before we got married). Fair enough, ginawan naman niya ng paraan para tumigil na panggugulo sa akin ng mga yun. At present tahimik na.

On d part of my ex naman, si hubby ang medyo makulit dyan, sya  palatanong o kaya palasingit sa usapan ng tungkol dun. Alam niya kc na yun lang naging bf ko before sya, tapos we're both lawyers pa, so madalas, out of nowhere, bigla nalang magtatanong ng, "sure ka ba di kayo nagkikita sa mga hearings o kaya seminars?" Admittedly, nakikita ko pa si ex once in a while pero hanggang hi at hello na lang kami. Also, we've common friends dn kc so although wala na kaming direct communication, nalalaman namin ang latest sa isat isa through them, and kahit di ako nagtatanong e meron at meron talagang nagbabalita sa akin about him, like yung single pa rin sya til now, although me gf naman din, na bago n naman kotse niya, things like that. I don't know what's their purpose of updating me about him e sinasabi ko naman sa kanila na were through matagal na matagal na, and I'm happy with my family now. In one event where I was one of d ninangs of our common friend's baby, he (ex) happened to be a ninong naman, and although he came alone, I ignored him kc I was with my husband, and I decided not to introduce them to each other kc I believe no need to do it, tsaka baka lalo lang ma-insecure si hubby pag nakita niya si ex personally, so ayun, para sa katahimikan namin, d ko na sinabi ke hubby na nakita niya na ex ko who was just seated next to us.
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: riaaaaaaaa88 on July 19, 2013, 06:08:36 am
Thank you mommyjazz! Sana lang talaga pag nagpakasal yung ex ng asawa ko, hindi niya maexperience na may nanggugulo sakanila kagaya ng ginawa niya sa amin, anyway, ang alam ko hindi nakikita nung nagrequest na nireject mo yung friend request niya sa fb eh...

Ako naman I dont pray for the people I hate. I just dont think about them hahaha, pero sige nga masubukan nga itong advise mo, wala namang mawawala sa akin kung may idadagdag man ako sa prayers ko :)
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: minijared on August 04, 2013, 03:13:46 pm
me ganito naman..

my bf has a kid but hindi sila kasal nun girl. hindi rin sila nagsama kasi ayaw nun fam ni girl sa bf ko dhil mayaman un girl. 3x palang niya nakita un baby niya. his atm was with the girl tpos binibigyan nalang cia ng allowance which was so liit hindi kakasya sa panggastos niya. ganyan set up nila before nkipaghiwalay un girl and before naging kami ni bf. inassure ako ni bf na wala na sila nun girl and un kid lang habol niya kaya may communications sila ( kid expenses).. i was so secured and so happy until i saw his old fb with newly uploaded pic of that girl (prof pic &cover Pic). i was so furious kasi sabi ni bf deactivated na un and he created new account. so i txted him kasi hnd ko na kayang hintayin na magkita pa kami, he said he didnt know na un photo na un ang inupload nun girl and sabi lang daw sa kanya pics daw nun bata un iuupload ( yes, she has access).  for bf, its not a bigdeal and alam niya daw un totoo at kung cnu mahal niya. wala daw ciang pakealam sa kung ano un nasa fb. he didnt even bother to change those photos when he checked it.

un dating saken nun pics na un eh feeling parin nun girl na sila prin ni bf. its her pic on his fb name, anyone  who could see that pic would think na sila prin. bf said he will introduce me na daw sa family niya para hnd na para maging secure ako... and lagi niya binabanggit na next year mag-iiba na daw ako ng status..

i hate it but im starting to feel insecure and jealous everytime na sumasagi sa isip ko yun...
Title: Re: Dealing with the EXes (yours and your partner's)
Post by: Mommy Jazz on January 15, 2018, 08:15:20 pm
 Jodi's former husband and Thirdy's dad, Pampi Lacson, is now in a relationship with Iwa.
Iwa Moto and Jodi Sta. Maria: 'Unexpected Friendships Are the Best Ones'
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/01/15/iwa-and-jodi.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/iwa-and-jodi-unexpected-friendships-a1154-20180115 (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/iwa-and-jodi-unexpected-friendships-a1154-20180115)