Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: momynako on May 06, 2008, 01:16:40 pm

Title: pwera usog
Post by: momynako on May 06, 2008, 01:16:40 pm
Basahin sa Smart Parenting:
Pwera Usog! Totoo Nga Ba Ang Virtual O Digital 'Bati'?
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/05/14/20200515-digitalusog.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/-pwera-usog-totoo-nga-ba-ang-virtual-o-digital-bati-a00307-20200515?ref=parentchat)
photo byISTOCK 

share ko lang yung ginagawa ng mommy ko everytime aalis kami ng anak ko, nagbabalot ng konting asin yung mommy ko tpos ilalagay niya sa bulsa ng anak ko. kapag tinatanong ko sya kung para san naman yun, sabi lang niya basta.

tapos yung mommy ko naniniwala din sa usog, i read nga from other thread here in SP yung about usog. well, ako din naniniwala ako. kasi maski ako matanda nauusog pa rin. based sa experience ko. nabati kasi ako nung mom ng friend ko who is pagod ang hungry tpos suddenly parang bglang bumigat ulo her, my friend's sister told me na baka nausog daw ako ng mom niya magpalaway daw ako, so thinking na wala naman mangyayari kung papalaway ako, so i asked tita na lawayan niya ako, ayun tita licked her thumb tpos sa tummy ko she made 3x sign of a cross why whispering pwera usog. suddenly naging ok yung pakiramdam ko na parang wlang nangyari.

another experience ko about this pamahiin, after i gave birth, my mom did not allow me to take a bath for a month (so imagine kung gano kalagkit yung pakiramdam ko), hay puro punas punas lang,after daw magpahilot, puwede lang daw me hilotin kapg nagsubside na bleeding ko. so ok fine tiis nalang... after the hilot, she insisted of using pito pito leaves ata yun for my first bath. pero dapat may magpapaligo daw sa akin. so ayun, naligo ako using nung pinaglagaan ng dahon para sa mga bagong panganak.

damng bwal after i gave birth..
- text
- TV
- magbasa
- malamig

tpos dapat daw balot na balot.

another pamahiin , eh kapag kunwari may nagpasyal sa bahay nyo na baby, kailangan daw ipitan yung baby ng pera atleast 20 peso bill... i dont know the reason behind this pamahiin, but im practicing it. so everytime my new baby visitor kami sa hse, bago umalis nag-iipit ako ng pera sa paa ng baby.

dapt daw yung unang subo naman ni baby eh matakaw para daw maging matakaw din yung anak mo.

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=1627).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommydheng on May 10, 2008, 04:49:48 am
ginawa ko naman sa umbical cord inipit ko sa rin sa dictionary tapos yung hair niya saka ko na lang pinagupitan after ng first bday niya at tinago ko yung iba para may hehe sabi kasi ng mama ko para daw maganda ang lago ng buhok.

nung kinasal ako last dec.. yung husband ko naunahan yung older sister niya, sabi nung sister ko dapat daw magbayad daw siya kasi baka di daw siya makapag asawa kaya ayun binigyan namin ng jewelry pero gnawa naman namin yun as token of gratitude for helping us during my son's hospitalization.

another is yung sukat ng wedding gown, ako personally, hindi ko maiwasan kasi rented gowns lang yung bridal entourage ko pero wala namang nangyaring masama both sides. natuloy naman yung kasal although late ng 2 hours nag hehe!

ginagawa ko lang yung balot ng asin pag nasa bakasyon sa province pero pag dito sa manila hindi ko na ginagawa.

isa pa yung mama ko, sabi niya hindi daw niya pinaalam sa kin na pinakain daw niya ng "pepe ng baboy" para daw magaling magsalita.
tapos pag nakita daw natin yung anak natin na bigla dumapa or nagtry hakbang.. wag daw natin pansinin or tawanan para hindi daw ma usog. kaya lang sa part ko, hindi ko mapigilan minsan mashock at matuwa nung first time ko siyang makitang dumapa at try hehe!
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: gabneth on May 12, 2008, 10:05:12 pm
   about sa kalabasa.... yong nasa gitna yata ng kalabasa yon, kasama tangkay... ginagawa pendant  tapos ipasuot daw kay baby para di mahirapan pag tinubuan ng ngipin at para daw di sakitin.  kaya lang di ba sabi ng ng mga pedia delikado pa daw sa mg babies ang magusot ng necklace kasi baka daw mapulupot sa neck.

  at yong bawal paliguan yong mga babies pag tues at fri... sa init na ng panahon ngayon mahirap sundin.... ang ginagawa ko pinapaliguan ko ng palihim yong baby ko... nakatira kasi kami sa in laws ko.... so far ok naman.

  meron pa di ba yong pinapalawayan daw yong bata if binati ng gutom or pagod.... eto ginagawa ko... kasi nasubukan ko na sa youngest ko ang mausog.... grabe talaga iyak ng iyak... after malawayan ng bilas ko bigla tahimik.... tapos pinakuluan yong damit na suot niya that time.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: i♥ü on May 13, 2008, 12:58:10 pm
hi mommy gabneth, ako din angpapakulo ng damit nyang ginamit sa wter with salt tpos papalamigin konti at ipupuna sa kanya from head to toe. pero kapg malapitan lang yung nakausog palawayan lang.
surprisingly, kapg napakuluan ko na, bglang tatahimik na si baby at tutulog ulet.

regarding dun sa bwal paliguan kapg tue/fri - everyday ko pa rin pinapaliguan si baby...

hindi ko lang sya ginugupitan ng kuko kapg hapon, gabi na, or may sakit sya.
sabi nga din nila kapg fri bwal daw mag gupit ng kuko... pero hindi ko alam kung bkit.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: msals2007 on May 16, 2008, 10:15:24 am
Ako ginawa ko yan :) Ginupitan ko yung pilikmata ng baby ko, sabi kasi ng kapatid ko para daw humaba nga. Once ko lang ginawa yun, I think two months siya. Okay naman, maganda yung pilik mata ng anak ko. Ginawa din niya yun sa pamangkin niya and ang haba din ng lashes. Dapat nga daw 3 times ginagawa yun. Hindi ko lang sure if pag one month yung baby, then two months then 3 months. Sabi ko baka naman masyado ng humaba ang lashes nun :) Etong youngest ko ginupitan ko din nung two months siya. Ewan ko ba, wala namang explanation dun di ba. Baka nagkataon lang, sunod naman ako :)

Other pamahiin na sabi ng nanay ko:

- yung first cut ng nails at hair iipit daw sa book para matalino ang bata. Ako sa bible ko inipit. Ang anak ko ngayon at 2 years old, mahilig magsimba, gumaya sa mga ginagawa ng pari sa church at ang daming alam na church songs. Pero for sure hindi naman eto dahil sa inipit ko yung hair niya sa bible. Exposed lang talaga siya sa church activities kasi active sa church ang hubby ko and we regulalry go to church na kasama siya so I think kahit hindi ko iipit ang hair niya sa bible, ganito pa rin siya. :)

-after manganak, dapat nga daw balot na balot ka at after one week bago maligo. At ang unang ligo may mga kung ano-anong dahon dahon. Sinunod ko din eto kasi kung hindi walang katapusang sermon ako ng nanay ko. Pag di raw sinunod baka daw mabinat.

-mas prone daw mabinat pag lalaki ang anak kaya dapat mas maingat

-pag lalabas daw ang bata at may papansin, lagi daw sasbihin pwera usog para hindi mausog

-lalawayan ang bata para hindi mausog. Eto hindi ko talaga sinusunod eto. Baka naman imbes na hindi mausog makakuha pa ng ibang sakit baby ko :)
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: yetsky on May 18, 2008, 03:09:09 pm
sumusunod din ako sa mga beliefs, wala naman mawawala eh,,.. pero share ko lang yung kwento ng therapist ng papa ko... minsan daw napunta sila sa isang barrio sa province na kung san dami ng pamahiin, isa na dun yung sa usog... when they were daw dun sa client nila, me cute na baby, taba pa daw, bati ng bati yung isa nila kasama, nainis daw yung lola ang sabi wag na wag daw aalis ng di nalalawayan yung bata.. sagot naman nitong therapist " eh lola pano po kung sabihin ko sa inyo na me AIDS tong kasama ko, papalawayan nyo pa ba yung apo nyo" hehe, sabi daw lola, sige huwag na lang...hahaha, kakatuwa si lola....
Title: pwera usog
Post by: andreismom on August 05, 2008, 05:56:45 pm
hi mga mommies, in our computer age now, do u still believe in usog? or had u ever experienced na nausog ang babies nyo? then how do u treat it? may alam ba kayong mga pangontra for that so called "usog"?

Title: Re: pwera usog
Post by: momynako on August 06, 2008, 09:44:49 am
we do believe in "usog". usually, dinadala namin sa albularlyo para patingin kung nausog or kaya pinapakuluan namin yung damit niya na sinuot sa water na may asin, tapos papalamigin ipupunas sa kanya from head to toe kapag hindi namin alam kung sino yung nakausog, pero if kilala namin eh pinapalawayan namin and utter the words "pwera usog".. tapos parang magic ok na ulit si baby.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: gabneth on August 13, 2008, 10:15:04 pm
meron pa di ba yong pag nausog daw papakuluan yong pinagbihisan...
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: shyngirl on August 13, 2008, 10:19:19 pm
meron pa di ba yong pag nausog daw papakuluan yong pinagbihisan...

naku sinabi rin yan sa kin nung isa naming ninang sa kasal... may isa pa yung una daw magpapakain sa baby dapat yung walang pinipiling pagkain.. kaya ako taga picture na lang nung unang kumain si chichi.. pihikan kasi ako kaya lahat sila nakabantay sa kin.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: andreismom on August 13, 2008, 10:21:37 pm
meron pa di ba yong pag nausog daw papakuluan yong pinagbihisan...

we always do that mommy, specially pag na mo-mall kami, hindi na namen pinapalawayan si baby pag may bumabati sa kanya,, ang ginagawa ng mom ko, pag dating namen ng house, yung suot na damit ni baby papakuluan sa tubig na may asin, so far in our experienced, effective sya.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: anziesky on August 16, 2008, 01:29:11 pm
meron pa di ba yong pag nausog daw papakuluan yong pinagbihisan...

we always do that mommy, specially pag na mo-mall kami, hindi na namen pinapalawayan si baby pag may bumabati sa kanya,, ang ginagawa ng mom ko, pag dating namen ng house, yung suot na damit ni baby papakuluan sa tubig na may asin, so far in our experienced, effective sya.


mommy gabneth and mommy andreismom, ginawa ko yan effective sakin. kc after work parang nausog ako tas masakit tyan ko at  malamig tenga ko sabi ng tyahin ko na usog daw ako. kay yung soot ko that day pinakuluan niya tas punas niya sakin, sleep lang ako konti tas OK na.
 pro di ko p n try s mga anak ko, di p naman sila na uusog.
basta sabi ng nanay pag may babati daw s bby kahit hawakan lang o hipuin bby, wag n lawayan kc baka kung anong sakit p makuha niya from saliva.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ahyzeyuh on February 06, 2009, 03:16:49 am
totoo bang napipilayan ang sanggol?
age between 2 months up...
yung baby ko kc 3 beses ng pinahilot ng tita ko, ngaalala lang me bka it worsen whatever da  problem is.

pag yung baby ko kc iyak ng iyak, o mainit peru pgtiningnan ang temp normal naman, my tita would think na baka bati eto, o kaya usog o kaya my pilay.
auko naman sabihing wag nio pahilot baka maoffend siya kc ngbabantay sa 3months old baby ko since i work at nyt.

-- ano po masasabi nio bout dis? ???
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: jennistwins on February 06, 2009, 11:23:55 am
sa experience ko as a mom,nung una di din me naniniwala sa mga usog,pilay tawas n yan..kaya lang my times n ayaw talaga tumigil ng fever ng eldest ko na dala na namin sa pedia niya at dami n nga gamot na na take paulit ulit p din yung lagnat kaya i tried na pahilot at patawas (syempre dapat kilala natin yung manghihilot tlaga)surprisingly,  after a day nawala n fever niya..wala naman talga masama sumunod sa mga nakaugalian  o kasabihan ng mga oldies natin as long as alam  natin d nakakasama s mga kids natin, but of course iba pa din yung advise ng mga doctors.. :) ;)
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: kwissy on February 06, 2009, 09:13:51 pm
ako mommy hindi ako naniniwala sa mga usog,bati..as in..i still ask my pedia..pero ang hubby ko,naku!!kahit ako na preggy,ang daaaaming wag ganito,wag ganyan..kesho daw pag maglalakad ako wag ako titingin sa mga matatanda..lawayan ang mga anak pag dating sa bahay kasi daw baka may mauwi akong usog..errrr..parang hello..germs meron akong mauuwi pero hehe.. ;)
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommykay on April 20, 2009, 06:19:46 pm
Ako laking hilot at tawas din wen I was a kid, but  wala naman so far masamang ngyari but I have scoliosis and I ask the doctor if is dis becoz parati akng hinihilot wen I was a kid and she said pwedi, pwedi ring hindi..

I have question if ano ba talaga yung binat,
After a month kc nadulas me, den on da next day nyan nahulog me sa hagdan. Pano malalaman if my binat??

Sis wala naman talagang "binat". as far as I read yung mga body pains n nararamdaman natin e resulta ng stress kasi pagkaanak natin hindi p ganun kalakas ang katawan natin para bumalik sa normal life or gawain kaya ingat hinay hinay lang po.

Regarding po sa usog  n yan napatunayan ko just recently n hindi siya totoo. last week iniwan namin si baby sa mga inlaws to buy milk and other things pagbalik namin iyak n ng iyak si baby as in stress n stress n nadala siya s magtatawas sabi nabati daw nung kapitbahay kasi gutom at pagod kaya ayun nilawayan nila kung saan saan si baby (yuck!) e syempre mahirap kontrahin ang mga inlaws pero after nun hindi p din nila napatahan what i do is i change his cloths konting punas then powder all over the body tapos sa electric fan e di natigil nagdede n siya & natulog.

Most of the time kasi babies cry kasi hindi sila komportable madali silang mainitan at maginaw try to figure out like my son madali cyang mainis. Parang adult din yan kyo nga ang init n init at gutom n hindi b iinit ulo nyo.

yung sa pilay naman po even sa adult ipinagbabawal siya ng mga doctors specially orthopedics kasi lalu lang mawoworsen yung mga sprains at bone injury.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: cheiz on April 20, 2009, 07:23:08 pm
Naku i'm very much against dyan sa mga usog-usog na yan... i mean hindi sa hindi ako na niniwala ayoko lang yung practice na nilalawayan ang anak ko. hello... ang dumi kaya ng laway noh! kaya ng yung mom ko pinag sasabihan ko na ayokong ayokong nilalawayan ang baby ko. Pag may mga oldies kaming relatives tas nilalawayan ang baby ko di talaga ako na hihiyang paliguan ng alcohol ang baby kahit pa ma offend sila.

as for the pilay and massage.. light massage ok lang basta wag lang yung tipong hinahatak or hinihila yung limbs. this is what my orthopedic surgeon said minsan daw kc mas na kakasama pa dung mga hilot-hilot sa mga pilay it's better to bring your baby to the doctor right away for a thorough check up and x-ray.

yung bati, tawas etc.. ok lang basta yung procedure na gagawin doesn't have to touch my child.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: yummymommy on April 20, 2009, 07:29:40 pm
ako mommy hindi ako naniniwala sa mga usog,bati..as in..i still ask my pedia..pero ang hubby ko,naku!!kahit ako na preggy,ang daaaaming wag ganito,wag ganyan..kesho daw pag maglalakad ako wag ako titingin sa mga matatanda..lawayan ang mga anak pag dating sa bahay kasi daw baka may mauwi akong usog..errrr..parang hello..germs meron akong mauuwi pero hehe.. ;)

hahah.. :D kami naman ng mom ko di kami naniniwala na kailangan pang lawayan, germs din kasi yun noh :D naniniwala ako sa tawas (minsan) pero never kong pinahilot si baby, kasi usually pag hinihilot yung mga bata (nakita ko nung baby pa yung brother ko) umiiyak siya pag hinihilot, sabi nung matanda, may pilay daw kasi o kaya umiiyak dahil nga nausog - pero i believe kaya umiiyak yung kids dahil nasasaktan sila di lang sila makapagsalita dahil di pa nila kaya sabihin yung nararamdaman nila - nakakaawa lang :(
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ilovegabe on April 20, 2009, 08:31:14 pm
ako din hindi ako naniniwala sa mga ganito good thing hindi rin naniniwala mommy ko  ;D tsaka yung laway laway na yan naku, panu pala kung may sakit pa yun nag laway e di mahahawa pa ang baby ko  :o massage pwede naman pero yung hilot no no talaga, doctors advice and supervision muna bago kung ano ano.

Babies cry kasi baka gutom,uncomfortable, stressed or may nararamdamang hindi maganda, hindi dahil nausog sila ng taong gutom. pag tayo ba gutom mauusog din natin baby natin?
Pano pala yung tawas? di ko alam pano to e  :)
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ♥♥♥ RXmom ♥♥♥ on April 21, 2009, 09:13:47 am
ako before hindi naniniwala sa mga ganyan but since ang mister ko ay chinese at you know naman dami paniniwala so ayun laging napapatawas si baby kasi madalas mausog which naprove ko naman na totoo.. may mga times talaga na hindi nakakatulog si baby then habang natutulog bigla na lang sisigaw with iyak but after ipatawas nawawala nga at ang himbing ng tulog niya na.. hindi ko naman makontra MIL ko kc sya ang nag-aalaga sa anak ko but no harm naman kasi hindi naman namin dinadala sa mismong nagtatawas si baby ko.. picture lang niya kaya safe sa mga usok. about hilot naman once palang pinahilot yung anak ko.. talagang may sakit sya nun as in high fever! MIL ko kasi ang procedure kpg may lagnat daw sila hubby ko before last option niya ang doctor.. kasi ayw niya naman bigyan ng bigyan ng antibiotic habang bata pa kasi masyadong malakas nga naman ang gamot kpg antibiotic.. una hilot then tawas pero obserbahan nila yung bata then kung hindi pa talaga gumaling after nung dalawa na yun.. sa chinese doctor naman pupunta para herbal yung intake na gamot.. well as far naman na nakita kong result mas effective ang mga chinese medicine at very safe kc wlang antibiotic na nakakaharm kay baby.

actually ang mga chinese nga ang mahaba ang buhay kc very health conscious sila.. tska may mga gamot sila na hindi alm ng mga ibng doctors. alm ko naman na kung ano man yung pag-aalaga ng MIL ko sa anak ko eh makakabuti sa kanya.. unang apo din kaya alagang alaga.. eh lalaki pa kaya buhos talaga lhat ng attention kay baby ko ;D
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Mariel17 on April 21, 2009, 10:10:07 am
totoo bang napipilayan ang sanggol?
age between 2 months up...
yung baby ko kc 3 beses ng pinahilot ng tita ko, ngaalala lang me bka it worsen whatever da  problem is.

pag yung baby ko kc iyak ng iyak, o mainit peru pgtiningnan ang temp normal naman, my tita would think na baka bati eto, o kaya usog o kaya my pilay.
auko naman sabihing wag nio pahilot baka maoffend siya kc ngbabantay sa 3months old baby ko since i work at nyt.

-- ano po masasabi nio bout dis? ???

* i believe sa tawas & usog kasi batiin talaga ang baby. :)
pero sa hilot never for baby's kasi sbi ng pedia ang buto ng baby parang Lastikman.. ;D
babalik pa din kc mlambot pa..kaya hndi dapat ihilot bka kung anung mngyari.. ;)
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: yummymommy on April 21, 2009, 06:42:06 pm
ako before hindi naniniwala sa mga ganyan but since ang mister ko ay chinese at you know naman dami paniniwala so ayun laging napapatawas si baby kasi madalas mausog which naprove ko naman na totoo.. may mga times talaga na hindi nakakatulog si baby then habang natutulog bigla na lang sisigaw with iyak but after ipatawas nawawala nga at ang himbing ng tulog niya na.. hindi ko naman makontra MIL ko kc sya ang nag-aalaga sa anak ko but no harm naman kasi hindi naman namin dinadala sa mismong nagtatawas si baby ko.. picture lang niya kaya safe sa mga usok. about hilot naman once palang pinahilot yung anak ko.. talagang may sakit sya nun as in high fever! MIL ko kasi ang procedure kpg may lagnat daw sila hubby ko before last option niya ang doctor.. kasi ayw niya naman bigyan ng bigyan ng antibiotic habang bata pa kasi masyadong malakas nga naman ang gamot kpg antibiotic.. una hilot then tawas pero obserbahan nila yung bata then kung hindi pa talaga gumaling after nung dalawa na yun.. sa chinese doctor naman pupunta para herbal yung intake na gamot.. well as far naman na nakita kong result mas effective ang mga chinese medicine at very safe kc wlang antibiotic na nakakaharm kay baby.

actually ang mga chinese nga ang mahaba ang buhay kc very health conscious sila.. tska may mga gamot sila na hindi alm ng mga ibng doctors. alm ko naman na kung ano man yung pag-aalaga ng MIL ko sa anak ko eh makakabuti sa kanya.. unang apo din kaya alagang alaga.. eh lalaki pa kaya buhos talaga lhat ng attention kay baby ko ;D

haha.. weird naman.. kami rin sis chinese, kaya lang kami naman di naniniwala sa mga tawas, pero sa herbs, definitely yeah.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: michi247 on April 21, 2009, 06:53:12 pm
di rin ko naniniwala, and sabi din ng mom ko hindi uso pilay sa baby kasi nga malambot pa mga buto at flexible pa mga muscles.

yung usog hindi rin, posible lang na overstimulated si baby lalo na kung sanay siya sa bahay lang at konti tao.

lalong yaw ko naman palawayan anak ko, at baka annung germs pa ang maipasa.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ahyzeyuh on April 24, 2009, 02:35:07 am
pg my bisita sa haws, sila mismo ngsasabi na kesyo malakas daw usog nila and to be safe sila na mismo nglalaway ky baby, normally sa talampakan.

sadly pangit naman if sasawayin. i dunno talaga siguro meron naniniwala at meron din hindi...
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: gesel on April 25, 2009, 04:28:16 pm
hello. naniniwala ako sa pedia at mahilig ako magbasa ng mga books pero dahil laki ako sa lola (mangdadasal siya) naniniwala din ako sa usog at bati. pero yung hilot sa bata hindi ko sinusunod.
me anak akong lalaki, sobrang iyakan nung maliit pa around 2 years old mahilig magtuturo ng kung ano ano lalo na kapag pumupunta kami sa ibang lugar at minsan sa bahay may lugar doon na tuwing dadaan siya yayakap, natatakot kaya minsan pinatawas ko. 
after that nawala yung crying for no reason, yung pagtuturo. may nakikita daw kasi yung bata.
walang mawawala kung magpatawas kasi talagang dasal at orasyon lang naman yan.
yung usog, oo, me kaibigan ako na kapag nakikita ng anak kong 8 yr old, yung anak ko nagsusuka siya, nahihilo. dalhin ko sa pedia wala namang nakikita sa check up. may mga taong malakas ang dugo o yung sinasabi ng matatanda na may  "balis." 
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 02:19:48 pm
im 23... and my mom is 43 di sya yung uugod-ugod ofcourse kasi hehe 43 nga eh...  :P kaso super naniniwala sa mga pamahiin... lalo na pag nasa bahay si nanay (lola) naku nasesermunan ako...

share nyo yung mga pamahiin na alam nyo... (supersticiuos belief? ) tama ba spelling?

malay ko ba kung meron pang iba diba? hehe

start with me...
1. lalagyan ng lipistik hehe Lipstick sa noo si baby pag aalis ng house.
>>>para di mausog

2. yung bracelet na red-orange beads na nabibili sa quiapo
>>> sa usog ulit

3. wag ibubuhol yung strap ng damit ni baby (kasi maluwag pa, yung mga spag straps...)

>>> mag bubuholbuhol daw yung buhay...

nakalimutan ko na yung iba... pero basta...nakakaaliw din pero may sumusunod pa kaya? maybe...  ;)
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: audrey's daddy on June 26, 2009, 06:12:52 pm
ang kasama namin na nag-aalaga sa baby namin ay pinsan buo ng wife ko. dahil laki sa province, dami pamahiin. yung iba tulad din ng mga nasabi nyo:

- nilagyan sya ng lipstick na red nung binyag niya, para daw malayo sa bad spirits... kaya yun, sabi ng pari mukha daw sya siopao

- pagdating ko daw sa house from work, lalo na pag gutom ako, dapat hindi ko muna batiin si baby, lawayan ko daw muna, the usual kontra usog...

- bawal maligo pag friday

- may red na tela lagi sa tabi ng baby namin pag natutulog na sya

- dapat may sasalubong sa baby pag dadating sa bahay dahil baka daw ang mga kapamilya na namatay na ang sumalubong
aws
- nung time na lagi nagiiiyak si baby namin, ipinatawas sa kung saan saan, pero ayaw naman sabihin kung ano lumabas sa tawas

- bawal nakatapat ang paa sa pinto pag nakahiga, lalabas daw kasi ang grasya

-bawal din na nakatapat sa bintana ang salamin

marami pang iba. wala naman masama kung susundin, pero ang pinakaimportante, trust GOD lang lagi...
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 07:06:41 pm
ang kasama namin na nag-aalaga sa baby namin ay pinsan buo ng wife ko. dahil laki sa province, dami pamahiin. yung iba tulad din ng mga nasabi nyo:

- nilagyan sya ng lipstick na red nung binyag niya, para daw malayo sa bad spirits... kaya yun, sabi ng pari mukha daw sya siopao

- pagdating ko daw sa house from work, lalo na pag gutom ako, dapat hindi ko muna batiin si baby, lawayan ko daw muna, the usual kontra usog...

- bawal maligo pag friday

- may red na tela lagi sa tabi ng baby namin pag natutulog na sya

- dapat may sasalubong sa baby pag dadating sa bahay dahil baka daw ang mga kapamilya na namatay na ang sumalubong
aws
- nung time na lagi nagiiiyak si baby namin, ipinatawas sa kung saan saan, pero ayaw naman sabihin kung ano lumabas sa tawas

- bawal nakatapat ang paa sa pinto pag nakahiga, lalabas daw kasi ang grasya

-bawal din na nakatapat sa bintana ang salamin

marami pang iba. wala naman masama kung susundin, pero ang pinakaimportante, trust GOD lang lagi...

uu nga si mama kasi nilalagyan ng lipstick si baby ko... siopao talaga lalo na pag chubby diba hehe...
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Mariel17 on June 26, 2009, 10:20:58 pm
pag sinisinok c baby lagyan daw ng white n papel o tela sa 4head..
pag malikot matulog c baby sa malayong lugar ang mapapanga asawa..
pag gutom o pagod iwasang lumapit sa baby ma uusog.. :D
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 27, 2009, 07:04:15 am
pag sinisinok c baby lagyan daw ng white n papel o tela sa 4head..
pag malikot matulog c baby sa malayong lugar ang mapapanga asawa..
pag gutom o pagod iwasang lumapit sa baby ma uusog.. :D

ay uu nga nakita ko yung frend ko gawa niya yun sa baby niya... yung white paper sa noo... hehe
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mych on July 15, 2009, 06:02:22 pm
I had this experience...one time yung daughter ko kinumbulsyon ng walang lagnat...sobrang kakagulat...nagsuka lang nung gabi..one week kami sa feu hospital..normal lahat ng test,dugo,ihi,pupu,electrolyte,ct scan,eeg...lahat ng test ginawa and yet walang result kung bakit nag-seizure..sobrang scary talaga kasi feeling praning na baka umatake ulit kasi nga walang signs..paglabas ng hospital,may follow up check-up pa sa neurologist and it seems normal..ok naman daw siya...wala pa ring makita..niresetahan ng valium..if ever daw na lalagnatin painumin daw agad para di na magkombulsyon...my daughter is only 1 yr old tapos iinom na agad ng ganon?..so afraid talaga..ewan ko kung maniniwala kayo,ipinatawas namin yung anak ko and then lumabas sa tawas nausog...may nakabati daw pero hindi lamanglupa or something..naalala ko yung manikurista kasi siya lang naman ang galing samin...yun..pinalawayan ko agad (syempre sa paa lang)and would you believe?parang nagdahilan lang yung anak ko...gumaan din daw ang pakiramdam ng manikurista because that same night nagsusuka din daw siya..till now di na umulit yung kombulsyon niya.. :D
Title: Re: pwera usog
Post by: BlueAby on April 22, 2010, 06:24:52 pm
Usugin din baby ko kasi madalas magpapansin sa mga taong nasa paligid niya. Some pangontras based sa mother ko are:
1. Bead bracelet na red and black w/ square na red na tela. tapos pini-pin un magkasama sa damit ni baby. Yung iba they let their babies wear the bracelet. Pero pra maiwasan yung malunok ni baby yung beads, pinipin ko na lang siya sa may likuran ng shirt niya.

2. Draw ng small cross sa noo ni baby using red lipstick. Para daw kasi dito unang matuon atensyon ng tao sa halip na kay baby mismo.

3. Some tells that any red thing dapat isuot ni baby... same with number 2, pra dito muna matuon atenxon nila b4 sa baby.

Then if nausog na baby ko, what my mom tells me are:

1. Let my father "lawayan" yung baby. babasain ng laway yung daliri tapos ipapahid sa paa ni baby na pa-cross sabay sabi "Pwera Usog". Why my father? Malakas kasi usog ng papa ko, kaya madalas ok na un kasi parang lumalabas mas malakas usog ng papa ko kesa dun sa taong nakausog sa baby ko.

2. Same with above. Pakukuluan yung damit ni baby (yung last na suot niya nung nausog siya) sa water. then un lang.. di na namin nilalagyan ng asin or pinupunas sa baby ko.

After those things...ok na si baby, happy na si mommy... hehe :-)
Title: Re: pwera usog
Post by: BlueAby on April 22, 2010, 06:25:47 pm
Usugin din baby ko kasi madalas magpapansin sa mga taong nasa paligid niya. Some pangontras based sa mother ko are:
1. Bead bracelet na red and black w/ square na red na tela. tapos pini-pin un magkasama sa damit ni baby. Yung iba they let their babies wear the bracelet. Pero pra maiwasan yung malunok ni baby yung beads, pinipin ko na lang siya sa may likuran ng shirt niya.

2. Draw ng small cross sa noo ni baby using red lipstick. Para daw kasi dito unang matuon atensyon ng tao sa halip na kay baby mismo.

3. Some tells that any red thing dapat isuot ni baby... same with number 2, pra dito muna matuon atenxon nila b4 sa baby.

Then if nausog na baby ko, what my mom tells me are:

1. Let my father "lawayan" yung baby. babasain ng laway yung daliri tapos ipapahid sa paa ni baby na pa-cross sabay sabi "Pwera Usog". Why my father? Malakas kasi usog ng papa ko, kaya madalas ok na un kasi parang lumalabas mas malakas usog ng papa ko kesa dun sa taong nakausog sa baby ko.

2. Same with above. Pakukuluan yung damit ni baby (yung last na suot niya nung nausog siya) sa water. then un lang.. di na namin nilalagyan ng asin or pinupunas sa baby ko.

After those things...ok na si baby, happy na si mommy... hehe :-)
Title: Re: pwera usog
Post by: insensitive on April 23, 2010, 09:55:04 am
naranasan ko din yan sa baby ko..nung holy week we went on vacation sa mindoro, eh itong makulit kong asawa nilabas pa si baby 11pm na kasi ngkakasayahan sa kabilang bahay.pagdating dun umiyak na so pinuntahan ko pra patahanin..pero ayaw talaga tumahan.ang iyak niya kakaiba tas parang namimilipit.ang higpit ng hawak sken ni baby.natakot naman ako at nataranta.inuwi ko sa bahay ganun pa din.nagising na lahat ng tao sa kapitbahay kasi ang lakas ng iyak.dadalhin na sana namin sa doktor kasi nung time na un nagtatae baby ko,bka lang kasi dahil dun ska may rashes sya.
..sabi nila bka daw nausog or nabati so tinawag ang albularyo dun sa kanila.nilagyan ng luya saka nilawayan sa talampakan, ganun pa in iyak pa din si baby.then 1am na yata un lumabas ng bahay yung nakausog na lolo.d daw sya makatulog tas narinig niya iyak ni baby.bka daw nabati niya.ayun nilawayan niya ulit sa talampakan.after a minute bgla huminto ng iyak si baby parang walang nangyari tas tulog na..kumusta naman eh 2am na un.paos na si baby sa kaiiyak.away pa kami mag-asawa kasi hindi sya naniniwala dun.hayz, grabe un,sabi ko ok lang wala naman masama pg tinry palawayan.kesa naman mgcollapse anak ko sa kaiiyak..

un lang po..
Title: Re: pwera usog
Post by: ☆♥♡unica hija☆♥♡ on April 23, 2010, 10:45:04 am
my son never wore the beads bracelet or the small pillow like thing you pin on the babies shirt.

naaala ko (at hanggang ngayon) pag may bumabati sa anak ko na feeling ko mauusog siya we say "In Jesus Name" and never pa nausog si Josh (thanks God)
Title: Re: pwera usog
Post by: MamiNiMac on April 23, 2010, 10:53:08 am
ako rin po nani2wla sa usog, kasi me myself nka-experience na mausog hehe..bnati lang ako ng mother ng bestfriend ko na tumataba nko, tpos pagod sya galing work.pag uwi ko ng house ayun sobrang sakit ng ulo ko saka sumusuka ako.so bmalik kami sa house nla tpos ngpalaway ako.hehe.

kay baby pag may bumabati sa kanya lagi naman snsbeng 'pwera usog', nun months old pa lang sya ang pangontra namin un bracelet na black and red ska un sinasabit sa damit na parang tela na may laman sa loob na color red.
Title: Re: pwera usog
Post by: malinkelly on April 23, 2010, 03:20:02 pm
madami pa rin ang naniniwala sa usog, pero may joke yung isa kong friend which is somewhat true, "walang usog sa mga kano".. nasabi niya yan kasi may binati kaong cute na baby, and anak ng foreigner, tapos nasabi ko "pwera usog", tapos yun nag-joke na yung friend ko...

"puwera usog"...(",
Title: Re: pwera usog
Post by: apple on May 15, 2010, 01:16:20 pm
wala naman sigurong mawawala kung maniniwala tayo.
Title: Re: pwera usog
Post by: kiz_me1109 on May 18, 2010, 11:45:46 pm
Yes. i believe in USOG. Sabi daw ng matatanda pag kaw daw e nausog and magkakaroon k narin nun.What I mean is kaya mo narin mang usog. Hindi naman kasi lahat ng tao ganyan. yung mga tao na mataas "DUNGAN". Un yung tawag s amin. yung sister in law ko kasi ganun. Dati pag umuuwi siya ng bahay during weekend e nauusog niya si aidan. as in todo iyak magdamag. titigil lang siya pag nilawayan na ng sister in law ko. kaya after nun, everytime na umuuwi siya ng house bago niya kukunin si aidan e nilalawayan muna niya.
Title: Re: pwera usog
Post by: alench on June 04, 2010, 11:49:27 am
kahit na po modern age na, nagsasabi padin ako ng pwera usog. para iwas na din. wala nga namang mawawala satin kung maniniwala tayo. :)
Title: Re: pwera usog
Post by: gabbiemhay on June 26, 2010, 12:20:28 am
hay naku pinagawayan namen ni hubby yan dinala kase namen sa sm c baby tapos nung gabi na nagiiiyak ayaw talaga tumahan tapos pinagpipilitan nung kuya niya na nausog daw and nilalabas ng wala pang binyag 1mo. pa lang kase sya nun e talaga namang iyakin  baby at nung time na yun tinotopak...
gusto ko na sagutin kuya niya bket sa amerika ba my usog2 factor at bawal din ilabas baby pag wala pang binyagimbyerna talaga ako nun...
pero ayun pag nilalabas namen c baby tapos binabati sya pwera usog agad sasabihin with matching laway laway pa  ;D
Title: Re: pwera usog
Post by: smoothie on June 27, 2010, 01:10:37 am
ako rin naniniwala sa usog kaya pag may bumabati inuunahan ko na sila para magsabi ng pwera usog.
Title: Re: pwera usog
Post by: my_journey4life on June 27, 2010, 10:39:41 pm
naniniwala din ako sa usog kasi parang nakalakihan na rin sa family yung pwera usog usog na yan ..lalo na sa family ng hubby ko, pag may nadalaw sa bahay na kamag anak nila at pauwi na, nilalawayan nila paa ng anak ko sabay sabi pwera usog..
Title: Re: pwera usog
Post by: syndyela on July 02, 2010, 11:40:30 am
Early this year nagkasakit yung baby sa tapat ng house namin sa Batangas.  Bigla daw nagkasakit.  Pinagamot daw nila with doctor,wala naman daw ma-explain bakit nakasakit and they decided to consult an albularyo.  That day after they visited the albularyo, kumatok sila sa house ko kasama yung baby, kasi sabi daw ng albularyo, nausog daw yung bata and letter "V" daw yung start nung name nung nakausog. (By the way, my real name is Vanessa).  So ako agad pinuntahan nila kasi ako lang naman yung bumati sa baby nila before siya nagkasakit (galing ata ako nun sa ibang place and umuwi ako na pagod and badtrip and yung baby nila una ko binati).  So ginawa nila, pinakain nila ako ng konting bigay and ilaway ko daw yung bigas sa baby.  So ginawa ko nalang din kahit medyo offended ako na ako yung parang napagbintangan na naging dahilan ng pagkakasakit ni baby.  The next days, hindi ko muna pinansin yung baby na yun kasi baka lumala yung sakit tapos ako pa ulit maging dahilan di ba.  After few days, naging ok naman na daw yung baby nila and healthy na ulit.

I don't know if I should blieve them pero ang galing naman nung albularyo nila na saktong sa dinami dami ng letters na pwede niya hulaan, "V" pa ang napili niya...sumakto pa saken. Hehe.  Sa province ng Daddy ko, madami daw na usog and isa si Daddy ko na malakas mang-usog kaya lagi niya pinipigkil (tntouch sa head) yung mga bata dun sa probinsya namin pag dumadating or aalis siya dun.).  Hmm...namamana ba yun?
Title: Re: pwera usog
Post by: mum_06 on July 02, 2010, 04:36:33 pm
yes,I really do believe sa usog..anak ko hindi nakaranas ng usog kasi if may makasalubong kami na alam kong may usog o kahit yong tao na di namin kilala,nagsasabi agad ako ng pabulong na "pwera usog"  or pinapalawayan ko sa paa ni baby ang mga bumati sa kanya.

naniniwala ako sa usog kasi ako mismo nausog way back 2002.as in super sakit ng tyan ko,akala ko disminorya lang kasi kasalukuyan may regla ako noon pero di talaga nawala sakit ng tyan ko at nagsusuka na ako.buti na lang may nakapgsabi na baka nausog daw ako kaya yon asked nila ako if sino last kong kausap na may inabot sa akin.alala ko friend namin na boy,inabutan niya ako ng lansones..kaya yon nilawayan niya tiyan ko at ora mismo nawala..kaloka talaga...
Title: Re: pwera usog
Post by: Czy on July 03, 2010, 10:22:49 pm
regarding this issue, napanood ko kanina sa PINOY MD (may topic sila anout this) na hindi daw totoo ang "USOG". Wala pa daw studies na nagpapatunay na may usog! Ayoko din maniwala minsan pero since uso naman, go na lang.

Ayoko lang yung lipstick sa noo kasi its harmful sa skin ni baby.
Title: Re: pwera usog
Post by: agatha_stephanie on July 03, 2010, 10:41:12 pm
Ako nagpupwera usog na lang para makasure.. wala namang mawawala kung babanggit ako ng pabulong na pwera usog kapag may tumititig or bumabati sa baby ko..

and sa tuwing not feeling well ang mga anak ko, aside from going to the doctor, pinapatawas din namin sila.. although most of the time eh may sakit talaga sila at hindi nausog..
Title: Re: pwera usog
Post by: gorjuzwhena on July 07, 2010, 10:40:45 am
sa generation naun, we dont believe in what they called USOG anymore. its just a matter of how u take care of your baby. USOG is just a MYTH and there is no any scientific explanation regarding USOG. yung iba pinapalawayan pa. .mas dirty siya. kc saliva siya ng iba. tapos lalagay sa baby diba?
Title: Re: pwera usog
Post by: yhamslove® on July 07, 2010, 11:42:31 am
Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa "USOG", pero may instances talaga na pag may isang taong lumapit sa bata or kahit adult na, they feel uneasy afterwards.

Maybe this explanation can be of help.

Usog
http://en.wikipedia.org/wiki/Usog

sa ibang bansa, meron din silang counterpart sa "usog", Evil Eye daw tawag dun.

Evil Eye
http://en.wikipedia.org/wiki/Evil_eye

Ang ayaw ko lang, like sis gorjuzwhena, yung papalawayan sa iba yung anak ko. Kahit ako hindi ko ginagawa yun sa ibang bata. Sinasabihan ko nalang sila ng GOD BLESS YOU.
Title: Re: pwera usog
Post by: theyah on September 21, 2010, 03:37:50 pm
Maaaring totoo, maaaring hindi kasi wala namang scientific basis pero usually mga ganitong bagay (things connected in spiritual realm) wala naman talagang scientific explanation.

Laging napapansin din baby ko tuwing lalabas kami. Lagi nga ako natatanong kung foreigner dad niya.  Pero hindi talaga ako naniniwala sa mga laway-laway, bead bracelets, pins, etc. I never used them sa baby ko. Sabi nila wala namang mawawala kung gamitin yung mga things na pangontra sa usog pero for me meron, yung faith natin kay God. Kasi diba once you use these things, yun na inaasahan mong magprotect sa baby mo against usog, bad spirits, etc. Pwede natin sabihin na we still believe in God's protection at gagamit lang tayo ng pangontra para sigurado pero can't we put our 100% trust in God na sya ang magpoprotect sa baby natin?

Ang ginagawa ko before leaving the house nagppray ako. I'm asking God to protect my baby from any harm and I'm asking Him to cover my baby with the Precious Blood of Jesus. Because of this, hindi pa nausog baby ko, ever. God is more powerful than any pangontra.
Title: Re: pwera usog
Post by: abbejay on September 24, 2010, 08:56:53 am

Don't know kung naniniwala ako sa usog.. But di ako naniniwala na may usog ako.. :)
And i'm planning to buy that red and black beads with the red little pillow like thing for my baby.. :)
Title: Re: pwera usog
Post by: autophobic on September 25, 2010, 03:09:16 am
ako rin di naniniwala.. lalo na dun sa laway laway ek ek haha i remember papa ko nakipag away sa kapitbahay namin.. iniinsist kasi ni neigbor na lawayan baby niya baka daw kasi mausog ni papa ayun todo tanggi papa ko panu daw kung me sakit siya, blah blah blah ayun si neighbor tulalers haha
Title: Re: pwera usog
Post by: abbejay on September 25, 2010, 09:14:20 am

Yoko din yan laway thing na yan! Asus! Sabi ko duraan ko na lang pwede? Kainis. Pag baby kinikiss ko na lang sa tyan. Pag malaki na,naku no choice. bahala sila mag amoy laway.. :))
Title: Re: pwera usog
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 27, 2010, 07:33:38 am
sa generation naun, we dont believe in what they called USOG anymore. its just a matter of how u take care of your baby. USOG is just a MYTH and there is no any scientific explanation regarding USOG. yung iba pinapalawayan pa. .mas dirty siya. kc saliva siya ng iba. tapos lalagay sa baby diba?
agree din ako sa ibang mommies
maaring totoo,pwede rin hindi,
pero sa panahon ngayun kasi,
kung paniniwalaan mo lagi yung kasabihan
na yan,pano pag nasa ibang bansa ka,
iba ibang lahi nakakasalamuha nyo,
di mo sila kilala,
alangan palaway ka ng palaway,
eh ang babaho pa ng mga ibang lahi dito sa saudi...ewwwwww
yung anak ko pansinin kasi palangiti,kahit
sino nginingitian,sa awa ng dyos ok naman sya.

Title: Re: pwera usog
Post by: ♥♥♥ RXmom ♥♥♥ on September 27, 2010, 03:56:30 pm
ako naniniwala kasi usugin anak ko.. sobra as in may instances pa na sobrang lakas ng usog sinusuka niya yung food na kinakain niya at walang gana but after ipatawas.. ayun back to normal.. strange kasi imposibleng nagkakataon suki kasi kami ng tawas.. hehe! meron talagang mga bata na usugin kaya walang masama kung magsasabi ng pwera usog kasi mahirap makita na balisa ang mga babies natin.
Title: anti usog corales bracelet for baby
Post by: mamacyd on May 19, 2011, 03:21:14 pm
nung binyag ng panganay ko, gift ng ninang niya is corales bracelet. For anti usog daw. Pinasuot ko sa kanya til mag 1year old sya. After that tinago ko na kasi d naman na kasha. Dami ko nakikita mga chinese babies na nakasuot ng corales bracelet. Pero ewan ko lang kung same reason din or for luck of some kind.
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: Lelen on May 19, 2011, 07:01:06 pm
^ Dito samin, madami ding anti-usog, like yung naka pin sa damit na square red cloth. Experience ko dun, when we got home from the hosp when I gave birth, my MIL asked me kung meron na daw akong handang mga ganun, kase yung 1st apo nila, complete sa ganun. Ang sagot ko, wala po kase I don't believe in them. Good thing na mabait ang in laws ko and they respect the way I raise my son. Now that Enzo is 1yo, sobrang healthy, has colds & fever very seldom, di naman sya 'nauusog' so I guess, ok lang. ;D
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: mixx on May 19, 2011, 10:19:39 pm
di ako naniniwala sa usog or sa usog bracelet. :) kasi my daughter goes well without it. and hazard sa anak ko dahil baka kainin niya pa or masira and machoke pa siya. i am more concerned with that.
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: Lelen on May 19, 2011, 10:26:57 pm
^ correct sis! ;) meron pa nga dito samin na 'bali' Everytime na magkakaubo/sipon yung neice ni Hubby, derecho sa manghihilot tapos tatapalan ng mga papel. Me bali daw kaya ngkasipon. Tapos pag medyo nagtagal na, saka dadalhin sa pedia. :o Pero I respect din naman ang beliefs nila after all, they respect mine. ;)
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: Mlabable on May 19, 2011, 11:38:12 pm
Never ko din pinasuot si baby ko ng bracelet at kung ano-ano na sinasabit. Di kasi ako naniniwala sa mga ganun e.
 
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: rosetan on May 20, 2011, 01:29:36 am
My baby is wearing Corales bracelet since birth until now, 2 years old na sya.

@ Preetynpink-

Chinese ang husband ko, paniniwala ng mga Chinese panlaban sya sa Usog and protection from bad elements. Usually yung sinasabe mo na Chinese babies they are wearing real corales bracelet which may cost for as low as 7k.
Share ko lang din po, if youre baby is wearing real corales nagbabago ang kulay niya, like ng sa baby ko kapag may saket sya nag lilighten ang color niya (medyo red na orange ang corales) kaya alam na alam namin kapag masama ang pakiramdam niya.
Kapag naman mabait ang bata or very active super tingkad ng kulay niya.

Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: mamacyd on May 22, 2011, 03:32:35 pm
@ rosetan
mommy thank you for added info. naaliw naman ako nagbabago pala kulay nun. :) yung sa son ko kasi laging dark red ang kulay everytime suot niya. were not chinese pero nakagawian din ng mom ko suotan kami ng anti usog bracelet. bumibili pa sya sa mga chinese jewelry shops sa greenhills. I never knew mahal pala ng ganun.

@mixx
oo nga sis yan din worry ko dati kasi nung naging active na si baby.. laging ginagawang teether yung bracelet niya. pero good thing sabi ng ninang niya very tight ang pagkakagawa ng mga chains sa corales and pati yung lock mahirap matanggal ng bata kaya safe isuot. 

@lelen
mom ko din sis naniniwala sa "bali". everytime may sipon/ubo si baby naku gusto agad dalin ko nanghihilot para ipatawas. shempre sasabihin ng manghihilot may bali kaya kelangan hilutin. hihilutin yung likod niya gamit yung gaas then d pwede sya maligo. next day pa pwede. pero effective din kahit paano kasi narerelieve sya parang touch therapy narin. yung parang nabibili sa mga vendors sa gilid ng simbahan na pinipin na mga kung ano ano sa damit ni baby d rin ako bumili. si hubby ginagawa lang niya nilalagyan ng st benedict na medallion si baby sa unan as protection daw.
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: ilovegabe on May 22, 2011, 04:21:40 pm
My son has this din. His Chinese grandparents gave it to him. Hindi ko rin pinapagamit kasi I dont believe in usog or anything like that. Sabi nga ng dad ng baby ko nagiiba daw color nun kasi inaabsorb daw yung bad elements, yung ganun daw ng sister sya sobrang light na yung color, napatawa lang ako, i thought syempre iba na kulay kasi sobrang luma na. My son is very healthy and its not because the bracelet absorbed the bad elements  :D
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: glaytutay on May 25, 2011, 06:04:34 pm
hi mga mommies, may question ako, ok lang bang mabasa yung corales bracelet? kc my son has one im afraid na baka fake siya kc namumuti..ganon ba siya talaga?
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: yOyOCiCi on June 09, 2011, 12:09:18 pm
eh yung lalawayan sa paa para hindi mausog yung baby?
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ysLim on June 20, 2011, 02:20:09 pm
^hindi ako masyadong naniniwala, si MIL lang. sabi niya lagyan ng pulang lipstick ang paa ni baby para di mausog.
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: ysLim on June 20, 2011, 02:46:44 pm
My baby wears red corales bracelet bigay ng lola niya (MIL). Hindi naman ako mahilig dyan pero nappapansin ko na medyo usugin nga baby ko lalo na't di niya suot yun.  ???
masikip na sya ngayon kay baby kaya we're scouting for other corales bracelet for her.
Title: Re: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mumzeth on July 29, 2011, 11:02:56 pm
lagyan si baby ng pin na pula sa damit at bracelet na black & red kontra usog..

di ko ginawa and wala namang nangyari.. :)
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: mumzeth on July 29, 2011, 11:15:47 pm
 ang anak ko kahit na lapitin sya ng tao kasi mataba sya.. wala syang corales kasi sabi ng lola ko hindi daw totoo yung usog.. magpray lang daw kay GOD ang gawin.. so lahat ng mga klase ng anti usog wala ako kasi prayer lang daw ang katapat non.. :) share ko lang.. :)
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: mworx on July 31, 2011, 04:44:43 pm
Ako naniniwala ako sa usog o bati.  Yung panganay ko usugin kasi cute nung baby (cute pa rin naman hangang ngayon hehe) kaya laging binabati.  Ang tendency ay iiyak ng iiyak ng walang dahilan.  Ang gagawin naman ng lola at nanay ng husband ko, pakukuluan ang damit tapos i-sign ng cross ang baby ko dun sa pinakuluan (medyo weird pero totoo ang effect).

Bumili din ako ng coral bracelet.....its true at makikita mo na parang namumuti ang kulay ng corals pag may sakit si baby.
Title: Re: anti usog corales bracelet for baby
Post by: eka1212 on July 31, 2011, 09:05:57 pm
family ko naniniwala dun. Chinese din kasi kami.

Ayun si baby ko merong bracelet nyan. Siguro ipapasuot ko to kay baby hanggang 3 years old para sigurado. hehe
Title: Re: pwera usog
Post by: toughmom moderator on August 02, 2011, 12:22:20 am
Is “Usog” for Real?

Find out the truth once and for all behind this age-old Filipino belief.
By Ina Atutubo, MD

On the medical front, discoveries about the components of saliva reveals that it actually contains a substance called opiorphin, related to morphine and other opioids, which are generally used in modern medicine as a pain killer. It goes, without saying, too, that the spitting of saliva is so unsanitary. There are many diseases that are transmitted through our saliva, such as the flu, common cold, swine flu, mumps, chicken pox, measles, hand-foot-and-mouth disease, and German measles, among others.

Read more
http://www.smartparenting.com.ph/baby/health-safety/is-usog-for-real
Title: Re: pwera usog
Post by: CityHunter on August 06, 2011, 09:29:46 am
"Usog" is merely one's inability to protect oneself from the chi radiated by another.  The reason why having the "suspect" make "laway" on the victim is to establish a sync (of sorts).  Superstition?  Nope.  Its simply quantum science at work.
Title: Re: pwera usog
Post by: darling on August 06, 2011, 10:48:56 am
 BAKIT LAGE KAILANGAN NG SCIENTIFIC EXPLANATION,,TAO RIN NAMAN ANG NAG OOPENION YAN,, NOW KUNG NANANINIWALA KA SA UNANG PAMAHIIN MAS MAGANDA KASI NAKAKIWAS KA,ano BA MAWAWALA SAYO KUNG MANIWALA? NOW KUNG AYAW MO MANIWALA naman WAG NA ANTIN KONTRAHIN ANG MGA TAONG GUSTO MANIWALA ..OPENION NILA UN EI.. AKO NAINIWALA MINSAN HINDI BUT MOST OF THE TIME NAINIWALA..WALA LANG AO MAGAWA KASI SA SYUDAD AKO NAKATIRA AT DI S APROVINCE KAYA MANIWALA MAN AKO WALA AKO MAGAGAWA PANG TTAWASAN AKSI WALA GAGWA SA MIN NUN.. LUMAKI AKO SA TAWAS AT DAHON DAHON LANG TALAGA.. S
Title: Re: pwera usog
Post by: pompz on September 29, 2011, 04:15:34 pm
ako naininiwala din, kasi ako nung high school nausog ng kapitbahay namin asin sumama pkiramdam ko lumamig katawn ko nagsusuka ako, nung nilawayan ako aba nawala, kaya pag may pumapansin kay baby sasabihn ko kaagad pwedra usog po :), wala naman mawawala kung maniniwala tayo siguro
Title: Re: pwera usog
Post by: kuliglig^^ on September 30, 2011, 05:48:46 pm
Ako personally hindi naniniwala.. Wala lang po, opinion ko lang po... Kasi di naman ako nauusog nung baby ako kahit hindi ako nilalawayan or something, sabi ni Mudrabells... Kahit anong pagpapadyak ko sa mga nuno sa punso o kung anuman nung HS, wala naman nangyayari...
Title: Re: pwera usog
Post by: kathnrhai on October 07, 2011, 05:10:59 am
me too..di din ako anniniwala dun..kasi sabi nila,d mor na naniniwala ka sa usog, e magkakatotoo talaga yun.. tas ang pangontra dun yun lalawayan nung tao kpag pagod,galing sa labas,gutom..e pano kung papalawayan mo nga,e sympre pano pg mdmi tao,sari-sari ng saliva ang nasa paa ni baby. pero yun mga pinsan ko,naniniwala sila dun ang pangontra nila yung nilalagay sa damit tas may pardible na kulay red..kalmen yun tawag dun ska un bracelet na red & orange yun kulay
Title: Re: pwera usog
Post by: giselle1115 on January 10, 2012, 09:12:24 pm
I don't believe in USOG either.  Just this afternoon, when we got back from the mall, one of my twin baby kasi fell asleep.  After 30 minutes, pag gising iyak talaga siya ng malakas.  Yung bago kong yaya advised me na lawayan ko daw ang paa at baka daw nausog.  Naku sabi ko sa kanya, pasensya na day kasi hindi ako naniniwala dun... I only believe in God.  Ayun a few seconds after that tumigil na si baby. Inaantok lang pala, hehe.  Pasensya na sa mga naniniwala sa usog.  To each his own naman yan e and I respect your beliefs. Wag lang lawayan baby ko.  Yung MIL ko nga nako!! Pwera buyag ng pwera buyag  (Buyag is usog in Cebuano) sa baby ko tapos she'll  spit on their legs!!! Waaahh!!  Medyo natagalan tuloy bago ko ibalik dun!
Title: Re: pwera usog
Post by: precios on January 10, 2012, 09:56:02 pm
ako din naniniwala ako sa usog for the 1st time, kasi may youngest lage nausog .nung first time niya takot na takot kasi ayaw tumigil kaiiyak kahit inantok na.tas tinanong ako ng asawa ko kung sino bumati,ei yung kapitbahay lang namin at si dad,pinalawayan ko sa kapitbahay no effect,,pero nung nilawayan ng asawa ko..ayun bagsak at tulog agad.dun lang ako naniwala,at hindi lang isang bisis siya nausog,naulit pa.so ngayun nag iingat na ako,
Title: Re: pwera usog
Post by: Anne Mercado on January 13, 2012, 05:29:28 pm
I feel the same way as giselle1115.

I don't believe in usog and the only time I will is if there is some scientific basis for it. But I love old wives tales because it shows us how rich and interesting our culture is :)
Title: Re: pwera usog
Post by: rodcielle_07 on January 22, 2012, 02:07:42 pm
same here.. hihi natawa naman ako kay mommy giselle1115 :D

I don't believe in Usog either.. sadyang ganun lang mga bata, may mga mood swings and tantrums na kahit ano gawin eh they don't feel comfortable and still irritable.. kasi kung lage magkakaganun ang baby edi lage na lang nating papalawayan.. but still I do respect your beliefs mommies na naniniwala sa usog.. basta don't forget that God is able ano man maging problema natin sa mga babies natin. :)
Title: Re: pwera usog
Post by: mjane13 on January 22, 2012, 02:54:37 pm
for me naman, naniniwala ako sa usog. may mga instances kasi na nauusog si baby..sobrang nagwawala sya and hindi namin sya mapatulog. sabi nung nagtatawas, nausog daw si baby, and advise niya is pakuluan or balyahan ng mainit na tubig yung damit ni baby nung araw na nausog sya or may nakabati sa kanya..after nun ok naman na sya :)
Title: pangontra sa usog/bati
Post by: nikaygelo on February 28, 2012, 04:57:45 pm
ano bang mabisang pangontra sa usog/bati?pupunta kase kami ni hubby at ni dana sa province para makifiesta, sa bahay ng lola nila kami matutulog nun (nasa langit na po sila lola at lolo) nung time ng honyemmon namin dun kami nagstay, sabi ni hubby may mumu dun so natakot na ako at hindi na ako natutulog dun, sa house na lang ng in laws ko..the problem is kasama ko si dana eh baka mabati sya o mausog o may makita syang hindi nakikita natin, by the way 5 months pa lang si dana..please help me?thanks in advance..
Title: Re: pangontra sa usog/bati
Post by: mineh on February 28, 2012, 06:38:55 pm
hi sis usually sa mga igorot nakakabili ng tunay na pangontra kasi madami na peke ngayon. if wala ka mabili make sure na palawayan mo sa lahat ng bisita kahit sa paa lang at sabi ng lola ko pagsuutin daw ng pulang damit. best din samahan ng prayers na hindi siya mapano.
Title: Re: pangontra sa usog/bati
Post by: nikaygelo on February 28, 2012, 06:50:04 pm
ok..thanks sis mineh
Title: Re: pangontra sa usog/bati
Post by: mineh on February 28, 2012, 06:56:21 pm
welcome sis, san ba province punta niyo?
Title: Re: pangontra sa usog/bati
Post by: Mamie Vera on February 28, 2012, 07:11:24 pm
Meron yung nabibiling pulseras na kulay pula at itim yung beads pangontra daw yun sa usog tsaka yung sinasabit sa damit na kulay pula. Yung ginamit ko sa anak ko yung pulseras pero di rin nagtagal kasi mas natakot ako makalunok ng beads, kaysa sa mausog ;D kinakagat kasi. Ang ginawa ko nalang pinapalawayan ko sa paa. Sa awa ng Diyos di pa naman na usog anak ko ;)
Title: Re: pangontra sa usog/bati
Post by: syndyela on February 28, 2012, 07:31:15 pm
Everytime umuuwi kami ng daughter ko sa parents' house ko, pinapahawakan ko ang daughter ko sa daddy ko kasi nauusog niya yung daughter ko especially kapag nangigigil or excited talaga siya sa kanya.  Nun namang nakatira kami sa house namin sa Batangas 2 years ago, nangigil ako dun sa anak ng kapitbahay namin na ka-age ng anak ko and nung panahon na yun super pagod ata ako kasi galing ata ako nung sa byahe.  Then biglang nilagnat yung bata.  Pina-albularyo nila yung bata kasi wala naman din daw nakita yung doc kung bakit siya nagkasakit, then letter "V" daw nagstart yung name nung nakabati sa bata sabi nung albularyo (e "V' nagsstart ang name ko).  So they paid me a visit, explained yung sinabi nung albularyo and pinanguya nila ako ng bigas at nilagay sa paa nung baby.  Di na ako nagresist nun kasi kung yun yung way at paniwala nila para mapagaling yung bata, ginawa ko na din.  Then kinabukasan naging ok na yung bata.
Title: Re: pangontra sa usog/bati
Post by: rianne_mallows on February 28, 2012, 07:32:18 pm
kung USOG, laway pangontra dito samin eh.. yucky but it works for us :P

yung MUMU, at mga OTHERS,
yung manggagamot, binigay na pangonntra kay baby yung tali ng sampaguita na inalay sa santo nino.. ipupulseras mo lang...

bale sa paa nilagay para hindi magalay. mag one manoth na hindi pa din naaalis... wag daw kasi aalisin..
Title: Re: pwera usog
Post by: toughmom moderator on February 28, 2012, 08:22:35 pm
All discussions abour "usog" merged into 1 thread.
Title: Re: pwera usog
Post by: nikaygelo on February 29, 2012, 02:48:17 pm
@sis mineh, sa zambales po

@rianne_mallows, tali sa sampaguita?yung parang kwintas?
Title: Re: pwera usog
Post by: mworx on February 29, 2012, 03:41:50 pm
Use St. Benedict Medallion instead of the red and black beads or any amulets given by albularyo or nagtatawas.  Make sure na bless yan ha.  It will cast away spirits especially the evil ones.

If you're using amulets given by alburlaryo or nagtatawas, mas lumalakas ang spirits (evil).  Believe me na-experience ko yan sa daughter ko.  (Check Children with Third Eye forum)

Prayers - most powerful and effective way to protect our children.





Title: Re: pwera usog
Post by: nikaygelo on February 29, 2012, 05:48:45 pm
sis mworx thank you ng marami!!!meron ba yan sa St Paul Store?yung bilihan ng mga angels, cross etc..
Title: Re: pwera usog
Post by: mworx on March 02, 2012, 03:43:14 pm
You're welcome sis dja28. 

Meron sa St. Paul (SM branches)...its a small medallion cost around 10-35 pesos depende sa quality. 




Title: Re: pwera usog
Post by: nikaygelo on March 02, 2012, 03:46:10 pm
ok..thanks again
Title: usog
Post by: purple10 on April 01, 2012, 08:47:10 pm
Hello!

ano ba mangyayari sa baby pag na usog?..
Title: Re: usog
Post by: lhinggitcf on April 01, 2012, 09:20:32 pm
baby will be restless, iyak ng iyak ng di mo maintindihan. kung minsan umiiyak na parang natatakot, worse e sumusuka...  :(
Title: Re: usog
Post by: purple10 on April 01, 2012, 09:39:32 pm
hindi po ba lalagnatin?..
Title: Re: pwera usog
Post by: Mommy Jazz on April 02, 2012, 11:51:21 am
Same topic merged. Please search before starting a topic.
Title: Re: pwera usog
Post by: Anne Mercado on April 26, 2012, 11:26:30 pm
I don't believe in usog and I've never been able to understand the concept. Kabag is not transferred from one person to another :)
Title: Re: pwera usog
Post by: tashasabs on April 29, 2012, 10:07:51 pm
Di naman talaga ako naniniwala sa usog kaya lang naka-experience na ko sa kids namin na okay naman sila, may babati tapos biglang masakit na ang tiyan then magsusuka na sunud-sunod. Nangyari 'to sa second child namin. We were about to bring her sa doctor tapos naalala bigla ng nanay ko yung yaya nila noon (stay out), baka daw yun ang nakausog. Pinalawayan nila, and after mga 10 minutes yata okay na ulit yung bata. As in ang sigla sigla eh samantalang before nun ang tamlay at hindi talaga makatayo kasi namimilipit, masakit daw tiyan niya. So I don't know how to explain that.  :)
Title: Re: pwera usog
Post by: mommyMidya on June 22, 2012, 09:08:34 pm
Ako naman naniniwala sa usog. Kasi madalas ako makausog. Kaya sabi nang mama ko " aswang daw ako".  ^^  Pag pagod ako at di pa kumakain then nabati ko yung bata. Ilang sandali lang sumusuka at nanlalamig na yung bata. Yung tradisyon kailangan lawayan yung paa nung bata  or i-touch yung buhok. Pag nagawa ko yun, umaayos yung pakiramdam niya.

At nagyari din yun sa baby ko. Yung lolo ko bumisita sa bahay at yun inaaliw aliw niya yung apo niya. After sometimes, bigla na lang nagsuka yung baby ko. Super takot ko talaga. Kasi namumutla na siya. Bigla lumapit yung lolo ko then sabi niya baka daw nausog. Yun pagkatapos lawayan, umayos yung pakiramdam niya.

like mommy tashasabs, di ko rin ma -explain yung ganitong mga bagay.
Title: Re: pwera usog
Post by: 2gud4u on June 23, 2012, 04:37:06 pm
we dont believe in usog but we do believe in evil eye.wala naman kasi usog dito sa ibang bansa and sa religion namin.kapag may bumabati lang kay baby or tumingin lang ng kakaiba na yung tingin kahit hindi kay baby kahit sa amin sa sarili namin we are just reciting specific verse from our Noble Book and some hadith(words from our Prophet) and super effective niya. There are some nationalities na malakas ang evil eye and can curse you sa pagtingin lang nila, praying and asking guidance from Allah is the most powerful weapon for this.

regarding naman sa mga mumu, we called them jinns, Allah created them to live with us kahit hindi natin sila nakikita.may good jinns and bad jinns din pero they cannot do harm to us unless God permitted them, if you have strong faith sa Allah hindi ka nila kaya galawin.

Believe and pray lang lagi kay God. He is our protector, the Owner and Creator of everything in this world and He is the most powerful.
Title: Re: pwera usog
Post by: butterfly on July 03, 2012, 01:04:16 am
Yung panganay ko nausog na din , kase naniniwala akomsa usog noon, so parang ang dating sinanay ko yung panganay ko sa kakasabi ng pwera usog.... Then sa second baby ko, sabi ng hubby ko hindi otoo ang usog, syempre foreigner sya kaya hindi naniniwala, so hindi ko "sinanay" yung 2nd baby ko, amazingly kahit sino pa bumati sa kanya, pagod, buntis,, strangers, gutom, matanda, may-usog,  etc etc hindi sya nausog..never...  :)

Siguro nasa kanya kanyang paniniwala lang yan :)
Title: Re: pwera usog
Post by: einie on July 04, 2012, 05:00:05 pm
i don't believe in usog and i really find it offensive when moms would say that to me. i don't agree with the fact that appreciating a child e.g ang ganda ng baby, ang cute, etc would mean otherwise.

aside from the fact that it's not scientific and the laway-laway thing could cause bacteria and viruses to be transferred to babies. yucccckkk!

Title: Re: pwera usog
Post by: Morefun on July 07, 2013, 08:33:36 am
Thank goodness hindi mahilig sa pamahiin ang mommy ko at lola ko.  Yun lang sa side ni hubby, super uber.  Lahat na lang may ibig sabihin and usually masama ang mangyayari sa yo.  hehe, I respect what they believe naman pero I don't follow their advice when it comes sa mga usog, bawal maligo, bawal mag gupit ng kuko, at kung ano ano pa.  Syempre smile na lang and don't say anything contradicting sa mga elders and baka ma offend.   ;D
Title: Re: pwera usog
Post by: emscommando on August 26, 2013, 10:52:52 am
i am a father of a 3 week old baby girl. last night she cried like there is no tomorrow and me and my wife knows our baby is suffering from colic. when we woke up earlier this morning, she was on her crying spree again. my wife and her mother said she might be "nausog'. I generally don't believe in 'pamahiin' but they do. As I know, usog is not recognized by science especially by doctors. What could be a rational explanation about "usog" and what are the treatments besides from saliva from strangers that are may be sick?
Title: Re: pwera usog
Post by: iamsheymareie on August 27, 2013, 11:58:40 am
ako i never believe taga sa usog na yan... swear... my mom does... pag aalis kami tas may dadaanan kami na friends, kakilala or even kamag anak tas sasabihin lalawayan daw para di mausog... sagot ko lang..  no thanks. ok lang sya di yan mauusog.... baka mamaya may sakit yung mag uusog... and i think thats one of the most dirty thing sa katawan mo... saliva... tas pamahiin... bawala magputol ng kuko pag tuesday and friday? i believe hindi advisable magputol ng kuko pag gabi lalo na pag baby kasi madilim dilim na... basta i believe in my oby and pedia ni baby... no to pamahiin... hehe