Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: BuhayMommy Blogger on July 17, 2010, 08:10:57 am

Title: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: BuhayMommy Blogger on July 17, 2010, 08:10:57 am
Hi SP Moms,

Share niyo naman ilang hours kayo nag-labor during your big day?  ;D

Ako kasi 5am-1:00pm. Nasa SM Mall pa kami ni husband that time kasi andun OB ko, wait namin instructions niya yun pala manganganak nako. I was prepared sa mga gamit, pwera sa damit kasi nga ang lam namin malayo2 pa ako manganak based sa countings namin kaso napaaga yung delivery ko. Buti ok naman si baby.. :)

Hope to hear from you momsies..


Mod's note:
Mom-to-Be, 5 Things You Do That Can Make Your Labor More Difficult
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/01/16/labor.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/labor-pain-relief-options-a00061-20190117?ref=parentchat

Post a question about this topic or share your experience. 
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie  (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669) upon registration or membership update
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: yoohee&shannon's mom on July 17, 2010, 08:27:18 am
Hi,sis.. Sa kin naman,12mn kinakausap ko si baby sa tummy, sabi labas na sya kase vacation leave pa that time ni papa niya the bext coming week, balik office na ulit. If di pa sya lumabas, wala ako kasama pagpunta hospital.. 2am ng madaling araw, i need to pee then pagkakita ko may bleeding na ko but i felt no pain pa during that time. Nakaayos na mga gamit pa hospital, but naligo pa ko and eveything and 3am kami pumunta chinese gen. Around 3 30 inadmit ako but not in the labor room yet. 3cm pa lang daw kase. So I waited lang. Around 6am, after checking 7cm na daw ako. My ob decided to bring me inside the labor room ng 7am, then  after 2 ire lumabas na si baby.. That was 7:19am.. Grabe.. Sobrang dali ko nanganak and I'm so thankful for that.. May benefit pala talaga pag kinakausap mo si baby while in tummy na wag ka papahirapan during labor.. Well if course,aided din ng exercise and controlled diet..:)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: BuhayMommy Blogger on July 17, 2010, 08:35:17 am
talaga sis? ako din mga 5 ire lang ata. Mas masakit ang labor no? Kasi hindi mo lam pano ka kikilos. Bait yuri boy ko kasi hindi ako pinaharapan manganak. Pero nung nasa kalagitnaan na ako ng delivery sabi OB ko nasigaw na raw ako na CS na, yun pala last ire ko labas na bunso.. Nagka-gestational diabetes kasi ako.. Diabetic narin kasi ako, lalo pa lumala kasi I ate a lot of sweets.. Thanks for sharing sis..:)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: mommy_of_2 on July 17, 2010, 09:11:46 am
with my eldest, started around 5:30 ng hapon, I had a feeling na parang napoopoo ako but wala naman, feeling ko nga constipated ako nun, around 8pm pagwiwi ko I had a little bloodstain sa undies so medyo nagpanic nako, my MIL said I should better go to the hospital na since we're expecting it anytime naman, kaso ako naman ang kinabahan in denial pa ata ako feeling ko di pa time, come 9pm ayun nagumpisa na ang sakit around 10 we're in the hospital na and they checked 8cm na pala ko that time,nakakatawa kasi nakayanan ko pa umakyat ng stairs to the 2nd floor ng Manila Doctors, sabi nga ng mga nurse mataas daw ang pain tolerance ko.Come 12:46am baby was out na. Kay bunso naman, had the bloody show around 3pm, the whole day wala pa din pain although I know near na rin yun kasi blood din una lumabas sa akin with the eldest, around 9pm still was able to sleep, come 12am-4am dysmennorhea pain na naramdaman ko,and when I went pee ayun madami ng blood talaga, so rushed to the hospital, and was 6cm,had epidural painless with it, and baby came out 8am, around 4 hours labor,and 3x na push lang..  :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: periwinkle_mom on July 17, 2010, 09:49:07 am
Hello mga sis, buti pa kayo nailabas sa IRE ang mga baby nyo. Sa'kn hopeless na. CPD daw yung case ko sabi ng OB. Sa 1st baby ko, I was in labor pains for 32 hours.It started at 2am ng Sunday. We already prepared lahat ng gamit (baby,mine, hubby)at standby na yung sasakyan. We waited for my water bag to burst or something like blood na lumabas pero wala naman, panay ihi lang ako. Ayoko kasing mgstandby lang doon sa ospital, lalo akong uneasy doon kasi eversince nagkamalay ako dito sa mundo never pa talga akong na-hospitalized. By 9pm sabi ng OB ko mgpa-IE na lang daw ako dyan sa nearest hospital. Sa main entrance pa kami dumaan as if hindi pasyente. ;D..that time 2 cm pa daw. Adviced ng OB mgpa-admit na lang. Gulat talga yung taga ER kasi they didn't saw me enter sa ER before that. As in magdamag talga hindi pa rin lumabas si baby and pabalik-balik me sa DR para sa IE. Ng mg7cm na by 5:30am hindi na me pinalabas sa Delivery Room. I was lying there witnessing women in pain pero I was so inspired umire. ;DDumating yng OB ko by 7:30 and ngstart na ako umire. Nakailang push na kami pero ala pa din. Until such time she decided na butasan ang water bag ko saka niya nalaman malapit na pala akong mg-dry labor. Paubos na dahil inihi ko lang pala. We decided na i-induced nalang kaso wala talgang makita na head ni baby kahit 9cm na. I kept pushing until 9:30am until the doctors decided i have to undergo CS.  ??? :( :'( Masakit man isipin kahit puspusan ang exercise ko and ang dami kong hindi kinain na masarap para hindi lumaki si baby sa loob ay ganun ang nangyari. Yet, very thankful to God naman ako kasi our baby Chloe and myself were both safe after the operation.  When i got pregnant again 3 years later, my OB suggested that we wouldn't wait till mg-labor ako and so we agreed I give birth on our desired date.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: liams mom on July 17, 2010, 03:13:03 pm
My water bag broke around 1:45am. Since ready na hospital bag,naligo lang ako then we went to the hospital na. 2am nasa labor room na ko, 2cm. Around 9am,dumating ob ko, 2cm pa din. 11am,2cm pa din. 2pm,2cm pa din. Kaya ayun, hubby and i decided na cs na kc d na daw maganda kapa ni ob nung last IE niya. 2:46 lumabas si baby. After 12hrs of labor,cs pa din kinauwian. Kinakausap ko si baby na wag ako pahirapan that time. True enough, d ko talaga naramdaman ang labor pains. And kahit pa na cs ako, nung narinig ko iyak ni baby, I couldnt care less if giving birth would leave a big ugly mark on my tummy! :-)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: pretty.in.green on July 17, 2010, 11:41:33 pm
ako naman i woke up ng 4am para kasing may sumasakit.. i realize sumasakit yung puson ko. then i pee,  nakita ko may blood. mga 6am we went na sa hospital. pina admit na ako ng ob ko kac nag bloody show daw tska kac sobrang mahilab daw yung tyan ko. but until mga 2pm  4cm pa din ako. gulat nalang pati ob ko nang bigla nag full cm na ako ng mga 4pm. then i gave birth at 5:13pm. :) grabe tgal ko talaga nag labor. but it's all worth it. super happy ang maging mommy. :) :) :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: Mommy France on July 18, 2010, 01:08:59 am
Friday night 3cm na daw ako sabe ng OB. Nagkataon kasi na check up namen kaya nasabe niya na nag-start na ako.
Option ko daw kung magpa-admit na ako.
Sabe ko wait ko na lang muna yung asawa ko sa house then if anything comes up, ill go directly na sa hospital.

I wasn't feeling anything nung saturday morning.
Pumunta muna kami ng high street, by dinner sobrang hindi na ako makaupo. Di ko na ma-enjoy yung food. We went sa hospital na by 8pm

Sa awa ng Diyos, nanganak ako ng 8:05. CS na kasi hindi na nag-progress yung dilation ni miggy. malaki yata siya para saken. so ayun.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: chillaxmom on July 18, 2010, 11:14:22 am
naku... sabi ni OB sa history niya as OB ako ang pinakamadaling paanakin...28 minutes ok na... kung lahat daw ng nanganganak katulad ko, di daw mahihirapan mga OB hehe. actually due ko is July 19 to 25. I still worked till July 18... (teacher ako) tapos Saturday, July 19, hubby and I went home pa to our hometown(1 hr drive) to visit the inlaws kasi sabi ni OB ok daw yun para matagtag at bumaba ang abby, pag IE niya kasi sakin ng july 18, 1 cm palang.. when we arrived around 11 30, chika with friends ako.. nafeel ko na yung hilab around 2 30.. so I consulted OB. mga 4 PM kami nagpunta ng hospita, (balik naman CT).., nakapasok kami9 sa room sa hospital 7 na... dami mga check up at yung resident OB pag IE sakin 1 cm pa rin... nagtiis ako ng hilab hanggang 9 30... tapos di ko na kaya yung sakit, 10 pm tinawagan na ang resident, 8 cm na ko.. so they called my OB. di an ko dumerecho sa labor room. 10 30 pagpasok sa delivery room.. 10:58 nakalabas na si GJ...of July 19.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: magilas on July 18, 2010, 11:22:16 am
14 hours labor. Nagvi videoke kami ni hubby about 2 hours then we watched tv after. my bag of water broke nearly 11pm na so since my first baby, I wanted to be at the hospital na.

text text pa kami ni doc na baka may leak lang but i texted her, gush of water na. ayun past 12 midnight nasa hospital na kami ni hubby. tagal pa check if labor na nga ako. then labor room, lots of interns, docs, etc. checking on my bp, oxygen, baby movement, etc. mas antok pa sila sa kin.

dami na dumating labor room, punta operating room. i guess antay ko lang doc ko, nasa convention pa he he. after 14 hours, wala pa 3cm dilation so CS din. thank God ok naman baby and I.

Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: alexismom on July 20, 2010, 03:53:29 pm
About 5 hours. I woke up kasi I felt dysmenorrhea-like pain. Pero tolerable. I was able to chat with my friends pa in Facebook and Skype. Hindi pa sana ako pupunta sa hospital kung di ako sinigawan ng aunt ko who's a nurse kasi nagleak na water bag ko. Relaxed lang ako papunta sa hospital. Husband ko yung agitated sa mga vehicles na nakaharang in front of the hospital. I entered the emergency room alone kasi he went to the parking lot. Nakatayo lang ako while waiting for the doctors to check on me. I only felt intense pain about 10 minutes after. 8 cm na pala. After less than 2 hours, I gave birth na. Parang slow motion na blur yun kasi mahina ang tolerance ko sa pain. Matatakutin pa ako. Pasalamat na lang ako at mabilis lang kasi ang tamad ko when I was pregnant. I only walked around during weekends. Saludo ako sa moms who endured super long hours of labor. Baka nabaliw na ako pag ganun. Hindi ko kaya. My hubby's mom spent 3 days in labor before the doctor decided to have her undergo CS. Nakakaloka.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: keih liwanag on July 20, 2010, 04:01:38 pm
night of june 12, tummy pains. i went to see my OB the following day and she confirmed i was having labor pains na, that was 3PM, i was 3cm. she said i should be admitted na. i went home pa, then i was admitted at 7PM of june 13 and hooked up in the labor room at 9PM.

gave birth 7PM of june 14, emergency CS.

how many hours were those? i lost count at 20. hehe

full birth story here -->  :) http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=70.15
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: sohset on July 20, 2010, 04:32:28 pm
may 30, around 3am nagstart na sumakit tummy ko.. di na ko makatulog.. and then contraction continues hanggang night.. medyo umiikli na yung time ng intervals ng contract.. but then, i decided not to go to the hospital.. sabi ko sa hubby ko, kaya ko pa, baka nagpapapansin lang si baby.. so i sleep, pero ganun pa din, di pa din makatulog.. kasi lagi nagcocontract..

may31, kaya pa din contractions.. tawa pa nga ko nga tawa, pero pumunta na din kami hospital.. by 9:30 am, nasa hospital kami, sabi 3cm na daw ako.. pinaglakad pa ko ng mga 5 hours.. lakad lang.. hahaha

then ayun, 3pm pinapasok na ko sa delivery room para lagyan ng suwero.. nkasmile pa din ako..

nung naghihintay na ko para maging fully dilated na ko,, hahaha.. nakalimutan ko na pano ngumiti.. hehe..
nanganak ako 7:30 pm..

so sa pagbilang ko, 28 hours... hihihhi.. sana tama ako magbilang.. ahaha
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: ♥_caramel_♥ on July 20, 2010, 04:38:54 pm
at 4am po pain muna tapos naiihi ako tapos pabalik balik na ko ng cr tas nasaket na lage tyan ko ,. nung last na ihi ko paghugas ko eh may nakapa akong sticky thingy na may traces ng blood ,. kaya naisip ko na ayun na yun pero di agad ako nasugod sa ospital kasi nawawala din saket hehe ,. tapos nilakad ko po muna buong malibay (lugar namen) ,. tapos po 9am nagpunta kame sa klinika ng doctor ko tapos nung mga 10am na ko sinugod sa ospital matapos akong pagalitan ng doktor ko kasi baket daw di kaagad ako nagpunta ng ospital muntik na ko maubusan ng tubig sa katawan  tapos po pinasok ako sa delivery room at 3pm tapos po nanganak ako at 6pm. . muntik pa po ko ma-CS eh naisip ko maliit na nga tiyan ko CS pa! hello! kaya mega pray po ko nun ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: wendystar on July 20, 2010, 04:45:14 pm
sa first baby ko, 9 am pumutok na yung waterbag ko but lumabas si baby 9:30 pm na.  :o :o :o antagaaaaallll  :o

sa second baby, induced labor siya e so mga 3 hours lang, voila, baby's out.  ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: katzap19 on July 20, 2010, 05:07:56 pm
pumutok waterbag ko at may kasama blood 2am tapos tawag na ko ob then go na sa hospital pero 2 cm pa lang..nakailang IE na saken pero di pa din bumababa..around 5pm humina heartbeat ni baby and naubusan na ko ng tubig nung i-IE ako 5 cm pa lang..sabi ni OB dry labor daw un so need biyakin and kawawa naman c baby 5:57 pm lumabas c baby sad to say tulog  ako di ako ginising sabi ko gcngin ako..huhu  i woke up at 7pm..
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: ♥maarte♥ on July 20, 2010, 05:47:39 pm
sa first baby ko -- start ang pain around 11pm..pero maximum tolerance kasi ako... so yung pinakamasakit na na moment around 1am then i gave birth at 3:23am.

sa second baby ko naman -- we arrived at the emergency room around 1am.. medyo masakit na nun... inabot ng 1 hour yung process ng admission.. hindi ko nga alam bakit eh.. pero ok lang.. di na ko tumambay sa labot room kasi 2:30am nanganak na ko...

lahat ng delivery ko puro bukangliwayway ng araw ng miyerkules... :D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: smoothie on July 22, 2010, 02:16:12 am
with my eldest around midnight nag start sumakit yung likod ko parang nangangalay. the whole night ganun until pasakit ng pasakit siya. so nung morning tinawagan ko yung ob. pinapabilang sa akin yung contractions, hindi ko naman makuha yung pattern pero masakit na yung likod ko so nag decide na yung ob na pumunta ako sa hospital.

around 10 kami nakarating, pagdating sa admission ayun, 5 cm na pala ako. so dinala ako sa labor room, took around 2-3 hrs tapos ayun by 2 pm nanganak na ako.
due niya july 10 pero june 21 ako nanganak.

sa 2nd ko naman, pilyo talaga kasi yung week na yun ang pinaka busy si hubby. sunday early morning around 5 am ata, i woke up na basang basa ang undies ko, kala ko nag peepee ako. pero hindi naman maamoy. so ayun nag cr ako pero may gush parin ng water. nag napkin ako tapos pinakiramdaman ko, ayun after ilang minutes basang basa. so tinawagan ko na yung ob ko. pinapunta na niya ako sa hospital kasi nag leak na yung bag ko. pagdating ko sa hospital 2cm na ako. so in-admit na ako. nandun ako until 6 or 7 pm. paano kasi ang tagal mag dilate parang na stuck ata sa 4 cm kahit may pampahilab na since nag leak na nga water bag ko.

isa sa mga pinaka masakit ko itong experience kasi nung around 6 cm na ramdam ko na yung contractions. humingi na ako ng anesthesia pero ewan ko ba sa anesthesiologist ko yung legs ko nag numb pero yung pinaka pelvic area ko kung saan dumadaan si baby, hindi tumatalab. ayun napapaiyak ako sa sakit. nawala ang poise ko at nakapagsabi pa ako na gusto ko na mamatay. haha. so nung dinala ako sa delivery room. inadminister na full yung anesthesia, okay na uli ako. medyo matagal tagal din akong bangag pagkatapos nun kasi sa dami ng anesthesia na nilagay sa akin. 
estimate due date ni baby is dec. 21 pero dec. 6 siya lumabas.

first pregnancy ko never kong na experience yung contractions na sinasabi, more of back labor ako. sa second naman, sa boung araw ko na nandun sa labor room, hindi ko rin na experience. nakipag tsismisan pa ako sa mga doctors dun. ni back labor wala. as in parang nakahiga lang ako. pero nung pinutok na yung waterbag at lumaki na yung dilate. ayun. sakit sobra.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: mommy imee on July 24, 2010, 12:01:19 pm
I start my labor at 6am pagkagising ko. I have no idea yet na naglalabor na pala ako nun though I felt a little pain na. That was Monday and hubby was already gettting ready for work na. I just told him na masakit yung tyan ko, sinabi niya lang na pahinga lang muna ako baka napagod lang daw ako sa lakad namin the day before.

So pag-alis ni hubby, 7am bumangon na ako kasi hindi na masakit yung tummy ko and I went to nagCR then I saw blood stains. I told my mother about it and she told me na manganganak na ko.  I was also advised to took a bath before going to my OB and nakapagpupu pa ako nun while taking a bath. Im so afraid din na baka pagpupu ko sumabay lumabas si baby.

8am nakarating na ko ng clinic with my mother and aunt, nakapasok na kasi si hubby. Nung pagkaIE sa akin, 2cm pa lang so iniwan muna ako ng midwife. While waiting nagbasa muna ako ng magazine, kaya lang habang tumatagal mas sumasakit yung contractions at dumadami yung labas ng blood. and at 9am IE ulit nasa 4cm na so pinasok na ko ng delivery room. One hour din bago lumabas si baby ng 10am. So far, nakayanan ko naman lahat ng sakit.

I believe its because of prayer na rin kaya naging maayos ang lahat. Habang nakahiga ako sa delivery room all i did was to pray and talk to GOD na gabayan kami ng baby ko. And he did!!
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on July 24, 2010, 12:45:42 pm
sa first baby ko 12 hours...
sa second baby ko 4hours lang :D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: kathrinakathrina on August 02, 2010, 03:11:45 pm
checkup ko ng saturday.i was sad pa kasi 39th week ko na pero yung cervix ko daw super taas pa at super sarado so after checkup nagmall kami para makapaglakad. at around 2am sunday, pag wiwi ko may blood pero hindi pa masakit. we went to the hospital pero since sarado pa din ang cervix ko, uwi daw muna. Paguwi natulog pa kami ni hubby pero at 6AM I woke up kasi ang sakit ng puson ko and lower back. Yun na ang start. We went back to the hospital at around 12PM and sa room na ko naglabor until ibaba ako sa OR ng around midnight.after 18 hrs of labor, CS pa din ako kasi nagpoopoo na si baby at kahit 10cm nako mataas pa din daw and it seems baby cannot go down dahil maxiado daw malaki.baby was out by 12:55AM Monday.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: mommy_lansky on August 03, 2010, 02:22:18 pm
2 hrs lang ako nag labor... 11:30pm dumating kami ng hospital... sumasakit ng yung tyan ko pero kaya ko pa eh... d ko alam na sa house pa lang pala eh nagle-labor na ko... check pa ko ng doctor tapos wala pa yung OB ko...wait pa namin... past 12am na dumating... hirap lang umire kasi groggy na ko eh... hehe... at 2:05am lumabas na baby ko...  ;)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: leilatoto on August 03, 2010, 02:32:58 pm
ako naman i give birth may 13, ng bloody discharge ako ng may 12 pero i was sent home muna ng OB ko kasi close pa daw cervix ko..around 10 pm that day i was feeling labor pains na pero mga 20-30 mins interval..nung madaling araw na around 3:00 n na talaga yung consistent na 10-7-5 mins interval na yung pain ko til morning.tiniis ko un kasi i was thinking baka false alarm and umaga na ko ng call kay OB ko mga before 8 to ask her..pinapunta niya na ko hospital, i was 4 cm then..at 6:56pm of may 13 ako nganak
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: chubyswife on August 03, 2010, 02:55:54 pm
4 pm masakit na tummy,  :o pero tiis ko lang, actually denial ako nun eh na hindi pa, pero sinabi ko na sa mil ko na medyo masakit na ang tummy, until 9 pm i decided to go to the hospital
at deritcho labor room........ sobrang sakit na hindi ko ma identify kung san talaga galing ang pain.

ob ko dumating 6 am...... and 7:02 lumabas si baby, di naman ako nahirapan manganak, 6 times na eri lang lumabas na si baby, sa labor lang talaga matagal kasi masyado eh.
15 hours ako nag labor! 
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: -mm- on August 03, 2010, 03:44:42 pm
mga 5 and a half hour yung sakin,, nagstart ang contraction ng 12 pm then 5:30 ako nanganak sa first child ko... sana ganun lang ulit sa second  :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: tineped on August 04, 2010, 02:11:05 pm
26 hours lang naman. :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: xena on August 05, 2010, 01:13:28 pm
17 hrs ako naglabor..
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: cris25 on August 05, 2010, 02:15:37 pm
36 hours  ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: tiny_little_mom on August 05, 2010, 02:46:59 pm
7hrs.. (3hrs at home, 4hrs in the birthing room til baby out)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: angelic_louise on August 10, 2010, 11:33:02 pm
6 hrs, induce labor kasi ako. 4am dinala na ako sa hospital kasi may spotting na. Pero wala pang pain  ;D, 11am na nag take effect yung inject sa dextrose ko.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: bryce on August 11, 2010, 01:32:39 pm
share ko lang yung akin since lapit na b-day in baby. AUGUST 15

this was what happens last year. actually my cousin kept a diary  :) kakatuwa mas nkagawa pa sya kesa sa akin

aug 8 -of last year, when to my OB and did an IE, told me na i'm about 3cm and definitely by that week or the next week i'll give birth na. i was not in panic mode kc i know di pa lalabas yung baby ko kc i was not feeling any pain or having some spotting.

aug 11- pumasok pa ko sa opis and then i told my officemates n i'm 3 cm na. guess what??? super panic na sila kc most of my ofcmates are moms na, so they had already experiences. they advice me to go home and file a leave. actually im planning to file a leave my the aug 15 kc yung EDD ko was supposedly aug 24.
so, i followed them, but i finished my shift first then went home. no pain yet.

aug 12- went to SM MOA early in the morning (5:00-6:00) ng walking kami with my cousin. nilakad ko yung mlpit s bay from dulo to dulo then we joined also yung mga nag-eexercise  :)

aug 13-14 stayed at home. BORING, watch DVD and walking around house several times kc super taas p ng tiyan ko that time.

around 11:00pm i felt some pain but not so intense and yung contactions di pa maxado. so pinakiramdaman ko plng.

at 12:00 n medyo mas masakit na so i woke up my cousin, then i found blood n sa ihi ko, so i decided to go to the hospital.

since, mlapit lang kami sa hospital around 12:30 nsa delivery na ko then IE 9cm so fully na i'm about to give birth, but the problem was super taas p ni baby. my OB told me if ever d siya bumaba by 3 hours, i will undergo CS kc that will affect my baby.  Pero i still prayed and sobrang pinakiusapan ko yung baby ko na bumaba na sya pra di ko ma-CS kc i don't want talaga. mas gusto ko normal pra mafeel ko yung paglabas niya kahit msakit. :)

after that at around 3:54am nailabas ko c bryce in good health & safe. and the moment i heard him cry and look his face super happy ko kahit groggy na ko dhil sa anesthesia i manage to hold his hands.

thanks for allowing me share my story during my delivery :)










Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: iyatedi on August 11, 2010, 01:43:08 pm
akala ko nasira lang tiyan ko sa kinain kong sinegwelas..around 10pm ata yun nung sumakit na..i didn't know na naglalabor na ako..2 weeks pa bago ang schedule kong delivery..sumakit na siya till morning..until i saw na may spotting na ako..so tinakbo na ako sa hospital..around 6am..9cm na pala ako at that time..so hindi ako nagtagal sa labor room..dinala na ako sa delivery room..around 7am lumabas na si baby..:)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your BIG Day? :)
Post by: honey-ecclaire on August 11, 2010, 06:20:08 pm
ako at 6am i thought na poo-poo lang ko dahil sa sobrang dami ng kinain ko last night...so I went to Cr to pu-pu successful naman then balik ulit sa bed kase masakit pa din di ko talaga naisip na naglalabor na ako...then at 9 am after kong magcr may spotiing na ako my ate told me na in a few hours lalabas na baby ko..super excited na ako pero super kaba din sa sakit...we wait for an hour pa sa bahay kase hindi pa sya masyadong masakit then at 10am rushed sa clinic and at 2 pm iyak na si baby ko...super worth it ang pain..akala ko nun di ko kakayanin nasa isip ko na na mamatay na kaming dalawa kase sobrang sakit pero sabi ko ilalabas ko ito then kinausap ko si baby at si GOD awa ng Diyos successful naman...sarap ng feeling right after...CERTIFIED MOM!
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: insensitive on August 12, 2010, 11:01:17 am
my experience:

October 7,my schedule for Physical Assesment and ultrasound pa. Paggising ko masakit ang balakang ko hanggang bewang.Bago kami umalis ng bahay sumasakit na tyan ko pero tumuloy pa din kami. Akyat pa kami ng hagdan ni hubby kasi sasakay kami ng MRT going to crossing sa Shangrila Healthway. Sabi ko kay hubby parang d ko kaya CR muna ako.nakita ko may blood na. Tinawagan ko si OB ok lang daw un.Pagdating sa clinic mahaba pa pila.Sabi ko sumasakit na po tyan ko. Inuna ako syempre kasi bka manganak ako bgla. Puro sakit pero nawawala naman. Nagpalipas pa kami ng oras sa mall,nagvideoke pa :) kasi hinihintay ko sister ko pra dalhin yung bag. Inabot ng gabi hanggang kinabukasan.sa lying in sana ni OB manganganak pero 2cm pa din at tuloy tuloy ang dugo.Mabagal na heartbeat ni baby.Ska kakatapos lang ng Ondoy un nawawala ang kuryente so nagdecide si OB na punta na kami CGH. Sobrang trapik nung time na yun,wala kaming mahagilap na taxi.almost 4hours ata nagagalit na ako sa asawa ko. Sa taxi 3hours byahe namin dahil hindi gumagalaw ang trapiko.Nakarating kami CGH 11:30. Sa labor room susko 4cpm pa din ako.Dumating  si OB 3:30PM and she checked me tinusok panubigan ko green na meaning ngpoppo na si baby sa loob.Ayun emrgency CS..all in all 36hours labor.Sobrang sakit CS din pla babagsak.
at least naranasan ko :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mummienina on August 13, 2010, 03:14:48 pm
hi! first time mommy here!

i was in labor for around 22 hours (starting from the latent/early phase). i did not go to the hospital until my contractions were 5 min apart, 1 minute long for 1 hour. this is the advice i got from our ante-natal class.

our teacher, who is a midwife, said if we go too early, chances are, you will be strapped to bed with all the monitors, IV, etc and labor would take longer since you will be lying down. best thing to do is wait at home, move around, walk around, and get some rest din. the best time to go to the hospital would be when active labor starts and/or when water broke.

when we got to the hospital, the CTG indicated my contractions aren't regular and strong enough yet but since i had gestational hypertension, my OB let me wait it out at the hospital. true enough, i was strapped to monitors and was lying in bed. and due to my gestational hypertension, my OB gave me a sedative so i can sleep and relax to lower my BP. it turned out, i still could not sleep since i was peeing all the time.

after a few hours, i was dilated 9cm, my OB decided to break my waters to get things started. i pushed for around 1 hour. i was so tired and groggy from the sedative but still made it thankfully. any longer, baby would be delivered assisted and i didn't want that.

the labor and birth wasn't difficult except for the back labor i experienced. my husband kept me calm thruout and the midwife was really helpful massaging my back.

but after the birth i was bleeding profusely and i had to be transfused. but all is well in the end.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: HAPPYBABY on August 14, 2010, 02:50:55 pm
4am start ng labor ko. 6pm of the same day lumabas si baby via normal delivery ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: youngmomma :) on August 20, 2010, 08:58:00 pm
Sa first baby ko 9 hours ang labor ko. 6am ako dinala sa labor room then 3:18 pm that day lumabas na si baby ng 3 ire lang :)

Sa second ko naman 3 hours lang. 9pm ako sa labor room then 12:15am lumabas na din si baby. Medyo madaming irehan nga lang di tulad nung first ko.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: michsevilla on August 22, 2010, 05:10:39 pm
on my first baby, overnyt ako naglabor, ngpacheckup ako sa OB q ng 6pm kc my nkita aqng drop ng blood sa underwear ko.. nung ina IE ako ng OB ko, sbe niya 3cm na daw ako and for admission na ko.. pero wala ako nararamdaman na pain. 7pm pinasok ako sa labor room.. wala naman ako gnawa kundi matulog and IE ng mga nurse.. sumakit n lang yung tyan ko 9:30am.. and GOD di ako mpakali sa bed ko sa sobrang sakit.. 10am pinasok ako sa delivry room, ilang ire lang.. pinatulog na ko ng OB ko when she saw the head.. 10:35am lumabas baby ko.. ayun ngcng na lang ako sa recovery room, nkapanganak na ko.. pgkalinis sa sugat ko hinatid na ko sa room ko..

on my 2nd baby, inadmit ako ng 2pm.. pgkaturok skin ng pampahilab, and nung pinutok na nila yung waterbag ko.. sumakit agad panubigan ko.. 6pm pnasok n ko sa delivery room..
dito s 2nd baby ko medyo nhirapan ako umire kc ayaw bumaba nung ulo, kng di ko pa pinilit, mac CS na ko.. thank god at nkaya ko umire n mtindi and as usual pnatuloG n naman ako pgkakita sa head.. 7:43pm lumabas baby ko
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: Lunggay Mercado on August 24, 2010, 02:13:45 pm
mga sis question last saturday inIE na ako ng OB ko then sabi niya 50% effaced na ako ang 2cm dilated na ko gusto ko pang pumasok kaya lang si hubby pinamaternity leave na ako, sayang kasi till now wala nmng sumasakit sa akin. matagl ba talaga bago talaga ako makarating sa active labor?
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mommy25 on September 19, 2010, 10:51:08 pm
mine naman was very quick..like an hour lang..ganun..tapos full n ako pagdating ko sa hospital.. :)
my hubby and I wer very excited..so we really cooperate with each other when I'm on Labor..when I'm in the stage of my Labor n..my hubby ask me to walk then stop when itz painful..then last thing was he ask me to go down and up the stairs for 20tyms..after that na gutom ako kumain p ako ng dinner tapos nakapagpahinga p ko..nakaidlip n cgro ako..tapos bigla n lang super sakit!..i was familiar with the main kasi ..I have disminorhea kasi before..so it was like that also..and my husband was out o town kasi he will buy extra wheel sa car namin kasi sabi niya baka daw bigla akong manganak ng madaling araw..and it was Dec 25, 2009 ..so he went out..lahat n ata ng malas that day e dumating..my nagbutas kasi ng gulong namin sa Mall dito..so he have to buy extra kasi wala kami extra dat time..but around 9:00pm i called him n papunta n kami hospital..i ask him to go stryt n sa hospital..will meet there.. :) ..pagdating ko ng 9:20-9:30 ful n ako den ayun lumabas si baby ng 9:45pm..very cute and super tabichingching.. :) :) my hubby was my hero..and coach!!!...at matiisin hehe....
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: maui_chie on September 20, 2010, 04:14:30 pm
with my child, ang tagal ko naglabor..huhu..
17hrs ako naglabor. pero 2pushes lang, labas na si baby.  :D
naadmit ako at around 1am, kasi super masakit na, then 6:20pm pa ako nanganak.  ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: ninna on September 24, 2010, 12:54:46 am
mine naman...nagising ako kc i felt dysmenorrhea pain like nung march 25,2010 1030am..i said to myself na isang sign na yun for labor..so i started to list down yung time everytime uma-attack yung pain...tolerable naman siya kaya kahit paano nakapagrest pa din ako(half awake..nagigising ako everytime may pain tpos lista ko yung time) until 230pm.. then 230pm tumayo na ako sa bed and ina-analyze ko yung time...hala! 10-15mins consistent ang interval so i called my husband and mom..sabi nila mag pa-emergency check up na daw ako..i arrived at TMC by 430pm and waited for my mom dumating kasi galing pa siya sa work..by 530pm i went to pre labor room for check up..sabi nila 2cm pa lang ako..i can go home pa daw or if i want mag-mall na lang daw ako...natapos check up ko ng 645pm then umuwi na kami ng parents ko..pagkaalis na pagkaalis namin sa TMC...nung nasa may metrowalk na kami banda..tumindi na ang labor...grabeh tlaga..pero tiniis ko na lang..birthday din kasi ng sister ko that day so ice-celebrate pa namin sa bahay...pagdating sa bahay ng 8pm..hala naligo na ako and kumain pa ng konti after..nakuha ko pa makipagcelebrate hehe..pero matindi na ang pain...tapos nakaalis na kami ng bahay ulet mga past 10pm na ata..pagdating ko sa TMC ng mga 11-1130pm..hindi ako nag pa wheel chair..nagbaby steps lang ako tapos nagstop ako when labor pain strikes...pagdating ko ulet sa prelabor room..5cm dilated na ako nun going 6cm..tapos pina-poop and pee muna ako tapos inadmit na ako ng 12am march 26...3:26am lumabas na si baby  ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: MotherG on September 24, 2010, 01:28:09 am
hi mommies!  Naku very memorable  ang aking labor!  My due date is Sept. 26, 2009 eh "Ondoy" kaya kinausap muna namin ni hubby si baby na relax muna kasi di passable ang roads at lubog ang hospital niya.  Very cooperative and obedient naman si baby kaya nakapag SM pa kami ni hubby at ng ILs ko sa SM Marikina noong Sept 28 pero early morning palang may spotting nako.  By the time na matapos magshopping we had dinner and I decided just to have soup kasi iba na nga ang pakiramdam ko.  Eh di ba ang instruction is dapat ilang hours before manganak walang masyadong food intake.  After dinner at around 7PM we headed to DLSMC.  I didn't notice the sign sa delivery room na close sila.  Nagpumilit ako makapasok, ok naman.  Nagstart ang contraction ko 8:30PM Sept 28 and I gave birth 5:35PM Sept. 30!  Grabeng experience talaga!  No elevator, no pharmacy kasi lubog ang basement nila!   Thank you Lord talaga tapos CS pako!  We're really highly favored by God!
 ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: ninna on September 24, 2010, 01:33:46 am
wow grabeh pala ang experience mo mommy motherG..nakakaloka!
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: MotherG on September 24, 2010, 01:49:08 am
wow grabeh pala ang experience mo mommy motherG..nakakaloka!

hi ninna   yup sobra!  additional info pala, since walang elevator, nilagay ako sa stretcher binuhat ng 4 na lalake paakyat ng 4th floor.  Tulog ako nyan, nalaman ko lang kasi bumangga un mukha sa braso nung isang lalake at medyo maalat...pawis pala un!  >:(  Same thing noong madischarge ako pero sa wheelchair naman ako sinakay, this time 3 lalake nalang bumuhat!  At ito pa ang nakakaloka, sabi ng nurse bago sila nagdecide na may bumuhat sa akin pababa, tinanong nila kung kaya ko bumaba mag-isa using the stairs!  HELLO naman diba eh CS nga ako! :o  Yun lang...naku marami pa yan...minsan very frustating ang ating mga hospitals dito sa Pinas lalo na mga nurses kung saan ako nanganak...seems that they really don't care pero kuwento ng friend ko sa US super maalaga mga Pinay nurses sa ibang bansa!  Bakit ganun?  :(
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: .Pretty.In.Purple. on September 24, 2010, 04:27:23 am
my baby was almost 40 weeks when i gave birth last year... she was very cooperative back then... nag-labor ako for almost 3 hours lang ata...  :D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: Nunal on September 24, 2010, 08:19:31 am
Due date ko is August 30, kaya lang 2cm pa lang ako kaya we waited mag contract ako.. next schedule check up ko is Sept 2 and nung IE ako ng OB ko 2 cm pa din and 40weeks and 3 days na ako nun. she told me na  ipa admit na niya ako to monitor kung may contractions and wala p din kahit 1 day n ako dsa hosp. then sbi niya the next day induce labor na niya ako since wala ako nararamdaman na contractions.. So Sept 4 around 1pm pinasok n ako ng labor room at nag stripping kami to make it 3cm, by 2pm nag stip ulit to make it 4cm then we waited till 7pm eh 4cm p din.. then my OB decided n kailangan ko n ilabas si baby that same day sice nagbabawas na bag of water ko. around 8pm super sakit na and at 9pm i told them di ko na kaya yung pain.. sinaksakan ako na anesthesia then after that we waited for more contractions and nag chill na ako. at 11:58 pm inilabas ko na si baby =).. nagsuka ako after then nilagnatn at nag chill ng husto.. i was so afraid buti na lang kasama ko nun si hubby.. the next day ok na ulit ako..
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: RayJean on September 24, 2010, 09:22:58 am
4pm nagpacheck up kami ni hubby,then after a while they told me na 4cm nako so admitted na nila ako after,5pm nilagyan nako ng dextrose then sabi maglakad lakad daw within the area ng nag 7pm na wala pa din ako maramdaman kahit konting sakit then kinunan ako ng BP at umabot ng 145/100 O.O nagulat ako,sabi saken ninnerbyos daw ako pero inde naman wala nga ako maramdaman eh kahit anong tensyon (gusto ko na din kase ilabas si baby at maoover due na),10 pm came pakiramdam ko medyo mabigat,bumibigat yung lower part ko,then 1am aun paunti unti ramdam ko na ang totoong sakit,sabi ni hubby ko masakit na nga kase kita niya saken (iritable na kase ako at sinisigawan ko na kase sya)2am inde na maporma mukha ko sa sakit akyat baba ako sa higaan higa,tayo,lakad,4am sabi ko inde ko na kaya paanakin nyo na ko,then aun pinahiga nako at start na ng pag ire,ire dito at ire dyan ayaw lumabas ni baby!waa!inde ako nagpanic pero napapagod nako at sobra na ang sakit,si hubby inde na alam ang gagawin,inabot ng 7am wala pa din they try pushing (dito ako napasigaw ng husto!)then hubby decided to go for CS na he cant take it anymore na daw so they filed and hubby signed it,and they call an OB to rush me to the nearest hospital (sa clinic kase ako nanganak),

Then ayun badtrip kase pagdating inde agad nasimulan ang operation ang dami pang interview! >< nawindang ako. around 8:30 to 8:45 my tinarak saken dunno if pampatulog kase after non nahihilo nako at napapapikit na pero yung sakit andon pa inde n nga lang ganon kalala,then pinatalikod nako for anesthesia then the operation started. 8:50am nailabas si baby,8.6lbs si baby inde ata ganon kalaki sipit sipitan ko at di sya nagkasya.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: smurf on September 24, 2010, 11:53:27 am
hayz, i remembered ng maglabor ako premature delivery ang daughter ko 7 mos & 3wks sya i was admitted to the hospital dahil naka-open ang cervix ko they put antibiotic to control my labor kasi di pa dapat pero natuluyan pa din labas ni "patty".

my labor started from 6pm then patty came out at 5:08am... ;)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: sweetest_thing on October 02, 2010, 08:09:19 pm
Ako naman, nakaramdam na ko ng contractions ng 5am ng December 8 and me lumalabas na din sa akin na parang tubig, yellowish siya so I texted my ob to inform her and sabi niya pag tuloy tuloy na daw contractions, proceed na ko sa ospital pero di ako agad pumunta, mga hapon na, check up ko din kasi nuon so nung nalaman niya na 3-4cm na ko, pinaderecho na niya ko sa ospital. I was admitted at labor room mga 5:45pm then I gave birth at 8:55pm, nagulat nga ako kasi ang bilis and di me masyado nahirapan mag-labor, ang bait ng baby ko  :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: dimplethine on October 03, 2010, 12:17:12 am
hay sa lahat labor ang hindi makakalimutan... due date ko is september 4,09 i gave birth sept 05,09 as in naglabor ako 24hours... pinilipit pa rin kc inormal ng OB ko kaso hindi talaga kakayanin eh.. i was in the hospital 10am sept04 then diretso na sa labor rum then IE 2cm palang... pagdating ng 3pm IE ulit 2cm pa din.. ito na ang hindi ko makakalimutan every 2hrs na ko tinuturukan ng pangpahilab.. hyosine and my isa pa eh..grabe un sakit siguro kun un normal na labor ln ako kaya ko pa eh.. then 9pm IE ulit 4cm na..un pag IE pla saken parang every 30mins un ah shortcut ko ln para hindi maxado mahaba. tpos pinayagan ako magpunta sa rum ko para kumain ln ng kahit flakes ln kc as in wala ako kinain maghapon eh pagdating ko ng rum sumakit n naman ng bonnga un tiyan ko wala pa kong 3mins sa room ko binalik n naman ako sa labor room IE ulit..hay pero ganun pa din 4cm lumipas ilang oras halos mamanhid nalang un katawan ko sakit sobra 5am IE ulit 5cm palang ako.. nakamonitor nga pla un tummy ko d whole day para sa heart bit ni baby.. then 6am lumapit c nurse nagdecide na ko iCS nila ko kc hindi ko na din kaya then un din pla sasabihin sakin ng headnurse kaya pla lumapit and ng OB ko kc daw c baby nagpoopoo na eh delikado daw makakain c baby nun.. 9am schedule ako iCS.. ito na pagdating sa delivery room meron imergency na nid unahin iCS dont know kun anung reason natengga pa ko sa lbas ng hehe exactly 10:45 nagstart na ko iCS hay grabe experience ko sa paglalabor tpos CS din pla bagsak.. sana nun una pln pla nag paCS na ko para wala na hirap.. pero nun nkita ko na c baby kc pagkalabas niya pinakiss na siya saken..hayy sobrang nawala lahat ng pain na naramdaman ko.. :) :) :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: tifalockhart on October 03, 2010, 06:02:28 am
Ako naman, nakaramdam na ko ng contractions ng 5am ng December 8 and me lumalabas na din sa akin na parang tubig, yellowish siya so I texted my ob to inform her and sabi niya pag tuloy tuloy na daw contractions, proceed na ko sa ospital pero di ako agad pumunta, mga hapon na, check up ko din kasi nuon so nung nalaman niya na 3-4cm na ko, pinaderecho na niya ko sa ospital. I was admitted at labor room mga 5:45pm then I gave birth at 8:55pm, nagulat nga ako kasi ang bilis and di me masyado nahirapan mag-labor, ang bait ng baby ko  :)
Hi sis! Gano kalaki baby mo nung pinanganak mo sya? Tagtag ka po ba nung nanganak ka kaya mabilis ka lang nakapanganak? Sorry po medyo ot pero ask ko na din po kung anung month ka po nagstart magwalk? Sana ganyan din ako pag manganganak na ko :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: jengelo on October 03, 2010, 07:11:32 am
nag labor me ng 12midnight to 9am ,then hindi kinaya inormal kaya na cs na ako dahil nagpupu na baby ko .
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mummyness on October 03, 2010, 07:51:47 am
my waterbag broke at 12 mn.. gave birth after 14 long hours!!!! hahaha :) normal delivery, natural method, no anesthesia whatsoever :) looking forward to my next labor moment by the end of this month! wish me luck mommies! :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mommy_of_2 on October 03, 2010, 08:36:25 am
^ wow, galing naman.. goodluck and have a safe delivery again this time! ;)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mummyness on October 03, 2010, 09:25:28 am
^ wow, galing naman.. goodluck and have a safe delivery again this time! ;)

thanks darling :) actually i'll try to give birth here sa house eh :) we're just praying everything goes well, no unforeseen complications para no need to go to the hospital :) ayoko kasi sa hospitals eh amph! hihi :)

Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: sweetest_thing on October 03, 2010, 08:53:07 pm
hi, sis tifalockhart! my baby was 6.7 1/2 lbs. commute po ako everyday to and from work, i was riding the lrt so i think tagtag nga ako. pero yung walking-walking po di ko nagawa e. just pray lang sis for a safe and easy delivery and talk to your baby na wag ka niya pahirapan sa paglabas niya  :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: joluessi on October 04, 2010, 09:37:59 am
i was admitted at the hospital 10:00 AM of february 19 but not because i am already on the way, but because i am sick..but because i'm already 41 weeks pregnant, my OB decided to induce me nalang since it's also bad for the baby to stay inside me when my fever went as high as 39. still, they have to wait pa for normal labor pains.. kasi 2cm naman na ako at that time eh..

unfortunately, the whole day (and night) of february 19, no labor pains.. just high fever for me.. at 2pm of february 20, my OB decided na to manually break my water bag.. tapos, pampahilab through IV na, una pakonti-konti lang (the first time they gave me kasi nung pampahilab biglang nawala heartbeat ni baby:()..and then, mga 3pm, i'm already crying of pain na.. they gave me anesthesia (mahina tolerance ko sa pain, migraine nga lang umiiyak na ako eh).. nung mawala effect ng anesthesia, about 5pm, sobrang nagpu-push na ako on my own, but they told me pa to hold still kasi my OB is still on the way (nag-clinic pa ata siya, hehe).. they gave me epidural nung dumating na OB ko.. tapos they coached me nalang when to push.. first try, mali ang timing.. hehe.. hindi ko pa gamay.. second push, low energy.. kaya wala pa rin.. then i prayed to God to help me kaso sobrang exhausted na din ako at nanginginig na sa lamig (i still have fever:().. third push, 5:26 pm, nilabas ko si Lukas.. and i'm very groggy na at that time, with all the anesthesia and the epidural..

so from 2pm to 5:26pm, 3 hours and 26 minutes lang.. hehe.. pero the process! whew! not to mention my baby is 8.6 lbs!.. haayss.. sobrang praise God for the strength to push.. hehe..
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: Errych on October 05, 2010, 02:21:04 am
I gave birth 4 years ago, September 19 to be exact at Chinese Gen.
Way back September 17, 2006 at 10PM I felt very uncomfortable with unexplained pain in my pelvic area. I thought tired lang ako that day. But I moitored the contraction for any signs of labor. Painful but tolerable. I was not able sleep that night. I'm going up and down the stairs kasi our bathroom is located in the first floor. feeling ko napi-pee lang ako. Then by 5am, September 18, I saw blood sa underwear ko. I told my hubby about it. he texted my mom. My mom told him to get ready to go the hospital. I had all the things I needed and for the baby prepared ahead of time. I took a bath. When my mom arrives by 6am, we all went to the hospital. The usual routine, IE every now and then. But the baby is not ready to come out yet. She's only 36 weeks then. Through IV they gave me dose of medicines (pampahilab, etc.). Painful minutes became hours and turned in to day of waiting. Exhausted from lack of sleep and all the pain with no food only the IV supports me. I fell asleep around 11am, September 19. Then, an attendant wake me up saying "wag po kayo matulog". My hubby asked the OB to go ahead with CS but my OB refuses to do so she said "kaya niya pa yan".  :( After another IE at 12NN, she broke my waterbag. She said the baby needs to come out na because she might poop anytime. I prayed hard and talked to my baby. After intense labor pain, I felt the urge to push. After 2 pushes... the long wait is over... my baby came out and at that instant she poop.  :) No cry was heard but as soon as they clean her up we heard her cry. I passed out. And woke up at around 3PM. It was a painful journey but fulfilling.  ;)
1 day and 14 hours ako nag labor.  :(
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: jessicaeira on October 27, 2010, 10:46:57 pm
Hi mommies! Mine naman, since nakaadmit na ako sa hospital nun kasi induced labor na ako. Active labor started ng 5:30am, my waterbag leaked lang. So, pinapunta na ako ng labor room, 8am may IV infusion ako na with pampahilab na nga, then at 11am transfer na ako ng delivery room. I recall talaga, I started pushing ng 11:15am para bumaba si baby, mga around 11:45am i started pushing para lumabas naman na si baby zea then viola! She camed out at 12:08pm. :)) So, mga 6 hours ako in total active labor :D
Title: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: Tiger Lily on May 18, 2011, 01:54:07 pm
Please continue posting here. your labor and child birth experience part 1 (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,70.0/topicseen.html) already has 30 pages and is now locked but still viewable.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: Khaleesi on July 14, 2011, 03:58:33 pm
here's mine - my birth story (http://the-mommy-babbles.blogspot.com/2011/03/little-dudes-birthday.html)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: toughmom moderator on October 03, 2011, 08:19:31 am
Filipina Gives Birth during Philippines-San Francisco Flight
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/news/pinay_give_birth_flight/newborn-baby-ci.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/community/news/filipina-gives-birth-during-philippines-san-francisco-flight
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: Mommy Jazz on October 03, 2011, 02:13:49 pm
CS ako so I am not allowed to eat nor drink. Uhaw na uhaw na talaga ako ang I can feel it up to my throat. I asked my husband for a little sip of water.
Imbes na maawa sa akin, nag model pa siya habang iniinom yung tubig na parang commercial model ng softdrink tapos ngiti pa siya na parang refreshed na refreshed siya.
Hindi ako maka salita o sigaw sa galit kasi sasakit ang tahi ko. Nakaka bwisit.


My OB told me later na ang tagal daw tumugil ng pagdugo ko. She already administered a shot to stop it but my body won't respond. She decided to wait just a little bit more or I'll have transfusion na. Buti nalang tumigil din. Kaya pala ang putla-putla ko after the operation. My lips were so pale.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: kweykerz on October 04, 2011, 11:02:37 am
hahaha.. natawa naman ako sa kwento mo about sa pang-aasar ng iyong hubby mommyjazz...

at least nairaos mo naman na si baby kaya happy parin... :)

ako two months to go pa.. so excited na at the same time natatakot.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: kaijami on October 07, 2011, 08:08:23 am
@tigerlily--thanks for the corrections sis..hope this one is right na..

my labor and childbirth story.. it was aug. 04 when I felt the contraction..pero nasanay na ako na ninigas yung tummy ko parati kasi malikot si baby so super inom lang ako nang isoxcilan as per oby advised tsaka kasi i'm working so i thought normal lang. me and my hubby watch cap. america kahit hirap na ako, makagala hehe...date pa kame but i have a feeling na malapit na kasi every minute na ako wiwi ng wiwi(ganun dao kasi un sabi nila) aug. 4, I woke up around 9am to have breakfast and para makita si hubby pumasok sa work, nung umihi ako may discharge ako with blood like sipon.. so i texted my oby ayon pinapunta na ako sa hospital kasi dao nagcocontract na ako..anyway to cut the story short,happy and calm pa ako pagdating ko sa hospital..naka sexy dress pa ang lola mo and with matching make up (i never knew magiiba lahat pag naglabor ka hehe... ayon ako lang naman pinaka maingay sa labor room kasi lahat ng kasabay ko 2nd baby and other are like 3rd na mine is first.. lahat ng kurtina sa paligid ko sinara and even the resident na nakikipagchikahan saken iniwan na ako hehe..hindi tumalab saken yung ibang drugs na pang tanggal ng pain so until 9:30am i'm in pain tapos nun pinasok na ako sa DR i saw the anesthesiologist nasa ulunan ko nagbabasa ng magazine, i told her dra. baka naman pwede mo na ako injectionan niyan tanggalin nyo na si baby para matapos na they did after few sec. high na hehe...then few push i saw baby and I cried so loud(kakahiya but i'm proud)..that's all po.. :)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: Tiger Lily on October 07, 2011, 08:25:31 am
Reminder:

Posting in textspeak such as "aun, kc, taz, n, ngaun, etc." is not allowed in our forum. @ sis kaijami, please modify your post and correct all textspeak words that you used.

Please take time to read the Common Forum Mistakes (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,19944.0.html) so that you would be familiarized with the do's and don't's in SP Parent Chat.

Thank you.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: kweykerz on October 07, 2011, 10:56:25 am
..kakaloka birth experience mo mommy kaijami.. medyo kinakabahan na tuloy ako.. malaki ba ang tummy mo nung nanganak ka? kasi 7 mos palang ako.. pero parang kabuwanan ko naraw eh.. baka mahirapan akong manganak nito..
post ka naman ng pic ng baby mo nung bagong panganak palang sya..

ingat ingat tayo mga mommies :)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: bhea-bhea on October 07, 2011, 11:59:21 am
Me naman po I gaved birth last July 11, 2011.. That morning pumunta kami ni hubby for check-up sa lying-in clinic. 9am pa lang andun na kami ni hubby but my doctor came past 11am. Sobrang sakit na din kasi ng tummy ko for 2 days na and nagleleak na rin kasi ako. I tought it's normal lang na sumakit ang tummy ko kasi malapit na ako manganak,at sobrang madalas na din kasi ang pagtigas ng tummy ko nagawa ko pa nga mamasyal sa trinoma nung July 10. hehe... pero I cant really walk na. Kasi diba pag naglakad tayo mas mabilis bumababa si baby. Pero nung pagcheck ni ob sa akin.. ok naman daw ang heartbeat ni baby.. tama ang postion pero nung IE na.. bigla siyang nagulat kasi nga may nakaharang daw dun sa head ni baby kaya hindi siya makababa.. My ob told me na need daw akong I-CS right away kasi anytime baka pumutok na ang water bag ko... at the same time super sakit na din ng tummy ko 3cm ako that time.. yun. tapos nagleleak na pala yung water bag ko for 2 days... kaya inischedule agad ako ng cs sa pinakamalapit na hospital sa amin.. super shock ahko kasi hindi ko talga ineexpect.. madedelikado kasi si baby pag hindi namin yun agad ginawa.. between life and death.. kasi nga pag biglang bumaba si baby baka maputol yung cord niya and ang worst baka ma-drain na ako sa water.. So from 12pm ayoko talaga magpa_CS sabi ko sa doctor ko na baka mabago pa ang postion hindi pa naman ako manganganak.. pero she said she can't risk my life and my baby kaya baka mag 50-50 ako.. Natakot talaga ako nung narinig ko yun  kaya um-oo na lang ako.. Gamit yung car ng doctor ko I was rushed to the nearest hospital kasi ang lying-in hindi naman pwede mag-CS. So ayun.. lumabas si baby 6:17 pm... 7.6 pounds na siya.. tapos yun pala yung cord ng baby ko nakatali sa leeg niya sa body at sa feet at pati sa head.. kaya hindi pwede NSD.. pero lahat ng paghihirap as in nawawala pag nakikita ko baby ko... ok lang... medyo lumaki ang gastos.. ok lang basta ok ako at ang baby ko...

Ito yung pics ni baby when I gave birth,..
(http://photos-a.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc6/282566_1831753477560_1352093503_31501510_6521779_a.jpg)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: kaijami on October 07, 2011, 09:41:55 pm
@kweykerz---sis maliit si baby nung nilabas ko 5.4lbs siya pero matakaw and malaki tummy ko tapos mataas pa kaya nga pinipilit nila maglakad lakad e tamad hehe..vacuum NSD ako kasi yung position ni baby hindi nakataob e sabi ng oby ko sayang naman if iCS ako kasi nga maliit si baby so pinilit niyang inormal ako un nga lang vacuum plus super haba ng hiwa..ouch! hehe... ;)
eto picture niya sis nun nilabas ko siya..

(http://i1181.photobucket.com/albums/x435/kaijami/CIMG0764.jpg)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: ilovekendra on October 07, 2011, 10:32:36 pm
Hi mommies! Ako po normal delivery,thank God at nakayanan ko. Last february 20 lang po ako nanganak. Sobrang excited ko nga noon,pero at the same time natatakot din dahil sabi nga nila masakit daw ang labor. Well,here's my story:
february19 ng umaga,as in kakagising pa lang namin and schedule ng market day, i felt na parang masakit puson ko. I told my husband what I felt, and sabi ko baka ito na nga since 3days to go nalang before my due date. Still we decided to go to the market dito sa loob ng village namin,naglakad lang kami noon dahil ganun lagi namin ginagawa every morning para di ako mahirapan manganak. Pagdating namin sa house, I told y mom na parang nararamdaman ko na yung signs of labor. Sabi niya basta kapag hindi ko na kaya,agad ko sabihin para madala na ako ng hospital. Lumipas yung buong araw na sumasakit yung banda sa balakang ko hanggang sa likod. Naglakad lakad ako sa loob ng bahay pati sa garahe. Dinner came at sabi ulit ni mother,gisingin ko lang daw sila kapag ayun na. We slept at around 9:30pm,pero hindi na ako makatulog dahil every 15-20mins na lang pagitan at sumasakit na. Nakatulig ako pero 30mins lang yata. Pinipilit ko matulog since sabi ko sa sarili ko na bukas na lang ako magpapadala sa hospital. At around 12am, hindi ko na talaga kaya and my husband texted my OB kung pwede na ako magpadala sa hospital,pwede na dahil nabriefing niya na daw mga nurse doon. Hindi ko na nagawang maligo,diretso agad sa car since lahat naman ng gamit ni baby at gamit ko nakaayos na. Nung nasa ER na ako, 3cm pa lang pero inadmit na rin ako. Ang sakit nga ng swero, nakadalawang tusok pa since hindi maideretso sa una. Nagawa ko pa mgsmile kay hubby and sa mother ko nung inaakyat na ako. Tahimik lang po ako maglabor,syempre medyo masasabi mo n masakit diba. At 4:30am 4cm na ako,ngpainject ako ng medicine para hindi ko masyado maramdaman hilab then nakatulog ako. Pagkagising ko ng-show na ko tapos 5cm n and that's around 7:30am. Dinala na ako sa DR, saglit na saglit lang pumutok na panubigan ko and fully dilated na daw cervix ko. I gave birth at around 9:30am through normal delivery pero painless.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: kweykerz on October 10, 2011, 11:50:26 am
..mommy kaijami, at least nairaos mo na..   ;) yon ang mahalaga.. mahirap ba magpaling ng mahabang hiwa??
vacuum? ano nga ba yon.. may ginamit silang panghila kay baby???
anyway.. congrats.. ang cute cute ng baby mo.. sarap siguro ng pakiramdam noh??? gusto ko na tuloy manganak.. hehe...
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: kaijami on October 12, 2011, 06:02:36 am
@kweykerz--thanks sis.. true yan sis atleast nairaos ko hehe... matagal sis magpagaling and super sakit pag ngwiwi..natrauma kasi sa pain kaya nun nasa hospital ako finoforce ako nun nurse na magurinate sa bedpan..talagang I can't..ayao lumabas pero yung feeling na ihing ihi ka na kasi masakit na yung pantog mo..tapos funny thing tinakot ako nung nurse na pag hindi dao ako ngwiwi lalagyan ule ako ng catheter..sabi ko sakanya sige halika samahan mo ako sa cr ipapakita ko sayo ayoko lang sa hehe..
vacuum sis?oo sis hinila nila si baby.
naku sis naexxcite na ako makita din baby mo! relax ka lang sis and kaya mo yan! I'll pray for you to have safe delivery. kayang kaya mo yan sis!goodluck!
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: honeybabyme on October 12, 2011, 11:36:26 pm
pa join mga sis!!

I gave birth last June 02 2011,in a secondary private hospital NSD painless (daw!) :D :D
Nag umpisang magkaroon ng sign na  manganganak na ko June 01 ng hapon... may  "show" na pag wiwi ko... then after that nag umpisa ng mag contract ng sunod sunod pero di pa masakit. Hanggang 1am of June 02 ganon pero increasing yung pain, at 3am Ginising ko si hubby kasi kala ko manganganak na ko, nagpadala ako sa hospital, sakto pagtawag ng MIL ko (that time nasa NY sila) tinanong kung nakakatawa pa daw ba ako... bigla ako natawa sa tanong tapos sabi wala pa daw yun pero dinala parin ako ni hubby sa hospital..

Sa hospital, IE then tinawagan si OB ko, kinausap ako na balik na lang daw ako pag sobrang sakit na... eh that time sabi ko masakit na... yun pala may isasakit pa pala yun! 5am nakatulog si hubby ako naman nakapikit lang sa bed, dun ko naramdaman unang super sakit talaga... alarmed na ko parang yun na nga yung sinasabing "di na makakangiti", pero di parin ako nagpadala sa hospital ayoko kasing pauwiin lang kami ulet :( :(

10am na ko talagang dinala ni hubby and my mom, yung tipong di na ko makalakad pag humilab, ayun 4 -5 cm palang pero inadmit  na ko. Sa Labor room mag isa lang ako ang tagal ng oras!!! sobrang grabeng sakit pala, can't describe, wish ko lang nun manganak na. 2:25pm pa ko nanganak! Ramdam ko naman lahat, pag cut, paglabas ni Baby, pati fundal push mahirap din pala... yun lang after non, pinatulog na ko...Next thing after that 5pm na pala, wala ng tao sa palagid ko at groggy ako :o :o :o

Pag dala sakin sa room at nahimas masan ako kain agad ako!!! hehe parang 1 whole day kasi ata akong di kumain nun! Kinabukasan umuwi na kami!

Whew!hirap maging mommy every time na maaalala ko yun parang ayoko ng manganak ulet! hehe

Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: hanne on October 24, 2011, 07:46:51 am
naku, pinagkadasal dasal ko na wag sana ako ma-cs, kahit i-induce pa ako basta wag cs pero nahiwa pa rin  ;D

edd ko was oct 15 pero 2 days before sa check up ko, close and posterior facing pa ang cervix ko and mataas pa daw si baby. sabi ng doctor ko it won't happen within the week so ready na ako to go past my 40-41st week. then oct 19 nagpa BPS ako kase oct 20 ang next check up ko. the OB sonologist told me mababa na daw amnio fluids ko and advised me to go call my OB immediately. that same day (oct 19) pina-admit na ako ng OB ko. nung pinuntahan niya ako sa labor and delivery room at ni-IE, nagulat sya na basang basa yung gloves niya and asked me if i had watery discharge. sabi ko meron pero onting onti lang and it started monday (oct 17).

she advised me na magpa CS na immediately, pumayag naman ako kase una mababa na amnio ko and may times na bumabagsak ang heart rate ni baby at the same time KUNG meron nga akong leak the past few days we're very prone to infection. within half hour naka prep na ako and ready for the spinal anes. bale na-admit ako ng 2pm, dumating OB ko ng 6.30pm after several hrs of monitoring sa :L&D and i was wheeled in the OR at 7pm. my baby's birth time was stamped at 7.59pm.  :)

andito mas mahabang version ng kwento ko: http://1mom.tumblr.com/post/11814187737/birth-story
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mommyitelity on October 31, 2011, 12:56:11 am
pasali mga sis.. ako naman halos 24 hours. muntik na ako ma cs. grabe yung labor time ko. hindi ko alam gagawin ko. ang pag kakaimtindi ko sa painles is wala talagang mararamdaman pero iba pala, ang hindi lang mararamdaman ay ang pag tahi. grabe tlaga.. imagine 5 cm palang pinaire na ako ng pinaire ng ob ko para bumaba si baby kasi hindi sya bumababa.. nag start ako umire ng 7 pm nanganak ako ng 11 pm.. ang tagal ko umire ng umire. grabe yung pagod ko non. sabi nga ng mother ko nung nakita daw nila yung baby ko nagulat daw sila kasi parang apa yung ulo. sabi daw ng ob ko nakatulog daw ako at napagod habang umiire.. hay! hindi ko talaga makakalimutan yung araw na yun! pero ok lang. happy naman ako kay baby! haha..
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: imeego on October 31, 2011, 08:39:39 am
i started to have the dysmenorrhea-like pain 9am of oct. 10, pero di pa ako nagpa-admit kasi irregular contractions pa, punta muna kami ni hubby sa mall nung hapon for some last minute shopping pero napapahinto na ako sa paglalakad pag nagcocontract, but still tolerable pa yung pain... hubby texted my ob (friend niya) and we were advised to go to the hospital around 6pm pero 8 na kami nakapunta kasi naman ini-sterilize ko pa uli feeding bottles then ligo muna...pag-IE sa akin 2 cm pa lang, pinipilit ko pa  umuwi kasi alam ko matagal pa pero ayaw na ng OB kasi medyo malayo kami...sabi ko pa kay hubby in case abutan ako sa bahay eh ako na lang magpaanak sa sarili ko or sya na lang haha nagalit...so pumayag na ako magstay sa labor room magdamag...there is another patient there that time at ang lakas umiyak at sumigaw so di ako makatulog (sa isip ko ang arte naman neto hehe)....8 am, oct 11 dumating si OB, pag-IE niya 4cm pa lang and pag-check niya sa record, nag-lag daw yung contractions ko which is na-feel ko nga kasi humina talaga at dumalang interval...ayun nagpabigay ng oxytocin, after nun naging contractions to the max na, sobrang sakit na napapa-iyak na ako, wala na din ako keber kahit male intern yung in charge sa akin sa monitoring at nakabukaka na ako dun haha (part naman ng training nila yun at sanay na sila so ok lang)....nung ask ako kung gusto ko epidural, umayaw pa ako :P, pero  sa last minute parang nagsisi akong di nagpa-epidural...sobrang sakit na hehe...1238pm baby out na after 3 to 4 pushes lang,  sabi nga ni OB ang galing ko daw magpush ;D (aside from i know naman the proper way of doing this, takot ako na ma-stuck ulo ni baby or magkaron pa sya ng caput succedaneum  :)) sabi pa ni OB kay hubby ang taas daw ng pain tolerance ko, kasi nung sya daw di niya kinaya walang epidural ;D ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mamacharis on October 31, 2011, 10:22:22 am
29 hours ako naglabor pero till 3cm lang ako kaya no choice CS ako. buti na lang!! yehey!
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: ericamm on October 31, 2011, 10:57:06 am
nalilito ako pag nakakabasa ako ng mahabang oras (hours) ng labor.. Ibig sabihin ba nun nararamdaman nyo na yung sakit ng ganon kahaba? Ako kasi nagstay ako sa labor room for almost 20hours pero na-stock ako sa 5cm and NO pain at all. Naramdaman ko lang yung sobrang sakit na labor pain nung malapit na ko manganak, 7-8cm na siguro ko nun and halos 2hours lang then lumabas na si baby. Kainis nga eh, sana hindi muna ko nagpaadmit ng maaga kasi sayang metro ko sa labor room at sa private room, eh ang tagal naman nagprogress..
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: mamacharis on October 31, 2011, 10:59:04 am
@ericamm ako wala naman masyado pain na naramadaman kasi 3cm lang ako. medyo ngalay lang yung likod ko na parang gusto kong ipa-massage that time. buti na lang di ko naranasana yang mga sakit sakit na yan matatakutin kasi ako.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: clytie_27 on October 31, 2011, 11:07:23 am
Wow!!

Ako naman, parang 5.30PM sumakit yung tiyan ko at feeling ko poo-poo na siya.. so aun na nga.. tas after 30 mins ulit.. parang sumakit yung mismong vagina ko.. feeling ko napupunit.. so balik sa CR at nakiramdam ulit ako.. kala ko nga UTI kasi parang basa ang feeling..

Tas nawala na..

Eto na, 11:30 PM pareho nun isang mommy na may blood stain na akong nakita sa undies. thats the time na nagtext ako sa doctora ko.. aun every 30 mins na yung sakit niya. according to my mom masama talaga kapag dugo ang nauna.. ayoko padin magpadala sa hospital nun kasi nga madami akong nabasa na pinauwi ng hospital kasi parang hindi pa naman talaga as manganganak. so deadma ang sakit. naloka nalang ako nun nag 5 mins na yung interval pagdating ng 7:00am so by 8:00am nagpahospital na ko tas 4CM palang ako nun.. grabe!!.. by 1PM ako nanganak.. every hour naman nagmomove yung CM. takot ako sa gamot kea kahit masakit ayokong magpalagay ng epidural agad kasi sa mga nabasa ko masama daw un sa baby.. mabilis daw ang panganganak ko pero parang matagal padin hihi
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: hanne on November 02, 2011, 11:55:55 am
di ako nag-labor. i was 40wks 4 days tapos according the the BPP scan low na ang amniotic fluid ko kaya pina-admit na ako ng doctor ko. from 2.30pm to 6.30pm nakakabit lang ako sa fetal monitor, minsan nagda-drop ang heartbeat ni baby pero wala ako ni kahit isang contraction tapos 1cm lang ako throughout.

na CS tuloy ako kase maliit na daw ang chance na magwork ang induction since totally hinde ako nagla-labor per se, e hinahabol ng doctor ko yung amnio level ko. so by 7pm, nasa OR na ako getting prepped for a CS op.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: ysLim on November 02, 2011, 03:03:40 pm
naramdaman ko labor pains for 3hrs. naadmit ako 930am kasi pumutok na panubigan ko, no pain pa yun. at 10am masakit na sya. malakas ang contractions at 2mins ang interval. and at 1:07pm lumabas na si baby.  ;D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: aliya_liapot on November 03, 2011, 05:15:04 pm
hi sis! ako regular check-up ko lang nun sa asian then dapat punta kami mall ni husband after. after ako i-check, inadmit na ko agad. that was 2pm then i gave birth mga 9pm. pero madali lang ako nanganak, less than 10 pushes lang lumabas na si baby. nakatulong ata yung lagi kong paglalakad sa mall. hehe.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: -joanamber- on November 03, 2011, 05:53:51 pm
Dinala ko sa clinic ng 3pm and nanganak ako by 5pm. Bilis nga lang e.! Pero sooooooooooobbbbrrraaannggg SAKIT.! TO THE MAX. :D
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: two_angels'_mom on November 03, 2011, 06:22:23 pm
with my eldest more than 24 hours as 5am pa lang ng march 9 me contractions na pero tolerable pa pero nung gabi sobrang sakit na pero 3cm pa lang ako then kinabukasan pa ko ng 9am nanganak..kay bunso mas mabilis ng konti 12 hours..i was at the labor room by 2pm, got induced by 3pm and baby went out at 3:20am :)
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: kissablesam on November 04, 2011, 03:54:11 pm
I envied mommies here who labored & delivered fast. I was rush at the lying-in at 10:00 in the morning, I gave birth at 8:34 pm. my doctor already advise hubs & parents that I will be delivered to the nearest hospital for emergency cs thanked god! I got the injection for epidural ayun nakapanganak din ako after 10 hours of laboring. Natatawa ako pag naalala ko na nagagalit na si doc pati mga midwifes sakin kase hindi ako marunong umire. but it's all worthit.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: kathnrhai on November 05, 2011, 04:06:47 am
pasali po..

with my son, 24 hours of labor.. nagstart sumakit yun tyan ko, april 2,12:00 am nun, sabi ko kay hubby nasakit na nga pero nawawala naman ayun nakiramdam ulit and tnext na si midwife,dapat kasi lying in lang.
4;00 am,pumunta nkmi sa lying in,pag IE,aun 1cm plng kaya uwi muna daw kami balik kami morning ng 11am.tas nd parin tuloy2 yun sakit nawawala. 3:00 pinutok niya un panubigan ko,para daw bumaba na si baby, nakita niya nakapupu nadaw. inorasan ako til 7 daw pag dpako ng 6 cm,dalhin na ko sa ospital kasi nga delikado na samin ni baby. for CS nga dapat ako,,iyak na ko nun..hehe.natatakot ako sa cs eh.

@ 8:00 pm, dinala na ko sa hospital.pagdating dun ayun,tuloy2 na ang sakit. tas wala pa yun dr kasi my cncs pa sya. gang nag 11:00 na.dumating na sya, inIE ako ayun 9cm na and progressing pnga daw.. wow. Thank GOD..nanormal ako..hahaha.
 @ delivery room.. kaloka ang nurse. nangaway pako. saksakan ng daming skin test ang ginawa.pasaway! ang sakit2 kaya. tas nilipat pa ang dextrose ko dahil mali daw.ahh ewan... @12:24 am..ayun sa wakas, lumabas na din ang aking baby,.dinaganan pa yun tyan ko nung malaking babae dun.para daw lumabas. bading panga ang doctor.. sabi sakin, kath, ire kina. edi ako naman, ire.. bgla naman sinabing: AI, Naku, nakakaloka ka!! hindi ka marunong umire!!!hahaha.
Title: Re: Ilang oras kayo ng-labor during your Big Day? :)
Post by: -joanamber- on November 06, 2011, 10:43:09 am
Ang tagal nyo naglabor mga sis. Grabe, di ko maimagine yung pain na dinanas nyo during labor. Ako kahit 2 hours lang halos mamatay ako sa pain.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: jamillahreign on December 13, 2011, 01:51:47 am
hi mommies share ko lang po ang experience ko nun i gave birth hahha

...FEB 17,2011@ 8am-check up w/ my OB so sabi 2cm n daw me kaya baka mdaling araw daw ng feb.18 starting ng labor ko.. so it's true nga...

..FEB 18@ 1am-medyo msakit n tiyan ko so go na kami sa hospital but sabi is 3cm plng daw malayo p daw 7cm p ang kulang so uwi ulit sa house...
                 @4pm-i hve a dicharged,blood siya n may black and parang sipon so super kabado n me...dahil sabi anytime puwede ng pumutok ang water bag ko..

...FEB 19 @ 2am super hindi ko n ltga kaya 2-5mins sumasakit na tiyan ko back pain..
                 @5am punta na kami ng hospital den IE 4cm daw so lakad lakad until 9am
                  @11am pumutok n water bag ko den punta n LR ire ako ng ire but until 12pm crowning na me ayaw p rn lumabas ni baby hehhehe kahit iniject na me nang pngpahilab..
                 @2pm- pasok n me DR.sabi ire ko daw ng mtgal but gnwa ko n lahat ayw p rin talaga...kita n yung hair ni baby..kaya they have no choice but i-push n talaga...so by 3:30 pm lumabas n c baby...and teary eye me kaso at last lumabas n rin yung baby ko....almost 1 day of labor...im happy because my baby is healthy 7.5pounds...

http://www.facebook.com/media/set/?set=a.1806491117439.104177.1094757647&type=1
(here pics ni baby)

Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: mommatn on December 17, 2011, 03:02:18 am
pasali po  :)

I gave birth last year, Nov 27,2010. Nov 26 napunta pa ako sa Shangrila, nagcommute ako nun kasi gusto ko matagtag at nag jeep ako after almost a year na hindi ko pagjjeep :o Pero few days before that medyo may pain na ko nararamdaman. Then nagmeet kami ng sister ko at hubby sa mall, After dinner, nag coffee pa sila. Hindi ako makatawa kasi medyo masakit yung tyan ko pag tumatawa ako. 12mn na kami natulog nun. Around 5am, nagising ako kasi masakit na yung tyan ko. Ginising ko na si Hubby kasi feeling ko time na, pinakiramdaman namin hanggang sa naging 5-10mins interval nung contraction. I called my tita to ask kung yun na kasi hindi ko na kaya yung pain,she told me to go to the hospital na. 2 lang kasi kami ni hubby sa house kaya need ko pa tumawag sa relatives na may experience na. I took a bath at medyo natitigilan ako nun kasi masakit na talaga tyan ko. We left around 7am and arrive at the hospital at 8am. We're from Mandaluyong pero sa Marikina pa ko nanganak kasi yung Uncle (Anesthesiologist) at  Auntie (Pedia) ni hubby ang mga doctors ko, so free un  ;D OB na lang ang may fee 50%off pa dahil friend ng auntie at uncle niya hehe ;) So 8am dinala ako sa ER, then the doctor checked kung ilang cm na ko,I was 6cm that time pero sabi nila parang hindi kasi nagtatawanan pa kami ni hubby :P. twice din sila nag insert ng needle for IV kasi yung una nagrapture yung vein ko so nilipat sa kabilang hand. Around 9am nasa LR na ko and I was alone then they attached some cords in my tummy to monitor baby's heartbeat and my contractions I was watching TLC pa nga,may fave channel,swerte! Then I asked the nurse if my Anestheologist is there na,  she said yes and asked me why. Sabi ko magpapaepidural ako. Sabi nung nurse. Magpapaepidural ka e parang wala naman daw masakit sakit at tumatawa pa ko.  ;D yung Ob at nurse ko from time to time chinecheck kung ilang cm na ko. Tapos the nurse asked me kung gusto ko daw matulog,I said yes and she administered a drug na pampatulog. Unfortunately, I was very sleepy but the pain kept me awake. Then here comes my anest, fetal position na ko kasi mag iinject na sya sa spine for my epidural. after few mins, he asked me kung may kuryente akong nafifeel sa left leg, i said yes, Then I heard him saying na naku hindi pwede. He was very patient with me (syempre pamangkin niya si hubby ;D) He tried it again but he would stop everytime na may contraction kasi I didn't want anybody to touch me kapag nagkocontract. Tapos nainject na daw yung epidural pero there was no difference, I mean, the pain was still intense. After ilang mins, dumating yung OB ko,she checked kung fully dilated na ko, 9cm na daw then my water bag broke. ang bilis lang tapos super sakit na talaga,feeling ko lalabas na si baby hindi ko namapigilan . Dumating yung male nurse at nagmamadaling ilipat ako sa DR sabi ko wait lang at may contraction kaya lang dapat na daw ako ilipat kasi baka daw manganak ako dun. Nung nasa DR na ko, nandun na yung mga doctors at 4 nurses yata. 12:30pm nasa DR na ko at kinausap ako ni anest,tinutusoktusok niya ng needle ang legs ko and tinanong kung may nafeel ako, I said yes,he gave me local anesthesia pa kasi hindi yata umepekto ang epidural.Pero lahat naramdaman ko pa rin pati ang episiotomy! :-[ After nun,umire na ko. 4 pushes then Ayun na si baby @1:09pm! After nun parang nagshut down ako, nakatulog agad ako. After 30mis I woke up,nasa DR pa rin ako. nawala na yung effect ng pampatulog. hehe. Dinala nila ako sa recovery room gising na ko so 30 mins lang ako nagstay dun tapos dinala na ko sa room! :)

Super accurate ng 1st ultrasound ko. sa st. lukes ako nagpa transvaginal ultrasound at nakalagay dun nov 27,2010 ang edd. True enough, I gave birth on that day! :)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: makdonna on December 28, 2011, 09:18:12 am
(repost from another thread)

so here's my story. 

Dec. 22 may scheduled checkup ako sa OB ko around 9.30am. she did the routine IE habang chinichika niya ako. tapos sabay tinanong ako, "ano, gusto mo na ba manganak?" shempre nagulat ako. tinanong ko kung bakit. she said na 2cm na daw ako and my cervix is already 50% effaced. hubby and i asked kung may possibility ba na within the next 2 days manganak na ako. sagot ni OB, "baka magkita pa tayo mamayang hapon." sabay smile. parang she was so sure na manganganak nako talaga before Christmas. when we left her clinic, sabi niya, "see you later!"

so hubby and i decided na gumala na lang muna para makatulong. sa TMC ako manganganak so we went straight to Shang after the checkup para magwindow shopping at kumain. balak ko na talaga maglakad ng bongga para bumilis ang pagbaba ni baby. around 11.30am, naramdaman ko nang nagiging regular yung contractions. pero hindi pa masakit. mga bandang 2pm, naging 4mins apart na yung contractions tapos medyo masakit na rin. sabi ni OB pag daw naramdaman ko na yung regular contractions and/or nagleak na waterbag ko dumiretso na daw ako ng pre-labor room.

we got to the pre-labor room 3pm at may bonggang pila. sa TMC kasi 3 lang beds meron sa pre-LR tapos lahat yun may laman that time, parang 4 pa kaming nakapila. sabi nung head nurse idiretso na lang daw kaming mga nakapila sa labor room kahit for observation pa lang. inobserve yung contractions ko until mga 4.30pm, tapos sinabihan na ko ng nurse na totoong contractions na nga and my OB said na i'm ready for admission.

sooooobrang bored na bored ako nung nasa LR ako. IE every 3 hrs ako ng mga nurse. mga 7pm dumating OB ko, in-IE rin ako. wala pa rin progress, pero sobrang sakit na ng contractions ko that time. so sabi niya maglakad lakad daw muna ako sa hallways ng delivery suite. so naglakad ako for 1 hr. pagbalik ko mga 9pm sa bed, IE ulit. wala pa rin progress. mga 11pm bumalik yung OB ko tapos IE ulit, wala pa rin daw. dumating rin yung anaesthesiologist tapos nilagyan na ko ng parang IV through my spine for the epidural, pero sabi ko wag muna lagyan ng gamot. mga midnight nilagyan na ko ng oxytocin sa IV, para daw pampadalas ng contractions. until mga 6am, walang kamatayang contractions at IE with no progress. nung dumating OB ko around 6am the ff day, she said na puputukin na yung waterbag ko, then tinaasan un dosage ng oxytocin. after that, nagkaron na ng progress. mga 1cm every 2 hrs and pagbukas ng cervix ko. di ko na kinaya yung sakit by 8am, nagpalagay nako ng anes after 15hrs of labor.

around 2pm IE ulit ako. 7cm na daw ako, and 80% effaced. malapit na daw. tapos yung isang doctor, minamassage na yung tummy ko para daw tulungan na bumaba si baby. around 3pm, naramdaman ko nang soooooobrang sakit na talaga. as in, hindi na kinaya nung anesthesia. nung nicheck ako nung nurse, nagulat sya kasi almost fully dilated nako and ang baba na ni baby. ayon, biglang nagkarambola sa LR. pinaprep yung delivery room for me, nagtawag na ng mga nurse, tinawagan na OB at anesthesiologist ko. ambilis ng mga pangyayari. next thing i know, nasa DR nako and around 10 people were around me coaching me to push, push, push! 30 mins later, pinatong na ng OB ko si baby sa tummy ko, pinunasan sya and pinag-latch na agad sa breast ko. i remember thinking to myself, FINALLY!

sobrang kakaiba yung feeling nung nakita ko si baby. halu-halo talagang saya, relief, at disbelief. nung tinatahi ako, kinuha na si baby para ilagay sa incubator for observation. next thing i know, nasa recovery room nako 2 hrs later.

supposedly pala si baby 6hrs after delivery naka-room in na. yun ang policy sa TMC, to promote breastfeeding din, unless may complication sa baby. pero in my case, di ko agad sya naroom in kasi mahina daw yung suckling reflex niya and the pedia wanted to observe her pa daw. yun lang ang hindi masyadong magandang experience for me, na i had to go down to the nursery every 2 hrs round the clock kasi i had to feed her. other than that, ok naman lahat. my OB was super hands on, the nurses and medical staff were accommodating, and even the room was okay, considering na ward lang yung kinuha ko as part of the package. maayos yung proseso nila from admission to discharge, mabilis lang and helpful talaga mga tao.

ngayon, nakabantay ako sa gilid ng crib ni baby as i'm typing this. i still can't believe na sa akin sya lumabas just a few days ago.

good luck sa inyo, mommies! pag nadishearten kayo during labor, isipin nyo na lang yung case ko na 24hrs halos naglelabor. hehe! happy holidays to all! :)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: kulotski on February 17, 2012, 02:40:08 am
Hi mommies! Just gave birth kanina. ;D

Was feeling contractions na starting 2 days ago pero I dismissed those as normal signs lang na I'm close to giving birth na. Tas yesterday, lumakas na talaga nang lumakas to the point where di na ko nakatulog sa sobrang sakit. So we went to the hospital na kanina kasi halos umiyak na ko sa sobrang sakit and as it turned out, 6cm dilated na pala ako so I was rushed to the labor room. Opted for an epidural and 2 hours after that, ready to go na and was wheeled to the delivery room. I love the epidural, wala na kong pain whatsoever nun so parang nanonood lang ako ng TV while the nurses and docs were fussing around me. Gulat nga ako when they told me na fully dilated na ko kasi wala man lang akong nararamdaman.

I apparently have a talent for pushing daw kasi mga around 40min after entering the delivery room, lumabas na si baby without me breaking a sweat. Pwede nga daw ako magturo umire. Tas wala man lang akong nafeel na pain all throughout, not even when they were stitching me up.

The intense contractions at home notwithstanding, I had an awesome birth experience. Sobrang keri lang. ;D
Title: ..almost gave birth sa EDSA..haha
Post by: jorjajaja on June 28, 2012, 02:58:44 pm
sa mga mommies na almost di na umabot sa hospital or sa mga mommies na di natala umabot sa hospital..where din you gave birth?

i almost gave birth sa EDSA.  :) e di sana Epifania pangalan ng baby girl namin..hahaha..
Since, military hubby ko we opted sa Villamor Gen, Hospital ako manganganak kase dun di ako nanganak with our 1st child. Eto na nga, big day na..2am e sumakit na chan ko...3-5mins interval na contractions but i took the liberty pa to take a bath and pack the things na di pa na pack..3am e mobile na kami going to Manila pero sobrang sakit na..ask ni hubby if i want na sa Angeles Hospital na lang ako since sobrang sakit na nga...with the super woman that i am i said NO and sabi ko kaya ko pa umabot sa Manila. 100-120kph takbo ng kotse everytime nag groan ako sa sakit..Nung nasa may SM North na kami my bag of water broke...waaaaaa! ka loka! ramdam ko na lalabas na talga si baby..di na mapigila..i told hubby na sa V.Luna na lang kami kase di na talaga ako abot sa Villamore. Dumating kami sa V.Luna around 5:10am and i gave birth at 5:37am...o diba ang bilis...hahaha..3 push lang labas na si baby..buti na lang talga di ako inabot sa edsa kundi baka nasa news ako that day..hahaha
Title: Re: ..almost gave birth sa EDSA..haha
Post by: Mommy_Cathz on July 03, 2012, 12:46:41 am
bonga sis ang story and adventure ninyo mag-anak. :P
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: Errych on July 05, 2012, 06:21:48 pm
Merged with existing thread.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: ysLim on August 18, 2012, 03:18:49 pm
hi mga sis. gave birth last June 07, thursday. June 03,sunday, i was working when i felt that the contractions were regular at 5mins interval. i wasn't sure what to do kasi i never experienced that with my 1st baby(with her kasi my bag of water broke first followed by regular contractions at 2mins interval), so i decided to go to the hospital for evaluation.

sabi sakin malayo pa daw, 2cm and 80% effaced. balik daw ako pag meron water or blood. june 6, wednesday, i checked my underwear and it was wet and contractions were closer at 3mins interval. so i went back to be evaluated thinking na baka bag of water ko is leaking. negative pa din, 2cm 50% effaced.

nung pauwi na kami, hubby went back to the office, ako naman i went to the mall para maglakad-lakad. medyo malakas na ang contractions at yung sakit eh papuntang likod tapos pababa. hindi ko na inisip na bumalik sa ospital kasi baka pauwiin na naman. nakakapagod. kasi mga sis medyo mataas tolerance ko sa pain kaya hindi ko sure kung kelan ako dapat pumunta kasi wala talagang water or blood. para kasing yun lang ang batayan nila.

nakatulog naman din ako kahit medyo masakit na sya. nagising ako around midnyt para umihi, check ko ulit underwear, wala parin signs of water bag breaking or blood, but contractions are at 2mins interval. try ko ulit matulog pero nagigising ako sa sakit. ginising ko si hubby para diinan niya likod ko. tanong niya kung pupunta na ba kami ospital sabi ko wag muna. nung mga 4am na sabi ko punta na kami kasi masakit na talaga.

nung pababa na ko ng hagdan, ayun sobrang sakit na talaga. naglakad pa kami papuntang labasan. binibilisan ko ang lakad at naghahanap ako ng poste na mahahawakan ko kapag nagcocontract, tapos lalakad ulit. hehe. around 5:30am na kasi kami nakaalis. buti nalang nakasakay kaagad kami ng taxi, tsaka maaga pa so walang traffic.

pagdating namin sa labor room, tanong ulit kung meron water or blood, sabi ko wala pero sobrang sakit na. inIE  ako nung resident at pina check niya pa sa isang resident, ayun 9cm na pala ako, pero intact parin water bag, so dinala ako sa delivery room at pina ire. ayun pumutok, kasunod si baby. hinabaan ko na ang ire para tuloy-tuloy ang labas ni baby, kasi feel ko talaga paglabas ng ulo, balikat hanggang buong katawan ni baby. ang sakit.

inadmit ako 6:16am, 6:25am lumabas na si baby. :)

kala ko pa naman mas madali kapag pangalawa na. hindi pala.  ::)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: -joanamber- on August 26, 2012, 09:53:22 am
Joining. :)

Gave birth last August 16, 2010 and fresh padin sa memory ko yung panganganak ko. Hehe.
August 14 nagpunta pa kami ni Hubby sa Divisoria para mamili ng mga gamit ni baby kasi September 13 pa naman due ko, August 15 naglibot pa kami sa Robinsons ni Hubby. August 16 umuwi na ko sa house namin from Makati to Novaliches alone kasi papasok na si Hubby sa work, nararamdaman ko na sumasakit na tyan ko, kala ko napupoopoo lang ako pagdating ko sa bahay labor pain na pala. Dinugo na ko kaya tinakbo na ko sa Lying-in.

3pm pumunta kami sa Lying-in, 5pm lumabas si baby. RELIEF!!! :))

Ayun, ngaun 2 years na sya.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: babibi on August 28, 2012, 10:53:23 am
mine, august 4 pa lang my spots na, then august 5  medyo dumadami.. august 6 mas madami then my konting parang water na yung blood.. ligo then punta sa hospital, mga 1-2PM emergency room na ko then mga 3-4 PM skin test and ininject ako ng pampatulog so habang naglalabor ako tulog ako, nagigising lang ako pag parang nadudumi ako and sabi ng OB ko, baby ko daw yun then kapag nagigising ako saka nila sinusukat kung ilang cm na ako.. by 10pm medyo nagigising na ko kasi parang duming dumi na ko na di ko alam ang feeling then pina ready na yung delivery room then right after ipakilala sa aking ang anesthesiologist and pinaiiri ako.. ayun nakatulog na ko.. nagising na lang ako wala na si baby sa tummy ko and nasa recovery area na ko :D
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: miel31 on September 12, 2012, 10:24:47 am
joining..

parang hindi ko makakalimutan yung panganganak ko sa first baby ko last aug.26.. morning ng aug.25 may scheduled checkup pa ko kay OB, binigyan niya ko ng letter i-present ko daw sa resident OB pag nagka-active labor pains na ko. pagkauwi galing checkup, naidlip kami ni hubby kaso nagigising-gising ako kasi parang na-e-LBM ako, so 1pm, nag-c.r ako para magbawas. :D

after that, tulog ulet. nagising na naman ako ng 4pm at dumating yung kapatid ko, may dalang pasalubong and the whole family were there kaya ginising ko na din si hubby at nakisalo kami. kaso maya2 humihilab yung tyan ko kaya maya2 din ako sa cr. biniro pa ng midwife kong hipag si hubby, sabi, "nakakangiti pa sya e, ibig sabihin, hindi pa yan, pag hindi na yan makangiti ibig sabihin nun malapit na.."

that night, kahit anong antok ko, hindi ako makatulog. nag-timer ako at na-observe kong every 5mins na humihilab yung tyan ko. 5am, naihi ako, at nung nagwash ako, may nahawakan akong slimy discharge. so ginising ko si hubby, sabi ko sa kanya, "malapit na talaga". nung sumikat na ang araw, tinulungan ko pa maglaba si hubby habang sumasayaw ng super bass. :D

ayaw ko pa pmunta ng hospital nun kasi sunday, wala si OB, pero sabi ko pumayag na din ako. after maligo, pumunta na kami ng hospital, mga 2:30pm. dinala ako sa labor room. minonitor kami ni baby hanggang maging fully dilated ako. nung mga 8cm na, matagal na yung contractions kaya iniisip ko kung magpapa-epidural na ko hanggang sa nakalimutan ko na dahil sa pain,. 7:50pm, lumabas na si baby. :)
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: toughmom moderator on October 30, 2013, 12:41:59 am
"I did my skin regimen, put on some blush, lined my brows, because my husband might want to take videos or photos of me. I wanted to be prepared."
-Nicole Hernandez-de los Angeles

(http://www.smartparenting.com.ph/images/nicolehernandez-web2.jpg)

http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/my-birthing-story-nicole-hernandez-de-los-angeles
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: Carley Ayesha on November 18, 2013, 02:05:54 pm
My Birth Story
"Chloe Annika 11-12-13"
Well Family Lying-In Clinic Pasig Branch


Nov 10 -Weekly check-up ko, i was informed na may Internal Exam ako so expected ko na yun. Pagdating sa lying-in check up na agad, 36 weeks and 6 days ako that day. Pag IE sakin, i was 1-2cm with soft open cervix (Salamat sa Pineapple na kinakain ko lagi) Niresetahan parin ako ng Eveprim para daw di ako mahirapan manganak. Masakit yung pag IE pero keri lang, lagi kong iniisip e mas masakit manganak.


Nov 11 -12am to 1am nakaramdam ako ng strong contractions, pero since di ganun kalapit intervals e keri lang. Natulog nalang ako kasi sobrang antok pa ko.


12pm to 1pm mas lumakas na yung contactions na nararamdaman ko, nararamdaman ko na bumaba yung baby ko kasi sa puson ko na gumagalaw. Ayaw ko sana papasukin husband ko sa work kasi iba na yung feeling ko, kaso sabi ko keri ko pa naman kaya pumasok na siya at his 2pm to 10pm shift.


3pm pag CR ko nakita ko may mucus plug konti lang pero wala pang blood. Nagready na ko ng sarili ko. Ligo, shave, poop. Kaso inantok naman ako kaya natulog muna kami ng panganay ko.


7pm worried na ko dahil sa contractions ko kaya i decided na magpa check kung ilang cm na ko, sinama ko cousin kong 7 y.o. naglakad lang kami para pampa tagtag na din. Pagdating dun nagulat sila kasi sabi nandun lang ako kahapon, sabi ko e sumasakit na tyan ko. Pinahiga na ko sa check up room then IE, 3-4cm. Nung tinanong ko kung ilang cm pwede magpa admit if Painless Delivery, pwede na daw ng 3cm. Natuwa at naexcite ako kasi alam ko mailalabas ko na agad yung baby, since malapit lang bahay namin at wala akong kadala dala sabi ko uwi muna ko and antay ko din husband ko. Nagpack na ko ng gamit pag uwi and inantay ko nalang husband ko dumating ng 11pm. Ang nararamdaman ko lang na sakit e yung pag IE at mild contractions.


Nov 12 -12am dumating na kami sa lying-in and nagpa admit na ko.


12:30am nilagyan na ko ng suero. Ang nakakainis na isang midwife pinag practice-an ang ugat ko! Tusok sya sa bandang kanan ko sa malaking ugat, aguy! Ayaw dumaloy, naka ilang hugot at saksak ganun padin. Sabi butterfly nalang daw para sure, sa kaliwa naman. Ayun ok na, di na ko nagreklamo kasi gaya nga ng laging nasa isip ko, mas masakit manganak.


Around 12:45am nilagyan ng pampahilab yung dextrose at buscopan para mas mag open at lumambot yung cervix.


1:40am nararamdaman ko yung contractions every 5 mins, tolerable pa naman. So natulog muna ko.


5am nagising ako, parang may nag sisigawan. May umiiyak ng malakas. Yung isa palang kasabayan ko e nanganganak na, sabi ko sa isip ko buti pa sya nakaraos na. Naiinip na ko kaya text2 muna ko sa mom ko to update since husband ko lang kasama ko.


7am another shot ng buscopan.


9am IE ulit, pero this time sa Delivery Room ako pinwesto. Since IE ang nasa isip ko e di ko na ginising husband ko na nakatulog na. Sobrang sakit ng pag IE sakin this time, parang buong kamao ang pinapasok at napapangiwi talaga ko sa sakit. 3-4cm parin ako, so di pa bumababa si baby. Sabi sakin puputukin nila panubigan ko, parang may sinusundot sa loob tapos biglang nag gush yung tubig sa ano ko, parang fountain lang nakakatawa. Dun ko na naramdaman yung sinasabing nag aactive labor ka na. Pag IE sakin after nun 7-8cm na, mangiyak ngiyak na ko sa sakit. Pinagising ko na sa isang midwife yung mister ko kasi lalabas na nga daw. Dumating na yung Doktora na magpapa anak sakin, umire lang daw ako pag humihilab para bumaba si baby then lumabas muna sya. Iba yung pag hilab niya parang x10 masakit ang puson, balakang, pwetan, katawan, lahat2 na. Halos madurog ko na kamay ng mister ko sa pag press kada humihilab.


Bago mag 10am pumasok ulit si doktora, pag kapa niya 8-9 cm na, kita na niya yung head kaya pinapush na niya ko. Advice niya yumuko then impit na pag ire na walang sound at mahaba at isabay sa pag hilab. May nilagay na gamot sa dextrose pero di ko na inusisa kung ano dahil puro sakit na ang nararamdaman ko. Habang umiire ako aba nag chichismisan pa sila ng mga assistant nyang midwife, nakakatuwa sila tignan kasi parang usual lang na may nanganganak. 3-4 pushes lumabas na si baby. Laking ginhawa! Pag labas na pag labas Knock Out ako, ni hindi ko alam na hiniwaan at tinahian ako. Di ko na din maalala kung paano ako napunta sa room. As in tulog.


Ginigising gising ako para magpa dede. Mga after lunch dumating mom ko at dad ko. Kahit nung pag gising ko daldal daw ako ng daldal na di ko alam mga pinag sasasabi ko, haha! Kinagabihan 7pm umuwi na kami agad kahit sobrang hilong hilo pa ko, ayaw ko na mag stay dun asi gusto ko makatulog ng maayos.


Now nagrerecover na ko, nag girdle ako agad and malaki yung tulong niya kasi nakaka tayo na ako ng deretso at nababawasan sakit ng puson ko kasi naka press. Naka gala na din ako sa mall kahapon, hehe! Ang feeling ko now ayaw ko mag stay masyado sa bahay kasi naiinip ako, pero kailangan sa bahay lang ako kasi breastfeed si baby. Thank God ayaw niya sa bote.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: mhiles16 on November 22, 2013, 05:14:24 pm
hi mga mommies pa join sa topic.i would like to share my experience in my childbirth.

In my eldest son he was born at my oby clinic at pasig. June 21, 2011 hindi na ko pumasok para makapag pahinga.but i feel na hindi maganda.pero wala pa kong contasaction na nararamdaman.then we went to the with my husband to deposit.then sabi ko san kanya punta tau sa clinic.pacheck up lang ako.then we went to the clinic after namin sa bank. 1pm andon na kami sa clinic pero hindi pa ko tinatawag then we decide to eat lunch.
bumalik na kami sa clinic after namin kumain then natawag na pala name ko at pumasok n din ako sa office ng oby ko for my check up. then IE niya ko 3cm na pala ko nun and naglalabor na daw ako.pero wala ng maramdaman na sakit and naadmit na din ako.6 pm nilagyan na ako ng dextose at pampahilab.mga 9 pm humihilab na tyan ko until morning. June 23 IE ulit 6cm pa lang ako then pinutok na water bag ko after 30 mins super sakit na ng tyan ko.
1pm lumabas na ang baby ko.

Eto ang mas maganda at smooth when I gave birth to my second child. June 5, 2013 6 morning humilab tyan ko pero tolerable pa naman.then naligo na ko kasi papasok ako sa work.humihilab pa din pero hindi ganun kaintense.nakapaasok pa sa work 8 am nsa work na ko.at hindi ko na alam un interval ng hilab kasi panay panay na.9 am hindi ko na talaga kaya.tapos dinala na ko ng mga officemate ko sa makati med na un lang ang malapit na hospital sa work ko.hindi na ko naipasok sa emergency kasi sa loob pa lang ng car lumabas na sang baby ko.wala akong naramdaman na pagputok ng water bag at walang dugo din blood na lumabas kaya akala ko un contraction na naramdaman ko ay hindi pa ko manganganak.but i'm thankfull kasi healthy ang baby ko.
Title: Re: Your Labor and Childbirth Experience Part 2
Post by: Denaia on April 25, 2014, 11:34:06 am
Joining! ;D

I'd share my labor and birthing experience with my first baby.

Entire Valentine's Day, may discharge ng lumalabas sa'kin so nagkakutob na ko. I didn't go to work na kasi worried na ko  I thought naglileak na yung water. *I saw kasi na ang water bag daw eh pumutok ng not as dramatic as we see in films and tv shows na isang malaking gush. sometimes daw, unti-unti lumalabas* Sabi naman ng hubby ko that if water ko yung nagbreak I would really know na yun na yun. At first I didn't understand what he meant. And then I did... at 2AM.

I woke up nung parang may pumutok sa loob ko as in I heard and felt this POP! tapos gush of water. *hah! so medyo totoo rin pala yung nasa movies* I didn't feel any pain at all. Parang very mild pain lang. I called my dad to pick me up kasi hubby was at work. I just texted him "My waterbag broke. I'm going to the clinic." I was calm and panicky at the same time. I didn't know that was even possible. Hindi ko alam kung pupunta na ko sa clinic kasi agos ng agos yung water bag ko. My concern was nakakahiya na magkalat sa clinic. I called them up and they said punta na ko agad. So kahit umaagos yung water bag, go na kami. *Hindi ko naisip na pwede ako magsuot ng adult diaper* LOL

When I reached the clinic, mega tulo pa rin yung water bag ko as in agos.  Tapos nung sinabi kong hindi humihilab, nilagyan ako ng dextrose at ng pampahilab. IE na rin ako and it revealed 3CM so technically, hindi pa ko dapat active labor. I was told na need lumabas ni baby within 24hrs or i-ccs ako good thing na clear yung water so hindi pa stressed si baby.

The next hours went like a blur. I was in labor for 5hours and the experience was actually... just okay. I'm one of the lucky ones I guess? At Feb 15, 7AM I gave birth to a healthy baby boy.

Now, the funny part is after I gave birth, Unlike other moms who immediately lost consciousness after giving birth, I was actully awake and still full of spare energy. And I also know they were going to stitch me up, and I've heard and read about moms complaining how painful stitching is. During labor, I felt being cut so my concern was I don't want to feel the pain. So kinausap ko yung doctor ko. Sinabi ko sa kanya wag ako tahiin ng gising pa ko. Sabi niya patutulugin naman ako. Tapos nagrereklamo ako kasi hinuhugot niya yung placenta eh humihilab na naman. Sabi ko, mamaya mo na yan gawin kapag tulog na ko. Eventually bigla na lang ata ako nagblackout.

Nagising na lang ako na mala-Walking Dead ang eksena. I was still lying on the bed at the delivery room. I hear a baby's cry. I was calling for a nurse but walang sumasagot. So, like Rick, I helped myself down the bed and super hinang hina ako. Naglakad ako papunta dun sa umiiyak na baby. And in the room, I see the bassinet with the crying baby. May yellow light pa na nakatutok sa baby kaya para talagang eksena sa pelikula. Nung naabutan ako ng nurse na ganon, pinagalitan niya ko. Haha! Overall, it was a memorable and very funny experience.

Oh and my hubby came after an hour. Buong akala niya naglilabor pa ko since di ako sumasagot sa tawag niya and first baby so normally matagal ang labor. :)
Title: Share your labor and giving birth experiences naman po to first time moms!
Post by: MommyOosy on June 24, 2014, 02:50:24 pm


Hi mga mommies! I'm 39 weeks pregnant sa first baby ko at according sa due date calculator na triny ko June 29, 2014 ang due date ko. Five days from now yun. But my first ultrasound, 5 months ang tummy ko, July 12 ang due ko pero mali ang LMP ko dun, imbes na September 22, October 22 ang nakalagay. So nag try ako na mag search sa net kung pano icompute ang due date and I ended up nga sa June 29. Pero nagwo-worry lang ako kasi mataas pa masyado tyan ko. Then last ultrasound ko naman, 8 months ang tummy ko nun, binigyan ako ng due ng August 2 kasi payatot daw baby ko. Pero kung August 2 naman over due na ako masyado nun. Ask ko lang, kahit ba payatot daw yung baby ko like for example 39 weeks na sya dapat pero ang size niya is pang 35-36 weeks lang lalabas pa din ba sya sa due date na yun? Di ko kasi masabi kung manganganak na ba ako kasi mataas pa tyan ko, as in mataas pa (kulang yata kasi ako sa lakad). Tapos konting white mens lang lumalabas sakin, bihira pa. Walang blood signs ang undies ko. Pero medyo madalas ang paninigas ng tiyan ko pero di naman masakit. Medyo sobra din ang likot ni baby these past few days. Para syang umiikot sa loob ng tyan ko tapos maninipa tapos titigas ang tiyan ko. (di naman to ganun kasakit). Tapos minsan may kirot sa puson na tolerable, minsan may kirot na masakit. Di sya mismo sa puson, sa medyo gilid pero hindi naman sa singit. (hindi naman matagal na sakit, mga ilang seconds lang tapos mawawala na tapos bihira ko lang ma feel yan).

SORRY medyo madami akong tanong, malayo kasi mama at MIL ko kaya wala ako mapagtanungan. Sana may makapag share sakin ng experiences nila dito. Thanks! :)