Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => FAQs and Common Pregnancy Concerns => Topic started by: qt_mom_c on August 10, 2010, 04:58:27 pm

Title: pregnancy test accuracy
Post by: qt_mom_c on August 10, 2010, 04:58:27 pm
Smart Parenting is giving away  awesome prizes twice a month! Register now. Click HERE (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=115533) to know how.
Mga sis, tanong ko lang dun sa may mga experience, minsan ba sumasablay din ang PT na nabibili sa mga drugstore? Kasi hindi ko pa na experience yan, during my first pregnancy, kinuhanan ako blood sample mas accurate daw kasi than sa urine..  :-\

Mod's note:
A Faint Second Line on a Pregnancy Test: Is a Baby on the Way?
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2017/12/05/120517-pregnancytests.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/are-home-pregnancy-test-kits-100-percent-accurate-a00041-20171205?ref=parentchat

Related topics (click the title/s):
Missed period? Spotting? Am I pregnant? What are the signs?  (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=23763.0)

How soon can pregnancy (+/-) be detected with use of Pregnancy Test (PT) kit? (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=40032.0)

delayed period but negative on bloodtest/PT. Am I pregnant? (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=62013.0)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 10, 2010, 06:05:01 pm
sabe ng OB ko before may times din daw na nasablay ang PT gamit yung urine sample pero nowadays yun ang unang ginagamit ng mga girls kasi mas madali makakuha ng result at mas accessible kasi mura na madali pa mahagilap ,. pero para sure ka talaga na preggy ka or not go to your OB po  ;)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: timothy on August 10, 2010, 09:42:11 pm
Personal experience ko, yes! nung  pregnant ako kay tim, January last period ko. Check ako ng last week of february, negative. Twice un, pareho (-). Kaya todo exercise, buhat, at kung ano ano pa gnagawa ko. Nainip nako kaya 1st wk ng March punta ko OB, bumili kami kit sa kanya. 350 yta un pero hi-sensitive daw.  E un. almost 5 -wks na pala akong pregnant. Buti makapit si Timpot,hehe. 6 yrs in the making pa man din sya.*u*.
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: mixx on August 10, 2010, 10:39:45 pm
yes! galit na galit ako kasi since teen mom nga ako, di ko alam bakit ganun kamahal yun, around 180, tapos biglang sasablay siya, wala man lang lumabas na linya. dalawa pa binili ko ha. kahit isang linya or dalawa wala talaga. badtrip super.

bsta ang itsura niya, may flag siya na american flag. pag nalaman ko kung ano yun, isisigaw ko talaga dito. epic failure na test yun, dagdag kaba lang at sayang lang sa pera ko. :( 360 pesos din yun. sana nakabili ako ng something more accurate. sa watsons nabibili yan. badtrip talaga. :(
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 10, 2010, 10:47:30 pm
OT lang ha: baket ang mamahal ng mga binibili nyong PT kit heheh ,. ako kasi 80php lang epektib naman  ;D
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: timothy on August 10, 2010, 10:55:14 pm
ganun din bili ko mommy caramel. Cheaper pa yata,hehe. Kaso palpak. Nung ma confirm ako na preggy, sinubukan ko ulit yung dati kong binili. Ayun, (+) na. ewan ko ba. Di ko din maintindihan kung bakit nagka ganun considering na 4weeks preggy nako when i first made the test. E days lang naman ang pagitan before ako pumunta sa OB at nag (+). :o
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: mixx on August 10, 2010, 11:12:06 pm
OT lang ha: baket ang mamahal ng mga binibili nyong PT kit heheh ,. ako kasi 80php lang epektib naman  ;D

dun ako sa mura naging accurate e. badtrip na badtrip talaga ako. :((
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: mybhie06 on August 11, 2010, 10:43:34 am
Hmm ako naman baligtad, dun ako sa cheaper preg test nag negative. Sa experience ko, maganda yung Medic na pregnancy test kit kase yun ang accurate talaga ang result. Mga 100 plus lang yata yun, di naman ganun kamahal
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: neryssa on August 11, 2010, 01:51:37 pm
Ako naman mga sis...I was feeling a preggy na ko =) kasi 1 month na ako di nagkaron...

Shempre, single ako super,scared talga ako...I texted my friends about my worries and sila yung pumilit sakin na mag PT ako... so napilitan ako...Tambay kami sa isang coffee shop...Nung dumating na yung friend ko na may bf..sila pinabili ko =) Binili nila yung tig 30 pesos lang...cheapest PT ata yun =) ;) Tapos sa cr ng coffee shop ako nag test... and yes wala pang 1 minute 2 na pink lines niya! :) I am pregnant...

Pero shempre di pa rin ako naniwala kasi nga ayaw ko pa ma-preggy =) I'm scared! Pnau ko sasabihin sa parents ko and all that...

Tapos after a week, nag-punta ako sa world citi...I will never ever go there talaga! I swear! Isinusumpa ko yung doctor na tumingin sakin dun...hahaha! :) Sinabi ko na nga na pregnant ako eh....Imagine pinag pregnancy test pa ulit ako...Just to be sure daw..Ako naman tong si windang..yun..pumayag, wala siya ginawa kahit ano, PT lang ha...how much nagastos ko? P800.00 para lang malaman kung buntis talga ako! So t make the story short, after nun, nalaman ko na buntis nga talga ko...no doubts! I was pregnant...At pinabalik pa ako..but I never went back...Nag punta na ko sa Medical City after that... ;)

Ang mahal ng PT nila dun! Imagine! yun lang ginawa sakin, P800.00 na! Kaya ako, after that, feeling ko, kahit cheap yung PT...it works pa rin naman =)

Funny talga...
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: momi gly on August 11, 2010, 05:30:57 pm
sa akin naman baliktad.. unang PT ko positive. so inulit ko uli after ilang days negative naman. hehe.. nung nag-aaral pa ako nyan kaya talagang kabado ako..

Then yung sa dinadala ko ngayon,negative nung unang PT. try ko after a week yun positive na.. then nitong nakaraan lang nakita ko yung negative na PT ko.. visible na yung 2 lines. kaso medyo malabo yung isang line.. :)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: xtin3810 on August 11, 2010, 07:13:31 pm
as far as I know very very rare ang false positive.. pag positive results, wala ng duda.. you'll have a bundle of joy in the next 9 mos
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 11, 2010, 07:37:22 pm
sis timothy at sis mixxo: naku siguro nga sadyang napalpak talaga mga PT ganu man sila kamahal o kamura ,. pero in my case effective yung nabibili sa generika hahah . .  ;D magpromote daw ba? nahihiya  :-[ kasi ko bumili sa mercury kasi gma pogi andung pharmacists hehe  ;D :D ,. minsan si hubby na lang pinabili ko  ;D ;)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: timothy on August 11, 2010, 08:01:53 pm
^agree mommy. Wala sa price ng kit talaga. Natsempuhan lang siguro yung palpak na kit.c",).
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: lovebhey on August 12, 2010, 02:50:25 am
ako dn 80 lang,never png pumalpak ang pagamit ko ng pt.yun agad gamit ko.never naman pumalpak.
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: Mlabable on August 12, 2010, 04:26:27 am
With me naman, mura lang then wala pang 100 pesos yung kit, naka 4 times na PT ako lahat positive..
 
Yung first try ko kasi di ako marunong, inihian ko yung kit (sorry kung disgusting ha.. ) sa office pa yun, sabi ko sa sarili ko bat ganun wala naman lumalabas na lines..
 
Then next day bili uli ako, binasa ko na mabuti kung pano gamitin.. Siguro mga 5 drops dun sa kit wala pa rin result then tinago ko na sa cabinet then pagtingin ko ulit after many hours dun lang lumabas false positive kasi medyo malabo.. Maraming beses akong nag try kasi gusto ko ma-confirm na preggy ako.. Kasi mahigit 3 years in the making then yung baby namin (pero gf/bf pa lang kami, pero gusto na namin ng baby.. hehe)
 
Kaya nagpacheck-up na ko, kaya pala false positive kasi medyo mababa pa yung HCG kasi at 4 or 5 weeks palang nalaman ko na na preggy ako.. Gustong gusto ko na kasi mabuntis talaga that time..  :)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ilovegabe on August 12, 2010, 07:00:05 am
Usually yung mga PT kits in the market are accurate naman, the problem is the hormones in our pee. Minsan onte palang not enough to be detected by the kit. I have a friend na ilang beses na syang nag PT lahat negative, but she knew she's pregnant kaya nag pa blood test na sya talaga. It came out positive, mababa lang daw siguro yung pregnancy hormones niya.
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: qt_mom_c on August 17, 2010, 04:12:38 pm
as of to date, 17 days delayed na ako last ko na PT using urine PT kit was last week, negative pa din sya...this coming saturday pupunta na ako sa OB ko baka nga buntis ako kasi regular naman ako mag mens eversince..si hubby ko excited na maski di pa sure kasi pangalawa na namin itong baby if ever buntis nga ako, after 4 years din kasi ang hinintay namin bago kami nagkababy nung aming panganay na mag 2 years old na next week..:)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 17, 2010, 04:18:49 pm
as of to date, 17 days delayed na ako last ko na PT using urine PT kit was last week, negative pa din sya...this coming saturday pupunta na ako sa OB ko baka nga buntis ako kasi regular naman ako mag mens eversince..si hubby ko excited na maski di pa sure kasi pangalawa na namin itong baby if ever buntis nga ako, after 4 years din kasi ang hinintay namin bago kami nagkababy nung aming panganay na mag 2 years old na next week..:)
congrats sis! hehe  ;D
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: Nunal on August 17, 2010, 04:42:11 pm
ako nung na realize ko na delayed na ako ng 5days i used Medic pregnancy test twice and (+) parehas ang result, then i consulted my OB right after na malaman namin ni hubby na (+) nga sbi ng OB ko once nag (+) ang PT sure na yun pero pag nag (-) there are chances daw na di accurate yun..
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: thansher01 on August 17, 2010, 04:51:57 pm
OT: bakit kaya minsan nakaka-shy bumili ng PT sa drugstore noh.. knowing na we're married and all.. ;D
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: Nunal on August 17, 2010, 05:36:06 pm
OT: bakit kaya minsan nakaka-shy bumili ng PT sa drugstore noh.. knowing na we're married and all.. ;D

i agree :) nahiya din ako nung bumili ako ng PT. kung pwede ko nga lang sabihin that time na hello 1 year namin ito inantay ni hubby noh!! hehe
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: qt_mom_c on August 17, 2010, 05:53:05 pm
thank you sis carmela! :)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: thansher01 on August 17, 2010, 05:57:22 pm
OT: ^ sis mommy zhel, one time pa nga, sa sobrang shy ko sabi ko sa SA, pwede ba toh sa dog? ;D. need ko lang kasing bumili non ng PT kasi iba pakiramdam ko. nasusuka ako often. though hindi pa schedule ng menstruation ko. gusto ko lang makasigurado.. funny diba? just want to share lang
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 17, 2010, 06:03:34 pm
OT: bakit kaya minsan nakaka-shy bumili ng PT sa drugstore noh.. knowing na we're married and all.. ;D

kasi sis di ba di naman lahat ng tao alam na kasal ka na eh judgmental mga tao haha kaya minsan mahihiya ka pa rin ;D

ako naman nahihiya kasi mga pogi mga taga-mercury samen hahaha  ;D



thank you sis carmela! :)

sis caramel po ;D
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: qt_mom_c on August 17, 2010, 06:08:05 pm
^ ay sori sis caramel pala hihi :))
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 17, 2010, 06:12:14 pm
^ ay sori sis caramel pala hihi :))

hehe ok lang po ^^
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: MaritheMom on August 19, 2010, 08:46:05 am
Sa tatlong pregnancies ko, bago ako magpunta sa OB nagp-PT muna ako using the kits. I used Blue Cross urine pregnancy test.
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: happygracie on August 19, 2010, 09:40:18 am
i think 99% accurate talaga. unless defective yung PT.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: chelle_peachy0524 on October 30, 2010, 07:13:59 pm
as far as pregnancy test is concern, it is accurate naman as what my ob told me. if irregular ka, then there might be a problem in checking kung pregnant ka or not. consult your OB. try to use MEDIC pang test kung preggy ka o hindi... goodluck =)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: JhoLapierre on October 30, 2010, 08:29:32 pm
for me its not that acccurate sis...
naka 3 akong PT before nag positive  ::)

Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: joluessi on November 02, 2010, 01:53:14 pm
Depende siguro sa brand ng pregnancy test. But as for me, accurate naman siya. Negative when it was supposed to be negative and positive when I really got pregnant.:) Forgot the brand of the p-test I used eh. Iba-iba din kasi..
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: mommy ni gwen on November 02, 2010, 02:02:30 pm
kung irregular ka sis, i suggest you wait 45 days from the first day of your last menstruation. may nagsabi lang sa akin na dr nito dati. tapos if mag neg, try after a week. pag negative pa din at hindi ka pa nagkaron, consult your OB na lang kasi baka hormonal imbalance.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: smurf on November 02, 2010, 02:09:51 pm
hi annacolumbres! welcome to SP, for me & to my sister accurate naman ang pregnancy test kit kaya lang in your case na sabi mo nga irregular ang monthly period mo then i guess better be if sa OB-Gyne ka na direct check up para hindi ka na sure ka.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: TineNiItoy on November 02, 2010, 02:52:04 pm
nung mag-double lines ang PT kit ko, when i visited my OB, i asked if accurate, she said yes, especially it is coupled with other pregnancy signs...mas maganda sis visit mo OB mo, at check mo na din other signs...
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: mummienina on November 02, 2010, 03:27:43 pm
Tama si mommy ni gwen. You have to wait and redo the test if you are irregular. PT kits are accurate to the point that it can say you are pregnant and there was fertilisation. But you have to go to your OB to confirm if your pregnancy is viable or merong heartbeat, etc.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: airam725 on November 02, 2010, 04:24:38 pm
Hi annacolumbres!  :)  In my case accurate naman ang PT. Ganun din sa sis in law ko. I suggest kung magteteset ka try mo gawin morning pagkagising, yung pinakaunang weewee gamitin mo kasi mas strong yung concentration ng weewee natin nun. And I agree with chelle, try mo medic. Mas okay kasi yun kesa sa ibang brand. :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: sheeky on November 02, 2010, 06:02:01 pm
for me kahit regular naman ako nag negative pa din ako dati after 2 weeks taka na ako di pa din dumating period ko. hesitant pa din ako dati na mag test uli kasi parang nag eexpect ako na sana positive tas ma dadown ka lanng ako pag neg.ang lumabas. until madami na akong naramdaman na kakaiba  ayun nag test uli ako yung branded na na preg.test ang binili ko ayun nag positive hindi pa talaga ako nakunteento pumunta agad ako sa doc. test niya uli ako positive talaga ayun ito na ang baby ko:D
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: MommyJammy on November 03, 2010, 11:48:05 am
Irregular din ako sis. nung unang nagtry ako mag PT 1st month na hindi ako nagkaron negative, pero nung second month na wala parin akong period nag try ulit ako positive na  ;D.
Title: I took a PT during 3rd wk of delay but results came out negative
Post by: cindiee on November 14, 2010, 11:19:59 pm
Hi po... I usually am regular with my period and the last time I got delayed was only for 2 weeks last year. But now, I am delayed for almost 7 weeks. I took a PT during the third week of being delayed but both results came out negative. In this week, I got  spottings last thursday night and saturday night. Can you guys suggest some ideas on what is happening with me?
Title: Re: help po
Post by: cindiee on November 15, 2010, 09:52:31 am
salamat sa pag-view.... nakakatulong....
Title: Re: help po
Post by: Katie on November 15, 2010, 10:30:17 am
are you taking medicines? kase dati nadelay ako when I was prescribed anti biotix for my cough. or baka stressed ka lang sis. hintay hintay nalang po muna :)
Title: Re: help po
Post by: MommyJammy on November 15, 2010, 10:32:57 am
Stress can be a factor for this. nakaka delay talaga yun. yung sa PT mo naman, minsan kasi hindi lumalabas kaagad ang result nyan, 3 weeks is early to do the test, i guess.

any other changes na napapansin mo? ano pang mga nararamdaman mo?
Title: Re: help po
Post by: Mommy Jazz on November 15, 2010, 10:35:03 am
Do another PT. this time, get a better brand.
Title: Re: help po
Post by: smurf on November 16, 2010, 04:40:50 pm
hi sis cindiee! welcome to SP... ;).

actually, there are several causes ng delayed MP...katulad nga ng sabi ng iba mommies dito......so, i suggest better consult an OB mas maitatanong mo lahat ang gusto mo malaman and maipapaliwanag niya ang mga dahilan..... :)
Title: Re: help po
Post by: -mm- on November 16, 2010, 04:44:59 pm
your ob would best help you with this sis.. it's kinda strange that you are delayed and yet spotting at the same time.. better to be safe particularly if you are pregnant
Title: Re: help po
Post by: mummienina on November 16, 2010, 05:33:08 pm
take another PT. i suspect you're pregnant. the first time you took PT was probably too early. spotting is one symptom of pregnancy. it's called implantation bleeding.
Title: Re: help po
Post by: wifey_ni_dekta on November 16, 2010, 05:38:22 pm
hello

you can consult your OBGYNE so she can do some test.  Ask also about HSG or
Hysterosalpingogram so you would know if normal yung ovaies a fallopian tubes mo. This test is very useful if you are trying to conceive :) I also encountered the same thing before and my OB just don't want to draw a conclusion without having some tests. As the result went out okey sabi niya both were fuctioning well and she said it is stress that triggers the delayed menstruation.

  :)  go set an appointment with your OB
Title: Re: I took a PT during 3rd wk of delay but results came out negative
Post by: reingelle05 on November 16, 2010, 09:13:59 pm
hi...like what most mommies said maybe your just stress po...regular din ako but na-experience ko na din madelay ng 1month.. ;) try mo na lang ulit mag-PT or much better pa-consult ka na nge..  :)
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: daddy_babytim_mommy on December 21, 2010, 12:15:51 am
hi mga mommy share lang din ako bout PT....for 2 years ako d na buntis....kc daw mababa daw matres ko pero nung nalaman ko na ganun pala un pnataas ko matres ko...gnawa na naman ang lahat para mag kababy kami...after 2 or 3 weeks nag PT ako baka nag kalaman na..mamahalin gnamit ko pero negative...so...parang nawawalan na ako ng pagasa na magka baby kami...so...after nun d na ulit ako nag pt  kc nga nawalan ako ng gana....but after a week sumasakit na puson ko..na parang manganganak ako na ang sakit sakit talaga na dko maintindihan ang sakit...hanggang sa dnugo ako na ang daming lumabas at masakit siya.....un pala buntis ako... hayyyyyyyyyyyyy grabi dko alam kung san ako magalit....sa PT or sa nag inbinto...na palpak naman.....nang hinayang talaga ako......so after 2years...nag PT ulit ako kc feel ko lang na im pregnant ulit... ibang brand na gnamit ko....pero ganun parin negative......after 2days..sumasakit ulit puson ko pag mag lakad ako kahit malapit lang...so worrd na talaga ako...nag patingin na ako sa OB sabi baka buntis ako kc ganito ang na feel ko last buntis ako na nalag2x ....gumamit ang OB ng doppler para tingnan kung may heartbeat ba..sad to say na walng heartbeat siya nakita.....ang ginawa niya nag ultrasound ako....probable ictopic...kung d ako nag pa consult sa OB malamang na operahan ako...thanks God malaki na baby ko .... kaya advise ko lang f feeling nyo na buntis kayo OB kayo agad hindi PT  para sure na sure ......hindi pa masayang pera nyo....
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: daddy_babytim_mommy on December 21, 2010, 12:37:18 am
OT: bakit kaya minsan nakaka-shy bumili ng PT sa drugstore noh.. knowing na we're married and all.. ;D

kasi sis di ba di naman lahat ng tao alam na kasal ka na eh judgmental mga tao haha kaya minsan mahihiya ka pa rin ;D

ako naman nahihiya kasi mga pogi mga taga-mercury samen hahaha  ;D



thank you sis carmela! :)

sis caramel po ;D

HEHEE tama ka mommy caramel pero pag ako ang bumili pinapakita ko ang ring ko para isipin ng tao na "ah..may asawa na....
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: ch0c0_holic on December 21, 2010, 02:19:44 pm
So far my experiences with PT are good naman, it all came out positive (regardless of brand). siguro sumasablay lang kapag hindi pa enough ang HCG levels ng urine ng isang pregnant woman or defective tlaga ang nabili na PT.  Kaya nga ang advise lagi, if u suspect that u are pregnant but the PT result came out negative, wait for at least 3 days to a week and do the test again.
Title: Re: Sumasablay din ba ang urine Pregnancy Test?
Post by: Kimps08 on December 23, 2010, 12:34:20 pm
Ay naku kaloka mga mommies yung experience ko sa PT sa 2nd pregnancy ko.  Nung una ako nag test POSITIVE sya so sobrang saya namin tapos nirecommend ako na magpa trans v to confirm.  NEGATIVE yung result nung ultrasound ko.  hindi ko tuloy alam that time kung papanu mag react.  So the next few months na delay na naman ako, i had another urine PT test --- Negative daw.  Hinayaan ko lumipas ng 2 more weeks before ako nag decide na magpa ultrasound.  Nung inultrasound ako...ta-dah! andun na si baby andre.

momi ch0c0_holic tama ka. sumasablay sya kung hindi enough yung HCG levels sa urine at depende din kung meron kang PCOS (polycystic ovarian syndrome) kasi pwedeng ma screw up yung result ng PT dahil me hormonal imbalance ka.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: niixiie on December 27, 2011, 09:45:21 pm
hi mga sis..nag pt kami kanina ni bf sa house nila..with my future mother-in-law  at future SIL..ayun  excited sila malaman result..pero ako hindi na naasa kasi baka BFN nakakadissapoint..pagpatak pa lang ng sis ni bf ng wiwi ko sa pt sabi niya ay negative..tapos tinignan ni future MIL..oo nga negative tapos after 1min si bf naman ang tumingin.."uy hindi two lines meron isa kaso malabo..  tinignan ni future MIL at SIL ayy uu nga two lines positive yan...positive talaga yan sabi ni future MIL..ako naman naexcite pagtingin ko weak positive nga..after siguro ilang minutes tinignan namin ulit  ayun negative na sya ;(pero tinitignan ni bf  super as in di na visible yung T line ;(  nagpunta kami OB negative nga..pero niresetahan niya ako ng duphaston  at gamot sa uti...akala ko BFP na...pero ok lang kasi sabi ni OB tuturuan daw niya kami paano hehe baby dust to all of us ;))
Title: Re: I took a PT during 3rd wk of delay but results came out negative
Post by: niixiie on December 27, 2011, 09:45:32 pm
hi mga sis..nag pt kami kanina ni bf sa house nila..with my future mother-in-law  at future SIL..ayun  excited sila malaman result..pero ako hindi na naasa kasi baka BFN nakakadissapoint..pagpatak pa lang ng sis ni bf ng wiwi ko sa pt sabi niya ay negative..tapos tinignan ni future MIL..oo nga negative tapos after 1min si bf naman ang tumingin.."uy hindi two lines meron isa kaso malabo..  tinignan ni future MIL at SIL ayy uu nga two lines positive yan...positive talaga yan sabi ni future MIL..ako naman naexcite pagtingin ko weak positive nga..after siguro ilang minutes tinignan namin ulit  ayun negative na sya ;(pero tinitignan ni bf  super as in di na visible yung T line ;(  nagpunta kami OB negative nga..pero niresetahan niya ako ng duphaston  at gamot sa uti...akala ko BFP na...pero ok lang kasi sabi ni OB tuturuan daw niya kami paano hehe baby dust to all of us ;))
Title: Negative PTs but 1 month delayed...is it something to be worried about
Post by: headlessteddy on February 07, 2012, 01:35:43 pm
 :'( help naman po, 3 times na po akong nagpPT and negative naman po yung resulta tapos po withdrawal method po kami ng bf ko. Last november i took althea pills and i had my regular period both november (tinigil ko rin this month yung pagtake ng pills)and december kaso etong january wala talaga. should have been around last 2 weeks ng january yung period kaso hanggang ngayon wala parin po. nakailang PT nako pero negative naman resulta. what's bother me is that i feel few changes in my body and paiba iba ang mood. medyo tumataba ako, breast tenderness & fatigue.di ko alam kung effect bato ng pills na tinake ko nung november o dahil sa layo ng byahe ko. makati to muntinlupa kasi trinatravel ko for studies.

ques po:
pregnant po ba pag malaki ng tyan but not the puson
- i dunno kung dahil sa pills o dahil ang lakas kong kumain xD
kapag my sticky fluid parin ba na lumalabas ibig sabihin negative?
-sabi kasi nila pag may sticky whitish fluid ba na lumalabas ibig sbihin negative daw un
mataas ba possibility sa active contact kahit withdrawal?
pardon my ignorance first time po kasi, first boyfriend din. so nangangapa talaga ako. saka graduating nako next year kea medyo kabado. xD sabi ko nga sa kanya tigil nalng muna.
Title: Re: Negative PTs but 1 month delayed...is it something to be worried about
Post by: kurdapya101 on February 07, 2012, 03:43:51 pm
go to cinic then pa test ka sa dugo kung preggy ka mas accurate yun than pregnancy test.. it cost 300+
Title: Re: Negative PTs but 1 month delayed...is it something to be worried about
Post by: Errych on February 07, 2012, 09:27:27 pm
I actually had the same experience. I was expecting my period last 2nd week of January and missed it. I did PT but negative. We visit my OB last week. Now, I'm 7 weeks preggy with our second child after almost 6 years. IE and blood test po na-confirm.

To give you peace of mind try doing sis Cesorio's suggestion.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Errych on March 22, 2012, 04:44:48 pm
Same topics merged.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: lalabs28 on March 22, 2012, 06:20:19 pm
share ko lang last tima na nagkaroon ako nung january 6 so dapat feb 6 or at least one week after meron na ako eh dumating ang march 1 wala pa din! i took a pregnancy test (medic) it was positive grabe i remember i was crying kay hubby kasi di pa namin plan. take note nag-pipills ako nun ha.. edi kami emote na although we know na it's a blessing for us kaso di pa kami handa na magka-baby ulit, CS ako then di pa kami tapos sa pag-aaral then wala pang 1 yr old yung baby namin.
Di pa rin ako pumunta sa OB ko kasi may doubts pa rin ako kasi 6 months ako nag-pills now lang nag-fail then sabi ko kay hubby bili siya ulit ng PT then ayun NEGATTIVE na .. I got more confused kaya i bought mga 5 PT's sa watsons yung tig-40 pesos.. 5 times ako nag-test ulit negative na ulit tas days after nagkaroon na ko .. :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: xoxjanexox on March 22, 2012, 06:37:58 pm
hi mommies sa experience ko e hndi pa sumablay yung pt.. but sa officemate ko negative sakanya tapos negative ulit tapos nagpositive na tapos nagulat sya dapat itrans-v sya bigla umurong yung oby un un pala malaki tapos 5 mos. na pala...haha.. kala kasi sya mga 2mos. palang nagkamens kasi sya nung dec. at jan. un pala spotting na.. shock kami lahat dito sa opis kasi 5mos. na pala tapos ang liit ng tummy niya..hehe
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: marienne on March 22, 2012, 08:09:44 pm
my goodness! turning 4 months pa lang ang baby ko.. nag PT ako, negative naman.. last mens q feb. 10, until now wala pa din ako..hayyy i'm not yet ready for another baby.. jusko! ano na lang sasabihin ng family ko.. need ko ba mgPT ulit?
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: xoxjanexox on March 22, 2012, 10:35:13 pm
^sis, pacheck up ka na sa oby mo para sure..
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Princess Dizon on March 23, 2012, 01:58:08 pm
Di ba mommies kung magp-PT kelangan umaga at dapat first pee mo daw para accurate ..
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: charmed0304 on March 24, 2012, 05:30:45 pm

i think accurate naman PT.. kaso nga lang, meron parin di madetect esp pag irregular menstrual cycle mu.. best way is to check with your ob.. saka sisses, ramdam natin if we're really preggy eh.. :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: mommy_V on March 25, 2012, 01:21:25 pm
hi mga sis, I am confused right now. Last week, Saturday and Sunday, I did PT twice, the result was both positive. One day after, I experienced spotting that's why we rushed to ER at Our lady of Pillar, the doctor conducted IE and requested for urinalysis, the result for was positive also. The doctor advised me to have 2-3 days bed rest and  take Duphaston and Isoxilan for one week. The bleeding still continues for two days just like my regular menstruation. after two days the bleeding stop but I still have dark brown stain on my underwear. Then, yesterday, I visited my OB for prenatal check-up and informed to her what happened, she conducted IE and asked several questions regarding any symptoms for pregnancy, I told her I didn't experience one yet. After examining she told me that the lining of my uterus it not thick and scheduled me for ultrasound this coming April 21. Just this morning, because I am paranoid, I did PT again twice, I bought from mercury and the brand is Medic, the result was both negative..I'm so sad and confused right now.  What should I do?. Anyone who got same experience here? I would be glad to hear from you. Thanks.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: tashasabs on April 28, 2012, 08:04:46 am
In my experience usually accurate naman ang PTs. I had this experience just this January 2012 na on a hunch lang naman bumili ako ng 2 PTs. I took the first one ng gabi, faint pink lang yung second line. Took the second one the morning after, ganun pa rin, faint pa rin yung second line. Eh di ba sa packaging nila nakalagay yung mga lines na mag-iindicate ng positive results saka yung mga invalid daw? Eh ang akin basta nag-dalawang linya yan pupunta ko sa OB para sure para kung nandiyan na si baby di siya mapapano. OB I went to confirmed my pregnancy, nagulat pa kasi wala pang one month yun since my LMP, parang mga 3 weeks pa lang yata.  :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: ysLim on April 28, 2012, 01:09:36 pm
ako nga eh 10days pa lang ako delayed, nagPT nako, positive agad. ganun din sa 2nd pregnancy ko. tsaka mumurahing PT nga lang yung binili ko.  :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Munte on October 23, 2012, 03:38:10 pm
OK lang bang mag PT Kaht 3 days delayed k palang?
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Mommy Jazz on June 13, 2013, 12:15:25 pm
What's the best brand ng PT kit ngayon and how much?
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Adi Adi on August 02, 2013, 01:13:00 pm
Hi mga sis! ask ko lang if nachcheck na ba agad ng pt kit if preggy ka or hindi kung 5 days palang after unprotected contact?

History: I had depotrust injection kasi pero hindi na ako nagainject ulit kasi super sakit sa ulo. Since due ko for injection dapat is June 12. July 28 hindi pa rin ako nagmens and we had unprotected sex ni hubby. After 3 days nagkaroon ako ng grabeh ubo na kailangan ko uminom ng antibiotics. takot ako kasi baka buntis ako. Sumasakit kasi puson ko na. Nagcheck ako sa urine 2x parehas negative pero di ko sure kung accurate na yun given na 5 days palang nakalipas from contact?

Pls help...

Mahal kasi magpa-trans v agad. hehe
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: MommyniAddie on August 02, 2013, 04:01:27 pm
sis @ Adi Adi...hmmm kung 5 days baka di pa po yan talaga ma detect sa PT..saka di ba ang implantation eh atleast 1 week?...2 weeks from there siguro pwd na malaman lalo kung mataas yung HCG na present sa urine :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: dmamie on August 02, 2013, 09:35:13 pm
hello po..bago plng po ako dto s SP..ask q lang po yung mga opinions nio mga mommies..last mens q is MAY 27 -31 tas JUNE hnd po ako nagkaron..pgdtng ng JULY 11-12 nagkaron ako pero ang nkkpgtka 2days lang at tumigil n kaagad ng 12 ng gabe..nun july 20 nagkaron ako ng isang spot..as in isang patak lang ng brownish n dugo hnd n po naulit un,,nag pt ako nun 28 but its negative..bigla laki n kaagad ng pgbbgo s katawan q..i felt the symptoms of being preggy pero negative naman..help po mga mommies
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: triplechris on August 03, 2013, 05:52:59 am
Anyone who could help sis @dmamie. medyo may similarities kasi exp namin. Ako naman June 30 dinatnan. 30 days ang cycle ko so I expected my period on July 30th. Pero wala pa din til now. Nagspotting ako nung july26 as in konting konti na brown, nag wipe pa nga ako para makita talaga ang color half brown tas half white so alam ko spotting. 2 weeks na din akong bumabangon ng madaling araw para umihi and ang sakit ng boobies ko. Nagheheartburn din ako minsan. Ayun sa umaga parang nagaacid ako, parang may umaakyat na maasim na mapait na laway sa lalamunan, pero nag PT ako 6 na ata, NEGATIVE lahat. 2 brand na ginamit ko, yung strip and yung pinapatakan. Kahapon di ko sure kung FAINT POSITIVE or EVAPORATION LINE kasi nung tinignan ko this morning nawawala yung line na malabo. HELPPPPPP MOMMIES!  :(
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: triplechris on August 03, 2013, 05:59:13 am
MOMMIES, nakaka experience din pala ako ng CRAMPS. As in parang araw araw napaparanoid ako na dadatnan na ako. pero wala, pero yung feeling ko yung dadatnan na talaga ako. waaaaahhhhhhhhhhhh I'M SO WORRIED!!!
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: dmamie on August 03, 2013, 11:42:32 pm
pareho tau sis..my story naman was july 11-12 lang ako nagkaroon..then july 20 nag spot ako asin isang patak lang ng dugo..nag pt ako kaso neg naman but im still felt the filings ng isang preggy..isa n jan yung cramping n parang magkka meron n q pero wala pdn naman
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: AnJelatine on August 08, 2013, 04:41:09 pm
Ang PT, possible mag false negative.

Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: MommyniAddie on August 08, 2013, 05:33:13 pm
Better na mag pa blood test sis ;) yun po eh kung gusto nyo ng accuracy..puwede kasing sa PT negative if di pa madetect sa urine ang hcg :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: dmamie on August 08, 2013, 10:32:09 pm
magkano po pa bloodtest???
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: chillerz0029 on December 05, 2013, 09:29:06 am
hi mga sis tanong ko lang kung my naka ranas ng ganito 1week kc akong delay so ng pt ako ng positive sya then after a day ng try ako ulit pra makasure ganun ulit ng 2 lines sya at sobrang linam kaya ngdecide kami na pumunta na ng OB so inultrasound ako wala naman nkita after ng ultra sound ko pina test ako ulit ng urine test mga after noon around 2pm ng negative sya ng 1 line nakakagulo ng isip mga sis help naman po ano kaya ang sinyales nun means hindi kaya ako pregnant?
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: spiderman on December 05, 2013, 05:13:56 pm
Hello sis! ask ko lang mga ilang weeks ba after mag "DO" magiging accurate na ang blood pregnancy test? puro negative kc P.T. ko nawalan n ko ng tiwala. pero ang last na P.T. ko Nov. 26 may faint line sa "T" super faint pero kita siya... gusto ko sana mag pa blood pregnancy test na lang. last "DO" namin Nov. 2 & 9 (fertile days)

THANK YOU :)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: spiderman on December 05, 2013, 05:38:29 pm
magkano po pa bloodtest???

P300 sis.
Title: Faint line vs. Evaporation line on Pregnancy Test (Negative or Positive?)
Post by: spiderman on December 07, 2013, 10:52:04 pm
Hi guys, medjo naguguluhan lang kasi ako dito. nagtest po kasi ako last Dec 1 faint line siya sobra na kulay grey ang tawag daw dun ay "Evaporation line" yun daw yung nalabas makaraan ang 30 minutes hanggang 1 hour, at as per google negative daw yun. Pero pag faint line na color pink yun daw ang positive at pag lumabas ang line sa loob ng 3 to 5 minutes yun daw ang positive.

Hindi pa kasi ulet ako nag tetest ngayon mag 1 week na bukas, yoko na madismaya eh. pero feeling bloated ako ilang araw na at super pagod lagi... Sana mag positive na pag natest ulet ako.

THANK YOU SA MGA MAG REREPLY :) GOD BLESS.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Mommy Jazz on December 09, 2013, 09:49:23 am
@spiderman
Yup, pag gray line, negative pa yon, pag pink kahit faint ang color, it's positive. Ang pinaka mabuting gawin po ay mag preg test kayo ulit. By the looks of it na panay ang tanong ninyo dito sa forum, you are already anxious and bothered. It's better to be disappointed na hindi binigay ang result na gusto ninyo than worry kung buntis nga ba kayo o hindi.
With my 2nd child, pagakakatanda ko, less than 2 weeks after the day of "the act" ako nag PT and it gave a very faint pink line.


Hindi ko po masubaybayan ang posts ninyo and confused where to post my answer sa dami ng topics na sinalihan ninyo with the same question so please stick to 1 topic.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: gharz412 on October 20, 2014, 08:45:59 pm
hay, next time iwas na kung ayaw pa mabuntis kawawa naman yung baby kung ganyan kapa mag icip now, just wait kung delay ka then PT.
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: mommiemi on October 29, 2014, 11:12:52 pm
hi po mga mommies.. itatanong ko lang po if may nakagamit na po dito nung PT na may nakalagay na USA STANDARD then yung design niya po e may cross na pula at isang linya na kulay blue? okay lang ba syang gamitin?? thank you!
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Ayen85 on November 19, 2014, 10:39:29 am
Hi AvAv, advice ko sa iyo iha kung ayaw mabuntis huwag gawin pero kung hindi maiwasan alamin kung kailan ka safe at kung anong pwedeng gawin par hindi mabuntis. Una, pagsakit ng puson minsan ay hindi dahil buntis ka. Baka kung ano lang yan or related sa monthly period mo. The best pa din ay take a pregnancy test. Or, let me share here with you a site you can use to track your last ovulation period so that you will know if you were safe when you had intercourse, good luck. http://www.ovulation-predictor.org/
Title: please help :(
Post by: jeancal on December 03, 2014, 12:43:13 am
hello Good day po, my itatanong po ako, october 20 po ngkaroon ako 2 days lang po. pero di ko alam kung yun ba ang spotting. bale kinonsider ko na yun yung mens ko, kaso wala pa rin ako hangang ngayon december 3. msakit po yung puson ko, i had 2PT and and 1SerumPT, all are negative naman. buntis po kaya ako? stress po ako nitong nkaraang buwan dahil sa board exam. please help me, di pa rn ako mkatulog :(
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Mommy Jazz on September 10, 2018, 09:06:14 pm
Am I Pregnant? Moms Share Their Actual Pregnancy Test Results!
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/09/07/pregnancy-test-photo-21-20180907.png)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/am-i-pregnant-pregnancy-test-visual-guide-a00228-20180908-lfrm?ref=parentchat (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/am-i-pregnant-pregnancy-test-visual-guide-a00228-20180908-lfrm?ref=parentchat)
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Jee Santos on August 23, 2019, 10:18:26 am
Hello.. Ask ko lang po possible b n sumablay ang pregnancy test.. 8 times n ng pregnancy test tapos lahat negative pero 1 month delay n? Nung july 22 n magkakamens n dapat ako.. Nagkaroon ako ng spotting.. 3 days. Pero ngaun hndi naman ako nahihilo or sumasakit ang ulo at wala rng sore breast. Posible po b n hndi ako ng karoon dhl iisa n yung ovary ko(naoperahan kc ako dati kc nagkaroon ng cyst yung left ovary ko) at niligate n dn yung isa kung f. Tube? Ty
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: preciouslara on August 24, 2019, 09:39:54 pm
Yes, its possible na sumablay ang pregnancy test pero kung 8 times na negative, i think its negative...pero if you are still in doubt and you feel something po na kakaiba, better go to the ob para mas macheck po niya ng maayos 😊
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Raiza Mae Malabanan on August 27, 2019, 03:38:45 pm
Hello po, kindly need all the nanays here. Mag2months na po kasi akong delayed, pero negative parin po sa pregnancy test. Suggestion po kung anong dapat gawin. Halos 1year narin kasi kami ng husband ko, gusto na namin magkababy hehe
Title: Re: pregnancy test accuracy
Post by: Mommy Jazz on September 01, 2019, 08:56:30 pm
Mommy Raiza, I suggest you read this.

How to Make a Baby: When to Know You Are Ovulating
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/08/20/ovulation-aug2018.jpg)

Click HERE  (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/how-to-make-a-baby-when-to-know-you-are-ovulating-a00041-20180820?ref=parentchat)to read full article on Smart Parenting.