Parent Chat

Style => Fashion and Lifestyle => Topic started by: teklah on August 18, 2010, 12:44:11 pm

Title: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: teklah on August 18, 2010, 12:44:11 pm
Hi mommies! Di pa po ako mom pero Im just wondering. I live in a place where women nanganak lang ng isa pero parang 10 years na ang tinanda dahil napabayaan ang sarili. I understand that when moms take care of their kids talagang halos no time na for themselves pero meron namang mga moms na parang dalaga pa rin at mas lalo pa ngang gumanda nung nagka anak.

any comments on this? thank you mommies ;D

Mod's note:
Mukhang Matanda? These 4 Products Will help You Achieve Glowing Skin
(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/12/15/matanda-web.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/style/beauty/skincare-for-brighter-skin-a00061-20171216

Post a question about this topic or share your experience. 
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie  (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669) upon registration or membership update.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: BuhayMommy Blogger on August 18, 2010, 01:02:29 pm
Hi teklah,

naku sis true yan..Ako naman eh aminado, nung nabuntis ako eh nagstart na akong naging pabaya sa sarili in a way, kung nung dalaga ako eh glamorosa ako, bumaliktad ang panahon kasi cgro nagsawa na lang ako sa pagaayos.

Pero, things have changed. Simple way of making myself beautiful is, pag aalis putting some light make-up, magdamit ng maayos, nagpa-pa spa pag may oras ako lalo, bumubili parin ako ng pang beauty regimen ko, naglalagay ng scented lotion which is mahilig talga ako sa ganito, gumagamit ako ng age defying na soap kahit 27 palang ako, kasi obsessed ako sa skin ko, or kaya nasa bahay man ako na nakadaster, i make sure maganda parin ako sa paningin ng asawa ko.  ;D

Kasi naman sis, pag naexperience mo maging mother bells, naku, totoong makakalimutan mo ang magayos kasi lalo pag bago panganak ka, puyat mode and all. Later on mo na marealize na ay, need ko na ng make over kasi baka iwan ako ni husband.. Lucky to say na kahit bihira na ako mag-make up love parin ako ni husband kahit ganun..

Pero may asawa ka na sis tekla>?

Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: teklah on August 18, 2010, 01:33:46 pm
^oo sis, married na ako for 3 years, di pa nga lang nabibiyayaan ng baby, hehe!

madalas ko naisip kasi yan bagay na yan, pero pag nagkababy na ako okay lang na pumanget (ng konti ;D), anything for motherhood and my baby di ba!, haha!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: Mommy France on August 18, 2010, 01:40:41 pm
Ako, I'm happy na meju nag-mature yung itsura ko. Siguro kasi hindi naman sobra-sobra yung ipinagbago ng itsura ko.

Feeling kasi namen ng hubby ko hindi kami seseryosohin kapag mukha kaming bata.

I also made it a point to wear appropriate clothes lalo na't may anak na ako. HIndi na ako nag-backless and hindi na rin ako nag-spaghetti strap. 20 lbs din kasi yung na-gain ko.

Kaya important na may ME-time ang mga mommies. Time with friends. Time to do the things that you like. Sabe nga, when your happy it shows.

What do you mean na not having to spend time para makaiwas sa pagkalosyang?
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: shy (sharlyn) on August 18, 2010, 01:47:57 pm
I'm a mother of two kids.  My eldest will be turning twelve this December, while my youngest will turn two next month.
I think, becoming "losyang" will commence as a state of mind and a state of heart.
Ibig sabihin, kahit medyo nag-gain ka ng weight, or hindi ka na kasing flawless ng dati, or feeling mo, may wrinkles na... if you're still happy, it'll show.

Pero syempre, dapat talaga, wag pabayaan ang sarili. Take time na mag-ayos. I mean, wag kalimutan mag suklay at magpabango. Or mag-make up na light. Magsuot ng maayos at presentable na mga damit.  Kapag may extra budget, magpa-parlor or magpa-facial or magpa-massage din once in a while.  Live healthy too. If feeling natin eh parang need natin mag exercise or mag diet, go!   (Actually, ako, payatot ako, so gusto ko sanang mag-gain ng weight. ;D)  Basta, mag-ayos lang. Then, kapag nagtatanong si hubby bakit nagpapaganda ka.. sabihin na lang natin.. "eh di para naman maganda at mapagmamalaki mo ang wife mo" ;)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: teklah on August 18, 2010, 01:48:46 pm
^Hi mommy! what i meant was, yung hindi gugugol ng maraming oras para lang magpaganda like half day sa spa or salon mga tipong ganun, hehe! :D
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: ♥maarte♥ on August 18, 2010, 01:52:16 pm
sis teklah,

medyo matagal na pala kayo sis married ng husband mo noh... hmmm... pero while waiting for your baby, mas magandang prepared ka na sa lahat... pag may baby na kasi talagang una sa list lagi ang baby... kaya minsan kahit may "me time" ka, parang hindi mo pa rin mabigyan ng time ang sarili mo...

ako sis pag alam kong pwedeng magtagal sa banyo, tinatagalan ko... hehe... super ligo at talagang i'll make sure paglabas ko eh mabango ako... hehe... basta di kelangan magbayad ng mahal para maging maganda... minsan, kelangan talagang dapat feel mo rin sya deep within... para yung natural glow na lang ang magdadala...  ;)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: shy (sharlyn) on August 18, 2010, 01:56:56 pm
^Hi mommy! what i meant was, yung hindi gugugol ng maraming oras para lang magpaganda like half day sa spa or salon mga tipong ganun, hehe! :D

Kung wala kang time for spa and salon.. pwede naman na stay beautiful ka lang kahit sa house lang.. Like, yun nga, wear clothes na presenatable and always try to smell fresh. Tapos, alagaan mo din yung skin mo. Mild lotion will do. Kapag nagmake-up ka ng konti, bago matulog, make sure that you wash your face. Eat right.  Then, always stay happy. 

Kapag naman may time ka na, eh di saka isingit si salon and spa.  hehe :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: nixmusic on August 18, 2010, 02:05:42 pm
Hi! It requires discipline, time and money pero you might want to consider the following:

1. not to the point na aabutin ka ng more than 5 hours sa salon or spa [usually 3hours max na ko pag hair treatment dahil nabobore ako pag super tagal] and I make sure that I compare the price first before availing a spa or salon service para I can choose the one na hindi masyadong pricey pero good pa rin ang quality.

2. sa clothes, shoes, bags and makeup shopping, it doesn't necessarily mean na better kung mas mahal. May mga affordable brands naman na ok din ang quality tsaka I'd always go for 'classics' para I use it longer, hindi lang dahil nasa trend.

3. if you ever feel like you need to lose weight, then be strict with your diet and excercise. Better if you stick with an all-veggies-and-fruits diet kasi super effective talaga. No need na for pills or any other commercial 'pampapayat' products which could cost you more. ;)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: magilas on August 18, 2010, 02:06:53 pm
hi sis.

i've never really been into taking too much of my time in looking good. not that i don't need it he he.

mas focused lang ako in making myself healthier. eating the right kinds of food. exercise. thinking positive. enough sleep. being in a good relationship. being spiritual. not only thinking of one's self, but of others, our country, other people, our environment.

i think all those things will help any one to look good because you feel good inside.

medyo na focus lang sa baby but i'm getting my groove back.

i think one has to make some effort din, spend some time and money (within reason and budget of course) to have a good appearance. 

skin regimen you will follow, exercise or sports you like (walking is a good exercise!), feeling great while wearing what you are comfortable in!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: wendystar on August 18, 2010, 02:19:02 pm
the other mommies are right sis.  ;)

ako, kahit nasa bahay lang ako, i still wear lipgloss at face powder.  :P i always try to keep my hair na maayos tignan or kung talagang mainit, i make sure na naka-ponytail siya. i still wear shorts, pero not too maikli especially when going out (ayaw ni hubby siempre). i don't wear duster. kahit sabihin comfy siya, hindi ko pa din feel parang mas naiinitan pa nga ako.  :-\ my husband also tells me if i don't look good on something.

eat healthy food, exercise and always smile. yun siguro yung the best tips.  ;D

Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: tineped on August 18, 2010, 02:27:18 pm
Healthy living lang sis saka always smile. :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: yhamslove® on August 18, 2010, 03:13:26 pm
eat healthy food, exercise and always smile. yun siguro yung the best tips.  ;D

except the "exercise"... this is my practice also.  :D

actually, wala naman ako masyadong ginagawa para hindi magmukhang losyang. basta kung ano ginagawa at sinusuot ko (tank tops and shorts) nung dalaga pa ako, ganon pa rin, hindi ko na inalis yun sa practice ko.

ako kase, hindi ko dinadamdam na... "naku 30 na ako.. ang tanda ko na..." kase, i can always make myself feel young inside!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: - Mommy Jo - on August 18, 2010, 03:39:01 pm
hi sis! i'm really a fan of mommies na kahit may anak na still beautiful and younger looking pa din.  :)

our fellow sp moms are right, it still depend on us naman kung pano natin ibabalance ang family,career and syempre time sa sarili natin. me personally as a working mom, importante din talaga to look good kahit simple lang,presentable and confident kase it doesn't mean naman na basta may anak na dun na natatapos lahat. i think kung maalaga ka sa sarili mo,you feel good about yourself and syempre ganun din si hubby na mas magiging proud pa sya. every once in a while, i still give myself some "me time" like yung simple mani and pedi session or new haircut,enjoy the company of people with a cheerful disposition and in a way,i feel good about myself. :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: MissBrookeDavis on August 18, 2010, 10:40:24 pm
Hi mommies! Di pa po ako mom pero Im just wondering. I live in a place where women nanganak lang ng isa pero parang 10 years na ang tinanda dahil napabayaan ang sarili. I understand that when moms take care of their kids talagang halos no time na for themselves pero meron namang mga moms na parang dalaga pa rin at mas lalo pa ngang gumanda nung nagka anak.

any comments on this? thank you mommies ;D
A smile ALWAYS makes people look years younger. :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: mayde77 on August 27, 2010, 04:03:45 pm
hi sis. im a mother of 2 i have a 5 year old daughter and 11 months old son.im a full time mom what i do is whenever i have time i do exercise.i also eat lots of fruits and vegetables and plenty of water.
whenever i go out i make sure i look good i wear make up and nice comfortable outfit.
be happy smile  :)
kahit sobrang busy ako i make sure that i take good care of myself.
i do hot oils treatment, foot spa and manicure & pedicure on my own sa bahay lang.
does'nt mean your a mother na kalilimutan mo na ang sarili mo.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: DeeCee on August 28, 2010, 01:32:27 am
always try to LOOK and FEEL YOUR BEST  :-* 
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: chuletz2005 on September 24, 2010, 10:09:45 pm
Sis Tekla,
Wish ko magkababy na kayo, and wag ka masyado magpa-affect sa nakita mo na nanganak na mukang 10yrs na ang tinanda hehe! importante lang lagi ka malinis sa katawan mo and tama sila always smile and from time to time look at the mirror para namomonitor mo rin kung ano nangyayari sa figure mo and looks mo diba sabi nga ng iba kung ano daw tingin mo sa sarili mo ganon din tingin ng mga people na nasa paligid mo, and for example nanganak kana, lagi mo lang tingnan ang baby mo at sabihin sa self mo na "ang ganda or gwapo talaga ng anak ko kamukang kamuka ko", try mo sis di lang looks gaganda sayo, pati pananaw mo sa buhay gaganda pg lagi mo tinitingnan ang fruit of love nyo mag-asawa.

goodluck and God bless Sis... :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: purplemom on September 25, 2010, 01:00:36 am
mommy invest in tons of moisturizers..kahit may pinagdadaanan basta may moisturizers young looking pa din :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: ilovekhaila on September 25, 2010, 02:17:15 am
elo po... im a newbie in SP.. try q din sumali sa forum... den nabasa q po yung topic mu.. actually yan ang prob q ngaun ee.. i always wanted to look good, pero ang prob q nagagalit yung husband q, ayaw niya q nag mamake up ayaw niya q nag aayos ng sarili, pati shorts bawal... even pag gamit q ng net patago pa sa kanya.. haist.. what will i do? ako lang ba ang ganito dito? parang siya na kc ang may gusto na magmukha aqng losyang.. to think na 23 plng ako 1 plng baby naman na 6 months palang...

help naman po.. please nid ur advices ^_^ thanks
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: momi_chesca kikay on September 25, 2010, 02:19:28 am
Correct mommy purple mom! maginvest sa moisturizers. Para d magappear ng maaga ang mga fine lines.. :)

Well I guess, karamihan sa mga mommies nafefeel na losyang na kasi nga tumataba na and all. Sa mga wala na time to go to salon or gym pwede mo naman gawin yun at home. Like me, cause a have to work 6days/week so yung 1 RD ko talagang sinusulit ko at home! While watching DVD hala! nagsasariling sikap ako ng foot spa, minsan sabay pa kami ni bf minsan may kasama pa hair spa/hot oil treatment (marame po nabibili over the counter yung set na) while cooking pag may nakitang white egg hala! sige ginagawa kong face mask!hehe :) saka before nung hindi pa ako buntis i see to it na naghohoola hoop ako 15mins./day. Di lang sya nakakasexy, nakakadevelop pa ng giling skills mo..haha! ;D Pagkapanganak ko, iL definitely do the same thing pero siguro pag naggain talaga ako, gagawin ko ng 30mins.... ;D

Important din ang healthy lifestyle. eat healthy foods, drink plenty of water, enough sleep, exercise and yung pinakaimportant...Always be happy, kasi po it shows off. Pag maganda aura mo, maganda ang tingin sayo ng lahat ;)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: chuletz2005 on September 25, 2010, 10:33:11 pm
sis khaila,
after reading your post na-feel ko na big issues sa inyo mg-asawa ang pag-aayos, sis regarding sa pg-aayos ito ang tingin ko, hindi naman siguro gusto ng hubby mo na maging losyang ka, siguro love na love ka niya and super tanggap ka niya kung ano pa man ang itsura mo, malay mo worried lang sya na baka pg nagmake up ka or nagshort ka e bigla me umali-aligid pa sau na iba and maging reason pa ng selosan diba, sis your young and i think super pretty ka that's why super higpit ni hubby sa iyo when it comes sa pag-aayos and my iba kasi lalaki na ayaw nila talaga na super ayos ang wife nila kasi ayaw din nila na may masabi ang ibang tao sa wife nila, ayaw lang siguro ni hubby mo na masabihan ka ng iba na "ano ba yan asawa mo kung umasta parang dalaga me asawa na't lahat kung mag-ayos parang walang asawa't anak." pangit kasi yun sa pandinig ng mga asawa natin pg nakarinig sila ng ganon sa iba, siguro very protective lang talaga ang hubby mo sayo at super love ka kanya...
> regarding naman sa pag gamit ng net base sa kwento mo na itinatago mo pa it means hinihigpitan ka rin niya sa pggamit ng net? kung hinihigpitan ka niya sa pag-aayos mo puwede mo pa sya bigyan ng benefit of the doubt pero kung hinihigpitan ka niya dahil lang sa pg gamit ng net mukang my prob yta dun bakit ganon ano ang reason diba? na-ask mo naba sy why? kc sis ang pggamit ng net e normal lang sa lahat matanda,bata me asawa o wala my karapatan mg net hindi ba? maybe meron sy nakikita na d niya gusto sa pggamit mo ng net maganda nyo gawin sis pg-usapan nyo yun mabuti tanungin mo sya and explain your side and sabihin mo rin sa kanya na hindi mo nagugustuhan ang pagiging super mahigpit niya sis lahat ng prob ng mag-aasawa nakukuha yan sa mahinahon na pg-uusap kaya wag ka masyado mamoroblema maayos din yan and lagi ka pray na magbago sya kung sa tingin mo e my prob si mr. mo

Goodluck Sis! and i am hoping na maayos na ang prob mo sa hubby mo.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: ilovekhaila on September 26, 2010, 01:40:42 am
sis khaila,
after reading your post na-feel ko na big issues sa inyo mg-asawa ang pag-aayos, sis regarding sa pg-aayos ito ang tingin ko, hindi naman siguro gusto ng hubby mo na maging losyang ka, siguro love na love ka niya and super tanggap ka niya kung ano pa man ang itsura mo, malay mo worried lang sya na baka pg nagmake up ka or nagshort ka e bigla me umali-aligid pa sau na iba and maging reason pa ng selosan diba, sis your young and i think super pretty ka that's why super higpit ni hubby sa iyo when it comes sa pag-aayos and my iba kasi lalaki na ayaw nila talaga na super ayos ang wife nila kasi ayaw din nila na may masabi ang ibang tao sa wife nila, ayaw lang siguro ni hubby mo na masabihan ka ng iba na "ano ba yan asawa mo kung umasta parang dalaga me asawa na't lahat kung mag-ayos parang walang asawa't anak." pangit kasi yun sa pandinig ng mga asawa natin pg nakarinig sila ng ganon sa iba, siguro very protective lang talaga ang hubby mo sayo at super love ka kanya...
> regarding naman sa pag gamit ng net base sa kwento mo na itinatago mo pa it means hinihigpitan ka rin niya sa pggamit ng net? kung hinihigpitan ka niya sa pag-aayos mo puwede mo pa sya bigyan ng benefit of the doubt pero kung hinihigpitan ka niya dahil lang sa pg gamit ng net mukang my prob yta dun bakit ganon ano ang reason diba? na-ask mo naba sy why? kc sis ang pggamit ng net e normal lang sa lahat matanda,bata me asawa o wala my karapatan mg net hindi ba? maybe meron sy nakikita na d niya gusto sa pggamit mo ng net maganda nyo gawin sis pg-usapan nyo yun mabuti tanungin mo sya and explain your side and sabihin mo rin sa kanya na hindi mo nagugustuhan ang pagiging super mahigpit niya sis lahat ng prob ng mag-aasawa nakukuha yan sa mahinahon na pg-uusap kaya wag ka masyado mamoroblema maayos din yan and lagi ka pray na magbago sya kung sa tingin mo e my prob si mr. mo

Goodluck Sis! and i am hoping na maayos na ang prob mo sa hubby mo.



sis chuletsz

thanksz.. at some point naliwanagan ako, i dont do heavy make ups naman light lang para magng presentable lang pag nakaharap ka sa mga tao.. which is kinagagalit niya parin..

sa net naman, mahilig kc ako makipag chat with my other friends ayaw niya un nagagalit i dont know why, pati nga mga childhood frends q pina iiwasan niya sken ee..


maybe ur right po na he loves me so much pero nakakasakal, ioopen q ssa kanya yung topic na to ang ending away ayaw niya q pakinggan.. sana he realize na kelangan q rin lumabas minsan sa mundo naman sometimes. un ang gusto q ipaliwanag sa kanya but he dont listen. :-X :-[ :-[


anyways thanks po ulit.. sana pag may time makapag chat tau ^_^... kip safe godbless po
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: FighterDad Rob on September 26, 2010, 03:36:51 am
Exercise and a reasonable diet are the only two proven methods for losing fat for both MEN and WOMEN.  Whatever exercise works as long as you stick to it.  Mix up your routine if you like.  Given that you don't have any medical problems, start by going light.  Brisk walking, then graduate to running, or enroll in a low cost fitness class. 

About diet?  As a professional athlete, I eat everything in moderation.  I DO NOT eat fast food.  I'd rather starve.  Fast food contains all the trans fat in the world to clog your arteries and expand your waistline.  I'd rather have turon on the go if I'm hungry, or carinderia fare if I'm out.

Vitamins help a lot, and they do not make one fat!!!  You feel healthy, feel better, and you're body tends to get hungry when happy!  Have healthy options handy.  No need for expensive vitamins.  Any will do.

Good luck!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: gorgeous_mommie on September 26, 2010, 12:34:13 pm
hubby ko din.. hayyy di bale na sa kanya if i spent his hard earned money sa pagpapabeauty.. basta ayaw na ayaw niya nakikita ako losyang. since LDR kami pag off sya sa work para ako tuloy rarampa at kun todo postura.. waaaahhhh..
it feels good din naman talaga..kaso as a mom nakakahinayang narin to spend sa ganyan kasi iba na syempre priorities natin diba.. mas ok sana sakin makita anak ko na mas maayos. kaso ganon yata talaga...so para masaya nalang din hubby ko ok go..wala naman mawawala db.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: shadraniaj on September 26, 2010, 12:40:19 pm
Maligo, mag-hilod, mag lotion, mag pabango, mag suklay, mag face powder, magsuot ng matinong damit, smile at be confident para iwas losyang. As simple as that. ;)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: mummienina on September 26, 2010, 01:48:17 pm
I agree with mommy shadraniaj. As long as you keep yourself well-groomed, you will not look losyang. Basta nakaligo, maayos ang hair, kahit lipstick lang, plantsado damit, these simple things go a long way.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: dianne_gwa@yahoo.com on September 26, 2010, 08:50:46 pm
me naman, i'm 41 yrs old na turning 42 1st week of october , hehe..not getting any younger na..pero I see to it na maatos prin at looking presentable ako..siguro d na yun mwala s kin dhil sa nag wwork ako nun s office...
aside from that, skinny kc ako at maliit kaya d nhahalata s edaD..I always wearing short and backless blouses pag nsa bhay or mag grocery kami..kc ganun n ako ng ma met ng husband q..no heavy make up..just powder and lip gloss and syempre wlang msyadong stress, un ata ang madaling magpatanda...
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: soleil_ilove on September 26, 2010, 09:37:01 pm
Mga mommies sabi nga nila age is just a number,whats important is you age gracefully and once naging mother ka na it doesnt mean you will forget everything that you used to do.Tama yung paminsan-minsan may ME-Time,you call a day-off,you meet with old friends,go shopping pag me budget(hehe)Eto kase nagpapa-relax sa kin pero sa hubby ko naman eto naman nagpapakaba sa kanya pag shopping mode ako,hehe.It is also important to take care of your skin,you moisturize and always put on sunblock.Keep yourself clean,fresh and mabango.Important din to eat healthy and exercise.It also helps na magdamit ng maayos at maganda sa paningin ng hubbies.Ako nga kung kelan mommy na at nagka-edad dun pa ko nagkahlig magsuot ng hehe.I think kase as you grow older,you can feel a bit of some insecurities so its best to have a positive and happy disposition in life.You are what you feel,when you are happy,you will glow and people will notice.And the best way to be happy is to have a good relationship with God and to your loved ones esp tp your hubby and kids.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: smurf on September 26, 2010, 09:37:17 pm
im already 38yo.....but luckily sabi nila i don't look 38 ;D. SMILE lang din ang naging usual practice ko kahit stressed na ako as a working mom......from home to ofc...hay, grabe.
but aside from trying to make myself happy......im having this body massage every two weeks it really keeps my mind & body relax.  i don't have a yaya at home so i guess exercise ko na din ang house cleaning...... ;)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: ilovegabe on September 27, 2010, 07:09:35 am
Dont try to strip off all the oils in your face. Oily skin age slower than dry skin.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: Mommy France on September 27, 2010, 08:51:48 am
Another thing, kailangan consistent ka with whatever you do. Hindi pwedeng sa simula lang mag moiturize, uminom ng tubig. Kailagan talaga continuous effort siya. Para long term din yung benefits.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: Nickie on September 27, 2010, 10:54:22 am
Just stay happy. Hwag masyadong isip ang mga problem. Kailangan maintain natin ang katawan natin hwag masyong magpakataba.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: berryblitz on October 03, 2010, 11:27:58 am
Hay naku!!! ako 1 pa lang baby ko and naging losyang talaga ako promise

Pero after 1 1/2 years, nagstart akong ayusin sarili ko, medyo natauhan, sinasabihan kc ako ng mama ko.

Tumaba ako sobra.  So I started to take slimming coffees.  Ayun nagkasya na mga damit ko dati, pero hindi pa ren lahat syempre.  Mas matino na ako tignan.

And one time nagattend ako ng wedding ng friend ko, kasama mama ko kasi invited ren sya.  Nagulat mama ko sa itsura ko, ang ganda ko raw hahaha.  With no make up po.  Hindi ako nagmamake up and di ako marunong magmakeup.

Solution?  Nagpapayat, bumili ng matinong blouse and pants.
Title: help! SAHM feels "losyang"
Post by: violet.crumble on March 31, 2011, 03:04:04 pm
hi moms!

i'm a 31 year-old stay at home mom to a 16 month old boy.  i have no maid (my choice) and stay at home all day.  before becoming a mom, i was working as a teacher for 9 years.

now that i'm a SAHM, i often feel like i'm neglecting myself.  i just usually tie my (very dry and unruly) hair in a ponytail to keep it away from my face as i run after my toddler and do my chores.  Since i just stay at home, my daily attire is 'pambahay' meaning shorts and comfy shirts.  Sometimes, when i bring my son to the playground, lalo ako naaawa sa sarili ko when i see the yayas wearing "more presentable" clothes. Hindi ako ma-shopping na tao.  i consider myself a very practical person.  in fact, my husband offers to treat me on a shopping spree but i decline since sayang naman yung clothes if i won't wear them naman since we don't go out naman.  saka hassle to try on clothes in the mall when you have toddler in tow.   I don't have time to go to the salon for hair treatment or even an occasional footspa or manicure since my son is still exclusively breastfed so we can't be apart.  If i bring him naman, riot kasi he's so kulit and won't sit still.

feeling ko tuloy ang pangit-pangit ko na..

any budget-friendly, quicksuggestions on how i can still be fabulous, ganda-cious and gorgeous kahit na stay-at home lang ako?  make-over tips or beauty tips that you'd like to share?

thanks mga beautiful mommies!
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: JoshuaGummies on March 31, 2011, 09:32:21 pm
Quote
feeling ko tuloy ang pangit-pangit ko na..
sis, it's all in the mind... :( sabi nga...
"Nothing makes a woman more beautiful than the belief that she is beautiful."-Sophia Loren

Quote
any budget-friendly, quicksuggestions on how i can still be fabulous, ganda-cious and gorgeous kahit na stay-at home lang ako?  make-over tips or beauty tips that you'd like to share?

thanks mga beautiful mommies!

hmmm.. siguro mabibigay kong tips ay maging positive ka lang sis, Feel and Act Beautiful at kusang mag go-glow at lalabas ang ganda natin ;) Smile lage kasi sabi  "Smile, enhances our face value.. So let's smile always ;D  TRY mo kasi nag work sakin yan! hehe

Welcome sis!
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: moi angels on March 31, 2011, 09:51:49 pm
hi sis! i understand it's not easy pero if you're going to let this feeling linger on, mas maraming negative emotions ang kakaharapin mo in the future. like what sis °º¤ø,¸GreenMoM¸,ø¤º° said, start by thinking positive. re-learn how you loved dressing up before, lalo pa na teacher ka pala (once a teacher, always a teacher! ;))... my mom kasi was a teacher as well and just like you, she opted to be an SAHM but what stuck in my mind about teachers, they love (or they just have to...  ;D) to dress up! now, this doesn't mean na todo bihis ka sa house, ang hirap kaya humabol if that's the case! ;) start siguro by wearing yung shirts na hindi naman sobrang pambahay yung look like if you're used to wearing baggy shirts (and shorts), try mo wearing yung mga medyo presentable na clothes like spandex shirts maybe... then if you're going sa playground, kahit shorts pa rin pero try wearing cute sandals or sneakers... carry yan ngayon sis kasi summer na! ;D as for the hair part, mas convenient talaga yung naka ponytail lagi but the simplest and easiest way to start, conditioner! then try mo yung weekly hair treatment ng sunsilk. extra 5 mins lang yun sis! let hubby take care of baby muna while you stay 5 mins longer sa banyo.;) lastly, a dash of powder and if lalabas, sabayan mo na ng lip gloss! :) take care always sis! :D
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: kara on March 31, 2011, 11:39:42 pm
nakakarelate ako sayo sis.. sahm din ako, i have 6month old bebi... nung dalaga pa ako, pg sa bahay hindi talaga ako palaayos kung ano2 lang yung suot ko at nadala ko yun hanggang ngayon.. lagi nga ako pinagsasabihan ng momi ko na mag1 taon palang kami mag asawa e losyang na ako.. at naiines din ako.. what i did, medyo mahaba ang buhok ko at laging nakaponytail since di ako puwede magpakulot, pinagupitan ko na maiksi para suklay lang okay na :).... mataba ako, think positve lang, pag nasa mirror, sabihin ko cute ako, hehe! umeepek naman.. pag sunday lang kami umaalis, nagbibhis talaga ako ng maayos, at pinifeel ko na sexy ako, hahaha!
 para saken ang importante, love yourself & be happy :)

umaasa pa din ako na one day e medyo papayat din ako :) hehe!!!
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: Mlabable on April 01, 2011, 01:41:51 am
I'm a working mom pero dahil sa work minsan nakukulangan ng oras magpa-beauty. What I do para naman kahit paano e di mag mukhang losyang at maganda pa rin sa paningin ni hubby ay bumili ako ng pang foot spa (pumice stome, scrubber, foot scrub, lotion, red tint) so every week ako ang nagfofootspa sa sarili ko pag tulog na si baby then nagpapa-mani/pedi service kami ng Nanay ko (kapitbahay lang namin to  :) ) Narerelax kasi ako dito.
 
After ko manganak nagpa-rebond ako ng hair, ngayon maintenance na lang kasi di naman curly hair ko makapal lang. Everyday conditioner lang. Pag nakapambahay ako shorts and shirts lang din, make sure di halata ang bilbil.. Hehe  :)
 
During weekends, pag-mall namin ni hubby and baby pinaghahandaan ko talaga yun. Talagang dress-up and medyo make-up din ng konti. Effective naman kasi si hubby nababati ako na parang maganda aura ko ngayon.
 
Try to stay positive sis. Ang konting effort din sa atin mga mommies na magpaganda. Minsan kasi sa sobrang alaga kay baby at kay hubby na rin e nakakalimutan na natin ang ating "me time".
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: happymama on April 02, 2011, 12:32:26 pm
ako naman sis, lumaki nang todo, mula nung nag buntis hanggang sa nanganak, di na nawala ang bilbil ko.    (sabi nila pag mataba daw nag mumukhang losyang) eh ayaw ko naman e tag as losyang  no.

so what i did!!!!!!!!
i wear shorts na above the knee (pero di naman super maiksi yung tama lang) ang importante eh, kumportable ka sa suot mo.

pag umaalis naman ako sa house, naka pants and sandals naman ako, and black blouse
 (para di malaki tingnan) at syempre ka ayaaya naman tingnan, para kahit mommy na ako, eh di naman mukhang losyang.

since SAHM ako, kahit nasa house ako, i wear clothes na di na kaka losyang tingnan, and nag fi face powder and cologne, kahit nasa house lang hehe) para naman mabango always.

nag papa manicure pedicure din ako every wednesday (kami ni hubby and mil) home service po yun.

at ang pina ka the best dun ay lagi kang naka smile, kahit marami problem sa house smila parin and always think positive, kasi isa sa nakaka losyang yung, nag mumuro na mukha at dini dib dib ang mga problema, kaya think positive lang always at syempre  MAHALIN NATIN ANG ATING SARILI. :)



 
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: moonriver on April 02, 2011, 12:45:18 pm
we need to pamper ourselves once in a while kahit married na tayo. and being a SAHM is not an excuse for looking or feeling "losyang" kasi may mga ways naman to prettify ourselves without spending a fortune. you can go shopping if there are big sales sa mga malls. find clothes that fit your body type perfectly. ang dami sa Landmark, Cinderella, and SM Dept. Stores. or you can wear a simple dress/shirt then add eye-catching accessories that emphasizes your physical assets. dami din affordable na mga earrings, bangles, necklaces sa mga tiangge. learn how to do your own make-up on youtube! may mga make-up tutorials online.
and always smile! it brightens up your face.
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: happymama on April 02, 2011, 02:21:40 pm
being a SAHM is not an excuse for looking or feeling "losyang" kasi may mga ways naman to prettify ourselves without spending a fortune. dami din affordable na mga earrings, bangles, necklaces sa mga tiangge. learn how to do your own make-up on youtube! may mga make-up tutorials online.
and always smile! it brightens up your face.

@ sis moonriver tama ka sis, marami nga ways, ng di ka napapagastos ng mahal, actually nasa mix and match lang naman yun eh, and how you carry yourself.
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: violet.crumble on April 03, 2011, 12:52:56 am
thanks mga mommies!  tama kayo, a positive outlook and a bright smile is the best accessory ika nga.

i'm trying to really put effort into looking good. kasi syempre kahit trying hard ka to "think beautiful" kung di naman yun ang nakikita mo sa mirror, medyo wa-epek din diba?

i lost so much weight kasi when i gave birth.  in fact, i'm thinner now than before i got pregnant.  thinner pa nga than when i got married e.  as in 98 pounds na lang ako ngayon in a 5'4 frame.  tumaba na ko ng lagay na to nung nawalan ako ng maid (nawalan ng kunsumisyon!)  breastfeeding kasi ako up to now.

most of my pre-pregnancy clothes are big for me na.  and though nag-shop na din ako a few months back, kulang pa siguro.  total wardrobe change ito!  san ba okay mag-shop for clothes mga moms?  yung tipong mga sexy pambahay.  pics naman kung meron please.

saka ano products na gamit nyo sa face?  medyo dry and uneven kasi ang skintone ko.

thanks mommies!
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: honey-ecclaire on April 03, 2011, 02:11:24 pm
I felt this in our first year ni hubby,Feeling ko kahit papasok ako sa work I feel losyang,I told this to hubby and he said I'm not feeling ko lang daw yun akse msyado kong kinakarir ang pagiging mom and at the same time working...In my mind parang OA nga ako sa pag-aasikaso sa kanila,na even pagtatali ng hair ng maayos ay di ko magawa....

Pero when I'm aout and looks like hehe)namimiss ko naman ang asawa at anak ko....
When I recovered dun sa feeling ko na yun,ayun the old me cameback,I'm still the same me,na maalaga pa din sa srili not for me but for hubby,if other people seen you as a happy mom/wife it shows that you ahve good life with him,disciplined and of course lovely ka pa din....

Now,I'm working at home,I never feel losyang lalo na when we go out!
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: nylej20 on April 03, 2011, 02:39:51 pm
i agree wilt all the moms here..ako din working mom before pero pinahinto na ko ni hubby kasi wala mag alaga sa twins namin. lalao na kalikutan stage sila.  ako rin nag gain ng weight after ko manganak. eversince itinanim ko sa utak ko na ayaw ko maging losyang kaya gagawan ko ng paraan yun. kahit mataba ako i chose clothes na hindi mahahalata mga humps ko sa katawan pero babagay sa age ko. second, nag eexercise ako. i jog everyday para naman maisuot ko na uli mga damit ko dati. tama sis stay positive and happy para lumabas din sa face mo.

kung payat ka ngayon try to eat more para magkalaman ka or make use of your body frame para makapag suot ng mga sexy na damit. kung nagmumkha kang losyang sa mga tshirts, blouse ang isuot mo o kaya sleeveless tural summer naman ngayon kung sa face naman, marami ka pagpipilian depende sa skin type mo. magtry ka muna ng mga nasa sachet para kng sakali di hiyang sayo, madali lang mapalitan.  hope nakatulong kami sau sis..basta lagi mo isispin if you feel good, definitely you will look good.. ;) ;)
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: rheign on April 03, 2011, 03:28:15 pm
I'm a SAHM, pero i make it a point I still look good... At least once a month,nagpapa facial ako... Nagpaparebond din ako ng hair kahit na straight ang hair ko para kahit di ko man maayos ang hair ko sa bahay eh maganda pa din ang bagsak niya... I still put lotion and moisturizer... I'm using body scrubs and hair wax para kahit dito lang ako sa bahay nagagawa ko pa din yun, i dont need to go sa salon para ipagawa ko pa yun...

with clothes naman, i usually wear shorts and fashionable shirt and blouses when i go out... mas comfortable kasi ako sa ganun... kahit ngaung preggy ako uli, ganun pa din ang attire ko... and mas madali kumilos since mas kasama akong toddler... pambahay naman shorts din and sleeveless tops, or spaghetti tops...

hubby works abroad as a seaman, kaya i make sure na i take care of myself kahit wala sya dito, para pag dumating sya i look good pa din... he always tells me na masaya sya kasi di ko pinapabayaan ang sarili ko...  :)
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: sashababy on April 03, 2011, 04:28:15 pm
ako din mga sis, SAHM and tumaba din ako after giving birth. and naku, naiisip ko na din to. baka nga losyang na ko kasi nagpapa breastfeed din ako kay baby, so lagi din ako wala bra, normal shirts lang, and shorts. tapos ang hair, lagi din nakatali. nakakainis noh? minsan mapapaisip ka kung talagang pumapangit ka na? hay... pero i see to it naman na attracted pa din si hubby ko saken, yung nanggigigil pa din. hahaha! short shorts lang katapat niyan. hihi...
Title: Re: help! SAHM feels "losyang"
Post by: violet.crumble on April 04, 2011, 11:24:31 am
thank you sa mga nag-reply.  conscious effort talaga ang pag-aayos ng sarili.  di lang for our hubby but more for our emotional well-being.  if you look good, you feel good diba?

so far, i've been taking your suggestions into consideration.  we went out during the weekend and i took time out to put a little concealer (to even out my skin tone), powder, konting eye shadow for color and light lipstick.  i wore jeans na nakaka-flatter ng shape and a nice blouse.  the hair, sorry, pony-tail pa din.  hehe!

next weekend, plan namin ni hubby na mamili ng clothes for me.  so i'm on the look out for shorts, "shaped" shirts, tank tops, nice sandals and siguro a few mini-dresses.  papunta rin kasi kami out of town so, kakailanganin ko rin ng presentable clothes. naisip ko rin, baka the next time i get pregnant, di na ko maging ganito ka-slim after i give birth so dapat take advantage and flaunt diba?  hahaha!

and ang task ko for the week -- go through my closet and throw out all my losyang clothes!  actually hindi naman throw out, ido-donate ko naman. hehe.

thanks so much mga mommies!  nakaka-depress kasi talaga pag feeling mo di ka pretty.  because of your pieces of advice, nabuhayan ako ulit ng loob.  super thank you!

Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Tiger Lily on April 04, 2011, 01:53:32 pm
Same topics merged.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Adaline on June 01, 2011, 10:16:07 pm
im a SAHM too with no yaya, i have a 9 month old baby and she's starting to explore the world.. less time sleeping na sya.. and malikot.
when i was breastfeeding losyang talaga.. kasi pagod yung katawan mo ang wala talagang energy, even if i eat alot..  not that im discouraging moms about breastfeeding.. pero after na nagformula na yung baby ko napahinga na ng konti yung katawan ko.
beauty tip naman best is lip and cheek tint. very handy and affordable.. practical kasi 2 in 1.. kahit dito lang sa bahay if i feel like maputla ako naglalagay lang ako ng konti may glow na agad.
also, if you can spare 30 more minutes sa shower.. scrub and moisturize..
also pay attention to your feet.. kung wala talagang time wash your feet before going to bed tapos massage with petroleum jelly and put on socks..

also dont be afraid to use your clothes nung dalaga pa kayo.. not because your a mom you need to wear boring clothes na.. and it helps if you could wear your favorite heels sometimes :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: yOyOCiCi on June 07, 2011, 03:22:45 pm
i always want my hair straight, gumagamit ko hair iron every day para super manageable at hindi magulo tignan.. always wear make up kapag nasa office at gagala.. and i'll make sure na ok ang get-up ko.. mahilig ako sa cute dress and flats shoes or doll shoes.. tshirt and short, skirt.. and the most important one, always smile and be happy..
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: princess080910 on June 08, 2011, 12:08:41 am
i make it to a point to visit shopping malls to buy stuffs that are not expensive. super love ko kasi dresses and minis. to pair with my flipflops and doll shoes. super love ko din pampering such as pedicures and facial. yung mga di masyadong maluho... kasi siyempre dapat presentable pa din tayo mahirap na baka mapag iwanan :)
super kakampi ko din ang concealer ko nowadays and lipbalm hehe
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Mommy France on June 08, 2011, 08:45:07 am
The best make up items that you could use that will make you glow

1. Eyeliner - I prefer liquid. Pag walang kulang sa budget, I buy yung Nichido na brand. Less than 100 lang ata yun.

2. Eyelash curler - This will brighten up your eyes. Maraming mura jan sa tabi-tabi

3. Lip and Cheek Tint- 2 in 1 na. Para lang magkakulay yung pisngi.

4. Concealer - Para ma-even out lang yung dark circles. Use your ring finger when applying this sa eyes para hindi ma-strain yung eyes at mag-cause ng further darkening.

5. Powder  - For the Oily face

Kung mag-po-pony ng hair, dapat sleek. I don't see anything wrong with it dapat lang malinis yung pagkakagawa. You may not have the time to put some make up on but the best rule is for you to look clean. When you look clean, bright yung aura mo. Mukha kang mabango. Kahit gaano kahirap habulin yung anak, don't let it show sa face. Don't lose your cool. :D
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: mumzeth on June 09, 2011, 10:50:18 am
ako rin pasagot.. Aside sa palagi kong iniisip na maganda ako.. HAHA! kapag ka magmake up ako simple lang
liquid foundation eto kasi hiyang ko, powder, lipstick yun lang simple lang ako magmake up kasi nagmumukha akong clown kapag maraming kolorete.. tapos hilamos lang ng mukha..
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: tinedy on September 21, 2011, 10:36:57 pm
daily regimen po gngawa ko specially at night dko nkakalimutan un beauty kit ko...then super simple lang me mgdamit pero look decent..i always take vitamins po dko nakakalimutan para glowing pdn kht puyat....sb ng friends ko hindi daw me mukhang my anak na dalawa before....pero ngayon talagang wala nkkapansin na my two babies nko hehe...thanks to my dermatologist talaga... and sa local obagi na nirecommend niya kea help ko siya na magsell ng product niya kc super effective talaga ..u can check my fb account

http://www.facebook.com/heartine
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: caitlin's MoMmY on September 28, 2011, 01:48:06 pm
Hi sis ako naman eversince sabi nila babyface im 25 but dami nagsasabi i look like 18 daw pero kahit ganun feeling ko pumangit talaga ako kasi siguro stress dun lalo kapag makulit si baby.., nag gain din ako ng weight sabi ni hubby ok kang daw pero for me gusto ko pa sana mag loose ng weight kahit konti..,kapag lumalabas kami i make sure naman na nakaayos ako pero sis bakit ganun kapag may baby na bihira na unahin ang self like me hindi na ako bumibili ng dress for me kasi nanghihinayang ako..kahit sabi ni hubby need ko din daw bilhan ang sarili ko..,nauunahan kasi ako ng panghihinayang
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: alymme on October 11, 2011, 03:26:57 pm
Hi, sobrang nakaka relate.. i just resigned from working (for 15yrs!) last Aug this year, now an SAHM. I think the key is you need to stay happy , self-discipline (you really need to have time for yourself). Take a glass of water every morning (on an empty stomach) and try to increase the amount of water when you're used to it already. You will feel better and beautiful, swear!  :)

Since budget is a big deal for me, options remaining is to try organic beauty treatments. Just surfing the net for the natural/ home-made beauty treatments. I've tried some and so far, so good... it works!

Stay beautiful and healthy...

Mom Mye
http://newfulltimemomjournal.blogspot.com/
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: oliveec on October 12, 2011, 08:18:33 am
i guess dapat kelangan ng youthful attitude, kasi pag lagi ka problemado at nakasimangot, lalong madaling tumanda. dapat positive thinking!

atsaka kelangan din healthy living at regular exercise... if you're still trying to lose weight, you can try this slimming product that i'm using: http://entrepreneurmiss.multiply.com/products/listing/10001/Slim_Trim_Healthy_Slimming_Capsules

atsaka i'm also using anti-aging na merong resviratrol which is the most popular weight loss content sa US: http://entrepreneurmiss.multiply.com/products/listing/10008/RestorLyf_Longevity_Formula

kung gusto niyo naman ng whitening at botox effect, pwede niyo rin ito try: http://entrepreneurmiss.multiply.com/products/listing/10003/Perfect_White

ako ginagamit ko yan lahat, and so far ok naman! :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Haidee Ramos Castor on October 13, 2011, 12:55:22 pm
Mga mommies nakakataba din naman talaga ng puso kapag may nagsabi sa'yo na ...Wow ganda naman ng mommy di ba?
      pero tama na smile lang katapat at syimpre positive attitude mga sisters!!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: carrieso99 on October 13, 2011, 06:41:54 pm
right sis.... smile all the time.... nakakabata ito,,, scientific proven poh ito
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Shey♥Bry on October 19, 2011, 04:54:37 pm

1. SMILE A LOT
2. Drink more than 8 Glass of water a day .. For healthy and glowing skin .. hehehhe  ;)
3. Magsuot ng mga kaaya ayang daming kahit nasa bahay lang..
4. Mag lagay ng Lipstick ( or kahit yung Lip Tint ) at Blush-On , para hindi magmukang maputla
5. At least once or twice a month magpa Hot-Oil ng hair, or bumili nalang ng pang hotoil, yung 1 minute treatment lang tapos ako na ang magme-maintenance kahit sa house lang
6. Kumain ng masusustansyang pagkain
7. Exercise  ;D
8. Mag lotion sa buong katawan - I used Nivea or Dove
9. Mag vitamins :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Shanelle™ on October 30, 2011, 11:15:10 pm
tuwa naman ako sa topic.. well for me...ive been doing the things below and thankfully di pa naman losyang. :)

code para madali tandaan -- GANDA!!! :P

Good hygiene/grooming
- clean hair -- always use a conditioner, pa rebond ka once in a while or pa hair color
- clean face - invest sa tried and tested face creams and NEVER hit the sack without washing your face...
- clean nails - number one din ito... mura lang naman ang SPA and mani/pedi - u can even do it alone.. sa mani and pedi - simple is beautiful...
- pleasant smell - invest also in a good cologne/bath soap or lotion - johnsons powder mist - powdery scent.. not that overwhelming hehe... layering is also best (using soap/lotion/shower gel na same brand/scent) -- mas tatagal ang effect
-clean skin -- WATER WATER WATER to hydrate urself, use loofah and body scrub once in a while...
- clean/neat and well pressed clothes. :) invest in good pants/slacks/dresses - dapat fitted ang damit talaga sayo esp mga maong pants.. kasi diba minsan yung pwet natin maganda tignan pag maganda yung pants talga...

Always maintain a positive outlook in life.. dapat SMILE ka lagi.. kasi FROWNING will give u wrinkles and pangit ang aura...

NO to unhealthy eating/drinking habits, ensure to have a  good diet - AVOID soda - number one fattening and will give u bloated feeling, eat lots of greens and DRINK lots of water .. pag nagugutom ka, inom ka muna ng 1 glass of water.. usually kasi hunger natin ay thirst lang pala...keep your drinking sessions to a minimum.. part ng social life yan.. iwasan ang YOSI - number one nakakatanda! :)

Do da move -- eXERCISE! isipin mo na lang no pain no gain... kadalasan kasi tinatamad talaga tayo pero isipin natin yung long term benefits.. when fats become muscles -- mas gaganda yung katawan natin.. intimate moments with hubby also counts *wink wink*

Always lift everything to God... remember.. in HIm alone you will find happiness that will make u really glow... :)

Good luck to us sis!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: lenmel on October 31, 2011, 10:26:34 am

Pag hinahatid ko daughter ko sa school every morning lakad lang kami since lapit lang school niya dito.pag uwe ko  linis ng bahay. ciempre tagaktak n pawis ko nun.. After mglinis konting stretching, bending, simple exercise lang.

Eat healthy. More on veggies kami kaya nsanay din kids ko sa ganito.Every sunday is fiesta day sa bhay dhil baboy ulam namin.Pero d ako masyado sa pork.

Drink plenty of water. Di ako ngcocoffee and bihira magsoda

Always smile and have a positive outlook
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: clytie_27 on October 31, 2011, 10:41:07 am
i think just right amount of diet and exercise will do.. proper hydration din at less sa mga matatamis at fatty food..

 ;) ;) ;) ;) ;)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: LLLA on October 31, 2011, 11:16:40 am
joining..

THREE POINTERS 
1. Dapat lagi maayos ang hair, malinis ang hands and feet..
2. Mag-make up para ma-hide ang stress ng face
3. Dress properly




@ Shanelle...super like your post! GANDA!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: jealousygirl on November 01, 2011, 07:23:15 am
Hi there mga mOmmy;


add lang rin po ako.. SMILE ..smile..smile..  :) :D
Base on my experience.kasi sa work we opt to smile always.. bawal nakasimangot
kaya,, Now that im 27 yrs old and have 1   ( 6 ) yrs old daughther.. people told mena hindi ako mukhang 27, They
often call me Bata.. whaaaaaaaaaaa...
But at least hindi mukhang lola ...lol ^_^

and proper hygiene as well.
wear nice clothes too...
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: mommyJQ on November 01, 2011, 08:57:54 pm
Keep the smile on your face! :)
Proper hygiene.
Eat healthy food.
Take vitamins.
Sleep at least 8 hours.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: aliya_liapot on November 03, 2011, 08:26:23 pm
hi sis!

you can do lots of things to be youthful. you can play sports or go running. treat yourself to a facial and a whole body massage once in a while. try taking multivitamins especially vitamin e. it doesn't have to be an expensive brand. meron namang generic. then rest or relax whenever possible.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: pofeitz on November 06, 2011, 12:29:47 am
laughter is the best medicine to look young.. :) hehe.. ika nga ng iba, always smile.. ;D

kasi kapag lagi ka nakangiti di ka syado magkakawrinkles unlike na nakasimangot ka.. haha.. tatanda ka kaagad kapag lagi kang stress..

proper diet din.. and exercise.. dapat healthy tayo palagi mga mommy..  ;)

ako nga mom of 3 kids na, 34 y.o. na ko, pero palagi cnasabi ng ibang makakakita nasa 25-27 lang ako.. halos 10 years younger minsan , haha.. di na masama.. ayaw pumayag ng panganay ko na kapatid ko daw sya..

kakatuwa lang kapag may mga nakakapansin na mas bata ka sa edad mo.. palakpak tenga ko.. haha.. :P
Title: LOSYANG remedies.. help please!
Post by: andreiquimosing on February 27, 2012, 10:30:25 pm
hi mga sis. im a new mom. mag 2 months p lang baby ko.. unfortunately, feeling ko ang panget panget ko n at losyang n ako. full time mom kc ako at ng brebreastfeed ako. since wala png 2 months n nanganganak ako, pingsusuot p ako ng pajama. tapos problema ko p yung hair ko kc sobrang pumanget nung ngbuntis ako. i also gained weight at nangitim ang kilikili at singit ko. tuwing tumitingin ako sa salamin, naiinis lang ako kc wala ng glow yung itsura ko. gusto kong bumalik sa dati itsura at katawan ko kaso hindi ko naman alam kung pano. hindi ko kc alam kung ano mga dapat at hindi dapat gawin, inumin at hindi dapat inumin, ipahid at hindi ipahid lalo nat ng brebreasrfeed ako sa son ko.. i need help mga sis.. please!
Title: Re: LOSYANG remedies.. help please!
Post by: rianne_mallows on February 27, 2012, 10:47:07 pm
i've been there.. believe me, it will pass ;)   dont put anything on your skin sis... some chemicals can be absorbed by the skin and can be passed through breastmilk... better be safe than sorry.

i suggest you eat A LOT of fruits, and veggie... more water intake para hindi ka magmukang "dry"...
Title: Re: LOSYANG remedies.. help please!
Post by: snow_28white on February 27, 2012, 11:05:22 pm
korek sis....isipin mo na lang si baby mo.

ganyan din ako mula magbuntis gang ngaun no, 5 months na si mika ko.after pimples eto si falling hair..pero carry lang. pasasaan ba at makakarecover din tau..hehe

nakakatuwa lang pag lumalabas tas nakikita ng mga tao si baby...di man maganda si nanay .cute naman daw si baby.hehe

CHEER UP SIS....
Title: Re: LOSYANG remedies.. help please!
Post by: BlueAby on February 27, 2012, 11:43:29 pm
Sis carry lang yan. All mommies nagdaan sa ganyang stage. Pero promise we are still beautiful on our husband's eyes. Specially tayo ang nagdala at naglabas ng baby...  Basta stay clean na lang. I know some mommies have beliefs na bawal maligo for a certain period. I'm one of hehe.... so punas punas lang ako... then suklay lang
Since bawal ng perfume or any chemical, un lang talaga ang ginagawa ko. Isa pa super proud naman tyo sa babies natin. :-)  After ilang months ok na din yan sis. Promise :-)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Tiger Lily on February 27, 2012, 11:57:03 pm
Same topics merged.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: jubeken2005 on February 28, 2012, 12:56:49 pm
naku ganyan din feeling ko... mag2 months pa lang si baby and ako lang magisa nagaalaga sa kanya. Tuloy yung mga beauty regimen di ko na magawa kasi iyak ng iyak si baby :( Nangitim
din singit, tyan ang kili-kili ko... kaya kapag humaharap ako sa salamin nade-depress lang ako :( Gusto ko na nga lumaki si baby para magkaron na ulit ako ng "me" time :(
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: andreiquimosing on February 28, 2012, 10:47:17 pm
sana nga mga sis lumipas na tong time n gn2..  :( pero tama kayo, nakikita ko lang c baby n healthy ok n ako.. sa ngaun, SMILE lang ang pinaka make up ko. kahit minsan hirap tayong mg smile dhil sa puyat at pagod sa pag aalaga ng baby. pero pinipilit ko p ding mg smile.. hehe!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Maya Ranario on February 29, 2012, 11:24:23 am
Para sakin naman, maliit pa baby ko at wala akong kasama sa house kng nasa work na ang partner ko kaya mahirap sakin ang magSpa,Dati nung dalaga pa halos every week punta sa salon.,pero kahit nasa bahay ako,inaalagaan ko ang katawan ko,di ako nagkakakain ng marami at diko talaga kinakalimutan ang maglagay ng moisturizer sa face.,den minsan nakapagpamanicure/pedicure ako pag nakauwi na ang partner ko.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: sweetpumpkin on February 29, 2012, 12:40:33 pm
pasali mga mommies :)
kakatuwa naman thread na ito...share ko lang kasi ako SAHM...nakakawalang gana magayos kasi the whole day si baby lang kasama ko,wala naman makakakitang ibang tao saken kundi si baby...kaya ayun minsan talaga nakakawalang gana magayos. kaya pag weekends na aalis kaming family,pasyal and simba, dun lang ako nakakapagayos talaga.make-up plus good dress.tapos sasabihin ni hubby,,,wow ganda ni mommy o. after reading this thread namomotivate na ulit ako na iupgrade ang kagandahan ko...:) ang hirap umiwas sa mga sweets..pero i will try my very best para umiwas.1 week na ko hindi nagsosoftdrinks!!! yes!! sana pati mga chocolates maiwasan ko na rin...wala naman gaano problema sa face ko kasi madali lang ako magmakeup at iaccesorize ang self ko pag may mga pupuntahan kami. ang main problem ko talaga e ang weight ko.i'm 30 years old and my waistline is 34" :( hay kakasad...marami naman slimming capsules at slimming tea,but i want to lose weight the natural way.siguro i have to backread about loosing weight thread....
keep posting mga mommies...marami po kayong natutulungan like me...
i like the post about GANDA :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: chococream on March 16, 2012, 10:26:03 am
Sali ako mga sissses ah.  SAHM and Homebased at the same time.

yes hindi naman talaga maiwasan na hindi ka makapag.ayos especially on the early morning hours. Panget naman siguro if uunahin mo sarili mo kesa sa breakfast preparations at baby mo. Ako ok lang kahit hindi naka ayos bsta by 6am ready ang breakfast and lahat ng needs ng anak ko.

Pero I make it a point to have 1/2 day for myself talaga. Busy sa bahay, bata at work ang beauty ko pero greatest downfall ko ang pabayaan ko sarili ko.

If I am happy and confident about myself, Healthy and I feel beautiful then sure ako happy din ang family ko. Kaya sa 1/2day na relaxing mode ko, natutulog talaga ako kasama ko daughter ko, I take vitamins and I have papaya and bleaching soaps na maintained. I keep a schedule when ang body scrub and facial days ko pero sa ako lang gumagawa sa sarili ko.

I keep a schedule sa lahat ng gagawin yon ang sinusunod ko pati na ang daughter ko naka adjust na din, kaya clean pa din ang house by end of the day, tapos na ako makapg luto for lunch or dinner and i still manage to keep working.

Schedule, time management and positive mindset lang talaga sis ang sekreto. Eat healthy, no need na ang exercise kasi sa busy at multi-tasking siguro over fatigue na ang katawan natin if sasama pa tayo ng exercise.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: remi_martin on March 16, 2012, 11:15:33 pm
best way siguro lagi tayong mag smile kasi ccording to studies diba mas maganda para i exercise ang face natin pag nag smile or tumawa....kaysa naman laging nakasimangot or nagagalit mas mastress pa tayo at mas nakakapagod un....pero syempre di maiiwasan ang nagagalit kaya need natin mag freshen up palagi...maligo at tignan maige sa salamin ang face at figure natin kung satisfied ka naman eh no problem pero if kailangan ng konting treatment eh marami namang beauty products galing sa mga food diba.....then syempre kahit papaano mag bihis ng maayos at malinis dapat palagi lalo na pag malapit ng dumating si hubby at need ng konting cologne man lang...lagi kang mag pa trim ng hair para maging healthy ang hair and you don't need to have your hair treated  na medyo nagmamahalan na rin ngayon.....pero dapat minsan mag laan ka rin ng budget para sa sarili mo kahit magpa spa ka minsan or body scrub man lang, facial....kahit minsan need ng mga mommies ipamper ang sarili para mabalik yung confidence na nawawala kung minsan dahil nasa bahay lang or di na nakakapag ayos dahil busy sa house at sa mga kids.....konting effort lang para sa atin din mga mommies at sa mga hubby natin...
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: babylovealthea on March 19, 2012, 11:27:17 am
Best way is to make an effort na mag ayos tayo. like skin care ang napaka impt na now lalo na pag umi edad na tayo. ang make up di kailangan complete ka and puro mamahalin. ang dapat gastusan natin is ang skin care. make up kasi kahit less lang pag maganda skin natin di ba.

then we must dress according to our age. minsan kasi napapansin ko, kahit na kulubot na ang balat ng ibang girls as in super spaghetti straps and micro mini pa rin ang suot. we must know what are the best clothes that flatters us.

exercise. it helps you release toxins ng body natin. plus it helps our skin glow. not only that, it will help us feel younger, stronger and healthier.

and lastly, keep yourself from being stressed. mabilis makatanda ang stress. try to laugh a lot specially if small things lang naman ang nangyari. sometimes we tend to be super serious and nakakalimutan na natin magrelax and tumawa.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Mommy France on April 07, 2012, 07:01:11 pm
Tama!! Effort talaga mag-ayos kasi you have to give it an ample amount of time to get used to a regimen or wearing makeup.

Sa totoo lang mas comfortable ako without any makeup. At most 3 days lang akong naka-make up sa office kasi may mga times talaga na kinukulang ako sa oras sa pag-aayos. Computer lang din naman ang kaharap ko. Kaya lang minsan talaga may celebrities na pumupunta sa office and nakakahiya makipag-shake ng hands ng mukha akong in-absorb ng computer.

Marami namang drugstore brands diyan na hindi mo kailangan mag-spend ng masyadong mahal. When you find a shade that works for you, stick with it. Hindi naman kailangan marami.

Another way to motivate yourself is to surround yourself with people na talagang nag-e-effort mag-ayos para ganahan ka. Plus there is a tendency na ayaw mong magmukhang alalay sa tabi nila.

Motivation ko is I want to look good kapag kasama ko yung asawa at anak ko. Mahirap maging nanay pero hindi naman kailangan kita sa mukha natin. I-admire those who make it look like it's effortless to run a household kasi alam naman natin na walang madali sa pagiging nanay at asawa.

Kung talagang walang budget for lip tint, or foundation or concealer - kahit magandang sabon at shampoo lang. Yung talagang hiyang sa'yo.

Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: FayeP on April 07, 2012, 07:07:22 pm
For me ito mga ginagawa ko:

1. maintain pa din un skin regimen na ginagawa nun dalaga pa or nun wala pang anak - kasi di ba pag gabi naman tulog si baby so bago ako mahiga, shower, then face ritual like toning, moisturize, tapos pahid ng lotion sa body.. up to now ginagawa ko pa din un maglagay ng makapal na lotion sa feet tapos magsusuot ako ng socks...twice a week din, naglalagay ako ng facial mask...

tutal anjan naman si hubby to watch the baby habang nagri-ritual ako..

2. always magpagroom ng eyebrows at magpagupit ng hair.. since anjan naman si hubby (or si mom ko) to watch over the baby, I have the time to go to the nearby salon to have my brows groomed and to have a new haircut, at hot oil. although hindi nako makapag pa rebond kasi ayoko din naman magtagal sa salon

3. ito nabasa ko somewhere, moms must haves should include tinted moisturizer, lip balm, mascara and cheek blush...so di na ako nagme make up papasok sa office ngayon kasi tinatamad na ko, kaya tinted moisturizer na lang, cheek gel at lipstick (di ako mabubuhay ng walang lipstick eh)...

4. eat healthy kasi you are what you eat sabi nga nila.. since I am still breastfeeding, mostly veggies at fruits ang kinakain ko pamganda ng kutis kumbaga...

5. be positive all the time

6. SMILE lagi! 
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: jubeken2005 on April 16, 2012, 11:55:28 am

This post contains a quoted message only. To be modified the post by the user.

Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Normie on May 14, 2012, 04:40:29 pm
OO nga..No time and budget minsan:) hehe..ok lang hindi makabili ng bagong damit for myself si baby muna lage ang hehe..pero make sure na mabango at maayos pa rin lage ang itsura:)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: CallcenterMom on May 17, 2012, 05:46:55 pm
Just to share.  I go for rebond once in awhile.  Please read my blog.  Hope you like it!

http://intrimididaatribida.blogspot.com/2011/07/i-was-supposed-to-go-with-friend-for.html
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang LOSYANG without having to spend time and money
Post by: gandangmorena on May 28, 2012, 08:42:39 am
Sabe nga, when your happy it shows

i totally agree!

kapag kasi we are loving our life and enjoying every single moment of it kusa ng naggo.glow ang beauty natin  ;)
although need pa rin ng konting touch.up pero makikita pa rin ang gandang natural kapag masaya.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: lykeil on May 28, 2012, 01:31:10 pm
As of now, aminado akong I'm in the LOSYANG MODE!!  Kasi talagang ako lang alaga sa 3 kids ko tapos, pagod na rin. And mostly pag may time nood tv lang and sit in front of the PC. Kaya napabayaan kong lumaki ang butt ko!! : P

Dahil din sa depression (worries financially) and tireness nakaka -trigger sa akin ang kumain to compensate my hard work. Hay kaya wag nyong gayahin mga hijas!!

Anyway, since pang 6th year na namin ni hubby now.. I want to minimize my rice intake and stop drinking soft drink...(finger cross)... yung kasing softdrink ang naging energy drink ko! waaahhh!! Kaya now... I need to effort to change my mind set na, little more mag ayos ng sarili ko at mag hulahoop pang shape ng katawan ko at pampaliit ng tummy ko.

Well, blessed are those who have petite frames and working nanay, kasi namo-motive pa kayong i-maintain ang figure niyo because you have clients to face.. eh ako sa house lang kaya nakakatamad mag ayos. hehe.. but then, I would like to get all your good advices and tips para ako lang ang sexy at maganda kay HUBBY!! : )
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: LLLA on May 30, 2012, 05:19:46 am
ako din LOSYANG MODE now.
I gave birth almost 2 months ago and super fussy baby ko so lagi akong wasted! :'(

Oh well, dati mahilig ako magspend ng pera sa MakeUps.
But now since no sweldo ako for 3 months, and need ko replace makeups ko, I bought yung cheapo lang pero yung alam kong may quality... makeup kasi ang nagpapa-uplift ng vibes and aura ko...
Sa figure naman-eto I'm sooo heavy pa..  ::)
Need magbawas ng mga 10-15 lbs...eeekk! HIrap pa kasi CS ako. Di pa pwede mag-GYM.

Dinadaan ko nalang sa pag-aayos ng face muna..make up make up. ::)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: chikiting on May 30, 2012, 08:55:39 am
kung losyang pinaguusapan ako na haha! At the age of 28 with 3 kids WAHM di talaga maiwasan, nakakaasar lang at mismong mom ko pa nagsabi saken na losyang na ko hahaha.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Mommy France on June 03, 2012, 05:38:07 pm
^^ I-off na yang losyang mode na yan. Remember yung mga dates ninyo ng hubby ninyo (or boyfriend nung di pa kayo kasal). For sure alam ninyo yung physical asset ninyo na nagustuhan niya so work on it.

Kung stay at home kayo, gawin ninyong client yung asawa niyo. Ok lang kung madungis buong araw pero kapag andyan si mister sa bahay siyempre mag-ayos di ba? Paunti-unti.

One thing I experienced while working out at home is yung squats sobrang nakakapawis.
So kahit 5 minutes sa cr bago ako maligo I do 5 squat-sets with 20 count each sa umaga. That's all I can spare sa umaga bago pumasok ng office eh.

Sa gabi, if I have time, yung jumping rope naman at kapag may lakas pa, yung yoga. Di ko naman nako-complete eh. 1 hour max na saken yun. At hindi rin araw araw yan. Pero I started once a week ngayon 3x week na. Sana maipasok ko na sa sistema ko.

Kapag wala yung asawa ko, yung zumba naman kasi feeling ko di magandang sight yung nagsasayaw ako. :D

Ayan tulog siya, pwede ako mag-jumping rope. :)

to keep myself motivated, I read this tumblr page - tumblrgym.tumblr.com
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: BlueAby on June 06, 2012, 08:00:13 pm
Ako din sis mother ko na ang nagsasabi sa akin na mukha na kong losyang ang bata bata ko pa naman daw. hehe.
Nakaka-tempt magpaganda, magkaron ng beauty regimen etc. Kaso time ang issue ko since ako lang ang nag-aalaga sa mga anak ko plus may work pa ako. Pagkauwi ko kasi sa bahay binibigay na agad sa akin yung mga anak ko, di pa nga ako nakakahinga mula sa byahe, may makukulit na kong alaga. hehe

Recently bumili ako ng pampabeauty, grabe mas mukha pang bata yung almost 50yo na tita ko sa akin. Pati yung porma, face and hair niya. Well may budget din naman kasi sya. so nung dumalaw sya sa bahay namin super daming lait ang inabot ko. hehe. Si mama ko rin before ay maayos sa sarili niya lalo na nung nagwowork pa.

Sana mapangatawan ko na to para mag-improve na yung looks ko. Dry na kasi yung face ko, pati hair ko dry din  >:( Kaya para me 60yo na kahit late 20s palang.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: babylovealthea on June 07, 2012, 05:02:53 pm
naku sis blueaby kahit anong pagod mo, for sure naman may at least 5 mins ka before you sleep.. clean your face sis then apply ka ng toner and moisturizer. start ka kahit garnier if tight budget ka. dapat laging magpa beauty ka pa rin.. naku sa panahon pa naman ngayon pabata ng pabata ang mga higad. baka mabaling ang attention ni hubby sa mga batang higad at kamutin... :)
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: BlueAby on June 08, 2012, 10:53:10 am
hahaha korek ka jan sis babylovealthea! Need talaga magpabeauty para sa atin lang eyes ni Mister.
Sa totoo lang di na ko nakakapagwash talaga ng face sa gabi, pagod kasi eyes ko sa computer and masama daw. Since pagod na ko sa work, madalas magpapalit lang ako ng pantulog then higa na. Pero try ko talaga mangarir ngayon.

Mommy France try ko yung squats, ano nga po palang area ang tinatarget niya? Tummy kasi ang prob ko, yung ibang parts ko kasi normal lang, mukha tuloy akong butete. hehe
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: lykeil on June 11, 2012, 12:38:04 pm
@bluebay kung gusto mo tummy lumiit, mag hulahoops ka kahit 15mins per day or trice a week. Magkaka curve pa ang bewang mo.

Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: BlueAby on June 14, 2012, 05:01:24 pm
@lykeil sige sis try ko bumili nun. Kaso baka di ko sya makareer. Sigurado aasarin ako sa bahay kapag nakita nila na nagpapasexy ako. hahaha!
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Blake on June 16, 2012, 09:49:39 pm
@BlueAby
Sit-ups. In bed or sa sahig or kahit saan. do it regularly. or bago tumayo pagkagising sa umaga. it's a TUMMY exercise. medyo mahirap lang at kkapagod pag nagsstart pa lang.
hope this helps.  ;)
 
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Mommy France on June 17, 2012, 08:03:24 pm
Mommy France try ko yung squats, ano nga po palang area ang tinatarget niya? Tummy kasi ang prob ko, yung ibang parts ko kasi normal lang, mukha tuloy akong butete. hehe

Thigh muscles and core mo. Better search for videos on how it's done properly kasi possible ma-injure yung ankle when done the wrong way.
Title: Re: Paano maiiwasang magmukhang losyang w/o spending too much time and money
Post by: Mommy Jazz on October 03, 2017, 08:49:42 pm
Wear classy-looking shoes that's not expensive.
Smart Parenting suggests these The 7 Pairs of Shoes a Mom Needs From Monday to Sunday
Click image.

(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/09/29/shoes-web.jpg) (http://www.smartparenting.com.ph/style/fashion/7-days-of-shoes-a00061-20170930)