Parent Chat

Parenting => Real Parenting => The Balancing Act: Career and Family => Topic started by: violet.crumble on September 15, 2010, 02:02:35 pm

Title: Any SAHMies here?
Post by: violet.crumble on September 15, 2010, 02:02:35 pm
Hi mommies!

I'm a stay at home mom to a 10 month old baby boy.  I used to teach grade school kids but ever since i gave birth, i've stayed at home with my baby.  Can't afford to leave him in the care of a yaya or even a relative.  And besides, he's breastfeeding so we need to be together.

Hope to meet other SAHMies so we can share our experiences and support each other with our daily trials.  After all, being a SAHMy may look easy but it's definitely one of the toughest roles we play.

Hope to hear from you soon!

Read it on Smart Parenting.
These Drawings Show 'a Lot of Beauty Can Be Found' in a Stay-at-Home Mom's Daily Life
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/11/27/momillustration2-nov2718.gif)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/adenomyosis-symptoms-pregnancy-complications-a00061-20181128?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on September 15, 2010, 03:05:21 pm
SAHM din po ako :) used to work as a secretary sa Congres.. want to be SAHM hanggang kahit mga 2 years old si baby kaso parang gusto ko bumukod agad kaya kelangan magwork  :-[
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: Nuna on September 15, 2010, 03:28:55 pm
hi mommies! ako din SAHM. Buti nga kayo naranasan nyo magwork, ako hindi. Pagka graduate ko kasi, got preggy. Ayaw ng hubby ko na magwork ako kasi, ewan ko natatakot talaga sya. Then pagka panganak naman, ayun mas mahirap iwan ang baby. hindi din talaga namin mapagtiwala sa yaya, and wala naman pwede mapag-iwan. So ako nalang talaga! Happy naman ako, sarap kasi kasama ko baby ko 24/7. As in kami lang dalawa (seafarer si hubby)

lately, napapaisip ako magwork. kasi gusto namin ng bagong bahay.. at ayoko na pasakayin ng barko asawa ko. kaya yun. ewan ko lang kung papayag asawa ko, at KUNG kaya ko nga iwan si baby. masaya maging sahm,pero pag naisip mo na yung napakadaming kelangan.. naku..
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on September 15, 2010, 03:44:07 pm
oo nga sis, kung ako papipiliin SAHM mom na lang ako para tutok sa mga anak.. pero daming gastos eh.. tsk.. sabi ni hubby pag na promote siya pwedeng hindi na ako magwork.. haha kaso parang matagal tagal pa yun.. eh parang gusto ko malaking family. haha
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: violet.crumble on September 15, 2010, 06:12:15 pm
sis nuna, sa barge din nag-work dati si hubby.  but when i got pregnant, di ko na sya pinayagan bumalik.  hirap magbuntis nang hindi kasama ang hubby.

rewarding ang pagiging SAHM, pero minsan nakaka-kurta ng utak, lalo na in my case na 10 years akong nagtuturo, laging may excitement sa buhay.  ngayon, exciting pa rin dahil ako msimo nagbabantay kay baby pero may times na hinahanap ko ang challenging life ng teaching at bilang level coordinator.  but definitely, choosing to be a SAHM is the best decision for my son.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: chimendoza09 on September 15, 2010, 06:37:31 pm
I'm a stay at home mom to a 10 month old baby boy.  I used to teach grade school kids but ever since i gave birth, i've stayed at home with my baby. 
hello sis! SAHM din ako ngayon and like sis ainge88, secretary din ako before ng Governor namin :) when i got married i resigned para unahin ang pag gawa ng lahi namin  ;D after 4 months i'm preggy na..plan ko mag SAHM until 1 year old si baby. pero matutupad kaya yun pag andito na..minsan naiisip ko parang mahirap ipagkatiwala sa iba ;)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: Nuna on September 15, 2010, 07:11:31 pm
Quote from: tyger1112
sis nuna, sa barge din nag-work dati si hubby.  but when i got pregnant, di ko na sya pinayagan bumalik.  hirap magbuntis nang hindi kasama ang hubby.
ako naman sis, nung malaman kasi namin na preggy ako, paalis na si hubby pasampa ng barko. so tinuloy niya yun, pero shinorten niya yung contract niya para makauwi pag nanganak ako. plano namin nun apply sa new zealand para sama2 kami, mauna lang muna si hubby. pero binigyan sya ng promotion sa barko, e sayang talaga. kaya nagstay lang sya samin ni baby ng halos 5 months, then balik sa barko ng 6 months. Kaya talagang sa bahay nako, kase mahirap un nasa ibang bansa na nga si hubby tas di pa ko maiiwan sa baby.
Quote
choosing to be a SAHM is the best decision for my son.
me too!
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: BuhayMommy Blogger on September 15, 2010, 07:31:39 pm
Hello sis tyger:

Masarap and fulfilling ang pagiging SAHM! ;D Hindi na ako work since I got pregnant nung 2008. Nung una plan ko na muna makaabot at least 2 years old si Yuri para makawork and makatulong sa pagiipon kahit papano. Eh mukha malabo ng mangyari kasi I am about to give birth next month para sa 2nd baby namin. Sabi ni husband mas gusto niyang andito ako sa bahay kasi hirap syang ipagkatiwala sa iba nag bahay, babies, liit pa kasi ni Yuri, at ang pagaasikaso sa kanila. Cgro pag nakaluwag narin kami ipon ng pang business at bahay na rent to own sana.

Masarap maging SAHM kasi more chances of bonding ke baby, wala ka namimis na developmental milestones sa kanya ;D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mommy e on September 15, 2010, 07:47:31 pm
ako din SAHM .... and very happy to be one .... i used to work in a private company ( manufacturing firm ), pero nung mag 3 na yung bunso ko and talagang namang super naghahanap ng atensyon and namroblema ako sa mga nakuha kong yaya ... we decided na mag SAHM na lang ako .... mag 8 months na ko SAHM ( more than 15 yrs din ako nag work kaya nag adjust din talaga ) .. pero eversince naman, hands on mom talaga ako kaya pag dating sa pag aalaga sa kids, no more adjustment at all ... :-) ... sa ngaun me smalltime business din ako para d naman ma bore ... c hubby is still working as an engineer in a private company ... super love ko ang ganito at never ko ng pinangarap na mag work uli sa isang company .... hirap kc di mo hawak oras mo, plus me ipi please ka na boss ... hehe
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 15, 2010, 11:27:34 pm
sahm din ako,
andito kasi kame sa saudi,
wala choice kelangan sa bahay lang talaga,
dependent kasi visa ko,di ako pwede magwork,
at wala din magbabantay kay baby kung sakali..
wala din ako tiwala pag iba magbantay e,
kasi kung ako naiinis minsan pag diko mapatahan,
yung ibang tao pa kaya,...
yun nga lang,nakakabagot n nga minsan talaga,
di naman ako
pwede lumabas nalng basta dito kung kelan gusto,
bawal magdrive babae,
nakakatakot din magtaxi dito,
kaya yun tiis nalng talaga,
lagi nalang ako nagbibilang ng bwan at araw para sa bakasyon,
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: celganda on September 15, 2010, 11:48:36 pm
sahm din ako,
andito kasi kame sa saudi,
wala choice kelangan sa bahay lang talaga,
dependent kasi visa ko,di ako pwede magwork,
at wala din magbabantay kay baby kung sakali..
wala din ako tiwala pag iba magbantay e,
kasi kung ako naiinis minsan pag diko mapatahan,
yung ibang tao pa kaya,...
yun nga lang,nakakabagot n nga minsan talaga,
di naman ako
pwede lumabas nalng basta dito kung kelan gusto,
bawal magdrive babae,
nakakatakot din magtaxi dito,
kaya yun tiis nalng talaga,
lagi nalang ako nagbibilang ng bwan at araw para sa bakasyon,<br hehe..
nag-migrate kami at don ako nag-umpisa maging SAHM. buntis ako non kaya enjoy nung umpisa kasi di na kelangan mag-office. pero nabagot din nung ilang months na si baby. kasi 8 years na akong "career woman" nung nag quit ako. kaloka din kasi wala kaming relatives don at mga kakilala.
correct me if im wrong, sa pinas ba, mababa talaga ang tingin sa mga SAHM? yun kasi ang nakukuha kong vibe sa mga pinoy. nakakalungkot.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: angelic_louise on September 15, 2010, 11:49:24 pm
@xian_mamie buti ka pa sis kasama mo na hubby mo dyan.

SAHM din ako, based kasi sa computation namin ng hubby ko kung kukuha kami ng yaya tapos mag wowork ako break even lang, yung matitira sa sweldo ko sa yaya lang mapupunta. and di ko pa matutukan si baby, iba kasi pag alagang nanay. one factor din kasi yung na-bedrest ako since 1st month ng pregnancy ko naisip ko kung pano ko iiwanan yung baby ko paglabas niya eh kung yung nasa loob ko nga sya muntik na may mangyaring di maganda sa kanya, ano pa kaya pag labas niya.  :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 16, 2010, 12:32:58 am
@celganda,
correct me if im wrong, sa pinas ba, mababa talaga ang tingin sa mga SAHM? yun kasi ang nakukuha kong vibe sa mga pinoy. nakakalungkot.....
parang hindi naman siguro sis,,meron lang talagang mga taong walang maisip na matino kapwa,

@angelic_louise, andito din ba hubby mo sis?
,pagkatapos ng kasal namin ni hubby,inayos agad niya papers ko,para makasunod agad sa kanya,
dito narin ako nagbuntis at nanganak e,
pero mababagot ka talaga dito e,
di naman kasi open country ang jedda
kaya dami bawal,
nagbabakasyon naman kame once a year,
kaso isang bwan lang,bitin... :P
 
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: MotherG on September 16, 2010, 01:26:41 am
Hi mga mommies!  Count me in!   I'm also SAHM, very challenging at times but very rewarding!  As in solo akong nag-aalaga most of the time kasi syempre iba ang alaga ng mommy sa daddy.  Purely breastfed din si baby kaya talaga maghapon, magdamag kaming together!  I'm very happy kasi nakikita ko na ang everyday development ni baby at napahinga ako from my 9yr straight working status.   I really wanted to take care of our baby and wanted to rest from work kaya lang I was wrong...mas matinding responsibility pala ang maging full time SAHM.  Tama yung sabi nila na 24hr job and no day off minsan.  Kasi kami ni hubby nag-dedate pa rin pero kasama si baby!  Di pwede iwan kasi ako lang ang source, mahirap baka magutom.  Hay!  I salute and admire all the mommies who decided to take care of their babies themselves!  Mabuhay tayong mga SAHM!  Thank you Lord for the everyday strength, patience, wisdom and joy in taking care of my baby and hubby! -  This is my prayer everyday!  God bless us!  ;)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: sweetlorry on September 16, 2010, 01:32:21 am
same here mga mommies. SAHM din ako. I used to work in semicon kaya lang like with mommy angelic_louise nung kinucompute na namin yung expenses nakita namin ni hubby na much better if i stay home na lang and take care of the baby. less expense kc i get to breastfeed fulltime. d na bibili ng milk formula.  ;D mas matututukan ko pa si baby. though minsan naiisip ko mg work ulit. d ko kc masyado naenjoy ang pagiging career woman ko. ;D 3 yrs pa lang ako sa industry nung ng decide mg SAHM. pero iisipin ko palng na d k makakasama baby ko for a whole day parang ko na kaya.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: thansher01 on September 16, 2010, 05:06:10 am
same here mga mommies.. SAHM din ako since June 2008.. worked with LG Electronics and in a callcenter in Ortigas. HR Practitioner ako from both company (Compensation and Benefits). naisip ko na rin magwork ulit kaya lang super hirap maghanap ng nanny nowadays. like most of us, no day off rin ako. magdate man kami ni hubby bring along the baby set-up kami. konting adjustment lang kasi I've never been a gimikera when I was still single. nanibago lang ako sa shopping set-up. hehe ;D before kasi sky's the limit. now na may baby na, less shopping for myself.. everything is for the baby.

pero plannning to be a WAHM by next year.. will pursue my online store. hopefully maging successful para no need na talagang magwork. I'm enjoying naman my career as a mother and wife..
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mommy ni lijah on September 16, 2010, 05:55:27 am
sis ako din SAHM, 2007 ako na preggy, sakto paalis si hubby papuntang kasi, ayun, umuwi sya nung nanganak ako... I worked with semicon company, asst. supervisor ako, hindi na ko bumalik kasi maraming tsismosa dun.. hehe
tsaka ayaw ni hubby, sabi niya malayo na nga sya tapos hindi [a ako mag aalaga ke baby, ano na lang sasabihn ni baby?

@xian_mamie- wow nasa kasi ka ? si hubby nasa al-khobar- balak na nga niya kami dalhin, for dependent visa, sabi niya gagastos akmi ng 25k riyals lahat na, that is 300k sa peso.. kaya lang inisp niya na pamabyad na rin sa bahay yun.. kaya sabi ko tapusin na muna namin ang pagbayad sa bahay.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 16, 2010, 07:50:59 am
@mommy ni lijah
ou sis,jedda kame...
pero kung maganda yung companya ng asawa mo,
bawi lahat ng gagastusin pagnakuha ka niya,
kagaya sa sa company nila hubby,
nung andiito na ako,
binalik ng company lahat ng gastos,
plus double na housing namin,
saka pag may sakit ka,wala ka gastos,
nung nagbuntis ako at nanganak wala ako gastos company lahat,
tapos sagot din ng company pamasahe namin t'wing nagbabakasyon kame pinas,
yun nga lang once a year lang,
yung bagot nga lang talaga kelangan paghandaan mo :P
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: angelic_louise on September 16, 2010, 11:20:49 pm
@angelic_louise, andito din ba hubby mo sis?
,pagkatapos ng kasal namin ni hubby,inayos agad niya papers ko,para makasunod agad sa kanya,
dito narin ako nagbuntis at nanganak e,
pero mababagot ka talaga dito e,
di naman kasi open country ang jedda
kaya dami bawal,
nagbabakasyon naman kame once a year,
kaso isang bwan lang,bitin... :P
 


yup, nasa jubail sya. di pa niya kami masasama dyan kasi di pa naman ganon kataas sweldo niya dyan and pati position niya. dami nga daw bawal, ang term nga niya sa akin wala daw masyadong buhay ang mga babae dyan.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 16, 2010, 11:53:49 pm
@angelic_louise, andito din ba hubby mo sis?
,pagkatapos ng kasal namin ni hubby,inayos agad niya papers ko,para makasunod agad sa kanya,
dito narin ako nagbuntis at nanganak e,
pero mababagot ka talaga dito e,
di naman kasi open country ang jedda
kaya dami bawal,
nagbabakasyon naman kame once a year,
kaso isang bwan lang,bitin... :P
 


yup, nasa jubail sya. di pa niya kami masasama dyan kasi di pa naman ganon kataas sweldo niya dyan and pati position niya. dami nga daw bawal, ang term nga niya sa akin wala daw masyadong buhay ang mga babae dyan.

uo nga e,ako nga gang ,
bahay -grocery
 ikot-ikot sa mall minsan ,
o kaya magbbeach kami pag mahaba ang bakasyon nila hubby,,,un lang,
pero madalas bahay at grocery store lang talaga!
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ravenwillis27 on September 17, 2010, 12:00:29 am
like all you pretty mommies, I am also a stay at home mom.  I left a very demanding corporate job (I was an Account Manager for a telecommunications company) when I found out that I was pregnant.  I was a stay at home mom for almost 2 years.  After my baby turned one, I got bored.  I decided to try the call center industry.  It took me one year to realize that it is not for me.  My baby is 2 years and 7 months old, and started toddler school last June.  That is when I decided to become a SAHM again, and I am super lovin it!!! :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mommy ni lijah on September 17, 2010, 06:17:16 am
@mommy ni lijah
ou sis,jedda kame...
pero kung maganda yung companya ng asawa mo,
bawi lahat ng gagastusin pagnakuha ka niya,
kagaya sa sa company nila hubby,
nung andiito na ako,
binalik ng company lahat ng gastos,
plus double na housing namin,
saka pag may sakit ka,wala ka gastos,
nung nagbuntis ako at nanganak wala ako gastos company lahat,
tapos sagot din ng company pamasahe namin t'wing nagbabakasyon kame pinas,
yun nga lang once a year lang,
yung bagot nga lang talaga kelangan paghandaan mo :P

ganyan din si hubby sis, once a year, actually ayaw ni hubby na pumunta kami jan kasi wala nga daw buhay jan, at sa bahay lang daw tlaga kami tsaka tripleng ingat daw... kasi mga lalaki nga daw narerape, babae pa kaya... yun lang winoworry ni hubby. kasi gustong gusto niya kami makasama dun.. yung ibang kawork niya, andun na rin families nila...

sis, ano nationality ng baby mu? half half ba? pag pinanganak ba jan ganun din ba nationality? hehe  tiananong ni hubby kasi kung gusto ko daw ba manganak dun if ever mabuntis ako...
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 18, 2010, 06:30:15 am
@mommy ni lijah
ou sis,jedda kame...
pero kung maganda yung companya ng asawa mo,
bawi lahat ng gagastusin pagnakuha ka niya,
kagaya sa sa company nila hubby,
nung andiito na ako,
binalik ng company lahat ng gastos,
plus double na housing namin,
saka pag may sakit ka,wala ka gastos,
nung nagbuntis ako at nanganak wala ako gastos company lahat,
tapos sagot din ng company pamasahe namin t'wing nagbabakasyon kame pinas,
yun nga lang once a year lang,
yung bagot nga lang talaga kelangan paghandaan mo :P

ganyan din si hubby sis, once a year, actually ayaw ni hubby na pumunta kami jan kasi wala nga daw buhay jan, at sa bahay lang daw tlaga kami tsaka tripleng ingat daw... kasi mga lalaki nga daw narerape, babae pa kaya... yun lang winoworry ni hubby. kasi gustong gusto niya kami makasama dun.. yung ibang kawork niya, andun na rin families nila...

sis, ano nationality ng baby mu? half half ba? pag pinanganak ba jan ganun din ba nationality? hehe  tiananong ni hubby kasi kung gusto ko daw ba manganak dun if ever mabuntis ako...

yung mga naaabuso naman dito na babae yung may mga salbahe na amo lang,
pero sa labas lalaki nirerape kc pagbabae pakikialaman nila
pupugutan sila ulo,
marami naman lumalabas dito puro babae basta wag kalang
talaga mag-isa lalabas,
ako nakakalabas lang pagkasama si hubby.
  NATIONALITY BABY?
pilipino pa din po,
kc pareho naman kame pinoy ni hubby e,
saka di naman pwede sakanila yung parang kagaya sa
US na magiging US CITIZEN ka,
dito walang ganun,di pwede magingSAUDI,ang ibang lahi.
ang maganda lang dito,wala ka gastos lahat ng check-up,
gang ngayun la pa din kame gastos,
yung vaccine pala jan satin ang mahal,
kaloka,,,nung nagbakasyon kame,
try namin pacheck c baby jan kc nagkasipon,
at napavaccine narin kame kc sched. na yun,
hala ...ang mahal pinakamura na yung 3k,isang bakuna lang yun!tapos may iba pa vaccine kailangan,,
di na namin tinuloy,
pagkabalik nalang namin saudi nagpabakuna hehe
samantalang dito wala kame bayad sa lahat pati mga gamot.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: celganda on September 18, 2010, 01:55:17 pm
mabuti na rin yon xian_mamie na magkakasama ang buong family ninyo. di ko na ma-imagine na hiwa hiwalay kami ngayon. may time kasi before nung bagong kasal pa kami na puro out of town trips si hubby dahil sa work. nag quit na sha don at ngayon lagi na kami magkakasama.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mummienina on September 18, 2010, 02:42:22 pm
hey mommies! also a SAHMmie here in brunei.. our baby is still 2 mos. i quit work nung nagfull-term ako sa pregnancy to rest and focus sa delivery. i'm still thinking if i should go back to work later when baby is 6 mos. but i'm more interested in a stay-home job.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: liams mom on September 18, 2010, 06:19:08 pm
Another SAHM present! :)

Been one for almost 2 years now - I resigned from work February 2009 and took care of my son on a full time basis. Hubby and I came up with that decision because he left for Dubai, and we dont want naman na wala na nga siya tapos ako sa gabi lang din makikita ni baby. Part of that deal was I will be working again pag nakasunod na kami sa kanya. I am -on and off- looking for work here in the UAE and almost got one last month.. but resigned because hubby doesn't like my work sched. :) Maganda lang ngayon is I'm not pressured makahanap agad ng work unlike nung single pa ko.

I've enjoyed and am enjoying every minute of being an SAHM. Super fulfilled, kahit walang sweldo, mas masarap ang feeling na close na close sa'kin ang baby ko and I would not trade that for anything else in the world. Though I know, in the coming months, I might need to work again... :( pero ok lang naman din, it's for my baby's future pa rin naman. I am just praying na pag nagka-baby ulit ako, may chance na makapag SAHM ulit ako kahit 2 years ulit para naman makita ko din development niya just like my baby boy. :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: violet.crumble on September 21, 2010, 10:44:45 am
wow!  dami palang SAHM like me.  feels good to know there are a lot of us in the same boat.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: missmemay on November 18, 2010, 09:40:35 pm
hi mommies!

i'm a SAHM too! =) very rewarding talaga maging SAHM but there are times na nadedepress ako coz i'm missing my old life (shopping, gimik, friends, etc. )..
minsan nga naluluha nalang ako..haha buti nalang anjan si baby makita ko lang gumagaan na pakiramdam ko.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: on November 18, 2010, 10:35:10 pm
hi mommies!
i'm a SAHM too! =) very rewarding talaga maging SAHM but there are times na nadedepress ako coz i'm missing my old life (shopping, gimik, friends, etc. )..
minsan nga naluluha nalang ako..haha buti nalang anjan si baby makita ko lang gumagaan na pakiramdam ko.

Hello, SAHM din po ako, I used to teach preschool, grade school and high school all in one day, everyday. When I was on my 4th month nag stop na'ko mag work kasi thrice nako nag spotting in 3 months time, so kesa masisi ko pa sarili ko nag stop nalang po ako. It's true na very rewarding ang pagiging SAHM, however just like missmemay, namimiss ko rin yung mga bagay na yon like gimmik, partey till you drop, shopping ng mga gusto hehe, hindi nagrereklamo yung term eh, kumbaga namimiss lang ganun. Old Life kasi. Ngayon dahil may baby na, my daughter is a new part of the future I'm creating for myself and my family. Naeenjoy ko yung pagiging SAHM, yun lang minsan talaga di mo maiiwasang mamiss ang old life mo, siguro dahil 4 months palang akong nag-aalaga ng baby ko  ;D

As of now, I'm learning the art of multi tasking (cooking, farming in FV, washing the dishes, chatting, answering mails and changing diapers in between)  ;D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: simplykristine08 on November 18, 2010, 10:35:34 pm
hi mommies!

Stay-At-Home-Mommie din ako :) my son is almost 7month old already. never worked pa, still receives allowance from my mom and hubby. but im loving my job. this is the most rewarding job in the whole world! :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: missmemay on November 18, 2010, 10:50:40 pm
hi mommies!
i'm a SAHM too! =) very rewarding talaga maging SAHM but there are times na nadedepress ako coz i'm missing my old life (shopping, gimik, friends, etc. )..
minsan nga naluluha nalang ako..haha buti nalang anjan si baby makita ko lang gumagaan na pakiramdam ko.

Hello, SAHM din po ako, I used to teach preschool, grade school and high school all in one day, everyday. When I was on my 4th month nag stop na'ko mag work kasi thrice nako nag spotting in 3 months time, so kesa masisi ko pa sarili ko nag stop nalang po ako. It's true na very rewarding ang pagiging SAHM, however just like missmemay, namimiss ko rin yung mga bagay na yon like gimmik, partey till you drop, shopping ng mga gusto hehe, hindi nagrereklamo yung term eh, kumbaga namimiss lang ganun. Old Life kasi. Ngayon dahil may baby na, my daughter is a new part of the future I'm creating for myself and my family. Naeenjoy ko yung pagiging SAHM, yun lang minsan talaga di mo maiiwasang mamiss ang old life mo, siguro dahil 4 months palang akong nag-aalaga ng baby ko  ;D

As of now, I'm learning the art of multi tasking (cooking, farming in FV, washing the dishes, chatting, answering mails and changing diapers in between)  ;D


natawa naman ako dun sa "farming in FV" momie cherrylej.. akala ko
naman totoong farming un..haha true..hindi nga nagrereklamo yung term..namimis lang talaga. ako nga minsan naiinis na kay hubby kasi kapag gusto ko magmall ayaw ako samahan..yong sinasabi pagod daw dapat pag-off pahinga nalang siya. naintindihan ko naman kaso hindi maalis na magtampo diba? sympre kelangan din natin magunwind paminsan minsan.  :P
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mich_tatsdwayne on November 21, 2010, 01:39:18 am
Present!  ;D

SAHM din ako dito sa Singapore for the past two years ++. Nag-work ako dati pero nung nanganak ako hubby and I decided na sa bahay na lang muna ako. Gusto ko din naman kasi gusto ko na ako mismo mag-alaga sa anak namin at ma-witness ko development niya. Nag-offer na dati parents ko na sila muna mag-aalaga sa anak ko (dyan sa Pinas) para daw makapag-work ulit ako pero di kami pumayag ni hubby. Ayoko talaga malayo sa anak ko. Di ko kakayanin. Pero next year maghahanap na ulit ako work. Kailangan na ng tulong ni hubby dahil lumalaki na din gastusin namin dito. Papupuntahin ko na lang Nanay ko dito para mag-alaga sa anak ko kung sakaling makapagtrabaho na 'ko ulit. Bukod kasi sa asawa ko, sa Nanay ko lang ipinagkakatiwala anak ko.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: jareds_m0m on November 21, 2010, 03:51:43 am
a sahm here!

i've worked for 5 years and even up until several weeks before i gave birth to my son, he is 1 year and 2 months now. i also worked for several months after my maternity leave until i decided to quit altogether. mahirap kasi wala mag aalaga sa anak ko, i just asked my sister (who is in between jobs back then) to take care of him. and the idea of getting a nanny is just out of the question gusto ko talaga tumutok magalaga kay baby and aside from my siblings wala iba pwede mapagiwanan sa kanya kasi both my parents were gone..

being a sahm is both rewarding and unnerving at the same time, sabi ng iba sayang ang work bakit daw ako nagresign, but i'm also getting loads of wonderful feedback..well in the end, it's basically good to know na ikaw mismo ang nagaalaga ng anak mo every single day, day in, day out. nakakapagod at times too, and frustrating or lonely (when you miss your old life) but it is the ultimate sacrifice most mothers are not willing to make (no offense meant po s mga wahm, hands down din ako sa inyo!)  and what you wouldn't give for your child, diba?

go sahms!!! :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: violet.crumble on March 31, 2011, 03:06:39 pm
Mommies, ask ko lang... what's  your daily schedule like as a SAHM?
Pa-share naman how your day goes.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mhie_lhy on March 31, 2011, 04:26:02 pm
SAHM dn ako. :)
Nagstop ako magwork simula ng mlaman namin ni hubby na preggy ako. 1yr and 6mths b c baby. Minsan,nkakamiss dn magwork kaso pag iniiwan ko si baby kahit sandali lang,naku nagmamadali dn ako umuwi..naiisip ko kasi umiiyak na sya,hind sya sumasama sa mom ko,daddy and mommy lang talaga kaya very hands on ako sa kanya and ky hubby. Ayaw na rn hubby na magwork ako mas gusto niya house lang ako :)
Very Happy dn naman maging SAHM.nasusubaybayan paglaki ng mga babies. ;)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: happymama on March 31, 2011, 04:38:02 pm
sahm here.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: simplykristine08 on April 01, 2011, 04:55:21 am
Still SAHM to my little angel :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: KVsmommy on April 02, 2011, 08:30:51 pm
@ sis XiansMam: sadly sis, meron ngang ganong notion dito sa tin about stay at home moms. Iba yung tunog ng 'housewife' dito sa Pilipinas. :-( I've been working for five years, had a high-paying job, until I decided to resign and be a SAHM last January 2010. And sobrang nakaka-bad trip yung mga reactions nung ibang tao when you say 'I resigned, sa bahay na lang ako to take care of my baby', para bang may ginawa akong krimen sa facial expressions na nakita ko. :D

Technically, I'm still a SAHM dahil nasa  bahay pa din ako, pero I'm a work-at-home-mom na din. I have regular online work na, pero dito pa din ako sa house every day, seeing my daughter grow up, taking care of her, taking care of hubby...ang sarap ng pakiramdam. :-)

Hindi lang minsan naintindihan ng ibang tao how big a sacrifice we had made to leave our promising careers to be a stay at home mom... And just how noble it is to be a 'housewife' who dedicates her time and being to her family. :-)

Go SAHMS! :D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: rheign on April 03, 2011, 11:31:05 am
present... im also a SAHM... ;)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ryuu on April 04, 2011, 09:59:01 am
ako rin.. SAHM to my 4-month old son.. 1 year na rin akong SAHM.. i resigned from work when i was two months pregnant na kasi hirap ako nung mga time na yun.. and my husband was scared na malaglag si baby (though malayo naman mangyari :P) pero i'm enjoying every minute of it kasi kasama ko si baby.. ;D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: kidsrepublik on April 04, 2011, 03:37:02 pm
present SAHM here :)
officially turned SAHM on April 01, my 7th yr anniversary working in our company.
5yrs pa lang ako sa company I've been wanting to resign coz I wanted to stay at home na lang to take care of hubby and to get pregnant na agad. But nung nabuntis ako at nanganak, I stayed 2 yrs more as preparation.
Now I have an online shop lang pang-aliw kapag nabbore ako. I crossstitch den para may matapos ako project na matatawag kong saken. I plan to fix my baby's photo album this April, so excited :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: extrasweet on April 06, 2011, 11:10:42 pm
hi sis .. same here SAHM almost 6 yrs. since pinagresign ako ni hubby sa work ko and now we have our son ... until now .. pero minsan nabobored din ako gusto na ding magwork ,gusto kong mmaging busy pero pagnaiisip ko naman son ko walang titingin sa kanya . kc hindi uso sa amin ang yaya... pero life must go on diba .
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: I love_dadilove7503 on April 27, 2011, 02:58:24 pm
I've been a SAHM myself sa eldest ko for 8 years..  mahirap pro ngayon pag may nagtatanong bat di ako nagwork ng ganun katagal sabi ko nga mahirap iwan ang bata sa di mo kadugo at wala ka mapag iwanan pag papasok ka ng work..

So lahat ng school na napasukan ng anak ko andun ako, nursery, kinder, prep, grade 1 and 2 kasama ako sa school, grade 3 di na kasi medyo independent na ang anak ko.  Dito nga ako natututo ulit ng verb.. grammar, subject and predicate.. pandiwa, tula, etc.. hahaha! kakatuwa kasi yung mga di mo naiintindihan mo nung nag aaral ka ikaw na magtuturo sa anak mo tas nun mo lang marealize na ay madali lang pala, bat nung ako aral di ko maintindihan to.. tas pag exam gawa ng maraming reviewerm, halos lahat ng subject gagawan mo ng exam para makapagreview kayo sa house..

So ang tawag ko nun sa akin ay yaya, cook, kusinera, labandera, plantsadora lahat na, name it I can do it! pati maging technician ng videoke hehe..

Happy naman ako sa naging result kasi never nagkasakit ang anak ko, di yun naconfine since birth, simpleng ubo sipon, lagnat na madali naman napapagaling... Tapos ayun maganda ang grades sa school, kasi natutukan ko ang studies, at higit sa lahat love ang mommy ng sobra.. (cempre pa) Si daddy niya lang ang provider namin,more than  two years sya nag saudi.

Pro nung malaki na sya naisip ko na din magkaron ng career kasi naman di ko man lang nagamit ang inaral ko na BS Accountancy, ni hindi ko na nga alam gamitin ang mga ledger at journal.. tas ang dami pa technology kaya nahirapan din ako makahanap ng work nung nag decide ako na mag work na ulit. Good thing that there are call centers na nag accept ng walang experience sa work, so since nag 8 years old sya nag work na ullit ako.. sa ngayon meron ako baby na 1 year old, di ko naaalagaan mabuti kasi nga minsan night shift tas pabago bago sched buti andun hubby ko tas lola niya, pro I make it a point na may bonding kaming family pag off ko tas weekend we go out. Minsan naiisip ko na Mag SAHM ulit kaya lang di afford kasi HS na ang panganay ko ang mahal ng tuition tas after a year mag aaral na tong baby ko, so need talaga doble kayod kami ni hubby..

I salute those moms na may career at iniwan ito maalagaan lang mabuti si baby.. Ang career na walang Day OFF.
 :D ;D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: liams mom on May 07, 2011, 11:42:29 pm
Hi Sisses!

Hmmm... kilala nyo pa ba ko? grabe, it's been a while since the last time I posted here... have not been so active because of work...

but the good news is... tsaran.. nag resign na ko.. and will be back in the circulation soon! 1 month na lang!!! tsaka na kwento pagbalik ko! miss you mga sis! i have a lot of catching up to do!

Will be an SAHM again in a months time! :)

Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: matrilynne on May 08, 2011, 05:22:25 pm
Present!
I have been a SAHM since I got pregnant Jan 2010. Would you believe na ang reason ko nung nagresign ako is "I want to be a full time mother.."
Nakakamiss din yung life mo outside your home, as a career woman, pero it is very fulfilling being a full time mother. . :D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: kidsrepublik on May 11, 2011, 02:31:31 pm
^^ good luck mommy
ako nung nagresign nung Feb and last day ko nung Mar 31 hindi na masyado makapag-SP, hehe!
super enjoy sa house parang ang dami mong gustong baguhin, pagandahin, linisin. tapos kasama mo pa whole day si baby, play, bath, eat, sleep. parang kulang pa ren ang oras sa isang araw. pro super enjoy kasi wala ng pressure from the corporate world.
re finances ok naman, mas nakakapagsave pa nga ako kesa noon na may solo akong pera.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: fegloria1954 on May 20, 2011, 11:15:42 am
Ako SAHM technically.

Maski ang office namin ay nasa groundfloor ng bahay namin, andito lang ako mostly sa upper floor where our home is, ng makasikaso ng bahay while doing office work on the side.  Inaakyat na lang ang mga kailangang pirmahan ko, o kaya, nag-i-intercom kung may incoming call, etc.

Mommy Fe
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: princess080910 on June 26, 2011, 11:33:09 pm
i am a proud SAHM

technically nahihirapan ako sa pag aalaga kay baby specially pag nagyayaya mga friends ko ng gala pero nananaig pusong mommy ko pag nakikita ko yung anak ko kaya pa reply pa lang ako ng oo sakaila binabawi ko na. tsaka na muna ang pasyal and work, tututukan ko muna si meyer na malapit ng mag 1 y.o,ang saya na lahat ng milestone ni baby present tayo =)
even my mom was amaze at me kasi talagang priority ko si meyer, sa lahat ng pupuntahan ko kasama ko talaga siya. naku ang mahirap lang malingat ako ng sandali miss na miss ko agad si baby
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on June 27, 2011, 12:16:41 am
Sad to say mababa ang tingin ng hubby ko sa SAHM. Ganun ang feeling ko tingin niya sakin. Nagiging stagnant daw ako ang hindi naggrow. I'd rather be stagnant sa career pero super close kami ni baby hanggang paglaki and natutukan ko yung paglaki niya than naka grow nga ako ang layo naman ng loob ng mga anak ko sakin.

Still bothers me.

I'll be working soon. Pero hindi dahil sa grow grow yan. Dahil sa pera. Ganun ka simple. At kung papapipiliin ako, kahit walang sweldo, 24/7 on call ka, mababa tingin ng IL ko pati asawa ko, SAHM pa rin ako.

Just my two cents.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: simplykristine08 on June 27, 2011, 01:06:46 am
^ I don't think lalayo ang loob ni baby sayo kapag nagwork ka, sis. Pero parang ang hindi lang maganda na mababa ang tingin nila sa sahm, kasi mahirap maging mommy, though very rewarding sya. Opinion ko lang din to :)

Iclear mo nalang din sakanila na kaya ka magwowork hindi dahil sa grow grow na yan. You'll work para magkaron ng sariling money at para din kay NJ :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on June 27, 2011, 07:43:40 am
Thanks sis tin :) sana nga wag lumayo loob ni NJ sakin :( I know having a job is rewarding, tapos independent ka pa kasi own money, pero mas pipiliin ko talaga sahm. Kaso short ang sweldo ni hubby. Sa mga luho, needs ni baby etc. Hay. Oh well. Bahala sila. Hehe
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: filipinaako on June 27, 2011, 08:22:14 am
SAHM din ako..nag decide kami na wag iwanan mga bata sa yaya lalo na at parang wala din matitira if ever work ako..plus the fact na delayed ang expressive language ng 3 years old son namin..
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: simplykristine08 on June 27, 2011, 12:52:14 pm
^^ haha, talagang kasama ang luho ha :) hindi ka nyan makakalimutan sis. Sakanya ka pa rin naman uuwi diba? Basta, after ng work, spend time with NJ. Hahanap hanapin ka nyan. Feeling ko lang, mahirapan ka at first kasi maghahabol sayo ni NJ.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on June 27, 2011, 01:27:45 pm
Huhuhu mas iiyak pa siguro ako sakanya hehe
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: Lelen on June 27, 2011, 03:39:44 pm
Another SAHM preesent here! Actually naging SAHW (stay at home wife) muna ako. After the wedding kase I stopped working na. No regrets, sobrang fulfilling. At mas enjoy talaga ako na sa bahay lang. They always say na mahirap ang maging nanay pero for me nagagaanan ako, kase although walang yaya si baby, me kasama naman kami dito sa bahay, kaya talagang si baby lang ang 'work' ko. ;) Ang sarap kaya ng di na kelangang makipag unahan sa oras kase papasok pa sa office, matatraffic, magma-makeup pa, mag-iisip kung san maglu-lunch, makikipag unahan sa hapon para di abutin ng traffic ulit! Hay, di ko talaga nami-miss ang office works! ;D

@sis ainge, sad naman na mababa ang tingin ni Hubby sa SAHM. Pero you're still lucky kase me available job agad for you. Personally, I don't think meron pa akong pedeng pasukan if ever we decide na magwork na ulit ako. And wag ka masyado mag worry, na-feel na naman ni baby mo ang maalagaan mo ng 24/7, di lalayo ang loob niya sa yo, lalo na't uwian ka naman. Madami din namang moms na nag a-abroad pero close pa din sa kanila. Di na uso ngayon yung nangyari sa movie na 'Anak' ;) Kase matatalino na ang mga bata ngayon.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: KVsmommy on June 27, 2011, 05:34:48 pm
@ sis ainge88: no offense to hubby sis ha, pero I think it's so unfair na ganon ang tingin niya sa mga SAHM. in your case sis, being 'forced' to work kahit ayaw mo, yun pa ang possible na maging reason ng pagiging 'stagnant' mo. Kasi siempre, when someone is doing something she does not want or love to do, yun yung taong hindi talaga mag-grow, yun yung taong stagnant, kasi you'll just be doing it for the money. Tipong papasok ka lang sa office, uuwi, tapos.

SAHMs grow and improve each and every day, and in a number of aspects. Tulad sa pagbudget ng pera, since nasa bahay ka, mas nalalaman mo yung talagang mga kailangan at hindi, so ang tendency alam mo kung paano ang tamang pag-allot ng pera. You also become more patient, hindi lang sa pag-alaga kay baby, kundi sa pag-handle ng iba pang issues sa buhay at pamilya, kasi you take things one day at a time. As a SAHM, you also always try and find things that make you a better woman, a better person. Like me, when I became a SAHM, I worked on improving my craft which is writing, and in turn, I started earning from it na din even when I'm a SAHM.

At the same time, tutok ka pa sa bawat aspeto ng paglaki ni baby. Yung mga bagay na otherwise hindi mo napapansin if you're working, mapapansin mo, kasi makikita mo all the subtle and big changes sa kanya. :)

But don't worry about your baby na magiging malayo ang loob sa iyo ni baby, hindi naman mangyari yon unless of course you fail to give time for him na. This time nga lang you need to make a conscious effort to always make sure na you'd have quality time together. :)

If it's proving to be too difficult for you na malayo kay baby, explain mo na lang kay hubby.  Kasi in the end, kung hindi ka magiging masaya and fulfilled sa work, hindi ka din magiging effective as a wife and mother, dahil magkakaron ka ng hang-ups, and he has to understand that.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on June 27, 2011, 09:30:07 pm
Hay :( madidisappoint kasi sakin yun pag hindi ako nagwork :( pero he's not forcing me naman to work. Decision ko na rin yun to help with the finances and to save na rin for the future!

Pero sa dream life ko SAHM ako :(

Thanks for the words of encouragements mga sis.

Nagaaway kasi kami ni hubby pag eto ang topic.. Payag naman siya na hindi ako magwork pero nahihiya rin ako sakanya kasi nga parang disappointed siya :(

Kaya para iwas away na lang and para na rin makatulong sa finances, work na lang ako.

Pero SAHM ako by heart! Haha
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: swtgrl_bee on July 18, 2011, 01:06:13 am
^sis kamusta? so working ka na ngayon? ;)

SAHM here, 5 months na akong SAHM this coming 28th, oh diba? alam ko kelan ako nag last day sa office, hehe :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on July 18, 2011, 07:38:39 pm
Next month pa sis :) inaayos pa papers ko and everything. hehe excited na hindi. hay :(

INaayos ko lang yung mga gawain ni yaya and sinasanay ko si baby sa formula, buti type niya ang gain. hehe

ako nag 1 year nung July :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: rianne_mallows on July 18, 2011, 10:02:53 pm
joining ;D

Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: swtgrl_bee on July 18, 2011, 11:37:22 pm
^^oh goodluck sis, ako naman sa 15 months ni baby ang total months na nagwork ako dun eh 5 months lang, hehe. kasi after ML pumasok pa ako sa previous company ko, then file immediate resignation kasi bawat alis ko may iyakang nagaganap =p then after ilang months ulit go ulit hanap work nagstay ako 4 months lang kasi nalulungkot ako hehe :D sis naku naka BF pa din pala si NJ til now? buti pa kayo. oo yummy kasi GPA eh malinamnamn :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: chococream on July 19, 2011, 03:57:51 am
 :) ;D ;D ;D ;D ;D

sis swtgrl_bee  pasensya mahina ang utak brain ko pero ano ang ML, NJ, GPA? hehe
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: swtgrl_bee on July 19, 2011, 07:47:17 am
^sis hahaha, ang cute mo ;)

sis ML-Maternity Leave, NJ-son ni sis Ainge, mas mabilis kasi eh :D and I guess yun ang nick talaga ng son ni sis Ainge ako kasi I sometimes put here S=super short cut sa name ng baby ko which is SOPHIA :D GPA=Gain Plus Advance gatas ni S ngayon =p hehe :D sorry sis :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: chococream on July 19, 2011, 09:29:50 am
 ;D ;D ;D ;D wow sis, na amaze tuloy ako..t ulog ka na sis im sure hindi ka pa hehe heto until 10pm ulit work work.hehhehe salamat sa pag expound sis ah, i'd really appreciate it.

Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on July 19, 2011, 01:11:28 pm
Sis swtgrl_bee, naku oo, BF pa rin kami kaya pahirapan ang pagwalay sakanya. Pero good thing type niya ang gpa. Mamiss ko yung araw araw namin bonding moments :(((

Hay. Minsan naiisip ko ang hirap rin ng mga full time working moms, tsk. Namimiss nila baby nila :(

Ang dami ko pa kelangan I adress na issue sa yaya, tapos hindi ko alam paano sabihin kasi kamaganak nila hubby. Henako. Hehe OT na ata.

Ittreasure ko na lang ang mga nalalabing araw ko as a SAHM. :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mami princess on July 19, 2011, 07:24:25 pm
Hi mommies, SAHM here!

Well I am working online, since my boss doesn't stay here sa pinas. At dahil lagi naman ako online aabusuhin ko nA din at mag-sell ng kung ano pwede na ang target market ko eh mom and kids. Si babydad ay american and working abroad, hindi kami kasal pero ok naman ang relationship namin. Sobrang happy ako na eversince ako talaga nag-alaga kay baby, nakikinig naman ako sa mga kasabihan ng mga matatanda minsan pero not all the time (extEnded family kasi sa bahay) pagdating sa pagppalaki ng baby ko, most of the time ako ang nagdedecide. Dahil nga sa bahay lang ako, no choice ang oa na superstitious belief ng mga matatanda dahil ako pa din ang nasusunod.

Well, ang daily routine namin, usually mas maaga nagigising si paula (magkakalat) so paggising ko mabilis na ligpit tpos sabay kami magtoothbrush, eat ng bfast or kahit coffee lang ako and choco drink sa kanya. Habang nagwwatch cia ng mga animated films and cartoons, nag-ccheck ako ng emails. After maglunch magbbike or magpplay naman si paula kasama daddy ko para mkpgwash ako dishes and bottles niya. Tpos take a bath kami magkasama nnman. Watch ulet cia ng cartoons while nag-oonline ako and magprepare ng merienda. After merienda sleep si paula, until now kaya online pa din ako. Maglalaro at magkakalat nalang yan paggising.

Ang swerte ko kasi I'm living with my parents kaya pag kailangan ko umalis magpapaalam lang ako kay mama at cia na magbbantay kay paula. Hindi q kailangan magwork ng bongga kasi ok naman nkkuha q from online work and online small business at ang allowance ni paula frm daddy. :)

Kainis lang, may mga taong hindi na-appreciate ang reason kung bakit mas like naten mag-SAHM, I don't care, basta ako masaya! :) cheers mga mommy!
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: swtgrl_bee on July 19, 2011, 07:38:04 pm
sis iashi nakasleep na ako nung nireply ko yan :D hehe

sis ainge88 naku mahirap nga yan, actually itong current yaya ni S, yaya pa ni hubby tapos matand na as in 69YO nung una hirap na hirap ako magsabi kung ano ang mga dapat gawin kaso nung tumatagal na ssshhhh lang ako madaming palpak na nangyayari kaya ito talaga ngayon sinasabihan ko na. Kasi totoo nakakahiya nga, kasi si yaya tinuring na din nilang kamag anak kaya against nga ako na kunin siya mapilit si hubby. Pero sis go lang lecturan mo si yaya kesa naman anong mangyari kay NJ diba? malayo ba sis work mo?

oo ako din enjoy enjoy pagiging SAHM muna, hehe :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on July 19, 2011, 10:50:52 pm
True, naiinis pa ako pag nirerefer niya yung MIL ko na mommy lola. Ayoko may ibang mommy na tawag si baby. Tsk. Kahit nga sariling nanay ko lola ang tawag ni baby eh. Ang technique ko na lang ay pinapadaan ko kay hubby yung mga reklamo ko para at least aware din siya. Hehe

Malapit lang sis :) at 4day work week lang. Thank god. Marami pa rin kami bonding time ni baby :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: swtgrl_bee on July 19, 2011, 11:48:18 pm
^wow sis atleast 4 days lang work mo :) 3 days off. Ako naman sis matagal ko ng sinasabi kay hubby mga issues ayaw naman niyang irelay ayun ako na nagkusa kasi mahirap na syempre baby ko yun :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: kimsamsoon on July 20, 2011, 03:45:16 am
Hi everyone!
I am new here sa SP and sayang ngayon ko lang ito nadiscover kasi nun sa first baby ko wala ako mapagtanungan on how to take care of my baby, kaya lahat inasa ko sa yaya (tita ng hubby ko) na traditional ang style ng pagaalaga with all the pamahiin and stuff.  I've been working all my life and most of my circle of friends are either single women or working/ career oriented moms din kaya never ko naisip ang maging SAHM.  When I gave birth, nagML lang ako for a month tapos balik na sa work kasi nga super bored na ako sa house dahil lahat ng pagaalaga inasa ko kay yaya. Though nagpaBF ako pero nagdecide ako itigil nun 2 months na si baby kasi feeling ko natotorture niya ang b**bs ko...how vain noh, pero that's how I used to think. 
Well, bago nyo ko iban dito at isipin kung anong klase ba kong ina, everything turned around when my daughter turned 3 months.  For one, naging sickly ang baby ko, she got rashes on her pems and scratches sa likod na parang kalmot, nasanay sa karga kaya hindi  nakakatulog kung hndi isasayaw and worst of all, kapag dumarating kami coming from work, sa pinto pa lang parang nagmamakaawa na kunin na namin sya sa yaya niya at ayaw tumigil sa kaiiyak. Kainis pa nga, sabihan ba daw ako na wag ko daw muna kunin at pagod ako baka mausog eh sagutin ko nga na luluwa na tonsils ng anak ko at hindi ako naniniwala sa usog noh.  Ewan ko ba if its instinct, kasi pag nasakin na sya tumitigil na sa kaiiyak...hikbi na lang na parang nagsusumbong.  This was my wake up call....successful nga ako sa career pero sa pagiging ina sa anak ko, zero knowledge ako. Immediately, pinaalis ko na yun yaya at naghanap ng kapalit... due for financial reasons I still cannot quit my job at that time.  I learned my lesson kaya pag nasa office ako I regularly check on the new yaya, may mga time pa nga na nagsspot check ako sa house kapag nakaOB/ field work ako. Okay na sana kaso after 4 months of working nagpaalam si yaya dahil buntis daw sya.  This is it!....dun na ko nagdecide na magresign at maging SAHM para sa anak ko.  Marami ang nagreact especially sa relatives ko dahil most of my sisters and cousins are working, hindi uso ang SAHM. Well, to cut the long story short naging SAHM ako for just 8 months dahil eventually bumalik yun yaya ko pagkapanganak niya (she needs the job so badly, naawa rin naman ako) at may kumuha naman sakin magwork ulit. Kahit for a very short time, the experience of being an SAHM and the  bonding I had with my baby was an unforgettable one.  Now I am having our second baby and my eldest is now 3 years old ( preschooler na) nagdecide na ulit ako magresign sa work and be an SAHM..but this time, it's for good!!   ;D ;D
Thank you sa lahat ng SP mommies who kept on sharing their thoughts and experiences dito, because of you guys lumakas ang loob ko at alam ko kakayanin ko magshift ng career as full time SAHM!   ;) 
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: swtgrl_bee on July 20, 2011, 07:31:41 am
^welcome sa SP sis :) pero dumadami na ang SAHM dito na magiging working mom :D hehe, congrats sa new baby mo sis :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: ainge88 on July 20, 2011, 08:09:15 am
^^ hi sis wow buti ka pa for good na ;) sinabi ko sa sarili ko na pag 2nd baby na, kelangan may businessn of some sort para SAHM na rin ako fr good :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: KVsmommy on July 20, 2011, 10:58:52 am
congratulations sis kimsamsoon! :) rewarding talaga maging SAHM, pero may ibang klaseng kind ng hirap din... :)

Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: kimsamsoon on July 21, 2011, 09:33:41 am
^ Thank you mga sis!  actually may kumukuha ulit sakin magwork pagkapanganak ko pero tinanggihan ko na kasi decided na talaga ko magalaga ng mga anak ko especially nasa preschool na eldest ko.  Hopefully, hindi ko pagsisihan ang naging desisyon na to...spontaneous kasi akong tao, ayoko ng routinary, madali ako mabored! hehe  ;D blessing na rin na financially rewarding naman work ni hubby ngayon, kaya nga priority ko magipon ng magipon just incase something happens.   ;)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: babyblair on July 23, 2011, 09:03:07 am
present!!! and no chance of ever working in the next 10 years.. as per hubby. no work. stay at home ako. .. i don't know if i should get frustrated or what. marami nanghihinayang sakin kasi nga i do really well in school and sa work. .sabi nga nung senior ko. mahaba pa ang karera ko. kaso ayun napatigil. hehe.. but enjoy naman ako as a mom, fulfilling talaga. may times lang na minsan sumasagi sa isip ko yung mga dreams ko na i can make come true if pinagpatuloy ko yung career ko. kaya saludo ako sa mga SAHM!!!! hoooray for us!
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mami anne (mom of baby kelsey) on August 06, 2011, 11:06:09 am
i'm a SAHM too! been working 9years straight as a store manager in a retail store particulary apparel. employed with a total 0f 3 companies yung 9 years na yun. when suddenly na realize ko to stop working na and be a full time mom to a 10month old baby girl. napagod na din kasi ako mag work, ok naman kay hubby kung ano daw gusto ko, all-out support siya. gusto ko din kasi ma enjoy yung milestone ni baby since 1st baby namin siya..hehe so far kahit nakakapagod mag alaga worth it naman lalo na pag nag smile :) na si baby..hehe
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: kara on September 02, 2011, 12:16:23 am
SAHM din po ako... never ko pa din naexperience magtrabaho...
magbubutihan ko na lang ang pagiging housewife at fulltime mamay :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mama louj on September 05, 2011, 09:25:12 am
 :) here, I'm SAHM too! Since I got married di na ako nag work ... I love being SAHM because I can really watch my kids development every seconds ;D of my life...though sometimes its tough but carry pa rin  hehe   8)

Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: unknown on November 03, 2011, 04:42:28 pm
Magiging SAHM muna ako for a while i have a 17months old baby.  Wala kasi ako maasahan lalo na na-hospitalized si baby ng dalawang beses sobrang nakakaawa.

Kaso nga lang ang daming issues talaga ang baba ng tingin nila sa mothers na sinasabi nila na bakit ka magreresign ka mahihirapan ka maghanap ng trabaho kasi my anak ka na saka may asawa ka na rin pati ba naman ito pati yong mga co-worker ko na pinsan ko, at yong sarili ko pang nanay pa sinabi niya yon na aasa nalan ako daw ako sa asawa ko.

Sobrang hirap ang dami nilang sinasabi pero kailangan ko ng manindigan hindi ko na kaya talagang mag-stay sa office na dahil hindi good ang management nila at hindi maganda treatment ng manager na i have endured for almost 7 years.
Bakit ganun ang society natin ang baba ng tingin sa mga SAHM.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: imeego on November 03, 2011, 06:54:26 pm
^naku sis wag mo na lang intindihin sinasabi ng iba, basta alam mo sa sarili mo na yun ang the best na decision for you and your baby...mahirap mag-work ng di ka nag-eenjoy sa work mo, double ang effort nun ha...

sa case ko naman father ko ang di masyado agree sa pagiging sahm ko kesyo sayang daw profession ko etc, kontra sila ni mother na ayaw naman ako mag-work muna para daw maalagaan ko mabuti si baby...so di ko na lang pinapansin sinasabi ni father hehe, anyway wala naman kami hinihingi sa kanya, nakaka-survive kami kahit di ako mag-work at happy ako na 24/7 kami magkasama ni baby ;)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: unknown on November 07, 2011, 02:46:51 pm
^ Thanks sis! Yong na nga naninindigan talaga ako kasi it's for my son. Yun nga sis ok lang sana kung sa kanila tayo nanghihingi ng pangkain natin sa araw-araw eh nakaka-survive naman tayo with our everyday needs kahit wala pa tayong work...
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: on November 07, 2011, 10:21:48 pm
Joining!
SAHM din ako. :)
But i am planning to have my own business or home based job para kahit nasa bahay ekumikita pa din.. At para may panggastos sa luho ko para kay baby. :)
Simula nung inalagaan ko si baby, parang nawalan na ako ng gana magtrabaho.. Parang di ko na kayang iwan baby ko. :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: rianne_mallows on November 07, 2011, 10:37:51 pm
for all SAHMies here.. i recommend reading "secrets of a fascinating womanhood" its very empowering!!
i've always loved being a SAHM, but after reading it, it made m feel happy 100 times over for being a SAHM
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: unknown on November 08, 2011, 09:57:59 am
hi mga sis mag-join force tayo mga SAHM moms  ;D babasahin ko yan sis pag nasa bahay na ako hehe until sat pa kasi ako sa work ko eh.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: on November 08, 2011, 10:12:55 am
Sino author nyan sis? :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: rianne_mallows on November 08, 2011, 10:38:26 am
ito yung free ebook sis.. naghahanap nga ako ng hard copy kaso wala pa ako makita
a very good read talaga..

http://ifile.it/76tyz8m/Fascinating%20Womanhood%20whole%20book%20low%20res.pdf

Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: sirc on November 08, 2011, 06:39:18 pm
joining.. since i got pregnant w/ my 2nd and 3rd  pregnancy naging SAHM na ako..but den so sad dahil parehong naudlot yung 3 consecutive pregnancy ko..yung 1st and 2nd preg. ko parehong in 3mos.nonstop ang pagbleed ko..yung pang 3rd mg5mos na sana sa tummy ko ng madetect nming wala na  syang heartbeat..sobrang depress me nun kaya umuwi muna me sa province namin den ngwork as part time college instructor..til 1st sem kc nung bumalik me dito sa Mla. i got pregnant again..and napakadelicate ng pregnancy ko dami bawal at bed rest din me..gang manganak til now 1yr old na baby ko. im Happy na naging SAHM ako..
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: on November 10, 2011, 10:44:34 pm
Preho tayo sis, i had miscarriage din kaya sabi ni hubs magrest na lang ako para sure na safe si baby..
Happy na din ako dahil kasama ko si baby, from a prized pregnancy, mas gugustuhin ko talaga maging SAHM na lang..

^^ sis, thanks! Na-download ko na. :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: working_girl88 on November 11, 2011, 01:43:10 pm
hi mommies, pa join.
SAHM din ako, eversince malaman namin na preggy ako nagstop na ko mag work, grabe kase ang morning sickness ko.. and ayaw din ni hubby na mastress ako sa work. sometimes boring sa house but its ok kase minsan nararamdaman ko yung sipa ni baby nawawala na boredom ko. kaya if there's a chance na pwede kaming magdate ni hubby, gora lang kahit malaki na tyan ko. after ko manganak SAHM pa din siguro, after na niya mag 1yr old saka na magwowork. wawa naman c hubby, sya lang nagwowork.. hehe!
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: Mommy Jazz on June 19, 2012, 10:48:19 pm
I suffered being the slave of my kids for years. Now that they can care for their own needs and with their school schedule, I get a regular time to be "ME, ME, ME"!
That means more SP time (and errands) on Mondays, movie on Tuesdays, massage on Wednesdays, lunch out on Thursdays, footspa on Fridays, Maid on Saturdays and on Yaya Sundays. Feel ko balanse na ang buhay ko.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: sangolko on November 10, 2012, 08:49:07 pm
Joining

Hello mommies! SAHM din ako, I used to work in shipping company but me and hubby decided to quit the job 3 mos after I got pregnant to avoid stress. I'm PCOS and got pregnant after 2 years of marriage. Now my baby is 4 mos old and I can say being SAHM is productive too. being in the house taken care of my very handsome baby and doing all the household chores is very fullfiling job. I'm planning to look for a job maybe next year so I can help my husband for all the gastusin kase minsan nakakahiya din wala ako macontribute. Once he told me na sundan daw agad namin si baby hehe coz I'm not getting any younger na at kaya naman pa ang gastusin so far.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: sweetprincess on November 10, 2012, 09:16:30 pm
joining :)
SAHm for 3 years now :), kakapagod pero, happy and kampante lagi kasi ako kasama ng mga kiddos ko, minsan para na akong monster, 3 ang alaga ko :) :) :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: KClaire on November 11, 2012, 10:12:37 pm
First time mom here. and I'm so loving it.. when I got pregnant di na 'ko nakapag'work. ngayon iniisip nila/namin, pero mas nila, kasi mas sila may gusto na magwork na 'ko ulet. pero uhmmm..di buo yung puso ko talaga na mag'work, well,I like the idea of earning my Own money,pero what I don't like is the idea that I won't be the one to look for my baby. baka ma'praning ako kakaisip pag di ko kasama anak ko at di ako nakakatutok sa kanya.. :D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: rozzy on January 22, 2013, 12:10:39 pm
Been SAHM since July 15, 2012. Need to attend my daughter's school needs. Hirap din kasi pag naiiwan sa mother ko, usually hindi niya kaya isabay sa mga gawain niya sa house niya. Mabuti na rin yun, kasi madalas wait pa kami ni hubby para makagawa ng mga assigns. At least ngayon andito na ako kaso may times na nabobore ako... hehe! Sanayan naman siguro...
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: Nanay ni Liam on January 22, 2013, 12:39:16 pm
I resigned from my work June 2012 dahil we're trying to conceive,  thank God that same month after almost 2 yrs of being married nakabuo kami as of now, housewife muna ang role ko  ;D Sa March pa ako magiging officially SAHM. Ayaw na ni hubby mag-work ako uli after manganak kasi mas gusto daw niya yung dinadatnan ako sa bahay pag-uwi niya. Kaya lang hindi naman ako sanay at marunong sa gawaing bahay. Nasa denial stage pa ako kasi nanghihinayang ako sa pinag-aralan ko. Hubby was joking pa nga na mataas daw talaga standards niya sa pagpili ng wife, dapat may master's degree. Kaya lang, kapag iisipin ko yung luxury kapag nag-work ako, nakaka-tempt talaga mag-work after manganak :D although he can provide that naman, kelangan lang pag-ipunan lalo na mahilig ako mag-beach :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: gabbie's mom on January 22, 2013, 04:40:24 pm
joining...
SAHM here for almost 10 months now... Ayaw na kc ni hubby magwork ako abroad ulit and ayaw niya dn kumuha kami ng yaya,iba kc tlaga pg alagang mommy. We used to work together abroad nkakahinayang ang salary pero dko pa din pgpapalit yung bonding namin ni baby... Hindi na ako nkakaalis ng hindi kasama si Gabbie, mag-abroad p? Buti n lang yearly ang vacation ni hubby and this March, uwi sha for our daughter's bday and dedication... Finally magkikita na din sila! Minsan nakakabored din kc nasanay na nagwowork pero sanayan din sa pagiging SAHM... God bless us all! :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: preciouslara on January 22, 2013, 04:59:54 pm
SAHM since i got married, medyo maselan kasi magbuntis, kaya ayun tuloy tuloy na, hindi na nakapag work at ayaw na din ni hubby since he worked abroad...happy to see my daughter's everyday achievement kahit small things that she does makes me happy...bored at times pero nababawi naman pag nakikita ko smile ni baby :) and i still go out once in awhile, with friends or alone, para naman sa aking ME time  :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: syndyela on June 16, 2013, 12:18:40 am
Hi mommies! Buhayin ko itong thread, since I'm one of the SAHMies na and I would love to get to know more SAHMies din :)

I just left my work last April and ngayon, officially SAHM na ako.  Future plans for working again?  As of now, hindi ko muna iniisip yon.  I need kasi to recover din from my health due to stress (and a bit of depression din) nung nagwowork ako (stress sa work, sa house with in-laws, tapos nasa ibang bansa pa si hubby for a year, naging masakitin pa anak ko and pati ako....) kaya I feel the need to break away muna from those unhealthy stress.  Takiing one step at a time. I am planning to study again while SAHM pag andito na si hubby sa Pinas plus do some rakets and start a business.  Ngayon, I am having fun sa pag-asikaso ng anak ko at pagtuklas sa milestones niya. :)

Hindi naman new sakin ang pagiging SAHM kasi housewife ako nung preggy ako until before mag-1 yo ang only baby namin 4 years ago.  Pero cyempre, andun pa rin yung tumataas ang kilay ng mga taong kilala ko pag malaman nila na nagresign ako sa isang big company and sa bahay nalang ako.  Minsan nahihirapan din akong magsabi na "housewife" na ako lalo na sa mga relatives namin, or kapitbahay, kasi expected nila sa akin, malayo ang mararating ko sa corporate life.  Pati sa ibang tao na first time ko nakilala, like mommy ng classmate ng anak ko, pag sinasabi ko na housewife ako, laging may kasunod na explanation (na dapat wala nalang unless magtanong diba).  I guess hindi pa ako ganun kasanay.  Kaya I'm reading this thread again so I can once again appreciate the wonders of SAHM....para masanay ako na kahit anong sabihin ng ibang tao, it's ok to be a Stay-At-Home Mom and everything will be alright. :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: babyrhye on June 25, 2013, 10:09:33 pm
another SAHM here. i resigned from work last year when i was 3 mos pregnant.ayaw kasi ni hubby magwork ako.medyo malayo din kasi antipolo to cubao.at ngayon nga ako nagaalaga kay baby while si hubby is working abroad.inisip ko din na magwork ulit pero ayoki ipagkatiwala si baby sa mga yaya lalo na sa panahon ngayon.at happy din kasi i see my son grow each day. lahat ng firsts niya nawiwitness ko.hay sarap maging mommy.
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: liams mom on July 17, 2013, 06:28:52 pm
Back to being SAHM after a corporate world stint of 1 year and 5 months.

I got a job last October 2011 after namin mag vacation sa Phils. Happy ako kasi hindi masyadong pressured sa work tapos malapit lang yung office namin. Unfortunately, nag end ng lease contract nung company dun sa building where our office is then naisipan na ilipat ng ibang lugar. And unfortunately again, wala man lang increase or transportation allowance man lang na dinagdag sa'min. So hubby and I decided na kunin ko lang yung one month vacation ko plus airfare tapos magreresign na ko.

I was looking for a job after I resigned but I received a blessing even before I got a new work. I became pregnant! So it looks like it would take a more than a year bago ako makapag work ulit.

And I'm loving every single minute of being an SAHM! :)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: licious10 on July 17, 2013, 10:41:25 pm
SAHM here... hehe buti pa nga kayo nakapag work napreggy kasi ako after grad ... so ayun sahm ako sa 5mos old baby namin,,yes nakakapressure kapag yung iba sinasabi na magwork nako di naman kasi ako mapapanatag kung iiwan ko agad anak ko, although ok na ok lang sa mga inlaws ko na iwan baby ko sa kanila ee di parin yalaga ko mapapanatag so ayun eto lagi kame magkasama hihi may small raket lang na headbands for babies and kids,,baka want nyo mga sis mura lang haha (nag advertise pa e no?hehe)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: mommy e on September 26, 2013, 03:02:11 pm
SAHM here ... kaka miss  din mag work pero worth it naman ... minsan bored na din sa house kaya suma sideline ... nag dealer ako ng human nature products kaya medyo enjoy kasi aside from maganda yung products nila, nakaka earn ako ng kahit pano ... :-)
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: macky27 on September 28, 2013, 04:44:07 am
Joining.. Being sahm for almost 4years, simula ng nag asawa ako tumigil na po ako magwork, ayaw na din kasi ni mister, gusto niya magnegosyo na lang sana kami kaso nabuntis ako after a year, nagtuloy tuloy na. Ayaw ko rin kasi maiwan baby ko sa kasambahay, sympre gusto ko hands on mom ako. Lalo nung malapit na mag 1yr old si panganay ko, nun ko nakilala tong group ;) laking tulong, madami akong natutunan dito and madami akong naging kaibigan/kumares na ngayon. Minsan nakakainip lalo pag tulog ang mga bagets hihi minsan side line homebase negosyo, gawa hairbows, buy and sell etc para dagdag income din  ;D
Title: Re: Any SAHMies here?
Post by: cheezumms on October 25, 2013, 06:48:17 pm
pajoin po :) im SAHM for almost 9yrs now. i stopped working since i got pregnant sa first namin kasi masyado maselan pregnancy ko. nanghinayang ako sa job ko, si hubby kasi laging sinasabi na papayagan niya ko magwork, nung una few months after i gave birth puwede na daw. then 6mos na lumipas, after ko daw magbreastfeed. after 2yrs, pag nagschool na daw si baby, nung nagschool na, pag 7yrs old na daw, nung nag 7 na, sundan na daw. di sya talaga maubusan ng dahilan. hehe. at ngayon nga preggy ako for our 2nd, lalong di na ko makakapagwork.
nakakamiss lang yung "me time" kasi nakakalabas ako pag kasama mag ama ko. over protective kasi si hubby sa min. ( di ko alam kung good or bad yun )

anyway, happy naman din ako being a full time/hands on wife and mom. lalo na when they say i love you to me. dun ko nafefeel na very much appreciated ako. :)
Title: Gonna be a SAHM/WAHM soon
Post by: Jamilah on March 17, 2016, 08:22:20 pm
Hi parents! (Newbie here.)

I'm currently working as a call center agent, I'll give birth in May, and I'm planning to just stay at home and work online/business/etc.!
 
Any suggestions for good online jobs??