Parent Chat

Life => Home => Topic started by: nylej20 on October 27, 2010, 04:33:39 pm

Title: LPG Safety device
Post by: nylej20 on October 27, 2010, 04:33:39 pm
mga mommies have you ever purchase a safety device for your LPG gas? how is it and how much? nakabili kasi ako ng lpg device na 6 in 1 na daw. may safety regulator at the same time yun na yung pinaka sakety device niya. naengganyo ako bumili kasi maganda yung pagkakaexplain niya. medophil pangalan ng company nila. worry ko lang ay baka peke yun. nakaexperience na ba kayo nito?house to house lang sila..
Title: Re: LPG Safety device
Post by: casperthegoat on October 27, 2010, 05:05:39 pm
mga mommies have you ever purchase a safety device for your LPG gas? how is it and how much? nakabili kasi ako ng lpg device na 6 in 1 na daw. may safety regulator at the same time yun na yung pinaka sakety device niya. naengganyo ako bumili kasi maganda yung pagkakaexplain niya. medophil pangalan ng company nila. worry ko lang ay baka peke yun. nakaexperience na ba kayo nito?house to house lang sila..

naku mahirap yun sis kc wala sila sa  market dapat nasa market para kung ano mang ang mangyari may hahabulin ka
Title: Re: LPG Safety device
Post by: mommy ni gwen on October 27, 2010, 05:29:45 pm
yes sis... meron din ako niyan. may package siya na rubber hose, the safety device at meron pang isa na pinaka regulator niya. i got the whole package ng 9k plus yata... pero meron din yung ordinary package na rubber hose and safety device for 4.5k lang. it's really effective at nakatipid nga ako sa lpg consumption at sure na safe from lpg related fire incidents  :)
Title: Re: LPG Safety device
Post by: ilovegabe on October 27, 2010, 05:35:21 pm
Meron naglilibot neto samin. Mura lang nasa PhP900 lang ata. I did not get it kasi they cant show me any ID na they are licensed to do that. Scary.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: mommy ni gwen on October 27, 2010, 06:48:01 pm
that's scary nga mommy.. the guy kasi na nabilhan ko they had certifications from city hall and ID that they're certified to that. buti hindi niyo ni entertain kasi baka mamaya modus nila yan tapos pag pinapasok niyo sa house biglang mang holdup.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: nylej20 on October 28, 2010, 09:34:10 am
naglilibot lang sila mommy pero may id naman. actually yung father in law ko naloko na to think na twice a year pumupunta sa house para check upin yung device tapos everytime na pumupunta may pinapalitan na pyesa?another bayad na naman un. kaya cautious na ko ngayon. katatawag ko nga lang dun sa office ng nagbenta sakin so far totoo sya and nagtanong tanong ako kunwari ng price tama naman yung binigay sakin na presyo. iniisip ko na lang kaya ako bumuli gusto ko maging safe kung lolokohin kami, may karma naman..
Title: Re: LPG Safety device
Post by: litodelaflor on November 23, 2010, 10:59:02 am
Modus Operandi po ang mga house-to-house na LPG safety devices. Ang presyo po ng mga ito ay less than p500. Mabibili nyo po ito sa mga Mall. Sa 5th floor ng Market Market ay mayroon po ito. Isumbong po agad sa pulis ang mga manloloko ng ganito.
Sanay na po sila manloko kaya maeenganyo kayo nila na makabili ng produkto nila.
Kesyo survey, sa munisipyo daw sila, sa safety at kung ano-ano pa. Yung hose po nila ay ordinary lang po yun. Iba lang po ang kulay. Minsan, idadahilan pa nila na sa duty free lang daw po ito mabibili.
Haay, ang hirap kumita ng pera tapos lolokohin lang po kayo ng mga iyan.
Kaya pag nandyansa lugar nyo- tumawag agad ng pulis- ipahuli nyo ang mga yan para madala sila sa panloloko ng kapwa!
Pahabol- madalas po pumunta yan sa mga lugar na nagkaroon ng sunog. Idadahilan nila yung pagkasunog na dahil daw sa LPG. At pag naunahan po kayo ng takot- sunud-sunuran na po kayo sa mga sasabihin nila at mapapabili kayo ng mga produkto nilang- SOBRANG MAHAAAALLLL!!!
Title: Re: LPG Safety device
Post by: adlaeam on June 17, 2011, 09:45:38 pm
it also happened to me kanina lang...ayun nabentahan ako ng hose for P1,000, sabi niya wag ko na daw isasara ang LPG tank ko kahit kelan safe na daw...I tried to close my LPG to see what will happen, nung binuksan ko at pinindot ko yung safety device(not the safety device they're selling) sumingaw sya, may leak yung regulator ko...what will I do, walang clamp yung nilagay nilang hose...ok ba yung binebenta nilang hose and I just need to put clamp on it or talagang unsafe yung hose na yun? pls help.....takot pa naman ako sa apoy...
Title: Re: LPG Safety device
Post by: annamariemomof3 on October 12, 2011, 07:34:19 pm
there are a lot of legit safety devices out there which are badly needed naman talaga to prevent accidents and even death. kaya lang naging modus operandi na ito ng marami. different companies pero same horrid stories from victims. paano kung false sense of security lang pala ang bigay ng said safety device because they are fake or of poor quality? yesterday there were two guys na naghahouse to house. they claimed that they are from some safety organization and are doing a survey. next thing you know they are inviting themselves in to do a leak check. siyempre pa miraculously kahit la pa one month yung kalan namin they found a leak. they then started doing a demo, removing our hose and doing their fire presentations practically setting the whole place on fire. siyempre pa ang ending nagbebenta pala sila ng wintide safety device worth 5 k. i had my doubts kasi nakita ko sa id nila LM safety distributor at hindi isang government or even ngo kaya sabi ko balkik na lang sila some other time. they still insisted that i atleast buy the rubber hose for 700 dala na rin siguro ng takot ko for the the safety of my three kids pumayag na ako. lam mo naman tayong mga mommy we don't put a price on our kids safety. when i looked them up puro bad reviews ang nakita ko grabeh as in parehong pareho yung mga stories from what i have just experienced. when i confronted him the next day and threatened to call dti if he doesn't give me my money back, siya pa ang galit dahil naaksaya daw ang time niya. he later admitted na 2,500 lang daw talaga yung item the rest kita na nila and even said na they needed to misrepresent themselves as a marketing strategy, in my world that's called panloloko. all parents should be aware of these scams so spread the word. the mere fact that they use fire to look for leaks should be able to ring the warning bels in our heads kasi this is a no no according to dti doe and lpg suppliers dapat daw soapy water lang. they probably used fire for dramatic purposes to instill fear in us. there are a lot of companies out there who capitalize on our love for our children.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: cris25 on October 12, 2011, 10:29:20 pm
hi.. i totally agree. i had the same experience... magccheck lang daw ng safety ng gas stove at lpg then nag ddemo na at nagbbenta ng wintide na safety device daw which costs 5k.. buti nalang hindi kami bumili...
Title: Re: LPG Safety device
Post by: annamariemomof3 on October 13, 2011, 12:40:45 pm
ako rin di bumili pero kakatakot di ba baka kasi sa halip na safety e disgrasya pa abutin kaka demo nila using fire. it really creep me out na nagpapanggap sila na part ng government organization para lang papasukin mo. grabeh laganap na talaga to hanggang dito nueva ecija nakarating na.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: nica_nice on November 25, 2011, 11:53:11 pm
dko matanggap na isa ako sa mga nabiktima ng mga taong ito ng isang araw.nakabili ako ng safety device nila na 5,000 me kasi ng dalwang silicone host....una sabi nil amagsusurvey lang hanggang sa napunta sa LPG hindi daw ako safe kc my leak daw ang regulator ko kaya kung gusto ko daw talaga na maging safe kaming mag iina sa bahay,dapat makahanap daw ako ng praan ng araw na un ng pera para makuha ko ang device...s**t!malaman laman ko mura lang pala ang safety device 500 lang pala...tapos ng icheck ko ang site puro negative comments....
Title: Re: LPG Safety device
Post by: annamariemomof3 on November 28, 2011, 07:58:15 am
sis if you have a receipt you can still return that within 7 days yun kasi batas natin. kapag yaw nila sabihin mo magreklamo ka sa dti. ibabalik nila money mo kasi ayaw na nila na mareklamo pa sila. don't let them get away with it. goodluck.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: apple on December 16, 2011, 08:39:52 pm
ako buti nalang may nabasa ako sa isang forum na modus nga yang
about sa LPG safety device na yan.

kaya nung may nag house to house about dyan
dito samen di ko na sila inintertain..
Title: Re: LPG Safety device
Post by: kleithpeggy on October 18, 2012, 11:22:17 am
GRABE po,nransan ko yan kahapon lang,nung last week nagpunta dito dalwang tao nagchecheck lang ng tangke after a week eto dumating nga sila,they said they are from LM SAFETY DISTRIBUTOR,chechek lang nla sbi namin my nagcheck na last weel iba pa daw sila.aba bigla na nagdemo,pti yung tangke sinuotan ng hose na maigsi tpos sinindihan nila,syempre umapoy,ntakot kami.nabasa ko agad yung mga comment nyo kaya ask ko po kung totoo ba talaga yan o peke lang,yung dala po kc nla wlang box,nsa loob lang siya ng plastik tpos yung hose wlang clamp kaya takot ako.nlman nyo po ba office nla?magkano po b talaga totong presyo nito?

please refrain from using textspeaks. Words must be completely spelled out when posting.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: chester on October 18, 2012, 01:32:49 pm
months ago may nagpunta rin sa bahay at nataon na mag isa ko lang din.  2 sila and pinipilit nila na NGO sila conducting surveys para sa safety ng LPG.  i told them na hindi ko sila pwedeng papasukin pero pilit pa rin sila. i ask certification na legitimate sila accredited ng goverment but then daming reason nila na wala sa kanila at nasa boss nila, etc.  end, hindi nila ako napilit.   :)
Title: LPG Safety Device
Post by: aphrodite on February 20, 2013, 10:46:27 am
hello po mga mommies i have purchase a safety device for LPG gas, just yesterday. naengganyo ako bumili kasi maganda yung pagkakaexplain niya at ntkot ako s mga pnkita niya n stories bout lpg lalot kami  lang ng mga baby q s bhay, and i feel sorry dhil ngyn q lang nresearch at nbsa itong forum nyo so tnext q yung ngsell sakin and said i'll return the product at ang sbi nla my 1500 penalty daw po ako as the compny policy daw nla is that true mommies? legal po b yung ganun, nakaexperience na ba kayo nito?house to house lang sila. what should i do i haven't enough sleep because of this please help me. thanks!

please refrain from using textspeaks. Words must be completely spelled out when posting.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: toughmom moderator on February 21, 2013, 01:02:09 am
Same topic merged.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: jaronmarie on April 18, 2013, 10:04:12 am
hello mga mommies i just experienced it just a while ago may pumunta dito sa house at first sabi taga fire department sabi survey lang after a while nagdedemo na and ended with pabebenta ng safety device..the price 10k daw sabi ko na lang wala hubby ko and kailangan pa namin pag usapan if mag purchase kami..maganda naman yung demo talagang nakaka engganyo, i even get their contact no. coz its interesting..buti na lang i google about safety device and see this post..
Title: Re: LPG Safety device
Post by: tinsantos10 on April 18, 2013, 12:43:05 pm
Subscribing :)
Title: Re: LPG Safety device
Post by: salmoncat on April 30, 2013, 03:04:49 am
"The consuming public is being warned against unscrupulous peddlers of liquefied petroleum gas (LPG) regulators who go house-to-house plying their wares. "

http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=1431336379457
Title: Re: LPG Safety device
Post by: mommycakes on May 13, 2013, 05:36:20 pm
Ganyang ganyan yung ginawa din sakin last May 9, 2013. May nagpunta dito ang sabi magsusurvey lang daw ng LPG Gas tank at connected daw sila sa mga taga Bureau of Fire Protection. Tapos chcheckin daw nila kung may leak ang LPG namin. Tapos ayun, nagconduct sila ng check-up sa tanke at ininsist na may leak daw yung LPG namin. pinutol yung magkabulang dulo ng hose at delikado daw yun. Pagkatapos nung "check-up" nila, may nilabas na safety device, tapos nag-demo kung gano ka-effective yung product. they were really convincing (o baka dahil na-hasa na sila sa ganun at tan** lang ako na na-amaze). tapos ayun, yung safety device daw ay 5,888 pesos pero dahil senior citizen daw si lolo ay may discount, magiging 3,500pesos  na lamang ito. sabi nila sa halagang 3,500 maaassure na ako na safe ang pamilya ko, kesa hindi ko daw bilhin at mag-cause ng sunog ang nagli-leak namin na LPG. Ang nakakapagtaka nun e halos wala pang 1-year yung regulator namin with hose na bili ng asawa ko sa ACE Hardware. Ang kagandahan nun dahil hindi pa ako bayad, ni wala ako deposito dahil wala talaga akong pera nung time na dumating sila dito. pero babalik daw sila sa akinse para kunin ang bayad ko. at ngayon, may time pa ako para makapunta ng DTI or kung san man pwede idulog ang prob na ito. It's a lesson learned indeed.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: annamariemomof3 on May 29, 2013, 04:50:34 am
yup lesson learned talaga. kaya nga now talagang di na ako nagpapapasok sa bahay. kahit pa legit na mga taga barangay na nag susurvey dun ko na lang sa gate inientertain. bastos man dating well better safe than sorry di ba mag isa ko lang kaya adult sa bahay three kids kasama ko.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: Mommy Jazz on May 29, 2013, 03:59:57 pm
Thanks for the link salmoncat. Sabi dun sa Phil Information Agency Site "They may also ask them to show or produce their business permit issued by the city/municipality licensing office and the so-called “home solicitation permit” issued by the DTI. "



Sagot ko nga sa nag alok sa amin noon, for that price, better na bumili nalang kami ng fire extinguisher na makakapatay ng lahat ng source ng fire, hindi lang LPG.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: babyece on December 17, 2013, 04:23:24 pm
ako din nabiktima ng mga taong ito mga mommys, come to think na mag isa lang ako sa bhay that time at may 4 months baby pa ko ., never heard of that safety device before kaya tlaga clueless ako kaya nun nagsimula sila mag demo medyo na engganyo ako dhil sa  galing rin nila mag sales talk (halata bihasa na sa panloloko ng kapwa)  pero sabi ko balik na lang sila bukas dahil wala ako  pa ako pera that time pero sabi nila gagawa daw sila ng paraan ng araw na yun para daw makuha kuna yung deviice para maging safe na daw kami ni baby, kahit magkano na lang daw muna i down payment ko( dun nagsimula na ko magduda) ., bibenta nila skin yung device for 4,890, buti na lang nkpag down lang ako ng 500 at ang the rest ihulog ko na lang sa bank no. na binigay nila.,nung nag research ako tungkol sa  kanila puro negative comments ang nabasa ko at mga sindikato daw sila.,the next day sinabi ko d kuna kukunin ang device .,pero sinabi nila na consider sold out na yun...sinabi kuna rin na idedemanda ko sila mag re reklamo ako sa DTI.,ang sagot skin sige  daw pwede daw ako mag demanda kung gusto ko...
PLEASE help, ano pwede ko gawin? sa mga nabiktima rin nila ano ang ginawa nyo?
thanks in advace sa inyo
Title: Re: LPG Safety device
Post by: SaveGas Express on January 16, 2014, 03:10:24 pm
Think na lang that the amount you spent is your tuition fee to learn in life kung sa tingin ko naloko ka man.  Maraming mura na safety regulator either original or local,  pero kung nag demo siya ng safety tips wow,  Parang nag home tutorial na rin siya saiyo ng fire safety. Mas mura ata yan kaysa masunugan.  Prevention is better naman.  All things work together for good.

Title: Re: LPG Safety device
Post by: toughmom moderator on January 17, 2014, 12:54:20 am
kung nag demo siya ng safety tips wow,  Parang nag home tutorial na rin siya saiyo ng fire safety. Mas mura ata yan kaysa masunugan.


Tutorials or seminars on fire prevention and safety should be conducted by a licensed and highly trained personnel appointed by the BFP (Bureau of Fire Protection) or instructor of a legitimate organization such as the Red Cross. These instructors render services in accordance with the law charging no fee from any citizen or group. Using fire-prevention tutorial as a paid service on top of a product is not only ridiculous but also against the principles of trade.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: SaveGas Express on January 17, 2014, 12:35:06 pm
Parang uncontextual yata yong quote mo saakin Toughmon,  huwag mo pong putulen. " I mentioned tuition fee to learn in life" na naloko, yan ang ibig kung sabihin. I also use the word, "parang" .  And hindi ko rin sinabi na licensed siya at highly trained.

Tanong lang Toughman, puwede bang paki post dito ang mga ligitimate organization na puwede mag conduct ng Fire prevention and Safety?

Thank you
Title: Re: LPG Safety device
Post by: zachamac on January 19, 2014, 06:51:19 pm
I agree with you toughmom. And I think,karapat dapat nga ipahuli sa pulis ang mga taong yan na nagiinsist pumasok sa bahay. May nagganyan na din samin, buti na lang kasama ko si hubby nung may nagcheck sa safety ng LPG namin. Besides, kung magtitinda pala sila, bakit ang front nila eh magchecheck lang. Di kami bumili kahit gustong gusto ko. Sabi ni hubby, igoogle ko daw muna. Nakakaloka kasi ang demo niya, sinindihan ng lighter yung nozzle ng lpg na pinagkakabitan ng hose. To think na kasama namin nanonood ng demo ang 2-yr old son ko. After the demo,namention niya sakin complete name ng friend ko,pamangkin daw niya yun. After few days,nameet ko yung friend ko and mentioned the name of the guy who made the demo, hindi niya daw kaano-ano yun,inaalok din daw sila ng ganun and hiningi lang pangalan niya. Bukod sa nagpanggap yung mamang yun, sinira niya pa yung kalan ko. Sabi sa la germania, may nakialam daw at may tinungkab na pyesa sa kalan ko.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: annamariemomof3 on January 22, 2014, 01:32:55 pm
Super shady talaga ng mga characters na yan. Gawa nila kukunin pangalan mo tapos gagamitin para makabenta sa mga kapitbahay mo sasabihin bumili ka kahit hindi. Palagay ko talagang panloloko ang train sa kanila ng company. To think na magkakalayo tayo ng area tapos ibat ibang pangalan ng company ang gamit pero parepareho style ng panloloko. Hmmm.

I get what you mean Save on gas. Charge it to experience.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: toughmom moderator on January 29, 2014, 02:25:49 am
Think na lang that the amount you spent is your tuition fee to learn in life kung sa tingin ko naloko ka man.
Parang nag home tutorial na rin siya saiyo ng fire safety. Mas mura ata yan kaysa masunugan.

"Tuition fee" is a good investment. It s used to describe anything worth shelling out a big amount of money for something worthy of that amount. This 10K LPG safety device (according to jaronmarie) does not fit the description. It's not as reasonable as a "tuition fee". It's a rip-off. No consolation there. Having LPG safety device is essential. The way it is used in a scam is a crime.

To everyone: be advised that ordinary LPG regulator is different from the LPG safety device.

Unscrupulous LPG regulator  peddlers (Philippine Information Agency)
http://r09.pia.gov.ph/index.php?article=1441335510711 (http://r09.pia.gov.ph/index.php?article=1441335510711)

'LPG Device kuno: Raket o modus?'
http://www.philstar.com/opinyon/767807/lpg-device-kuno-raket-o-modus (http://www.philstar.com/opinyon/767807/lpg-device-kuno-raket-o-modus)

For fire safety and prevention programs, you can check with Bureau of Fire Protection in your locality or contact the Safety Services Office of PNRC.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: Mommy Jazz on January 29, 2014, 01:48:43 pm
Haaayy... Controversial ang thread na ito. I did some research people and here is what I found:


Wa-is ang gumamit ng LPG safety device kasi sa Pinas, top cause ng fire ang LPG (highest is electrical wiring). There is a proposal na gawing law ang paggamit ng LPG safety device (Net 25 news). Now the question is, magkano ba ito talaga?


Sa Ace Hardware at Handyman, meron sila nung regular na LPG regulator, merong type na may guage pa pero hindi ito safety device. It can only monitor the flow. There is a type that can shut off the flow from the tank automatically once na detect niya na wala nang flow from the stove. Maganda pero hindi siya nakaka detect ng leak. There is also a Lion brand guaged LPG regulator with safety feature priced at around P350.00.


Both Ace Hardware and Handyman carries the brand Sun Gas. Safety regulator daw yon.
(https://fbcdn-sphotos-c-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash2/575964_339911762728913_1013046747_n.jpg)
image from https://www.facebook.com/sungas.regulator/about


Sun Gas safety regulators daw has a built-in safety device na anti-leakage din. It costs (depende sa type ng tangke) from P330.00 to P620.00 according to Solargas, the manufacturer. Pero sa Ace at Handyman mismo, nasa P549-P900.

There's this Filipino inventor who made his own reliable type, Mellion Traders by Mr. Melano, nasa P4,500-P6,500 depende sa LPG type. Hindi ito widely available. Direct seller sila
(https://fbcdn-sphotos-g-a.akamaihd.net/hphotos-ak-prn1/t1/72470_103558409709271_1326128_n.jpg)
image from: https://www.facebook.com/mellion.traders


At sulit.com.ph naman, nasa P3,000 - P6,000, may mga imported. Careful po kasi may mga nagkalatang fake na Wintide brand
http://www.youtube.com/watch?v=o35PrL0XJiI


So I hope that helps. now we have an idea kung magkano ba talaga ang price range nitong mga safety device and please take necessary security measures kung sila ay nagpapanggap na inspector o namimilit na bilhin ninyo.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: Ej09 on March 29, 2014, 04:24:29 pm
Nakabili ako ng safety device last year, it was worth 3,500 with lpg hose and a free reserve daw. So far, okey naman. Kaya lang, nakaka lula talaga ang presyo. Ganun pa man, safety nga kasi at takot talaga ako sa apoy and dahil nga kami lang ng anak ko dito sa bahay, of course, binili ko... This morning, 2 beautiful young ladies came at sabi mag su-survey daw sa PNS code ba yun? something. para daw awareness for the fire prevention month. Naku, apoy nanaman, sabi ko. kaya tuloy sila. Hayun ulit, ang survey nauwi sa demo, tapos nagbebenta na, at walang ka gatol2x na sabi ulit may leak daw ang regulator ko, tapos fake daw ulit ang safety device ko, at yung hose ko class B daw kasi matigas and hindi natutupi pag halimbawa umapoy yung hose dahil sa leak. Wala naman pamimilit na nangyari, (at may mga ID din sila), pero natakot na nga kasi ako sa apoy dun sa demo nila, kaya bili ulit ako kahit buhay pa yung reserba kong hose from last year. kaya lang, ang mahal ng hose. 1500 daw kasi di nabibili sa mga hardware at kung saan2x, pero swerte nga raw ako dahil may buy1 take1 promo sila ngayon na 1,190 lang daw, at paka tingin ko sa lpg ko matapos ng demo nila, aba! ayun at nakakabit na ang di ko pa sinabing bibilhin ko nga. kaya bayad nalang ako, tas babalik daw sila this monday for the balance kasi di ko naman binayaran ng buo... Iniisip ko ngayon, gusto ko bawiin ang pera ko at isauli din hose nila... paano ko gagawin? di ako talaga marunong sa rebuttal. madali ako kumbinsihin... i need your advice... dapat ko ba talaga isauli???
Title: Re: LPG Safety device
Post by: Ej09 on March 29, 2014, 04:39:48 pm
omg.. nag sink in na tuloy sakin ngayon... naloko nga ako... hindi na yun babalik this monday, kasi 1k na yung binigay ko. takot nalng ng mga yun bawian kung bumalik pa... haaaaay... sakit ah... sakit sa bulsa, pero mas masakit sa dibdib nagpaloko ako... bad things keep coming until you learn ika nga... good luck kay karma... sigh...
Title: Re: LPG Safety device
Post by: annamariemomof3 on March 30, 2014, 02:19:58 am
babalik yun sis kasi bebentahan ka pa ng safety device. when that happens demand that they give you your money back o mag cocomplain ka sa dti. hindi na papalag yun kasi nga alam naman nilang marami na reklamo about them. google them. iba iba lang ng company name pero parepareho ng style. survey kuno, tapos fire demo panggulat, tapos gagamitin pa pangalan ng kapitbahay mo sasabihin bumili. dun nako nagduda kasi naman manggagamit lang ng pangalan yung kapitbahay ko pa na malamit nang ma evict kasi ilang months na di nakakabayad sa bahay tapos bibili pa ganun kamahal.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: Ej09 on March 30, 2014, 05:46:42 pm
Yun ang pinag aalala ko ngayon, kung babalik nga sila, takot na ako, takot din ako makipag away kasi kami lang ng 4yr old daughther ko dito sa bahay. Dinadalangin ko na nga lang na wag nalang sila magpakita ulit. nakalimutan ko nga humingi pati resibo sa kanila, hay naku. Sakit ko talaga masyado akong mapagtiwala sa tao...ngo-ngongo talaga ako neto bukas kung babalik pa talaga sila...
Title: Re: LPG Safety device
Post by: Mommy Jazz on April 02, 2014, 06:24:46 pm
SIs Ej09, do you still have the reciept or contact number nung unang binilhan mo ng safety device? Kasi chances are, may after sales service sila to check kung may leak nga yung hose mo. You also did not mention kung anong brand yung una at pangalawang safety regulator mo. I saw sa sulit (now olx) na binebenta iba-ibang brand, maybe you can check kasi baka naman hindi overprice.
Tama lang yung meron kang safety device sa LPG regulator mo. The question is, tama ba ang presyo at totoo bang may leak yung una mong regulator.
You may also inform your barangay na may nagpapanggap ng inspector pero seller pala at wala silang permit. Then pag bumalik na yung nagbenta sayo, call the barangay para may pumunta sa inyo at maisoli mo yung produkto nila with refund or else.
Pwede mo silang ireklamo for claiming to be inspectors and lying about the leak, but not for selling kasi it's with your knowledge na binebentahan ka at binili mo. You can also return the item with refund as a consumer. Right mo yon.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: mommyessie on July 23, 2014, 10:13:49 am
Tama pala hinala ko. Naiinis na rin talaga ako sa mga nagsa-survey na yan eh. Dito sa subdivision namin andaming pumupuntang ganyan. Yung una pinagbigyan kong mag-survey. naabala ako ng husto tapos in the end they're selling a safety device pala. Yung mga sumunod survey daw yun ng government. Di ko na pinagbibigyan kasi tingin ko magbebenta rin sa huli. Just now may dumating uli na magkasunod. Di daw sila nagbebenta. Next time I'll ask them to tell their companies na baguhin marketing strategy nila dahil nakakainis na at nakakaabala ang modus nila.
Title: Re: LPG Safety device
Post by: Mai Espadilla on August 21, 2016, 09:36:53 pm
hi mga mommies, good day.
alam nyo pa ba hindi mo na po kelangang bumili ng separate device para maging safe ang inyong LPG steel tank? Ang kelangan nyo lang ang mag-switch sa ECGas. ECGas has it's own design of LPG regulator na may feature ng auto shut off valve kapag naka-detect ng gas leak mula sa inyong hose? ECGas can save you money plus your family is already safe.  please visit us on facebook. www.facebook.com/ecgaslopez for more informations. thanks a lot for your time reading my post.