Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: firstimemom05 on December 15, 2010, 07:52:00 pm

Title: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: firstimemom05 on December 15, 2010, 07:52:00 pm
Hi SP Mommies,

ask ko lang if totoo ba yung kasabihan na bawal ka maligo ng 2weeks after giving birth??

kasi ganito po yun nsa province ako ngayon and almost lahat sila sinasabi na 2 weeks ako di pwede maligo dahil pag naligo daw ako at pinasok ng hangin yung private part ko :-[ maloloka daw ako hahaha!!!  ;D ;D natakot ako at nagworry kasi naman di ako nakakatagal ng di talaga naliligo esp girls tayo db?? and one more thing dapat daw yung kwarto ko di buksan yung bintana at bawal ako lumabas para walang hangin na pumasok daw hahaha..can't believe that  ;D ;D is it true??

share niyo naman stories niyo if you've heard of this pamahiin before or yung comment niyo bowt this bothered talaga ako

thanx SP moms  ;D


Mod's note:
Superstition #15 Don’t drink cold water or take a bath at night.
15 Pregnancy Superstitions: Let's Set the Record Straight!
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/01/25/paglilihi.jpg)
Read about it on Smart Parenting. Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/buntis-pamahiins-a1663-20180127-lfrm?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration)  to Smart Parenting to post a reply on this thread. Members get a downloadable freebie (http://www.smartparenting.com.ph/registration) upon registration or membership update. Join this and other topic discussions now! Know your perks! (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.0)

This month's hot topic:
How do you prepare your child for flu season? Ask a question or offer your tips here:
https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114728.0
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: honey-ecclaire on December 15, 2010, 08:00:38 pm
sis,for me hindi ka naman mamamaho if you will not take a bath the way you used before nung di ka pa nanganganak..I'm not into pamahiins pero for safety na din na wag maligo...if you can't take na maligo for two weeks(even me)you can half bath naman eh with warm water if talagang kaya na ng katawan mo..then wash your hair po.....after giving birth naman like 2-3 days di mo pa kayang magagagalaw masyado kaya punas punas lang eh...then for the following days na kaya mo ng maligo then go on...just measure kung kaya nga talaga ng katawan mo...

You will not smell if you know how to clean yourself without taking a complete bath like before....
 
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: chimendoza09 on December 15, 2010, 08:15:10 pm
hello sis firstimemom05 :) Congrats sa new baby!

Ganyan din pamahiin sa amin sis, kasi nga daw pag pumasok ang lamig sa katawan natin at napunta sa ating ulo. I don't know how true pero sabi ng mga oldies. After 1 month pa nga ako nakaligo sis eh. Punas-punas lang talaga buti may aircon kasi somehow narerelieve ang init ng katawan. CS din kasi ako kaya mas natakot silang mga oldies baka mapasok ng tubig ang sugat.

Like what sis honey said, di ka naman mangangamoy basura na talaga kung di ka nakaligo, magpupunas ka naman di ba?  ;) Mabuti ng sumunod nalang sis kaysa baka totoo nga di ba? mahirap ng masisi.  :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: firstimemom05 on December 15, 2010, 08:52:42 pm
@honey-ecclaire: ah so if hindi pwede maligo ng full bath kahit sponge bath puwede? kahit po kasi hair di din daw pwd sb ng MIL ko huhuhuhu!!!  :'( eh sa weather sa philippines 2days lang na di ka maligo ang lagkit na ng buhok mo  :'( pero thanx po i'll do that na sponge bath nalang muna..  ;D ;D just to be on the safe side nadin

@mommychi:thank you po,excited na nga eh halos 2 weeks nalang inaantay ko for the arrival of baby  ;D ;D talaga 1 month? buti nakaya mo?? and good thing may aircon kayo,eh kami wala Pampanga pa kaya mas mainit pero thanx din  ;D ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Lelen on December 15, 2010, 09:07:35 pm
hi mommy! congrats on ur 1st baby!  ganun din sabi sakin, wag daw maliligo ng 17 days, dapat laging nakabalot, laging magpajama, etc.  pero i didnt do it, kc sabi nila maloloka db? e maloloka ako kung di ako makakaligo, kc may nun, sobrang init! kaya nagcompromise kami sa 1 week, pero after kung mag-give birth, every other day, wina-wash ng mommy q ang hair ko. tsaka di ko talaga kaya ng pajama all day, at most of the day, naka -aircon ako, pero that's me ha, di ko sure, baka loka na nga ako ngayon,  ;D follow ka na lang kung kaya mo, after all, medyo malamig na naman ngayon, mommy honey is right, puede naman yung half-bath. Good luck & congrats again!
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: honey-ecclaire on December 15, 2010, 09:09:48 pm
first baby mo pa naman...kaya siguro kahit iyakan mo mga oldies there...di ka nila papayagan...take it as they are so caring na lang for you....
may remedy naman para sa buhok eh,after two days siguro pwed ka na magwash ng hair...

Had a normal delivery Last year and after a week na ako naka-totally ligo..pero nakakaramdam pa din ako ng panlalamig,for my hair pinayagan naman nila ako to wash it after two days,...di ko nga lang nasuklay...
okay lang para namna s akain yun eh...

you will know naman kung kaya na ng katawan mo eh....
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: firstimemom05 on December 15, 2010, 10:03:57 pm
@LenTorres: hi mommy len thank you po,super excited na nga na maging ganap na mommy  ;D enweiy yun nga sabi sken na pajama lagi o leggings,buti ka nga pwd yun kasi aircon,eh dito hindi,naku di ko keribels yun..baka dun din ako maloka pag di ako naligo ng 2weeks.. ;D ;D thanx po

@honey-ecclaire: oo nga po first baby,sobrang convince nako na 1wk nalang nagagalit,bahala daw ako pag naging lukaret ako,so to no avail ill just heed their advice nalang siguro and just do sponge bath and since pwd naman pala iwash yung hair il ask help from my husband to help me..hays..good thing nadin na January at medyo cold season  ;D ;D thanx mommy honey  ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: honey-ecclaire on December 15, 2010, 10:08:54 pm
you're very much welcome mare...
welcome to motherhood....
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: misyelicious on December 15, 2010, 10:26:16 pm
yan din ang sabi ng MIL ko pati ng nanay ko ..pero dito sa bahrain nung nanganak ako last month lang dun sa hosp n pinanganakan ko kinabukasan pinapaligo na nila ko..pero di ako sumunod hehe kasi takot ako na baka nga mapasukan ng hangin yung ano ko.. ..naligo ako after 1 week kahit normal delivery lang ako pero ngpupunas naman ako ng maligamgam na tubig with soap at siyempre nglalagay ako ng lactacyd down there. ok naman ang feeling ko kahit na 1 week ako di naligo..

wala naman mawawala kung susunod tayo sa pamahiin diba mga sis? saka may kakilala kasi ako kapitbahay ng MIL ko ..kakapanganak lang nung kapitbahay nila eh naligo na kaagad tapos ng malling pa..sabi nila nabinat daw ..alm nyo nangyari namatay siya..kaya ako natakot din ..di kaagad ako naligo at ng gagagalaw after ko manganak at ng malling kami nung mga 1 month nako nakapanganak ..yun talagang kaya ko na lumakad ng lumakad.

ayun..sana nakatulong ako mga mommies :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: baby kyubi on December 15, 2010, 10:36:26 pm
in m experience, i recently gave birth last october for my 1st baby, normal delivery naman. after 1 day nung andun pa kami sa hospital, i took a bath.. take note a full bath talga tpos tap water pa kasi walang available na mainit na tubig, and after nun pag uwi ko na sa bahay, naliligo ako twice a day, in the morning and shower nalang sa evening, actually nagagalit MIL ko sa ginagawa kong yun kaso i felt very dirty kasi so really need to take a bath. but after a week, bumagyo dito sa amin ang ofcourse malamig ang panahon i still took a bath, after the said bath bigla akong gininaw ng sobra, as in nag chill ako.. binalutan ako ng napakaraming kumot gang sa mawala yung chills ko.
so lesson learned for me. minsan dapat sundin din naten mga oldies, wala din naman mawawala sa atin kung susundin nten sila, i agree sa sponge bath tpos lukewarm water ang gagamitin mong tubig.
pero yung case na nakakaloka daw yung pag naligo ka after you gave birth, for me, KALOKOHAN yung bagay na yun sis. walang scientific explanation yun, baka yung mga iba naloloka dahil baka naka experience sila ng postpartum psychosis..
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mummienina on December 15, 2010, 10:44:58 pm
Not true. Naligo din ako as soon as i was able to stand... Sa hospital pa ko nito. And pagdating sa bahay din araw-araw. Imagine nyo me heavy period kayo after manganak and di kayo maliligo!! Eeek mas nakakasira ata un ng ulo.. Hehe
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: ♥_caramel_♥ on December 15, 2010, 10:53:37 pm
 hehe not true for me haha the next day after i got discharged from the hospital i took a bath. My mom wasn't against it, though my hubby and his family were shocked hahaha at pasaway daw ako . pero my doctor advised me to take a bath na eh at gusto ko din kasi ang init at ang dumi ko (feeling ko) nagbBF pa naman ako nun ,. so i took a bath!  ;D tsaka sabe ni doc and mga cousins ko na din at ni mama para daw madaling maghilom ang sugat at para di maimpeksyon,. tska take note lang warm water ha hinde yung tubig na buhay agad (yung tubig na galnig mismo sa gripo) ,. maligamgam yung saken at nakatayo dapat posisyon para di pasukin ng lamig ,. at wag yung sobrang tagal maligo ,.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: moi angels on December 15, 2010, 11:05:46 pm
congrats sis firstimemom05!

for me naman, it would not do you harm if sumunod ka sa mga nakatatanda. ;) gaya nga ng sinabi ng ibang mommies dito, pwede naman punas-punas lang muna. yung sa akin naman, on my 1st 2 babies, 1 week after giving birth hindi pwede maligo. punas lang talaga & if i had to wash my private part, warm water pa rin na may pinakuluang guava leaves para daw mas mabilis magheal yung wound.  ::) sa hair, laging naka-hair clamp! then on my "first" bath after, maligamgam na water with all the pinakuluang leaves. ::) hindi naman nangamoy sa bahay! ;) ;D
but with my bunso, my mom wasn't with me kasi. so hindi nasunod yung mga ginawa namin dati. hindi naman ako lukaret ngayon! ::) minsan lang tinotopak! ;D ;D ;D but i am continuously experiencing yung grabe mag-chills, even during afternoons. grabe din yung hangin sa back ko which i guess, paved the way bakit ako nagkaroon ng slipped disc. :( i'm not really sure if it's related but better to be on the safe side... ;)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: chubyswife on December 16, 2010, 12:40:26 am
not true, kasi i gave birth, 7:02 am, nasa room na ako around 8:00 in the morning

 feeling ko that time sobrang lagkit nang katawan ko, so half bath na ako agad at

kinabukasan naligo na ako, wala naman nangyari masama sakin. so for me di

po totoo, di ako na niniwala. ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: firstimemom05 on December 16, 2010, 10:26:06 am
thanx for sharing SP Mommies  ;D

@moi angels:talaga po mami?? kelangan guava leaves?? for what po?? tsaka pag may ganun po ba na herbal meds hindi mahapdi dun sa sugat???

@yummie mummie:oo nga po eh kasi they are telling me na after giving birth may bloody discharge na lochia..and parang eew siya if di ka mag bath,tsaka diba pag merong ganun parang mas mainit than the usual ang pkiramdam?? :-\

@baby kyubi:yep tingin ko nga the loka part is what they call the baby blues or post partum deppression,pero scary padin noh??  :D
 
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: insensitive on December 16, 2010, 10:34:37 am
i think sis related nga yon sa post partum depression

tita ng kaibigan ko nabaliw eh.ang kwento nabinat daw ayun tahimik hindi masyado nagsasalita tapos pag dinuduyan yung baby nauuntog per wala syang reaction
after a year nagpakamatay.nagpakalunod sa dagat.scary :o sabi nila yun ang dahilan
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: firstimemom05 on December 16, 2010, 10:44:17 am
hala??? talaga mami kassandradenise??? scary naman yun,what happen sa baby?? :-\ :-\

yun kea talaga dahilan oh dahil sa post partum deppression??? meo nakakaalarm yun ha?? dito kasi sa province ng husband ko ganun din may 3 na parang medyo crazy,yun daw dahilan...hmmm!!! :-\ :-\
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: insensitive on December 16, 2010, 11:08:40 am
ayun, maagang nawalan ng nanay..

pero ako nun sis 1week din bago naligo
ok lang naman sa akin yun kasi mahirap nga kumilos masakit ma-CS ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: tiny_little_mom on December 16, 2010, 01:14:31 pm
NSD ako.. I gave birth on a saturday night, tinanggal dextrose ko ng monday so that same day naligo na ako.. I'd like to believe na matino parin pag-iisip ko. :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: leilatoto on December 16, 2010, 02:07:31 pm
pag province kasi pamahiin nila yan...pero ako, normal delivery ko, naligo ako a day after ko nanganak..sinabihan naman ako ng OB na i can have shower na daw eh..di naligo ako mabilis lang para lang mawala yung feeling mo na mabaho at malansa ka..
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: yangmei on December 16, 2010, 06:48:11 pm
sakin hinde siguro totoo kase sa hospital ako naligo sa medical city di ba may hot water sa shower.. yun ang pinang paligo..  :) sabi naman kz ni Ob ko ok lang basta wag lang malamig.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mixx on December 16, 2010, 11:38:40 pm
totoo ang binat, pero i dont think taking a bath would be a cause.

i'm a FTM and i've already posted a thread about how angry i was at everyone in my house for not letting me take a bath for a week. (yung iba 1 month pa.) here's why i WANT to take a bath:

1. "may sugat ka, NSD or CS, may sugat ka. Hygiene is important. "
- you know what happened nung di ako naligo? nangangamoy yung lochia ko. pagkadalaw sakin ng boyfriend ko, naaamoy niya yung ano ko. oh diba. funny? NO :( it's embarassing. also to have visitors and make beso while you are fishy and oily at the same time. think of that.

2. "being dirty can lead to many things"
- nangati ulo ko. actually nagkalisa pa nga ata ako after a few days ng di naligo dahil lahat na ng kung ano mang bagay kumapit na sa ulo ko. ayaw ako ikiss ng boyfriend ko. that's how disgusting it is alright! :(

3. "you are the ONLY person likely to be with your baby"
- would you want your child to recognize you with your un-bathed smell? :) -- yan ang sinabi sakin ng OB ko when she was debating with my mom about baths. yung babies natin very keen ang smell and they associate that with their moms. also, if you are dirty, you are contaminating your child. please, nanggaling ka sa delivery room/operating room. dont tell me you ar 100% sure that its clean :)

4. "your milk... it does spoil you know."
- especially to those who are breastfeeding. yung milk natin abundant sa 1-2 weeks ng baby and malamang tutulo sa katawan natin yan. it may smell fresh and clean pero when it lasts kahit 1 day on your body? NO it's not "gold" anymore. :D My dad could smell me from 6 feet away.

yan ang ilan lang sa incidents na nangyare sakin when i gave birth and i seriously would not want others to experience the same thing. here's how we go.
1. when you say "maliligo", make it quick. yung lamig kasi kalaban natin and yun yung nakakasinat.
2. do not use the tub pa. substances can still enter our vaj. or even your wounds kung cs kayo.
3. use unscented/mild soap on your private area. -- i tried the ph care cool wind the very first bath i took... oh my god, gumuhit sa sugat ko yung anghang! :) very funny experience and i will not do that ever again!
4. use warm water sa stitches, it feels better than trying the cold one.
5. change your pads every few hours. dont wait for it na umapaw! the stench, kakapit yan sa pubic area especially if you have hair.
6. when i delivered my child, they did not shave me. pero nung nafeel ko na magaling na sugat ko, i took the effort on shaving kasi yung smell ng lochia kumakapit sa pubic hair. sorry if its too much info but its true. :(

-yan palang naaalala ko mga sis. so please. :) pamahiins can be dangerous too!
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: moi angels on December 17, 2010, 12:41:20 am
sis, they say kasi na yung guava mas madali magpa-heal ng wounds. hindi naman po mahapdi with all the leaves, iba lang yung smell pero hindi naman yung "eew" type na smell... ;)

re smell nung lochia, i go with the suggestion of sis mixxotrophic, change your pad regularly. then punas talaga ng body sis, not really that you have to take a bath. you can also wash your privates naman eh, warm water nga lang talaga & i also use nga pala yung betadine feminine wash, para din sa mabilis na pag-heal ng wound (NSD kasi ako). also, if you are going to breastfeed, wipe mo muna ng cotton with water para sure malinis.

i would agree na post partum yung sinasabi nilang nagiging lokaret  ;) kasi nga if that goes untreated, hindi talaga maganda ang nagiging effect...
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mixx on December 17, 2010, 01:25:30 am
@mommy moi, yes. totoo yung guava na pinakuluan kasi nakakadry ng sugat yan. ang ginawa sakin pinakuluan tapos icocover, yung steam nun, umupo ako sa ibabaw nun para sa wound didirekta, medyo masakit nga lang. mahapdi. tapos pag medyo tolerable na yung heat, ipanghuhugas siya. and then yung leaves, ipapatpat sa wounds. :) super ok. hindi masakit. feeling mo nga lang albularyo ka.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: moi angels on December 17, 2010, 01:33:12 am
^ ay oo nga pala... pinagawa rin sa akin yung umupo sa ibabaw, ilang beses pa! ::) in fairness, effective naman & for me, tolerable na yung pain. mantakin mo bang pagkatapos mong manganak! wala ng bobongga sa sakit!!!  ;D kaya nga even with my bunso, mega hanap ako ng guava leaves nun! ;) at least sis, na-experience na natin maging albularyo kahit minsan lang sa buhay natin! ;) see what being a mom can bring?! ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mixx on December 17, 2010, 01:39:17 am
pinagtiyagaan ko mommy moi yung pagiging amoy lola dahil sa bayabas na yan. :)) pero oo effective talaga bilib ako. teen mom ako kaya syempre napaka "uncool" ng lahat ng paniniwala nila. pinagaaral nila ako ng nursing tapos yung mga natututunan ko kinokontra nila. :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: moi angels on December 17, 2010, 01:43:50 am
^ ;D the irony of things nga naman sis! but i guess, it's all worth it (kahit lahat na ng pamahiin!!! ;)) lalo na you are already with your baby & you see that he/she is doing well! :D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: firstimemom05 on December 17, 2010, 11:38:14 am
@mixxotrophic: yun nga po eh,kahit naman regular menstruation kahit ba magpalit ka ng pads medyo malansa padin amoy kaya talagang nagpoprotesta ak osa MIL ko hahaha  ;D ;D maarte pa naman si hubby ayaw na ayaw niya amoy pawis o mukha akong losyang hahaha.. ;D

another thing pa tama ka jan,lalo dito sa province nila Pampanga,dyos ko para kang iniihaw ng buhay from 9am til 5pm sa sobrang init ng araw kahit kagabi naligo ako kinabukasan napaka oily at lagkit na ng buhok ko (makapal pa naman buhok ko) tsaka itchy kasi magkaka dandruff..mahapdi pa naman pag ganun.. :-\ tapoz yung mga alikabok dumidikit sa buhok ko  :-[ :-[

nabasa ko din somewhere over sa net na ang baby's nga daw dahil di pa masyado nakakakita,ang pag smell ang ginagawa nila para ma knows ka nila,eh hello kung mabaho ka kawawa naman c baby,kakalabas lang sa world mabaho agad ang unang na recognized na amoy,icipin pa na ang baho ng mom niya hhaha.. :P :P

mga frends and relatives exited pa naman dumalaw tapoz mukha kang malagkit kahit mag pabango kapa it will just worsen your smell,pero good thing pwede naman daw mag sponge bath eh db?? at basain yung head?? sana lang pumayag mga tao dito  :'(
di rin ako makapg shave mami eh kasi di ko na makita at maabot,but ill do that after i gave bith para di mangamoy at mangati..

@moi angels:panu pong umupo sa ibabaw? di ko magets? anung procedure??? tsaka yep ph care ako na cool wind now pero ayoko itry mahapdi yun as tested by mixxotrophic eh hahaha..kaya bumili kami nung betadine wash
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mamagwyn on December 17, 2010, 10:05:41 pm
nun bagong panganak ako nun, un tita ko nagsabi sa akin na 1 week after pwede na maligo then maligo ng pinagpakuluan ng dahon ng bayabas.. ganun din sinabi ng MIL ko..

if i can remember, tinext pa nga si hubby ni MIL na mag pajama raw ako at mag medyas kasi baka mabinat..

un about na maloloka, kasi nag aasikaso ako ng para sa binyag ni baby, eh naambon, sabi wag raw ako paambon kasi maloloka raw ako, totoo raw un eh.. same thing rin nun new years day, kasi picture picture ako sa labas, sabi ng kapitbahay namin, mag sumbrero daw ako.. totoo raw un..

ginawa ko na lang para walang iisipin pang iba. siyempre punas punas ako saka hugas ng private part, pero maligamgam un tubig. hindi rin ako nagshampoo ng buhok nun for 1 week..

nun kinuwento ko naman sa tita ko na nakaligo na ako na may pinakuluan ng bayabas, mga 2 times ko ata ginawa, sabi niya, ok na raw un, dapat nga 1 beses lang..

normal delivery nga pala ako
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: moi angels on December 17, 2010, 11:17:03 pm
@moi angels:panu pong umupo sa ibabaw? di ko magets? anung procedure??? tsaka yep ph care ako na cool wind now pero ayoko itry mahapdi yun as tested by mixxotrophic eh hahaha..kaya bumili kami nung betadine wash

sis, diba pakukuluan yung guava leaves sa malaking kaldero, after nun, get the kaldero with the water then put it sa bathroom. yung sa akin, i had a plastic stool like this (http://image.made-in-china.com/2f1j00VBRtakfIuSqT/Plastic-Round-Stool-PP-Chair-1362-.jpg) then nilagay sa ilalim nung stool yung kaldero. upo lang ako dun sa stool for 5mins para lang nagpa-steam. after, yun din ang ginamit kong pampaligo, i just added water para hindi bitin maligo. ;)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: firstimemom05 on December 18, 2010, 08:42:57 am
@moi angels

ah ganun ala yun,il try that after giving birth may gnyang stool naman dito eh..how long dat ka nakauo sa stool til nawala na yung usok ??? thanx for the info mami moi  ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: moi angels on December 18, 2010, 09:44:53 am
^no problem sis... :D i think mga 3-5mins lang naman sis & you really don't have to finish talaga as in wait na mawala yung usok para medyo maligamgam pa yung water na ipampapaligo mo. ;)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: marimar on December 20, 2010, 10:27:17 am
being a probinsiyana also, ganyan din advise ng mga oldies sa amin na wag muna maligo after manganak.

i believe may mga cases na pinapasok ng lamig or hangin yung mga naligo agad after manganak pero depende na sa genes and resistance mo ano epekto sayo.

in my case, after 10days saka pa lang ako naligo.. CS ako..
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: victoria on December 27, 2010, 01:51:23 pm
1 day after i gave birth naligo na ako. malamig pa yong tubig kc walang hot shower sa ward(package del). ayaw sana ni husby pero pumayag nalang siya ng marinig sabi ng ob. regarding sa bayabas, 1st 2 weeks after nsd, morning after ligo and evening after wash, nilinis ni husby sugat ko using pinakulo ng dahon sa bayabas then apply betadine. pag 3rd week, once a day nalang.

yon nga. post partum depression. my kapitbahay kami dati naloka siya after nanganak.well, sabi-sabi lang yon kc patay na siya nong nagkamalay na ako.. ;). di ko naabutan.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: autisteek on December 27, 2010, 02:24:46 pm
i gave birth at 2am and took a warm complete and refreshing bath at 8am before my parents have arrived and while my puyat husband was still sleeping...(hahaha, nagbabad talaga ko) . sabi din kasi ni doctora, pwedeng maligo although pinagbabawal ng matatanda... but when i finally got home, i cleanse with boiled guava leaves... puro warm bath, bwal nakapaa, nakashorts at spag straps (at dahil pasaway ako, i didnt care..)
Hindi naman ako naloka. hehe... its not nice feeling sticky and haggard after birth.. di pa naman ako nakakatiis matulog ng di man lang nagshower....

sabi ng mga matatanda sa bahay, sa lamig nga daw, may namatay kaming neighbor, pneumonia, pero that was two months after birth pa. Sabi nung asawa niya mahilig daw yon maligo kahit kapapanganak, kahit gabi, right after household chores... kahit pagod. so i guess, its not really nakakabaliw, may mga health complications lang siguro ang lamig sa katawan..
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: miejaide on January 05, 2011, 03:45:35 pm
hmmm.. d naman po ako naloka.. advise din naman ng ob puwede maligo... kung may nabaliw, d na siguro sa pagligo un, may complication na un...
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Nuna on January 05, 2011, 04:01:21 pm
not true.
ako paglabas ko ng hospital naligo na agad ko.  hindi din kase ako naniniwala at naku baka naman mahilo anak ko pag 2 weeks ako di naligo. kahit kasi punas punas, iba pa din pakiramdam. pero nung unang ligo ko, meron din mga pinakuluan na dahon na ibat ibang klase.. bayabas lang ako familiar. tapos maligamgam sya na super super bango.tapos nagbanlaw nalang ng water lang.

2 tao pa nga ang nagpaligo sakin, yung tita ko at yung kasambahay ng lola ko. hindi pa kasi ako makatayo ng maayos nun kase CS ako tapos nilagnat ako pagkapanganak. tama yung mga binanggit ni sis mixxotrophic kung bakit kelangan maligo talaga. ;)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: imeego on February 23, 2011, 10:13:07 am
grabe may ganun palang pamahiin...ako kasi i gave birth thru nsd and stayed at the recovery room for about 3-4 hours, after that dinala na nila ako sa private room ko and pagkabalik na pagkabalik sakin sa room, first thing na ginawa ko maligo, medyo pasaway pa ako since bilin talaga ng nurse wag muna ako tumayo kasi baka daw mahilo ako...pero at that time feeling ko kaya ko naman tumayo so go ako sa cr kahit masakit pa episiotomy ko lol..so before pa dumating mga visitors, fresh na ako ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: ryuu on February 24, 2011, 06:20:06 pm
buti nga kayong mga mommies hindi lang pagligo ang ini-insist sa inyo ng mga oldies.. ako, naku.. andami dami.. bawal ganito, bawal ganyan.. nakakaloka na..  :o

bago pa man ako manganak.. sinabihan na ako ng mga oldies sa amin na after i give birth, hindi daw ako agad makakaligo.. kaya nung nasa birthing clinic na ako a day before i gave birth, naligo na ako ng bonggang bongga.. keber kung may labor pains, basta sinulit ko na yung ligo ko.. ;D

nung nanganak ako, binihisan kaagad ako ng mom ko ng t-shirt, jacket, jogging pants at medyas.. nakahiga pa ako nun kasi hindi ko pa kaya tumayo tapos ansakit ng vajayjay ko, pero tiisin ko daw sabi ng mom ko kasi baka daw pasukin ako ng lamig.. pinapagdikit niya rin yung dalawang hita ko (nakabukaka kasi ako nun kasi ansakit nga nun tahi tapos naka-diaper pa) hay grabeng sakit! pero tiis para lang hindi ako mapagalitan..

pagkauwi ng bahay 10 days rin ako hindi naligo.. wala akong ibang ginawa noon kundi asikasuhin ang sarili ko at ang baby ko.. hindi nila ako pinaghuhugas ng pinggan (na ginagawa ko lagi nung hindi pa ako nanganganak).. bsta any chore in the house, husband ko at mom ko ang gumagawa.. ni magsuklay hindi rin pwede kasi mabibinat daw..

hindi ako naligo for 10 days pero kada iihi or dudumi ako, panghugas ko e warm water with boiled bayabas leaves para di bumaho tapos palit every 4 hours ng napkin.. tapos pinapausukan ko rin yung vajayjay ko sa steam nung boiled bayabas leaves.. not necessarily for five minutes, minsan pag kaya ko matagal, i do it.. sabi kasi nila nakakabilis daw makaliit ng puson so i did.. true naman, maliit na puson ko kasi nagshrink na yung uterus ko.. and i fit to my pre-pregnancy pants na after one month.. sinulit ko yung puno ng bayabas namin kaya ayun, kalbo na ngayon.. ;D

after 10 days na hindi naligo, pinaliguan ako ng warm water na may iba-ibang klase ng halamang gamot.. dahon ng bayabas, lagundi, sambong, salay, lucban at kung ano-ano pa.. mabango naman kaya keri.. :)

after naligo, hinilot ako using coconut oil.. for seven days yun para ibalik daw yung mga buto sa dati nilang pwesto.. para din daw lumabas yung patay na dugo na naiwan pa sa uterus.. ewan ko pero after nung hilot daming lumabas na dugo, buo-buo pa yung iba..  :-\

sa pagligo, after nung mga dahon, 7 days ulit no bath, then 6 days, 5, 4 ,3 hanggang sa every other day na.. lahat warm water tapos sandali lang, bawal tumuwad or so, dapat daw nakatayo lang.. pinapanood ako ng mom ko pagligo, para sure sha na hindi ako uupo or tutuwad..  dapat rin nakatsinelas.. ::) hanggang ngayon, every other day ako hindi nakakaligo.. punas-punas lang in between.. vajayjay lang pwede hugasan ng warm water.. after one year pa ako pwede maligo ng araw-araw at ng tap water..  :o

one month ako nakamedyas, jogging pants, tshirt outfit.. pero until now, three months after giving birth, lagi parin ako naka-jogging pants.. kontra lamig daw..

kada uupo ako sa kahit anong surface, dapat may sapin na tuwalya, iwas lamig daw..

hindi nila ako pinapakain ng pagkain na hindi luto.. so yung mga fruits and raw veggies, hindi ako pwedeng kumain.. isipin nyo nalang nung pasko, may fruit salad.. kami wala nun kasi baka daw mainggit ako, hindi nalang gumawa ang husband ko.. hanggang 6 months daw yun.. may 3 months pa akong bubunuin.. sabi nila para hindi daw ako maging sikmurain.. mga nanganak daw mabilis pasukan ng lamig sabi nila..

everytime na gusto kong sumuway, lagi nila akong tinatakot na magmumukha akong losyang.. shempre takot naman ako.. at my age, magmumukha akong thunders, ayoko nga.. ;D

pero my mom said na hindi naman daw sa ganun, lahat naman daw ng pinagagawa nila sa akin e ma-aappreciate ko pag nasa 4os na ako.. hindi daw ako tutubuan ng warts at pekas.. which is true to the fact kasi looking at my mom, at her age of 51, she doesn't look like it..

haba ng post ko.. sana nakatulong ito.. ;D


 
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: babyblair on March 01, 2011, 02:42:27 am
moms, panu maligo dun sa water ng bayabas? kasi hair?
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: ryuu on March 01, 2011, 05:44:30 am
^everytime magwiwiwi ka or magpu-poopoo, papanghugas mo yung warm water na may pinakuluang bayabas leaves for faster healing ng tahi sa vajayjay.. natural antiseptic kasi ang bayabas.. :)

sa pagligo, hindi ako sure pero ang ginawa ko e i have someone with me sa loob ng cr.. sha yung nagbubuhos at nagsasabon sa akin.. nakatayo lang ako para daw hindi mahanginan yung vajayjay..

:)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: babyblair on March 01, 2011, 08:15:25 pm
@ryuuu- sis kasi ang hair sa pagbuhos nung water na pnakuluan?
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Mlabable on March 02, 2011, 12:04:10 am
No true  :)
 
A day after kong manganak, naligo na rin ako. Normal pa naman ang pag-iisip ko.  :D
 
Saka advised din ng doctors and nurses pwede na rin ako maligo. Todo kontra MIL ko, wala naman siyang nagawa. Akala niya magpupunas lang ako sa CR, paglabas ko TARAN! Basa na buhok at fresh na fresh galing ligo.
 
Pero gumamit din ako ng guava leaves kasi natural antiseptic siya. Yun yung pinanghuhugas ko sa fem area saka Betadine na fem wash.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: iamsez on March 02, 2011, 12:48:07 am
Not true at all!

kapag di ka naligo lalo kang mamamaho.. heheh
ako CS ako pero 2 days lang ata ako di naligo kase di pa ko mkatungo ng maayos..
it depends on you na rin kase... yung mga pamahiin di talaga mawawala yan esp pag mga oldies around you.. though wala naman mawawala kung maniniwala tayo but then, it's always up to us.. heheh
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: butch on March 03, 2011, 12:49:01 am
Hi mga sis,never pa ako nakarinig na naloka dahil naligo after birth...sa japan nga mga sis nasa tub na puno ng water ang nanganganak kasi mas nakakaless daw ng pain kapag nasa tubig ang naglalabor,then dun na rin sya magdeliver ng baby sa tub kaya paglabas ng baby derecho linis na sya.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Katie on March 03, 2011, 07:27:14 am
opo, maloloka ka, sa smell mo kung di ka maligo, lalu na kung summer. yung sobrang inet? kung may scientific explanation, kakayanin kong paniwalaan ang pamahiin. But hen again, wala namang mawawala kung maniniwala ka, pero hindi dapat i-apply ang lahat. Importante pa din ang hygiene, lalu na pag bagong panganak :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: jhoicee_01 on March 03, 2011, 03:03:20 pm
It's not true. yung mga naloloka are those people who can't cope with PPD. The term for it is Postpartum Psychosis. Pag naligo ka, I suggest you to use warm water kc soothing yung warm than tap water. Wag mo nga lang ipang hugas un sa tahi you or else mag ble-bleed ang sugat mo.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: kuneha8 on March 03, 2011, 08:13:04 pm
walang basehan ang mga ganyang beliefs, ganyan kasi sabi ng mga lola ko , pero pagkakapanganak ko naligo agad ako. wala naman nangyari sa akin, mas maloloka ako pag di ako naligo ng isang linggo o isang buwan. hehe
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: ysLim on June 20, 2011, 03:19:44 pm
naligo naman ako the next day after giving birth before umuwi from the hospital. hindi naman ako naloka. wag lang siguro munang pilitin if hindi kaya ng katawan.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: just_memom on June 20, 2011, 03:30:11 pm
1 month, you read it correctly mga sis. I month po ako hinde naligo yay!  tsk tsk pero good thing nandyan si hubby para punas punasan ako. Grabe parang feeling ko nga naging factor yun hinde pagligo para magkaroon ng PPD. Imagine i'm crying para sa simple bagay lang (e.g. wala ako bmilk) tsaka sa mga maliliit na bagay lang
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mariann on June 20, 2011, 06:34:51 pm
if i won't be allowed to bath even for a day, i'd surely get more sick.  my aunt bathe me before i gave birth.  hubby bathe me after i gave birth via CS.  nothing happened.
 
they say, you should not read after giving birth because you'll end up cross-eyed.  i asked my OB if i can read because i'm getting bored inside the hospital room, she allowed.
 
pamahiins won't help.  i don't believe them since they don't have any scientific explanations.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: ilovegabe on June 20, 2011, 07:33:42 pm
mas nakakaloka ata pag hindi naligo  ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: giselle1115 on June 21, 2011, 05:40:40 pm
hindi kaya yung mga kasama mo sa bahay ang maloka pag di ka naligo?  ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mumzeth on July 29, 2011, 11:10:44 pm


ah kung sa ospital ok lang maligo ka.. hygienic purpose.. makati kaya sa katawan ang di maligo at yung dugo dugo malansa.. pero kung

mga matatandang kasabihan 1week..bawal kasi papasukan ng hangin yung katawan mo at nakakabaliw daw yun.. sinunod ko yung pamahiin na to pero di ko kinaya mga 4days lang akong nagtiis haha.. pero 2 months medyo mainit na tubig pinapaligo ko..

so ngayon eto buhay pa naman ako naaalagaan ko pa sarili ko at anag anak ko.. at hindi pa naman ako lumalabas ng bahay na naka hubo't hubad.. hehe normal pa ko thank GOD. :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: FayeP on July 30, 2011, 07:16:09 pm
sabi po ng tita ko pagkapanganak ko daw (I'm due on 04 Oct 2011), wag daw muna maligo ng mga 2 weeks kasi mapapasukan daw ng lamig un vajayjay tapos maloloka..

kaya punas lang daw tapos uupo ka sa tinba (or arinola) na may mainit na pinaglagaan ng bayabas (un steam daw nun nakagagaling)...
para daw gumaling agad un sugat, tapos pangwash sa vajayjay, pinaglagaan din ng bayabas na mainit init din

Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mworx on July 31, 2011, 04:40:34 pm
Sa first born ko...15 days bago ako naligo pero nabinat pa rin ako after a year.  Grabe amoy aso na buhok ko considering ang iksi ng buhok ko.

Binat meaning masakit na masakit ang ulo mo.

Sa pangalawa ko after 5 days naligo na ako kasi kelangan ko ipatingin si baby agad..... so far okay naman ako.....basta medyo mainit ang tubig pangligo.

@FayeP......totoo yun pang wash ang bayabas para gumaling agad ang sugat.

Depende naman yan kung maniniwala tayo sa pamahiin ng matatanda o hindi.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: BuhayMommy Blogger on July 31, 2011, 06:21:05 pm
maloloka? ako hindi naloka.. madalas windang  :'(
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: eka1212 on July 31, 2011, 08:57:07 pm
naniniwala ako dyan sis pero hindi sa pagligo sa paggupit naman.
Yung friend ng ate ko pagkatapos niya manganak mga ilang araw lang nagpagupit siya tapos nun the next day namatay siya sabe napasukan daw ng hangin yung ulo niya. Kakatakot kaya.
Tapos may friend naman kami pagkatapos niya manganak din hindi siya nagmedyas nun tapos nilamig siya tapos ayun umakyat daw yung lamig sa ulo niya tapos naloka siya. Nakakatakot lang kaya naniniwala kami. ang asawa ko takot na takot kaya nung nanganak ako (cs kasi kaya masyado siyang nag ingat) lahat ng sinabi ng mga kaibigan at nanay ko ginawa niya kahit nga sinabe ng mga nurse at OB ko na puede na ko kumain nun pero hindi pa rin niya ako pinakain pinainom lang ako ng tsaa at kakatiting pa yung pinainom sa akin kaya ayun the next day dapat makakaalis na ako pero hindi nangyari dahil nahilo ako. Wala kasi laman tsyan ko almost ako mahimatay dahil nagbablack out na ako. hahaha!
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: FayeP on August 05, 2011, 02:39:27 pm
Hi!!

un nga mga sis, dapat daw magmedyas para di pumasok ang lamig, tapos para di daw mabinat, wag nga muna maligo

pag nabinat naman daw, susuobin, narinig nyo na ba un suob?? mother ko sinuob siya ng manghihilot a few days after niya manganak sa brother ko (back in 1988).  bale un manghihilot, may uling tapos papabagain, then lalagyan ng ginupit na pakpak ng manok, saka mga dahon dahon tapos langis ng nyog na freshly made.  tapos pinaupo si nanay sa silya, sinakluban siya ng kumot, tapos un baga na may mga dahon at pakpak, nasa paanan niya, un usok nun dapat daw makulob lang sa loob ng kumot...

ayun.  weird di ba??
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: giselle1115 on August 05, 2011, 09:53:55 pm
@ FayeP - wow sis talaga?!  Grabe nanlaki mata ko when I read your post... meron palang ganun... :o
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: denise2214 on August 05, 2011, 09:58:43 pm
not true sis...as hospital pa lang naligo na ko...d naman ako naloka.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: FayeP on August 06, 2011, 11:04:03 am
Hi!!

@mommy giselle1115, oo ang weird di ba??? kasi kaya naman naganun si nanay nun after niya manganak, kasi naghugas siya ng kamay at paa ng malamig tapos ayun inubo ata siya (di ko matandaan kun ubo o sipon eh)..tapos nabinat daw....eh talagang un mga pamahiin ng mtatanda di ba??? eh buhay pa nun lola ko (mother ni tatay), kaya nagpatawag ng manghihilot.. tapos ayun suob suob ever...
tapos hinilot nila si nanay ng mga 2 weeks, lalo na un sa bandang waist at balakang, niwrap pa nga ng kumot eh tapos hahatakin un kumot para daw bumalik sa dating korte un waist ni mother....

heehe pamahiin ng matatanda to.... at dito ito sa maynila ha, di sa probinsya... heheh
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: giselle1115 on August 06, 2011, 06:41:25 pm
hihi!  Kaloka!  Naku wag naman sana masyadong toxic pamahiin ng MIL ko sa panganganak.  Nung wedding kasi namin ang daming bawal na e.  We're in the province pa naman  :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: FayeP on August 06, 2011, 07:02:20 pm
mommy giselle1115, un mga kamag anak po namin esp mga nakatatanda, pati mga kapitbahay,  mapamahiin, funny kasi nga andito sa manila, parang mas maiintindihan mo na mapamahiin sila kun medyo province, kasi iba pa talaga un paniniwla, ,eh dito hehe weird sila

nun isa araw lang sabi sakin ng kapitbahay, oi buntis, maglagay ka ng sumbrero dahil mahahamugan ka (lumabas kasi ako ng gabi para bumili ng softdrinks sa tindahan), pag nahamugan daw ang buntis magkakaron ng madaming freckles sa muka at dibdib hehe ewan ko dun...

Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: MommyMichell on September 23, 2011, 12:21:25 am
sabi ng ate ko sa US daw (2 na kids niya) kinabukasan after mong manganak papaliguin ka daw ng mga nurse and so far wala naman syang alam na nababaliw and tingin ko ate ko matino pa naman wahaha (peace ate, love you!)

pero since nandito ako sa pinas at bantay sarado ako ng nanay namin, 2 weeks akong di pinaligo, iniyakan ko pa nanay ko para payagan niya ko maligo, pumayag naman sya pero yung unang ligo sya nagpaligo sakin kasi takot na takot sya na mabinat ako dahil yung kapitbahay daw nila dati laba daw ng laba agad pagkapanganak, ayun nabaliw daw
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: pompz on September 29, 2011, 04:03:31 pm
sis pasali ako pag nanganganak after 15 days , ganon din po ginawa ni giselle sanchez nag GELAI naman sya sa chinese un.. may kapit bahay kasi kaming ganon dito sa manila manganak sya after 1 day naglaba naman sa ulanan ayun nabaliw, ewan ko pero totoo naman, minsan kinakausap niya sarili niya talaga, dahil daw nasumpit ng hangin sabi sa amin, kaya ako ingat na ingat din, sa 3rd child ko nga lang di ako nahilot e, hirap na maghanap ng manghihilot
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: -joanamber- on October 01, 2011, 01:19:42 pm
^not true sis.. hehe. naligo agad ako after ko manganak, di naman ako naloka. hehe. :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: annamariemomof3 on October 13, 2011, 12:55:37 pm
not true kasi di ba sa ospital pa nga lang they urge you na maligo na agad. ako nga cs after tanggalin catheter inask na ako ng nurse kung gusto ko na maligo yun nga lang siya nagpaligo sa akin hirap pa kasi ako kumilos. although i do have a lot of veins na naglitawan don't know kung dahil sa pagligo yun o baka naman dahil naman na strain sobra during pregnancy laki ko kasi nun dahil twins.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Aicha on October 13, 2011, 01:34:42 pm
ako after 2weeks naligo pero syempre everyday after ko manganak atleast 3x a day naghuhugas ako at naghihilamos ng warm water.. di naman siguro maloloka pero natakot ako sa binat... kc yung kapitbahay namin nabinat sya after manganak nagbabasa ng pocket book at lagi naka backless, na confine sya ng 2weeks sa hospital after 3days niya manganak.. nag 50/50 sya dahil sa binat... katakot
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: janapot on October 13, 2011, 02:31:41 pm
dapat 1 week din ako bago maligo.. kaso di ko na kinaya.. haha.. kaya on my 5th day sabi ko kay mama suko na..

hahah..

di ako naniniwala, dyan.. pero sinunod ko na din sa kadahilanan na:

pagod ang buong katawan ko, pati na din mga nerves ko.. kaya need sila irest..
as wala ko ginawa.. nandun naman kasi family ko para i assist ako..


tapos 1 month pa kong di nakapanood ng tv.. di pwedeng cellphone at di pwedeng mag FB.. kainis diba..
pero yung nga, sinunod ko, kasi i want a healthy living.. hehhee..
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: IamMOM on October 17, 2011, 07:21:14 pm
according to my OB mas Ok nga daw kung maliligo agad para mahugas yung mga tahi..kc pag hindi nahugasan un d more na nagiging prone to infection ...ok lang as long as maligamgam ang water... :-)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: -joanamber- on October 22, 2011, 09:19:20 am
Hi!!

un nga mga sis, dapat daw magmedyas para di pumasok ang lamig, tapos para di daw mabinat, wag nga muna maligo

pag nabinat naman daw, susuobin, narinig nyo na ba un suob?? mother ko sinuob siya ng manghihilot a few days after niya manganak sa brother ko (back in 1988).  bale un manghihilot, may uling tapos papabagain, then lalagyan ng ginupit na pakpak ng manok, saka mga dahon dahon tapos langis ng nyog na freshly made.  tapos pinaupo si nanay sa silya, sinakluban siya ng kumot, tapos un baga na may mga dahon at pakpak, nasa paanan niya, un usok nun dapat daw makulob lang sa loob ng kumot...

ayun.  weird di ba??

Hala sis, grabe naman yun. Parang nkakatakot.  Ang weird nga, di na siguro yun uso ngayon, pero baka sa province nageexist padin yung mga ganyang ritual. :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: butch on October 23, 2011, 12:29:22 am
its not true kasi as what my cousin told me sa japan nga daw nakalubog sa tubig ang nagle-labor,to ease the pain of contraction at the same time paglabas ng baby malilinisan na siya dahil nasa tub ang mami niya.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: liamviem on November 12, 2011, 12:06:52 pm
hi..ako i took a bath after 9 days from the day i gave birth mga dahon dahon pa yun kasi hindi na ako nakapag pahilot siguro magpapa full body massage and ventosa ako after na lang ng lochia..im on my 3rd week, and kelan ba pwedeng maligo ng hindi lukewarm water?tsaka gusto ko na kasi magscrub mabuti, now kasi puro madaliang ligo lang kasi sabi bawal daw matagal baka mapasukan ng lamig..kayo ba, when kayo naligo ng straight from the faucet na water?thanks
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Aicha on November 12, 2011, 01:31:52 pm
ako sis after 1month naligo na ko ng normal na water... di naman malamig pero straight from the faucet na, naliligo ako pag tanghali di na malamig yung tubig. hehe
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: bianxious on November 26, 2011, 08:32:35 pm
I know it's been 5 months since I gave birth but I would just like to share what happened to me. Sinunod ko ang sinabi ng lahat ng tao sakin. I just took half bath or sponge bath for 1 week. Pero kahit na sinunod ko yun, nagkasakit pa din ako ng 2 days. Pero ibang sakit yun, ang tawag nila dun BINAT which was the worst thing that ever happened to me. Yung tipong parang binibiyak yung ulo mo mas matindi pa sa sakit ng labor. Imagine that experience for 2 days feeling mo talaga mamamatay ka na. Seryoso po ako walang halong joke hindi exaggerated. Ang binat daw sabi nila iba ibang klase, pwedeng mangyari sayo pwede din hindi pero in the long run maeexperience mo din daw yun ng hindi mo nalalaman. Eh sakin bonggang bonggang experience so lesson learned.

Nagtaka naman ako kasi bakit nangyari eh sinunod ko naman sinabi ng matatanda. Yun pala dapat 1 month hindi ka muna magkikikilos like linis sa bahay, etc. Eh feeling ko kasi superwoman ako na kaya ko na talaga. Nag-general cleaning kami ni hubby sa bahay tapos naulanan pa ko. Kaya napagalitan ako ng bongga ng nanay ko while experiencing that kind of super duper migraine.

Hindi ko naman sinasabi na maniwala kayo pero gusto ko lang mag-share ng experience ko. Swerte yung iba na walang nangyari pero nakakalungkot minsan na may ibang nanay na namatay dahil dun. Ayun lang naman po. :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Aicha on November 27, 2011, 04:49:45 pm
naniniwala ako sa binat sis kasi dami sa family namin naka experience ng binat.. ibat ibang klase nga lang.. hehe, I'm glad nga na di ko naranasan yun. hehe, kasi sobrang di talaga ako gumagalaw sa bahay, alaga lang kay baby ginagawa ko. nung 2months na si baby saka ako naglaba.. wala naman mawawala pag sumunod, takot ko rin kasi, hehe..
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: yohan_louis on December 06, 2011, 12:51:32 pm
hi mga mommies,

nong first baby ko naligo ako after 3 days pero after non nilagnat ako at nagchichill. sabi ng tita ng asawa ko nalamigan daw ako...katakot takot na seremonyas ang ginawa niya para di daw ako mabaliw. nagsunog siya ng mga dahon dahon, sinama ang buhok ko at pati yata pinagputulan ng kuko tapos sinunog niya habang nakatayo ako sa ibabaw nong sinunog niya para daw maabsorb ng katawan ko yong usok. pagkatapos nag seremonyas niya gumaan pakiramdam ko at tuluyan nang gumaling. sa tingin ko wala ding masama kung sumunod sa mga matatanda kasi yon ang alam nilang tama at kapakanan din naman natin ang iniisip nila.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Anne Mercado on December 14, 2011, 09:09:38 pm
I gave birth late afternoon, I woke up mga close to 6pm. Tapos that same night, natulog ako and when I woke up the first thing I did was take a shower!

Di naman ako naloka so I don't think it's true. Feeling ko mas maloloka pa ko kung 2 weeks ako di maliligo haha :P
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: nickyhybergirl on February 24, 2012, 11:32:22 pm
Hala! i dont have any idea na may pamahiin palang ganito.. kasi noong.. nanganak ako.. 1 day after ko nanganak naligo na ako... warm water naman....wala naman ako nakita or naramdaman na bad effect sakin.. di naman ako naloka...

Pero I if know this that time na nganak ako...malamang di muna ako maliligo.... ;)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: missheizy on March 06, 2012, 01:44:29 pm
PASALI PO  ;D

According to my friends and pregnancy coaches, yun na tawag ko sa mga kasamahan ko sa faculty, kasi naman sila napapanaginipan pa nila ang baby ko at panganganak ko, they advise me na super walang masama kung makinig sa mga oldies, like sa paliligo after manganak, sponge bath lang daw muna ako ng 9 days according to mudra, magmemedyas at super tiis sa init lang para hindi malamigan, sa hospital kasi hindi sila naniniwala sa binat, but, I think, imagine mo naman, super exert ng effort ang yung katawan upon pregnancy to giving birth, siyempre si body na-force ng bongga, so, it will take days and months pa nga talaga to go back to its proper rhythm kaya tiyaga lang.

PATIENCE ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Mamie Vera on March 08, 2012, 07:04:33 pm
joining...

Sabi nila oo, nakakabaliw nga daw pero as they say, wala namang masama kung sumunod at makinig sa oldies, patience is the key.

Mai-share ko lang mga sis, after 1month din ako pinaligo ng nanay at MIL ko. Sumunod nalang ako dahil medyo hesitant din ako maligo noon dahil natatakot ako sa tahi ko, CS kasi ako. Disaster pa yung unang ligo ko. May pinakuluan silang mga halaman-halaman, na naging kulay brown sa tubig. Parang naligo ka sa sapa ;D Tapos pina upo pa ako sa itak habang pinapaliguan nila pamahiin para daw hindi mabinat. Hayun, kinabukasan pa ako nakaligo ng matino.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: madjhal on March 09, 2012, 10:16:25 pm
hi mommies;

same din yung concern ko regarding s pagligo after giving birth. well wala naman nga talaga masama maniwala s mga oldies..pero i did some research at wala naman ako nabasa n masama maligo after..mas nakakatakot kaya yung hindi k maliligo dahil your prone to infection dahil nga mahina p ang immune system mo..at hindi naman s pagligo nkuha ang postpartum depression... :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: einie on March 09, 2012, 10:39:49 pm
hi mommies;

same din yung concern ko regarding s pagligo after giving birth. well wala naman nga talaga masama maniwala s mga oldies..pero i did some research at wala naman ako nabasa n masama maligo after..mas nakakatakot kaya yung hindi k maliligo dahil your prone to infection dahil nga mahina p ang immune system mo..at hindi naman s pagligo nkuha ang postpartum depression... :)

i totally agree with you!

i gave birth through C-section, my OB advised me to have a bath a few hours after my operation. She cleaned my wound,changed the dressing and to have a bath. nothing kaloka happened to me. ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: hugs.kisses on March 09, 2012, 10:47:48 pm
 ;) Hi Mommies.
     Me too, i believed in binat pero nun sa second baby ko, after two days of giving burth, naligo na ko. matigas ang ulo. haha
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: madjhal on March 10, 2012, 03:32:15 pm

i totally agree with you!

i gave birth through C-section, my OB advised me to have a bath a few hours after my operation. She cleaned my wound,changed the dressing and to have a bath. nothing kaloka happened to me. ;D
[/quote]

thanks sis! mas lalo kailangan mo maligo pag my wound k gaya ng sau nga kc cs k! kahit ano sugat naman ehh mas mabilis mag heal pag malinis compare s hindi nalilinis ska wala naman siguro sasabihin yung doctor n bad db :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mami che on March 10, 2012, 05:26:06 pm
Tinanong ko din yan sa OB ko dati nung first baby ko. Natatakot kasi ako  ;D pero nakalma naman ako when she said na yun daw yung mga naguundergo ng post-partum na di nakayanan ang depression... e confident naman ako na walang ikakadepress  sa paligid ko esp with my baby and hubby around kaya naligo agad ako Hehe ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: wandergirl_turn_mom on March 14, 2012, 02:15:20 pm
Hi Mommies, ako kasi 4 days sa hospital nung nanganak sa First born ko. So, advice lang ng ob ko after giving birth, kung kaya ko na daw mag full bath okay lang basta yung water temp ako na bahala kung ano ang bearable for me. Tapos kung hindi ko pa talaga kaya pwedeng half bath. Basta ang importante I feel comfortable. Kasi siyempre medyo iba mood natin pag feeling "dugyot" di ba? And about binat, syempre dahan-dahan naman kilos ko and wala naman mabigat na task sa pagligo since naka-assist din si hubby.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: shy (sharlyn) on March 14, 2012, 02:27:30 pm
Hindi pa naman ako loka-loka.. slight pa lang.. haha, joke!  Well, kapag napagod ng sobra sobra, usually, hindi naliligo agad kasi baka mapasma.. tingin ko, ganun lang din siguro logic nun.   And para hindi pasukin ng lamig ang katawan, dapat yung medyo mainit or maligamgam.  :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: ilove323 on March 14, 2012, 02:55:40 pm
Ang cute naman ng thread na hehe CS ako and after the much awaited fart nagshower nako that was a day and a half after the operation..wala naman nangyari sakin...normal pa naman ako I think hehe pero sabi asawa ko minsan parang nababaliw ako hahahaa :D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: tashasabs on April 29, 2012, 10:15:08 pm
Again, not even my mom told me this kasi nga siguro alam niyang di ako masyado naniniwala sa mga pamahiin. I was advised to wait mga 1 week bago maligo pero para daw di pasukan ng lamig yung katawan ko. Yun lang naman ang nasabi. Medyo naexperience ko nga na iba yung ginaw ko kapag bagong panganak.  :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: camsangeline on May 03, 2012, 01:01:53 pm
Ako din mga sis, nung buntis ako tita ko na taga province nagalaga sakin. Dami niyang alam na pamahiin kaya nung nanganak ako dami bawal. Di niya ko pinaligo ng 9days tas once a day pinapausukan niya ko (private part) ng pinakuluang dahon ng bayabas then after nun yun yung ipanghuhugas ko. Pero mga 3days ko lang yun ginawa kasi betadine feminine wash talaga yung gamit ko. Sa umaga naman nagpupunas ako ng warm water para alis lagkit naman ska lagi ako naka pajama para nga daw di pasukan ng hangin. Okay naman wala naman mawawala pag naniwala just to be on the safe side :)
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: danel_em on July 02, 2012, 05:38:25 pm
nagkapostpartum depression ako and sa tingin ko it has nothing to do with any pamahiin lalo na yung pagligo. Pano kung sobrang baho na ng buong katawan m diba syempre kelangan ng refreshment. Sponge bath is just d same with normal bath. Kc parang ngbuhos ka na dn ng 2bg non sa katawan. Ang gamit nga lang is bimpo. Maloloka lang ang bagong panganak kng walang pinagkakaabalahan s buhay. Parang ako noon muntik na maloka dahil sa mga problema na maliliit lang pero pnapalaki ng nakapaligid sakin. Tapos wala pa ako makausap. Hndi ko pa gano nagpopost dito s sp. Pov lang.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: kiz_me1109 on July 05, 2012, 06:58:12 am
Kaya lang naman nila sinasabi na maloloka ka kasi kapag naligo ka daw after giving birth e mabibinat ka. Yung parang tataas lagnat mo and magdedeliryo ka. Pero hindi ka naman siguro mababaliw. Ako naligo ako after 3 days kasi CS ako. Pero hindi ko sinunod yung sabi nila na 1 month daw. Baka mabaliw kamo ako nun kasi ang baho ko na nun. hehe
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: danel_em on July 05, 2012, 05:07:29 pm
sis kiz_me1109, tama ka mas nakakabaliw ang hindi maligo for 1 month!!! grabe muntik na nga ako eh :)) kadiri to death ang anit ko noon :( pero sa susunod pregnancy ko d ko na susundin yon! mas nakakaderpress! kaya ako nagka PPD eh :))
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Morefun on October 20, 2012, 10:18:29 am
I just followed my OB's recommendation.  Maraming matatanda sa amin, kung ano ano ang mga advice, unsolicited pa.  Pero sorry talaga, mangingibabaw ang kung ano man sabihin ni dok.   ;D hahaha!  Dun na ko sa may scientific evidence  ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: imeego on October 20, 2012, 10:24:21 am
i don't believe in pamahiin...i took a bath few hours after i gave birth..as soon as i was transferred to my room tumayo ako agad para maligo and ok pa naman ako until now ;D
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: pachutz09 on October 20, 2012, 03:41:10 pm
mas naniniwala ako sa mga sinasabi ng doctor kesa sa mga matatatandang paniniwala pero sumunod pa din ako para lang matahimik bibig ng lola ko..  :-[
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: neth04 on October 25, 2012, 12:47:46 pm
personally hindi ako naniniwala... kaya lang may mga oldies tayo na sinasaalang-alang kaya respect na natin sa kanila na sundin sila.. pero naligo ako ng patago hehe... kahit nung naraspa ako, paguwi ko ligo agad. dito lang naman yata sa pilipinas ganyan.. sa ibang bansa naman hindi at take note may nanganganak pa nga sa tubig diba?
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mworx on October 26, 2012, 05:26:48 pm
Mas naniniwala ako sa binat.  Sa first born ko, 15 days bago ako naligo pero after a month, nabinat ako, sobrang sakit ulo ko kaya nagpa suob ako (believe it or not, this is based on my experience).  Sa 2nd child ko, I have no choice but to take a bath after 5 days kasi kelangan ko siya ipatignan sa pedia ortho. 

Hindi lang siguro sa ligo yan, sa hamog din, slightly true depende na lang siguro sa experience niyo after giving birth.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: kissablesam on October 26, 2012, 05:29:25 pm
Sa hospital, nirerequired afaik ang maligo na kinabukasan after ng panganganak, but It wont hurt to believe this kinds of myths..
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: mymarteena on November 05, 2012, 06:01:12 pm
naniniwala din naman ako sa mga pamahiin but I still followed by OB hehe! after two days sa hospital and before ako ma discharge, naligo din ako,, ang init sa katawan e and anglagkit pa! hehe! so far ok pa naman ako ngn :) pero nung nakauwi na kami sa house mega bawal ang mama ko sa paliligo as in dapat seconds lang tpos na ako hehe! so ayun,, sunod na lang ako para wala ng ingay si mama lol!
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: AnJelatine on September 10, 2013, 03:32:59 pm
June 11 ng gabi ako nanganak.
June 12 ng umaga pag gising ko, naligo na agad ako.

Sabagay, bago pa ako mabuntis, loka-loka na ako ::)
Baka hindi ko lang makita yung difference.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: MommyniAddie on September 10, 2013, 05:02:47 pm
So far naman nasa katinuan pa ako ;)..advise ni OB to take a bath everyday eh..kinabukasan pagkapanganak naligo na ako...
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Kenshin Himura on September 14, 2019, 04:11:00 pm
@eka1212 pustahan ang may savi nun mga manghihilot o matatanda. wag ka basta basta maniniwala nsa modern age na tyo . ganyan ganyan mga dialog ng mga matatanda at manghihilot kpag may namatay kpag nanganak. paniniwala nila yan eh.
Title: Re: is it true na pag naligo ka after mag give birth maloloka ka??
Post by: Faye Pascual on October 06, 2019, 11:12:38 am
Hindi po totoo, yun kasabihan na mabibinat then maloloka kung maliligo after giving birth...sa mga matatanda lang na paniniwala yun...pag nanganak ka, may sugat ka mapa NSD ka man or CS, so mas dapat na maligo para maghal agad di ba...

Noong araw kasi wala pa sa vocabulary nila ang post partum depression so siguro yung mga nagkaron ng PPD dati, feeling ng mga matatanda ay naloloka kaya ganun.