Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: chimendoza09 on December 30, 2010, 11:32:34 am

Title: Bawal manok kapag New Year
Post by: chimendoza09 on December 30, 2010, 11:32:34 am
hello fellow SP Moms :)

Mga sis naniniwala ba kayo sa pamahiin na bawal kumain ng manok pag bagong taon? kasi raw magkakahig isang tuka din daw kayo buong taon.  ;) Mag-macaroni salad sana kami sa new year at nilalagyan ko yun ng manok. Then my mother told me na bawal raw.
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: Mommy France on December 30, 2010, 11:40:46 am
May manok kami for the past 2 years na media-noche. Hindi naman kami isang kahig-isang tuka. Sabihin mo na lang sa mama mo, dapat ang bawal - bawal ang tamad buong taon para di isang kahig-isang tuka. :D
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: tridz on December 30, 2010, 02:50:20 pm
yearly din kami naghahanda ng manok every new year, wala naman epekto sa life namin.
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: honey-ecclaire on December 30, 2010, 05:22:27 pm
When my mom was still alive talagang bawal sa amin ang manok...ngayon ko lang naalala ulit..
Last Christmas we had manok na itinurbo namin and the kids love it..since my pamangkins were here we plan to have two manoks...
I'm not against naman sa pamahiin na yun,wala naman kasing mawawala if susundin..Will tell it to hubby nga for sure di yun hehe!
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: jazzmatthew on December 30, 2010, 06:01:59 pm
sabe din ni nanay hehe.. bawal but last last year meron naman kameng manokss....
well asa tao na din siguro un mga ssiissseeesss...


maz ok after ng new year eve mag manok.. hehe...
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: ahyzeyuh on December 30, 2010, 11:42:30 pm
we dont have any chicken dish during new year.. not because we are afraid na maging isang kahig o isang tuka, its more on respecting the old tradition..
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: insensitive on January 03, 2011, 01:09:17 pm
ngayon ko lang nalaman na may pamahiin palang ganito?? :o :o

hindi kami ngluto ng fried chicken nung new year kasi madami nang food na niluto si mother, napagod na hehe kaya ginawang tinola kinabukasan ;D

kawawa naman ang manok napagbintangan sa paghihirap ng tao  dahil kinain nung new year :o :o hehe
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: booxilak on January 03, 2011, 02:27:07 pm
Hmm. ngayon ko lang narinig to ah. Nung media noche nga pansin ko walang manok na handa. Di ko lang alam kung nagkataon lang ba yun or what. :)
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: smurf on January 03, 2011, 02:32:12 pm
 :D, ngayon ko lang nalaman ang pamahiin na yan tungkol sa manok.

well, every year hindi nawawala sa niluluto ng mother ko ang manok  :D. so, far naman hindi dumarating sa point na isang kahig; isang tuka ang buhay naman.......although hindi ko masasabi sobra sagana pero sa awa ng Diyos at pagsisikap nakakaraos naman.

Happy New Year!!!! & God Bless!
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: nylej20 on January 03, 2011, 02:43:34 pm
ako mommy chi di rin nagluto ng manok..nung xmas lang. sabi nga niloa ganun. well wala naman masama kung susunod pero tama iba mommy dito, nasa sa tao lang kung mamalasin tau o hindi

Happy new Year!
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: honey-ecclaire on January 03, 2011, 05:35:45 pm
we dont have any chicken dish during new year.. not because we are afraid na maging isang kahig o isang tuka, its more on respecting the old tradition..

I agree with you mare,it's not that we are believing much on this pamahiin but respecting our traditions..wala naman mawawala if susunod tayo it's just one day na walang manok..You can have chicken all through out the year..kesa naman kontrahin natin at pagtawan\an ang mga matatanda...it's giving them respect as well...
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: chimendoza09 on January 03, 2011, 07:55:07 pm
hello mga mommies/sisses :) Happy New Year sa inyo, o ano nag-manok ba kayo?  ;D ;D

Ako rin mga sisses tuluyan ng di kami nag manok noong bagong taon. Inisip ko nalang respect sa mga matatanda kasama na doon ang pagsunod sa mga pamahiin nila. Di rin pala nag-iisa ang mother ko sa pamahiin na yun. Akala ko lang kasi baka nakasanayan lang namin na no chicken recipe pag new year kasi simula bata pa ako ganoon na, ngayon ko lang nalaman ang pamahiin pala ay ganon. Sunod na lang kahit di ako kombinsido.  ;)
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: thersie_marie on January 03, 2011, 09:20:10 pm
daming pamahiin pag new year noh?pero katulad ng lagi kong sinasabi...serious sin ang maniwala sa pamahiin (if your a christian catholic you will believe also) da best parin ang "gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo" last year im wearing black dress..sabi ng MIL ko bad daw un at 'di magandang sign..pero very healthy and wealthy naman ang buong taon namin..isang taong walang sakit ang anak ko...siguro dahil malaki na sya. just believe that theres God we can hold on...hindi po sa mga pamahiin.
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: kiz_me1109 on February 07, 2011, 06:06:39 am
narinig ko na yan from my officemate pero hindi naman ako naniniwala kasi dati pa we cook chicken every new year. ang sabi daw kasi e buong taon daw kayo na parang manok... isang kahig isang tuka. hehe
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: kuneha8 on March 03, 2011, 08:51:53 pm
sa akin bawal din ang manok di dahil sa new year yan kundi may hika ako at allergic ako sa manok. ;D
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: ysLim on June 20, 2011, 03:03:08 pm
hindi ko alam na may ganitong pamahiin. pero i don't recall manok being served during new year's eve sa bahay.
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: giselle1115 on June 21, 2011, 05:59:27 pm
Naku hindi ko rin maintindihan kung bakit ang manok ang napapagdiskitahan! hihi! 

When I was still living with my parents in Marikina, every year kami may turbo chicken kasi di mahilig family ko sa pork.  Medyo may pagka health conscious kasi kami.  Ok naman lifestyle namin  :)

 But now that I'm living here in Cebu, ayun, bawal na bawal pala talaga sa kanila ang manok pag new year dahil nga baka maging isang kahig isang tuka.  Pati sa wedding namin, hindi pinalagyan ng biyenan ko sa menu ng chicken for the very same reason.  Had a slight problem nga kasi sa side ko, since di nga mahilig sa pork, naghahanap sila ng chicken.  Sabi ko na lang sa kanila, pasensya na at para lang mapagbigyan ang biyenan ko, 1 day lang naman na no chicken, hehe.
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: mumzeth on July 29, 2011, 11:12:07 pm
hahaha!!! bawal ang manok kasi daw lilipad ang swerte.. may pak pak kasi.. hahaha (pwede naman siguro tanggalin yung pakpak diba?) mga matatanda ang kukulit e may masabi lang.. :))
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: Mommy Jazz on June 22, 2012, 01:46:49 pm
hahaha!!! bawal ang manok kasi daw lilipad ang swerte.. may pak pak kasi..

So yun pala ang explanation dun. We once had chickens for pet. Nung lumaki na pinamigay namin bago mag bagong taon and I heard kinatay at inihaanda daw nung pinagbigyan namin for Media Noche. I hope hindi  sila minalas ;)
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: mommyMidya on June 22, 2012, 08:47:31 pm
Bawal daw manok sa new year kasi daw baka maging " isang kahig..isang tuka" yung buhay. Kaya sa bahay namin yung mama ko di talaga nag seserve nang chicken pag new year, we serve it pag christmas na lang.
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: tsukino4 on July 13, 2012, 09:41:08 pm
yung lola ko din sabi bwal daw kaya no chicken pag new yr tuwing xmas lang.. hehe..
eh sbi ni mommy france wala namang epekto ittry ko sbhn sa lola ko.. masarap pa naman ang chicken lalu na pag turbo.. ahehe
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: sweetpumpkin on August 27, 2012, 08:56:19 pm
My all time favorite andok's litson manok! Wala naman sa bible yun na bawal bawal! :)
Title: Re: Bawal manok kapag New Year
Post by: Morefun on October 20, 2012, 09:52:57 am
hahaha!  funny talaga what people can come up with.  Yung family ng asawa ko Chinese marami ding pamahii, pero kami ni hubby hindi naniniwala.  Mas takot kami sa Diyos kaysa sa mga sinasabi ng mga matatanda.  And to think very strict sila  :P  Yung in law ko mahilig mag hagis ng pera pag new year, para daw maraming pera.  Bakit kami hindi namin ginagawa pero puro blessings pa rin kami, like this year, twice na promote si hubby.  We believe God promoted him.