Parent Chat

Parenting => Baby Development and Milestones => Sleep Training => Topic started by: badudets on January 07, 2011, 04:01:06 pm

Title: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: badudets on January 07, 2011, 04:01:06 pm
Basahin sa Smart Parenting. Click any of these topics to read full article.
Does Your Baby Gurgle or Whistle In Her Sleep?
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/07/30/babysleepsounds-flashbox.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/baby-sleep-noises-a00286-20190731?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20211119-baby-sleep-noises-a00286-20190731)
photo by PIXABAY


My baby is 2 weeks old. Lately napansin ko na lagi syang inat ng inat to the point na namumula na tapos may sounds pa galing sa throat niya. Feeling ko di sya makaderecho ng tulog because of this.

Naexperience nyo rin ba to sa baby nyo?

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=23175.msg969992#msg969992) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=23175.0) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.

(https://media4.giphy.com/media/pPnE96JNj1knAExjxI/giphy.gif?cid=790b7611252d5b0a49dddc40128484e0f2fe16632089cd94&rid=giphy.gif&ct=g) (https://www.smartparenting.com.ph/registration?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20211118-registration)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: ronigj on January 08, 2011, 11:00:09 am
yes 1st month ng baby namin ganyan din ang gawa at may kasama pang utot na malakas hehe, pero mawawala din yan.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: pinoytamil on January 08, 2011, 02:02:02 pm
i think sis dats normal ganyan din kasi ang baby ko katulad nga ng sabi ni ronigj
mawawala din yan
relax ka lang sis hehe
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: luk_resha on January 10, 2011, 02:24:24 pm
oo nga sis i think thats normal for them baby ko ganyan din dati as in super lukot o kaya binat ng katawan niya to the highest level once na uminat pero na outgrown din naman niya later on... dati hirap pa ako mag explain sa pedia niya kung ano nga yung ginagawa nyang klase ng pag inat buti na lang may time nun na check up niya tapos kakapahiga ko sa baby bed saktong ginawa niya yung pilit kong ine-explain kay dok ayun natawa din si dok sa labas pwet liyad ulo na style niya ng pag inat ;D
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: victoria on January 14, 2011, 12:20:51 pm
ganito din baby ko..maingay na parang nag na-nag at inat ng inat sa katawan.. minsan napapaiyak siya after inat..nasobrahan seguro...
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: 1sttimemom on January 27, 2011, 08:44:18 am
yung baby ko din ganito to the point na para na siyang lechon sa pula kakainat  with matching super lakas na sound effects :) sabi ng mga oldies nagpapalaki daw pag ganon.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: pretty_girl on January 27, 2011, 12:30:31 pm
ganyan din baby ko , natatawa nga kami kapag nag-iinat siya na may sounds pa at minsan may kasi pang maraming utot. haha. kakatuwa. pero for the first month to second month niya lang yun. ngayong mag 4 1/2 months na siya, nabawas bawasan na :)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: MommyJammy on January 30, 2011, 06:34:36 am
ganyan din baby ko and i was starting to be worried, kala ko sya lang ang ganon.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: honey-ecclaire on January 30, 2011, 07:56:19 am
My son was like this before stsrting zero mos.super baluktot pag nag iinat and maingay..parang pang big boy na nga daw eh..
they said na pinipiga ko daw kase yung lampin pag naglalaba ako kaya ayun ang tendency eh namamaluktoit si baby pag umiinat..di naman ako naniniwala....

my pedia said ganito din daw kung mag-inant ang baby sa tyan natin kaya it's normal naman daw..he outgrew nung nasa four to five months na sya....nothing to worry mga mommies if may hinid normal lang ke baby like if di sya makahinga sa sobrang super hikab niya....
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: misyelicious on January 31, 2011, 04:31:03 am
mag ti 3months na baby boy ko...ganyan din sya..pag nag iinat todong todo at super namumula na sya..madalas din sya nauutot...ang lakas pa...tinatawanan ko na lang ..
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: JMatt on February 02, 2011, 03:23:35 pm
same here mommies! ;D ;D good thing normal lang pla un.  :) :) :)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: momzloue83 on February 06, 2011, 08:00:39 am
nag-stretch lang yan si baby sa kanyang bones kasi tumataas sila, at yes thats normal lang na namumula sila, tama may kasama pang utot. yung baby ko nagsnore kapag tulog mlakas kaya . wala kayang indication yun na may health problem, hope wala naman sana.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: ryuu on February 14, 2011, 09:02:25 am
ganyan din baby ko until now.. nagpapalaki daw sabi ng mom ko.. :D
mawawala rin naman din daw yan in due time.. wag ka worry.. :)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: sexyvamp on February 16, 2011, 04:56:27 pm
3 weeks old baby boy ko ganyan maingay matulog and inat ng inat, he makes sounds like baby elephant, kaya natatawa ako pag nadidinig ko yun. yung first baby ko ganun din e.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: jensanjose on March 12, 2011, 09:56:23 am
hello mga mommies! newbie here sa SP, share ko lang... yung twins ko super ingay din pag tulog...inat ng inat, akala nga namin palaging iiyak at gising pero tulog pala, lahat kami nagtatawanan sa dalawang itlog na yun  ;D.... lagi pa tinataas yung paa, akala ko nga sila lang yung gagnun, kasi sabi ng mga nakakakita, ngayon lang daw sila nakakita ng ganung baby na maingay pag nag-inat
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: minty on April 19, 2011, 03:55:14 pm
present baby ko dyan..hehe..ganyan din siya..may kasama din utot..hehe..ang lakas! girl pa naman grabe mag inat!hehe..kakatuwa..
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: miekee_18 on April 20, 2011, 05:06:41 am
hello mga momies, I think normal lang sa babies yung inat ng inat based sa mga nababasa ko dito hehe kasi ganayan din yung twins ko nung newborn palang sila..minsan nga nagtatawanan nalang kami kasi para silang nag hehephep horay kasi palitan sila saka minsan nagkaksuntukan na sa sobrang lilikot. hehe :) ;)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: MommyJammy on April 20, 2011, 08:50:12 am
my son was like that before, pero ngayon mag 3 months na sya wala na yung ingay niya na parang kambing wahaha
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: yshdeemplez on November 23, 2011, 01:09:57 am
buti na lang nabasa ko to :) I was just wondering the same thing kase si baby ko is 2weeks old pa lang and ganun din siya, inat, namumula, utot.. hehe.. thanks for reassuring me!
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: rodcielle_07 on February 16, 2012, 09:41:04 am
katuwa naman.. ganitong ganito din yung anak ko nung newborn sya.. may video pa nga ako na inat sya ng inat while making sound na para bang sarap na sarap sya sa paginat heheh.. kaya minsan kala ko gising na sya yung pala tulog at nagiinat lang.. :)  good thing normal naman pala.. make sure that you capture this moment para pag tiningnan o pinanood nyo for sure mapapangiti kayo or matatawa hehe..  
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: andreiquimosing on February 17, 2012, 12:18:49 am
naku ganyan n ganyan din son ko.. inat ng inat.. laging tinataas ang paa at bumabaliko.. namumula p ulo niya. haha! akala ko c andrei lang ganun.. kaya lang minsan, parang naiinterupt tulog niya.. nggcng kc siya pag sobra ang inat niya eh!
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: rodcielle_07 on February 17, 2012, 09:34:58 am
@andreiquimosing:

haha tama.. sa sobrang inat at ingay nagigising na :D ang kukulit noh? :) due ko na by May, observe ko if ganun din tong 2nd baby ko.. hihi.. mavideohan ulit.. :)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: love elle on February 17, 2012, 12:27:25 pm
ganito din baby ko! haha iinat tas biglang uutot lol.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: andreiquimosing on February 17, 2012, 10:52:21 pm
@andreiquimosing:

haha tama.. sa sobrang inat at ingay nagigising na :D ang kukulit noh? :) due ko na by May, observe ko if ganun din tong 2nd baby ko.. hihi.. mavideohan ulit.. :)

ako din sis,, kukunan ko siya video.. haha! nakakatuwa pero minsan nakakaloko noh?
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: mc_syra11 on February 18, 2012, 07:41:46 am
Hi mga Sis,

bago lang po ako dito and i enjoy this site dami po matutunan for new mommies like  me. Nakakatuwa nga normal lang pala yung ganun mga gestures ng baby no. Si baby ko rin sobra maka inat tapos mahilig mag taas ng mga kamay habang natutulog then nag iingay and madalas nga umutot malaks pa naman. haha. nakakatuwa nga pero minsan hindi ko kinakaya kapag pinupuyat ako ng husto. hehe ;D
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: rodcielle_07 on February 18, 2012, 09:33:51 am
oo kunan nyo ng video.. at pag malaki na bebe nyo eh nakakatuwang balikan yung mga ganung moments :))
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: andreiquimosing on February 19, 2012, 11:13:51 pm
ako din napupuyat lalo pag ganung umiinat siya with ingay n kasi.. tinitignan ko kc siya baka lumabas yung dinede niya.. may mga ganung times kc baby ko. kakaunat, lumalabas yung gatas n dinedede niya.. kayo din b o ako lang?
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: MommyPia on February 21, 2012, 10:10:47 pm
Normal lang siguro yung ganyan,pero kung sobrang may maingay na galing talaga sa throat or nose , siguro consult the pedia and ask, just to be sure lang kung talagang normal. Baka kasi symptom yon ng something.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: mc_syra11 on February 24, 2012, 10:32:53 am
minsan iniisip ko baka me sipon baby ko or phlegm kasi parang pag bumubuntong hininga sya ang lakas tapos parang me plema. Ask ko rin sis kung meron kayo alam na Pedia na medyo mura dito sa manila kasi ang mahal ng pedia ng baby ko 500 ang check up fee niya....normal na rate lang ba yun or mahal?..
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: nikaygelo on February 24, 2012, 05:25:52 pm
ganyan din yung baby ko sobrang lakas mag inat at may kasabay din na utot, girl pa man din yung baby ko
pero after that nawala na din.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: sangolko on November 24, 2012, 02:07:06 pm
 baby ko inat din ng inat sabay din utot hehe madalas din cia humagikhik pag tulog then after iiyak. Sabi inay ko nilalaro daw ng angel :)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: cold_heart on November 25, 2012, 08:14:05 pm
@sangolko parehas un baby natin, baby ko din humahagikgik minsan umaalog pa un katawan niya sa paghagikgik tapos mamya biglang lalasbi at iiyak ng malakas.

na observe ko lang sa pag iinat ng baby ko with sound.. yun ay times na uncomfortable cia.. like pag tulog cia at bigla nag inat.. mapaptingin na ako sa relo.. malalaman ko nalang almost 2-3 hours n cia tulog at malamang gutom na.. minsan din puno na diaper niya.. at minsan nakakatawa din un bigla siya uutot ng malakas habng nagiinat... bka masakit lang siguro ang tyan.  ;D ;D
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: sairiel on April 06, 2014, 01:56:03 pm
HAHA. ako den akala nga namen iritableng bata kasi yung init niya with sound na kala mo matanda na :)
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: Andrea Mae Santiago on December 03, 2019, 09:01:08 pm
hi mga moms. bago lang po ako dito at eto din po situation ni baby lagi napuputol tulog niya dahil sa pag iinat ng malakas hanggang sa umiyak siya. nhhrapan po ako magpatahan pag umiyak na siya. ano po ginagawa niyo pag ganun? thank you po
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: MrsPractical on December 05, 2019, 09:44:37 am
ilang taon na po baby niyo? Baka naman po oras na talaga ng gising niya. Iba kasi ang sleeping schedule nila at nagbabago pa. Binasa ko yung mga tips ng ibang moms dito sa thread. Mukhang ok naman po.
Title: Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
Post by: Pearl Tenebroso on December 13, 2019, 10:00:45 pm
Hi mga mommies. Worried lang ako everytime kasi mag-inat si baby sobrang namumula siya tapos may kasama pang tunog. Di ko ma-explain yung tunog na ginagawa niya para siyang hirap umire. Is it something normal or need to be check.