Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: danixnix on February 05, 2011, 02:24:34 am

Title: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: danixnix on February 05, 2011, 02:24:34 am
mga mommies! Have u heard na po ba na kapag nagkaanak daw ng girl it means nagloko c mister? Or yung sinasabi nila pambayad utang daw sa mga ginawa ni mister? Narinig nyo na po ba ito?any opinion po? TIA
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: Mlabable on February 05, 2011, 02:29:26 am
Yup, I heard this already. Pero siguro nagkataon lang din siguro yung mga ganito..
Ayaw kong maniwala na nagloko Tatay ko eh, super bait kasi niya sa amin.. Hehe  :)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: danixnix on February 05, 2011, 11:13:03 am
ako hmmm di ko alam kung maniniwala kasi ako panganay sabi mama ko nagloko daw before papa ko, yung friend ko naman girl baby nila kasi bago sila ikasal ng bf niya nalaman pa niya na may ibang gf yung bf niya. At yung sa tita ng hubby ko sabi naman nun kung ano daw ginawa ng tatay sa nanay na pananakit mangyayari din sa anak na girl ayun nangyari na nga.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: CIB on February 05, 2011, 01:07:07 pm
Hindi naman. 3 kaming babae pero never naman nagloko ang papa ko. Nagkaroon ng ibang babae or anything like that.

And my FIL. I never knew him dahil patay na sya nung naging kami ni hubby. Pero notorious daw sa pagka babaero kwento ng MIL ko. As in hindi lang isa kundi madami sa duration ng marriage nila. Kahit nung malalaki na sila hubby.  I have 3 SIL. 2 of them are married and I could say matitinong lalake naman mga napangasawa nila.

Though in my experience, I believe in the karma of that. My bro have a child outside his marriage. And then years after nabuntis ang ate ko (my sister)at iniwan ng lalake. My bro took good care of her. Took responsibility. The oldies in my clan believed that was "bayad-utang" on what he did. T'was so sad to contemplate. Someone has to pay sa kasalanan ng iba. But that's how Life works. What goes around comes around, wether you have done good or bad. Pananagutan at pananagutan mo rin sa huli in a way na hindi mo inaasahan.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: luk_resha on February 05, 2011, 07:58:59 pm
parang hindi rin naman sis ako panganay din naman pero never did i heard na nanloko si papa... share ko lang din mga comment nila kay hubby ko the time na im pregnant since he prefer to have a baby girl ang sabi ng mga nakakarinig nito siguro daw mabait si hubby kasi hindi sya takot sa karma dahil sa malakas ang loob nyang baby girl ang hingin kay Lord madalas daw kasi junior ang gusto nila... pero pag nag bibiruan kami ni hubby sinasabi ko din yan sa kanya na kakatayin ko sya once na nag loko at yung anak namin ang balikan  ;D
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: mixx on February 05, 2011, 11:24:59 pm
wahhh! :)) hahaha. ako babae ako and totoong niloko ng dad ko mom ko. and now nagkaanak akong girl, nagaway lang kami ni BF dahil nahuli ko siya may kalandiang babae tapos boom buntis na ako. ngayon ko lang narinig to napaisip tuloy ako. sapul e.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: luminous on February 06, 2011, 09:26:57 am
^lol. natawa naman ako s reaction mo mixx, nagisip ka tuloy bigla, haha..

ang alam ko, pag gurl daw anak "pambayad utang", not necessarily nagloko yung hubby.. kase pag sinabing 'nagloko hubby', ibig sbhin while married na diba?
explanation sakin ng mga nakatatanda (lol) pambayad utang sa pinaiyak or mga pinaiyak na babae nung dad even before pa siya ikasal..
gurl ako, and alam ko mabait naman daddy ko at never naman talaga nagloko or niloko mom ko, pwo alam ko before they even got married, may mga issues na sinolve muna nila (like other gurls na knclaim na sila pa ng dad ko, etc..but that's their story, need not expound, lol).. pwo habang lumalaki ako nakuuu super uber sa pagkaprotective nila saken, feeling ko kase nga they also believe dun sa saying na pambayad utang pagbabe.. 
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: mamie cha on February 07, 2011, 10:42:11 pm
bka pag puro girl ng anak taz mdyo mdmi na at wala pang boy,,,siguro un yung pambayad utang
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: mariann on February 07, 2011, 11:09:42 pm
i have 2 girls, and yes, i've heard of this so many times.  hindi naman kagwapohan si hubby but he is attractive to girls because of his wit.  pambayad utang daw dahil maraming pina-iyak na girls before. 
 
well, my say on this, i don't care whatever his past is.  all i care about is how to raise my girls to become better citizens, to be God-fearing persons, and to enjoy what life brings them.  whatever is their dad's past, they can just learn from it. 
 
what is important is now and the future.  we, as mothers, have an important role to fulfill in our daughter's lives.  they are not born to compensate any mistakes that has been done.  they are gifts to be cherished.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: insensitive on February 08, 2011, 12:57:42 pm
bukambibig lang ng mga matatanda yun. Siguro kasi sa totoong buhay babae  talaga ang laging talo pagdating sa pambabae ng lalake..

Yun yung sinasabi nilang "mabuti sa lalake walang mawawala, eh sa babae?"

Kung girl ang anak mo iniisip nila na baka maranasan ng anak na babae yung bad na ginawa ni daddy niya..

Sa akin, hindi naman siguro..babae anak ko at yung asawa ko naman hindi ngloko..Yung tatay ko alam ko ngloko :D at 5girls kami pero awa naman ng Diyos wala namang nangyayaring masama sa amin at hindi naman kami naaagrabyado..
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: mixx on February 09, 2011, 12:30:44 am
so bale, lahat tayong nagpopost dito ay... nagloko ang ama natin! (sabay mama! si papa o, kasi nabasa ko sa sp. hahaha )
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: charomay on February 09, 2011, 10:29:14 am
Eldest po ako, sumunod sa kin puro lalaki na. In my case my dad was really a good man and a father. He did played around but that lately when cellphone and texts we're so in. Siguro pantanggal lang ng boredom pero pag nanghihingi na ng load yung ka text niya ayaw na niya.. hehe ;D

Kidding aside I think this is just old wives tale. Depende pa rin sa husband/bf/lalaki kung magloloko pa rin sya. Kunsenya na rin nila yun, nag asawa sila tapos pag nag kaanak ng babae yung walang muwang na baby girl pantutubus daw nila... aba teka!!! >:( that's not fair.

Just got carried away  8) ???
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: ryuu on February 10, 2011, 10:17:42 am
hindi ko alam yung tungkol sa sabi-sabing ito until my husband told me.. sabi niya pa sa akin nung nalaman namin na lalaki si baby, "mabait kasi ako kaya lalaki baby natin." ako naman e napakamot ulo nalang sabay ganun-pala-yun look..

realizing, parang oo nga.. kasi ako panganay and my dad was a notorius babaero.. kaya sila naghiwalay ng mom ko is because he had a mistress.. when i met up with my dad in his hometown, i learned may anak pala sha sa mistress niya --- 4 girls din..

siguro nga totoo.. ewan..  :o
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: mommy_of_2 on February 10, 2011, 10:23:55 am
I dont think this is true though kung totoo nga ibigsabihin "mabait" ang hubby ko since we have 2 boys..  ;)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: Maui Althea on February 10, 2011, 11:01:31 am
This is false and purely pamhiin lang.

I have a baby girl and no issues (of 3rd party)  with my hubby ever since.

So lucky to have him :)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: casperthegoat on February 10, 2011, 11:07:41 am
boom!!!! bakit puro c mister lang mga sis?? mister ko matino baby namin boy....pero hindi lang daw na dahil sa nagloko c mister, pwede rin na si misis ang nagloko nung time na wala pang asawa at anak....ayon sa "kasabihan" na marami naman naniniwala dahil madami ring patunay kahit pano....hindi lang si mister ang dahilan kung bakit baby girl ang panganay mo... minsan kahit matino si mister at c misis ang hindi may possibility parin na girl ang panganay....kaya hindi mo pwede isisi lahat sa lalake dahil may may babae rin na nagloloko...kung ano man ang mangyari na sinasabing PAMBAYAD UTANG. Depende daw sa mag-asawa kung sino ang nagloloko kung c misis o c mister same as ang panganay girl, minsan nakokontra ni misis kung maloko c mister or vice versa kaya boy or girl....much more PRAY TO GOD para hindi maranasan ng mga baby natin ang sakit na naranasan ng iba dahil sa panloloko....
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: casperthegoat on February 10, 2011, 11:13:56 am
may iba pa pala ang hiling is BABY GIRL at sa tindi ng dasal na bibigay kaya wala sa nagloko c mister o c misis noon....pero mostly kung isa sa mag-asawa ang manloloko ng panahon na binata o dalaga pa sila mostly ang stismis sa tabi-tabi..." PUSTAHAN TAU BABAE PANGANAY NYAN PAMBAYAD UTANG"
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: lady_emelye on February 10, 2011, 11:15:21 am
kasabihan nga na pag girl daw ang unang anak, pambayad utang.  which means either may niloko or na-agrabyado si hubby before.  ;)

kaya nung nalaman namin na baby boy ang first baby namin, sabi ni hubby... ayan, mabait ako ha!  ;D
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: pretty_girl on February 23, 2011, 09:36:02 am
its not true :)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: Lelen on March 01, 2011, 10:29:23 pm
hahaha! Sana mabasa tong thread na to ng mga hubbies na girl ang 1st born. Buti na alng boy ang baby namin! Hahhahaahah.  :D

But im sure it's not true, all babies are blessing fr God, kung ano ginawa ng father nila (or mother),labas na sila dun. I believe in karma though.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: iamsez on March 02, 2011, 12:56:01 am
though marami ang naniniwala sa kasabihan na yun, parang hindi naman totoo.. kase nasa genes ng magasawa yun diba.. wala sa kung sino ang nagloko or hinde.. eh pano kung puro lalake anak myo, ibig sabihin ba nun agad hindi nagloko si hubby/wifey? kasabihan lang yun.. nasa tao lang kung paniniwalaan nila yan at kung iaapply nila sa totoong buhay nila yan.. opinion ko lang po to..
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: pinoytamil on March 02, 2011, 09:27:26 am
para namang timang yung mga nagsasabi ng ganito!
kakasura!!!
kung naging babae man ang mga baby natin well Dios ang nagbigay satin nyan at wala ng ibang reasons other dan dat (well opinion ko to)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: sashababy on March 02, 2011, 09:30:01 am
hahaha! nabanggit ko to kay hubby, ang sagot ba naman saken eh, "oh? siguro nga." batukan ko nga!  >:( hahaha! pero seriously, not true. hubby's really faithful eh.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: kuneha8 on March 03, 2011, 08:29:02 pm
walang basehan ang ganyang paniniwala. malabo :P ::)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: jrvez_mom on April 27, 2011, 12:36:52 pm
in my own experience.hindi naman totoo yun. eh bakit si hubby daming naagrabyado before kami kinasal pero 3 boys kids hehe ;)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: sweet&spice on April 27, 2011, 01:20:31 pm
not true, kasi si sd, puro lalaki sila....but i know super palikero ang dad niya. even left them for another girl/s.



Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: miekee_18 on April 27, 2011, 08:08:52 pm
panakot ko yan s hubby ko. hehe lagi ko sinasabi sakanya na girls yung kids niya so be faithful kung ayaw mu makarma haha..siguro effective naman haha..o baka faithful naman talaga hubby ko hehe not yet sure eh bago palang kami hehe..saka 3 girls na nga kami magdadagdag pa.haha
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: magilas on April 28, 2011, 01:19:16 pm
we women should not repeat this kind of talk since this is discriminatory and demeaning to us.

sometimes we just don't realize it so, we toss around comments like these and our daughters (and sons) hear us, thinking it's ok.

look at this pamahiin for instance. "pambayad utang", even in jest, is nothing to celebrate. and we brand our daughters this?

"effect" of pagloloko ni hubby is us giving birth to our daughters?

there are a lot of talk, pamahiin, jokes discriminating against girls and women and yet, we women repeat these stuff. we should be more aware.

my comment may be too serious here but please consider the effect on the self-respect of our daughters. 

Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: Mommy_Cathz on April 28, 2011, 02:13:28 pm
Hello! Marami na rin ako narinig na mga ganitong coment regarding to na kapag ang anak ninyo ni hubby is girl yun daw ang pambayad utang. For me, I never agree into this kasi sobrang offensive ata yun sa part ng isang bata at sa part natin na mga mommies bilang isang babae.

Maybe there is an implication na kaya sinasabing pambayad utang ang mga anak na babae eh dahi mga mali nating ginawa sa ating kapwa at dahil na rin sa bad karma na ang pwede umani eh yung mga anak natin. 

So whenever na meron nagsasabi sa amin noon na meron na pambayad utang kami kasi meron kami anak na babae I feel so disappointed kasi feeling ko ganun ka kitid ang utak noong tao na yun.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: sweet&spice on April 29, 2011, 12:13:53 pm
@magilas: nakaka-demean nga, and we treat as a joke. as a loving father kasi, sometimes, the only thing that could make them mend their ways (for being unfaithful) is the fear of karma repeating on their daughters. daughters for most fathers, have a way of melting their hearts, and the natural instinct of protection is inspired out of them.

the pambayad utang concept may have been a product of traditions before of an arranged marriage, or in the concept of "dowry" for some culture. sadly, there are some poor places in the country, na out of desperation, do really "pay" out of their debts, thru their daughters.

maswerte naman ang mga daughters natin (kung magkakaroon), dahil being females ourselves, we would want to give them the freedom to choose their own partners. ang fear lang natin, is that hopefully, they meet and fall in love with the one who loves them dearly, and who they love in return.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: ilovegabe on April 29, 2011, 12:45:55 pm
Yup, very demeaning, to think we are mommies here, we are girls.
I'm born a girl because my dad prayed for me to be a girl.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: ysLim on June 20, 2011, 02:55:56 pm
narinig ko lang to from hubby's family when they found out I was carrying a baby girl. bayad nga raw sa utang, sa mga niloko at pinaiyak na babae ni hubby noon. sa family ko naman dalawa lang kami puro babae at bago ko lang nalaman na hindi pala naging faithful daddy ko sa mama ko.  :(
hindi ko alam kung maniniwala ako, pero sapak na yun sa mukha ng mga daddies if ang anak naman nila ang niloko ng mga walang kwentang lalake.  :P
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: bebezeth on June 20, 2011, 03:03:51 pm
I heard of this especially sa mga seaman
pambayad utang daw...

Pero sa tingin ko naman it's not
actually true kasi meron akong half-bros
sa father ko.
Pero ok naman ako nakapag-asawa
naman ako matiwasay and I can say
naman ngayon na hindi pa naman
nagloloko, heheh...
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: babyblair on July 06, 2011, 06:13:22 pm
not true. this old wives tale is just bringing paranoia to pregnant women bearing a baby girl.
at ang masasabi ko lang coincidence yung ginawa ng daddy ni blair ko. hehe
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: filipinaako on July 06, 2011, 09:25:39 pm
Dami talagang pamahiin, etc, ang mga Pinoy kaya ang ating bansa,hindi makaangat angat...

Sa matatanda, lahat ata ng bagay may katapat na pamahiin..kaya it's on our part (younger generation) to put an end to such absurd tales/trivias.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: denise2214 on August 05, 2011, 10:02:43 pm
not true sis....eh paano kung nagkaanak ng boy?nagloko ang mother?
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: pompz on September 29, 2011, 04:45:54 pm
@sis denise2214 panalo ka hehe, siguro naman kaya nasabing pambyad utang, kasi mararamdaman ni Dad yung naramdam ng dad natin nung nililigawan tayo, pero hindi dahil bayad utang, bakit ba ginawa si eba :) di naman pambayad utang un hehe
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: lynnequintana on September 29, 2011, 04:51:39 pm
hahahaa.. natawa ako dito.. paano kasi anim kaming magkakapatid, ako lang ang babae.. pero hindi. alam ko hindi nagloko si daddy ko... :))

ang faithful din ni hubby ko.. wala kaming baby girl.. lels.. hehe.. pero hindi talaga ako naniniwala diyan..
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: Aicha on September 29, 2011, 04:59:35 pm
hindi totoo... pamahiin lang yun. kc yung tito ko lahat ng anak niya lalake, apat sila... pero babaero un... haha! bakit di sya nagkaanak ng babae db?  :D
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: kuliglig^^ on September 30, 2011, 05:46:06 pm
I heard of this from my hubby, natawa lang ako.  ;D Pati I know of someone na hindi babaero, he had 6 daughters before having 1 son.

Panganay ng Dad ko, boy eh.. 3 boys and 3 girls anak niya overall --- babaero siya..  ;D
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: kaijami on October 07, 2011, 07:06:22 am
Hindi naman siguro true kasi ang panganay namen sa family is girl then 2 boys inbetween tapos ako na. My dad is ever loyal to my mom. pero un nga aminado siyang babaero when he was a teenager before he met my hehe..
narinig ko lang to from other people when they found out I was carrying a baby girl. pangbayad nga raw sa utang sa mga niloko at pinaiyak na babae ng husband ko before..no comment! hehe :-X :-X :-X ;D
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: annamariemomof3 on October 13, 2011, 01:04:29 pm
hindi totoo yan bakit dati nagloko hubby ko tatlong lalaki naman na ang lumabas ever since. ang alam kong kasabihan kapag nagka anak kang girl magtitino na si hubby kasi nga takot siyang maging pambayad utang ang anak niya
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: janapot on October 13, 2011, 03:01:27 pm
tapos pag lalaki naman anak niyo ni hubby sasabihin ng mommy ni hubby, bayad na utang mo sakin..
hahaha..
wala iyan..
ang gender hindi naman dahilan yan ng kasalanan ng ama o ina..

its a gift from God..
walang utang na dapat bayaran..
hiindi naman yan binigay ni Lord sa atin para lang bayaran ang utang ni hubby sa atin..

kung nagloko man si hubby, at nagkataon na girl yung baby, wag isipin na ganun..
ang mahalaga may baby.. at mahalaga, nagbago si hubby dahil kay baby.. :D
Godbless
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: peppergurl971 on October 13, 2011, 03:09:47 pm
Isa lang ito sa mga pamahiin natin. Di ako naniniwala dito kasi first baby ko girl. Kakatuwa nga lang minsan kasi tumutumpak ang mga pangyayari sa pamahiin na ito. Like in my case, si hubby before i got pregnant, nagkaroon ng GF while working abroad. Tapos nung ilang weeks na lang before ng due date nung buntis na ako, nahuli ko nanaman sya na may textmate sya.
For now, promise ko sa one and only baby girl ko, di ko hahayaang maging pambayad utang sya.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: rianne_mallows on October 13, 2011, 11:01:57 pm
nyek... ngayon ko lang narinig ito ::).... 5 kami, 4 babae.. never naman nag-away parents ko dahil sa babae..  mag 40 years na sila together
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: annamariemomof3 on October 14, 2011, 09:19:52 am
i don't think magiging pambayad utang ang baby girl especially kung talagang maloko si daddy, siyempre overprotective yan dahil lam niya kalokohan ng mga lalaki, it takes one to know one di ba.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: KCs_mum on February 08, 2012, 12:35:26 am
I think hindi siya totoo. Pero, girl ang anak namin ng ex ko na nag-cheat sakin before pako mabuntis. I'm hoping lang na hindi totoo yung pambayad utang. I would never want my daughter to get hurt in any way, lalo na't wala naman siyang kasalanan.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: love elle on February 09, 2012, 08:29:02 am
di ata to totoo. apat kaming babae magkakapatid eh, walang boy, pero di naman babaero dad ko. hahaha!
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: nikaygelo on February 22, 2012, 06:39:22 pm
yes I heard na rin, pero hindi ako naniniwala..kase puro kami babae good boy naman papa ko, si hubby naman eh ako yung 1st at last hehe..baby girl yung first baby namin
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: twelvth_goddess on February 23, 2012, 02:37:46 am
I heard of this na and just think that it's one of the most ridiculous things I've ever heard in my life.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: magilas on February 23, 2012, 12:54:44 pm
again, not only ridiculous, but as i posted before, the saying is highly discriminatory to girls and women.

please sisses, hwag tayo mismo mag discriminate sa sarili natin by saying things na demeaning sa kababaihan.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: tashasabs on April 29, 2012, 10:16:54 pm
Heard of it but don't believe it. It's amusing, though.  ;D I believe connected din ito dun sa kasabihan na yung anak na babae daw kasi ang 'magbabayad' o 'babalikan' kapag nagloko ang tatay. Don't believe that as well, taran***o ang tatay ko pero I turned out okay, I guess. Haha!  ;D

P.S. Hubby got curious about this so pinabasa ko sa kanya yung thread. Then I joked him na siguro nagloko na siya dun sa second and third kids namin kasi girls na. Sabi niya di daw, natawa din siya. So sabi ko umamin na siya kung nagloko na naman siya para alam na namin kung yung pinagbubuntis ko ngayon girl na naman. Sabi niya kung babae na naman daw sige magbibigti na siya kahit wala siyang ginagawang kalokohan. Natawa kami pareho.  :D
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: danel_em on July 10, 2012, 03:44:44 pm
oh my ... sana hindi totoo ito :( sana naman hindi gawing pambayad utang ng mga tatay ang anak nilan babae :D
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: mylittlegabriel on July 10, 2012, 04:56:58 pm
natawa ako sis tashasabs sa conversation nyo ng hubby mo, ahihi!! narinig ko nadin tong pamahiin nato, actually bata palang ako naririnig ko nato paano si papa ko is babaero tpos ako panganay, nagkataon babae, sabi pambayad utang nga daw..ok naman din kasi natakot ako magbf while studying..pero nung nagkabf ako sa first work ko after I graduate, pinagpray ko sya and yun sya na hubby ko ngayon, so I guess hindi totoo na pambayad utang..isa pa wala naman kasalanan ang bata diba...siguro minsan nagrerecur lang sa iba yun parang hindi din successful ang lovelife ng anak na babae or maaring naloko din tapos nagkataon yung tatay eh babaero, napagkokonek lang nila siguro..heheh! gusto ko sana noon na panganay namin girl pero ok naman kasi very healthy si gab and sobrang happy namin nung dumating sya, pero di ko iisipin na nagloko si hubby ko kaya girl kung sakali, hehe! :)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: tashasabs on July 10, 2012, 10:02:14 pm
mylittlegabriel Ang kulit nga sis eh, biglaan lang din yun kaya natawa kami, di kasi familiar si husband sa mga ganitong pamahiin, mas marami akong alam kesa sa kanya. ;)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: chococream on August 09, 2012, 04:23:55 am
yon ang sabi sabi nila. pero para namang wala tayong dyos na pinagkakatiwalaan nyan. Girl ang daughter ko now pero hindi naman daw nagloko si hubby eversince nga nagka anak kami nagtransform na sya...

siguro if sasabihin na ang mga fathers na girls ang anak over protective sa anak na babae yan oo paniniwalaan ko kasi ganyang ganyan ang papa and uncles ko same super sa husband ko. graveh need ko parati alam saan nakuha ang kamot or yong scratch marks ng anak ko pag natanong kasi chinicheck ni hubby whole body ng daughter niya pagdating galing sa work. OA na nga kung minsan.
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: bhea-bhea on August 11, 2012, 12:18:20 am
madaming beses ko nang narinig to.. sana hindi totoo kasi nung preggy pa ako nagloko si hubby pero nung lumabas si baby hindi na.. (sana),... pero as of now ok naman kami ni hubby ayokong isiping pambayad utang lang ang anak ko dahil lang sa ginawa ni hubby tama na yung ako na lang ang umiyak sa nagawa niya at hindi na magsuffer ang daughter namin pagdating ng araw..  dahil wala naman siyang kinalaman dun.. sana nga hindi totoo.. dahil kawawa naman ang mga anak natin kung ganun..
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: cjsiason on August 15, 2012, 11:57:28 am
siguro nga totoo kase according to my mom babae daw si papa..pero nung pinanganak ako nagbago naman daw siya..ewan ko hehe

pero puwede din hindi kase yung partner ko sobrang babaero nun at dami naging babae bago niya ko nakilala at dun nga siya nagseryoso pero yung baby naman namin eh boy..:)
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: analiza on August 28, 2012, 04:37:52 am
totoo ba un? kc ako i have 3 brothers at ako unica hija. at nung mag asawa ako same din i hve 3 boys at 1 girl....pero sa case ng kuya ko,parang na paisip ako.....kc nung d pa sya nag aasawa dami niya girls halos every other day iba2x dinadala niya sa house namin...at the end ayun 4 girls anak niya and only 1 hehe.....
Title: Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
Post by: Morefun on October 20, 2012, 09:50:12 am
huwat??? hahaha, yap narinig ko na yan.  And I don't believe it.  Bakit ang kuya ko, super uber babaero dati, pero lahat ng anak niya lalaki. Unfair kung totoo yun...hahaha, dapat puro babae anak ng kuya ko.   :o